The Queen's Bad Boy | ✅

By psychedelic26

127K 2.8K 158

Cojuangco Series #2: Aicelle Danica Cojuangco A queen will never bow down to anyone, well maybe up until the... More

PROLOGUE
1: Queen
2: Rumors
3: Follow
4: Deal
5: Rules
7: Kind
8: Crazy
9: Smile
10: Booth
11: Touch
12: You
13: Real
14: Fool
15: Illusion
16: Truth
17: Calm
18: Storm
19: Over
20: New
21: Ghost
22: Again
23: Stuck
24: Caught
25: Reality
26: Cornered
27: Scared
28: Fear
29: Free
30: You
31: Bliss
EPILOGUE
Fallacious: Prologue

6: New

3.6K 110 4
By psychedelic26


"GOOD MORNING." Medyo inaantok pang bati ni Aicelle nang sumakay si Xander, she's been fetching him for a week now at ang akala niyang madaling adjustment na pag-gising ng one hour earlier ay hindi pala madali. Puyat na nga siya, ang aga pa niyang gumising. Hindi talaga siya sanay na matulog ng maaga, her mind functions well at night kaya almost two times siyang mas productive.

Tahimik lang na naupo si Xander sa tabi niya, he usually sleeps habang nagmamaneho siya, ang considerate talagang nilalang kaya naman everyday niya din itong inaasar. She keeps on calling him cute nicknames in front of people at naaaliw naman siya sa tuwing makikita niyang mainis ito or something.

"You look tired." Sabi bigla ni Xander, so hindi pala ito tulog.

"I stayed up late para matapos yung isang painting ko." She replied.

"You should rest. Halata na ang eyebags mo." Naku, bakit niya ba inasahan na maganda ang sasabihin sa kanya nito? Na-conscious pa tuloy siya. Nagsimula na sa caring eh, tinapos naman sa pang-iinis.

"Walang pakielamanan, Prada yang mga yan." She scoffed. She just focused on driving lalo na at malapit na sila sa school, konti na lang ay siya naman ang mang-aasar dito. "Mamaya ka sa akin."

"You should stop that. Stop calling me with those cringy as hell nicknames. Sino ba ang gustong matawag na 'apple cake' o 'sugar bear'? Nakakakilabot." He seemed irritated as well. Napangiti siya kasi kahit papano ay quits na sila.

"Cute kaya."

"Sabi sayo, ligawan mo muna ako bago ka umarte na girlfriend ko. Okay? Di ako easy." He said. Lecheng lalaki to, ang yabang talaga kahit na kailan. Talo pa ang mga bagyo sa lakas ng hangin sa katawan.

"Asa ka. Di kita liligawan no. Baka ikaw pa kamo."

It's been a sort of productive partnership between them, gets na niya kung bakit scholar ito, ang galing kasi niya sa kahit na ano halos na medium. He painted an amazing scenery the other day out of his imagination. Kung hindi niya lang alam ang family background nito ay aakalain niyang isa iyon sa alps scenery sa Switzerland. It came out so similar pero sabi lang nito ay nakita niya lang sa internet iyon. They've so far completed 6 of the needed 20 art pieces. Inuuna din nila ang painting kasi dun sila parehas kumportable at higit na mas madali iyon gawin.

"Papasok na ako sa class." Hindi man lang siya hinintay nito na makaparada, ni tulungan man lang siya kasi medyo masikip ang parking space na malapit sa entrance ng building nila.

"Bwiset. Di man lang ako tinulungan. Sa malayo ko kaya to i-park para maglakad siya mamaya kapag uwian na?" She murmured habang pilit na ipinaparada ang sasakyan. She was just about to give up ng biglang may kumatok sa bintana niya. "O, bakit ka bumalik?"

"Ang bagal mo naman kasing mag-park. Patayin mo yung makina." Utos ng kumag na to sa kanya. "Baba, ako na ang magpaparada."

"Kaya mo?" She wondered.

"Di ako magvo-volunteer kung di ko kaya. Bilis na." She yielded and turned off the engine. Bumaba siya agad at tumayo sa gilid para hintayin si Xander. Hindi naman siya katulad nito na umaalis agad. Bago sumakay sa sasakyan ay nilingon siya nito. "Dun ka na sa entrance, umaambon."

"Okay lang—"

"Sige na, dun ka na." Isinuot nito sa kanya ang cap na suot nito at medyo tinulak ang balikat niya.

Natameme siya ng kaunti dahil sa ginawa nito. Kung kanina ay inis na inis siya, ngayon naman ay hindi na. Sa tuwing may ganitong gagawin si Xander ay bigla na lang tumitibok ng mabilis ang puso niya. She's either crazy or she needs affection kasi yun lang naman ang mga posibleng rason kung bakit may kilig siyang nararamdaman. It's not as if she likes that man, no way. Di siya pasok sa standards niya, at all.

"Wow, hatid sundo ang lola mo." Nakatayo na pala sa tabi niya si Jackie.

"Ako kamo ang driver. Naawa lang sa akin yan kaya nag-volunteer na siya na ang magparada." Nilingon niya ang sasakyan and it was almost parked already.

"Sus, kinikilig ka naman. Aminin na lang kasing kinikilig ka kay fake jowa mo." Ngumiti ito sa kanya.

"Asa, di ako kinikilig. He doesn't fit any of my standards." She said. Papalapit na sa kanila si Xander mula sa sasakyan.

"Ayan na, nakapark na." Then he took the cap off her head, hay nako ginulo lang nito ang maayos niyang buhok. "Tara na. Hindi pa ba kayo papasok?"

"Papasok na." Sabi na lang niya dito. Suplado talaga kahit na kailan.

"Uy, ang sweet." Sabay tawa ni Jackie habang naglalakad.

Kapag klasr ay para silang hindi magkakilala at all. They rarely talk or interact. Ano ba naman kasi ang pag-uusapan nila? Pagdating naman sa exhibit nila ay siya lang naman ang may pakialam. If she doesn't initiate edi wala silang mapag-uusapan o mararating para sa discussions nila. Masyado naman kasing pa-cook ang isang to. Akala mo naman super gwapo. Well, gwapo naman ito pero may pagka-antipatiko kaya naman medyo no-no sa kanya yun.

"Halika na." She said noong matapos ang klase nila. Gusto niyang matapos ng maaga ang gagawin nila kasi puyat talaga siya at pagod na.

"Hahalikan kita?" Pati siya ay nagulat dahil sa sinabi nito.

"Ano?! Umayos ka nga. I said let's go. I'm tired and I want to sleep so we have to finish the materials discussion." Hinampas niya ang braso nito bago naglakad papalayo.

"Aicelle!" Hay nako, andito nanaman ang dakilang makulit na ito. "Wait up."

"Kyle, wala ka bang klase? I'm busy right now." She said. Pagod siya kaya wala na siyang room na maging polite.

"I was just going to invite you to have dinner tonight. I reserved a table at Aldentè." Isa sa mga sikat na restaurants ng Ninong Phoenix niya ang sinasabi nito. Hindi naman sa pagyayabang ay medyo sawa na siya sa pagkain dun. Sobrang sarap ng food pero syempre kapag madalas kayo dun ay naghahanap ka din ng ibang pagkain. "It's really hard to get a table there."

"My ninong owns the place Kyle. We eat there a lot." Ito ang duality niya, she's almost always the head bitch in-charge lalo na sa mga nangungulit sa kanya. She has no time for them kaya nga siya may list ng standards eh, kapag di ka swak dun, no thanks. She doesn't like to waste time at all. Kaya siguro never pa siyang na-in love sa kahit na kanino. "You should take somebody else. Okay?"

"We can book another restaurant if you don't want to eat there tonight." Makulit talaga ito. High school pa lang sila ay pinipilit na nitong manligaw sa kanya. He even entered the same college as her para kulitin siya buthe eventually transferred kasi hindi namna talaga ito interesado sa arts.

"Tara na." Nagulat siya ng bigla siyang akbayan ni Xander.

"Pare, hands off." Sabi ni Kyle.

"Ha? Bakit? She's my girlfriend. I think I can do this as much as I want. Right?" Nilingon siya nito pero nakatitig lang siya dito kaya di na siya nakasagot.

"Tama yun yabang, may jowa na si Aicelle kaya dapat mag-move on ka na. Okay?" Sabi naman ni Jackie na kakalabas lang ng classroom.

"Let's just go. Okay?" Sabi niya kay Xander ng makabawi siya sa gulat dito. They walked fast papalabas ng building at patungo sa sasakyan. Walang anu-ano na sumakay ito sa passenger seat kaya sumakay na din siya. Hindi naman na ganun kahirap ang parking kaya okay na. "You didn't have to do that."

"Akala ko ayaw mong kinukulit ka?" He asked.

"You're being kind to me today. Anong meron?" Nagtataka siya kasi kahit na iniinis siya nito ay babawi ito at may gagawin for her. It's sort of unusual for him.

"I'm not."

"You are, wag kang weird ah. Baka itulak mo na lang ako sa labas bigla." Sabi niya dito bago siya nagsimulang magmaneho. "I'll take you to my Ninang Kara's studio. Madami siyang sample materials dun na pwede nating tingnan para sa sculptures. After settling with materials, we can buy them over the weekend."

"Nagugutom ako. Kumain muna tayo." Wow, akala mo talaga alipin siya nito kung mautusan siya.

"Malayo ba yung studio?" He asked.

"Nasa Makati pa. Bakit? Gutom ka na ba?" Tanong niya dito. Minsan talaga akala mo bata ang kausap niya, malabopa sa Ilog Pasig.

"Doon na lang tayo kumain sa malapit dun, gusto ko ng Chickenjoy."

"Wow. Ilang taon ka na? Ayaw mo ba ng noodles or something? Dun sa may salad." Parang di niya kasi feel ang fast food ngayon. Nagsimula kasi siya ng diet lately dahil napapansin niyang medyo tumataba na siya.

"Salad? Nakakabusog ba yun? Paano ka makakapag-isip kung gutom ka?" Sabi ni Xander sa kanya.

"Diet ako kaya salad ang kakainin ko. Di naman kita pinipigilan kung saan mo gusto kumain eh." Mabuti na lang at hindi ganun katindi ang traffic kaya mabilis lang nilang binabaybay ang daan patungong Makati mula Manila.

"Gusto ko ng Jollibee." He said with finality.

"Opo kamahalan. Jollibee ang bibilhin ko para sayo. May fruits naman sa 7 Eleven, yun na lang ang bibilhin ko." Naalala niya na Jollibee ang katabing restaurant ng building kung nasaan ang studio ng Ninang Kara niya. May convenience store din na malapit dun kaya okay na din siya. Tiis ganda talaga.

Halos forty minutes din ang byahe nila. She opted na mag-drive thru na lang para si Xander na mismo ang magsabi ng gusto nito and my gosh was he hungry. Umorder ito ng two piece chicken with rice plus one extra rice, may fries din na jumbo, and three pieces of peach-mango pie. Habang siya naman ay isang apple lang ang binili sa convenience store plus green juice na nakita niya doon.

"Wala nang tao dito by this time kasi hanggang 3 PM lang bukas tong workshop na to. Sabi ni ninang we can go check out her samples kaya binigay niya sa akin ang susi." Nilapag nila ang dala nilang pagkain sa la mesa na andoon.

As she roamed around ay naalala niya ang mahahabang mga araw na dito siya tatamabay at panunuorin niya lang ang ninang niyang mag-paint. She was actually the one who taught her how to draw, then paint, then sculpt. She practically taught her everything she knew about the arts.

"She's a talented person, yung ninang mo. Madami akong nababasang balita tungkol sa mga achievements niya internationally. You must be proud." Parehas silang nakatingin sa malaking painting na nakadisplay sa entrance papunta sa supply room.

"I am. I learned from her kahit na I'm not half as good as she is. Sa kanya ko natutunan na mahalin tong craft na to." Nginitian niya si Xander. "Hindi ka pa ba gutom?"

"Tingnan na lang muna natin yung mga sample." Tapos binuksan na nito ang pintuan sa harap nila.

She never imagine na lumaki na pala ng ganito ang workshop ng ninang niya. She had all kinds of materials. Lahat na ata ng maiisip ay nandito na. Nabanggit niya kasi ang finale project niya dito noong isang beses na nagkita sila ang she suggested na dumaan sila sa workshop niya to look for materials. She catalogues them and sees to it na alam niya kung saan makukuha ang materials na iyon.

May trenta minutos din silang naglibot sa supply room, discussing items to purchase and pieces to make. In actuality ay maganda ang dynamic nilang dalawa ni Xander lalo na kapag focused na sila parehas sa gusto nilang gawin. He has such a wide imagination na mabilis lang nilang naiisip ang mga gusto nilang ma-accomplish at makita sa pieces na ginagawa nila.

"Kumain ka na at baka mamaya magsungit ka na." She sat down the opposite side from Xander and pushed the food towards him. "Malambot na yang fries."

"You're just going to eat that apple?" He asked. Ito talagang lalaking to nakakapanlinlang ang pagiging conyo, not that minamaliit niya ang background nito but he sounds too affluent to come from such a humble home. Hindi niya rin kinakagat yung excuse nito na dahil lang sa mga schoolmates niya dati kaya siya ganun magsalita.

"Yes. I am on a diet." At sinimulan na niyang kainin ang maliit na mansanas. Hindi pa nagsisimula kumain si Xander ay ubos na niya ang mansanas. Ugh. Mali ata na panuorin niya ang lalaki na kumain kasi nagugutom pa din siya.

"Tapos ka na?" He asked again before starting.

"Yeah. Aayusin ko lang yung list ng materials para alam natin kung saan makukuha. Okay?" Tumango lang sa kanya ito.

When he opened the container ay medyo nagwala na ang senses niya. She wanted to stand up and run back to the supply room para lang di niya maamoy ang kinakain nitong lalaking nasa harapan niya. She was trying hard to resist nang biglang kumalam ang sikmura niya. Natigilan talaga silang dalawa ni Xander with him looking at her with wide eyes wonder. Ilang beses na din niyang ginustong lamunin siya ng lupa dahil sa hiya.

"You don't need to diet." He said. Hinati nito ang paper container na pinaglalagyan ng chicken. He had set aside the other piece of chicken and the extra rice in that side with the spare gravy. "Kumain ka na."

"No, that's yours. Bibili na lang ako later." Nginitian niya ito. She's happy enough na hindi siya tinawanan nito.

"Hindi ko to mauubos. Alam kong magugutom ka din kaya ito ang kinuha ko. Humingi pa nga ako ng extra na spoon and fork oh." He had a smile on his face while he gave her the food. "Sige na. May fries at pie din."

Hindi siya makapagsalita dahil sa ginawa ng lalaki, kung maririnig lang siguro nito ang tibok ng puso niya ngayon ay mawe-weirdohan ito sa kanya. Palagi na lang siyang ganito sa paligid nito. Is this the sign she's been asking for? Kaso di naman pasok sa bangga ng standards niya si Xander. He's not her ideal guy pero bakit ito pa lang ang nakakapagpatibok ng puso niya ng ganito.

"Ah, thank you." She said shyly. Iniiwas na niya ang eye contact kasi baka sumabog na ang puso niya.

"Alam mo, okay ka naman eh." He said.

It was a simple phrase but it got her. Si Alexander 'Aldoy' Cruzan ba talaga to?
______________________
Thank you so much for reading! :)

Please do VOTE for this chapter if you liked it or kung gusto mo lang pabilisin akong ipost yung next chapter. You can COMMENT your reactions, suggestions, or anything else you want to send my way. Dagdag motivation when I have something fun to read. Thank you! 😘

🙋🏻‍♀️: psychedelic26

Continue Reading

You'll Also Like

70.4K 1.4K 34
Burnt Skies Series #1 WARNING : SPG/R-18 Zahra Danielle Lacson is now a successful doctor. Because of those events from her past she became a cold...
181K 4.4K 29
Dahil hindi lahat ng bidang babae ay perfect. Sa istoryang ito, ipapakita ko na sa bawat bitch sa mga istorya ay may karapatan din na lumigaya. Hang...
356K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...