SEXTION

By BitchTheQueen

41.6K 186 41

Yes, you read it right. Section full of sex. What will a nerd do with this kind of section? And what will hap... More

Prologue
SEXTION ONE.
SEXTION TWO
SEXTION THREE
SEXTION FOUR

SEXTION FIVE

2.3K 16 21
By BitchTheQueen

April.

Pumasok ako ng maaga para hindi makasabay yung mga fangirls ni Frox. Pero kahit ganon, di pa rin maalis ang tingin sa akin ng mga estudyante dito sa lobby. Usap-usapan na kami dito sa school, rather USAP-USAPAN NA AKO DITO SA SCHOOL. What the heck?! Di ko pinangarap maging sikat. Naging sikat nga ako pero in a bad way naman. Bad Image! Hindi ko inasam na mapunta sa ganitong sitwasyon.

"Geez.."

Napansin ko ang pagdami ng tao sa gate habang ako ay nakaupo sa bench dito sa lobby. Akala ko may artista na dumating kaya napatayo ako at sinilip ang pinagkakaguluhan. Malay mo si James Reid! Isang magarang kotse ang nasulyapan ko. Bara-bara syang nag-park at lumabas ang isang gwapong nilalang. Gwapong Nilalang?

"Joooooooosssshhh!" sigaw ng kanyang mga fangirl. Napaupo akong muli at nagkunwaring nagbabasa ng libro nung dumaan sya sa harap ko kasunod ang kanyang mga fans. Tinanggal nya ang shades nya habang naglalakad. Matangkad, matipuno, gwapo, mayaman.... ano pang hahanapin mo? Ano pa--?

"Huy!"

Natigil ang pagpapantasya ko nung biglang lumitaw sa harap ko si Jayson.

"Don't tell me gusto mo na rin si Josh?" Sabi nya habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.

Ano daw?

"Gusto ka dyan?! Ulol," sambit ko at napatawa sya dahil sa reaksyon ko.

"Hahahaha! In denial ka ha," sabi nya at ipinagpatuloy ang pagtusok-tusok sa tagiliran ko. "Aminin mo na kasi!"

"Anong aaminin kung wala naman talaga?" Naiinis na ako dito ha. Hayaan ko na nga lang.

Lumakad na ako papalayo at tinahak na ang landas papuntang classroom. Napansin ko naman sumusunod ang maingay na si Jayson. Umirap ako sa kawalan ng makarating kami sa classroom. Kumpara sa mga unang araw ko dito, di na ako masyadong pinapansin ngayon. Walang masyadong lumalapit. Walang nakikipag-usap. What do you expect? Hindi naman ako nararapat dito. I don't even need them.

I rolled my eyes again when I sat on my chair. Nilagay ko ang earphones ko at nakinig nalang ng music. 2 weeks na rin ang nakalipas at everything's smooth. Di na ako kinausap o nilapitan ni Frox. Okay lang yon. At least my life is peaceful kahit papaano.

Makalipas ang ilang oras, wala pa ring teacher na pumapasok. Ewan ko ba kung bakit mailap ang mga teachers sa section namin. Well, kung wala ako dito, siguradong pinangdirihan ko na 'tong section na ito. Kaso wala eh! Itinadhana akong mapunta dito.

Kanina pa ako nagmamaldita. Di halata noh? Well, masama lang talaga ang gising ko. Nahihirapan na rin kasi akong mag-aral dahil di ako makapag-concentrate. I have so many problems these past few days.

First is my allowance. Nung Monday, binigay sakin ni Mommy ang allowance ko for 2 weeks. Sabi nya ibibigay daw nya sa akin para wala na syang aalalahanin. Sinabi nya din na kailangan ko daw matutong mag-budget kaya ingatan ko daw yung pera ko. That night, pagkauwi ko galing school, I found my wallet missing.

Hinanap ko na sa buong bahay pero walang ako nakitang wallet. Hindi ko pa sinasabi kay Mommy. Buti na nga lang at hindi ako nagco-commute. Nagbabaon rin ako ng lunch para may makakain ako sa school. Hindi naman nahahalata ni Mommy na wala akong pera. Ang hirap lang sa'kin ayokong humihingi ng pera kay Mommy lalo na kung alam kong kasalanan ko kung bakit wala na akong pera.

Ang tanga-tanga ko kasi eh!

"Oo nga, ang tanga-tanga mo!" singit ni Jayson. Nabalik ang utak ko sa real world.

"Ano?!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Nag-agree lang naman ako sa sinabi mo ha?"

So nasabi ko pala yon. Hindi lang sa isip. Haynako!

"Stay away from me. Just stay away, please. You're getting into my nerves," naiinis ko pakiusap sa kanya.

"Chill! Okay okay. I'll shut my mouth," sabi nya habang kunwaring sinasara ang zipper sa bibig nya.

Tumalikod sya sa'kin at humarap sa blackboard nang pumasok ang principal na may kasamang isang babae. Mukha syang teacher sa formal na ayos nya. Pati na rin ang mga dala nya libro.

"Okay, section 6. Settle down," sigaw ng principal. Pero as usual ay hindi nakinig ang mga classmates ko. "This is Ms. Bradley. She will be your class adviser," announce ng principal.

Napatigil ang lahat at tinignan mula ulo hanggang paa ang bagong teacher. Isa syang bata-batang teacher. Siguro ay nasa 20 palang sya. Sya ang pinakabatang naging teacher namin dito.

Maganda sya. Mukhang mayaman. Maamo at mabait ang mukha. Pero may something sa kanya. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

Siguro hindi lang ako sanay. Tinignan ko sya ulit. Sa iisang tao lang sya nakatingin, sa lalaking katabi ko. Nakangiti sya rito. Nabaling naman ang atensyon ko sa lalaking tinititigan ni Ms. Bradley. Nakakunot ang noo nya at hindi naipinta ang mukha nya.

Nabali ang atensyon ko nang sumigaw ang mga classmates kong lalaki. "Mam, pwede ka po ba kasama sa Dark Room?"

Napairap ako sa kawalan. Hindi na yata talaga titigil itong mga ito.

"Mam, virgin ka pa ba?"

Nagsigawan ang lahat ng lalaki maliban kay Jayson at Frox.

Hinampas ng principal ang lamesa. Nagulat ako kaya nakuha ko ang atensyon ni Frox. Tinitigan nya ako sa mata. Agad ko naman iniwas ang mata ko sa titig nya.

"You don't need to answer their questions, Ms. Bradley. They are just assholes."

Tumango naman si Ms. Bradley. Nag-step forward sya para magpakilala ng formal.

"Good day to everyone! I am Shane Bradley, your new adviser." Nagsigawan ang lahat ng lalaki maliban sa dalawa.

Wala silang pake sa mga nangyayari.

Napatingin ako ulit kay Frox. Nandun pa rin sa mukha nya ang hindi maipintang emosyon. Bakit kaya?

"Class, actually there will be no class today. We have a general maintenance so we needed to suspend our classes," sabi ng principal.

Shit.

Masyado pang maaga para umuwi. Wala pa yung sundo ko. Hays.

Naisipan kong pumunta ng library at habang patungo ako don, nakita kong nag-uusap si Frox at Ms. Bradley. Katulad ng hitsura nya kanina, hindi pa rin maipinta ang mukha ni Frox. Pero ang nakatawag ng pansin ko ay si Jayson na nakatingin sa kanila mula sa hindi kalayuan. Kitang-kita ang lungkot sa mukha nya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa library habang nakatingin pa rin sa nangyayari. Ano kayang pinag-uusapan nila? Magkakilala ba silang tatlo? O baka naman gusto lang nilang pumunta sa dark room. Hays.

Habang nasa library ako, hindi ko mapigilang isipin yung nakita ko sa labas. Bakit ganun yung hitsura nina Frox at Jayson nung nakita nila si Ms. Bradley sa classroom? Ngayon naman, nag-uusap sila at si Jayson ay nanonood mula sa di kalayuan. Magkakilala kaya talaga sila?

Hindi na ako makapag-focus sa pagbabasa dahil sa kakaisip sa kanila.

Kruuuuk.. kruuuuuk.

Kumakalam na ang tiyan ko. Nagugutom na ako. Hindi naman ako makabili ng pagkain dahil wala ng akong pera. Hays.

Tumingin ako sa phone ko para makita ang oras. 5pm na at hindi pa ako nag-lunch or snacks man lang. Naisipan ko nang lumabas ng library at tignan kung nandyan na ang sundo ko. Halos isang oras din ako sa library pero wala naming pumasok na lesson sa utak ko dahil sa kaiisip ko sa connection nilang tatlo.

Nang lumabas ako nakita ko na nandun pa rin sila at nag-uusap pero this time, kasama na nila si Jayson na kanina'y nanonood lamang sa kanila. Mukha silang nag-aaway at paiyak na si Jayson. Samantalang si Frox naman ay nanatili ang straight face.

Sobrang curious ko kaya medyo lumapit ako sa kanila at nagtago sa isang poste na malapit sa kanila. Thankfully, may upuan dito. Nagmasid at nakinig ako habang nag-uusap sila.

"Ano pa bang gusto mo ha, Josh?!" sigaw ni Ms. Bradley. "Bakit ba ayaw mo akong tanggapin? Kaya kong ibigay lahat para sayo!"

Ha? So magkakilala nga sila?

Kahit anong tanong ni Ms. Bradley kay Frox ay wala itong imik. Samantalang si Jayson ay patuloy na pinipigilan si Ms. Bradley na magwala.

"Ang gusto ko ay tumigil ka na. Wag ka nang bumalik sa buhay ko," walang emosyon na sabi ni Frox.

Sa wakas, nagsalita na rin sya.

Patuloy na sumigaw si Ms. Bradley habang umiiyak. Napatalon ako sa upuan ko. Nagulat ako nang biglang galit na sumigaw si Jayson.

"HINDING-HINDI KA NA TATANGGAPIN NI JOSH! HINDI KA NYA MAHAL! TANGGAPIN MO NA!"

Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Jayson. Gusto kong punasan ang mga ito kaso hindi ko magawa. Napatahimik sila sa sinabi ni Jayson.

Natakot ako sa mga nangyari, ngayon ko lang nakitang magalit si Jayson. Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya't napatalon ulit ako sa upuan. Sinagot ko ito at nalamang nasa parking lot na ang sundo ko.

Nagmadali akong maglakad at dumaan sa kanila. Mabuti na lamang at hindi nila ako napansin. Hays. Half day lang kami ngayon pero parang ang daming nangyari.

Sumakay ako sa kotse at naabuntong-hininga.

"Kamusta po ang araw nyo, Ms. April?" tanong ni Kuya Ruben, sya pala ang driver ngayon.

"Hays. Madami pong nangyari. Nakakapagod po talaga pumasok. Tsaka, nagugutom na po ako. Di po kasi ako nakapa-lunch."

"Mukhang busy po talaga kayo at nakalimutan nyo pong kumain?"

Kung alam mo lang Kuya Ruben, wala talaga akong pera pambili kaya hindi ako kumain.

Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.

"Ms. April, gusto nyo po ng siomai at empanada?"

"Meron po kayo?"

Wow! Masarap yon!

"Ay wala po. May alam po akong masarap na bilihan ng siomai at empanada. Baka gusto nyo po kasi nagugutom na po kayo," alok nya sa akin.

"Ay kuya wala na po kasi akong pera," matapat kong sabi.

"Libre ko na po, Ms. April," sabi nya saka hininto ang sasakyan sa tabi.

Nakita ko ang isang tindahan na may tindang siomai at empanada. Nakakagutom. Lumabas si Kuya Ruben kaya't lumabas din ako.

"Mam, pili na po kayo ng gusto nyo," sabi ni Kuya Ruben sabay turo sa mga paninda.

"Kuya, yung mura lang po. Okay lang naman po ako."

Kruuuuuk.. kruuuuk..

"Sabi po ng tiyan niyo, hindi po kayo okay," sabi nya tapos tumawa.

Nakakahiya pero nakitawa na rin ako. Yung tiyan ko na mismo yung sumagot sa kanya. Hahahahaha!

Pumili nang pumili si Kuya Ruben ng pagkain. Iba't ibang flavors ng empanada tsaka siomai. Napakabait talaga nito ni Kuya Ruben. Alagang-alaga ako nito kahit nung bata pa ako. Parang tatay ko na ito eh.

"Ms. April, kain lang po nang kain."

Kumain kaming dalawa ng siomai with rice. At ito ang pinakamasarap na siomai na natikman ko. Siguradong babalik-balikan ko ito. Napakain ako nang husto dahil sa sobrang sarap nung siomai.

"Siomai pa dito," sabi ni Kuya Ruben na ikinagulat ko dahil marami na akong nakain.

"Kuya Ruben, wag na po. Marami na po akong nakain," sabi ko habang umiiling.

"Kain lang po kayo, Ms. April."

Ewan ko ba pero sa sobrang sarap di ko na matanggihan yung siomai.

"Kuya, last na ito," sabi ko sabay turo sa siomai na kararating lang.

Napatawa sya dahil sa sinabi ko. Sa totoo lang, busog na busog na ako. Tuwang-tuwa rin sa'kin si Kuya Ruben.

Tumayo na kami at nung dumaan kami sa counter, binigay nung ate yung isang malaking balot ng empanada. Kinuha naman ito ni Kuya Ruben.

"Ms. April, kainin po natin sa byahe. Yung tira po, i-share natin sa bahay nyo."

"Hay nako, Kuya Ruben! Saan pa sa tiyan ko yan isisiksik?"

Napatawa sya nang malakas.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bahay. Lumabas ako ng kotse dala ang mga gamit ko.

"Ms. April, balik po tayo ulit don kapag gusto nyo kumain."

"Sure, Kuya Ruben. Pero next time, ako naman ang taya. Thank you ulit, Kuya!"

Pumasok ako sa kuwarto ko. Di pa alam ni Mommy na wala akong pera dahil nawawala ang wallet ko. Nagpalit ako ng damit saka hinanap ang wallet ko.

Saan ba talaga napunta 'yon?

Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy na nagluluto. Umupo ako sa para maghintay ng pagkain. Itatanong ko palang kung anong ulam nang ilagay na nya sa harapan ko ang pagkain.

"Kumain ka na," sambit nya.

Kumain na kaming dalawa habang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay sa buhay.

"Nga pala, galing si Frox sa office kanina bago ako umuwi," sabi ni Mommy na ikinagulat ko. "At binigay nya sakin ito. Ibalik ko daw sayo."

Inabot nya sa'kin ang nawawalang wallet ko. Hays. Sa wakas! Bumalik na rin sa'kin ang wallet ko. I checked if my money was taken or not. Thankfully, kumpleto pa ang pera. Walang bawas!

Paano napunta kay Frox ang wallet ko?

Nilapag ko ang wallet ko sa lamesa at nagsimulang kumain. Napabalik ako ng tingin sa wallet ko nang may mapansin akong nawawala.

NAWAWALA YUNG PICTURE KO!

I rapidly checked kung baka na-misplaced lang sa loob ng wallet pero hindi ko makita. Nasaan na 'yon?

Biglang nag-ring ang phone ko na dahilan para mapatalon ako mula sa upuan ko.

Jayson...

Nakapagtataka na tumawag si Jayson pero sinagot ko kasi baka importante.

"April, I need you right now."

xxxx

AUTHOR'S NOTE!

Hi everyone! May bago tayong character. Sino kaya sya? Comment kayo.

And by the way, gutom ako nung sinulat ko ito kaya may siomai at empanada.

Eat well, everyone!

See you sa next update!

-Owtor

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 101K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
399K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.5M 34.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...