Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Three

270K 4.7K 258
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-THREE

Toledo, Cebu.

More than a month ago...

"DAMN IT! I'll sue those son of a bitch!" sabay hampas ng malakas ni Dylan sa kahoy na lamesa sa harap niya. "Wala nga kasi kaming kinalaman tungkol sa pagsabog noong isang gabi. I was not even in the mining site, for Pete's sake! I don't even know kung bakit may mga tao ng gabing iyon! Fuck!"

            "Calm down, Dylan," mahinahong sabi ng abogado niyang pinsan na si Ramses. Dapat ay nasa bakasyon ito ngayon sa ibang bansa, ngunit agad na umuwi ng Pilipinas nang kailanganin niya ito. "Para namang hindi ka sanay sa gobyerno natin. Hanggang sa may masisisi, sisisihin nila. Nagkataon pa na ang dating mining site ng Guevarras ang katabi ng sumabog na minahan. Kayo ang malapit at saktong may ginagawa along the area kaya sa inyo ang sisi."

            "Huwag kang mag-alala, anak. Gagawin natin ang lahat para makalabas ka rito sa kulungan," ani pa ng Daddy niya na nasa Mindanao na last week upang um-attend sa mga mahahalagang meetings pero bumalik ng Cebu nang malaman ang nangyari sa kanya. Napabuntong-hininga ang ama. "This is all my fault. Kung hindi naman ako nagpatulong sa'yo na ikaw mismo ang umasikaso tungkol sa mga equipments natin dito na ililipat sa Mindanao..."

            "Daddy, wala kang kasalanan," pigil niya agad sa ama. Medyo kumalma na siya dahil sa nakikitang pagsisisi sa mukha ng ama. "Gusto ko rin namang tumulong lalo na ako pa ang COO ng kompanya noon nang itigil natin ang mining operations dito sa Visayas."

            Ngunit, tumutulong na nga lang siya, siya pa ang nakulong. Of course, it's not his father's fault kung bakit nasa kulungan siya ngayon. Wala namang mag-aakala na sasabog ang katabing site ng dating minahan na abandonado na rin at nasa kamay na ng gobyerno. Wala naman silang pinapakialam na mga mining sites. Nag-aayos lang sila ng mga high-end mining equipments nila na matagal na hindi naasikaso magmula nang mapalitan siya sa puwesto.

            Nasa pinakamataas na marahil ng posisyon ang ama ni Dylan sa kompanya at hindi na nito sakop ang ginagawa nila ngayon pero ganoon talaga ang isang Guevarra. Kahit siya man nang COO pa lang siya noon ng kompanya ay madalas din siyang mag-check ng mga operations kahit pa hindi naman na dapat niya ginagawa iyon.

Pero, pinalaki siya ng ama na kung gusto niyang maging effective leader, dapat malaman niya ang totoong nangyayari sa mining sites kung saan kumikita ang kompanya nila. At kahit pa sa Anderson-Monteverde na siya nagta-trabaho, tuloy lang ang pagtulong niya sa ama kapag kailangan nito. May isa siyang pinsan na totoong Guevarra ang pumalit sa puwesto niya ngunit ayaw nitong tumatapak sa mga minahan kaya siya pa rin ang inaasahan ng ama sa ginagawa nila ngayon.

            "Basta malinis ang konsensya ko. Wala akong kinalaman sa pagsabog. Ano bang klaseng utak mayroon ang mga pulis ngayon?!"

            "Huwag kang maingay, may pulis sa likod mo. Kapag bigla kang binaril, tatawa lang ako," nakangising biro ng pinsan.

            Tumalim ang tingin niya rito at nakuha pang tumawa at magbiro ng hudyo! "Just get me out of here! Kailangang makauwi ako sa Manila within this week dahil may usapan kami ni Allana."

Kahit pa lagi siyang inaaway sa telepono ng asawa magmula nang umalis siya ay nasasabik pa rin siyang makasama ito sa bakasyon na pinagplanuhan niya para sa kanilang dalawa lang. "Two days na 'kong hindi nakakatawag sa kanya. Baka nag-aalala na siya."

            "Tsk, tsk, tsk. Nakakulong na nga, babae pa rin nasa isip. Kung hindi mo kasi hinulog ang cellphone mo sa bangin, eh di, sana nakatawag ka bago ka man lang makulong."

            "Para namang sinadya kong mahulog ang cellphone ko sa bangin." Dalawang araw bago mangyari ang maliit na pagsabog ay nasa mining site siya at kausap ang pinsang si Reynald...

            "Ano sa tingin mong mali? Ano kayang ikiinaiinis niya sa'kin?" takang-takang tanong ni Dylan sa pinsan. Naglalakad siya palayo sa mining site para mas makasagap ng malakas na signal.

            Napahinto siya malapit sa gilid ng isang mababang bangin dahil mas luminaw ang boses doon ng kausap.

            "Wow! The great woman's man is worrying for his wife and taking all the blame," panunukso pa nito habang mapang-asar na tumatawa. "You're in deep shit, welcome to the club!"

            Napailing-iling na lang siya at nilagay ang isang kamay sa bulsa. Matagal na niyang mahal si Lana. Hindi niya lang alam kung bakit ayaw paniwalaan ng mga pinsan niya sa una.

"Ano ba kasi talaga, Reynald? Hindi naman maiinis nang ganoon si Allana nang walang dahilan. Three weeks na siyang ganoon! Lagi na lang kaming nag-aaway. There must be something wrong about me or her. Come on, help me. What should I do?" helpless na tanong niya dahil hindi na talaga niya alam kung paanong susuyuin ang asawa habang nasa malayo siya. He could not think straight whenever they have some unsettled issues.

Umalis lang siya, ang hirap nang ispelengin ng asawa.

"Chill, pinsan! Epekto lang siguro iyon nang hormones ni Lana. Buntis ang asawa mo kaya—"

"Buntis?!" bulalas niya na kulang ang salitang 'gulat' para sa reaksyon niya ng mga oras na iyon. "A-Anong buntis?! My wife's pregnant?!"

Hindi agad sumagot si Reynald sa kabilang linya. Para tuloy tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Niloloko ba siya ng pinsan? O totoo talaga ang sinasabi nito?!

"You don't know about it?" takang-takang tanong ni Reynald. "Akala ko naman alam niyo nang mag-asawa at tinatago niyo lang muna sa'min."

Damn, he can literally feel the term 'mixed-emotions' inside him. "I-I... I didn't know about it... Paano mo nalaman?"

"Remember, when she fainted during the family dinner at your house? I checked her pulse, and I knew right away that she's pregnant."

"Bakit hindi mo sinasabi sa'kin?!"

Nakuha pa nitong tumawa. "Because I thought, you two knew it all along and then, you wanted to keep it for yourselves first. Kaya hindi na lang ako nagsalita. Mahilig pa naman kayong mag-sikretong dalawa."

            Hindi na makasagot pa ulit si Dylan. He was momentarily stunned. Naniniwala siya kay Reynald dahil nakapag-practice nga ito sa med school at hindi naman siguro siya lolokohin ng pinsan.

            God, Allana's pregnant!

            Is he happy? Of course, he is! Sobra pa sa sobra!

They never expected or planned for a baby but it's coming!

Oh damn, he's going to be a father!

            Napangiti na lang siya na hindi niya namamalayan.

            Alam kaya ni Allana ang tungkol sa kalagayan nito? Kung alam nito, bakit hindi nito agad sinabi sa kanya? Or baka hindi rin alam ni Allana?

            "Dylan? Dylan?Hello? Pinsan?"

            Ngayong buntis na ang asawa? Ano na bang kailangan nilang gawin? Hindi naman na puwede na itago pa nila iyon dahil darating ang mga buwan, and Lana's tummy will soon blows up.

            Kailangan niyang makausap ang asawa. Kailangan nitong magpa-check up agad kung hindi pa nito alam. O tatanungin niya ito kung alam na ba nito at bakit tinago sa kanya.

            Damn, ilang months ba bago malaman ang gender ng baby nila?

Is it gonna be a boy or a girl? Whoa! He won't mind from either of the two.

            Napalunok siya at hindi niya namamalayan na nakatingin na pala siya sa kawalan habang malakas ang pagtibok ng puso.

            He's excited, isn't he? Oh, damn. Puwede bang magtatatalon sa tuwa?

            Ano kayang magandang pangalan para sa—

            "DYLAN!"

            Dahil sa matinding pagkagulat ay napaigtad si Dylan at nabitawan ang cellphone niya. He muttered an unprintable curse over and over when his phone fell and slid down the cliff!

At wala siyang nagawa para maisalba iyon, tangina!          

"Idiot!" he muttered to himself.

Napatingala siya sa langit na unti-unti nang dumidilim. Kahit pa mababa ang bangin ay hindi naman siya ganoon ka tanga para pilitin pang kunin iyon.

"You're a fucking moron, Dylan Javier Anderson Guevarra!" kastigo niya sa sarili at pilit na inaaninag kung hanggang saan ang naihulog ng cellphone niya. Ngunit, hindi na niya matanaw iyon. Kailangan niyang makabili agad ng bago at hindi naman mahirap para sa kanya iyon. Ang kaso nasa taas sila ng bundok, saan naman siya makakabili ng bagong cellphone at sim mula roon?

Nasipa niya ang isang malaking bato at magkasalubong ang mga kilay na bumalik ng mining site. Pagabi na at pauuwiin niya na ang mga tauhang nagku-kumpirma sa mga makina nila na gumagana pa.

            Ngunit, habang naglalakad pabalik ay unti-unting nawala ang pagkagalit niya sa sariling katangahan at bumalik na naman sa isipan niya ang pagbubuntis ni Lana.

Sa lahat nang nahulugan ang cellphone sa bangin, siya ata ang todo ngiti pa habang pinapatigil na ang pag-che-check ng makina sa mga tauhan.

            "Ser, ayos naman ho ang mga excavators at dragliners natin. Puwedeng-puwede pa pong magamit. Kaunting langis at linis lang po," ani ng isang tauhan na eksperto sa mga pag-e-eksamin ng makina.

            Napatangu-tango siya. "Madadala pa iyan sa Mindanao, kung ganoon. Ipahanda mo na ang mga papeles para diyan at pipirmahan ko na pagkatapos ng pagtse-check ulit bukas," utos niya rito. "Ano pa bang hindi natitignan?"

            "Mga drills at roof bolters na lang,Ser!" tukoy pa nito sa mga higanteng equipment nila. Sa ginagawa nilang iyon ay mahigit sampung tao lang naman ang nasa buong site.

"Alright. Great job. Pauwiin mo na ang iba. Padilim na at ang nasa lisensya natin ay hanggang alas-singko lang tayo rito," bilin niya pa rito at saka mabilis na nagpaalam.

Nagmamadali siyang sumakay sa kotse na sadyang pinagamit sa kanya ng ama para sa mga pag-akyat at pagbaba ng bundok. Mabilis siyang nagmaneho pababa ng bundok at naghanap ng pinakamalapit na mall sa probinsiyang iyon ng Cebu. Paikot-ikot na siya, ngunit wala namang nakita. Isip na siya ng isip nang paraan kung paano mako-contact si Lana.

Pagkatapos ng apat na oras na pag-iikot at wala pa rin siyang makita ay umuwi na lang siya sa pansamantalang tinutuluyang apartelle. Maybe, he could just use the landline to call her.

Ngunit, hindi na nangyari iyon.

Dahil pagdating niya sa tinutuluyan ay sinalubong na siya ng mga pulis at kahit walang warrant of arrest ay puwersahang isinama siya sa presinto dahil siya daw ang may pakana nang pagsabog ng katabi nilang mining site...

"The police just interrogated you at first, right?"

"Oo. Pero pagkatapos ng interrogation, biglang may warrant of arrest na sila," sarkastikong sabi niya at saka napahampas na naman ang kamay sa lamesa. "This is a fucking manipulation! I've been detained for two days, Ramses! Ilabas mo 'ko dito!"

"Hijo, makakalabas ka dito. That's for sure. For now, kailangan nating maghintay ng isang linggo para—"

"What?! A week?" napatayong bulalas niya. "Daddy, b-bakit isang linggo?" He'll continue to stay in that hell for a week?!

"Dylan, ganito kasi iyon," sumeryoso na ang pinsan niya habang nakatingin sa kanya. "Lahat ng puwedeng rason para sumabog ang katabing mining site ay nakaturo sa team niyo. Dapat lahat kayo ang nakakulong ngayon pero extremely injured nga ang ilan. May mga nasira na rin kayong makina. Maliit na pagsabog pero sobrang laki pa rin ng pinsala niyon sa bundok. Nagagalit ngayon ang mga residente ng bayan. At dahil ikaw ang walang natamong injury, tingin nila, ikaw talaga ang nag-plano niyon."

Nahilot niya ang kanang sentido. Hindi lang basta pulis ang kalaban niya pero ang buong residente ng bayang iyon. "Hindi ba nila naisip na baka naman mga rebelde ang gumawa niyon? Ano namang mapapala ko sa pagpapasabog ng kabilang minahan kung masisira ang mga equipments namin?"

"May rebelde ba dito sa Cebu?"

"Malay natin. Bundok iyon. Puwedeng pagkampuhan. Basta, inosente ako. At may written permission kami galing sa MGB ng DENR para makapasok kami sa mining site to check on with the equipments." Napasandal siya sa kinauupuan at napatingala. "This month, I've been to Samar, Leyte, and Iloilo. Nagawa naming ma-check ng matiwasay at maipadala ang mga equipments sa Mindanao. Ngayong huli na lang at saka nagkakaganito?"

Naramdaman niya ang pagpitik ng sentido. Dalawang araw na siyang walang maayos na tulog. Sino ba naman kasing makakatulog sa maliit, masikip, at mainit na kulungan sa isang provincial town jail?

Paano siyang makakatulog kung nasa likod siya ng mga rehas at isip siya ng isip kung paanong makakausap ang asawa? Bawal pa naman siyang gumamit ng kahit anong aparato na magagamit na komunikasyon sa labas ng kulungan. Ang tanging makakausap niya lang ay ang ama at si Ramses.

"Dylan, naka-schedule kasi ang town hearing sa susunod na linggo pa. Doon, puwede nating ilabas ang lahat ng katibayan na wala kang kinalaman sa mga nangyari."

"Pagkatapos ba niyon, siguradong makakalabas na 'ko?"

"Hindi ko pa sigurado," diretsang sabi ni Ramses. "Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa sumabog na minahan. Hihintayin pa natin ang resulta niyon. Ngayon, alam mong hindi ka puwedeng piyansahan dahil non-bailable ang sinampang kaso ng mga 'netizens' sa'yo."

Nasapo niya ang noo. "Hell, I have a bad record now because of this crap! Jail record! At ang kaso ko, illegal mining?! Dating COO ng isang sikat na mining company, nakulong dahil sa kasong illegal mining?!" tuya niya at saka napailing-iling.

Fuck the police! Fuck this country's system! Fuck the judgmental people of this goddamned country!

Napabuntong-hininga ang ama niya. Mas tumanda ito ng maraming taon dahil sa pag-aalala nito sa kanya ngayon. "Gusto ng Mommy mo na puntahan ka dito sa Cebu. Sisiguraduhin naming mabisita ka araw-araw, anak."

"Do you want me to tell Lana where are you now?" singit ni Ramses.

Marahan siyang umiling. "Sobrang mag-aalala si Allana kapag nalaman niyang nakakulong ako." Alam niyang masama sa buntis ang masyadong nag-aalala. Baka bigla pang lumipad papunta roon ang asawa para makita siya at madamayan. Ayaw niyang makita siya ni Lana na nasa likod ng mga rehas. It may stress her. Masama sa baby.

"Mas mag-aalala siya kapag wala siyang narinig mula sa'yo."

Napapikit siya at napatingala. "Alam niyang babalik ako next week. Kung masasaktong mailabas ako rito sa susunod na linggo, makakauwi ako sa tamang oras. Doon ko na lang ipapaliwanag sa kanya ng harapan. Isa pa..." Nahagod niya ang batok. "Nagkatampuhan kami, baka galit pa rin iyon hanggang ngayon sa'kin."

"Tapos na po ang visiting hours," ani ng pulis sa likod niya.

Walang nagawa si Dylan kundi tumayo. Hindi na siya nilalagyan ng posas dahil sumusunod naman siya sa mga pulis. Nagpaalam na siya sa pinsan at sa amang may tingin ng pag-aalala sa kanya.

"I'll be okay," nasabi na lang niya. "Just make sure, I won't spend Christmas and New Year in here."

Pagbalik niya sa dalawang araw na niyang tinutuluyang selda, bumalik lang siya sa maliit na puwesto niya isang gilid ng pader na nasa likod mismo ng rehas. Pinagtinginan lang siya ng sampung kasama niya sa maliit na kulungang iyon. May mga matatandang kalbo at may mga kaedaran niya siguro na nagkukuwentuhan sa sariling lengguwahe ng mga ito. Ang iba ay naglalaro ng baraha. Wala siyang nakakausap sa mga ito dahil parang ilag sa kanya. Unang pasok ba naman niya doon ay halatang mamahalin ang damit niya at nagmumura siya sa wikang Ingles, kaya siguro walang kumakausap sa kanya. Lagi pang masama ang timpla niya dahil hindi pa rin humuhupa ang galit sa walang pakundangang pagkakakulong sa kanya. This is just fucking unfair!!!

Umayos siya ng upo at tinukod ang isa niyang braso sa isang nakataas niyang tuhod. Sinandal niya ang ulo sa matigas na pader. Isang linggo... isang linggo pa siyang mananatili roon?

Parang bumabalik si Dylan sa pagkabata niya... iyong mga panahon na nasa bahay ampunan pa siya. Mahirap ang buhay. Ayaw niya nang maranasan ulit iyon. Ayaw niya ang pakiramdam na nakakulong at napakaraming bagay na hindi puwedeng gawin.

But, how ironic, he's currently in jail. Bumalik pa talaga siya sa sitwasyon na ayaw niya nang matandaan pa. At katulad sa ampunan, wala siyang magagawa kundi maghintay lang upang makalabas o makaalis doon.

Hindi namalayan ni Dylan na nakaidlip pala siya. Nagising lang siya dahil sa pagpukpok ng isang pulis sa bakal na rehas. Hapunan na pala. Nang lumabas ang mga kasama sa selda ay sumunod na lang rin siya.

Sumusunod si Dylan sa mga patakaran sa kulungan. Dahil kung hindi, mapag-iinitan siya roon. Simpleng rule iyon na natutunan niya rin sa bahay ampunan noon. Kapag may sinuway silang utos, pingot ang aabutin nila at isang buong araw na hindi puwedeng maglaro sa labas ng kuwarto.

Habang kumakain ng hapunan, tahimik lang siya. Hindi na siya umaangal pa sa walang lasang pagkain. Nasa isip niya—isang linggo lang. Isang linggo lang ang dapat niyang tiisin.

Pagkatapos kumain ay balik na sa kulungan at maghahanda na sa pagtulog. May sarili na siyang unan at comforter na ibinigay sa kanya ng ama. May ilang piraso rin siyang shirt, underwear at jogging pants.

Kahit Christmas season na, walang talab ang maliit at lumang electric fan na pinaghahatian nilang sampu sa loob ng seldang iyon. Kapag nag-comforter siya, lalo siyang maiinitan. Ngunit, malamok naman kapag hindi siya nagtalukbong.

So, magtitiis siya sa init sa loob ng comforter o made-dengue siya? Of course he'll chose the first. Pilit niyang siniksik ang sarili sa dati pa ring puwesto. Nakaupo pa rin. Masyado siyang malaking tao at hindi siya kasya kapag humiga.

Lumipas ang mga araw. Sa umaga, pagkatapos ng agahan ay pinaliligo at paglilinis sila. Kakain lamang ng tanghalian at sa hapon, binibisita siya ng Daddy niya at kasama na ang Mommy niya. They'll maximize the visiting hours hanggang sa pabilikin na siya ulit ng selda. Maghihintay lang siya ng hapunan at pagkatapos ay matutulog na.

Araw-araw ay ganoon lang ang naging routine ni Dylan sa loob ng kulungan. Wala pa ring kumakausap sa kanya sa loob at wala na siyang pakialam doon. Tutal, ilang araw na lang at makakalabas na siya.

***

"TANG INANG iyan! What the fuck are on their heads?" gigil na gigil na sabi ni Dylan.

            "Dylan," mahinahong saway sa kanya ng ina na katabi niya.

            "Ang unfair, Mommy! Dahil wala pang findings ang nangyaring pagsabog, they will hold me in here?! Ibinalandra na nga ang mga ebidensya sa harap nila na walang ilegal na minahan na nangyayari, but still, they will not let me out?! What kind of fucking decision is that?!"

            Ang susunod na hearing ay pagkatapos pa ng bagong taon. That means, he'll be celebrating Christmas and New Year in jail, for fucking sake!

            Binalingan niya ang pinsang abogado. "Ram! Anong nangyari, bakit kailangan pa rin akong i-hold? Hindi ko maintindihan!"

            "The local government system sucks," sagot lang nito at nagtiim ang mga bagang. "Nagpapabango sa mga residente ang mga opisyal dito. Kaya habang sa'yo galit ang mga environmentalist citizens, they will indulge the angry mob and keep you locked behind bars."

            "Fuck!"

            "Anak, huminahon ka, please?" pakiusap na ng ina at hinawakan siya sa braso. Kitang-kita niya na malapit na itong maiyak.

            Napapikit siya at pilit kinalma ang sarili para sa ina.

            "I arranged for a news blackout. Hindi malalaman ng buong press ang tungkol rito," sabi ng isa pang abogado na kasama nila ngayon. Ito ang abogado ng kompanya.

            "Dapat lang," sabi ng ama niya na kanina pa tahimik. "Ayokong makaladkad ang pangalan ng anak ko dahil lang sa maling pagbibintang ng mga tao rito. Walang kasalanan ang anak ko. Kailangan agad siyang makalabas rito."

            "Sa susunod na settlement, sisiguraduhin po naming makakalabas na si Sir Dylan," sagot pa ng abogado.

            "We got their technique, Uncle," mariing pahayag ni Ramses. "We will clear his name right infront of those people after the New Year. Makakalabas din siya agad. Hindi aabot si Dylan rito hanggang sa birthday niya."

            "Dapat lang!" asik niya rito. February ang kaarawan niya, and hell, he won't be staying there for two months more! Gusto na niyang makalaya at makauwi ng Manila.

Damn, he missed Lana so much! Kaya niya kinaya ang isang linggo sa loob ng kulungan dahil lagi na lang niyang iniisip si Lana at ang magiging baby nila. It was like his strength for the last week. Kasabay rin niyon ay lagi siyang nagdadasal na sana ay maging maayos lang ang asawa at sana maintindihan siya nito kung bakit hindi niya masabi rito kung nasaan siya ngayon.

Oh, heaven knows how many times he wanted to cry. Kasabay kasi nang pagkakakulong niya ay lagi namang bumabalik sa kanya ang mga alaala niya noong nasa bahay ampunan siya lumalaki. Being in jail puts back the painful memories of his childhood before he met his good and wonderful adoptive parents now.

Para siyang naging ang anim na taon na batang Dylan ulit. Weak. Scared. Vulnerable. Helpless.

Napabuntong-hininga siya. "Kumusta na pala ang mga tauhan natin? Nakalabas na ba sila ng ospital?" tanong niya para maiba ang usapan at mapigil niya ang emosyon.

"Nasa ospital pa rin sila. Doon na rin siguro sila magpapalipas ng Pasko..." imporma ng kanyang ama.

            Nakikinig naman siya kahit minsan ay lumiliko ang utak niya sa pag-iisip kung paanong ipapaliwanag kay Lana na hindi na matutuloy ang plano niyang bakasyon para sa kanilang dalawa. Paano niyang ma-assure si Lana na babalikan niya ito na hindi sinasabi kung anong kalagayan niya?

            Sa totoo lang, nahihiya siyang malaman nito na nakakulong siya ngayon. Gusto niya itong mayakap at mahalikan ngayon pero hindi lang talaga puwede. Ayaw niyang makita nito ang itsura ng isang 'presong Dylan'.

            Bago matapos ang visiting hours ay may binilin siya sa ina. "Mommy, pagbalik niyo bukas, dalhan mo 'ko ng isang greeting card na puwedeng sulatan ng message. I just want to write something for my wi—for Allana." Napalunok siya. "Then, help me to send it to her with a basket of roses."

            Hinawakan ng ina ang magkabila niyang pisngi. "Yes, baby Dylan. I will." Masuyong hinalikan siya nito sa noo. "Mag-iingat ka rito, anak, ha? Babalikan ka namin bukas."

            Pagkaalis ng mga ito ay bumalik na rin siya sa selda. Balik sa dati niyang puwesto at nilabas sa sports bag ang mga gamit na inempake niya na kanina.

Magtatagal pa siya doon ng mahigit isang linggo.

***

Christmas Eve.

NAKATINGALA si Dylan sa madilim na kalangitan. Dahil nasa probinsiya, tadtad ng mga bituin doon at napakaliwanag ng buwan. Pinayagan ng gabing iyon ang mga inmates na magsaya sa malaking bakuran ng kulungan. Pero, hindi siya nakikisali sa ilan. Tahimik lang siya sa isang tabi at nakatingala sa langit.

He never experienced that he'll spent the Christmas Eve in jail. Mamayang umaga, buong araw na puwedeng tumanggap ng bisita kaya naman doon sila magse-celebrate na pamilya.

            Humugot siya ng malalim na hininga at sinipat ang kamay na may wedding ring. Mapait siyang napangiti nang maalala na naman na dapat ay wala siya doon. He should be in Baguio with her wife. They could have spent the holidays with sweet talks and passionate nights. But fate has its own plans.

            Nilaro-laro niya ang singsing sa daliri habang nakatingala sa langit. Umihip ang malamig na simoy ng hangin. "Merry Christmas, Allana... I miss you so much." bulong niya sa hangin na para bang makakarating nga iyon sa asawa. "I hope you would receive my letter. Please, take care for me and the baby." I love you...

            Nang mas lumalim na ang gabi ay pinapasok na sila sa mga sarili nilang selda. Bumalik sa puwesto niya si Dylan at saka binalot ang sarili ng comforter habang yakap-yakap ang isang unan. Hindi siya makatulog kahit ang iba niyang mga kasama ay nagsihilata na sa kanya-kanyang puwesto at malalakas na ang hilik.

            He was thinking of Allana all the time. Ayaw niyang isipin ang hirap niya sa mga nakalipas pang mga araw. Mas marami nang pinalilinis sa kanila sa loob ng kulungan. Nag-uumpisa na ring bumaliktad ang sikmura niya sa mga pagkain roon. Pero, kailangan niya pang maghintay ng isa pang linggo para sa susunod na hearing ng walang kuwentang kasong binabato sa kanya.

            Nasubsob niya ang mukha sa unan na kipkip. Sa bawat gabi, nararamdaman niya ang pag-iisa. Parang katulad noong nasa bahay-ampunan siya. Malungkot ang walang kausap at nakakabaliw na mag-isip ng mga bagay na parang hindi naman mangyayari.

            Allana...

            "Sino ang iniisip mo?"

            Napapitlag si Dylan sa puwesto at biglang napaangat ng tingin. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang isang matandang inmate na kasama niya sa selda. Katapat niya ito at magkapareho sila ng puwesto. Naririnig niyang ang tawag rito ay 'Manong Bong'. Maliit na matanda na puro puti na ang buhok at marami na ring kulubot sa mukha.

            "Iniisip mo siguro ang pamilya mo, ano?" pagta-Tagalog pa nito na may matigas na punto pa rin ng bisaya. "O ang uyab nimo?"

            "U-Uyab?"

            Ngumiti ito. "Nobya. Gerlpren."

            Napatingin ulit siya sa kamay kung saan nakasuot sa daliri ang wedding ring niya. "Asawa ko po. Iniisip ko ang asawa ko."

            "Nami-miss mo na?"

            Napabuga siya ng hangin at saka tumango.

            "Hindi niya ba alam na nanditoka?"

            Umiling siya at tinignan ito. "Nasa Manila ho siya. Ayaw kong ipaalam na nandito ako. Baka mag-alala siya."

            "Akala ko, asawa mo? Puwede ba yun? Hindi niya alam kung nasaan ka?" tanong pa nito.

            Nagkibit-balikat siya. "Komplikado po ang sitwasyon naming mag-asawa. Hindi po normal ang pagsasama namin pero maayos naman po kami." Hindi niya alam kung nakuha ba nito ang sinabi niya.

            Napakamot ito sa ulo at medyo natawa. "Hay nako, mga kabataan. Hindi ko na maintindihan kung anong trip niyo sa buhay ninyo."

            Napangisi na lang siya.

            "Ang tatag mo, dong. Mahigit isang linggo mo kaming hindi kinausap."

            "Pasensya na po... H-hindi ko lang po kasi alam kung anong sasabihin..."

            Tumangu-tango ito. "Mukha kang datu. Mayaman. Bakit ka naman nakulong sa kulungan ng maliit na bayang 'to?"

            Siguro dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ni Dylan ay napakuwento na lang siya sa matanda na halata namang nakikinig at interesado sa mga sinasabi niya.

            "Lahat nakaturo sa'yo, ganun?" tanong pa ng matanda pagkatapos niyang buong isinalaysay ang kuwento rito.

            "Parang ganoon na nga 'ho."

            "Alam mo, unang kita pa lang namin sa'yo ng mga kasama ko rito, alam naming mukha ka namang iyong mga tipo na hindi nakukulong. Pero mapanlinlang nga naman ang mga itsura ng mga tao ngayon, hindi mo naman masisisi rin ang mga residente rito kapag pinagbintangan ka."

            Napatingin siya rito. "Napaka-unfair lang 'ho. Nagta-trabaho lang ako ng maayos, ako pa ang masama. Malay ko ba sa pagsabog na nangyari sa katabing site? Kung ako talaga ang may gawa niyon, bakit ko ibubuwis ang buhay ng mga tauhan ko? Lahat sila ngayon nasa ospital pa rin dahil sa sinasabi nilang pakana ko." Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "What the hell, right? Nasaan na ba ang common sense ng mga tao ngayon?"

            "Makakalabas ka rin dito. Sabi mo ay mas marami naman kayong patunay na hindi kayo gumagawa ng illegal mining. Pagkatapos ng susunod na hearing mo rito sa bayan, mapapatunayan mo sa mga tao na wala kang sala. Sa ngayon, isipin mo na lang na iyong mga galit na tao, takot lang uli sila na may mangyari na namang masama sa kinalakihan nilang bayan dahil sa mga minahan dito noon."

            "Pero hindi po tamang mambintang."

            "Kapag galit ang tao, naghahanap nang sisisihin."

            Kumuyom ang kamay niya at napabuga ng hangin.

            "Pero bilib din ako sa'yo. Dalawang linggo ka na dito pero kahit minsan, hindi kita nakitang umangal sa paglalampaso ng sahig at pagkain ng mga pagkain rito. Kahit dito sa loob ng kulungan natin, hindi kita nakaringgan ng kahit anong pag-angal diyan sa maliit mong puwesto."

            "Umaangal din po ako sa isip ko.Pero kailangan kong magtiis. Naranasan ko naman dati yung mga nararanasan ko ngayon."

            "Naranasan mo maghirap? Saan naman?"

            "Sa ampunan po. Doon po kasi ako nagkaisip. Imbes na naglalaro, mahigpit mo ang mga bagay roon parang katulad dito. Bago kami makapaglaro, pinaglilinis muna kami. Mga wala ring lasa ang pagkain, paulit-ulit pa. Mayayaman lang po ang umampon sa'kin kaya nakaranas po ako nang maalwang buhay."

            "Hindi na bago sa'yo ang mga nangyayari rito, ganoon ba?"

            "Parang ganoon na nga po." Napatiim-bagang siya nang maalala na naman ang mga pinagdaanan niya noon sa ampunan.

Bilang isang bata na lumalaki, mas mahirap sa kanya ang lahat ng bagay noon dahil hindi niya pa kilala ang kalakaran sa mundo niya. Pitong taong gulang siya nang makaalis roon pero maraming alaalang tumatak sa kanya.

            Hindi naman sa masama ang mga nag-aalaga sa kanila sa ampunan. Masyado lang kasing marami ang mga bata na kailangan ng estriktong pagdidisiplina upang maging maayos ang lahat. He never enjoyed life until he was adopted.

            "Mukhang... may sama ka ata ng loob sa ampunan mo dati, ah."

            "Wala naman 'ho," iiling-iling na sabi niya. It's not about the orphanage really, it's about his childhood and his questions that was never answered. Matagal niya nang nakalimutan ang mga iyon but it was triggered back these past few days. "May mga bagay lang na bumabalik kahit gusto ko nang kalimutan."

            "Katulad ng?"

            Tinignan niya ang matanda. Kaya niya kayang sabihin rito ang mga bagay na kahit kailan hindi nalaman ng mga taong malalapit sa kanya? Mga saloobin niya na buong buhay niyang kipkip? Ang mga tanong niya na hindi naman na niya hinanapan ng kasagutan?

            Napatungo siya. "When I was a kid, sabi nila iniwan ako ng mga magulang ko sa bahay ampunan kasi hindi ako kayang buhayin. Nang magbinata ako at bumalik sa ampunan para magtanong tungkol ulit sa mga magulang ko, biglang sasabihin sa'kin na, hindi naman talaga mga magulang ko ang hindi nag-iwan sa'kin. Nagkaroon daw ng malawakang sunog sa tinitirhan ng pamilya ko. I was saved by a neighbor. Kaso, iniwan ako sa ampunan dahil wala namang pambuhay sa'kin." Bahagyang kumirot ang dibdib niya. Maraming version pa siyang narinig kung paano talaga siya napadpad sa ampunan na ikinagulo na ng isip niya.

"Marami pa 'kong tanong tungkol sa totoong pagkatao ko. Siguro, kahit pa sabihing maganda na ang buhay ko ngayon, hindi pa rin maiaalis sa isang katulad ko na alamin kung saan talaga ako nanggaling."

He can't believe that it's Christmas and here he is—in a jail, talking to an old inmate about his deepest pain. "Masakit na tanggapin na matagal ng hindi masasagot ang mga tanong ko."

            "Alam mo," sabay turo sa kanya nito. "May mga bagay dito sa mundo na hindi mo na kailangang malaman pa ang sagot kahit pa may mga tanong ka pa. Ang Diyos, gumawa siya ng mga bagay na isang malaking katanungan para sa'tin... pero hindi mo misyon na sagutin iyon."

            Napakunot-noo siya. "Bakit may tanong kung hindi mo hahanapan ng sagot?"

            "Kailangan mo lang kasi tanggapin na may mga tanong na hindi naman laging may kasagutan."

            His forehead creased. "I just have to accept the fact that I was an orphan? That it's my destiny to be one?" bulalas niya sa mahinang boses upang hindi magising ang mga kasama. "Kailangan ko lang tanggapin ang kung anu-anong istorya tungkol sa kung paano ako naulila?"

            Tipid na ngumiti ang kausap. "Kailangan mo lang tanggapin na kung ano ka ngayon, hindi mangyayari kung wala ka sa ampunan noon. Ano ba ang iniisip mo? Na hindi kumpleto ang pagkatao mo kung 'di mo malalaman kung saan ka talaga galing?"

            "Hindi naman masama kung hangarin ko pong malaman iyon."

            "Pero minsan, matuto na lang muna tayong makuntento sa kung anong binigay muna sa'tin ngayon," he wisely said. "Nakita ko na araw-araw, binibisita ka ng mga umampon sa'yo. Araw-araw, hindi nila problema na magpabalik-balik sa maliit na presinto na 'to para laging masigurado ang kalagayan mo. Mahal na mahal ka nila at sa nakikita ko, nabigay nila lahat sa'yo ang pagkalinga ng isang pamilya. Bakit kailangan mo pang hanapin ang mga wala, eh, nandyan na ang pamilyang nakapalaran para sa'yo?"

            Natigilan siya at walang maisagot sa matanda.

            "Siguro rin,dong, mali ang tanong mo," dagdag pa nito. "Di'ba ang tanong mo kung saan ka ba talaga galing?"

            Tumango siya.

"Baka naman ang tamang tanong ay saan ka papunta mula sa pagkaulila? At matagal nang nasagot iyon mula nang ampunin ka at mabigyan ng magandang buhay ng pamilya mo ngayon."

            Mula sa sinabi nitong iyon ay biglang napaisip si Dylan. Oo nga naman, bakit siya lingon nang lingon at pilit pa ring humahanap ng sagot sa bagay na dapat ay hindi niya na siguro kailangang itanong pa?

            Kung hindi siya lumaki sa bahay ampunan, hindi siya aampunin at hindi niya mararanasan ang pagmamahal ng Daddy Angelo at Mommy Venus niya. Hindi siya magkakaroon ng mga pinsan katulad nina Kuya Bari at Agatha... hindi niya rin makikilala si Lana.

            "Tanggapin mo kung ano 'ka ngayon—hindi mo man alam kung saan ka nagmula. Nakikita ko sa mga mata mo na ramdam mo pa rin ang sakit ng pagiging isang ulila. Kung di mo matatanggap ng buo ang pagkatao mo, may masamang epekto iyan."

            "P-po?"

            Mataman siya nitong tinitigan kahit pa medyo madilim na ang ilaw nila. Hindi kasi pinapatay ang ilaw kahit gabi sa selda. "Magandang lalaki ka. Sa postura mo, alam kong maraming babae ang nag-aagawan sa'yo. Pero, aminin mo... insecured ka. Lalo na sa mga bagay na gusto mong manatili sa'yo."

            Napanganga siya rito. Paano nito nabasa iyon sa kanya?

            "Nag-aral ako ng Psychology sa una. Two years nga lang pero marunong talaga ako bumasa ng sitwasyon," sagot nito sa katanungan niya sa isip. "Mali ba 'ko nang konklusyon ko sa'yo?"

            Napayuko siya at umiling.

            "Huwag ka mag-alala, dong. Kaya mong maagapan ang insecuritymo. Lalo na at aware ka naman, hindi ba?"

            Tumango siya.

            "I-pokus mo ang sarili mo sa ngayon. Puwede kang sumulyap-sulyap sa kahapon. Pero, yakapin mo ang buong pagkatao mo. May mga mapagmahal kang magulang at may asawa ka pa. Ibig sabihin, minahal ka nilang buo kahit wala rin naman silang alam kung saan ka talaga galing."

            Tama ba ang nararamdaman niya sa dibdib? Bakit parang... gumaan iyon? Was that mean, it was heavy all along?

            "Sige na at magpahinga na tayo. Masaya mamayang umaga sigurado. Dagsaan ang mga kapamilya natin." Humiga na ang matanda sa isang nakalatag na manipis na karton at saka nagkumot.

            Napapikit-pikit pa si Dylan dahil sa nangyaring pag-uusap. The old man words struck right through his heart. It was painful for it was true—all of what he had said.

            Sa unang pagkakataon sa nakalipas na dalawang linggo niya sa kulungan... nagawa niyang humiga sa manipis na karton at makatulog ng mahimbing.

            Kaya naman pagkagising kinabukasan ni Dylan ay naramadaman niya ang kakaibang kasiyahan sa paligid. Kahit nasa kulungan, masaya ang mga nasa selda. Pagkatapos na pagkatapos pa lang niyang maligo ay agad siyang tinawag ng pulis dahil nandyan na daw ang bisita niya.

            He felt excited to see his parents. Kahit pa araw-araw niyang nakikita ang mga ito ay iba na ang naging dulot sa kanya ng pag-uusap sa kanila ni Mang Bong.

            It was like an enlightenment to him. A full one.

            Pagkarating niya sa maliit na visitor's area ay nakita niya ang mga magulang. Nakaakbay ang Daddy sa Mommy niya. His mother was smiling gently while waving her hand to him. Matatanda na ang mga ito ngayon...

            Habang papalapit sa mga ito ay parang bigla siyang bumalik sa araw nang ampunin siya ng mga ito.... Ganoong ganoon rin ang puwesto ng mga ito, ngunit mas bata pa ang mga itsura.

The excitement he felt when he knew they're gonna be his new parents, was exactly the same anticipation he's feeling right now while looking at them.

            "Sige na, lapitan mo na sila. Magpapakabait ka." nakangiting sabi ni Mother Superior sa batang si Dylan. Binitiwan nito ang kamay niya.

            Napangiti ng malaki ang batang lalaki at saka tumakbo papunta sa direksyon ng mga bago niyang magulang.

            "Dylan!" nakangiting tawag sa kanya ni Tita Venus—ang bago niyang nanay. Lumuhod ito at ibinuka ng malaki ang mga braso.

            Mabilis na yumakap si Dylan rito. Ang higpit ng yakap ng bago niyang nanay sa kanya. Niyakap rin sila ng bago niyang tatay na si Tito Angelo.

It was the first time... he felt complete.

            "Mommy," anas ni Dylan habang nakayakap nang mahigpit sa matanda na ngunit maganda pa ring ina. Mas malaki siyang di hamak rito.

            "Merry Christmas, Dylan," malambing na sabi ng ina habang hinahagod-hagod ang likod niya. "Kumusta ang Christmas Eve ng baby ko rito?"

            Sa lahat siguro ng thirties na lalaki na b-ine-baby talk pa ng ina minsan, siya lang ang natutuwa at napapangiti pa.

            "It was... enlightening," makahulugang sabi niya ngunit hindi na siya nagpaliwanag pa. Bumaling siya sa ama at niyakap rin ito. "Merry Christmas, Daddy."

            Tinapik-tapik ng ama ang likod niya. "You seemed happy. Getting used to jail life?" biro nito na ikinatawa nila.

            And that was the first time Dylan laughed genuinely, magmula nang makulong siya. They spent the whole Christmas day talking, eating, and reminiscing. Just the three of them—a happy family.

            Nanatili pa rin ang mga katanungan sa isip ni Dylan, ngunit hindi na siya naghahanap ng sagot. Dahil baka nga, hindi naman kailangan iyon. Dahil may mga sagot naman kahit walang tanong. Katulad ngayon.

            Hindi niya minsan noon natanong kung ano nga ba ang kapalaran ng isang ulilang tulad niya.  But, there's an answer.

            He was meant to be a Guevarra—to be Dylan Javier Anderson Guevarra.

***

Last day of the year...

"MUKHANG problemado ka, ah?"

            Napaangat ng tingin si Dylan kay Mang Bong mula sa pagma-mop niya ng sahig ng paliguan. Mula nang mag-usap sila nang matanda noong bisperas ng pasko ay ito na ang lagi niyang kau-kausap sa nagdaan pang isang linggo. May ilang inmates na rin siyang nakakausap pero halatang ilag pa rin ang iba sa kanya. Ang sabi ni Mang Bong, nahihiya daw magtagalog ang mga tao roon kapag kausap siya. Kaya minsan ay nagpaturo siya ng basic Cebuano language para kahit papaano, nakakaintindi siya at nakakahalubilo sa mga ito.

            "Naalala ko lang po ang asawa ko," he truly said. Hininto niya ang ginagawa at pinunasan ang pawis sa mukha gamit ang tuwalyita na nakasabit sa leeg niya. Then, he ran his fingers to his hair. Napatingala siya at napabuga ng hangin. "Damn, I miss her!"

            "Hindi pa pala natin napag-uusapan ang asawa mo, ano? Di'ba nabanggit mo noon na komplikado ang sitwasyon niyo?  Dahil ba doon kaya hindi mo masabi na nandito ka?"

            Ibinalik ni Dylan sa tamang lagayan ang mop. Nilagay niya ang isang kamay sa bulsa ng jogging pants na suot at saka isinandal ang likod sa pader ng malaking paliguan.

            "Hindi naman po. B-Buntis kasi siya, Mang Bong. Baka masyadong mag-alala na nasa kulungan ako ngayon." Napabuga siya ng hangin. "Nagbigay po ako sa kanya ng sulat para sabihing ayos lang naman ako at ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat pagbalik ko. Pero hindi ko pa rin sinabing nakakulong ako."

            Humalukipkip ang matanda. "Naiintindihan ko. Eh, puwede ba 'kong magtanong kung anong komplikado sa sitwasyon niyong mag-asawa?"

            Hindi naman na mahirap kay Dylan na mag-open up ulit rito dahil nagawa na niya iyong una pa lang. And so, he found himself telling his and Lana's story to the old man. Of course, hindi naman lahat. He skipped the sexy times.

            Pagkatapos niyang magkuwento ay tatawa-tawa ang matanda. "Mag-asawa kayo pero magkasintahan lang kayo sa harap ng mga tao? Aba, ibang klase!" Iiling iling pa ito. "Pero, nagka-develop-an kayo sa panlilinlang na ginawa niyo. Ibang klase talaga!"

            Napangiwi siya sa sinabi nito. He must admit, nagi-guilty na siya sa pagtatago nila ni Lana. Ngunit, nirerespeto niya ang mga desisyon ng asawa kung hindi pa itong handa na mamuhay bilang isang totoong asawa niya talaga. He can't blame her, gusto pa nitong maranasan ang mga bagay na nararanasan dapat ng isang dalaga.

            "Mukhang lahat ng gusto ng asawa mo ay sinusunod mo, ano?"

            Tumango siya. "I want to please her so much. Self-seeking siya kaya, heto ako, indulging her. Ibibigay ko lahat ng gusto niya. Para sa kanya, gagawin ko lahat."

            Ngumiti si Mang Bong. "Nindot jud kaayo ang kanang attitude ba!" Maganda daw ang ganoong attitude. "Ang mga babae, 'yan ang gusto sa mga lalaki. Pero, aminin mo, hindi lang yan dahil mahal mo siya kaya ganyan ka. Ayaw mong mawala siya sa'yo kaya gagawin mo lahat para manatili siya sa'yo. Papayag ka sa kahit na ano, huwag lang siya mawala sa'yo. Iyan ang sinasabi kong epekto ng pagiging insecure mo. Tama ba?"

            Napangisi siya at pinadaan-daan ang hinlalaki sa ibabang labi. Maya-maya ay napangiwi na naman siya. "Mali po ba ang ginagawa ko? Natatakot lang kasi ako na baka bigla siyang manghingi ng annulment sa'kin kapag hindi ko naibigay lahat ng gusto niya," pag-amin niya. "Ganoon ko po siya kamahal kaya siguro hindi po maiiwasan ang insecurity na baka may ibang taong mas magpasaya sa kanya kapag biglang hindi ko mabigay ang gusto niya."

            "Dong, ang dulot ng pag-ibig ay hindi 'insecurity'.Ginawa ang pag-ibig para magbigay sa'yo ng seguridad."

            Tigalgal na naman si Dylan.

            "Halika, bumalik na tayo sa lugar natin at may ibabahagi ako sa'yo."

            Una itong lumabas ng paliguan na sinundan niya ito hanggang sa selda nila. Pagpasok niya ay wala ang mga kasama nila. Baka siguro nasa bakuran. New Year's Eve mamaya kaya baka may kasiyahan na naman.

            May hinalungkat sa gamit nito ni Mang Bong. Mamaya ay naglabas ito ng isang makapal at itim na libro. Binuklat nito iyon at parang may pahinang hinahanap.

            "Is that a... Bible?"

            Tumango ang matanda habang patuloy pa rin ang paghahanap nito ng pahina. Maya-mayay huminto ito sa isang pahina at pagkuwa'y inabot sa kanya iyon

            "Basahin mo iyan at intindihin," he said as he pointed out a verse.

            He didn't expect that the particular Bible verse would make him the husband he is ought to be.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
13.2K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...