Wanted: Tutor

By TipsyArchitect

217K 3.9K 98

A DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just e... More

Wanted: Tutor
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34.1
34.2
35
36
37.1
37.2
38.1
38.2
39
40
41
42
43
44
45.1
45.2
Epilogue
Author's Note

12

3.6K 58 0
By TipsyArchitect

WANTED: TUTOR

Chapter 12

"Ang bagal mo naman oh!"

"Eh anong magagawa ko kung ang hirap-hirap ng pinapagawa mo?!"

"Ewan ko sayo! Lahat na lang mahirap para sayo. Kahit ata 1+1 matatagalan ka pa makaisip ng sagot!"

Yan ang palaging sigawan namin ni Elmo buong gabi. Paano kasi, simpleng kokopyahin lang niya yung sinulat ko sa computer, di pa niya magawa. Ang hirap daw. Muntanga lang. Ittype na lang, mahirap pa? Ako na nga sumagot sa essays niya eh. Bwiset talaga.

"Oh. Anong part ka na?" tanong ko sabay dungaw sa kanya. "Hoy!! Bakit mo tinitignan yang pictures ko?! Hoy ano ba!"

"Hahahahaha. Bakit ganyan itsura mo?" tanong niya.

"Tanga ka ba? Halloween party namin yan. Malamang kailangan nakacostume." sagot ko.

Tinitignan niya kasi yung halloween party ng company nung nagpunta kaming magbabarkada dun. I was dressed as the Fire princess in Adventure Time. Maqui was Marcelin and yung kambal naman sina Jake and Finn.

"Hahaha. That's like the most childish party ever. Seryoso? Umaattend kayo sa mga ganyan?" tanong niya.

"Di naman kasi ako tulad mo na walang fun sa katawan. Akin na nga yan!" sabi ko sabay agaw sa laptop ko pero ayaw niyang ibigay. "Akin na sabi!" sigaw ko.

"Ayoko! Tsaka anong walang fun sa katawan?! Meron no. And I do a lot of fun stuffs."

"Like what? Have sex with every random girl you see?" tanong ko.

"Hahaha. Woah there. I don't have sex with them. I just flirt." aniya sabay kindat.

"Flirt? Wow. You're flirting skills are way out of control. I mean, making out on the very first hour you meet them?! That's pure awesomeness." sarcastic kong sabi sa kanya.

"Thanks. I'm the Flirt King."

"More like the Make Out King." bulong ko.

"Ansabe mo?" tanong niya.

"Wala! Sabi ko tapusin mo na yang pagttype!"

"Tsk. Mamaya na. Natatawa pa ko sa pictures mo eh. Hahahaha." sabi niya sabay scroll uli sa mga albums ko.

Hindi ko naman maagaw sa kanya ang laptop ko dahil nakahawak yung kamay niya sa ulo ko habang tumitingin ng pictures.

"Hahaha. Shet yung itsura mo dito. Ano to?"

"Ang alin ba?"

"Yung nakajumper kayo tapos may afro hair ka. Hahahaha."

"Ts. Outreach program namin yan sa isang orphanage at kaming magkakaibigan ang nagvolunteer na clowns okay?"

"Hahaha. Shet. Utak bata kayo."

"Kaysa naman sayo na utak hangin." bulong ko.

"Ts."

Tahimik na uli siyang nagscroll down sa laptop ko habang hawak pa rin ang ulo ko.

"Uy. Sino to?" pagtataka niya bigla.

"Ha? Ang alin?" tanong ko naman.

"Ito oh!"

"Tsk. Alisin mo kasi yung kamay mo sa mukha ko para makita ko diba?!" sabi ko.

"Ay ganun ba? Oh sorry naman." sabi niya saka na inalis ang kamay niya at nilapit pa ng konti sa akin ang laptop.

"Yan? Ako." sabi ko. Tumingin siya ng masama sa akin. "Ano?"

"Weh? Seryoso?" tanong niya na parang di naniniwala.

"Ts. Di ka naman pinipilit maniwala eh. Akin na nga yan!" at saka ko na inagaw yung laptop ko. "Ayaw mo namang gawin yang essay mo. Uuwi na lang ako." sabi ko.

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang pulso ko saka ako hinatak uli para umupo.

"I-ikaw ba talaga yun?" tanong niya sa akin.

"Ang alin ba?" tanong ko.

"Yung sa picture!!" sigaw niya.

"Oo nga! Bakit ka ba sumisigaw?! Inaano ka?!"

"Tsk. Hindi ikaw yun! Nakasalamin ka eh. Wala namang suot na salamin yung nasa picture eh."

"Ts. Elmo, uso contact lens diba? Tsaka nung time na yun, birthday shoot ko yun kaya wala akong salamin."

"Birthday shoot?"

"Oo. Para sa debut ko yun okay? Andami mo namang tanong eh!" iritang sabi ko saka na akmang aalis uli.

"Teka!" pigil nanaman niya sa akin.

"Ano nanaman?!"

"Wala ka bang kapatid?" pagtataka niya.

"Meron. Isa." sagot ko habang tinitignan siya ng masama.

"Sino?"

"Si Percy."

"Percy? Lalaki?" tanong niya.

"Hindi bading. Malamang lalaki diba?"

"Ilang taon na siya?"

"17."

"Ah. Taga SU din?"

"Oo."

"Wala ka ng ibang kapatid?" tanong niya ulit.

"Wala na nga! Bakit ba interesado ka ata sa buhay ko ngayon ha? Problema mo?"

"Ha? W-wala. Amin na laptop mo. Gagawin ko na yung essay." sabi niya saka kinuha ang laptop ko mula sa bag ko.

Nyare dito? Kanina pa siya ganyan mula nung sinundo ko siya eh. Tapos ngayon naman nung nakita niya yung pictures ko nung debut. Baliw na ata tong isang to eh.

Umupo na uli ako sa tabi niya at hinayaan ko siyang gawin yung essay niya sa laptop ko. Nag-abala naman ako sa pagbabasa ng libro.

KRRRRNNNNNNGGGG!

"Teka lang." sabi ko saka sinagot ang phone ko. "Hello?"

"Princess." narinig ko mula sa kabilang linya ang boses ni dad.

"Hi, dad. Bakit po?"

"Just want to remind you about your brother's party tomorrow. And I miss you sweetheart."

"Aww. I missed you too daddy. Don't worry dad. Di ko naman nakalimutan yung party ni Percy. Haha."

"Good. Oh sige anak. Nasa condo ka na ba?"

"I'm still at work, daddy." sabi ko.

"Ah okay. Osige. Naistorbo ata kita. I'll see you tomorrow."

"Okay lang po, dad. I'll see you tomorrow. Bye dad. Love you."

"Love you too, sweetie." at natapos na ang call.

Bumalik na ko sa upuan ko at tinignan kung ano na ang natapos ni Elmo sa essay niya.

"Sino yun?" tanong niya habang nakatuon ang pansin niya sa screen ng laptop.

"Dad ko." sagot ko sabay basa uli ng libro.

"Ah." nagtype na uli siya. "Bakit daw?"

Tumingin muna ako sa kanya at tinignan siyang maigi bago nagbalik ng tingin sa libro ko.

"Wala naman. May party kasi yung kapatid ko bukas kaya yun. Niremind lang niya ako about it. Bakit?"

"W-wala naman."

"Ts. Bilisan mo na. Tapusin mo na yan. Para makauwi na ko."

Wala siyang imik ng mga oras na yun. Natuwa naman ako kasi syempre first time kayang di umangal ang isang Elmo Moses Magalona habang gumagawa ng homework! At infairness ha. This is the first time that he really did his homework.

Pagkatapos niyang gawin ang essay ay pinrint na namin iyon at pagkatapos ay nagpaalam na akong uuwi.

"Teka. Kung may party kayo bukas edi hindi ka papasok dito?"

"Hanggang Friday lang ako sa trabaho ko sayo, Elmo. I don't have to be with you 24/7." sagot ko.

"P-pero PA na kita!" sigaw niya. Ayan nanaman. Nakasigaw nanaman siya. Tsk. Abnoy ata to eh.

"I'm your tutor, Elmo. Not your yaya." sabi ko saka na sumakay ng kotse ko at saka na ako umuwi.

Late na ako nang magising kinabukasan. Okay lang naman since the party will still be at night. Naabutan kong nagbbreakfast na ang mga kaibigan ko at nang makita nila ako ay sabay-sabay silang bumati sa akin.

"Good morning!" bati nila.

"Morning." sabi ko naman saka umupo sa tabi ni Maqui at kumuha ng toast.

Kumagat ako sa tinapay at saka nagsimulang magtimpla ng kape. Pare-parehas kaming halatang mga bagong gising. Si Blue, nasa ulo pa rin ang takip niya sa mata na isang fleece-like cloth na mata ng unggoy. Si Orange naman ay hikab pa rin nang hikab. Si Maqui naman tulala sa kape niya habang nakataas ang isang paa sa upuan niya. At ako naman ay tulalang kumakain ng tinapay.

"Mukha tayong tanga." basag ni Blue sa katahimikan. Sabay-sabay kaming nagtinginan at saka nagsitawanan ng malakas.

"Hahahaha. Grabe. Kahit ganito tayo every weekend natatawa pa rin ako sa itsura natin. Shet!" ani Orange.

"Hahaha. Favorite ko yung good morning face ni Maqui eh. Yung totoo? Lagi ka bang ginugulat sa panaginip mo?" tanong ni Blue kay Maqui.

"Kaysa naman sayong may mata ng unggoy sa ulo! Hahahaha." asar naman ni Maqui.

"Pero si Julie parang first time naging tahimik sa umaga." biglang sabi ni Orange.

"Ha? Ako?"

"Hindi, Jules. Ako ata." natatawang sabi ni Blue.

"Psh."

"Nyare sayo?" pagtataka ni Maqui.

"Oo nga. Kagabi nung umuwi ka diretso ka agad sa kwarto. Di ka na nga nagdinner eh. Tapos ngayon tulala ka naman."

"Hindi. Kasi kagabi pagod na pagod ako."

"Ah. Bakit? Naghabulan ba kayo nung kulugo mong alaga para lang mag-aral siya?"

"Ha? Hindi. Honestly, ang behave niya nga kagabi eh. Though may times na nag-aaway pa rin kami pero gets niyo? Basta ang weird niya kagabi."

"Hala. Anong nangyari dun?" pagtataka ni Blue. "Baka may lagnat?"

"Ewan. Tapos heto pa, he kept on asking me kung may iba daw ba kong kapatid aside from Percy. Parang baliw lang."

"Ay. Malala na nga. Baka naman nagddrugs yun?" tanong ni Maqui.

"Feeling ko din." sabi naman ni Blue at saka pa sila nag-apir na dalawa.

"Di mo ba siya tinanong?" biglang sabi ni Orange.

"I did pero di naman niya sinagot eh."

"Weird." sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Habang naghihintay kami para sa party ay naisipan naming magmovie marathon muna. Tutal naman ay may mga damit na kami at mag-aayos na lang mamaya. Hindi naman kasi ito formal party. Kumbaga ay tamang party lang siya. Drinks, food, music. Simple lang siya. Para lang talaga sa achievement ni Percy.

Nakahiga ako sa legs ni Maqui samantalang siya naman ay nakapatong ang ulo sa armrest ng couch. Ang kambal naman ay magkatabing nakaupo sa dalawang beanbag at nakasandal ang ulo nila sa couch. Nanunuod kami ng Titanic nun at tawa kami nang tawa dahil sa mga comments ni Blue sa pelikula.

"See?! Kung hindi kasi umusi yung nagmamaneho ng barko edi hindi sila nabangga sa iceberg!" utas niya.

"Bal, ganyan daw pag tigang!" gatong naman ni Orange.

"Hahaha. Baliw. Ganyan daw pag live yung nakikitang show!" sabi naman ni Maqui.

"Hindi. Ganyan daw talaga pag mahilig." sabi ko naman. Nagtawanan kaming apat at patuloy na naghanap ng pwedeng pagtripan sa movie.

KRRRRRNNNNNGGGGG!

"Uy, Jules phone mo ata yun." sabi ni Blue. Napatayo ako at saka tumakbo sa kwarto. Baka kasi si dad or si Percy na yun.

"Hello?"

"H-hello..."

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 50 44
This story is a work of fiction, names, characters, places, events and incidents here are from the author's creative imaginations only. There can be...
75.8K 1.2K 36
Paano kung ang taong matagal mo nang tinatakbuhano matagal ng binaon sa limot ay ang parehong taong hindi mo kayang layuan? Caitlyn and Joshua were b...
115K 1.6K 59
I'm married and he's arranged to be married but we both love each other. Can we still be together? -CLARA SHAIRA GUZMAN
122K 3.6K 60
Close friends. Mortal enemies. That's how they describe them. But what will happen if what one them fall in love?
Wattpad App - Unlock exclusive features