red flavor; critique shoppe

By graechu_

3.3K 182 292

BATCH ONE [Closed] BATCH TWO [Closed | Critique On Going] BATCH THREE [Soon] More

Introduction
Terms and Conditions for BATCH TWO
Contents
Batch 1 Forms (CLOSED)
Batch 2 FORMS (closed)
Slots
Announcement Section
πŸ“™Wish I Could πŸ“™
πŸ“™ NatalieπŸ“™
πŸ“™ Mischievous EyesπŸ“™
πŸ“™ScarredπŸ“™
πŸ“™The Proxy BrideπŸ“™
πŸ“™Sands and Sparrow πŸ“™
πŸ“™Star and WishπŸ“™
πŸ“™Ghost's Land ParkπŸ“™
πŸ“™Stars Across The SeaπŸ“™
πŸ“˜ Glitch in the Switch πŸ“˜
πŸ“˜ Paragons of Virtue πŸ“˜
πŸ“˜When Everything Feels Like The MoviesπŸ“˜

πŸ“˜ Bus #7 πŸ“˜

57 1 7
By graechu_

nocturnalMJ

⏺First Impression

• Title

- I got curious, at first, pero medyo hindi na appealing noong nabasa ko ang story mula umpisa hanggang chapter ten. Kung hindi mo kayang paikutin sa Bus #7 ang flow ng story mas okay nga sigurong palitan mo ang title mo. Sa chapter 7 or 8 yata ay umalis na sila sa bus without hinting na babalik pa sa lugar na 'yon since ang patayan ay nalipat na sa ibang lugar. Siguro kung magpapalit ka, solidify your plot first. As I said on my previous critiques, mahirap mag-construct ng title. I suggest that you consider your character/s, plot, purpose of the story or you can consider using a title with a deep and meaningful meaning behind it. Try to consider also your readers on making this one, you need to make them think and question like "what is the connection of your title to your story". Kasi that's our goal, to make our readers curious and eventually they'll read until the end.

• Blurb

- At first, ayos ang bagsak ng lines. Nakaka-curious. Pero habang patapos na ang blurb, I noticed the redundancy of words lalo na sa following words: look deeper, we/you get what you don't expect, sometimes, but, and fate. Hindi masyadong maganda kapag binasa so suggest ko lang na ibang words ang gamitin mo with same meaning instead of using same words repeatedly.

• Book Cover

- To be honest, hindi siya enticing. Book cover ang isa sa mga manghihila sa potential readers mo. Katulad sa sales and marketing, the product is your story and naming a product brand is like giving a title to your story while the branding of a product is your book cover, no one would buy a product na hindi appealing ang image na nakikita sa bibilhin nila just like book covers. I advise you to change your cover, you can find many graphic shops here on watty or maybe I can help you with your book cover, message mo lang ako.

• Prologue

- Hindi ako masyadong nahila ng prologue. Kumbaga, I'll hesitate whether to continue reading or not. Medyo magulo kasi ang pagkaka-construct. Kung hindi ko pa binasang mabuti ay hindi ko makukuha ang punto ng prologue mo na for each stanza or paragraph, if tama ang interpretation ko, the italicized sentence/s pertains to the point of views of each characters about life? If you'll revise this part, maybe change it into more mysterious vibe since iyon ang genre ng story mo. May ibang authors na nilalagay 'yong exciting parts sa story nila, like 'yong mga scenes na mangyayari sa kalagitnaan ba. Or you can also choose not to include a prologue in your story, pwede naman 'yon.

Plot

• Relevance to the Genre

- Okay naman, I can see the relevance to our chosen genre. Siguro medyo nakukulangan lang ako sa thrill.

• Flow/Transition of Scenes

Case One
May times na nakakalito ang transition ng scenes. See these screenshots below for reference:

Please take note na makikita lang ito sa iisang chapter, cropped lang para ma-emphasize ko 'yong confusing flow. On the first screenshot above, correct me if I'm wrong, nakasalubong nila 'yong kotse na papunta sana sa direksyon na pinanggalingan nila tama?

Then, nag-u turn, bale hindi makikita ng mag-asawa 'yong bus na may bangkay sa ilalim. 

Tapos sa scene na 'to, ipinaliwanag kung saan sila pupunta at kung bakit na sa daan sila sa oras na 'yon.

Dito sa scene/part na ito ako nalito, so iyong pinanggalingan ng mag-asawa na si Rene at Lennie ay isang resort din? But it doesn't seem like galing sila rito, after ng scene na ito ay nakilala nila si Rocco, na ipinakilalang may-ari? care taker? manager? ng lugar and I think ito yata 'yong dapat na pupuntahan talaga ng mag-asawa? Kung mali ako, please enlighten me on this one kasi magulo talaga 'yong transition. Fix these scenes.

Case Two
Hindi naman errors o issue pero I just want to show you para hindi maging butas sa flow later on.

In here, POV ni Angelo 'to, I'm just wondering bakit nag-conclude agad siya na baka na sa bahay 'yong relo niya eh clearly, hindi muna siya naghanap sa loob ng bus hoping na baka naroon. Siguro dapat nag-include ka ng scene na ganoon.


Siguro bawasan mo nang kaunti 'yong mga ganitong hugot or inner thoughts nila about life kasi nawawala 'yong thrill na naramdaman ko dapat sa current scene dahil may nasingit na ganito kahabang inner thoughts. You can still include it pa rin pero minimalize na lang para inline pa rin 'yong flow ng scenes sa genre.

• Conflict (Internal/External)

-  Yes very present ang external conflict dahil sa presence ng killer pero medyo pumalya ang execution ng inner conflicts. Sa prologue pa lang, makikita na may inner conflicts na ang bawat karakter, hindi maiiwasan iyon dahil sa pitong tao umiikot ang kwento. Inaasahan ko na bawat character ay mayroong moment, iyong tipong sa isang chapter sa isang character lang nakapokus ang back story and his or her inner conflicts. Pero hindi nangyari iyon, instead, pinagsama-sama mo na lang lahat sa scene na nag-open up sila sa isa't isa noong nag-bonfire sila.

• Reactions/Comments for every Chapter (Optional)

- Naguguluhan talaga ako roon sa encounters nila sa lugar kung saan sila nagising. Hindi ko ma-imagine at hindi ko makita ang need para isama pa 'yong scene na may bangkay sa bahay and such.

-Feel ko lalaki ang killer. Imposible kasing babae, nakaya niyang patayin 'yong mga biktima? and take note, puro lalaki pa iyon, may tendency kasing manlaban iyon unless she's trained physically katulad ng mga athletes. Si Kyne? Kasi bago patayin si Samuel, ang sabi ng killer pag-aari ng tatay nito ang pasugalan so mayaman? ekis na si Oswell Kasi sa pagkakatanda ko mahirap lang sila like Samuel or mali ako??

Technical Issues

• Grammar

- Majority ay okay naman, hindi masakit sa ulo. May mga nakita akong mali ang construction ng grammar pero kaya namang i-edit, hindi ko na na-screenshot sorry. Before you publish a chapter, make sure na i-proof read mo iyon para mabawasan ang mga ie-edit mo in the future.

• Punctuations

- In terms of dialogue tags and action beats, maayos ang construction mo mukhang alam mo na ang differences ng dalawa so hindi ko na ie-elaborate. But be mindful though, minsan ay sadyang napagpapalit natin sila, paspasang proofreading na lang.

- May napansin ako sa paggamit mo ng colon, see the screenshots below:

example one:

I forgot the chapter but this one is from the chapter wherein a cipher was mentioned.

example two:

I also forgot the chapter but I think wala pa sa chapter seven onwards 'to.

In here, I don't see a need to put a colon in expressing the characters' thoughts, kindly remove this when you revise your story and refrain from doing it.


Chapter One, Eris' Point of View

suggestion: Reading and studying keep me going

• Structure

- There are some cases na ang off ng structure ng sentence/paragraph mo. See the screenshots below for reference:

case one:

It'll be better if balance ang paggamit sa English at Tagalog. If halos lahat ng paragraphs/sentences mo ay English mas maigi kung English lahat pero kung gusto mo talagang TagLish, try your best to balance. Sa screenshot na ito, isang paragraph lang ang English while the rest ay Tagalog na and if you are targeting a formal novel, hindi masyadong appropriate ang format sa screenshot.

case two:


I think sa chapter two ito. As you can see, medyo off ang construction ng sentence.

suggestion: Ito yata ang unang beses na nawala ang kaniyang composure.

case three and four:

- Pinagsama ko na iyong dalawang case, ang una ay about sa spacings may mga na-encounter along paragraphs na walang spacing. Nakakahilo basahin kapag ganito, not a big issue pero try to minimalize.

- Sa fourth case, please notice the highlighted words. Yes it's about redundancy again, as much as possible, try to explore words sobrang dami ang pwede mong ipalit without changing the main idea of your sentence or phrase. Again, hindi  masyadong pleasing basahin kapag paulit-ulit.

⏺ Characterization/Settings

• Point of View

- First Person Point of View, ito ang pinaka madaling POV kung ikukumpara sa ibang types ng POV. Pero sa tingin ko mas okay kung mag-stick ka lang sa isang point of view, kumbaga mamimili ka kung sinong character ang main at sa POV niya na rin ang gagamitin mo mula umpisa hanggang dulo. Pwede rin namang bigyan mo ng point of view ang lahat ng characters mo pero bigyan mo ng transitions like for example, every five chapters ka magpapalit ng POV or depende sa sitwasyon.

What I mean by depends on the situation is for example, for the first five chapters, POV ni Angelo at kung napagdesisyunan mong patayin na si Angelo then you can end his pov there and switch to another character. Kumbaga nagbigay ka ng cliffhanger sa readers mo, they will wonder what will happen kay Angelo. And on that five chapters na nakafocus kay Angelo, na-tackle na rin kung ano mga struggles niya sa buhay at mas nakilala ng readers mo ang personality ng character mo. This is only my suggestion lang naman, kung saan ka mas comfortable, go for it.

- Ito ang mahirap kapag madalas kang nagpapalit ng POV ng characters, I noticed the redundancy.

example one:

Chapter One, Valerie's Point of View

Chapter One, Eris' Point of View

See the redundancy in here? Nasagot na ni Valerie kung bakit bus #7 ito pero after mag-switch ng point of views, inulit na naman ni Eris 'yong info. Hindi nakaka-enjoy magbasa na paulit-ulit lang din ang sinasabi. Siguro avoid frequent switching of POVs because that's the disadvantage of always switching povs from one character to another. Nakakalito iyon sa part mo kasi syempre hindi mo na rin minsan matandaan kung nailagay mo na ba iyong ganitong scene or info, unless perfectionist ka at nag-proof read ka nang maigi.

example two:

Chapter Five, Kyne's POV

Chapter Five, Angelo's POV

The redundant information in here ay 'yong sinira nila ang pinto ng bus.

• Character Developments

Over all Comment: Kaunting character development ang nakikita ko, sa scene na nag-open up sila is a sign of developing. Siguro hindi nagshi-shine ang uniqueness ng bawat character dahil iyon nga madalas ang pagpapalit ng point of views, sa isang chapter siguro ay dalawang point of view ang naghahati. Also, I see that your story portrays different stereotypes of student so I braced myself for their clashing personalities.

Characters:

Angelo- Kumbaga sa movie, siya 'yong may pinaka kaunting screen time kasi namatay siya agad. Pero nakulangan ako sa screen time niya kasi walang binigay na solid back story or background and hindi rin nag-stand out personality niya kasi nga namatay agad. I thought isa siya sa main characters pero hindi pala. Main character/s kasi have solid back story and solid execution of personality for me ah.

Kyne- Feel ko ang leadership niya sa story kumbaga siya si mr. good boy/president ng klase. Siguro dahil hanggang chapter ten pa lang ay wala pang solid back story ang character na ito, feel ko magtatagal pa siya sa story dahil feel ko rin siya ang killer hehe.

Oswell- Hindi ko talaga sure kung pareho silang scholar ni Samuel kaya ekis siya sa listahan ng killer dahil nga sa fact na nabanggit na may pag-aari silang (killer) pasugalan. Pero 'til chapter ten, hindi ko ma-identify character niya, gamer maybe? Ewan basta hindi ko pa masyadong feel ang character niya. In terms of back story naman same lang din kay Kyne.

Valerie- I know for sure she's the queen bee. Siguro nakulangan lang ako ng impact sa character niya in terms of sa pagtataray, pagdaldal at pag-iinarte? Hindi ba itong character niya ang pinaka madaldal? Then make her. May scenes naman na in character talaga siya pero dagdagan mo na lang siguro para damang-dama namin character niya.

Eris- She's the smartest among them and that's for sure. Siya lang naman kasi ang nagkaroon ng thoughts na baka isa sa kanila ang salarin. Iyon nga lang hubugin mo pa ang character niya. What I mean by shaping your character through adding their habits?? Gamitin mong instrument 'yong mga distinct personality nila. Katulad dito kay Eris, she's a book lover right? Then make scenes na lagi siyang nagbabasa ng libro lalo sa mga scenes na nakatambay lang sila sa isang lugar na magkakasama.

Bea- I think she's also smart, na-solve niya 'yong cipher eh. Siguro add some habits na lang din to add more depth sa character niya and the rest of the characters.

• Show vs Tell

- May instances na hindi ko mavisualize ang mga scenes sa story. To cut the chase, nananaig ang telling sa story instead na showing and it's not a good sign. Meaning there's lacking with the way you describe your settings, characters and scenes in the story. Here are some of the examples.


example one:

I forgot the specific chapter but this scene is Bea's POV and she's talking to Samuel here. Clearly 'tell' ang phrase na ito. Yes sinabi ni Bea na nahihiya si Samuel pero paanong nahihiya? Readers also want to visualize kung anong nangyayari sa scene, there are many possible actions kapag nahihiya so we need to be very detailed lalo na kapag emotions na ang pinag-uusapan. Kindly see my examples below:

tell:

"Bakit mo pala ako kinakausap?" nahihiyang tanong niya.

show:

"Bakit mo pala ako kinakausap?" tanong nito at pagtapos ay namula ang pisngi. Teka nahihiya ba ito sa akin?

example two:


Yes, we all know a setting for a horror film, pero you have to show them what it looks like through your words not just like this. Describe. It's one of our main goal as a writer, to connect with or readers through our words.

Overall Impression/Message/Rating

Rate: 7

- First of all, I would like to apologise for the long wait. Second, I apologise if marami akong pinuna and if may nasabi akong na-offend ka. I just want to help dahil under revision nga ang story mo. May potential ito, really. Tiyagain mo lang ang pagrerevise at pagsusulat you can do it. If you have questions, don't hesitate to ask or if you want to clarify something go lang. Good luck on your journey!

[YOU MUST ANSWER THE FOLLOWING QUESTIONS AS PART OF YOUR PAYMENTS]

• How was the critique for your story?
(very satisfying, satisfying, unsatisfying)

• Did it matched your expectations?

• What are your recommendations to improve the critiques?

• What can you say about your critic?

THANK YOU FOR ANSWERING THESE QUESTIONS! IT WILL SURELY HELP THE CRITIC TO IMPROVE MORE 💖- kangseul (19|16|06)

Continue Reading

You'll Also Like

140K 3.6K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...
693K 3.9K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
139K 3.9K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
905K 20.6K 30
I'm beautiful,sexy and one of the most influential famous actress, hanggang sa makilala ko ang pinaka antipatikong lalaki sa buhay ko,wala itong gina...