[2] Officially Back Together

By msABCs

1.3M 18K 6.8K

[Book 2 of "To.get.her Back Again"] A Thomas Torres - Ara Galang Fan Fiction. "You know you're in love when y... More

1 - First
2 - Dinners
3 - Day 1 - Cold Night
4 - Day 2 - Jelly Ace Morning
5 - Day 2 - Red-Handed Afternoon
6 - Day 2 - Pretend Night
6.2 - Day 2 - Pretend Night
7 - Day 3 - Morning Accidents
8 - Day 3 - Afternoon Movies
9 - Day 3 - Evening Roll
10 - Home
11 - Torresses
12 - New
13 - Cupcakes
14 - Text
15 - Animo
16 - Meet Again
17 - Galangs
18 - Spotted
19 - Face-offs
20 - Gotcha
21 - Rivalry
22 - Confession
23 - Triangles
24 - Vader
25 - Overnight
27 - Woo
28 - Back
29 - Confusions
30 - Confrontations
31 - Official
32 - Aftermath
33 - BBQ
34 - Shots
35 - Surprise
36 - Surprise Pt.2
37 - Fits
38 - Visit
39 - Sky
40 - Getaway
41 - Away
42 - Something old, something new
43 - Vows
44 - Knot
45 - Bouquet
46 - Ring
47 - Invitation
48 - Church
49 - I Do
50 - Forever
Bonus.1 - Four
Bonus.2 - Fifteen
Bonus.3 - Three
Bonus.4 - Seven / Nine
Bonus.5 - Eight / Eighteen

26 - Pie

23.2K 321 87
By msABCs

- MIKA's POV -

.

"Ara, anong nangyayari sa'yo? Hindi ka pa ba kumakain ng agahan at ang lalamya ng mga palo mo?"

.

Training namin ngayon at eto, nilalabhan nanaman ni Coach Ramil si Ara. Walang tulog 'yan kaya siguradong lasing sa antok. At kahit hindi niya aminin, alam kong dahil na-bother siya dun sa pic kagabi.

.

"Sorry po, coach," matamlay na sagot ni best.

"May problema ba -- aaaah.." Nagsasalita pa si Coach nang lapitan ko siya at bulungan. Pandagdag inspiration lang ni best. Hehe. "Ara, magkikita naman kayo ni cutie pie mamaya kaya focus muna sa training, okay?" pang-aasar ni Coach kay Ara.

.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Ara at dahan-dahan siyang napatingin sa akin. Unti-unti na ding kumukunot ang noo niya. Hihi. Peace, best.

.

"Yieeee.." panunukso ng buong team except naming bullies na lihim na tumatawa lang sa gilid.

"Sino si cutie pie, baby? Hindi ka nagsasabi ah," panunukso at patampong sabi ni Ate Aby kay Ara.

"Wala, Kap. Isang nilalang na mala-anghel ang mukha na susungkitin ko sana mula sa langit at ililipat ko sa impiyerno," nakangiting sagot niya.

.

Naglakihan ang mga mata nila Ate Aby at nagsi-atrasan palayo kay Ara. Mala-anghel din ang mukha nitong babaeng 'to eh, pero may tinatagong evilness 'yan. Kaya don't let her smile deceive you, guys. Pero mabait 'yan, 'wag lang gagalitin. *wink*

.

"Training na, coach! Butas-court na ang palo niyang si Arabella, sinisigurado ko sa inyo!" sigaw ko. Ayos, mabilis matatapos ang training namin ngayon. Hehe.

.

.

.

"Ano, wala na ba? Tapos na, Coach?" may paghahamon na tanong ni Ara.

.

Okay, nagsisisi na ako na binulungan ko si Coach kanina. Sobrang fired-up ng lola mo. Sa sobrang fired-up, lahat kami na-target niya. Kaya eto ngayon, lahat kami ay nakahandusay sa court at si Ara lang ang natirang nakatayo.

.

"A-ah eh, tapos na. S-sige, mag-shower na kayo," sabi ni Coach at nagmamadali nang umalis. Iwan ba kami kay Ara? Whattacoach. T__T

"Guys, training pa," aya ni Ara. Walang sumagot. Lahat kami nag-play dead. "Guys?" Pambihirang babae 'to, hindi pa pagod. "Tss. Weak!"

.

Narinig ko na ang footsteps niya palayo at maya-maya pa ay kumalabog na ang pinto ng locker room. Kasabay nun ang pagka-revive namin lahat.

.

"Araaaay.." daing namin lahat.

Puro masasakit ang katawan. Kung hindi sa tama ng bola ni Ara ay dahil naman sa paghabol ng mga bolang pinapalo ng bruhang 'yun.

.

"Kasalanan mo 'to, Ye! Araaay, braso ko.." sisi sa'kin ni Kim.

Hindi kasi niya naibaba yung braso niya kanina kaka-set kay Ara. Kaya ayan, nakahilata siya pero yung braso at mga daliri niya naka-stuck sa porma na magse-set ng bola.

.

"Oo na! Pero mas okay na 'to kesa mag-double training tayo dahil hindi makapalo ng bola ang babaeng 'yun noh! Araay.." sagot ko sabay daing.

Hindi naman ipinababa sa'kin ni Coach yung mga braso ko kanina hanggang hindi ko naba-block ang palo ni Ara. Kaya eto, stuck din ang braso ko sa pormang magba-block.

.

"O, anong nangyari dito?"

.

Ulo na lang ang naiangat namin lahat. Andiyan na pala ang Archers. Sila na kasi ang susunod na magte-training.

.

"Nag-apocalypse na ba? Bakit ganyan mga itsura niyo?" Natatawang tanong ni Kuya LA. "O may zombie invasion na? Zombie na kayo, 'no? Umamin kayo!" sabi pa niya sabay atras at harang sa mga teammates niya.

"Tumahimik ka! Tulungan niyo muna kami!" Sigaw ni Ate Liss na na-stuck naman sa pormang nag-dive para sa bola.

.

Lumapit na sa amin ang boys at tinulungan kami. Siyempre, si Jeron ko ang lumapit sa akin. Hihi. Araaay.. Kahit pala kiligin hindi pwede, masakit sa muscles!

.

"Anong nangyari sa inyo?" natatawang tanong sa'kin ni Je habang inuupo ako. "Uy, braso mo, gusto mo pa mag-block?" Nakataas pa din kasi ang braso ko.

"Ano ka ba, party-party tayo. Raise the roof -- ah - aray.." Sinubukan kong mag-pump ng hands pero hindi keri!

"Mmm. Asim, Miks!" pang-aasar niya dahil naka-expose nga yung kili-kili ko. Pero parang sira, amuyin ba!

"Oy, mabango 'yan --"

"2 hours ago?" Pagtuloy niya sa sasabihin ko habang natatawa pa din.

"Hanggang ngayon kaya. Baka kay Kim naaamoy mo," katabi ko lang kasi si Kim. Inamoy ko naman yung akin, mabango naman kaya.

.

"Lul -- aray! Pucha, dahan-dahan naman!" Sigaw ni Kim sabay sipa kay Almond at Kib, tig-isa ng paa yung dalawa.

"Ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa naninipa?" Panunumbat ni Almond sabay tayo. "Diyan ka na nga! Tara, Kib!"

"Uy joke lang, 'di na mabiro." Sinimulang habulin ni Dora yung dalawa habang nakaluhod at nakataas pa din ang mga braso. Ayan kasi.. Para tuloy niyang sinasamba yung dalawa.

.

"Aray, Mojacko!" Biglang sigaw ni Carol.

"Ano ka ba, I'm trying to loosen up your muscles," tuwang-tuwang sabi ni Gab habang inilalampaso si Carol paikot sa court. "Tapos nakatulong ka pa sa paglilinis dito. O 'di ba, 2-in-1? Nakatulong ka na, na-relax ka pa."

"Humanda ka sa'kin mamaya, ibabalik kita sa planeta mo! Bakla ka!"

Tsk tsk. Gumaganti lang 'tong itlog na 'to eh.

.

Napatingin ako kay Cienne. Nananahimik ang loka. Palibhasa si AVO ang tumutulong sa kanya kaya pa-demure ang bruha. Pero parang may something sa ngitian nung dalawa. Hmm..

.

"Guys, hindi pa ba kayo magsho-shower?" Si Ara! "Training pa?"

.

Bigla kaming nagtayuan.

.

Aguy!

.

Narinig kong lumagutok lahat ng mga buto ko pero wapakels! Tumakbo na kaming lahat sa locker room.

.

Kalokang babae 'yun, ibuhos ba sa'min ang galit niya! At ang loka, nakangiti pa kanina at mukhang nag-enjoy sa ginawa sa amin!

Kasalanan 'to nung Tres Marias eh!

.

.

.

"BULLI--"

"Shhhh!" Sabay-sabay na patatahimik namin ng bullies kay Cams na sumigaw mula sa entrance ng cafeteria.

.

Tapos na kami mag-lunch at nagpapalipas na lang kami ng oras dito. Kung bakit namin pinatahimik si Cams? Simple lang. Dahil natutulog si Victonara Galang. Knock-out dahil sa sobrang antok.

.

"Problema niyo?" Nakalapit na si Cams na kasama si Tigs.

"Wala. Magkaka-problema pa lang 'pag nagising 'yang sleeping beauty namin," sabi ni Kim sabay turo kay Ara na nasa tapat niya na nasa kanan ko naman. Sa dulo kasi ako ng table naakaupo kaya silang dalawa ang nasa magkabilang gilid ko.

"Sleeping beauty? Baka sleeping beast!" natatawang sabi ni Cienne na katabi ni Kim.

"Lagot ka, baaaks.." Pananakot ni Carol, na nasa tabi naman ni Cienne, kay Cams. Oo, walang nagtangkang tumabi kay best. Takot lang namin noh.

"Ay, oo nga pala," pabulong na sabi ni Cams at tinakpan na ang bibig. Naalala panigurado yung nangyari kanina sa training.

.

Naki-join na yung dalawa sa'min. Si Cams sumiksik sa gitna ni Carol at Cienne. Si Tigs siyempre uupo 'to sa tabi ni Ara.

.

"Aray ko."

.

O__O

.

Biglang natalisod si Tigs sa may tabi ko kaya nagalaw niya yung table kung saan nakadukdok si best. Nakita ko na lang na unti-unting nang minumulat ni Ara ang mga mata niya.

.

Uh-oh..

.

Bigla siyang umupo ng diretso at nang magsalubong ang mga kilay niya ay sabay-sabay na namin tinuro si Tigs, "Siya 'yun!" Kasalanan niya kaya bahala siya mag-isa.

.

Agad naman tumingin si Ara kay Tigs habang nakakunot pa din ang noo.

.

"S-sorry," nauutal na sabi ni Tigs. Lalo pang kumunot ang noo ni Ara. "Here," sabay abot ni Tigs ng tatlong box ng ewan.

"Ano 'yan?" mataray na tanong ni Ara habang nakataas ang isang kilay.

"B-buko pies," sagot ni Tigno. Aba, aba. Watisdis. Pumoporma na ang lolo niyo?

"Para sa'kin?" Pagtataray pa din ni best. Tumango na lang ang loko. "Lahat 'yan?"

Napatingin sa amin si Tigs pagkatapos ay tumingin na uli kay Ara, "Y-yeah."

.

Aba! Biglang ngumiti ang bruha!

.

"Thanks!" masayang sabi nito. "Upo ka," alok pa niya sa katabing bakanteng upuan.

Wow. Anak ka talaga ng bipolar, Victonara. Kaloka, 'yun lang pala katapat!

.

Pumunta na si Tigs sa kabila ni Ara habang si best naman ay napatingin sa harap. Biglang naging poker face ang babaita. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Si Torres pala. Nakaupo 3 tables away from us kasama si Almond at Gab. Magkaharap sila ngayon. Si bans din ay naka-poker face.

.

Pinutol ni Ara ang tingin niya dito saka masayang bumaling kay Tigs na nakaupo na sa tabi niya. Ayan nanaman yung ngiti niya. Nakakatakot.

.

"Picture tayo, Tigs," sabay kuha ng phone niya sa bulsa.

"P-para saan?"

"Twitter," nakangiting sagot ni Ara at pinwesto na ang phone sa harap nila.

"Ah, o-okay." Ngumiti na si Tigs at medyo inangat yung 3 box ng buko pies para siguro masama sa frame.

"1-2-smile.."

.

Whoa!

.

Biglang ni-lean ni Ara ang ulo niya sa balikat ni Tigs kaya ayun, pulang-pula ang loko at bilog na bilog ang mata. Parang nanigas nga din ata eh. Napatingin ako kay Torres. Ayun, hindi maipinta ang mukha.

.

Tiningnan na ni Ara yung pic at mukhang magpo-post na. Kaya naman sabay-sabay na namin kinuha ng bullies ang mga phone namin para tingnan kung ano ang ilalagay niya.

.

Twitter:

@VSGalang: Buko pies. Thanks @allthesmalltigs :* #happytummy #happybullies

.

Baliw na babae 'to. May kiss emoticon pa talaga. Napatingin uli ako kay Torres. Nakayuko siya at naka-kunot ang noo habang may tinitingnan sa phone. Mukhang yung twitter post ni Ara. Tsk tsk tsk.

.

"Kain tayo!" Masayang pag-aya ni Ara at sinimulan nang buksan yung isang box. Hindi na din niya nilingon yung jo space wa niya. O bakit, cool-off eh kaya may space.

.

Tumayo si Tigs para manghiram ng knife at habang hinihintay ay pinag-tripan muna namin yung buko pies. Selfie-selfie din 'pag may time.

.

Twitter:

@ciennecruz: OMG! #kadiri #pushsabangin (insert pic of Kim about to kiss the box of buko pie na may drawing na mukha)

.

"Epyu. Ikaw kaya i-push ko sa bangin?" pagbabanta ni Dora nang makita yung post ni Cienne.

"Maka-react ka naman diyan. Hindi kasi ikaw!"

Haha. Siyempre hindi papahuli ang reyna.

.

Twitter:

@mikareyesss: Selfie w/ these buko pies. #masbagay (insert pic of me with Carol na naka-lean ang ulo sa box ng buko pies sa background)

.

"We do it better, mga baks!" Sabay apir sa'min ni Carol. Naman!

"Mga sira!" natatawang komento ni Ara pero biglang nawala nang mapatingin siya sa direksyon ko.

.

Sinundan ko ang tingin niya. Tres Marias. Papasok na ng cafeteria. And unsurprisingly, lumapit sa table nila Torres.

.

"Una na 'ko," biglang tayo ni Ara.

"O, san ka pupunta?" Tanong ni Tigs nang makabalik siya sa table namin.

"May hihiramin pa pala akong book sa lib," sagot ni best.

"Samahan kita?" offer ko. Baka gusto niya ng kausap.

"Hindi na." Bahagya siyang ngumiti at tuluyan nang umalis. Hinayaan ko na lang dahil minsan talaga ay gusto nun mapag-isa.

"Anyare dun?" Tanong ni Dora. Nakatingin din silang lahat sa'kin.

.

Nginuso ko na lang yung table sa likod nila para ituro yung tatlong buntot. Nagulat at natawa ako nang biglang tumayo si Torres at umalis din, deadmatology sa taltlo! Hahaha! At malakas ang kutob ko na susundan nun si Ara. Bahala siya. Follow at your own risk.

.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Cams at Tigs.

"Wala.." sabay-sabay na sagot namin ng bullies.

.

"O." Biglang may inilabas si Kim na isang maliit na foil packet ng gamot mula sa bag niya.

"Ano 'yan, baks?" Tanong ni Carol na lumipat sa upuan ni Ara.

"Baka kasi gusto din nila ng buko pie. Pampasarap lang," taas-babang kilay na sagot ng negra.

.

Binuksan na niya ito at inilabas yung capsule. Binuksan na din niya yung shell nung capsule at para siyang evil witch na nag i-sprinkle ng pixie dust sa buko pie. Katakot, Maleficent levels kung makangiti!

.

Nang matapos siya ay tumayo siya at pumunta sa table ng Tres Marias saka ibinigay sa kanila yung natitirang kalahati ng buko pie.

.

"Ano 'yun?" Tanong ni Cienne pagkabalik ni Kim.

"Sabihin na lang natin na magic powder kung saan giginhawa ang pakiramdam nila," nakangising sagot ni Kimmy habang paupo.

"Baks, technically sila ang may kasalanan kung bakit tayo nabugbog ni Ara kanina sa training." May point si Carol.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Cienne.

"Kaya bakit natin sila bibigyan ng pampaginhawa --"

"Dami naman tanong." Biglang tumalikod si Kimmy at humarap sa table nila Gab. "Panuorin niyo na lang. 3-5 minutes."

.

Hinintay na lang namin kung ano ang tinutukoy ng babaeng 'to. Pinanuod na din namin sila.

.

"Wala naman. Sarap na sarap --"

.

Naputol si Cienne nang biglang huminto sa pagkain ang Tres Marias at nagkatinginan. Naglakihan din ang mga mata nila at lumukot ang mga mukha.

.

"Anong nangyari? Ano ba 'yung nilagay mo?" tanong ko.

"Pampa-poopoo," casual na sagot ni Kim.

"HA?!"

"Pampa-poopoo, mga bingi!" ulit niya.

.

Nagkatinginan kaming lahat at unti-unti kaming napangiti saka sabay-sabay na napatawa, "BWAHAHAHA!"

.

"Nice one!" sabay apir ni Cienne kay Kim.

"Look, mga baks!"

.

Napatingin uli kami sa Tres Marias at napahagalpak nanaman kami ng tawa nang pilit pa din nilang sinusubukang maging sosyal sa paglalakad.

.

"Let it go, let it gooo~" malakas na kanta ni Carolina. "Can't hold it back anymoore.."

.

Para silang rumarampa sa isang fashion show sa sobrang pag-cross ng legs habang naglalakad. Umii-style ang mga bruha. Pigil pa more!

.

"Wait, there's more," sabi ni Kim na itinaas pa ang isang daliri.

.

Hindi nagtagal ay sumunod na din si Gab at Almond. Nagmamadali silang tumayo at para silang sundalo na nagma-martsa habang naglalakad.

.

"Kaliwa, kaliwa.. Kaliwa, kanan, kaliwa," sigaw ni Cienne na parang nagco-command ng isang platoon.

.

Lume-level pa kasi sa bewang yung tuhod nila kapag humahakbang. Style din nitong dalawa. As if naman aatras 'yun sa ginagawa nila. Nyaha.

.

"Takte, tabi!" sigaw ni Almond sabay takbo habang nakasalo sa pwet. Mukhang hindi na nakatiis.

"Bro, hintay!" Sumunod na din si Gab. Wahahaha!

.

Now they know. Don't dare mess with ze bullies. Muahahaha --

.

Pero wait. Bakit may dalang pampa-poopoo itong negrang 'to? Ohwell, parang bulsa nga pala ni Doraemon ang backpack nito. Hindi na dapat ako magtaka.

.

Continuing on.. Muahahahaha!

.

.

.

- THOMAS' POV -

.

Sinusundan ko si Ara at napapagod na ako pero hindi pa din siya humihinto. Parang wala namang direksyon ang pupuntahan niya. Lutang nanaman sigurong naglalakad 'to.

.

"Aaah~!" Napasigaw siya nang bigla ko siyang hatakin. "Torres? Ano ba! Saan mo 'ko dadalhin!"

.

Hindi ko siya sinagot. Hinatak ko lang siya papasok sa library at papunta sa pinakatagong area nito. Library para hindi siya makasigaw, mahirap na eh.

.

"Buko pie?" I asked sardonically after I pressed her against a book shelf.

"Anong buko pie? Gusto mo ng buko pie? Nandun sa bullies, bumalik ka sa cafeteria kung gusto mo!" pabulong niyang sigaw. O 'di ba, tama ako ng pinagdalhan sa kanya.

"Buko pie?" I asked again, now with an irritated tone. Pinipilosopo nanaman ako eh.

"Tuna pie? Apple pie? Popeye? Ba-bye!" sabay tulak niya sa'kin at akmang aalis. "Ah - ano ba!"

.

Hinatak ko siya pabalik at mabilis kong pinalupot ang mga braso ko sa bewang niya.

.

"Thanks with a kiss?" Naiinis na talaga ako. Hindi maalis sa isip ko yung post at pic ni Ara kasama yung tigyawat na 'yun. And the worse part is sinadya niya 'yun.

.

"Baka nakakalimutan mo, we're giving each other space. Kaya DIS -" she removed my hands from her waist,

"TAN -" pushed me away,

"SYA!" and took a step back then turned her back on me.

.

Tatakas nanaman 'to.

.

"A -" I quickly grabbed her shoulder and turned her around again,

"YO -" took a step forward, erasing the distance between us,

"KO." And snaked my arms around her waist.

.

She raised her chin and folded her arms across her chest while we're intensely looking at each other's eyes, tila sinisindak ng isa ang isa.

.

"Let's talk," I said authoritatively.

"Fine," she said, raising up her chin more. Natatawa ako deep inside. Hindi talaga nagpapatalo 'to.

.

"Thanks with a kiss?" I calmed down a bit pero halata pa din ang pagkairita sa boses ko.

"Kiss?" She smirked. "Emoticon lang yung akin. Eh yung sa'yo?"

"What?" Then I remembered. "Aaah.." Yung post ni Max na pinakita lang din sa'kin ni Gab kaninang umaga. Tsk. Why did they have to take a picture of that kasi eh. "You jealous?"

.

Dinaan ko na lang sa biro, malinis naman ang konsensiya ko.

.

"Ay hindi, kinikilig pa nga ako eh!" Cute. Haha. "Tawa pa!"

"Don't be, okay? Hindi naman natuloy. Dumating sila dad kaya walang kiss na nangyari," I clarified. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "What? I said we didn't kiss."

"So kung hindi dumating sila Tito ay natuloy yung kiss?" inis niyang tanong.

"W-what? N-no! Of course not!"

"No pero nauutal. Bitawan mo na nga ako!" Pinipilit na niyang kumawala sa akin. Lalo kon hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Ara, don't dwell on what could've happened, okay? Yes, she confessed to me and she tried to kiss me. But nothing more happened. And that would never happen. Trust me," I said seriously, trying to give her assurance with my tone.

"B-bitawan mo na sabi ako eh!" Kumalma na siya ng konti pero sinusubukan pa din niyang tanggalin ang mga braso ko sa kanya.

"No, I won't let you go 'til you realize that it's only you that I want to kiss." I'm slowly leaning in. Bahala na, ang kulit eh.

"Isa --"

.

"Meow.."

.

Natigilan si Ara sa pagtulak sa mukha ko nang biglang may nag-ingay na.. pusa? Dito sa library?

.

"May kukunin lang na libro. Meow.." Kib. -__-

"Montalbo!" medyo pasigaw na tawag ni Ara. Napatingin naman ito sa kanya. "Halika dito."

.

Marahas na umiling-iling si Kib. Na-trauma na 'to kay Ara. Haha.

.

"May sasabihin lang ako, promise," sabay taas ni Ara ng isa niyang kamay.

"Eh bakit kaliwa?" turo ni Kib sa kamay ni Ara. Haha.

"Urgh." Agad na pinalitan ni Ara ang nakataas niyang kamay ng kanan. "O ayan, promise."

"B-bakit?" He started approaching but is still being cautious.

"Dalian mo na. Wala akong gagawin, hawak ako ng bansot na 'to oh," sabay turo ni Ara sa mga braso kong nakapaikot sa kanya.

.

Nang makalapit si Kib ay agad siyang hinatak ni Ara at binulungan. Nang matapos ay takot na tumingin si Kib kay Ara but she just smiled at him, a very sweet and innocent smile. May binabalak nanaman 'to. Tsk.

.

"Bro, bitawan mo na siya, please?" pakiusap ni Kib. "Kung hindi mapipilitan akong.."

"Ano?" may paghahamon kong tanong.

"Bibitawan na niya 'yan. Dali na.."

.

-__-

.

He started tickling me. Seriously?

.

"Bro, wala akong kiliti," I said, matter-of-factly.

.

Napatingin siya kay Ara at tila nagtatanong pero nginitian lang uli siya ni Ara.

.

"Sorry, bro." He suddenly hugged me. Ang weird tuloy ng pwesto namin. Nakayap siya sa'kin mula sa gilid habang nakayakap pa din ako kay Ara. "Bitawan mo na kasi, sige ka.."

"Ano nana-- what the hell?" He started leaning in.

"Love you, bro," he said in pouted lips.

"Bro, tigilan mo 'yan, susunugin ko yung penguin mo sa dorm," pagbabanta ko. Pero patuloy pa din ang paglapit ng mukha niya, one inch na lang ay mahahalikan na niya ako.

.

I groaned in frustration bago ko tuluyang pinakawalan si Ara para harangin ang mukha nitong frog prince na 'to.

.

"Thanks, Kib!" masayang sabi ni Ara at tinapik pa ito. Then she looked at me. "Bleh!" At tuluyan nang umalis.

"Sorry, bro. 'Wag mong susunugin si Penggy, maawa ka," sabi ni Kib sabay siksik ng mukha sa leeg ko. "Napagbantaan lang."

.

-__-

.

Hay, Ara.. You really do know how to 'charm' a man.

.

.

.

.

.

.

- ARA's POV -

.

"Special delivery!" sigaw ng bullies pagkapasok dito sa kwarto namin.

.

Mas maaga akong umuwi dahil dumiretso na ako dito sa dorm after ng last class ko 1 hour ago. Wala, feel ko lang magmuni-muni. Inaalala ko lang yung nangyari sa'min ni Torres kaning tanghali sa library.

.

Naniniwala ako sa sinabi niya pero kinailangan ko pa din siyang sungitan dahil kung hindi, baka hindi ko napigilan ang sarili ko at sinunggaban ko siya. >.<

.

"Sabi namin special delivery!" ulit nilang sigaw nang hindi ako kumibo dito sa kama ko.

"Ano ba 'yan?"

"More pies, bakla! Haba kasi ng hair mo eh, sarap lang sabunutan!" sagot ni Carol at inilapag sa kama ko ang isang plastic ng Jollibee. Pagsilip ko, sandamakmak na peach mango pies.

"Kanino galing?"

.

Pero hindi sila sumagot. Kinuha nila ulit yung plastic at saka sinimulan itong pagdiskitahan. Artista lang ang peg nung peach mango pies dahil sa pagpapa-picture ng mga baliw na 'to. Inabangan ko na lang sa twitter dahil alam kong dun din naman ang bagsak nun.

.

Twitter:

@mikareyesss: Selfie w/ these peach mango pies. #notsurekungbagay (insert pic of Mika kasama si Kim na yakap yung pies sa background)

.

Haha. Mga sira. At parang alam ko na kung kanino galing. Nakipagkumpitensya pa talaga yung bansot na 'yun ah.

.

Twitter:

@kimfajardo: @mikareyesss hindi ba bagay? baka isang batch pa, bagay na! :(

@ciennecruz: @kimfajardo wag ipilit! kung hindi, hindi! sa next pie ka na lang. :P

@maxene_: @kimfajardo HAHAHA! :)) @ciennecruz

.

"Maka-HAHA, hahambalusin ko 'to eh," inis na sabi ni Kim.

"FC se ete," dagdag pa ni Carol.

Tumawa na lang kami.

.

Twitter:

@jeronteng: @mikareyesss alam ko kung ano ang bagay.

@mikareyesss: @jeronteng ano?

@jeronteng: @mikareyesss tayo. :)

.

"Eeeeeeww.." Sabay-sabay naming react ng bullies maliban sa mahal na reyna na gumugulong sa sahig dahil sa kilig.

"Mga mapangahas na kawal, tumahimik kayo!" Tumigil siya saglit sa pag-ikot. "Moment ko 'to! Iiiiih.." sabay gulong uli.

.

Hindi na namin siya pinansin, libreng linis din kasi ng sahig eh. Bumalik na lang kami sa mga phone namin

.

Twitter:

@carolcerveza: @jeronteng @mikareyesss hindi niyo momento 'to, mga baks. layas!

@ciennecruz: @carolcerveza hayaan mo na, nalalampaso naman yung sahig. @mikareyesss gulong pa more.

@carolcerveza: @mikareyesss pero in my very beautiful opinion, parang mas bagay yung buko pie. ;)

@mikareyesss: @ciennecruz eto naman, selos agad. pakintabin ko noo mo later, k? @carolcerveza hmmm.. PEACH MANGO PIE o BUKO PIE? kampihan este pili na! @kimfajardo @VSGalang

@kimfajardo: @mikareyesss buko pie! mas nakakabusog. :P

@ciennecruz: buko pie. mas loyal sa crust niya, hindi humihiwalay. >:)

@carolcerveza: ang ganda ko. :)

@jeronteng: ikaw ang gusto ko, honey pie. ;)

.

"Lechugas! Banat ng banat 'tong intsik na 'to, babanatan ko na 'to eh," iritang sabi ni Kim at inambaan pa yung phone niya.

"Subukan mo, ipapa-execute ko si Boots!" bato ng unan ni best kay Dora.

"LUL!"

.

Twitter:

@kimfajardo: @jeronteng umay, TSUPEEE!

@iamthomastorres: @mikareyesss peach mango pie, mas tasty.

.

"Mas tasty daw oh.." sabay-sabay nilang pang-aasar sa'kin.

.

Sira ulong bansot na 'to, ni-literal yung sagot, eh alam naman niyang may hidden meaning yung pinag-uusapan. Tsk.

.

"Mas tasty nga ba, Arabells?" naka-ngising tanong ni Cienne.

"Malay ko!" bato ko ng unan sa kanya.

.

Twitter:

@gabreyes: @mikareyesss peach mango. tapon niyo na yung buko pie niyo, sira na!

@almondvosotros: @gabreyes tama! peach mango na lang! meron pa ba? penge naman.

@kimfajardo: @almondvosotros sige, DM ko sa'yo yung matitira.

@almondvosotros: @kimfajardo salamat ah. -____-

@kimfajardo: @almondvosotros na-receive mo na? ur welcome. :)

@mikareyesss: @VSGalang bully, ikaw na lang kulang. watyawant? >:)

@VSGalang: Wala! TinaPIE!

.

"Weeeh.. Cooorny.." pang-aasar nila at pinagbabato ako ng unan.

"Tigilan niyo na nga," sabi ko at nagtalukbong na ako ng kumot.

.

"Mojackong 'to, pentium 1 pa ata ang utak. Ang slow!" narinig kong sigaw ni Carol.

.

Malamang sa twitter yung tinutukoy niya kaya tiningnan ko. Natawa na lang ako. Slow ba talaga 'tong si Gab o humor lang? Haha.

.

Twitter:

@gabreyes: @VSGalang ano yun? tinapa na pie? anong lasa? masarap?

@carolcerveza: @gabreyes moja moja? UWEEEE!

.

"Best.." Biglang may yumakap sa'kin. "Sinundan ka ba ni Torres kanina?" Tumango lang ako. "Anong nangyari?"

Ibinaba ko yung kumot hanggang balikat ko, "Wala daw kiss na nangyari."

"O, kita mo na, wala naman palang nangyari. Kaya hindi mo dapat ginawa yung ginawa mo kay Tigs kanina," sabi niya sabay higpit ng yakap sa'kin. "Hindi solusyon ang pagganti, okay? Mamaya umasa pa si Tigs sa'yo. Makakasakit ka pa ng ibang tao."

"Oo na, hindi na mauulit." Nagsalita na ang aking dakilang konsensiya. Hindi na ako nagdahilan, tama naman siya eh.

"Kamusta na kayo ni Torres? Wala pa rin?" Umiling na lang ako bilang sagot. "Bakit? Pusong bato pa din ba si Tito-squared?"

"Hindi pa din ako kinakausap ni Papa pero sabi ni Mama pa-simple daw na nagtatanong si Papa sa kanya tungkol sa'kin." Hindi ko alam kung totoo 'yun o sinabi lang ni Mama para pagaanin ang loob ko. Pero pinili ko na lang na maniwala kaya medyo um-okay na ako.

"Ayun naman pala. Atleast may development!" masaya niyang sabi. "Malapit naman na mag-end yung term kaya makakauwi ka na, masusuyo mo na ang Papa mo. Konting tiis na lang, best."

.

Finals na next week, buti na lang at magtatapos na ang term na 'to. Makakausap ko na uli si Papa. Sana naman maayos na. Hindi dahil gusto ko na makasama si Thomas, kundi dahil miss ko na ang Papa ko. Haay..

.

-------------------

A/N: Makakauwi na si Ara. Magkakaayos na ba sila ng Papa niya? Abangaan..

Surprise! Sinisipag lang at medyo may free time. Haha. See you next chapter! :D

-------------------

Guys, check out these other fanfics, matutuwa at kikiligin kayo. Haha.

- Stronger by zenspeaks

- Twist and Turns by imdprincessvia18

- Collide 2 by imdprincessvia18

- Blessings by Mistakes by victonara08thomas16

- He's a Nerd?! by victonara08thomas16

- Perfect Timing by ponymaze

- We Got Married by CallMyName_

- Ampalaya-In Ka by thomaraaa

- F.A.I.L.: Finding an Ideal Lover by kenkenmushi

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 14.3K 51
A Thomas Torres - Ara Galang Fan Fiction. In a chapter of your life where you are trying to start anew, fate suddenly decides to play with you, what...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
1.4M 24.8K 61
L-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.
197K 12K 45
It was a perfect kind of love in a very unconventional time and place. How can you love someone when you know you're going to lose everything in the...