Just The Way You Are (ON GOIN...

Od iamsaphia

285 126 12

"One day, I'll stop loving you" - Elizabeth Maria Allioria Více

Just The Way You Are
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
ANNOUNCEMENT
Chapter 6
Not an update
Chapter 7
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 8

17 8 0
Od iamsaphia



Ilang araw na akong nandito sa kwarto na to. Walang pagkain, walang kausap, walang ilaw. Wala lahat, parang nakalimutan nilang may tao pa rito. Sa mga nag daang araw gustong gusto ko ng sumuko dahil sa sakit ng tyan ko. Simula pa nung dinala nila ako dito ni pag inom ng tubig ay hindi nila ako pinag bibigyan, unti unti talagang pinaparamdam ni Andrea ang sakit na naranasan niya noon na hindi ko naman alam na ganun na pala ang nangyari sakanya.

Sa ilang araw na rin na nakalipas ay baka nag aalala na sila lola, jomar, james at baka alam na rin nila daddy at tita Eliza ang nangyari saakin. Ayoko pa man ding mag alala sila kaya lang ni kamustahin ko lang sila hindi nila ako pinayagan dahil utos daw yun ng boss nila.

Sa pagmumuni muni ko hindi ko napansing nasa harapan ko si Andrea at may katabi siya lalaking may hawak ng tray puno ng pagkain.

"Oh kumain kana, may pag uusapan tayo pagkatapos" sabi niya saka walk out

"A-ahmm paano ako makakakain kung nakatali ang mga kamay ko?" tanong ko sa lalaking kasama niya. Buti nalang at nag paiwan to kundi baka tititigan ko nalang yung pagkain hanggang mabusog ako.

"Susubuan kita, kung ayaw mo bahala ka kumain ng mag isa" pananakot niya.

"Gusto" yun nalang ang nasabi ko sakanya baka iwan pa ako nito hindi na ako makakakain niyan.

Makalipas ang ilang sandali tapos na rin akong kumain at ang masasabi ko masarap naman yung pagkain at busog na busog ako. Parang nawala sa isip ko na nakidnap ako dahil sa pagkain.

Saktong pag kalabas nung lalaki ay siyang pag pasok naman ni Andrea na may hawak na papel, parang letter.

"Oh" binigay niya saakin yung letter pero hindi ko kinuha kasi naka tali yung mga kamay ko. Napansin niya ata kaya tinanggal niya yung tali. Hindi ata siya nababahala na baka ay tumakas ako pero alam ko namang sa sarili ko ay hindi ko kaya.

Inabot ko ang letter na binibigay niya saakin. Naka sulat sa papel ang buo kong pangalan, at ng buksan ko ito dito ko napag tantong galing kay hanz ang sulat.

Dear Liza,

Umalis kaman pagkatapos mong sabihin saaking mahal mo ako pero hindi mo hinintay ang sagot ko sa sinabi mo pero iniwan mo ako. Pakiramdam ko hinayaan ko lang na iwan ako ng taong pinakamamahal ko, hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko para lang makita kita araw-araw sa school. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng naging slave kita dahil kahit papaano mapalapit ako sayo.

Oo Liza mahal din kita pero hindi mo ako hinayaang mag salita at umalis ka nalang basta-basta, alam mo bang hintay kita sa school? Palagi akong nasa labas ng bahay niyo kung sakaling makita kita kaya lang nalaman ko nalang sa mga schoolmates natin na nagtransfer kana. Umasa ako Liza na pwede pang maging tayo, na may pag-asa pa ako sayo pero hindi eh. Kung nasaktan man kita sa hindi ko malamang kadahilanan sorry, pero sinaktan mo din ako mula ng iniwan mo ako.

I love you liza pero ayokong umasa sa walang kasiguraduhang may pag-asa ako sayo.

Hanz Jennry Ferrer..

06/04/2008

Pag kabasa ko sa sulat niya ay napahagulgol nalang ako sa nalaman ko, hindi ko aakalaing parehas kami ng nararamdaman ni hanz dahil ang buong akala ko ay wala lang ako sakanya. Kung alam ko lang edi sana hindi to nangyayari pa at hindi ako nasaktan sa wala noong panahong yun. Mali nanaman ako ng desisyon, palagi nalang! Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko!

"Nung araw na umalis ka, nagwala si hanz sa condo niya at sa hindi inaasahang pangyayari nasunog ang condo niya saktong nandun ako sa condo ko nung nangyari yun since mag kaharap lang kami ng condo ay nakapunta agad ako sakanya, kahit malakas na ang usok ay pinilit kong lumapit sakanya para ilabas siya kaya lang he's too broken to move, to save himself kaya lang hindi ako sumuko hanggang sa malapit na kami sa pintuan pero nakita kong may matutumbang kahoy papunta saamin kaya tinulak ko siya para makalabas na siya ng tuluyan kaya ako ang natamaan hanggang sa nawalan ako ng malay. Nung nag text ako sayo nung time na konti nalang ay masusunog na rin ang condo ko kaya humingi ako ng tulong sayo kaya lang wala kang ginawa." kwento niya saakin kahit nahihirapan na siya.

Patuloy lang akong umiiyak dahil hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko, baka kung mag salita pa ako ay mas lalo ko lang siyang masaktan.

"Nagtataka ka siguro kung bakit ganun ko nalang siya iligtas nung oras na yun. Yunay dahil gusto ko siya. Gustong gusto, pero napagtanto ko nalang na hanggang fling lang pala ako para sakanya. Noon palagi kaming nakatambay sa garden ng school niyo, dun kami nagsimula at dun din kami nag tapos. Doon niya sinabi lahat na may iba siyang gusto at pampalipas lang ako ng oras para sakanya. ALAM MO BA KUNG GAANO YUN KASAKIT? PARA AKONG SINASAKSAK NG ILANG LIBONG BESES DIRETSO SA PUSO KO! Sayo na siya eh! Sayong sayo kaya lang iniwan mo nalang siya ng ganun ganun lang. Kaya nung mga panahong wala ka ayos na kami ang tahimik na ng buhay namin hanggang sa dumating ka nanaman, kaya sisiguraduhin kong hindi ka magsasaya ngayong naka balik kana!" sumbat niya saakin habang nanggigigil na hawak niya sa mag kabilang braso ko.

Hindi ko aakalaing ang babaeng kasama niya sa garden noon ay si Andrea. Si Andrea na bestfriend ko noon, hindi ko alam kung paano at bakit ito nangyayari saamin. Bakit pa? Para saan pa?

"Please. Pakawalan mo na ako, pag usapan natin to ng maayos, huwag namang ganito oh kasi baka nag aalala na sila daddy" umiiyak na sambit ko sakanya habang naka yuko

"Huh! Akala mo madali lang yun? Pwes hindi! ... Just to remind you that I will make you suffer first before I kill you!" sigaw niya bago sampal saakin ng dalawang beses.

Simula pa noon wala pang nakakasampal saakin, dahil alagang alaga ako ni daddy at lola. Pero ngayon hindi ko naisip na masasampal ako ng ibang tao lalo na't best friend ko pa noon.

"Please! Huwag mo na akong pahirapan pa! Dahil ngayon palang hirap na hirap na ako. Kaya please just kill me now, I don't want suffer anymore!"

Wala na. Hindi ko na iniisip sina daddy ang nasa isip ko nalang ngayon ay ang sarili ko, dahil akondin mismo ay naaawa na sa sarili ko.

"Oh sweetie, dadating din tayo dyan but first I'll let you starve first" huling sabi niya bago humahalakhak ng mala demonyong tawa bago tuluyang lumabas.

Isa lang ang masasabi ko sakanya, nababaliw na siya. Hindi sapat na rason yung mga naranasan niya para patayin ako. Oo nga at nasaktan din siya at mas malala pa sa pinagdaanan ko pero grabe namang kapalit yung kamatayan para saakin. Wala siyang puso! Walang pakiramdam! Manhid!

Napatigil ako sa pag-iisip isip ng may pumasok pero hindi ko maaninag pero nasisiguro kong babae siya.

May iniabot siya saakin parang maliit na kutsilyo pero syempre hindi ko nanaman maabot yon dahil itinali nanaman yung mga kamay ko. Napansin niya siguro kaya inilagay niya nalang iyon sa mga kamay ko sa likod.

Nagtataka ko siya tinignan. Bakit niya ibinigay iyon? Hindi ba dapat ay pinapahirapan niya ako imbis na tulungan?

"Pagbibigyan kitang makatakas pero pag nahuli ka nila wala na akong magagawa" sabi niya bago niya ako iwan ulit ng mag-isa at nakatunganga sa kanya.

Pamilyar siya pero hindi ko siya makilala dahil may takip ang mukha niya.

Aish! Ang gulo naman niya. Para na rin maka uwi na ako at makatakas sa baliw ko ng ex-bestfriend ay unti unti ko ng tinatanggal ang mga tali na naka palibot sa buo kong katawan. Sinisiguro kong hindi ako maka gawa ng ingay at baka marinig nila ako at mahuli pa.

Natanggal ko na lahat ang problema nalang ay ang pag takas sa lugar na ito. Lumapit ako sa pintuan at unti unti ko itong binuksan at sumilip sa labas. Masasabi ko bang swerte ako ngayon dahil walang bantay sa labas ay walang ka tao-tao.

Unti unti akong nag lakad papalapit sa hagdanan para maka baba. Buti nalang at may ilay sa bawat pasilyong nadadaanan ko kaya no problem. Unti unti akong bumaba at sumilip baka may taong dadaan o makakita saakin. Nang nakababa na ako may mga naririnig akong nagtatawanan at mukhang nag cecelebrate sila dahil halos ata lahat ng tao dito ay nandun at nagsasaya. Sinamantala ko nang bumaba sa unang palapag para makapunta sa main door. Parang alam ko ang pasikot sikot dito dahil halos mag kapareho ng desenyo ng bahay namin sa manila at dito kaya hindi naman siguro ako maliligaw.

Natatanaw ko na ang maindoor sa kinaroroonan ko kaya lang may dalawang bantay. Oh no! Paano na yan? Beth isip! Isip! ... ah alam ko na. Kinuha ko yung vase malapit saakin hindi naman siya ganun kalaki kaya hindi siya mabigat, unti unti akong naglakad papuntang garden at nasisigurado kong makikita nila ang gagawin ko. Matatanaw mo naman ang garden yung main door kaya mahahalata nila agad pag may tao dito. Malayo layo ang lugar kung saan sila nag kakasiyahan kaya ayos lang kung sumigaw ako dito.

Itinapon ko ang vase bago sumigay ng "Tulong! May bumato saakin ng vase!" Alam kong walang kwenta yung nasigaw ko pero napansin na rin nila na may nangyari dito sa garden. Hindi naman nila ako nakita at nahalata dahil kamay ko lang ang pinakita ko at iniba ko ang boses ko, yung pang lalaki na boses. Dali-dali naman silang pumunta sa garden samantalang ako ay pumunta sa maindoor para makalabas. Dirediretso ang lakad ko hanggang makarating ako sa gate pero sa hindi ko inaasahang mangyari ay ang makita ko si Andrea sa gate kasama ang mga armadong tauhan niya na may hawak hawak na malalaking baril.

Akala ko nandun lang sila sa loob at nagkakasiyahan. Paano sila napunta dito? Ganun ba sila ka bilis at nalaman nilang tatakas ako?

"Sa tingin mo ganun ganun mo nalang kami matatakasan? Na-ah.. masyado kang matalino pero mas matalino ako sayo" sabi niya bago sumenyas sa mga tauhan niya.

Lumapit naman sila saakin at hinawakan ako sa magkabila kong braso ng pagkahigpit-higpit konti nalang mapuputol na ang braso ko.

"Gusto mong tumakas diba? Sige pag bibigyan kita pero sa isang kondisyon"

"Ano?"

"Gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko" sabi niya habang ngingisi ngisi

"Hanggang kailan to magtatapos?" desperada kong tanong sakanya. Gustong gusto ko ng makatakas. Argh!

"Well sasabihin ko nalang kung kailan pero hindi ngayon. Huwag ka namang excited hindi pa nga tayo nag sisimula eh"  ngiti niya ng matamis na alam mong may iba siya binabalak sayo. "I can't take no for an answer" sabi niya bago naunang naglakad at sinundan naman namin or mas magandang sinundan lang nila habang kinakaladkad nila ako. Bakit ba hindi nalang nila ako buhatin eh di hindi sana ako nasasaktan. Tsk! Kainis yung skin ko!

Nakarating kami sa race track kung saan nag kakarera ang mga sports car. Nagtataka ko siyang tinignan habang siya naman ay inaasikaso namna yung sasakyan niya mamaya. Ano naman kaya ang binabalak nito?

Maya maya pa ay lumapit ito saakin at hinila papalapit sa likod ng sasakyan.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at itinali doon na nakakonekta sa likod ng sasakyan. Gulat ko siyang tinignan nang mapagtanto ko ang kanyang plano.

"A-anong ginagawa m-mo?"

"Ano pa nga ba? Edi patatakbuhin kita kaya lang nakatali yang kamay mo sa sasakyan habang humaharurot" nakangiting mala demonyo niyang sabi.

"ANO?! Nababaliw kana ba?"

"Oo, nababaliw na akong patayin ka" sabi niya bago pumasok sa sasakyan.

Ano nalang ang mangyayari saakin? Katapusan ko na ba? Bakit pa kasi ganito ang gagawin niya baka hindi ko na makilala ang sarili ko pag katapos. Talagang nababaliw na siya, sobra.

•••••

Update!

- iamsaphia -

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

136K 6.2K 76
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
7.9M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1M 28.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...