Precognition (Published by Pa...

By abdiel_25

53.9K 4K 941

Sixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at th... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 : The Lesson
Chapter 2 : Endless Tunnel
Chapter 3 : Sophia the Artificial Intelligence
Chapter 4 : Integrated A.I.
Chapter 5 : She Who Can See the Seer
Chapter 6 : Asteroid with Tremendous Size
Chapter 7 : Depression versus Zombie
Chapter 9 : Too Much Bravery Will Kill You
Chapter 10 : What's with the Wall?
Chapter 11 : Old Lady Knows Something
Chapter 12 : Infected
Chapter 13 : Initial Cure
Chapter 14 : End of Humanity
Chapter 15 : Escape
Chapter 16 : Music Room
Chapter 17 : Carson
Chapter 18 : Painting
Chapter 19 : Miniso
Chapter 20 : Under the Sea
Chapter 21 : All-out War
Chapter 22 : Weird
Chapter 23 : Can't Read
Chapter 24 : Safe Zone
Chapter 25 : Underground
Chapter 26 : Attached
Chapter 27 : Frat War Incident
Chapter 28 : Glitch
Chapter 29 : Hideout
Chapter 30 : President's Son
Chapter 31 : Cannibal
Chapter 32 : Signing Off
Chapter 33 : Big One
Chapter 34 : Fa Mulan and Li Shang
Chapter 35 : Mr. Do
Chapter 36 : Hologram
Chapter 37 : John 3:16
Chapter 38 : Mirror in the Library
Chapter 39 : Goodbye
Epilogue
Question and Answers
Author's Note
To be Published

Chapter 8 : Another Vision

1.3K 125 21
By abdiel_25

CHAPTER 8

NIANA'S POV






"BAKIT HINDI po ako kasama?"

After series of distorted images, may narinig akong boses ng batang babae. Nang maging maayos na ang mga nakikita ko, hindi ko na naman alam kung nasaan na ako. Ang alam ko lang, nasa loob ako ng isang hindi pamilyar na bahay at wala na ulit ako sa klase ko.

Masiyadong malawak ang lugar at sa tingin ko nasa isang kwarto ako dahil sa kamang nakikita ko. Sa tabi nito, may lampshade, at katabi ko ito.

Napatingin ako sa kinatatayuan ko. Gawa ito sa makintab na uri ng kahoy. Dahil sa ginawa ko, nakita kong muli ang school shoes ko. Nakakasiguro akong hanggang ngayon, naka-uniform pa rin ako. Pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ako, at kung ano na namang ginagawa ko sa ibang lugar.

"Aalis lang naman kami saglit anak, uuwi rin naman ulit kami ni daddy mo. Hindi ka namin pwedeng isama sa ngayon." This time, boses naman ng mas matured at matandang babae ang narinig ko.

'Di kalayuan mula sa akin, tsaka ko lang napansin na may tatlong babae. Naglakad ako papalapit sa kanila hanggang sa makarating ako sa may pintuan ng kwarto.

'Yong tatlong babae marahil ay 'yong batang nagsalita kanina, 'yung babae na mukhang nanay nito, at may isa pang matandang babae. Nakaluhod 'yong nanay sa sahig para maging pantay ang tangkad nila ng anak niya. Base sa itsura ng nanay, nasa mid-30's siya. 'Yong matanda naman na kasama nila, mukhang nasa late 60's na dahil sa puti nitong buhok at kulubot na balat.

"Bakit hindi po?" tanong ng bata.

Imbis na sumagot ang nanay niya, yumakap ito sa kaniya. Umiyak lang 'yong batang babae at hindi sinusuklian ang yakap ng nanay niya. Hindi ko alam kung dahil ba nagtatampo siya sa nanay niya, o dahil sa hawak niyang stuffed toy na kalahati ng laki niya. Mukha rin siyang dismayado.

"M-mommy b-bakit niyo po a-ako iiwan?" ani ng bata sa bawat paghikbi niya.

"Babalik din kami agad ng Daddy mo. Iiwan ka na muna namin sa Lola mo. Pagbalik namin, may dala kaming maraming-maraming chocolates tsaka bagong laruan. Kaya 'wag ka nang umiyak," sabi ng mama ng bata para kumbinsihin ang anak pagkahiwalay nito sa pagkakayakap nila. Inayos pa nito ang nagulong buhok ng bata.

Tumayo na ang mama ng bata at hinawakan ang maletang dala niya sa kanan niyang kamay. Ang kaliwang kamay naman niya nakahawak sa kamay ng anak niya.

Umiiyak pa rin ang bata nang maglakad sila patungo sa akin.

Hindi pala.

Naglakad sila patungo sa pintuang nasa likuran ko. At gaya ng inaasahan ko, tumagos lamang sila sa akin.

Another vision?

Sinundan ko na lang sila hanggang sa makalabas sila sa malaking bahay.

Kung vision nga ulit ito, malamang tungkol na naman 'to sa tinuturo ni sir Jim. Kung hindi naman tungkol doon, kaninong future kaya 'to? Sa kaklase kong nagtanong? O kay Midori na katabi ko sa klase kanina bago ako napunta rito—pero hindi maaari dahil kung sa kaniya nga ito, malalaman ko agad base sa lugar at mga karakter na nandito.

May humintong kotse sa harapan mismo ng malaking bahay kung saan kami nakatayo.

"Ma, cereal ang paboritong agahan niya. 'Wag mong kakalimutang paliguan siya bago matulog. 'Wag mo sanang i-spoil ang apo niyo. No chocolates at night, no to sweets please," bilin ng nanay ng bata. Kung gano'n, mama pala niya ang matanda at lola ito ng batang babae.

"Anak, ako na ang bahala dito sa pinakamaganda kong apo, hindi ko siya pababayaan," sabi ng matandang babae sa nanay ng bata na para bang nagbibigay siya ng assurance na nasa tamang kamay ang anak niya.

"Lola, ako lang po ang apo ninyo. Kaya ako lang talaga ang maganda," walang tonong sambit ng batang babae habang kinukusot ang mga mata niya.

Humagikgik naman ang lola. "Alam ko naman. Pero ikaw pa rin ang pinakamagandang apo sa buong mundo," sabi ng matanda. "Pumasok ka na sa kotse anak, ako ng bahala kay Rhianne," sabi pa niya sa nanay ng bata.

Tumango naman ang nanay ng bata at ngumiti nang pilit. Muli niyang niyakap ang batang sa palagay ko, Rhianne ang pangalan. Pagkatapos ng palitan nila ng yakap, sumakay na sa kotse 'yung nanay ng bata. Umiiyak pa rin si Rhianne na mukhang pitong taong gulang habang hawak-hawak pa rin ang stuffed toy niya nang lumisan na ang sasakyan lulan ang mga magulang niya.

"Hindi naman magtatagal sa America ang mommy at daddy mo, isipin mo na lang, pagbalik nila maraming chocolates at toys," sabi ng matanda sa apo niya. "Tara na't pumasok na tayo sa loob. Malamig dito sa labas. Baka sipunin ka pa, yari ako sa mama mo," ani ng matanda bago sila sabay na pumasok ni Rhianne sa loob ng bahay.

Wala akong nagawa kundi panoorin sila at maghintay ng mangyayari. Kung nasa future nga ulit ako, tungkol saan naman kaya ito?

Sakto pagpasok nila sa loob ng bahay, umikot ulit ang paningin ko. Kumpara sa mga naunang beses na umikot ang paligid ko, mas kalmado na ako ngayon. Siguro nasanay na ang sistema ko dahil ilang beses na akong hinilo ng visions ko.

Naging blurd ang lahat nang huminto sa pag-ikot ang paligid ko. Sa una, para pa ring umiikot ang paningin ko. Pero nang tumagal na, naging malinaw na ang lahat. Doon ko lang nalaman na nasa harapan ako ng ilang mga babae na naka-school uniform. May logo kasi ang damit nila, at ang logo na 'yon . . .

Hindi ako pwedeng magkamali.

Seal 'yon ng Cessation High.

Logo ng school namin.

Logo ng school kung saan ako nag-aaral.

"Ang pangit mo talaga Rhianne, bitch. You're a slut. Kita mo? Wala ng magmamahal sa'yong lalaki. Wala ka ngang magulang noong family day e. Uugod-ugod na lola lang ang kasama mo!" May narinig akong tila nag-aaway sa hindi kalayuan. The mocking tone from the girl's voice is intimidating to my ears kaya sinundan ko kung saan ito nanggagaling.

Hanggang sa makarating ako sa likuran ng comfort room, sa tapunan ng mga basura.

"Take note, wala ka pang nalarong kahit isang game. Puro nood lang yata ang nagawa mo noong family day dahil wala ka namang mommy at daddy," pang-aasar ng isa pang babae. Makapal ang make-up nito. Sobra ring pula ng labi at pisngi.

Napatingin ako sa babaeng kaharap nila na mukhang pinagtutulungan nila.

That's when I realized na si Rhianne ang nasa harapan ko. 'Yong bata kanina na iniwan ng mama niya sa lola niya. Pero hindi na siya mukhang seven years old. Mukha na siyang seventeen dahil tumangkad siya at mas humaba ang buhok. 'Yun nga lang, hindi ko na mapansin ang ilang features sa mukha niya dahil nakayuko siya.

Hindi kaya future niya ang tinitingnan ko?

Pero hindi ko pa siya nakilala. Hindi ko siya kilala.

But I'm in Cessation High.

Nakasuot din si Rhianne ng uniform na tulad ng sa akin, kaya hindi malabong schoolmate ko siya.

Kung nasa school na ako, para saan pa 'yong nakita ko kanina tungkol sa past ni Rhianne? Ano 'yun trip lang? At tsaka, bakit ako nandito sa open space. Bakit wala ako sa classroom ko? Imposible naman na nagd-daydream ako tapos naglakad ako papunta rito 'di ba?

Narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Rhianne. Gusto kong tisurin 'yong dalawang babae na umaway sa kaniya pero hindi ko magawa. That confirms na nasa vision ulit ako dahil lumagpas lang ang binti ko sa binti ng dalawang malditang babae.

"Bahala ka na nga riyan. Kahit kailan talaga ang hina mo. Weakling. Loser!" sabi pa ng babaeng makapal ang make-up bago sila umalis kasama ng isa pang babae. Tumatawa pa sila hanggang sa makalayo.

Kung hindi lang ako tumatagos sa kanila, baka nasabunutan ko na 'yung dalawang 'yon. Kahit hindi ko alam kung anong ginawa ni Rhianne sa kanila, gusto ko silang sungalngalin.

Matapos umalis ng dalawang babae, tumakbo si Rhianne palayo.

Wala akong nagawa kundi sundan siya. Knowing that I'm still in my vision, I think that's what I need to do. To follow Rhianne at alamin kung bakit ko siya kailangang sundan. Kung bakit ako dinala ng sixth sense ko sa kaniya.

Sa isang intersection, may nakabangga si Rhianne na isang lalaki. Mula ito sa kabilang department building at pareho silang tumatakbo ni Rhianne kaya sila nagkabangga.

I thought that's the beginning of a new love story, pero kinabahan ako dahil hindi nag-iisa 'yong lalaki sa pagtakbo.

There are almost hundreds of them na tumatakbo patungo sa kung saan-saan sa buong campus.

Ang ilan sa mga estudyante ay namumukhaan ko, although hindi ko alam ang mga pangalan. Nakakasabay ko ang ilan sa kanila sa hallway, o kaya'y nakakasama sa mga club. 'Yong iba naman tuwing may event sa school ko napapansin.

It really means that I'm in my school.

Pero nasa loob ako ng isang vision.

How come? I'm confused.

"S-sorry Rhianne," sabi ng lalaki bago siya tuluyang tumayo.

"A-ayos lang. Ba-bakit kayo nagtatakbuhan?" tanong ni Rhianne habang pinupunasan ang kaunting luhang natira sa mga mata niya. Nakita kong naguguluhan siya at kinakabahan sa mga nangyayari habang sinisipat ang mga nagtatakbuhang mga estudyante. Nagkakaro'n na rin ng stampede dahil sa panic na namumuo sa ground floor.

And I feel the same way.

"Ma-mamaya ko na ipapaliwanag. Yo-you should run too, t-tara na. Baka mapahamak ka pa. Kailangan nating pumunta sa gymnasium," sabi ng lalaki sabay hatak kay Rhianne.

Walang nagawa si Rhianne kundi magpahatak sa lalaki. Bukod kasi sa mas malakas ito sa kaniya, ay nagtatakbuhan na rin ang lahat. May mga teacher na rin na tumatakbo kaya walang nagawa si Rhianne kundi sumabay sa agos ng tao habang hatak-hatak ng lalaking nakabanggaan niya.

Anong meron?

Continue Reading

You'll Also Like

76.8K 5.4K 35
Her touch is once frail. Neither having green thumb nor cold hands. She's never an heir. She lies. She runs. She hides. But she's been chosen To sa...
5.6K 262 21
You'll never know what kind of secrets everyone's shadow has witnessed. The people in Valteroz who was scared of their own shadow was now in peace be...
297K 21.1K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...
1.3M 19.2K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...