Soulmates

By RefinedJenny

79.4K 3.3K 2.4K

FLY WITH ME is the first fanfiction I have written. It is about the fictional love story of Rhian and Glaiza... More

1 - Morning Glory
2 - Sun Bed and Sunset Nga Ba?
3 - Chase The Sun
4 - Numbers and Dreams
5 - RaStro Science and Fanfiction
6 - Her Habit
7 - Iloilo Escapade
8 - You Are Mine
10 - Instagram
11 - Cheese is My Wife
12 - Thorn Between Two Roses
13 - Common Friends' Birthday
14 - Photos
15 - I Love You
16 - Same Feather
17 - Real Score
Note 1
18 - Moving On
19 - My Last Night With You

9 - The Blazer

3K 156 72
By RefinedJenny

(Disclaimer: This is just a fanfiction. Please take note of the dates so that you can follow series of events).

-------------

It was almost 1:00 in the morning of April 11, 2018. Wednesday. Rhian and Glaiza were both sitting on the sopa. They were in the family room of the second floor of Darlene's house in Pasig.

Kadarating lang ni Glaiza mula sa Bataan kung saan nag-taping sila ng Contessa. It was more than 200 km drive from more than 20 hours of taping. She was literally exhausted. Pero hindi niya alintana ang pagod kapag kasama si Rhian. In fact, isa si Rhian sa pinaka epektibong energizer niya. Kahit nga kung minsan, 30 minutes lang silang magkasama, sumisigla na ang katawan niya. At kapag naghihiwalay na sila ay lagi siyang nakakaramdam ng panghihinayang o panghihina. Kung pwede lang sana na lagi na lang silang magkasama... pero hindi pa panahon para rito...

Hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ni Rhian. Tumayo siya at hinila ito. "Halika na, lubb. Magpahinga na tayo. Maaga pa ang taping mo bukas".

Tumayo na rin si Rhian. Samantala, dinampot naman ng kaliwang kamay niya ang backpack.

"Where's Darlene?" Tanong ni Rhian.

"Natulog na yata, lubb".

Pumasok na sila sa guest room. Ito ang madalas nilang gamitin kapag narito sila sa bahay ni Darlene. It's a 6m x 6m room, with double bed. Mayroon itong closet, large ornate leaning mirror, small cabinet at one single sopa. May sarili rin itong bathroom. Small, not too cozy, but clean, organized and descent.

Ibinaba ni Glaiza ang backpack niya sa sopa. Pagkatapos ay humarap siya kay Rhian.

"I missed you so badly". Wika niya habang papalapit sa minamahal.

Rhian cupped her face and kissed her lips. Heto na naman... nawawala na naman siya sa mundong kinaroroonan. Ang mahalaga lang sa kanya ng mga sandaling iyon ay si Rhian. Ang gusto lang niya ng mga sandaling iyon ay tugunin ng kapwa pagmamahal ang mga halik nito ... halik na banayad. Nakakalasing... hanggang unti unting naging mapusok.

Ilang sandali pa ay naramdaman nilang naroon na sila sa kama... mga sandaling panandalian pero sapat para maibsan ang kalungkutang nadarama.

"I love you, Glai". Bulong ni Rhian sa tapat ng kanyang tenga.

"I love you too, Rhi" tugon niya.

Mga salitang nasasabi lang nila kapag magkasama. Na kung minsan ay sinasabi rin nila sa isa't isa kapag magkausap sa telepono. Pero naroon lagi ang pag-iingat. Naroon ang limitasyon. Naroon ang pag-aalala na baka sila ma-expose. Well, this is the perk of being a prime actress. Hindi makakilos ng gusto. Laging iniingatan ang pangalan. Laging may matang nakatingin...

Sa pagkakataong katulad nito, kinakalimutan muna nila ang trabaho. Kinakalimutan ang paligid... ang mahalaga para sa kanila ... ay ang isa't isa.

——————

It's 6:00 AM. Nakapaligo na si Rhian. Ilang minuto mula ngayon ay paparating na ang kanyang Toyota Super Grandia na minamaneho ng kanyang driver. Iiwan muna niya ang Honda car kina Darlene. Diretso na siya sa location na kinaroroonan ng coffee shop ni Sam na kapatid niya sa TOTGA.

"Lubb, enjoy your trip to Japan and South Korea on Saturday" bilin ni Glaiza sa kanya habang nakaupo ito sa kama.

"Sure I will, lubb. I'll make sure to visit Osaka Castle and Nara Park. But don't fail to try skydiving when you visit Wollonggong, lubb. You'll surely enjoy it. You'll have a sense of fullfillment once you've tried it".

"I will boss!"

Maya-maya pa ay may natanggap na siyang message mula sa driver.

"Lubb, nandyan na ang driver ko. I'll go ahead. I'll miss you." Humalik siya kay Glaiza. "Keep on updating me".

"Yes, boss. Takot ko lang na magalit ka kapag wala akong update".

"That's not fair... sino ba ang nawawala sa mood kapag wala akong update?" Biro niya kay Glaiza.

Ngumiti lang ito. Lumapit ito sa kanya para muling humalik sa labi. "I love you". Bulong nito.

"I love you too... bye for now, lubb".

Muli, isa munang mahigpit na yakap sa isa't isa bago sila naghiwalay... sanay na ba siya sa ganitong paghihiwalay nila? Hindi yata siya masasanay...

Hindi nagtagal ay sakay na siya ng van patungong location ng taping. While on her away, she sent a text message to Darlene.

Darl, I'm on my way to taping. My girl is still in the guest room and will leave by 9:00 AM. Thank you for everything.

Habang patungo sa taping ay muli niyang naalala kung paano nagsimula ang nararamdaman niya para kay Glaiza...

———————

October, 2009. Iloilo City. Dahil maaga pa ay nanatili muna sila sa hotel room nila ni Glaiza. It's only 9:00 AM and the GMA staff will pick them up at 11:30 AM. They still have ample time to rest.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. She's homesick. May self-pitty na nararamdaman dahil sa pagkakaroon ng broken family. Everybody was busy. Her dad, her mom, her sister. She had mixed emotions...

And only Glaiza was there to comfort her. Nakayakap ito sa kanya dahil narinig nito na umiiyak siya. Para itong may magnet na pumupukaw sa damdamin niya. Hinihigop ang katinuan ng kanyang isip. Noon pa niya gusto ito. Pero ang akala niya ay bilang kaibigan lamang. Akala niya ay magaan lang ang loob niya dito. Higit pa pala sa kaibigan ang kanyang nararamdaman dahil ramdam niya ang pagtibok ng kanyang puso ngayong magkasama sila. Pakiramdam niya ay solo nila ang mundo. Lahat ay posible. Walang bawal sa apat na sulok ng kwartong iyon. Pero... gusto rin ba siya ni Glaiza?

She kissed Glaiza. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Sa pagkakayakap nito sa kanya ay hindi niya mapigil ang nararamdaman. Hindi ito tumutol pero wala siyang naramdamang pagtugon mula rito.

"I'm sorry Glai. I was just carried away". Paghingi niya ng paumanhin.

Hindi ito kumibo. Kinakabahan siya. Baka galit ito. Bumitaw siya sa pagkakayakap nito.

"Rhi?"

Tumingin siya rito. Ramdam niya ang malakas na pintig ng kanyang puso... ng puso nilang dalawa.

"I'm sorry, Glai".

Pinahiran ni Glaiza ng mga daliri ang natitirang bakas ng luha sa kanyang mga mata. Nakatingin ito sa kanya. Nakatitig din siya rito. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa mga mata nito ng mga sandaling iyon. She knew, she wanted to kiss her more... bahala na... she'll try it... she'll take the risk.

And she kissed her again... but this time she felt her response. Glaiza was kissing her back.

That was their first kiss... their first embrace...

Pagkatapos ay nanatili lang silang magkayakap... walang gustong magsalita... walang gustong magtanong... ang tangi niyang nararamdaman, payapa ang isip niya sa yakap nito...

—————-

They went to GMA Regional Office for lunch. Dahil 10th anniversary celebration ng nasabing network sa Iloilo ay sagana ang mga pagkaing inihanda. Very organized ang catering. Naroon ang mga staff at officer ng regional office. Silang mga celebrity ang special guest ng nasabing pagtitipon. Ramdam nila ang warmth ng mga taga Iloilo sa pagtanggap sa kanila bilang panauhin.

Naging normal lang ang kilos nila sa harap ng ibang tao. Para lamang silang magkaibigang young stars na magkasama sa isang show. Nag-iingat sila dahil may press na naroroon. Bagaman, may pagkakataon na may nakaw na tinginan at ngitian sila paminsan minsan... tinginan at ngitian na nagpapakilig sa kanya...

Hindi niya alam kung ano ang tawag sa relasyon nila ni Glaiza. Basta ang pakiramdam niya ay masaya siya kapag kasama ito...

Pagdating ng hapon ay nagtungo na sila sa SM Carpark para mag perform sa isang open concert. Iyon naman talaga ang main reason kung bakit sila nasa Iloilo. Ang mag promote ng kanilang show na Stairway To Heaven, magpasalamat sa mga taga Iloilo sa mataas na rating ng kanilang show at paunlakan ang paanyaya ng GMA sa nasabing region.

Dahil sa kainitan ng career niya noon at sa magkasunod na top rating soap niya na LaLola at Zorro, dama niya ang kasabikan ng mga tao sa kanya.

Meanwhile, si Glaiza ng mga panahong iyon ay unti unti nang nare recognize sa mahusay na pagganap. Naging lead role ito sa Kaputol ng Isang Awit noong 2008. Ang Stairway To Heaven ang maituturing na big project nito bilang villain. Kaya naman kilala na rin ito ng nga taga Iloilo.

Pagkagaling sa SM Carpark ay bumalik na sila sa hotel para magpahinga. Maaga pa ang flight nila pabalik ng Manila sa araw ng bukas. Pero ano ang gagawin nila sa hotel room? Magtititigan hanggang makatulog? O uulitin nila ang nangyari ng umagang iyon?

"Glai, let's go to the hotel bar. Let's invite Akihiro and Michael", 'yon na lang ang naisip niyang sabihin.

"Sure, but it's still early. Seven o'clock pa lang".

"Wait. I'll send message to my handler to get ready by 10:00. Sabay sabay na tayo bumaba sa bar".

"Okey, boss". Pasalampak itong naupo sa sopa, with two legs apart.

Natawa siya. Glaiza has some masculine gesture. Tulad din niya...

"Bakit ka tumatawa?" Tanong nito sa kanya.

"You're seating like a man. Ayusin mo nga ang upo mo", sagot niya ng nakangiti pa rin.

Ngumiti rin ito at tumayo. Hinatak siya nito sa upuan para magkatabi sila sa single sopa, "ayan. Ok na?"

Habang magkatabi sa upuan ay nakaramdam siyang muli ng kaba. Parehong nawala ang kanilang ngiti. Alam niyang sinadya ni Glaiza 'yon para magkatabi sila sa masikip na upuan... at sa pagkakaupong iyon ay muling naging instant ang kanyang pagkilos. Hinawakan niya ang kamay nito... nanatili lang sila sa ganoong ayos sa loob ng ilang minuto...

"Glai..."

"Rhi?"

"I like you..." bulong niya.

Walang kibuan. Nagpapakiramdaman lang sila sa isa't isa... pero sapat ba na magpakiramdaman lang sila ng oras na iyon? How can she stop herself from kissing her? Ang lapit lang sa kanya ni Glaiza... and...

For the second time, they kissed. And it is sweeter this time... pero may gusto pa siyang gawin ng higit dito....

She started to caress Glaiza's body... until her palm started to touch her gently... upward...

Sa pagkakataong iyon kumalas ito sa kanya. Bakas ang takot sa mukha nito. "Rhi, no!"

"I'm sorry. I'm sorry..."

Pareho silang natahimik. Tumayo siya para muling maupo sa kama. Nakatingin lang siya kay Glaiza. Nag-aalala rin siya dahil tila lumampas siya sa limitasyon... hanggang... hanggang nakita niya ito na lumuluha... Lumapit siya rito...

"Glai, I'm sorry... let's just forget about it. I'm sorry..."

"Wala ka namang kasalanan eh. Ginusto ko rin ito..." pinahiran nito ang sarili luha.

"What do you mean?" Lumuhod siya sa tapat ni Glaiza para makausap ito ng malapitan. "Glai, please... huwag ka namang umiyak. I feel guilty about it..."

"Rhi, I like you too. Nalilito ako. Natatakot ako sa nararamdaman ko..."

Natahimik siya. Ramdam niya na gusto rin siya ni Glaiza. Pero ang marinig mismo sa bibig nito ang nararamdaman ay tila nagbigay din ng takot sa kanya. Alam niya na posible talagang may nangyayaring ganito. Posibleng mangyari ito sa kanya... tulad noong second year high school siya... kay Erica. Pero hindi niya inaasahan na magiging ganito kalapit ang damdamin niya para sa taong kaharap niya ngayon...

"Glai, natatakot din ako. Hindi pwede ang ganito. Pareho tayong celebrity and this would be a big scandal if someone from the press knows about it".

Tumayo si Glaiza. Tila binalewala nito ang sinabi niya. Hinawakan siya sa kamay para igiya sa pagtayo.

"Mag retouch na tayo. Mauna na tayong pumunta sa bar. Pasunurin na lang natin sina Akihiro at ang handler mo".

—————-

It's Sunday night at hindi masyadong maraming tao sa bar. Bagama't okupado ang lahat ng mesa ay maraming bakanteng upuan na makikita rito. Hindi katulad kapag Biyernes at Sabado na masyadong maraming tao, at kung minsan ay siksikan pa nga.

Dahil hindi pa sila kumakain ay nag order sila ng grilled marinated steak with mashed potato. They also ordered champaign.

Hindi nagtagal ay kasama na rin nila sina Akihiro at Michael.

All they did until 1:00 AM was danced and drink.

"Rhi, huwag masyadong marami ang iinumin mong champaign. That's enough." paalala ni Michael. Bilang handler ay itinuturing na rin niya itong kaibigan.

"Don't you worry. Glaiza is here to take care of me". Sagot niya. Halatang medyo tipsy na siya.

"Rhi, tama naman si Michael. That's enough". Sang-ayon ni Glaiza.

"Why? Don't you want to take care of me?"

"I will"

Niyakap niya ito na tila naglalambing. "Ok, call the waiter. It's my treat".

Hindi nagtagal ay nagbayad na siya gamit ang credit card. Sabay sabay na silang umakyat sa kanikanilang room.

Lingid sa kanila ay may isang showbiz reporter na nasa katabing mesa lang nila. Kanina pa pinagmamasdan nito ang kanilang mga kilos.

That night was so special for her and Glaiza. They were both under the influence of alcohol. Everything may be blurry. But they can still feel the presence of each other... it was just like a dream. But she knew, they made love that night....

—————-

They went back to Manila the following day. Everything went to normal. Nagkanya kanya na sila ng pag-uwi sa kani-kanilang bahay. Si Glaiza sa condominium sa Quezon City at siya naman sa Alabang. Their taping is to resume on Tuesday.

Subalit laking gulat nila dahil ipinatawag sila ng Assistant Vice President for Entertainment noong Martes ng umaga na walang iba kundi si Ida Henares. Ang kanyang Tita na kapatid ng mommy niya. They were required to explain something before going to the taping in the afternoon.

"Tungkol saan ba ang meeting. Bakit biglaan" kinakabahang tanong ni Glaiza sa kanya. Kasama nito ang kanyang Ate Cris ng mga sandaling iyon.

"I don't know. Relax ka lang? Wag kang kabahan". Pampalakas ng loob niya.

Sabay silang pumasok sa opisina ng AVP for Entertainment, kasunod si Ate Cris. Naupo ang huli sa couch na para sa mga bisita.

Habang nakaupo sila sa visitor's chairs sa tapat ng mesa ng Tita Ida niya, iniabot nito sa kanya ang isang tabloid.

"I know, that it's only a tabloid. Hindi dapat patulan. Pero alam natin na mas maraming tao ang naniniwala sa tabloid kaysa sa kung ano ang totoo. I want an interview with PEP for the two of you individually. That blind item in tabloid will ruin your reputation as actresses" wika nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. Binasa niya ang nakasulat sa headline ng tabloid.

Dalawang actress na nagsasabunutan sa soap, nagmamahalan sa tunay na buhay.

Iniabot niya kay Glaiza ang tabloid. Bagaman at kinabahan ay napangiti siya.

"Rhi, Glaiza, what is it all about?" Tanong ng kanilang boss

"Tita, we had a party with Akihiro and Michael last Sunday while we were in Iloilo. I was a little bit drunk because of champaign. I was accidentally fall on Glaiza".

Tumingin kay Glaiza ang kanilang boss. Tila naghihintay na ito naman ang magpaliwanag. Kinakabahan siya. Baka magkamali ng sasabihin si Glaiza.

"Inalalayan ko lang po si Rhian, ma'am. Medyo tipsy po kasi siya kaya napayakap po ako sa kanya para hindi mabuwal"

"Be cautious next time. You are celebrities and there are paparazzis around who are always looking for an opportunity to make a big scoop. We will schedule an interview with PEP within this week. Mauuna ka Glaiza. A month after naman si Rhian"

Tumango silang pareho.

"At ayaw kong mabalitaan na umiinom kayo sa public place. Hindi maganda para sa image ninyo yan"

"Yes, Tita. I'm sorry"

"Rhian, I'm warning you! You do it again or you'll lose all these..."

"I understand Tita"

"And you, Glaiza, Artist Center has a better plan for you. Kailangang manatili na malinis ang image mo. Otherwise, sa ibang artist mapupunta ang opportunity na dapat ay para sa iyo".

"Sorry po, ma'am. Hindi na po mauulit"

"After this soap, kailangang hindi na kayo dapat makitang magkasama sa public. You have to protect your image"

Napatingin siya sa Ate Cris ni Glaiza na kasalukuyang nakamasid sa kanila. Nakakunot ang noo nito. Alam niyang hindi nagustuhan nito ang sinasabing negatibong balita na nasa tabloid.

——————-

April 11, 2018. It was almost 7:00 AM. Glaiza and Darlene were having a coffee in the latter's dining room. They were talking about the possibility to work together in an indie film. Pinag-uusapan din nila kung ano ang magandang plot ng story kung saan pwede silang pagsamahin ni Rhian. Alam nila ang restrictions ng GMA management kay Glaiza. At hindi pwede ang project na maaaring makasira ng reputation nila.

Dapat sana ay kasama siya sa indie film na Bar Boys noong nakaraang taon. Subalit nagbago ang plot ng nasabing pelikula. Nagdesisyon ang director na sa  Liway na lang siya mag audition. Mas challenging kasi ang magiging role niya rito at mas nababagay sa kanya ang title role ng nasabing pelikula. Kung sakaling mapipili ng Independent Films Association of the Philippines ang Liway, hindi niya papalampasin ang pagkakataon para mag audition dito.

Isa siya sa mga supporters ng indie film. Silang dalawa ni Rhian. Kaya nga naging magkaibigan ang girlfriend niya at si Darlene ay dahil sa indie movie na Silong. It just made into a mainstream when the marketing of the said movie was awarded to Star Cinema. At sana... ganoon din ang mangyari sa Liway. Indie films deserve a bigger audience. Hindi dapat ito natatapos lang sa pagpapalabas sa CCP. If Bliss of Iza Calzado had made it into a big cinema, ganoon din sana ang mangyari sa iba pang indie films. Hindi naman masamang mangarap na katulad ng Kita Kita, sana ay tangkilikin din ng masa ang Liway.

Maya-maya ay umilaw ang kanyang cellphone. It was a viber message.

Now in location. Take a rest and enjoy the day. <3

Napangiti siya. First update for today. And she loves that <3 symbol!

Sumagot siya.

I will. TC <3

"Obviously, it's Rhian. Hanggang tenga ang ngiti mo eh" biro ni Darlene sa kanya.

Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti niya. "Masyado ba akong obvious?"

"Ano pa ba? Si Rhian lang naman ang nagpapangiti sa iyo ng ganyan".

And she admitted to herself, she loves Rhian very much. Kung pwede lang sanang isigaw sa mundo na siya ang may ari ng puso nito ay matagal na niyang ginawa. Pero may tamang panahon para rito. Konting panahon na lang...

———————

Glaiza remembered their first kiss. Their first touch. Hinding hindi niya malilimutan iyon. Sa Iloilo. Kaya nga mahal nila ni Rhian ang lugar na iyon. Dito nila natuklasan ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Dito nagkaroon ng confirmation. Matagal na siyang may crush ng lihim kay Rhian.  Crush na unti unting lumalim ng magsimula silang lumabas para mag coffee o magkita kasama pa ng ibang cast ng Stairway to Heaven.

Masaya siya dahil pareho lang pala sila ni Rhian ng nararamdaman. Pero natakot siya noong una. Natakot siya dahil sa pakiramdam niya ay hindi tama ang ginagawa nila. Pero paano nila pipigilan ang kanilang damdamin?

Noong huling gabi nila sa Iloilo ay nagpunta sila sa bar. Dahil napansin nilang lasing na si Rhian ay niyaya na nila itong bumalik sa hotel room. Kahit siya ay nakaramdam na rin ng pagkahilo. Nag-iinit ang kanyang mukha ng mga sandaling iyon.

Ng makarating sila sa room ay hindi  na nakuhang magpalit ng damit ni Rhian. Nag-alis lang ito ng sandals. Nahiga na ito sa kama.

"Rhi, kailangan mong mag shower para mawala ang pagkalasing mo."

"I'll take a shower tomorrow morning" sagot nito. Pagkatapos ay pumikit na.

Inayos niya ang paa nito na nakalampas sa kama. Pagkatapos ay inayos din niya ang unan nito. Malaya niyang pinagmasdan ang maamong mukha nito. Bahagya siyang nakaramdam ng awa dito. Rhian has everything. Money, popularity, beauty... She got a lot of product endorsement. May mga billboards din ito sa EDSA... pero ang nakakalungkot, inihinto nito ang pag-aaral dahil sa career... At mas higit na nakakalungkot, this girl right here is in pain because of her family...

Naramdaman niyang gumalaw ito. Dumilat ang mata at ngumiti sa kanya. Muli ay tila nabibighani siya sa magandang mukha nito. Nakaramdam siya ng kaba lalo na ng haawakan nito ang kanyang mukha. Iniangat nito ang sarili para maabot ang kanyang labi. Rhian is kissing her again. Tumututol ang isip niya pero sumasang-ayon ang kanyang puso... at nanaig ang kanyang puso...

Naramdaman na lang niya na magkatabi na sila sa kama. Nagpapatianod siya sa mga nangyayari. Subalit mas lalo siyang nagpadala sa damdamin ng marinig ang sinabi ni Rhian.

"Glaiza, I'm falling for you". Mahina lang. Pero tumagos sa puso niya.

Until she felt her touches. Ramdam pa rin niya ang kaba... it was her first time. First time na may nag-explore sa kanyang katawan. It was her first time to explore other's body... And her first time was with a woman.

"Rhi, I love you". Bulong niya. Hindi niya alam kung narinig nito. O baka wala na ito sa tamang pag-iisip dahil sa alcohol.

Tama ba itong ginagawa nila? Sinasamantala ba niya ang pagkalasing ni Rhian? Ang alam lang niya gusto niya itong nangyayari. Bahala na! She is into now. What matters is now... she and Rhian...

And their first necking and petting happened...

——————-

Nagulat pa siya ng muling tumunog ang cellphone. Muling bumalik sa kasalukuyan ang kanyang isipan. It's  April 11, 2018.

May text message ang nanay niya. Inaalam kung pauwi na siya. Mabilis naman niya itong sinagot.

Sa ganap na ika 9:00 ng umaga ay dumating na ang driver niya. Ihahatid na siya nito sa Don Antonio Village. Ang akala ng mga magulang niya ay galing lang siya sa taping. O baka naman nararamdaman ng mga ito na may dinadaanan siya. Baka hindi lang kumikibo ang mga ito...

Habang pauwi sa bahay ay nakaramdam na naman siya ng kalungkutan. Kanina lang ay masaya siya habang kasama si Rhian. Very refreshing din para sa kanya ang palitan nila ng ideas ni Darlene. Somehow, nae exercise ang utak niya. Dumadaloy ang creativity sa utak niya. Pero ngayon... iba na naman ang pakiramdam niya. Her bipolarity is here again. And she has to manage about it. She must think positively in everything she does. But how can she do that?

Gusto niya ng bagong pagkakaabalahan. Gusto niya ng paiba-iba ang ginagawa. Gusto niyang mag explore sa mga bagong bagay... Hindi niya alam... hindi niya alam kung ano ang gusto niyang gawin. Pakiramdam niya, sumasabay lang siya sa agos... kung ano ang i-offer ng buhay.. She's getting drained.

Sa ngayon, iisa lang ang sigurado para sa kanya... mahal niya si Rhian. At gusto niyang dumating ang panahon na magkasama na sila sa iisang bahay... habambuhay...

And the rest? Everything is a routine...

————————

June 2, 2018. 6:00 AM. Glaiza's condominium. Eastwood. Doon natulog si Rhian ng nagdaang gabi.

Nagising siya habang inaalis ni Rhian ang pagkakayakap niya. Hinayaan niya itong tumayo. Marahil ay pupunta ito sa washroom.

Muli niyang ipinikit ang mata. Subalit ilang minuto na ang nakakaraan ay hindi niya naramdaman na bumalik ito sa higaan. Pagdilat muli ng mata niya ay nakita niyang iniaayos nito ang mga gamit sa backpack.

"Saan ka pupunta, lubb?" Tanong niya.

"I need to go home, lubb. May fansigning ako mamaya sa NBS Glorietta para sa Serendipity".

"Wala ka bang damit sa van na pwedeng isuot mamaya. Or sa condo unit mo sa Rockwell?"

"Wala eh. Naisuot ko na halos lahat ng naroroon. I need an attire which is appropriate for students of any level. Balik eskwela kasi ang theme".

"Aalis ka na naman pala. So, kailan ulit tayo magkikita". Muli ay nakaramdam siya ng lungkot.

Tumingin ito sa kanya. Parang nagdadalawang isip kung itutuloy ang pag-alis. "What do you want, lubb? "

"Pwede bang sabay na lang tayong umalis mamaya? May taping din ako mamayang hapon. I have a few clothes in the closet. Tingnan mo na lang kung alin ang pwede mong isuot diyan".

Bumuntong hininga ito.

"Sure. How can I say no to you?"

"Halika muna rito sa tabi ko. Maaga pa naman"

Muli itong tumabi sa kanya sa higaan. Muli niya itong niyakap. Hinalikan siya nito. "Hmmm... smells good kahit kakagising pa lang", wika nito ng nakangiti.

Napangiti na rin siya. She can't be happier when she's with Rhian.... kung pwede lang sana na hindi na sila maghiwalay...

Ganoon lang sila. Harutan... kilitian...

Kissing... nibbling... necking... petting...

Until they realized that it's already 11:00 AM.

"Whoahh! I need to check your wardrobe now, lubb"

"Ok. I will just go down to take out food for our lunch".

Bumangon silang magkasabay. She just washed her face, brushed her teeth, put on jacket and shorts, comb her hair. Nakita niya si Rhian na inaayos ang beddings.

Humalik siya kay Rhian bago lumabas ng unit. "I'll be back in less than 30 minutes, lubb".

"Ok..."

She went straight to Go! Salads. She ordered one Bayani Salad. It is made from mixed greens adobo flakes, corn kernels and candied cashews and paired with flavorful soy sesame dressing. She also ordered one Sweet Caroline, which gets its well-rounded flavor from candied walnuts, sundried tomatoes, parmesan cheese and honey balsamic vinaigrette, which gives it a hint of sweetness.

Malamang na ang may parmesan cheese ang pipiliin ni Rhian dahil favorite nito ang pagkain na may cheese.

Pagbalik niya sa condominium unit ay nakapamili na si Rhian ng isusuot.

"Kumain na tayo, lubb. Mamaya ka na tumingin ng damit d'yan. Sorry, konti lang ang damit ko rito. Nasa Don Antonio ang iba".

"Lubb, what do you think about this pair? Red skirt and checkered blazer. I'll combine these with white sleeveless blouse and black ribbon which I saw in the shop Paris Roxas".

"Isinuot ko lang 'yan recently, lubb. Hindi kaya makahalata ang mga fans natin?".

"Natatakot ka ba na malaman nila na ito rin ang isinuot mo sa Contessa? I thought you are ready to come out?" Biro nito.

"Of course not. It's not a problem with me. Pero hinay hinay lang, lubb"

"Don't worry. I'll go to the shop of Paris in Rockwell. I'll ask him to take a picture and post on his IG. From there, pwede nating sabihin na coincidence lang ang pagsusuot natin ng parehong blazer".

"Ok. May magagawa pa ba ako. Ako ang nag request sa iyo na mag stay. We have no choice now".

Nilapitan siya nito at niyakap. "Lubb, I'm not pressuring you. Hindi natin kailangang magmadali para ipaalam sa public kung ano ang tunay na relasyon natin".

"Yeah, I know".

"And I'll see Jason tonight. We'll have a dinner in Da Gianni in Westgate Alabang. I'll give a hint through an IG post na magkasama kami. At least, people will think that me and Jason are still on.

"Baka kung saan na naman mapunta ang date n'yo ni Jason..."

"C'mon, lubb. Pinag-usapan na natin ito. Don't tell me, nagseselos ka pa rin?"

Hinalikan niya ito. "Ok. I trust you... Mag lunch na tayo, lubb".

And there she was... wearing her blazer!


—————

It was past 12:00 Midnight. Nasa taping pa rin ng Contessa si Glaiza. During the break, she posted a photo on her IG stories to update her followers. Isang paraan din 'yon para makita ng mga matang nagmamasid sa kanila ni Rhian na wala siyang alam sa blazer na suot nito. Isang paraan para ipakita sa mga followers nila na nasa taping siya ng Contessa.

After a while, she check her timeline. Nanlaki ang mata niya.

"Oh, my!... ano na naman ito, lubb?" Bulong niya sa sarili.

She saw Rhian's post. The top was almost similar to hers!

She dialled Rhian's number. Humanda ang babaeng ito sa kanya!

--------------

Naku! Rhian! Lagot ka kay Lubb! Bakit pareho na naman kayo ng suot?

Sana nasusundan ninyo ang mga dates.

Please comment. Pasensiya na sa super late na update... Mwah!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.7K 80
"π™Ύπš‘, πš•πš˜πš˜πš” 𝚊𝚝 πšπš‘πšŽπš–! πšƒπš πš˜ πš•πš’πšπšπš•πšŽ πš—πšžπš–πš‹πšŽπš› πšπš’πšŸπšŽπšœ! π™Έπš'𝚜 πš•πš’πš”πšŽ πšπš‘πšŽπš’'πš›πšŽ...πšπš˜πš™πš™πšŽπš•πšΓ€πš—πšπšŽπš›πšœ 𝚘𝚏 πšŽπšŠπšŒπš‘...
188K 8.6K 107
In the vast and perilous world of One Piece, where the seas are teeming with pirates, marines, and untold mysteries, a young man is given a second ch...
1.4M 32.2K 60
In which Daniel Ricciardo accidentally adds a stranger into his F1 group chat instead of Carlos Sainz.
797K 48K 120
Y/N L/N is an enigma. An outgoing, cheerful, smiley teenage boy. Happy, sociable, excitable. A hidden gem in the rough of Japan's younger soccer pl...