Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter One

5.7K 120 10
By MicxRanjo



"If we are true to ourselves, we can not be false to anyone."

― William Shakespeare, Hamlet

ERINA DE DIOS smiled upon re-reading the quote, then closed the book and placed it inside her backpack when her possession came in sight. She tried to grab the mid-sized luggage bag from the baggage carousel, but she had hard time lifting it up, it was stuck between two bigger luggage bags. A man in his twenties gave her a hand and easily pulled up the bag for her.

"Oh, thank you." Matamis niyang ngiti.

"Y-you're welcome." Namula ang mukha ng lalaki matapos siyang pasadahan ng tingin. Yumuko ito pagkatapos.

"Have a good one. Bye." Magiliw niyang kaway bago tumalikod upang makalabas na ng NAIA airport. She could not wait to get home, finally, after eleven years. Nahawakan niya ang dibdib. Halos mag-umapaw ang kanyang damdamin sa kasiyahang nadarama.

"Off to Del Rio!" Tila may pakpak ang kanyang mga sapatos sa paghakbang, hindi alintana ang mga pansing naagaw dahil sa ginawang pagsigaw. "Taxi!" She waved at a yellow car right after she came out.

"Excuse me, Miss, doon nakaparada ang mga sasakyang naghihintay ng pasahero. For pick-up lang itong linyang ito para sa mga natawagan ng driver." Kalabit ng airport security sa kanyang balikat.

"Oh, I'm sorry, Sir. Thank you."

Ang kaninang aburidong reaksiyon ng lalaki ay napalitan nang maluwang na ngiti nang humarap siya rito. "Y-you're welcome, Miss." Pero hindi naman sa mukha niya nakatingin kung hindi sa kanyang katawan.

Hinila na niya ang bag upang pumunta sa mga taksing nakaparada sa dulo ng terminal. Agad naman siyang nakasakay sa taksing nasa unahan ng pila. "Mr. Driver, to Del Rio, Peñaflor City, Cagayan, please?"

Natigilan ang driver sa narinig tsaka siya nilingon. "Sorry, Miss, saan na uli?" Napakamot pa ito sa batok.

"Del Rio, Peñaflor City, Cagayan." Nanatili ang ngiti sa kanyang mga labi.

"E, Miss, mahigit sampung oras ang biyahe papunta roon. Hindi ko rota iyon. Kung gusto mo ihahatid na lang kita sa terminal ng bus na papunta roon. O kaya mag-rent ka ng van."

"What? You can't send me there?" Her smile disappeared.

"Sorry, Miss, masyadong malayo iyon. Ano, sa terminal na lang ng bus?"

"I...guess." Sana pala nagpasundo na lang siya. Agad niyang ipinilig ang ulo upang palisin ang pagkadismaya. This was a surprise vacation, she didn't tell anyone about her coming back to Philippines. She just left a note to her Tiaa Katerina back in California.

The weather was too hot though she was used to it. California gets too hot like this as well. But the traffic, she could probably take a nap for hours and will still be driving in this road when she wakes up.

Tumingin siya sa labas ng bintana, nakita niya ang ilang mga batang namamalimos sa kalsada, at ang iba ay may hawak na mga paninda. She was that young too, just seven years old when her parents sent her to her Tia Katerina. There was no explanation as to why, and she didn't even get calls or letters, and the birthday cards she got every year did not even give a hint of emotion.

Her heart throbbed when she saw pictures of her parents along with her two younger brothers sent to her Tia Katerina. Her Tia tried to make up for her parents' absence, but it was still different. She grew up alone, felt alone even with her Tia by her side. Questions started piling up. At ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, gusto niyang malaman ang mga kasagutan doon.

Akala niya ay ma-e-enjoy niya ang mahabang biyahe papuntang probinsiya subalit nang maramdaman ang pananakit ng katawan at puwitan, gayundin ang pangangawit ng mga binti sa makipot na upuan ng bus, gusto niyang pagsisihan kung bakit hindi talaga siya nagpasundo. Almost every one of the passengers was sleeping, and some snoring. The night was too dark to see anything interesting.

Let's just sleep, Erina, pang-aalo niya sa sarili.


"BAYAN ng Peñaflor o, narito na tayo. Gumising na ho tayo't bumaba!" malakas na sigaw ng kundoktor.

Agad siyang napabalikwas nang marinig iyon. "Me! Me!" she yelled back.

"Ano ba 'yan, ang ingay."

"Mukhang balik-bayan, inglesera e."

Ilan sa mga bulungang narinig niya. Natikom niya ang bibig. "Sorry, so sorry. Excuse me." Mahina niyang paumanhin sa katabi upang bigyan siya ng daan palabas. Huminto siya sa harapan ng kundoktor na nasa labas na ng bus. "Mister, I have a luggage bag." Turo niya sa compartment ng bus.

"A, saglit lang, Miss." Tsaka pumunta sa gilid ng bus ang lalaki, binuksan ang compartment at kinuha nga iyon. "Ito ba?" Turo sa kanyang bag.

"Yes, thank you so much. Good night. Have a safe drive. Bye." Magiliw niyang kaway habang sumasakay ito sa bus. Alanganin itong ngumiti bago tuluyang isinara ang pinto.

She looked at her wrist watch, it was only four in the morning and it was still dark out. Iginala niya ang paningin, hindi pamilyar sa kanya ang paligid. "Hmm, I think I'm lost." Subalit hindi naman siya nakaramdam ng takot.

Naiharang niya ang kamay sa mukha nang masilaw sa maliwanag na headlights ng isang sasakyan na papalapit sa kanya. Umatras siya upang bigyang puwang ang pagparada niyon sa kanyang harapan.

"Erina?" Mariin subalit pamilyar na tinig ang tumawag sa kanya.

"P-papa?" Bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Lumapit siya sa passenger side ng isang puting pajero van. Nakababa ang bintana niyon kaya naaninag niya agad ang ama na naiilawan ng poste ng ilaw na nasa kanyang likuran. "Papa! Oh my god, it's you! How did you know I'm here? I wasn't expecting you to be here?" Halos maglulundag siya sa sobrang tuwa.

"Huwag kang sumigaw, Erina. Masyado pang maaga para manggising ng iba. Sumakay ka na nang makabalik na tayo sa Del Rio."

"O-oh, okay. I have my bag, where should I put it?" Maalinsangan pa rin ang klima, kabaligtaran ng malamig na pagsalubong ng kanyang ama. That distant feeling she felt years ago remained until this moment.

Bumaba ang kanyang ama't umikot sa kabila upang kunin ang kanyang bag. Binuksan niyon ang likuran ng pajero at doon inilagay ang kanyang gamit. "Sumakay ka na." Ulit nito bago bumalik sa driver's seat.

"T-thanks, Papa. Did Tia Katerina call you? I bet since I left her a note saying I will be here by the time she got back from her work. Thank god you're here otherwise I would be spending the rest of the night out here in the dark."

Hindi muna ito sumagot. Nanatili ang kanyang tingin sa ama ngunit nasa pagmamaneho at sa daan naman ang konsentrasyon nito. He looked different than the last time she remembered him. His body built was bigger, face looked older and...harder. He hardly smiled back then and that stayed the same till to this day. She felt an invisible wall between them, still hard and cold just like before, that did not change as well.

"I-I miss you and mama, Papa. It's been years, I'm really happy to be back."

"Hindi ka namin sinabihan na bumalik. Hindi ka rin nagpaalam sa iyong in--" Napansin niyang humigpit ang paghawak nito sa manibela. "Sa iyong Tiya Katerina. Alam mo ba kung gaano kairesponsable ang iyong ginawa, Erina?"

"I-it's meant to be a surprise, Papa. And besides, I'm not that seven-year-old girl anymore who needed a company to travel all by herself."

"Pinangunahan mo pa rin ako. Hindi ko nagustuhan ang desisyon mong magparito. Maayos ka na sa Amerika, hindi mo na kailangan pang bumalik dito." Kaswal lang ang tinig nito ngunit may diin ang bawat pagbigkas ng mga salita na halos magpabigat sa kanyang damdamin.

"Isn't this my home? You live here. My brothers are here. I want to choose where to go to college and I decided to enroll here." She wanted to applaud herself to be able to talk back. Yes, she's nineteen afterall.

"Babalik kang Amerika, Erina. Igugol mo lang ang dalawang buwan mong bakasyon dito pero babalik ka pagkatapos. Isa pa'y huli ka na, nag-umpisa na ang pasukan."

"I'm sure you can do something about it."

Hindi ito sumagot. Makalipas ang ilang minuto ay padaka siya nitong nilingon, sinuri ang kanyang kasuotan. Napansin niya ang pagsalubong ng mga kilay nito bago ibinalik sa daan ang atensiyon. "At ano iyang suot mo?"

She was wearing a half black tank top and faded short shorts. Pinatungan lang niya iyon ng red stripe polo shirt na nakataas ang mga manggas hanggang siko at nakatali ang laylayan sa kanyang baywang at bukas ang harapan. Was that the reason for the disdain looked in his eyes? May hiyang kinalas niya ang pagkakatali ng poloshirt tsaka ibinutones ang harapan upang matakpan na rin ang nakalabas niyang tiyan at pusod.

"I-it was hot po kasi." Lumingon siya sa labas ng bintana. Pinatigas ang panga. Kinuyom nang mahigpit ang mga palad. Marahang nagpakawala nang hininga.

"Ang lahat ng desisyon ay manggagaling sa akin. Kung ano man ang dahilan ko nang ipadala kita sa Amerika ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Walang nabago at walang mababago, kaya sa ayaw at gusto mo, babalik ka kay Katerina."

"W-why?" Hindi niya binalak magtanong sa ganitong sitwasyon, hindi ngayong kakikita lamang nila at hindi sa ganitong oras subalit... "Why, Papa?" Paulit-ulit siyang lumunok upang palisin ang anumang nakabara sa kanyang lalamunan.

"Para sa iyong sariling ikabubuti, Erina. Kaya makinig ka na lang at sumunod sa sinasabi ko."

No. That was not the answer she wanted. It wasn't enough. Subalit hindi pa pala siya handa sa maaaring marinig mula rito. Bakit kailangang makaramdam siya nang ganitong klaseng takot? Subalit ngumiti na lamang siya...ngiting hindi umabot sa mga mata.

Hindi na uli nagsalita pa ang ama. Hindi na rin niya nagawang magsalita pa. Surprise, huh? She quietly gritted her teeth. Mahigit isang oras ang kanilang biniyahe bago nila narating ang Del Rio, ang lugar kung saan nagsimula ang mga De Dios.



CALEB V. GUERRIER. Hinaplos ng mga daliri ni Caleb ang pangalan niyang nakaukit sa headboard ng maliit na kamang gawa sa isang matibay na kahoy. Nasa ancestral house siya ng pamilya sa Del Rio, isang lumang mansiyon na minana ng ama sa magulang ng mga magulang nito. Dito sa bahay na ito siya isinilang, at ang kamang ito ang kanyang hinigaan noong sanggol pa lamang siya hanggang sa umabot siya nang limang taong gulang bago lumipat ang kanilang pamilya sa bayan ng Peñaflor.

Alaga pa rin ang mansiyon kahit hindi na rito nakatira ang buong pamilya. Limang taon siya nang mamayapa ang mga magulang ng ama sa isang aksidente. Ilang buwan pagkatapos ay nagpasya ang kanyang magulang na sa bayan na sila tumira. This home was abandoned but remained intact.

Ilan na lang ang mga ari-ariang mayroon ang magulang dito, karamihan ay ibinenta na at sa bayan inilipat. Ngunit ang mansyong ito ay nanatili pa rin at alaga ng mag-asawang katiwala na sila ring nagmamando ng sakahan ng bigasan at maisan na ibinibiyahe sa main store nila sa bayan—ang Geurrier Rice and Corn Wholesaler.

Hinanap niya ang telepono at nakita naman sa mesang nasa sala. Pinuntahan niya iyon, umupo sa pang-isahang sofa tsaka dinampot ang receiver ng landline phone. Pumindot siya sa mga numero upang tumawag sa kanilang bahay sa bayan. Naka-ilang tunog ang kabilang linya bago may sumagot na boses lalaki.

"Hello, Dad, narito na ho ako sa Del Rio."

"O, Caleb. Hanggang kailan ka ba riyan? Nagrereklamo si Allona dahil hindi mo raw isinama."

Napangiti siya. "Sorry, Dad. Pakisabi sa kanya na sa susunod na lang. At pakisabi rin kay mommy na huwag na akong ipaghanda sa birthday ko bukas, ayos na akong mag-celebrate kasama ang mga kaibigan ko rito."

"Sige, makararating. Ingat sa pagmamaneho at sa pagtalon sa talon. Pakibati na rin ako kina Nanay Matilde at Tatay Rodolfo." tukoy nito sa kanilang katiwala.

"Opo. Salamat nga pala sa bagong jeep, Dad." Tukoy niya sa Wrangler na regalo nito sa kanyang kaarawan.

"Happy eighteenth birthday, son. You deserve it."

May ngiti sa mga labing ibinaba niya ang receiver. Lalo pang nangiti nang maisip ang paghihinampo ng nakababatang kapatid na si Allona, napailing siya. Parang tuko kung makadikit iyon sa kanya, kaya naman hindi niya sinabing luluwas siya nang mas maaga para takasan ito.

Tiningnan niya ang orasan na nasa bisig, halos magliwanag na, ika-anim na nang umaga. Gumalak siya't sumakay ng jeep. Inabot din siya nang labinlimang minuto bago niya narating ang burol ng Twin-Hills Waterfall. Tambayan nilang magkakaibigan ang talon sa tuwing darayo siya rito, at doon sila magkikita bukas nang alas nueve ng umaga. Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan tsaka umakyat ng burol.

Lumihis siya ng daan palayo sa talon. Pumasok sa isang masukal na mga puno't damuhan. Masarap sa pandinig ang magaang pagdaloy ng tubig sa mahaba ngunit mababang bangin na kanyang tinutunghay. Nanggagaling ang tubig sa talon, bumabagsak sa lawa at umaagos papunta sa malaking tubig ng Peñaflor River.

Huminto siya nang makita ang signboard na nakatali sa alambreng bakod, binasa niya ang nakasulat doon—Private Property. No Entry. Ngumiti siya. Inakyat niya ang punong kinapupuluputan ng alambre, bumuwelo, tsaka tumalon pababa sa loob ng bakod.

Ito ang ikalawa niyang pagparito, aksidente ang una niyang pagdiskubre sa pribadong lugar nang maghanap siya ng shortcut papuntang talon. Hinawi niya ang malalaking dahon ng mga punong saging na nakaharang sa daraanan papunta sa sadya. Muling huminto nang nakaharap na siya sa isang lumang kubo, nag-iisa lamang sa gitna ng burol na iyon.

Wala iyong pinto. Wala ring mga bintana. Purong tabla ang sahig at wala ring anumang papag na higaan o upuan. Sira-sira na ang lumang bubungan nitong dahon at butas-butas ang mga dingding. Nakatayo ang kubo sa gilid ng mababang bangin kung saan umaagos ang tubig. May dalawang malalaking puno ang nakapuwesto sa harapan ng kubo. Nilapitan niya ang mga iyon at tiningnan ang mga letrang nakaukit sa katawan ng mga puno. Sa kanan ay ang pangalang Katerina, at sa kaliwa naman ay Alvaro. Matagal na pumako ang kanyang mga mata sa huling pangalang binanggit.

Humugot siya nang malalim na hininga. Sigurado siya sa sarili, kung sinuman ang nagmamay-ari sa mga pangalang iyon, ang mga ito ang unang nakadiskubre, o marahil ay may gawa ng kubo.

Napagpasyahan niyang linisin ang lugar at gawing tambayan habang wala pang umaako roon. Unang dayo pa lamang niya rito'y nakaramdam na agad siya ng koneksiyon sa lugar. Bago siya bumalik sa kubo'y muli niyang tiningnan ang pangalang nakaukit sa kaliwang puno.

Alvaro...mahinang mutawi ng kanyang bibig. Pagkuwa'y muling napangiti. Hindi kalakihan ang lugar ng Del Rio, ngunit hindi rin naman maliit. Imposibleng ang ama lamang ang may pangalang Alvaro sa buong lugar na ito.



A/N:

Hello! I'm back...with a new story. Sorry if you are waiting for the ongoing ones, sad to say but this story is strongly calling for me to write and i'm so excited to give them life--Caleb and Erina. I hope you can support me with this by voting and giving your reactions. I would appreciate it so much, as always.

Thankfully,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 31K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
79K 1.4K 83
Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However...
110K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1.8M 70.2K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.