BERTA
Nagising ako dahil sa mararahang halik na dumadampi sa iba't ibang parte ng aking mukha. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata upang makita ang gwapong mukha nang salarin. Ngumiti ako sa kanya at muling pumikit. Natawa ako ng mahina nyang pitikin ang tungki ng aking ilong.
"Hey! Wake up." Gising nito sa akin. Napaungol ako ng maramdaman ang bahagyang kirot sa aking ibabang parte. Sanhi ng bahagya kung pag kilos ng tumalikod ako ng higa sa kanya. "I'm hungry Beh. Gising na." Malambing na turan nya pa.
Iniangat ko ng bahagya ang aking ulo upang lingunin sya mula sa aking balikat at tinignan sya ng masama. "Nasa akin ba ang plato?" Inis kong tanong sa kanya. Hindi ba nya alam na masakit ang perlas ko? Wag nyang sabihing ako pa paglulutuin nya? Natigilan ako ng yakapin nya ako mula sa aking likod at buong lambing na inihili-hili.
"Wala nga sayo ang plato. But I want to eat with you. Wake up na Beh beh." Parang batang turan nya sa akin. Huh!? He want to eat me? Eh masakit pa kaya si Nene ko.
"Masakit pa ang pepe ko. Teteng. bukas nalang ulit OK." Nakapikit kong tugon sa kanya. Kahit na masarap yung gusto nyang gawin ay sa tingin ko hindi ko pa talaga kaya ang umisa ngayon. Masakit talaga si nene ko.
"Huh!?" Tila naguguluhan nyang tanong sa akin. "What do you mean na masakit pa si pepe mo?" Dagdag tanong pa nya. Humarap ako ng patagilid sa kanya. Kaya mag kaharap na ang aming mukha. Bahagya kong na silayan ang matipuno nyang dibdib kaya ako ay napalunok. Sya nalang kaya ang kainin ko? "Di ba sabi mo you want to eat me? Eh masakit pa nga si pepe ko kaya bukas nalang ulit OK?" Parang batang pagkausap ko sa kanya. "Oh kung gusto mo dede ka nalang sa akin?" Suhistiyon ko pa sa kanya. Nangunot ang kanyang noo at saglit na natigilan. Ilang saglit pa ay malakas itong tumawa sa aking harapan. Hay!! What a view!?
"Oh my God!!! Beh beh!! Ang manyak mo!!" Sabi nya sa akin habang humahalakhak sa aking harapan. Ako pa raw ang manyak eh sya nga tong ang aga aga gustong umisa. "I said. I. Want. To. Eat. With. You. Not. I want to eat you. OK!?" Natatawa nya pang turan. Sumimangot ako sa kanya. May with ba syang sinabi? Wala kaya!! "I'm not going to do you again." Sabi nya na lalong nag pahaba ng nguso ko. Anung ibig nyang sabihin? Hindi na ulit namin iyon gagawin? "Not. Until next week. Siguro naman that time magaling na si Nene?" Tinaas baba pa nito ang kanyang kilay.
"Promise mo yan huh!!??" Dinuro ko sya ng aking hintuturo na para bang nagbabanta na kung hindi nya tutuparin ang kanyang pangako ay may mangyayaring masama sa kanya. Hinuli nya ang aking daliri at saka iyon isinubo sa kanyang bibig. At gaya nga ng inaasahan ang pangako nyang makalipas ang isang lingo ay saka lang ulit namin gagawin ang bagay na iyon. Ay hindi nangyari. Dahil ilang minuto lang ang lumilipas ay naulit ang masarap na pag mamahalan namin. We did it again and again. Sa banyo. Sa kama. Sa dining room. And even sa living room ng araw ding iyon. Kung hindi pa nga dumating si Kurt ay baka magdamag naming ulit ulit yon.
Lumipas ang mga araw, lingo at buwan. Naging maayos ang pagsasama namin ni Tristan. At least kahit paanu. He he. Madalas kasi kaming mag talo dahil sa mga maliliit na bagay lang. Well. what do you expect sa isang couple na ang isa ay makulit habang ang isa naman ay pikon. Pero kahit naman nagtatalo kami ay hindi naman iyon nagtatagal naayos din namin iyon bago matulog sa gabi. Minsan nga ay sinasadya kong asarin sya. Kasi madalas pag nagaaway kami ay nauuwe sa lambingan ang tagpo.
Tristan buy a new house sa isang village sa pasig. Na safe ang facilities and environment para sa mga matatandang katulad nila Lola Azon. Hindi naman kalakihan iyon. Sakto lang para mga lolo't lola ko. Pinalipat nya ang mga matatanda roon. Tatlong lingo makalipas ng malaman nyang ako at si Behbeh ay iisa. That is one of his promises for me ng bata pa kami. Na bibilhan nya raw ng magandang bahay ang mga Lola ko pag laki namin. Dahil nga sa kubo lang ang bahay namin noon. At Simula rin ng malaman nyang ako si Behbeh ay sa palayaw na yun nya na ako tinatawag. Mas naging malambing din sya sa akin. Para bang bumabawi sya sa lahat ng araw at taon na nag kalayo kami noon. Kahit na para sa akin ay hindi naman na kailangan iyon. Ang makasama sya ay sapat na sa akin para maibsan ang mga pangungulila ko noon sa kanya.
Inilagay ko sa loob ng aking bagpack na dala ang aking notebook. At saka nilingon ang babaeng naghihintay sa akin. Ngumiti ako sa kanya 'tsaka sya tinanguhan.
"Let's go?" Aya ko Kay Monneth.
"Grabe! malapit na ang assessment naten Berta." Turan nito. Umarte pa sya na parang kinakabahan. Natawa naman ako sa kanya. "One on one yata ang assessment eh."
"Sus!" Irap ko sa kanya. "Kunwari ka pa dyan. If I know sisiw lang yun sayo." Turan ko pa sa kanya habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Malapit na kasi ang assessment namin sa isang lingo na iyon. Pero hindi ako kinakabahan confident akong maipapasa ko iyon.
Sabay kaming mag l-lunch ngayon. Wala kasi akong sundo. Isinama ni Lola Editha si mang Dany sa Cebu. Kaya mag t-taxi ako papunta sa klase ko sa Pasay. Mula naman doon ay susunduin ako ni Tristan at sabay kaming uuwe.
Nagtaka ako nang matigilan si Monneth pagka labas namin ng building. Tila ba ay namutla ito na parang nakakita ng multo. Sinundan ko ang dereksyon kung saan sya nakatingin. Nangunot ang noo ko ng makita ang bulto ng isang napaka-pamilyar na lalaki na naglalakad patungo sa dereksyon namin. Malapad itong nakangiti sa akin. Buong tamis namin din akong ngumiti rito.
"Brandon!" Bati ko sa kanya ng ilang hakbang nalang ang layo nya mula sa amin.
"Hi!" Aniya ng makalapit. "I heard from Tristan na wala ka raw sundo ngayon. His busy for some meetings. So I just guess that you will need a ride for your next class." Natawa ako ng tinaas baba nito ang kanyang kilay. Ang cute nya. Brandon's feature is a typical foriegn look. Kung hindi ito mag sasalita ng Tagalog ay hindi mo ito mapag kakamalang may lahing pinoy. Ang nakakatuwa pa rito ay matatas syang managalog.
Nilingon ko si Monneth upang sana ay ipagpaalam si Brandon na isasama sa aming pananghalian. Subalit mukha itong matatae sa itsura nya. Nagtataka akong pinag-masdan ang namumutla nyang mukha habang nakatitig sa mukha ni Brandon. Mabilis itong nag bawi ng tingin sa binata nang bigla itong lingon ni Brandon. Kumunot ang noo ng lalaki ng mapag masdan ang magandang mukha ng dalaga.
"Hmhmh. Berta." Tawag pansin ni Monneth sa akin. Nilingon ko naman sya sa nagtatakang tingin. "May nakalimutan pala sa room. Mauna ka na. Sa susunod nalang tayo mag sabay mag lunch. Sige ingat ka Berta. Bye!" Humalik ito sa aking pisngi at saka nag mamadaling tumakbo pataas ulit ng building. Nagtataka kong pinag masdan ang likod ng papalayong babae.
"Anung nangyari dun?" Bulong kong tanong sa aking sarili. Nilingon ko ang gwapong lalaki sa aking gilid. Matiim itong naka titig sa likod ng babaeng kasama ko kanina. Seryosong seryoso ang kanyang mukha. "Hoy!" Ipinitik ko ang aking mga daliri sa harap ng kanyang mukha upang agawin ang atensyon nya sa umalis na si Monneth.
"Who's that Berta?" Seryoso nyang tanong sa akin. Titig na titig sya sa aking mukha.
"Si Monneth yun. Kasama ko sa klase." Sagot ko sa kanya. Hinawakan ko sya sa braso upang igiya na paalis. Ngunit hindi ito natinag. Kunot noo ko syang tinignan. "Tara na?" Aya ko pa sa kanya.
Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Kinakabahan ako sa mga kinikilos nya. "Stay away from her Berta." Seryoso nyang utas sa akin. Wala sa sarili kong muling nilingon ang dereksyon na tinungo ni Monneth. At muling ibinalik ang aking mga mata sa seryosong mukha ni Brandon.
"Bakit?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Matagal itong tumitig sa akin bago humugot ng malalim na paghinga. Lumapit sya sa akin at saka ako inakbayan at iginiya nang maglakad.
"Nothing." Tugon nya sa akin. "Don't mind what I've said." Pag tatapos sya sa aming usapan.
Ang inaasahan ko ay sabay kaming mag l-lunch ni Brandon bago nya ako ihatid sa aking klase. Ngunit ibinili lang ako nito ng McDonald sa driver through na nadaanan namin. At saka ako nito hinayaang kumain sa loob ng kotse nya. Busog daw sya dahil sa lunch meeting na dinaluhan nya bago ako sunduin. And guess what kung sino ang ka meeting nya? Walang iba lang naman kundi ang boyfriend ko. Kaya pala nya nalaman na walang susundo sa akin ay dahil kasalukuyan silang nag m-meeting nila Tristan ng tumawag si Lola Editha sa boyfriend ko. At nabangit daw ng matanda ang pangalan ni mang Dany. Kaya ayun nag punta sya sa akin para sunduin ako. Lakas talaga ng tama eh. Buti pa sya naisipan akong sunduin kahit busy sya. Hehe syempre joke lang. Busy lang talaga ang boyfriend ko kaya hindi nya ako maasikaso. Pero sa totoo lang kinakabahan ako. Pag nalaman ni Tristan na mag kasama kami ng kano na to. Ay siguradong mapapagalitan na naman ako nun.
Matagal na akong sinasabihan ni Tristan na wag akong lalapit kay Brandon dahil nag seselos sya. Oo inamin nyang nag seselos sya sa kumag na to. Kesho may gusto raw sa akin si Brandon. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na wala at mag kaibigan lang kami nito ay ayaw nya talagang maniwala sa akin. Kilala nya daw kasi ang binata na mailap sa mga tao. Lalo na sa mga babae. Sabi pa nga sa akin ni Tristan noon. "Kung ikaw ang babaeng tumanda ng walang boyfriend. Si Brandon naman ang lalaking tumanda ng walang girlfriend." Galit na galit ako noon sa kanya. Ang buong akala ko ay talagang naging loyal sya sa akin bilang si Behbeh yun pala nag ka-girlfriend sya noong mag kalayo kami. Talaga nga namang sa bibig nahuhuli ang isda. Tawa pa ng tawa ang ugok. Wala lang naman daw iyon. Pustahan lang nila ni Philip noong college sila. Natalo daw kasi sya kaya kailangan nyang gawin ang consequence. At yun nga ay ang ligawan ang napiling babae ni Philip. At dahil nga daw gwapo sya ay sinagot daw sya agad nang babae. Ipinagmalaki pa talaga nyang ito raw ang naka-virgin sa kanya. Yun siraulong Philip na yon bad influence talaga sa boyfriend ko.
Alam ni Brandon na ayaw ni Tristan na sumasama ako sa kanya. Tinawanan lang naman ni Brandon ang bagay na yun. Naiintindihan naman daw nya ang inaasal ni Tristan. Mag kaibigan sila ng mahigit sampong taon kaya alam na nila ang ugali ng isa't isa. Wala naman kasi kaming ginagawang masama ni Brandon kaya wala akong nakikitang dahilan para iwasan ko sya. Simula noong araw nang despedida ni Erick ay naging malapit na kami ni Brandon. Basta basta nalang syang sumusulpot sa harap ko at niyayaya akong kumain. at syempre dahil libre iyon ay sumama ako. Para akong nakakuha ng kuya sa katauhan ni Brandon. Dahil matanda sya sa akin ng tatlong taon.
Pag kahatid sa akin ni Brandon sa entrance ng building kung saan ang klase ko ay mabilis na itong umalis. He kiss me on my forehead before he leave. Lagi syang ganun at nakasanayan ko na iyon.
Mabilis na lumipas ang oras. Sa totoo lang wala akong natutunan sa mga itinuro ng teacher ko ngayon. Antok na antok kasi ako buong klase. Ang dami ko kasing kinain na McDonald kaninang tanghalian. Two pieces chicken ba naman with rice at saka dalawang double mcburger. May French fries pa. At two large drinks.
Nagulat ako nang may sumalubong sa mukha ko na mga bulaklak pag kalabas ko ng classroom namin. Napangiti ako ng makita ang gwapong mukha ng boyfriend ko.
"Flowers for my beautiful girlfriend." Turan nya habang ibinigay sa akin ang mga bulaklak. Kumindat pa ito nang tuluyan ko ng makuha ang mga bulaklak.
Hawak ng isang kamay ko ang mga bulaklak. Habang nakalahad naman sa harap nya ang isa pa. "Asan na yung chocolate?" Natatawa kong tanong sa kanya. Malakas itong tumawa dahil sa aking tinuran. Hinuli nya ang nakalahad kong palad at 'tsaka iyon iniyakap sa sarili nyang bisig.
"Wala!!" Natatawa nyang tugon sa akin. "Ibenebenta mo lang naman ehh." Sabay kaming nagtawanan habang naglalakad.
Alam pala talaga nya na ibenebenta ko yung mga chocolate na binibigay nya sa akin noon. Kahit na hindi ko naman na ibenebenta yung mga binibigay nya ngayon. Pinag-bibintangan nya parin ako.
Naramdaman ko ang pag angat ko mula sa pagkakaupo ko sa passenger seat ng kotse ni Tristan. At ang sunod nun ay ang marahas na pagsara ng pinto ng kanyang sasakyan. Kagaya ng mga nakaraan ay nakatulog na naman ako sa 'byahe. Nadama ko ang malambot na kama sa aking likuran nang maingat nya akong ihiga roon.
"Sleep well Beh. beh. I'll just cook our dinner." Malambing nyang bulong sa aking tenga at 'tsaka ako ginawaran ng mabining halik sa labi. Narinig ko ang pag sara nya ng pintuan. And after that. I let myself fall into my slumber.