Love And Swords

By JustGrayWolf

117 5 0

First time ko lang gumawa nang sariling story, If merong mga Typos at Wrong grammar paki-intindi nalang po... More

Prolouge

Chapter 1

57 2 0
By JustGrayWolf


--
Sabay kaming lumaki ni Romica.
Anak sya nang isang Pinuno nang bayan nang Hidal, Kung isasalarawan ko si Romica isa yang napaka gandang bulaklak na merong makikinang na petals, tulad nang makikinang nyang mata. Meron syang napaka among mukha, na kung titignan mo ay halos perpekto.

Ako si Theo ulila at ang tirahan ay lansangan, utang ko lahat kay Siluca kung bakit nandito ako ngayon.

Si Romica ay pumapasok sa mandang paaralan, samantalang ako naman ay nagpupursiging mag ensayo sa pag-gamit nang Espada.
Masaya ako sa ginagawa ko dahil sa pamamaraang ito ma poprotektahan ko ang taong nagligtas sakin.

"Ano? Theo? Tara na! Mag ensayo na tayo!"
Ngumiti sya at tumawa na napaka tamis

Sa tuwing uuwi sya lagi nya na akong sinasamahan sa pag eensayo nang Espada.
Sa totoo lang matagal na akong may gusto kay Romica, Hindi dahil maganda sya dahil yun sa Kabaitan nya.
Tuwing gabi may inilulusot akong sulat sa pinto nang kwarto nya.

Isang araw nag yaya syang
ma-masyal sa Bayan.

"Theo samahan mo akong mamasyal sa bayan ah."

"Opo Miss.Romica."
(Pak!)
Aray! Bakit mo ginawa yon?

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo akong tatawaging Miss?!"

"Hahaha pasensya anak ka ni Lord Milza anong gusto mong itawag ko sayo Romica lang?."

"Oo naman! Hindi kana iba saken eh!."
Tumawa ulet sya nang napaka tamis habang ako kumakamot sa ulo ko.

Hindi mo maiisip na napalakas at liksi nya. Kung tutuusin halos parehas lang kame nang kakayahan, kaya mas lalo akong na in love sa kanya.

"Tara na!."
Hinawakan nya ang kamay ko habang tumatawa na parang bata.

Nakatitig lang ako sa kanya at halos tumulo ang Uhog at Sipon ko.

Sumakay agad kame sa Karwahe.
Napangiti ako nang makita ko syang tuwang tuwa sa mga nakikita sa bayan, nakatitig lang ako sa kanya sa mga oras na iyon.
Nagulat nalang ako nang bumaba sya para tignan yung mga maskarang nakasabit.

Nagulat kame dahil agad nyang binuksan ang pinto, agad kaming humabol sa kanya.

Guwardya: Ano kaba Miss.Romica wag mo naman kaming gulatin nang ganon.

"Hahaha pasensya na nagandahan kase ako sa Maskara na ito eh, anong tingin mo Theo?."

"Oo napakaganda nang disenyo at bagay ang pagkakalagay nang mga bulaklak."
Gusto ko sanang sabihin na mas maganda kapa kaso baka Kotongan nanaman ako eh.

"Gusto mo rin ba?, Mamili kalang"
Agad akong tumingin tingin para mamili.

"Kung ako ang tatanuning Romica, pinili mo yung maskarang sa tingin mo ay katulad mo hindi ba?."

"Oo hahaha ang galing mo naman! O sige nga! Tignan natin kung anong maskara ang pipiliin mo Dapat may explenation kadin ah! Hahaha."
Kumuha agad ako nang isang maskarang nakangiti at may dalawang pangil.

"Bakit yan?."

"Kaseee. Ang maskara na ito para saakin ang ngiti nito ay sumisimbulo sa pagiging matapang sa buhay.
Ang dalawang pangil naman ay pagiging malakas."
Medyo ang baduy non pero
Tumitig ako sakanya sa mga oras nayon, Habang sya nakangiti lang sa akin,

Agad naming binili iyon at naglakadlakad.

Sa mga oras naring iyon may mga naguumpukang mga tao sa isang tindahan, kaya nabaling ang atensyon naming lahat
Isang lalaki na may buhat na malaking aso.
Nakita ko ang itsura ni Romica na awang awa doon.
May sumusunod na isang Tuta sa lalaki, siguro anak iyon nang malaking aso.

Agad itong napansin nang lalaki, kaya hinugot nya ang patalim na hawak nya para patayin ang tuta.

Nagulat nalang kaming lahat nang binunot din ni Romic ang espada nang isang guwardya
Agad nyang sinang-ga ang patalim gamit ang malaking espada na hawak nya, natulala ako dahil lumagapak sa lupa ang lalaki.

"Wag na wag nyong sasaktan ang kawawang tuta na to!."
Aktong babawi sana ang lalaki at agad kong tinutukan nang espada.

Napa atras nalang sya nang makita nang mabuti ang mukha ni Romica, lumuhod agad ito nang mabilis at nagmakaawang patawarin ito.
Sa mga oras na yon nakatingin lang ako kay Siluca na tuwang tuwa sa Tuta habang ginagawa nyang baby ito.
Napaka sarap nyang tignan habang naka ngiti.

"Anong gagawin mo dya ngayon?"
Tanong ko.

"Iuuwi natin sya."
Ngumiti ulit sya

"Pano na yan? Ang alam ko bawal ang hayop sa Mansion?."

"Edi sa kwarto mo"

"Ano?! Bakit sa kwarto ko hindi naman akin yan ah!."

"Ayaw mo ba?"
Tumingin sya saken na mukhang nag papaawa.
Kumislap yung mata ko dahil isang puntos nanaman!. Hehehe

"Sige basta ikaw."
Ngumiti sya at niyakap ako.

"Thakyouuuu!"
Feeling ko sasabog ako sa mga oras nayon.

Tuwing gabi ay palihim na tumatakas si Romica para pumunta sa kwarto ko, upang laruin si Azul, Azul ang ipinangalan namin sa kanya hindi ko alam kung bakit Azul pero sabi ni Romica masarap daw pakingan.
Masayang masaya ako dahil mas madalas ko na syang kasama, Sabay naming dinadamitan si Azul nang kung ano ano. Feeling ko sa sarili ko mag-asawa nakame kaya kilig na kilig ako.

"Hala kailangan ko nang matulog, maaga pa ako sa paaralan bukas."
Bangit nya

"O sige ingat ka"

"Byeeee bukas ulet!."
Pagkasarado palang nang pinto ay agad kong nilock ang pinto at halos magtatatalon dahil sa saya Kumuha ulet ako nang papel at gumawa ulet nang sulat para kay siluca.

Kinabukasan nakita ko syang nakangiti sa Hardin habang binabasa yung mga sulat na inilalagay ko sa ilalim nang pinto nang kwarto nya.
Hindi nya alam kung sino yon dahil hindi ko naman nilalagyan nang pangalan ko.

Sa mansion kase nakaugalian na na kapag may sulat ang tao sa mansion ang gwardya na mismo ang maglalagay sa ilalim nang pinto. (Now you know kung bakit hindi ako takot)

Isang gabi may kumatok sa kwarto ko, sino pa ba? Edi ang pinaka mamahal kong babae sa balat nang lupa haha.

Sa mga oras na iyon masaya kaming muli na magkasama.

Pumunta sya sa gilid at dumungaw sa bintana.

"Theo ano bang pangarap mo?."
Nagulat nalang ako sa sinabi nya, hindi ako nakapag salita.

"Kung ako ang tatanungin gusto kong matapos na ang digmaan."
Bangit nya.
Napatingin ako sa kanya, habang sya nakatingin sa maliwanag na buwan.

"Edi yun nadin ang pangarap ko."
Bangit ko.
Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Ganun ba? Hahaha sige magiging magaling na Pinuno ako nang bayan na ito at ikaw naman ay magiging magaling at tapat na Kanang kamay ayos ba?."
Sabay kaming nagtawanan at
Naging masaya nanaman ang gabi naming dalawa.

--
Lumipas pa ang maraming taon
At ganap na Binata na ako.
Maslalong gunanda si Romica.
Maslalo syang naging dyosa sa paningin ko.

"Awooooooo."

Lumaki narin nang husto si Azul, mabuti nalang at naturuan namin syang wag umalulong palagi.
Hindi ko alam kung pano naturuan ni Romica si Azul,
Siguro pati si Azul gandang ganda kay Romica.

May kumatok sa pinto nang kwarto ko.
Si Romica agad ang nasa-isip ko.
Kaya tumindig agad ako nang napaka tikas.
Nagulat nalang ako nang binuksan ko yung pinto.

"Theo ipinapatawag ka ni Lord Milza."
Bangit nang Gwardya.

Hinanda ko agad ang sarili ko, dahil baka alam na nya ang mga ginagawa namin ni Romica tuwing gabi.

Sinamahan ako nang gwardya hanggang sa special na kwarto ni Lord Milza, napalunok ako sa kaba.

Umupo ako agad at nag tanong.

"B-bakit nyo po ako ipinatawag?."

"Theo alam mong nasa gitna tayo nang digmaan hindi ba?"

"Opo Lord Milza"
Bangit ko

"Pumayag na ako na ipahiram ang kalahati nang hukbo ko natin Gobyerno."
Napatingin ako sa kanya at natulala.

"Theo, ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan ko nang lubos. Gusto kong ikaw ang manguna sa lahat nang ipapadala ko sa isang maliit na bayan nang Sudan, malaki ang tiwala ko na magagawa mong iligtas ang bayan na iyon."
Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasambit ang lahat nang iyon.

"Tatlong Buwan mula ngayon ay ipadadala ka na namin sa sudan kasama ang hukbo."

"O-opo Lord Milza"

"At nga pala Theo meron tayong napaka halagang Bisita mula sa Sentro, Sya ang Prinsipe nang Mangca, Gusto ko na ikaw ang sumalubong sa kanila ang alam ko magbibigay sila nang hudyat o sulat kung papalapit na sila."

"Masusunod po."
Sagot ko ha bang naka yuko.

Pinipilit kong wag maluha sa mga oras na iyon habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko.

"Pano ko sasabihin kay Romica?."
Tanong ko sa isipan ko.

Nakatulala lang ako habang naka dungaw sa Binatana, Nakita ko si Romica na nag-didilig nang mga halaman.
Tumulo ang luha kahit na pinipilit kong huwag maluha.
Pumikit ako at huminga nang malalim.

"Kung ganon, Kailangan ko nang sabihin ang nararamdaman ko kay Romica!."

Agad kong pinuntahan si Siluca para mag tapat nang aking nararamdaman.

Lumapit ako nang dahan dahan habang nakatalikod sya.

"Anong kailangan mo Theo?."
Bangit nya habang nag-didilig nang Halaman.
Hindi ako nag-salita nang mga oras na yon.
Humarap sya sakin at ngumiti,
Biglang tumulo ang luha ko dahil naalala ko na Tatlong buwan mula ngayon possibleng hindi ko na sya makita.

"Theo? Ayos kalang ba? Bakit ka umiiyak?."

"W-wala may na-alala lang ako."
Agad nyang pinunasan ang luha ko, kaya napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa mabangit sa kanya ang gusto kong sabihin.
Siguro dahil naduduwag ako.

"Ganito nalang Theo, Samahan mo nalang akong mangaso."
Ngumiti ako at sinabing

"Sige."

Sinamahan ko si Romica na mangaso sa kagubatan nang Hidal.

"Ang bango nang simoy nang hangin dito hindi ba Theo?."
Tanong nya habang nakangiti.
Bigla syang bumaba nang kabayo at Tumakbo.

"Tara Theo! May nakita akong Usa doon."
Agad nyang iniaayos ang dala nyang Pana.
Agad kaming humabol nang mga gwardya sa kanya.

Sa sobrang bilis nyang tumakbo halos hindi na makahabol ang mga gwardya na nakasunod sa kanya.
Pinilit kong humabol hanggang sa makarating ako sa isang Bangin, kung hindi ako nagkakamali iyo ang daan palabas nang bayan nang Hidal.

Lumingon ako kung saan saan para hanapin sya.
Nakirinig ako nang mga taong nag-sisigawan at tunog nang mga nag uumpugang espada.
Kinutuban agad ako at agad tumakbo kung saan nang gagaling ang ingay.

Habang tumatakbo ako bigla nalang may humigit sa akin papunta sa malaking bato.

"Ssshh...!."

Nagulat ako sa nakita ko, may malaking labanan na nagaganap.

"Romica! Mabuti at ayos kalang! Umalis na tayo dito!."
Nakatitig lang sya sa nangyayareng Labanan.

"Theo tumingin ka!."
Itinuro nya sa akin ang isang karwahe na tila pilit na pinoprotektahan nang mga kawal.

Nakita naming may lumabas mula sa Karwahe at agad tumakbo papunta sa kagubatan.

Bigla nalang tumakbo si Romica para habulin ang lalaki.
Agad ko rin syang sinundan

Malayo na ang itinakbo namin nang mga oras na iyon.
Hindi kalayuan ay may nakita kaming mga lalaming humahabol sa lalaki.

Agad tumakbo nang mabilis si Romica para tulungan ang lalaki, tumalon sya at umasinta gamit ang kanyang Pana, Pinatumba nya ang Dalawang lalaki, Agad ko ding pinakitaan ang mga kalalakihang iyon.

Nakaupo lang ang lalaki at nakaluhod sa takot, Habang kami ni Romica pilit na pino- protektahan sya sa mga gustong pumatay sa kanya.

Lumipas pa ang ilang minuto ay nag kalat na ang mga bangkay nang mga kalaban.

Continue Reading

You'll Also Like

72.4K 1.9K 29
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
258K 7.4K 131
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
88.5K 1.3K 47
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...
301K 18.2K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong