Just Today

By CamsAnn

7.9K 266 79

I saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier." More

Note
Simula
Kabanata 1: Ngayon
Kabanata 2: Itim at Puti
Kabanata 3: Balang Araw
Kabanata 5: Noon Pa
Kabanata 6: Malapit
Kabanata 7: Kanta
Kabanata 8: Hiling
Kabanata 9: Kahinaan
Kabanata 10: Iiwan
Kabanata 11: Babalik
Kabanata 12: Huminto
Kabanata 13: Nakakahanga
Kabanata 14: Mapapasaya
Kabanata 15: Manliligaw
Kabanata 16: Pananaw
Kabanata 17: Sarili
Kabanata 18: Matapang
Kabanata 19: Kaibigan
Kabanata 20: Makikinig
Kabanata 21: Dumating Na
Kabanata 22: Tanong
Kabanata 23: Nagbabago
Kabanata 24: Litrato
Kabanata 25: Hustisya
Kabanata 26: Kahawig

Kabanata 4: Maririnig

205 11 3
By CamsAnn

Kabanata 4: Maririnig

Dashboard Confessional - Stolen

///

Masaya sa feeling 'yung may naa-achieve ka sa bawat araw. Kahit simpleng bagay lang.

     Maaga akong gumising sa araw na 'to para mag-aral sa Business Law at Taxation. Mas nakakapag-aral kasi akong mabuti kapag madaling araw.

     Inayos ko rin ang mga picture na nakunan ko sa buong week na 'to. Nung pumunta ako kina lola, may mga na-picture-an din ako. Pati 'yung mga matatagal nang mga kuha na naka-save sa flashdrive ko, naka-print na at inilagay ko na sa ginagawa kong portfolio. Walong litrato ang napili ko.

     'To be submitted tomorrow.' Isinulat ko 'yon sa isang sticky note at idinikit sa first page.

     Gumayak na 'ko sa pagpasok.

     "Uy mga repa pupunta rito Kuya ko mamaya, mag-i-inquire diretso enroll. Gago kasi napaaway sa school nila," bungad ni Jun nang magkita-kita kami sa school.

     "Susumbong ko lahat ng kalokohan mo," sagot ni Era.

     "Tatawanan ka lang no'n. Mas loko 'yon."

     "Magta-transfer? Matinding away ba?" tanong ko.

     "Oo transfer. Hindi naman siya napatalsik do'n pero si Papa pinilit na pagsamahin na lang kaming dalawa. Hays si Papa talaga kung ano maipilit."

     "Good luck Jun," nakangiti kong sabi.

     "Good luck nga. Hays. Babantayan ako no'n."

     Nag-review na kami para sa quiz. Third year na kami kaya talagang mas nagsisipag na sa pag-aaral. After next sem, OJT na.

     "Tanungan tayo sa theories," sabi ni Era.

     "Game."

     Ilang minuto naming ni-review ang isa't isa hanggang sa dumating na 'yung prof at nagsimula ang quiz. Discussion after pati sa sumunod na subject.

     Nang natapos ang klase, naunang lumabas si Jun para puntahan 'yung kuya niya.

     "Kawawang Jun, utusan siguro ng kuya niya," natatawang pang-aasar ni Era sa friend-slash-enemy niya kahit kanina pa nakaalis.

     Ilang minuto ang makalipas, biglang may dumating sa room, kinalampag pa 'yung pinto.

     "'Yung crush mo Crisel kasama ni Jun!" biglang sigaw ng kaklase at kaibigan naming si Edward, 'yung nang-aya sa 'min na pumunta sa battle of the bands nung weekend.

     "Hoy hoy hoy sinong crush? Ba't 'di ako aware?" tanong naman agad ni Era.

     Mabuti at mga ka-close namin 'yung mga naiwan sa room.

     "Sino?" tanong ko, natatawa at curious din, habang inaayos ang gamit.

     "Dami yatang crush, 'di na malaman kung sino," singit ni Fernando, isa pang kaibigan namin.

     Lumapit sa 'min si Edward. "Si Chase, 'yung sa banda."

     "Seryoso?" gulat kong tanong, hindi makapaniwala na nandito siya sa university namin.

     Nung natapos kasing kumanta ang lalaking 'yon, tinanong ko 'yung mga kasama ko kung kilala nila. Nagalingan kako ako sa pagkanta kaya ako curious. Si Edward ang sumagot na Chase nga ang pangalan no'n at kilala nila dahil sa ilang performances ng banda no'n. Sila lang din ang nag-conclude na crush ko 'yon. Pero humahanga naman talaga 'ko.

     "Teka teka don't tell me 'yan 'yung kuya ni Jun?" Si Era.

     "Ano'ng mayro'n kay Kuya?"

     Napatingin kaming lahat sa nagsalita sa may pintuan. Si Jun.

     "Wala naman," sagot ko agad at pinaalis na si Edward na nakaharang sa gilid namin ni Era.

     Bigla namang pumasok si Jun at may kasunod siyang isang matangkad na lalaki.

     "Mga repa, si Kelvin. Kuya kong loko-loko," pagpapakilala niya sa kapatid. Halos pabulong lang 'yung huling linya.

     "Okay sa 'kin tawaging Kuya Kelvin o Kelvin. Nandito 'ko para bantayan 'tong mahal kong kapatid," nakangisi niyang sabi at tinapik ang balikat ni Jun.

     Ipinakilala naman kami ni Jun isa-isa. Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga lalaki habang siniko naman ako ni Era. "'Yan ba Crisel? Kala ko ba Chase?" sabay nguso do'n sa kapatid ni Jun.

     "Hindi. Hindi 'yan 'yon."

     "May kasama nga pala 'ko. May binili lang saglit. Ayos lang ba papasukin din sa room niyo?" tanong ni Kuya Kelvin.

     Tumango lang sina Jun at ang iba.

     Mga ilang minutes pagkatapos, may pumasok sa room at bago ko pa makita kung sino, dinig ko na 'yung sabay-sabay na pag "uyyy" nina Edward at Fernando.

     "Chase pare, mga kaibigan ni Jun 'yan."

     "Crush ni Crisel!" hirit bigla ng kung sino sa kanila. 'Di ko na naisip kung sino dahil sa gulat.

     "Sino? Si Chase? 'Di nga?" Titig na titig pa si Jun sa 'kin habang sinasabi 'yon. Sinamaan ko agad siya ng tingin.

     "Uy tinignan ka nung Chase," bulong ni Era.

     "Akalain mong umabot sa eskwelahang 'to 'yang kamandag mo," natatawang sabi ng kapatid ni Jun kay Chase. "Sa'n mo nakilala si Chase?"

     Medyo nahiya ako pero mas nakakahiya kung hindi ako magsasalita.

     "Sa battle of the bands sa San Roque, nung Sabado po."

     Tumango-tango sina Jun at Era. Sila lang yata ang hindi nakakaalam. Hindi kasi sila nakapunta nung Sabado.

     "Dumadami ang fans mo Chase. Sunod nito, may mga die hard fans ka na. Be careful pare."

     "'Di ko iniisip 'yan."

     Hindi ko na sinabing una ko siyang nakita sa computer shop kasi baka akalain nila na stalker o die hard fan talaga 'ko. Mukhang siya pa naman 'yung tipo na ayaw sa gano'n.

     "Chase si Criselina nga pala, tropa 'yan," pagpapakilala sa 'kin ni Jun.

     "Chase," simpleng sabi niya at tumango.

     "Ahh Crisel... Nakakahanga talaga. Buong banda. Pero 'wag kang mag-alala or mawirduhan, hindi naman ako die hard fan, pero fan niyo... po... ako talaga," sabi ko at napayuko nang bahagya.

     "Uy naging mahiyain ang strong and confident nating Crisel." Tumawa pa si Edward pagkasabi no'n. Lakas talaga mang-asar.

     "Don't worry hindi 'yan 'yung tipo na mawiwirduhan ka pre, astig 'yan," sabi ni Fernando.

     "Saka marami pa 'yang ibang crush!" banat naman ni Jun. Kahit wala naman talaga 'kong gaanong crush.

     "Era tara na, aayusin ko pa 'yung portfolio ko," aya ko sa kaibigan.

     "Tama na 'yan guys, nahihiya na ang not-so-mahiyain nating tropa. Alis na kami." Tumatawa pa si Era.

     "Ingat mga not-so-girly human beings!" sigaw ni Jun.

     Nakahinga ako nang maluwag nang makarating sa may computer shop. May gusto pa kasi akong ipa-print na pictures. Si Era, nauna nang umuwi.

     Pagka-print ng mga 'yon, iniayos ko na agad sa loob ng portfolio para hindi ko na ayusin mamaya. Inilagay ko na 'yon sa bag ko at nagbayad.

     "May naiwan pala'ng isa, Miss, eto o," sabay abot sa 'kin ni manong ng na-print.

     Inilabas ko agad ang portfolio at iniayos sa loob 'yung naiwang litrato. Lumapit muna ako at nagbayad para do'n sa huling picture.

     Nag-vibrate naman 'yung phone ko.

     'Tara na sa karinderya.' Text ni Grace.

     Bago umuwi, bumili muna ako ng pagkain sa karinderya na gagawin kong hapunan. Minsan kasi wala na 'kong oras para magluto. Kumuha ako ng pera sa bulsa at nagbayad.

     "Fren!" Si Grace.

     "Tara na," aya ko. Sumakay na kami ng jeep at nagkwentuhan.

     Pagkauwi, tinapos ko agad 'yung sketch ng motor ni Jack na regalo ko para sa birthday niya sa Linggo.

     Hatinggabi na nang maisip kong kumain. Ininit ko lang 'yung binili ko kanina. May kanin din akong isinaing kaya nakakain naman ako nang maayos.

     Bago matulog, nag-open muna ako ng laptop at nag-internet.

     GoddessEraisha: uy online ang may Jurassic na cellphone! Hi Criselzzz!

     WeakJuno: Ganda laptop nyan, wag ka.

     GoddessEraisha: sabi ko lang naman cp!!

     OldManFernando: Baka ii-stalk si Chaseeee

     EdwardoTheCrazy: Hahahaha support

     antisocialmediagurl (Me): hindi ko alam fb niya

     WeakJuno: easy! Friend ko na yon, tropa ni kuya e. Di mo sinabi agad.

     GoddessEraisha: so supportive!

     Me: tampo ata si Era haha. Pabago-bago ng nicknames tong gc a.

     WeakJuno: Napapagod na ko palitan. Ang sipag nitong si Era, corny naman.

     GoddessEraisha: weak ka kasi Juno. Hey Crizzel, sayo ako tampo! Mas alam pa nila edward yung crush mo. Hmp

     WeakJuno: Era wag ka muna magulo dyan. Crisel eto na langya nai-like ko pa isang post nya sa pagtingin ko sa timeline putek

     Me: hahaha no need naman pero thanks??

     Dahil sinend ni Jun 'yung link ng profile ni Chase, tinignan ko na at matagal nag-isip bago in-add friend. Siguro naman bilang fan, okay lang subukang i-add siya. Minsan ko lang gawin 'to at feeling ko naman worth the risk.

     GoddessEraisha: in-accept ako, atleast hindi pa-famous

     WeakJuno: chinat ko rin, sabi ko iaadd siya ng tropa

     Pagkabasa ko no'n, nakita ko sa notification na in-accept din ang friend request ko. Na-excite ako. Nang tignan ang timeline, napansin kong hindi siya madalas mag-post, pero mga interesting ang pailan-ilan niyang shine-share.

***

"Crisel! Ano ba! Gumising ka na dyan. Mag-ayos-ayos ka naman ng bahay."

     Unti-unting dumilat ang mga mata ko at nasilaw sa liwanag ng araw. Shit. Bumangon agad ako dahil alam kong may tao. Hindi ko naman kasi hinahawi ang kurtina sa may bintana. Nandito si Mama! Akala ko panaginip lang 'yung narinig kong boses kanina. Sabado ngayon Criselina!

     Patakbo akong lumabas ng kwarto at nang nakitang nagwawalis siya sa may garahe, pinuntahan ko agad.

     "Mano po," sabi ko at nagmano.

     "Uuwi ang ate at kuya mo tapos madadatnan kong ganito ang bahay. Naabutan ko pang buhay 'yung laptop mo habang tulog ka. Akala ko ba at hindi ka na naggagagamit ng mga ganyan dahil nananakit ang ulo mo?"

     "Ahh hindi ano kasi, nakatulugan ko po. Bihira lang po ako mag-laptop. Sorry Ma," sagot ko at tumulong na rin sa pagliligpit ng ilang nakakalat na gamit.

     "Kumain ka na, nagluto na 'ko. Gumayak ka na rin pagkatapos, parating na mga kapatid mo, bibisita rin sa inyo ang Papa niyo."

     "Sige po."

     Ilang minuto lang, sinabayan na rin niya akong kumain.

     Nang nakapag-ayos na 'ko, bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Grace.

     [Uy! Tuloy ka ba sa pagpapasa sa org?]

     "Yup. Ngayon dapat, kaso uuwi nga pala sina Mama. Sa Monday na lang siguro."

     [Kasi naman, nalaman ko kanina lang, naglagay na pala sila ng deadline. In-inform pala 'ko sa text kaso 'di ko napansin. Need na kasi simulan 'yung mga task---]

     "What. Hanggang kailan na lang?"

     [Ngayong araw. 12PM. Kasi 'di ba half day lang kapag Sabado.]

     "Okay okay. Pupunta na 'ko ngayon."

     Nagpaalam muna 'ko kay Mama na sasaglit muna sa school.

     "Susunod po ako Ma. Saglit lang ako sa school," sabi ko habang sinisintas na ang rubber shoes na suot. Inilagay ko na sa bulsa ang wallet at sinukbit ang backpack.

     "Nakita mong aalis nga tayo tapos aalis ka naman? Hindi ka pa makapaglaan ng oras at kung anu-ano ang inaatupag mo," sagot ni Mama habang may mga papel na inaayos sa lamesa. Work.

     Ilang segundo akong natigilan at napayuko. Ako 'yung madalas may oras sa 'min. Sabihin lang nila na kailangan nila ng tulong ko, pinupuntahan ko agad sila.

     Tinignan ko si Mama na abala pa rin sa mga papel na binabasa. Tumatanda na siya.

     Sa tuwing nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, ayoko talagang tinititigan siya nang mabuti. Kapag kasi mas tumagal ko siyang tignan, naiisip kong marami na rin siyang hirap na napagdaanan. At maiisip kong worth it ba kung magtatampo pa 'ko?

     "Sa photography 'to Ma. Hilig ko 'yon 'di ba?" sabi ko nang nakakuha ng lakas.

     "Bahala ka," sabi niya at agad na tumalikod para sagutin ang tawag ng kung sino.

     Huminga ako nang malalim at pilit ngumiti sa kawalan kahit na naging plastik ang dating. Ang hirap masanay sa ganito.

     Kinuha ko ang cellphone at umalis na.

     Sabay kaming pumunta ni Grace sa room ng org nila. Dinaanan ko kasi siya sa bahay nila na malapit lang sa 'min para samahan niya 'ko rito.

     "Marami pa ring nagpapasa kahit ngayon," sabi ko nang makita ang mga nasa sampung tao na nasa loob ng room.

     "Mga kagaya mo 'yan na humahabol sa deadline."

     Binuksan ko na ang bag ko at hinanap 'yung portfolio sa ilang clearbook na nasa backpack ko.

     Kinabahan ako nang hindi ko agad nakita. Hinila ko si Grace sa may isang room na bukas at hinalughog ang laman ng bag ko. Binuksan ko lahat ng zipper at hinanap sa mga folder at baka naipit lang. Please please please naman o. Pinag-effort-an kong mabuti ang pagpili ng best shots ko. Pero pinakamahalaga, gusto ko sanang mapili rito, gusto kong malibang sa mga gusto kong ginagawa.

     Nag-isip akong mabuti. Hindi ako mapakali. Hinilot ko 'yung ulo ko dahil naguguluhan na 'ko kung paano nawala. Pinipigilan ba 'ko ng kapalaran?

     "Sa computer shop, tama. Naiwan ko sa lamesang pinag-ayusan ko ng huling picture. Tanga tanga talaga," nasabi ko sa sarili.

     "Sa shop? Sige ako na! Ayusin mo na 'yang gamit mo," sabi niya at tumakbo na kahit ang init ng sikat ng araw. Salamat Grace.

     Narinig kong nagsilabasan na 'yung mga estudyante sa kabilang room. Inilagay ko na sa bag ko 'yung mga gamit. Nang pagtingin sa sahig, nakita kong nando'n ang isang papel at isang picture. Pinulot ko agad dahil akin 'yon. Lumabas na 'ko pagkatapos.

     "O Crisel, kasama mo ba si Grace? May meeting kami ngayon, biglaan," bungad sa 'kin ni Patricia, ang editor-in-chief nila.

     "Pabalik na rin siguro. Pa'no nga pala 'yung magpapasa pa ng entry?"

     "Ah 'yun ba. Mukhang wala na naman. Saka biglaang meeting. Strict ang adviser sa time. Pero kung may magpapasa within 12PM at malaman ko, titignan ko mamaya."

     Nag-vibrate ang phone ko.

'Wala na rito. May nakakuha. Kilala ka raw at...'

     Mahaba pa ang message pero hindi ko na binasa. Unti-unti na kasing akong nawalan ng pag-asa.

     "Magpapasa ka ba? 'Yan ba ang entry mo?" biglang tanong ni Patricia at itinuro ang hawak ko.

     Hinawakan niya 'yung picture at tinignan ako kung hahayaan kong tignan niya 'yong mabuti. Iniabot ko sa kanya.

     "Wow. Guys, girls, look." Tinawag niya 'yung mga kasamahan niya na sinasara na ang room ng org nila at naghahanda na sa pag-alis.

     "Ah ano, may ginawa akong portfolio kaso ano..." sabi ko pero nag-uusap na silang mga miyembro. Tumango ang halos lahat sa kanila.

     "Pasado ka na, to follow na lang siguro 'yung portfolio para ipakita sa adviser natin sa org," sabi ni Patricia, nakangiti.

     "Ganitong klaseng kuha 'yung gustong-gustong makita ng adviser namin, at kami rin. Sure akong matutuwa siya sa 'yo."

     Hindi makapaniwala, nagpasalamat agad ako. Nag-text din ako kay Grace na nakapasa ako.

     Malapit na 'ko sa gate nang makasalubong ko siya na tumatakbo.

     "Pasado? Talaga? Talaga? Pa'no? Oh my magkasama na tayo sa org!" bungad niya agad.

     "Kukwento ko na lang sa chat. Hinihintay ka na nila sa sasakyan. Sa susunod na meeting na raw ako sumama para mas mapaghandaan ko. Uwi na rin ako, family day."

     "Okay okay. Enjoy sa family time!" Tumakbo na siya papunta sa sasakyan ng mga kasamahan. Umandar din agad 'yon at lumabas ng school.

     Nang nakalabas na 'ko ng gate, napahinga ako nang malalim. Dinama ko 'yung simoy ng hangin at mas guminhawa ang pakiramdam. Hindi ko akalain na sa kabila ng nawala 'kong portfolio, matatanggap pa rin ako dahil sa isang picture na 'yon.

     Sa gilid ng mata ko, napansin 'kong may tumayo sa may waiting shed at parang nakatingin sa gawi ko.

     Nang nilingon at tinignan kong mabuti, nakita ko ang isang lalaki. Nakasukbit sa isang balikat ang backpack. Nasa bulsa ang isang kamay habang ang isa ay may hawak. Hawak niya 'yung... 'yung portfolio ko!

     Si Chase...

     Bumilis 'yung tibok ng puso ko. I wonder... Maririnig kaya niya kung sa kaloob-looban ko ang daming nagsusumigaw na pakiramdam? Bakit kaya ako kinakabahan nang ganito?

///

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
124K 6K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...