-Help Her #4-
ROAN's POV
"O dali! Uwi na! UWI!" tinulak-tulak niya pa ako.
"Yah! Oo na uuwi na nga!" sigaw ko.
Nag-cross arms siya at tinaasan ako ng kilay.
Lul -_- Mukhang bulkan sa taas eh.
"Wala na si Kris, nauna ng umuwi. Kaya pwede ba, umuwi ka na din KUNG AYAW MONG KALADKARIN KITA SA TENGA AT DALHIN SA BAHAY NIYO!!!" palakas na palakas ang boses niya.
Napatakip ako sa tenga.
"NYETA HA! Ang sakit sa tenga Quel! You should be aware na HINDI KAGANDAHAN ANG BOSES MO SA PANDINIG KO!" sigaw ko din.
"YUNG SAYO DIN GAGA! PAREHO LANG TAYO SHUNGA!"
Ay~ Pareho ba kami?
"Ganun? Ok." sabi ko.
"Oo, ganun. Tsk! Kung saan-saan na naman napupunta usapan natin. Hala sige! Uwi na." at tinulak na naman niya ako.
Aish~ Uuwi naman ako eh. Ano bang problema niya?
"Oo na, ito na nga uuwi na." sabi ko at inirapan siya.
"TEKA!" sigaw niya.
"Hoy Raquel! Ako ba ay pauuwiin mo o ano?" aalis na ako tapos aawatin pa.
"Beso-beso ko?? :3"
Sus.
Lumapit ako sa kanya at tsaka kami nag cheeks to cheeks, ang usual na ginagawa namin bago magpaalam sa isa't-isa.
"Bye!" sabay naming sabi.
Pagkatalikod ko at dumiretso na ako sa tawiran at tsaka tumawid. Alangang hintayin kong may magtawid sakin, ano ako? Matandang iika-ika? -_-
Habang naglalakad...
Gusto kong ice cream.
Ay hindi, cake pala gusto ko.
Ay! Chocolate pala.
Pfft. Sushi nalang pala.
Ang layo naman, from sweets to Janapese food. XD
Teriyaki nalang kaya? Magpapa-deliver nalang ako mamaya pagkauwi k--
*lingon sa likod*
>.>
Wala. Ok, diretso lakad.
So, yun nga. Tatawag ako mamaya-- ay hindi, si yaya nalang pala utusan ko, patatawagin ko sa Tokyo-Tokyo para um-order ng Teri--
*lingon ulit sa likod*
>__>
Wala talaga.
Ano ba yan! >_< Pakiramdam ko may nasunod na naman sakin. Shet! Kung gusto mo ang kagandahan ko dadalhin nalang kita sa salon ng mom ko, dun aayusan ka nila wag mo lang akong sundan. Ang creepy na! TT^TT
Dahil sa kaba, medyo binilisan ko na ang lakad ko. Hindi pa naman magdidilim ah, bakit may nasunod na agad sakin? >.< Dapat sa gabi lang kayo naglalabasan mga masasamang creatures!
Binilisan ko pa ng konti dahil sa feeling ko, binilisan din ng sumusunod sakin ang lakad niya.
*sshk.sshk* <-- Tunog ng lakad ng sumusunod. LOL XD
Waaah! Ayoko na. Kailangan ko ng tumakbo, medyo may kalayuan pa ako sa bahay namin.
Tatakbo ba ako? Hindi kaya barilin ako bigla? O kaya hagisan ng knife? Omg! Paano na kami ni Kris? Hindi pa nagiging kami, hindi pa niya ako nangingitian. Bawal pa akong mamatay! TOT
Bahala na. Kailangan ko ng tumakbo, pero bago yun...
"LUMAYO KA SAKIN WAG MO AKONG SUNDAN!!!" sigaw ko at tumakbo. Bakit naman kasi sa lahat ng dinadaanan ko laging walang taong mga naglalakad. Zombie?! >n< Sa gabi naglalabasan? Ay wait... vampires yun diba? Ay letse! Ewan!
Tumakbo na ako pero feeling ko tumatakbo din ang nasa likod ko.
"PAKSHET KA!!!" sigaw ko at binilisan pa ang takbo.
Seryoso, kinakabahan na talaga ako. Sa sobrang kaba at takot, hindi ko na alam ang dinadaanan ko. Nagkamali ako ng liko kanina. TT__TT Ang engs ko naman. Aiguuush!!!
Saan na ako? Hindi na ako pamilyar sa lugar na 'to. Kahit naman na village pa din namin 'to hindi naman ako gala para kabisaduhin ang pasikot-sikot dito. Hindi ako tulad ni Dora na handang maging negra makabisado lang ang mga lugar. Ay! SUS! Yun nga kahit gala hindi pa din pala kabisado ang mga pupuntahan, lagi kaya siyang nagatatanong sa MAP niyang weird na nagsasalita!!
Waaah! Ano bang pinag-iisip mo Roan! Any minute pwede ka ng ma-deads kapag naabutan ka ng humahabol sayo! >O<
Binilisan ko ang takbo. Mabilis akong tumakbo, best in P.E ata ako nung high school, katawan lang naman ang madalas gamitin dun eh, sports ganun, hindi kailangan ng utak kaya magaling ako. XD
May nakita akong iskinita at doon ako nagtago.
Shet. Ang kitid dito, iskinitang-iskinita. >.< Pero kahit makitid kasya ako, shekshi nga kasi shekshi.
Naglalakad na ako papuntang dulo pero napatigil ako... may narinig kasi akong mga boses, mga lalaki pa. Naku naman!!! >_< Mali pa ata napasukan ko. Lalabas ba ako? Paano naman kung paglabas ko nandun naman yung nasunod sakin? Huwaaah!!! What to do? What to do??? Huhuhu~ T__T Juice colored! Parusa ba 'to dahil sa sobrang kagandahan ko? Why??? WHY???!!!
"What did we told you last week? That today is your deadline, right? Have you forgotten?"
o___o Yung cold na voice na yun. Alam ko kung kanino yun.
Bahala na kung magkamali man, pero hindi! Sure akong sa kanya yun, kay Kris yung narinig kong boses kanina.
Lumapit ako papunta sa dulo ng iskinita na pinasukan ko. Dahan-dahan lang para hindi ako mahuli. Nung nasa dulo na ako, nakita kong puro tambak na kahon ang nandito, ewan ko kung anong kahon, parang mga wala naman laman. Mga luma na din eh.
Sumilip pa ako ng konti at... BOOM!
Nakita ko ang KAHON! Puro BOX pa din nyeta. -____- Akala ko walang harang eh, meron pala.
E di dahil may mga nakaharang pang mga nyetang box, umusog pa ulit ako hanggang sa mga box na ako nakatago at hindi dun sa pader ng iskinita. At infairness naman sa lugar na 'to, hindi mabantot at hindi madumi. Ok lang. :D
Omo~ Nakita ko na! Nakita ko na si SUHO! Shete kung sino pa maliit yun pa ang nakita ko! Na saan ba si Kris? Wag niyong sabihin na kailangan ko pang umusog pa para makita ko ng buo ang lahat ng tao dito?
Uy, si Baekhyun nakita ko. Wag na kayong magtaka kung kilala ko silang lahat. Basta umiikot sa mundo ni Kris dapat alam ko lahat. Tsaka sikat ang EXO dito samin, kahit sino ata kilala sila.
Si Lay... si Luhan na maganda na gwapo, bwiset na mukha, minsan naiinggit ako dyan eh. Si Kai, ang pinaka-leader nakita ko din, si Sehun na balita ko e ikakasal na daw kay Ms.Author. Yie! Agaw pansin! Isiningit talaga ang sarili niya! Shupi! Joke! :D Baka hindi mo kami ipakasal ni Kris ko hahaha!
"What now? Ano ng kapalit ng hindi niyo pagtupad sa pinag-usapan?" sabi ni Kai. Ang cool niyang magsalita. *O* Pero mas cool si Kris ko.
Tsk! Kanina pa ako nausog, hindi ko pa din makita asawa ko! Hanep! Asan ba ang kapreng yun?! Pisti!
"Haha! Sa tingin niyo magbibigay kami ng kapalit? Hindi porket natalo niyo kami, ibibigay namin ang teritoryo namin sa inyo!" sabi nung... shet ang panget. Hindi member ng Exo, swear ang panget. Kalaban ata eh.
Narinig kong may tumawa, si Kyungsoo pala. Yung kwago daw ang mata.
"What makes you think na ang teritoryo niyong bulok ang kukunin naming kapalit?" sabi ni Kyungsoo. Kung makapagsalita parang ang tangkad. >u> Ok lang, gwapo naman. XD
"E ano bang gusto niyo?! Balita ko tinakot niyo isa sa kasamahan namin kanina sa pesteng university niyo ah!" sabi na naman nung panget.
"Tinakot? Are you sure?" sabi ni Sehun. Eeh! Ang gwapo din nito eh, kaso may girlfriend na nga daw. Shane ang name eh.
[AUTHOR: Sa TGX po yun, sa other story ko na The Gangster's Xoxo! :D Promote din pag may time! XD Well, ito kasi ang SEQUEL NI KRIS, sa ibang members dadating na din. Hintay lang. :D]
"He's the one who told us kung saan kayo makikita, at dito nga yun. Tinalikuran na niya kayo, hindi daw kasi maganda ang pagtrato niyo sa isa't-isa kaya kayo naggagaguhan kapag nakatalikod na." sabi ni Baekhyun. Hihi~ Cute.
"Putsa yun ah!" mariin na sabi ni panget.
"End your fcking gang. Tapusin niyo na ang grupo niyo, itigil niyo na kasi hindi kayo magandang klase ng gang. You killed people. That's what I, WE want." -Kai
Woah! Pumapatay 'tong mga panget na 'to? Waah! Katakot!
"Hindi pwede! Sa tingin niyo susunod kami sa gusto niyong mangyari?! Mga ulul!"
"Do it or else... kami ang gagawa ng paraan para matiwalag kayo."
Uy! SI KRIS YUN! BOSES NI KRIS!!! Nasaan ba yun!? Nahaharangan na ata ng mga patong-patong na box kaya hindi ko makita eh!
"Gagong kapre! Anong sinabi mong kayo ang gagawa?! Makapagsalita ka ah! E hindi ka nga malakas! Umaasa ka lang din sa mga kasama mo, akala mo hindi ko pansin 'yon?" -Panget
Gagong kapre?
Hindi malakas?
Umaasa sa iba?
+_________+
Tangene nito ah. Ang daming masasamang sinabi sa Kris ko ah. KAINIT NG DUGO AH! Si Adrian nga na kapatid ko binubugbog ko kapag nilalait si Kris, ito pa kayang PANGET na 'to hindi ko papatulan?! Huta! Hindi pwede!
Tumayo ako ng tuwid at lumabas sa tinataguan ko at tsaka lumapit sa pwesto nila, naglalakad habang nakaduro ang kamay ko sa panget na yun.
Halata ko naman na lahat sila ay nagulat sa paglabas ko. Agaw atensyon kasi ang beauty ko.
"HOY PANGET NA MUKHANG GULONG NA SINADSAD SA TAE NG PUSA, ASO, KALABAW, KABAYO, BAKA, KAMBING, MANOK AT HINDI PA NAKUNTENTO TINUSOK PA NG MARAMING PAKO!!!" sigaw ko. Hindi ko palalagpasin panglalait nitong gagong 'to. Akala niya!? Hmp!
"Hoy! Sino ka? Sino 'tong babaeng 'to?!" sabi niya.
Sino daw ako?!
"AKO ANG MANLALAIT SAYO HABANG BUHAY BOBO!!! Anong karapatan mo para sabihan ng ganun ang asawa-to-be ko?! HA?!! SAGAD SA LUPA NA YANG KAPANGITAN MO NAGAWA MO PANG MANLAIT!!! HANEP PRE! HANEP NAMAN! Ke-gwapo mo ba para magsalita ng ganun?! PESTE!" sigaw ko pa.
Narinig kong nagtawanan ang mga kasama niya. Huh! Na-absorb siguro ng utak nila ang mga sinabi ko sa pinuno nila.
"Siraulo 'to ah! Hoy miss! Maganda ka at sexy! At lalaki ako, baka gusto mong mawalan ng ireregalo sa magiging asawa mo?" ngingisi-ngisi niyang sabi.
Ano bang ireregalo ko kay Kris? Wala pa nga akong maisip eh, ano bang sinabi nitong mokong na 'to?
"Anong regalo?!" tanong ko.
"Yang ano mo..." tapos tinignan niya ang baba ko pataas sa hinaharap ko, "Ang laki ng hinaharap mo ah."
Nagtawanan naman sila ng mga kasama niya.
I gasp.
Omg. Yung 'V' ko ba yun?
Grr!!!
"MANYAK! BASTOS!!!" sigaw ko.
"Hahahaha!" tawanan naman sila.
"Alam mo miss, sakin ka nalang. Paliligayahin kita gabi-gabi, kung gusto mo wala ng tulugan eh."
"Hahaha!" tawanan ulit.
Shet. Nanginig bigla mga kalamnan ko. May naalala kasi ako...
"Tsaka miss, sino ba tinutukoy mong asawa mo dito? Sa pagkakaalam namin, wala pang mga asawa ang isa sa EXO dito." sabi nung isa.
Exo. Tama, nandito nga pala sila. Ang asawa-to-be ko, nasaan ka?
Lumingon ako sa likod, at doon ko nakita si...
"KRIS!!!" sigaw ko. Pero hindi ako lumapit, nakatingin lang ako sa kanya.
Nagtinginan naman ang Exo sa kanya, habang siya ay nakatingin sakin.
"Kilala mo?" -Baek
"Girlfriend mo?" -Chen
"Hindi. Hindi ko yan kilala." -Kris
</3
Tinanong ni Baekhyun kung kilala mo ako, tapos si Chen kung girlfriend mo daw ako... hindi ko naman hinangad na sabihin mong gf mo ako kasi hindi naman. Pero yung... kahit kilala man lang, kahit na yung sabihin mo na...
"Oo, kilala ko yan. Siya yung nakakairitang babae na may gusto sakin sa room."
Sana kahit yun lang ang sinabi mo... matutuwa na ako dun.
"Miss! Hindi ka naman daw kilala eh. Hahaha! Samin ka nalang, tara sa bahay namin, walang tao. Ako lang at ikaw kapag sumama ka." sabi nung panget at unti-unti ng lumalapit sakin.
Nanginginig ako. Naiiyak ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Wala man lang bang tutulong sakin? Madami ang Exo, hindi ba nila ako tutulungan? Kahit hindi na si Kris, kahit wag na siya. Ilayo lang nila ako sa lalaking lumalapit sakin ngayon, itong manyak na 'to. Hindi ko magawang lumayo kasi...
Naalala ko ang ginawang pagtatangka ng tito ko nun sakin... noong 13 palang ako... muntikan nang mawala sakin ang pagkababae ko. Naalala ko ang masasamang tingin niya, ang masamang tingin na may balak. Kaya hindi ko magawang makatagal sa mga taong masasama ang tingin sakin, kahit kay Raquel. Kasi... kahit na wala naman silang gagawing masama, feeling ko laging meron, kasi naaalala ko ang tingin ng hayop kong tito noon.
"Sumama ka nalang sakin, ha?" nakalapit na siya, nasa harapan ko na.
"L-lumayo k-ka sa-sakin." nanginginig kong sabi.
"Ooh~ Bakit ka umiiyak? Ang tapang-tapang mong lumabas kanina tapos ngayon iiyak-iyak ka? Hayaan mo, mamaya, iiyak ka sa sarap. Hahahaha!"
Hinarang ko ang dalawang kamay ko sa dibdib ko at yumuko. Umiiyak na ako.
"Halika na. Wag ka ng tumanggi, walang magliligtas sayo dito kasi wala namang nakakakilala sayo." sabi pa niya at hahawakan na niya ako sa braso.
Hindi. Wag... wag mo akong hawakan.
Pumikit ako ng mariin habang umiiyak pa din at tsaka bumulong ng...
"T-t-tulong..."
*BOOOGSH!*
Nakarinig ako ng hambalos. Hindi ko alam kung anong nangyari kasi nakapikit ako.
"Next time, don't drag yourself in trouble kung hindi mo naman din kayang ipagtanggol ang sarili mo."
Napadilat ako ng pagkatapos niyang magsalita ay hinila niya ako.
Tinignan ko siya habang hila-hila ako papunta sa pwesto niya kanina.
Hindi ko akalain na siya ang tutulong sakin. Si Kris.
"Stay here." at tsaka niya ako nilagay sa isang tabi, malapit sa kanya.
"Miss? Ok ka lang? Nanginginig ka eh." tanong sakin ng lumapit na si Xiumin.
"A-ah..." hindi ako makasagot, ang lakas pa din kasi ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari kanina. Tsaka umiiyak pa din ako.
"Umin, pakisamahan mo muna siya." sabi ni Kris.
"Sige." ngiting sagot ni Xiumin at tsaka ako tinignan, "Tabi tayo ha? Wag kang mag-alala, hindi ka naman namin pababayaan, wag kang matakot."
Tumango nalang ako.
Agaw atensyon naman nung nagsalita ulit yung panget na leader ng kabila.
"Pwe!" dumura siya kasi may dugo ata, "Akala ko ba hindi niyo kilala? Hanep! Mang-aagaw naman kayo ng laruan eh."
"Nakalimutan ko, kilala ko pala siya." nagulat ako sa sinabi ni Kris kaya napatingin agad ako sa kanya. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita mukha niya.
"Nakalimutan? Pwede ba 'yon?! Ang sabihin niyo type niyo din niyang babae at gagawin niyong laruan." sabi niya at tumawa.
"Siraulo ba siya? Mukha bang pinaglalaruan namin ang babae?" bulong ni Xiumin kaya napatingin ako sa kanya, siya naman ay nginitian ako.
Ang cute niya, parang anghel.
"Ay oo kilala namin yan!" sigaw ni Chen bigla. Nagtinginan tuloy sa kanya lahat.
"Kahit sino naman kilala niya." bulong ni Xiumin.
Ano daw?
"Siya yung girlfriend mo, diba Kris?" tanong ni Chen kay Kris.
O___O
Kami na pala ng asawa-to-be ko hindi ko alam?
"Girlfriend?" bulong ng ibang Exo.
"Oo! Siya yung ka-blockmate mo tapos laging pinagmamalaki ng girlfriend mo daw siya."
Naiiling naman ang iba sa Exo. Bakit kaya?
"Maling information na naman ang nakuha ni Chen." natatawang sabi ni Xiumin.
Ano bang nangyayari?? At tsaka si Kris? Bakit hindi siya nagsasalita?
"Wow! Girlfriend mo pala yan? Hanep! Lalong yari samin yan!" sabi nung panget na leader.
"Kai, tapusin na natin yan." tipid na sabi ni Kris. Ang layo naman, hindi relate sa gf niya daw ako. -3-
Tumango si Kai, "Sige na."
Nakita kong susugod na sila, 11 vs 12. Mas lamang ng isa ang kalaban kasi si Xiumin nasa tabi ko at bantay ako.
"Kulang sila ng isa." sabi ko.
"Hayaan mo, kaya naman nila yan." sabi niya sakin. Tumango nalang ako.
"Dito ka tumingin sa likod, bakbakan yan baka hindi mo magustuhan ang makikita mo." sabi niya at ipinihit ako patalikod. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang.
Nakakarinig ako ng suntok at balibag, pati na din palitan ng murahan nila.
Hanggang sa pagkatapos ng 3 minutes, tumahimik na ang paligid. May dumaan na anghel ba?
"Ok na, tapos na sila. Pwede ka ng humarap." sabi ni Xiumin.
Humarap naman ako at... wow~ Bugbog sarado agad yung 12 na kalaban tapos ang Exo parang wala man lang kagalos-galos, ni hindi nga ata pinagpawisan eh.
Nagsilapitan naman sila sakin.
Kinausap naman ako ni Kai.
"Starting today, be aware. Alam ko hindi ka girlfriend ni Kris, it's all misunderstanding beacause of one person here." then he look at Chen, ngumiti naman si Chen, "Tapos na, nangyari na, nasabi na ang isang bagay na hindi naman totoo. Malamang kapag nagising ang mga binugbog namin hindi pa titigil yan, hindi man sila ang gagawa ng paraan para gawin kang hostage. Ipagkakalat naman nila sa ibang gang na galit samin na ikaw ang gf ni Kris." paliwanag niya.
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko. Shet. Kumikirot heads ko. -_-
"Malamang-lamang, gagamitin ka ng mga gang na galit samin para kalabanin kami. Katulad na din ng nangyari sa mga babaeng mahal namin ngayon. Hostage? Kidnap? No one knows what will happen. Lalo na sayo, na-involve ka na, napagkamalan kang gf kaya gagawin kang panakot samin." dagdag ni Sehun.
"Kunwari yung isang gang, gusto kaming makalaban pero hindi namin gusto kasi hindi namin trip. Ikaw malamang ang gagamitin nila para pumayag kami. Ganun lang." sabi ni Luhan.
Ganun lang? Ganun lang?! GANUN LANG?!! LANG?!!!
"In short... gagawin nila akong BAIT?!" sabi ko.
"Marunong ka din naman palang mag-isip." singit ni Kris. As always, plain ang boses.
Wait...
Magiging BAIT lang naman ako kasi ang alam nila...
Girlfriend ako ni Kris. *O*
"Ha-haha-hahahahahaha!" tawa lang ako ng tawa.
"Anong nangyari dyan?"
"Nabaliw ata."
Baliw? Hahahaha!
"Girlfriend daw ako ni Kris! HAHAHA! ANG SAYA! Thank you Chen!" sabi ko. Haha!
"You're welcome!" masiglang sabi ni Chen. Nakita kong tinignan siya ni Kris pero hindi masamang tingin, simpleng tingin lang pero tumahimik naman si Chen.
"Hey! You!" tawag sakin ni Kris.
"Yes? Boyfriend ko?" sabi ko.
"Shut up. You're not my girlfriend, ok? So don't you dare spread that to our school. Ayokong ma-link sa isang moron." tsaka siya tumalikod at umalis na.
Moron daw.
I get that a lot... from him.
Believe me, this is not the first time na sinabihan niya ako ng moron.
"Don't mind what he said, though... hindi ka naman kasi niya gf, napagkamalan lang. Oh well, sa mata ng mga nakalaban namin, gf ka na niya kaya ingat ka nalang sa paligid mo ha?" sabi ni Suho.
Tumango nalang ako.
Ang gulo ng nararamdaman ko. Gusto kong mag-saya kasi... napasok na ako sa mundo ng Exo kaya may dahilan na ako para dumikit sa kanila at yun ng ay dahil sa napagkamalan akong girlfriend ni Kris. But on the other hand, I can feel some pain in my heart.