SHE became the campus HEARTTH...

By MicroHooman

750K 32.3K 4.4K

Paano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Announcement

Chapter 19

8.3K 357 32
By MicroHooman

ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

Pagkarating ko ng ecoclub ay siya ring pagdating ng Abno.Agad niya akong sinamaan ng tingin nang makita ako.

"H-hi kayo b-a yung sinabi ng d-dean na t-tutulong samin?",uutal-utal na tanong ng babaeng sumalubong samin sa entrance ng WFA garden na kung saan nandodoon ang lahat ng ecoclub members na nagtatanim.

"Yes",si 'Abno' ang sumagot.

"S-sumunod k-kayo sa'kin",sumunod naman kami sa babae at agad kaming pinagtitinginan ng lahat ng kamiyembro.

May instructions munang binigay ang babae samin bago kami nagsimulang magbungkal ng lupa para tamnan ng seedlings.Nang tingnan ko si Abno ay nagmumura ito habang nagbubungkal ng lupa.Hindi din tama ang pag hawak niya sa asarol.Halatang hindi kailanman nakakaranas ng paghahalaman.

Habang busy ako sa pangbubungkal ay biglang sumigaw at tumili ang mga babae ng ecoclub na kanina pang nakatingin samin.

Sinundan ko ang mga tingin nila at nakita kong si 'Abno' ito na nakatopless habang nagpapahid ng pawis.Nakita niya akong tumingin sa kanya kaya nagtitigan kami pero di kalaunan ay bigla siyang nagsmirk.Tingin lang ang tinugon ko sa ginawa niya bago nagsimulang magbungkal uli.Pinagpapawisan na din ako.

Patapos na ako sa pagbubungkal ng lupa nang bigla nalang may lupang lumanding sa ulo pati mukha ko.Natigil ako sa aking ginagawa at hinarap ang Abno na ngayong nakangise.Imbis na sapakin siya ay kiniskis ko lang ang ulo ko gamit ang kamay ko upang matanggal yung mga lupa,kaya ang kinalabasan ay naging messy ang buhok ko.Naramdaman ko ring napatitig at tulala si 'Abno' sa'kin.

Hindi ko talaga maiintindihan ang lalaking to...

Umalis ako doon matapos kong alisin ang lupa sa ulo at mukha ko upang kumuha ng mga punla.Agad din akong bumalik pagkatapos kong kunin ang sadya ko.

Itinanim ko na ang unang punla.Isusunod ko na sana ang pangalawa ng bigla nalang may tumapak sa itinanim ko!

"Oh.I didn't saw that.",sarkastikong sabi ng abnormal!

Umalis na siya habang suot ang mapang-asar na ngise.

Mga ilang oras din kaming nandidito sa WFA garden dahil nililinis pa namin ang mini forest na katabi lang din ng garden.Maraming tuyong sanga at dahon ang nandidito kaya mas lalo pa kaming natatagalan.

"S-salamat t-talaga sa pagtulong niyo.Maaga kaming natapos dahil sa inyo.Salamat talaga.",papasalamat ng presidente ng club pagkatapos namin sa ginagawa.

"Tch.You should be",hambog na sagot ni 'Abno' at umalis.Sa totoo lang ay wala itong halos naitulong.Hindi ito marunong magtanim.

Tanging tango ang ibinigay ko sa presidente ng club bago din umalis.

Dumerecho ako sa building ng mga grade 7.Apat ang grade 7 building dito kaya mukhang nasa kabilang building si 'abno' naglilinis ngayon dahil walang nagkakagulo at nagsisitiling studyante dito.

Pagkapasok ko ng building ay napansin ko pagtitinginan ng mga bubuwit sa'kin..May nagsisitili din.Recess time kasi ngayon kaya nagkalat sila sa hallway at sa may hagdanan.

Bago ako magsimulang maglinis sa comfortroom area ay nanghiram muna ako ng mop at timba sa isa sa mga janitor ng school.May katandaan narin yung janitor na hiniraman ko kaya awang awa ako rito ng maabutan ko siyang nagmo-mop ng hallway.

***

Habang papalapit ako ng comfort room area ay may nakita akong nagkukumpulang mga studyante sa pinto ng men's cr.

Akala ko si abno lang yung pinagkakaguluhan kaya aalis na sana ako nang marinig ko ang pagmamakaawa ng isang bubwit.

"Stop!Stop it!It hurts!I will give all my money to you so please stop"

"Hindi namin kailangan yan!sayo nayang pera mo!Marami kaming ganyan lampa ka!"

Bullying huh?

Sasaktan na sana uli yung batang nakaluhod ng batang bully kaya nakisali na ako.

"Get out!",sigaw ko kaya napatingin sa'kin ang mga bubwit na nandodoon sabay takbo ng mabilis.

Kami naman ang naiwan ng batang lalaki na binubully kanina ang nandidito.Nanlalaking mata rin itong tumitig sa'kin habang nanginginig.Lumakad ako patungo sa bata.

"P-patawad po.Don't hurt me..I will do what you want..just please don't hurt me",nanginginig habang umiiyak na sabi ng bata.

Bigla akong nakaramdam ng awa.Awa dahil sa kinahihinatnan nito.At dahil sa reaksiyon nito nang lumapit ako.

Nag-squat agad ako para magkapantay kami.Pagkatapos ay itinaas ko ang kamay ko,pumikit ang bata sa ginawa ko.He's too afraid of what i'm going to do to him.Pero dahan-dahan siyang napamulat as i patted his head.

"I'm not like them kid",sabi ko sa bata sabay ngite.Tulala itong napatitig sa'kin.Katulad ng expression ng mga taong makita akong nakangite.

I wonder what's on my smile that made them dumbfounded.

"Kid",tawag ko sa bata at tila nabalik ito sa kanyang wisyo.

"P-po?",utal nitong sagot.

"Nothing",sabi ko nalang sabay tayo at nagsimula ng mag-mop.Ramdam kong hindi pa umaalis yung bata.

"You should leave now.Tapos na ang recess",sabi ko habang nagmo-mop pa rin,at nakatalikod sa bata.

"Ayaw ko",sagot ng bubwit kaya natigil ako sa pagma-mop,at hinarap siya.

"At bakit?",mapangilatis kong tanong kaya nautal naman ito.

"N-nandodoon s-sila sa c-classroom..."

"Then tama pala sila.Lampa ka pala talaga",kumunot ang noo ng bata sa tinuran ko.

"A-ano?!",galit niyang sigaw.

"Hindi ba totoo?Sa ipinapakita at sinabi mo ngayon ito ang nagpapatunay na lampa ka"

"Hindi ako lampa!"

"Then prove it",agad kong sabi at natigil ang bata.Kinuha ko naman ang pagkakataon na magsalita uli."Prove it na kaya mo silang harapin at kaya mo silang labanan.Lalaki ka so act like one.But i'm not encouraging you to get your revenge in a violent way.

Matagal bago ito makapagsalita.

"Ikaw ba kuya.Ginagawa mo din ba yang sinasabi mo?"

Hmm?bat nalipat sa'kin?

"Oo,kapag kinakailangan",sagot ko na lang sa tanong nito.

"Then i'll follow you",sabi nito at tumakbo paalis.Kunot-noo akong napatingin sa batang kaaalis lang.Parang double yung meaning ng sinabi niya.

Matapos akong maglinis ng comfortroom area sa building na to ay lumipat agad ako sa kabila at wala pa din akong nakitang 'abno'.Hanggang ikaapat na building,ni anino wala talaga.

Wag niya sabihing tumakas siya?!Damn it!Pagod na ako!Ako lahat ang naglilinis ng buong cr ng apat na building!!

Habang naglilinis ako sa isa sa cubicle ng cr ay bigla nalang may nagsara ng pinto kaya na lock ako.Di nagtagal ay may bumuhos sa'kin nang maruming tubig mula sa ibabaw.Yung tubig na ginamit ay yung pinagtampisawan ko ng maruming mop!

Narinig ko ang pag-alis ng gumawa nito sakin kaya dali-dali akong tumuntong ng toilet stool sabay talon ng mataas upang agad akong makalabas ng cubicle.Naabutan ko ang lalaking may pawhistle-whistle pa habang papalabas sa bukana ng Cr.

"And where do you think you're going?",sabi ko.

Napalingon ang lalaki sa'kin at tatakbo na sana kaya agad kong hinapit ang damit niya sabay tulak sa kanya paloob.Napadaing ito ng matumba siya sa sahig.

"Sabihin mo,bakit mo ako nilock sa cubicle at binuhusan ng maruming tubig?", tanong ko sa lalaki.

"Trip ko lang dahil naiinis ako sa pagmumukha mo,may problema ka ba dun?",nakangiseng sagot ng lalaki.Grade 12 student na itong nasa harap ko.

"The truth"

"Sinabi ko na!",aniya pa rin kaya sinapak ko na sa mukha.

"Ano,sasabihin mo ba o hindi?",banta ko dito.

Tumanggi pa rin ito kaya sinapak ko uli.Mga limang sapak siguro ang nagawa ko bago siya sumuko.Hindi naman siya makaganti ng sapak sa'kin dahil pinipigilan ko ang bawat kamao niyang pupunta sa'kin.

"Oo na!Pinag-uutusan lang ako!",takot niyang sigaw.Binitawan ko naman ang kwelyo niya na kaninang hawak hawak ko habang sinasapak ang mukha niya.

"Umalis ka na",utos ko dito at dali-dali naman itong tumakbo palabas.

Hindi ko na kailangang tanungin ang nag-utos sa lalaki dahil alam ko na kung sino.

Matapos kong linisin ang buong comfortroom area ng apat na building ay dumerecho agad akong washroom ng club na sinalihan ko upang maligo dahil ang lagkit-lagkit at ang dumi na ng katawan ko.













XENON'S POV:

"Bat andito ka bro?Diba may punishment pa kayo ni Ashton",tanong ni Red pagkarating ko sa classroom namin.

"Tapos ko ng gawin Red",pagsisinungalung ko sa kanya sabay upo ng seat ko.

"Aga naman ata!",si Mat.

"Yeah dahil magaling ako sa lahat",pagmamayabang ko.

"May hindi ka sinasabi samin Xen",nagdududang sabi ni Red.

"Pwede ba bro.Tigilan mo yang pagdududa mo.Nagsasabi ako ng totoo."

"Hindi na pala namin sabihin kay coach na hindi ka makapagpraktis ngayon?",singit ni Mat.

"Hindi na",sagot ko kay Mat

"Kilala kita Xen.Kilalang-kilala",ani bigla ni Red kaya napatingin ako uli sa kanya.Wala talaga akong lusot sa mokong nato.

"Oo na.Hindi ko pa natapos yung pinagagawa ni lolo samin.Hinayaan ko siyang mag-isa ang tumapos nun.Pero ginawa ko yung unang punishment.tch",pagsasabi ko ng totoo pero di kasali yung ginawa kong kasamaan sa gago na yun.

"At sa anong dahilan kaya hindi mo ginawa yung pangalawang punishment niyo?",si Red.

"Dahil sa nandidiri ako.Cr yun bro!pinalilinis ni lolo samin yung buong cr ng grade 7 buildings"

"Ewan ko sayo..tsk!",sabi ni Red at umalis na sa harapan ko.

Pagkaalis niya ay siya rin namang pagdating ng teacher namin sa Physics.

Pagdidiscuss, activity, at quiz lang ang ginawa namin buong araw.

Matapos ang klase ay lumabas agad kaming tatlo ng classroom upang pumunta ng gymnasium.Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong ko ang taong inutusan ko para sa gagong Ashton na iyon.May pasa ito sa mukha.

Ano kayang nangyari sa pinag-uutos ko at nagkapasa yung taong yun.

Naabutan namin ang team na nagwawarm up,nandodoon din si coach.

Nang makita kaming tatlo ni coach ay agad kaming pinalapit doon.

"Yes coach?",tanong ko ng makalapit kami.

"Ikaw muna dito.Pinapapapunta ako ng dean sa office niya."

"Ok coach",sagot ko at umalis na nga siya.

Habang nagsho-shooting kami ng bola dito ay napansin ko naman na bago yung kabilang ring ng gym.

"Bakit pinalitan yung kabilang ring?",tanong ko sa team matapos naming magwarm up.

Wala kasi kaming praktis kahapon kaya ngayon ko lang ito napansin.

"A-ano cap...n-nasira k-kasi yan kahapon",uutal-utal na sagot ni Felix,ang isa sa point guard ng team.

"Pano nangyare yun?Bola lang naman ang isho-shoot diyan?",hindi ito nakasagot.

"Anyone?",lingon ko sa iba at nagsisi-iwas naman ang kaklase niyang kasali rin ng team.

Are they hiding something from me?

"Cap. ang totoo niyan ay...",si Jayson.Nagdadalawa pa ito.

"Ano?",agad kong tanong.

"Ang totoo ay nasira yung ring dahil sa dunk",pikit matang sagot nito.At napuno naman ng tawanan ang buong gym.Si Mat yung pinakamalakas na tumawa.

Wait.Did he just say dunk?!

"Binibiro niyo ba kami Jayson?",si Red ang nagtanong.Siya yung hindi sumali sa tawanan.

"Hindi po!",agad nitong sagot.

"Pfftt!Talaga Jays?",si Mat na nagpipigil na ngayon ng tawa.

"Totoo ang sinabi namin cap",si Felix naman ngayon.At seryoso siya habang sinasabi ang kataga na yun.

"Tch.This is not the right time for jokes Felix.Alam niyong walang marunong magdunk sa'tin maliban sa akin.Tsaka kung meron man ni isa sa inyo,imposibling masira niyo yung ring",ani ko at uminom ng tubig na dala ko.

"Paano kung sabihin naming si Ashton na kaaway mo ang may gawa niyan?",inis na sabi ni Felix.Natigil ako sa narinig.Pati na ang buong team.

"Sinabi mo bang Ashton?",tanong ni Red.

"Oo",agad na sagot ni Felix.

"Then i believe you.Tell me the whole story",sabi ni Red dito at ikinuwento naman ni Jason at Felix yung pangyayari kahapon.Nakinig din ako at ang buong team.Pero habang nagkukwento sila, ay parang may hindi ito sinasabing detalye ngunit di ko na pinansin yun.

"Halimaw pala talaga siya Red.Tama ka tungkol sa kanya",manghang sabi ni Mat matapos nilang mag kwento.Naramdaman ko naman ang aking galit sa narinig.

"Tch.Let's continue the practice",inis kong sabi sabay tayo,napaupo kasi kami habang sinalaysay nina Jason at Felix yung pangyayari.Kunot noo akong tinignan nina Red at Mat pero di ko na pinansin.

"Move your f*cking ass now!",galit kong sigaw kaya sumunod na ang buong team.








A/N

Ito muna guys.Hope you like it.Magvote at magcomment kayo ha?ba bye!😉😉

Continue Reading

You'll Also Like

796 22 9
Sana makita mo naman na may nagmamahal sayo..... Nasa malayo at nakatingin sayo.... At minsan na..... Nakakasama mo.... Nung Ikaw ang lumayo.... Ako...
79K 3K 33
Gwendolyn Salcedo once read this quote "Admit it, you like someone you can't have" Hindi sya naniniwala sa bagay na yon, kasi bakit? Anak mayaman, go...
10.4K 486 25
Once in your life mayroong isang tao na papasok sa iyong buhay, minsan para pasayahin ka, minsan para painisin at minsan para paiyakin ka... Isang ta...
132K 3.3K 51
"Oww maglalaslas ka kuya pogi?" "OO" "Asige kuya pogi go kalang ipagchicheer pa kita pero walang sisihan pag sa impeyerno ka napunta ha" "Eh ano bang...
Wattpad App - Unlock exclusive features