Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 260

810K 25.8K 25K
By eatmore2behappy

A/N: Meron pa isa. Bukas nalang siguro yon.

Pay him a visit

Jay-jay's POV

Hindi ako nagbago. Hindi ako nawalan ng malay. Hindi ako nanakit ng hindi ko alam. Pero bakit?

"Jay-jay." Tawag sakin ni Kuya Angelo.

Ay palaka!

Hindi ko namalayan ang pagdating nya. Akala ko isa lang sya sa mga nurse at doctor na labas masok sa kwarto namin.

"Ha?" Ang tanging nasagot ko sa kanya.

"Where is Aries?" Tanong nya habang binaba ang dala nyang briefcase sa sofa malapit sa kama ni Aries.

"S-sa canteen. Kasama si Ella."

Naglakad si Kuya palapit sakin at naupo sa kama ni Aries na katabi lang ng kama ko. Muka na naman syang pagod na pagod sa trabaho.

Pero syempre gwapo pa rin.

"Sorry Jay... Hindi kita nabantayan ng maayos kaya nangyari to."

Mabilis akong umiling. "W-wala kang kasalanan. Yung Sato ang may gawa nito kaya andito kami ngayon sa ospital."

Kahit kung tutuusin hindi naman dapat kami na-confine. Mapilit lang talaga tong sa Kuya. Nang makita nya ang parehong itsura namin ni Aries kulang nalang ipa-ICU nya kami.

Kaya si Kuya nga ang may kasalanan kung bakit kami nasa Ospital. Mind blowing!

"Bakit pumunta ka dito? Pwede ka namang umuwi na muna." Sabi ko ng mapansin ko ang pagpisil nya sa sintido nya.

"Yung Sato..." Panimula nya. "...ka-kilala pala ni Tiger."

Anak nang... Si PPAP?!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Yung lukong yon na may-ari ng Kingsground. Gagawin kong itim ang dilaw nyang buhok.

"P-panung?"

"Maraming kilala ang luko na yon. Hindi na ko magtataka kung magkakilala sila." Napabuntong hininga sya.

Kakilala? Eh hindi nga makatanda ng pangalan ang maayos ang ugok na yon. Kinain na ata ng kabaduyan nya ang utak nya.

Pinagmasdan ko ang tila problemadong muka ni Kuya. Para bang meron syang iniisip na malalim. Para bang nagpipigil ng utot o dighay.

"M-may problema ba?"

Umiling sya at nagpilit ng ngiti sakin. "Nothing serious."

Hindi ako kumbinsido sa sagot nya. Pakiramdam ko may malalim na problema. Kinakabahan ako. Baka kung ano naman ang ka-abang-abang na magaganap sa buhay ko.

Shit! Baka nanalo ako sa lotto ng hindi tumataya!

"Kuya... Yung totoo? Pinapakaba mo ko."

Tinignan nya ko ng seryoso at dun ko napagtanto na mukang may hindi magandang tumatakbo sa isip nya.

"Iniisip ko kung pano ko babasagin ang bungo nya." Seryoso'ng sabi nya. "...sya nagbigay ng information kay Sato tungkol sa inyo."

Tarantado!

Napakurap-kurap ako. "Ilabas mo na ko dito. Please lang."

"Why?" Pagtataka nya.

"Ako babasag sa bungo ng lintik na Tiger na yon! Traydor ang hayop!" Inis na sabi ko.

Napailing si Kuya. "Hindi sya traydor."

"Anong hindi? Eh sya nga tong nagbigay ng info tungkol samin!"

Kaya yata nadamay sila Rakki at iba pa kahit hindi naman talaga kailangan. Baka kung anong sinabi nya sa Sato na yon. Syempre bugok tong isa kaya naniwala naman.

Sumalangit nawa!

"Tiger is talkative. He's like a walking newspaper. Sa tingin ko, naidaldal nya kayo ng hindi sadya." Paliwanag ni Kuya.

Kahit hindi sadya hindi pa rin dapat sya nagbibigay ng info ng ganun. Panu kung sa susunod si Kamatayan na talaga ang magtanong sa kanya. Baka yun pa ang maging mitsa ng buhay namin.

"Sasampalin ko pa rin sya!"

"Ako na gagawa para sayo." Sagot nya.

"Haizt!" Sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko dahil sa inis.

Consistent naman ang Sato sa pagkuha ng info tungkol samin. Kaya pala parang alam na alam ng Gago ang dapat gawin. Kaya pala parang alam nya lahat ng pwede naming puntahan.

"I heard what happened to you." Biglang sabi nya dahilan para matigilan ako.

"A-ang alin?"

"Nataranta ka na naman nung nakakita ka ng dugo."

Umiwas ako ng tingin. Ayokong pag-usapan. Kahit si Aries kinukulit din ako tungkol don pero pinili ko lang na wag syang sagutin.

Mukang nahalata naman ni Kuya ang ginagawa ko. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya.

Tumayo sya at naglakad palapit sa pinto. "Puntahan ko lang sila Aries."

"S-sige."

Tanging pagsara nalang ng pinto ang narinig ko. Pabagsak akong nahiga sa kama at tinitigan ang kisame.

Nakaginhawa ako na hindi ako nagbago matapos makakita ng dugo. Pero bakit? Yun ang tanong na umiikot sa isip ko matapos kaming pare-parehong isugod sa Ospital.

Nung oras na yon, gusto kong lumayo sa kanila'ng lahat. Sa kanya....kay Keifer. Gusto ko talaga syang tulungan. Gusto kong gawin ang ginagawa nila Yuri pero nanaig sakin yung takot. Yung takot sa dugo at yung takot na baka magdilim ang paningin ko at may magawa ako na hindi ko alam.

Napatagilid ako ng higa. Nahihiya ako sa kanya. Matapos nya kong iligtas yun pa ang gagawin ko sa kanya.

Ang kapal ng muka ko.

Hindi na ko nahiya sa kanya. Nabaril sya ng dahil sa pagliligtas nya samin tapos yun ang magiging asta ko. Kaya wala na sakin ang panghuhusga ng mga Ulupong. Karapatan nila yon at deserve ko naman.

Kahit nag-aalala ako sa kanya at gusto'ng gusto ko syang makita minabuti kong wag nalang. Dito nalang siguro ako sa kwarto namin at makikibalita nalang.

"Psst!" Paswit ng kung sino.

Nanigas ako sa kinahihigaan ko. Walang ibang tao sa kwarto kundi ako. Kaka-alis nga lang ni Kuya Angelo. Kaya walang taong pwedeng pumaswit dito.

"Psst! Jay-jay." Pabulong pang tawag nito sa pangalan ko.

Napakapit ako sa kumot na nakabalot sakin hangang tyan. Jusko! Kaya ayokong tumatambay sa ospital dahil sa mga gantong pangyayari.

Hangang sa nakaramdam ako ng presensya ng kung sino sa likod ko. Lumapit na sakin yung ako namang paswit ng paswit na yon. Napapikit ako ng matindi!

Punyeta ka! Wag ka na magpakita sakin!

Bigla nalang may humampas sa braso ko. Napasigaw ako ng malakas at muntik ng napatalon sa kinahihigaan.

"LUMAYO KA SAKIN! MULTO!" Sigaw ko habang nagpapa-pasag.

"Multo ka dyan!" Sabi ng pamilyar na boses kaya tumigil ako tinignan sya.

Mas tamang sabihing SILA.

Nakangiti ng malapad sa tabi ko ang Batang Kumag. Kasama nya si Felix na nakatayo sa hindi kalayuan at syempre ang kapatid nyang may tangay laging aircon.

"Hindi mo ba narinig pagkatok namin at pagbukas ng pinto?" Tanong ni Felix habang natatawa.

"Syempre hindi. Wala sa sarili eh." Si Percy na ang sumagot para sakin.

Lumapit sya sa kama ni Aries at nahiga. Wag lang syang abutan ng Horoscope at baka tamaan sya. Umupo naman sa tabi ko si Ci kaya naupo na rin ako.

"Akala ko tulog ka." Sabi nya.

"Hindi nga ako makatulog dito. Gusto ko na umuwi." Reklamo ko. "...bakit nga pala kayo nandito?"

Nagtinginan ang tatlo bago ako muling harapin at sagutin.

"Gising na sya." Nakangiting sabi ni Ci. "...Hinahanap ka nya."

Napaiwas ako ng tingin. Masaya akong malaman na gising na sya pero hindi ko sya kayang harapin. Hindi na siguro.

"P-paki sabi nalang na nagpapahinga ako." Sabi ko sa kanila.

"Hindi pwede!" Mabilis na sagot ni Felix.

Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Pinapa-sundo ka nya." Boring na sabi ni Percy habang naka-pikit. "...kung hindi ka daw pupunta don, sya pupunta dito."

Ang tigas talaga ng ulo ng isang yon.

"Kaya sumama ka na! Pinag-dala ka namin ng wheelchair." Nakangiting sabi ni Ci habang nakaturo sa tabi ni Felix.

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano ako? Lumpo!"

"Dapat kasi maingat ka naming madala sa kanya." Sabi ni Felix.

"Sabi sa inyo balutan nalang natin sya ng bubble wrap." Si Percy habang nagkakamot ng paa sabay amoy sa daliri nya.

Kadiri naman to!

"Tapos lagay na rin natin sa balik bayan box. Talino!" Sarcastic na sabi ni Ci sa kanya.

Natampal ko nalang ang noo ko. Alam ko na kasi kung saan papunta ang usapan nila. Maging si Felix napabuntong hininga nalang.

"At least ako may ideya sa salitang ingatan. Eh ikaw? Wheelchair? Ginawa mo pang lumpo si Jay-jay!" Inis na sabi ni Percy habang nakaturo kay Ci.

"Kesa naman sayo, O.A! Ginawa mong bagahe si Jay-jay!" Hindi  magpapatalo tong Batang Kumag.

Parang batang malapit ng matalo sa away si Percy. Tumayo pa sya mula sa pagsalampak sa kama at dinuro-duro si Ci.

"I-ikaw!" Inis na sabi nya pero wala ng maiduktong. "...PANDAK!"

At nagka-personalan na nga!

Kita ko ang panlalaki ng butas ng ilong ni Ci. Mukang napikon na rin sa sinabi ni Percy. Tumayo sya ng maayos para lang makabwelta sa kaaway.

"SUPOT!" Ganti nya.

Bigla nalang hinawakan ni Percy ang sinturon nya at akmang tatanggalin.

"Gusto mo magpakitaan tayo dito?!" Hamon nya.

Mabilis kong dinampot ang unan ko para takpan ang mga mata ko at agad naman syang sinita ni Felix.

"Oy! Oy! Oy! Sira ba ulo mo?! May babae dito!" Sigaw nya kay Percy.

"Eto kasi!" Parang batang turo nya kay Ci at inayos ang sinturon nya sa pagkakasuot. "...maka-supot ka dyan!" Dagdag nya habang nakatingin ng masama sa Batang Kumag. "Kung tutuusin ikaw nga ang supot dahil hindi ka pa rin tumatangkad."

"15 pa lang kaya ako!"

"Hoy! Hindi ako ganyan nung 15 ako!"

"Oo nga, balita ko nga ikaw pinaka-maliit sa inyo." Singit ni Felix habang nakatawa.

"Matangkad na ko non!" Dipensa nya.

Napailing nalang ako sa kanilang tatlo. Ayaw talaga nila magpa-awat. Nagsimula sa lintik na panunundo sakin tapos nauwi sa patangkaran. Sumasakit ang ulo ko sa kanila.

Mga baliw!

"Pwedeng dun nalang kayo sa labas magtalo? Nahihilo ako sa inyo." Sabi ko at sabay-sabay naman silang tumingin sakin.

"Tatawag na ba ko ng doctor?" Tarantang tanong ni Percy.

Inirapan ko naman sya. "Lumabas nalang kayo, mas magiging okay pa ko."

"Panu si Keifer?" Tanong ng Batang Kumag.

"Sabihin mo nalang pupunta ako mamaya kapag naging okay na ko." Kapag kaya ko na syang harapin.

"S-sige. Pahinga ka muna." Sagot nya at naglakad na palabas kasunod si Felix at Percy.

Sa wakas! Natahimik na ulit ako!

Inayos ko ang unan ko at nahiga ulit. Balak ko sanang matulog ulit pero nararamdaman ko ang pagkalam ng tyan ko. Nagugutom na ko, hindi magandang senyales yon.

Ang tagal naman kasi kila Aries, ang usapan ibibili nila ko ng pagkain. Hangang ngayon wala pa rin. Pinuntahan na sila ni Kuya pero pati sya wala pa rin.

Narinig ko ang ang pagtunog ng cellphone ko na nasa bedside table. Nahanap na, salamat sa mga Ulupong. Napulot daw nila sa School ground kung saan kami nagkabungguan ni Freya. Kinuha ko yon at bumungad ang pangalan ng GagongBaliw.

From: GagongBaliw
Message: Can't wait to be with you!

Eto na naman sya. Ang tyaga pa rin nyang magtext kahit hindi ko naman sya ni-re-replyan. Pinag-masdan kong mabuti yung text nya binalikan ko din yung mga dating conversation namin.

Sa bawat mensahe nya, sumasampal talaga sakin na si Keifer sya. Pero pano mangyayari yon? Nung birthday nya, may picture sya mula sa GagongBaliw na to.

May isang paraan pa ko kung panu malalaman kung sino ka. Pero malaki ang magiging kapalit non. Malaking halaga ng Load.

Saan kaya ako pwede magpa-load?

Tinignan ko muna yung Balance Inquiry, nagbabakasali na may Load ako kahit piso. Itetext ko nalang si Kuya na ipaLoad ako.

Habang naghihintay bigla nalang bumukas ng pabalibag ang pinto. Daig pa may kaaway sa ginawa nya. Napa-igtad ako sa gulat at muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko.

"Anak nang..." Pabulong kong sabi habang hinihintay magpakita ang walanghiya'ng nagbalibag sa pinto.

At hindi naman ako naghintay ng matagal dahil lumitaw ang.....Bubuyog!

"Asan si Percy?!" Galit na tanong nya habang tuloy-tuloy sa pagpasok.

Hindi na nya hinintay ang sagot ko. Tinignan agad nya ang paligid at binuksan din ang pinto ng banyo. Ano na naman kaya ito?

"Asan ang Percy na yon?!" Tanong nya sakin habang palapit.

Napataas ang kilay ko dahil sa suot nya. Naka-trench coat ang Gaga habang hawak ang malaki at mamahalin nyang bag. Malamig ba sa Pinas? Malakas ba ulan?

"H-hindi ko alam. Bakit ganyan ang suot mo?" Sabay turo sa suot nya.

Hinigpitan nya ang pagkakatali nung belt sabay irap sakin.

Problema ba nito? Sabunutan ko kaya!

"Bwisit kasing Percy yon! Sinuot ko pa naman ang favorite costume ko para sa kanya tapos tinaguan na naman ako!" Sabi nya na parang malapit ng umiyak.

Medyo nakaramdam naman ako ng awa. Panay nga naman kasia ang effort nya para kay Percy pero panay din naman syang tinataguan.

Sira-ulo din naman kasi ang isang yon. Kausapin nalang kasi nya ng masinsinan tong isa ng hindi na sila naghahabulan at nagtataguan.

"Bakit ka pa nag-costume? Baliw ka ba?"

Inirapan na naman nya ko. "Malamang para kay Percy."

Bahagya akong umubo at nagseryoso. Kung hindi kayang gawin ni Percy ako nalang ang gagawa para sa kanya. Nakaka-awa din kaya si Honey.

"Alam mo... Kung ako sayo tigilan mo na si Percy. Kinakawawa ka lang nya, hindi mo ba napapansin?"

Agad nya kong tinignan ng masama pero hindi naman sya nagsasalita. Nagpatuloy ako.

"Hindi tayo magkaibigan at hindi rin dapat ako nakiki-alam sayo. Pero kasi nagmumuka ka ng ewan sa harap namin. Pinagtatawanan ka nalang ng iba. Sayang yung ganda mo kung ipag-papatuloy mo yan."

Pero syempre mas maganda ako!

Hindi pa rin nya inaalis ng tingin nya sakin. Hangang sa napansin ko ang pagtulo ng luha sa isang mata nya. Mabilis naman nyang pinunasan yun.

"Kainis kasi!" Sabi nya at padabog na naupo sa kama ni Aries. "...Gusto ko kasi talaga sya. Minsan lang ako magka-gusto sa isang tao." Parang batang sabi nya. "Hindi ko talaga ugaling gawin to! Sa kanya ko lang ginawa to!"

Binaba nya ang malaking bag sa tabi at merong kinuha don. Puting tshirt at short short.

Tinignan ko yung pinto ng kwarto at buti nalang na nakasara na yon. Hinubad nya ang suot na coat at nakita ko ang talagang suot nya.

Naka-bunny costume ang Gaga.

Bakit parang pamilyar to sakin tong suot nya? Napaisip ako sandali.

Bunny? Bunny? Bunny?! BUNNY?!

Putang'na! Nung Halloween party last year. Dun ko nga pala sya unang nakita! Hindi dun sa dinner nung birthday ng girlfriend ni Keigan.

Pero teka, meron akong biglang naalala.

"Honey..." Tawag ko sa kanya habang pilit nyang inaabot ang zipper ng suot na damit. "...Naalala mo nung nagkita tayo nung Halloween Party, last year?"

Tinignan nya ko sandali. "Nagkita ba tayo non?"

"Oo... Tapos nung sunod nating pagkikita sa Dinner na nung birthday ng girlfriend ni Keigan."

"Oo, yung sinuntok mo ko! Muntik pa kong tumakbo sa plastic surgeon non."

Pilit pa rin nyang inaabot ang zipper ng suot na damit.

"Bakit nung nagkita tayo non, umasta ka na hindi kayo magkakilala? Eh sabi mo sa kanya ka nagta-trabaho."

Huminto sya sa ginagawa at nagbuntong hininga. "Utos nya. He told me never to greet him in public. Maybe because of this costume or whatsoever." Sinubukan ulit nyang abutin ang zipper. "...Ang O.A. kasi nya, kala mo naman type ko sya. Ayoko nga sa masungit na kagaya nya."

Kaya pala parang wala lang sa kanya nung nilandi sya nitong Honey sa harapan ko. Galawang abnormal talaga ang isang yon. Paiba-iba ang takbo ng isip.

Kaya pala. Puro kalokohan talaga ang hayop na yon.

"Paki-tanggal mo nga to!" Utos sakin ni Honey.

Sa wakas humingi din ng tulong. Ako yung nahihirapan sa ginagawa nya. Gusto'ng-gusto ko ng abutin yung zipper ng damit nya kaso baka magalit naman sya sakin.

Akmang aabutin ko na yon ng biglang bumukas ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok si Kuya Angelo.

"Jay-jay, kumain ka na—." Napahinto sya ng makita si Honey. "...Sorry."

"Angelo... Nice to see you again." Nakangiting bati naman nitong Bubuyog sa kanya.

"H-hi." Naiilang na bati ni Kuya.

Pilit nyang nililipat ang tingin sakin pero automatic naman ang mga mata nya sa pagbalik sa katawan ni Honey.

Nagsalubong ang kilay ko. Ibang klase talaga ang mga lalaki. Walang patawad kahit si Kuya.

Mga lalaki talaga!

"Pagkain ko!" Inis na sabi ko.

Inabot naman nya yung paper bag sakin at agad na bumalik sa kinatatayuan nya kanina.

"S-sa labas muna ko." Sabi nya at mabilis na naglakad palabas.

Napatingin naman ako kay Honey na abot hangang tenga ang ngiti. Para ba syang kinikilig na hindi maintindihan. Eto na naman po sya! Mukang may bago na namang target.

"Why do I have this weird feeling?" Sabi nya at napataas naman ang isang kilay ko sa kanya. "...Pag tinitignan ko si Angelo, parang nakikita ko si Keifer. Lalo na nung birthday party ni Keifer. Para silang magkapatid."

Natural lang yon, lagi sila magkasama dati.

"Pati naman sila Yuri at Aries may pagkakahawig sa kilos ni Kuya Angelo."

Tinignan nya ko na parang nag-iisip. "You don't get it. Keifer has this intimidating aura that I also feel everytime I see Angelo. Para silang connected."

Napaisip ako, meron ngang time na parang si Kuya si Keifer. Pero nakikita ko din yon kay Aries at Yuri. Minsan pati kay Percy pero hindi palagi.

"Baka guni-guni mo lang yon." Sabi ko.

"Alam mo, papasa syang kapatid ng tatlo. Nila Keifer, Keigan at Keiren. Tapos may hawig pa. Hindi kaya sya yung nawawalang kapatid nila."

Sasapakin ko tong babae na to! Kung ano-anong pumapasok sa isip.

"Muka bang nawawalan ng kapatid sila Keifer?" Sarcastic na sabi ko.

"Whatever. Paki-tanggal na." Utos nya sabay talikod.

Ginawa ko ang inutos nya, malapit na ko sa pinaka-dulo ng muling bumukas ang pinto. Akala ko si Kuya Angelo ulit pero ibang tao ang bumungad samin.

"What are you doing here?!" Inis na tanong ni Honey kay Felix na nakatingin sa kanya mula ulo hangang paa.

"Bakit ganyan ang suot mo?!" Inis na balik nyang tanong sabay sara ng pinto.

Agad syang lumapit kay Honey at kinuha ang Trench coat sa kama. Sinuot nyang pilit yon.

"Magtakip ka nga! Nakakahiya ka!" Dagdag pa nya.

"Ano ba?! Nagbibihis ako!" Suway ni Honey.

"Dun ka na magbihis! Gusto ko yang suot mo—este nakakahiya kila Jay-jay! Baka dumating kapatid nya!" Sabi nya habang patuloy sa pagsuot ng coat.

Ene dew?

Wala namang nagawa ang Honey ng damputin ni Felix ang mga damit nya pati narin ang bag nya. Hinawakan din nito ang kamay nya at pilit syang hinatak palabas.

"Problema mo ba? Let me go!" Pagpupumiglas nya pero malakas pa rin si Felix sa kanya.

Bago sila makarating sa pinto meron akong naalala. Isinigaw ko nalang yon para hindi sila maistorbo.

"Felix! Paload mo ko!" Sigaw ko.

"Sige! 1000 pa!" Sagot naman nya.

Tuluyan na silang naka-alis kaya naman natahimik na rin ako. Oras na para gawin ang nararapat.

Ang kumain! Let's eat!










++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter: @lareypot
Instagram: @lareypot
Author's FB Page: Lara Flores - eatmore2behappy

Continue Reading

You'll Also Like

27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...