Five Words For You

By mixup15

20K 623 50

I only have five words for her...only five words...until i set her free... --COMPLETED STORY NA ITO. :) More

Five Words For You-It's you I can't deny
You Are My Favorite Thing
Always Believe in the Impossible
Can You Feel the Magic?
Love is a Beautiful Struggle
Like Violence, It Kills Me
I still think of you

ALL I NEED IS TIME

1.8K 69 10
By mixup15

"All I need is Time"

Kaaga akong ginising ni K. Nakahanda na rin ang breakfast namin. Nakapangalumbaba pa ako sa mesa habang pinagsasandok niya ako ng kanin.

"Hoy last na to ha? Hindi na kita pagsisilbihan sa susunod. Sapakin na kita kapag iinarte ka pa."

Walang emosyon naman akong tumango. Last na daw tong pag-eemote ko dahil hindi na daw katanggap-tanggap ang pagiging masokista ko.

"punta ka sa Meet and Greet?"

Umiling siya."Makikita lang kitang parang tanga e. mas gugustuhin ko pang gumawa ng mga projects ko no. Umay na umay na ako sayo at sa I love Mika forever mo e."

Naligo na ako at inihanda ang mga gamit ko. dadaan pa ako sa dorm nito dahil naiwan ko ang shirt na isusuot naming sa meet and greet. Nagsusuklay na ako nang tinawag ako ni K para tingnan ang binabrowse niya sa twitter.

"Inaabangan ng mga fans niyo ang Kara Moment ah. Iba na ang sikat."

Angdami ngang mga throwback pictures na hindi ko alam kung paano at kung saan nila pinagkukuha ang mga ito. Hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil sa mga alaala ng bawat picture namin.

"Hoy gising sa realidad. Hindi ka mahal ni Mika."nag-snap pa sa tapat ng mukha ko si K. Panira ng pag-iilusyon. "Damn it Ara. You are so trap in that illusion. Walang kayo. Hindi naging Kayo at Hindi magiging kayo. Period. No erase!"

"Hard."walang kalatoy-latoy akong muling nagtungo sa tapat ng malaking salamin. Nanganganak na ang eyebags ko.

Umakbay sa akin si K. Sabay itinapat ang phone niya sa salamin."one fake smile please."

Ginawa ko naman. "adik ka."

Pinakita niya ang preview sa akin."Gwapo ng ex ko. Ibebenta na kita bukas Ara. Sayang ka rin oh. Tangos ng ilong."

"huwag kang panira ng moment K. huwag mong ipopost yan."

Tumawa naman siya."Mamaya ko ipopost kapag durog na durog ka na Mylabs."tapik pa niya sa pisngi ko.

-

Rinig ko na ang ingay ng team kahit nasa labas pa lang ako ng dorm. Kaingay talaga ng kambal. Pagpasok ko naman ay bigla silang tumahimik na parang nakakita ng multo.

"bakit?"

"Victonara Galang!"parang ewan na tumakbo palapit sa akins si Cienne at niyakap ako ng mahigpit. Ginagap pa ang magkabilang pisngi ko at pinandilatan ako."anong tong sabi ni Mika na nagpropose ka daw kay K kagabi? True ba ha? Bakit hindi mo man lang kami ininform? Why o why?" piniling-piling pa niya ang ulo ko.

Hindi ko alam kung magagalita ba ako o matatawa sa kanya e. alam naman niyang hindi ko gagawin yon.

"Pwede naman sigurong magtago ako ng sekreto diba? Saka ikukwento ko naman kung nagawa ko ng maayos ang proposal."

"so ano> okay na? kayo na ulit?"

Halos pare-pareho nilang tanong sa akin. si Mika walang imik. Hinihintay yata niya ang magiging sagot ko. nginitian ko naman sila.

"It will be okay in a matter of time. Ang sigurado ko lang kasi ngayon kung mamahalin daw niya ako sisiguraduhin niyang mas pa sa kayang ibigay ng ibang nagmamahal sa akin."

Anglaki kong sinungaling! E wala namang siyang ibang ginawa kami kung hindi sermunan ako. halos iumpog na nga niya ang ulo ko dahil lagi kong nirarason na nagmahal lang naman ako.

Papunta na kami sa venue ng meet and greet. Malayo pa lang tanaw na namin ang dami ng fans na naghihintay sa amin.

Kasabay ko si Mika na naglalakad. Hindi naman naming to pinag-usapan pero parang automatic na kapag may mga meet and greet ay hindi kami naglalayo. Yun din yata ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming fans ang inakalang may namamagitan na sa amin.

"Uy best antok ka yata."akbay pa niya."swerte ni K sayo. Pinaglalaanan mo talaga siya ng oras."

Gaya naman din ng paglalaan ko ng oras sayo. Gaya ng pagpupuyat ko masigurado lang na nakauwi ka na kapag may date kayo ni Keifer. Nagkukunware lang akong tulog madalas at hinihintay kong lumangitngit ang pinto o de kaya ay marinig kong magkausap na kayo ni Keifer sa kwarto.

Ngiti lang ang naging tugon ko."Senysa na. Sabaw mode lang."

Ginulo naman niya ang buhok ko saka muling umakbay sa akin. sabi ng utak ko tanggalin ko ang pagkakaakbay niya pero sabi ng puso ko huwag! Dahil hindi sa lahat ng oras na nangyayari ito. Hindi palaging nasa akin ang atensyon ni Mika, ng mahal ko.

Narinig namin ang malakas na hiyawan.

"KaRa feels."panunudyo ni Kim sa amin.

Na-awkward siguro si Mika. Tinanggal niya ang braso niya sa ibabaw ng balikat ko. Hay. Papalakas nang papalakas ang hiyawan nang palapit na kami sa escalator. As expected marami ngang mga KaRa Shippers sa paligid oh.

"Kung gagawa tayo ng movie papatok no?"biro ni Mika. "itatapat pa tayo sa Kathniel."

Pabulong lang pero anglinaw sa pandinig ko. Naku Mika! kung magkakaganoon? Hindi ko na kailangang umakting dahil bawat sambit ko ng mahal kita ay galing sa puso ko.

Hindi na kami halos magkarinigan nang nakababa na kami. Hiyawan kasi ang pumailanlang sa paligid. Nakakatuwa kung gaano sumusuporta ang mga to.

Nakaupo kami. Busy si Mika sa phone niya. nagnanakaw tingin lang ako kung ano ang ginagawa niya. gusto ko nang magsisi e. katext pala niya si KR.

Iniiwas ko na lang ang tingin ko. Siguro hindi naman siya magagalit kung gagawin ko to. nagpangalumbaba ako at tumitig sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. Yung tipong may nagtatanong na tingin.

Umiling ako.

"Sabaw mode."kako ulit. Kahit ang gustong lumabas sa bibig ko ay angganda niya.

Song number na naming nina Kim at Mika. pinaghandaan ko kaya to. nabingi na nga si K sa kakaulit ko ng torete e. Kung kinikilig ang fans sa tuwing sadyang akong tumitingin kay Mika, sobra naman ang kaba ko!

Tinulak pa siya ni Kim palapit sa akin. Game naman si Mika. Para sa fans yan e. Daig ko pa ang nakainom sa lakas ng loob ko.

Natapos na ang song numbers at dance performances. Natapos na rin ang kilig moment. Pero hindi pa rin tapos ang meet and greet! Pwede pa akong makalapit sa kanya! Preparation na para sa mga parlor games.

Sa ngayon kung nagiging extra close ako kay mika ngayon, yun ay dahil gusto ko at gustong gusto kong kahit sa mga ganito lang ay nag-eexist ang KaRa. Kahit sa kathang isip man lang.

"Anong nginingiti-ngiti mo?"tanong niya nang napangiti ako kasi natanaw ko ang isang tarp ng mga Kara Shippers.

Nginuso ko ang tarp."Cute nila no?"

"If only..."

Para maiwasan ang awkward moment kumaway ako sa mga shippers. Pare-pareho lang sigurado kaming trap sa Ilusyon na may KAMI ni Mika.

Masakit man ang mga kamay ko ay hindi ko alintanda dahil sa mga ngiti na binubungad sa akin ng mga fans. Bigayan na kasi ng Fan signs at mga picture takings.

Inilapit ni Kim ang bibig niya sa tainga ko."Suliting mo na wafs. Matatapos na oh."

Bueset to. nakikiramdam siya marahil sa mga kinikilos ko kanina pa. Tinanguan ko lang siya.Hindi naman ako pwedeng magpakaclingy kay Mika. Ang show off ko kapag ganun.

Miks, Dinner tau mmya? Tr8 q.

Tinext ko sa kanya. Para hindi siya magduda sa intension ko sinundan ko ulit ng isa pang message.

My gud news kc aqng ntanggap. Gus2 q lng ishare s best ko. if pwd :)

Alam kong nabasa niya dahil sandal siyang tumigil sa pagbibigay ng mga fan signs at chineck ang phone niya.

Tumingin pa siya sa akin bago tumipa ng reply.

Best: Siguraduhin mong mabubusog ako. :"))

So it's a friendly dinner date later.

-

Hindi natuloy ang dinner date! Nagkukulong ako ngayon sa kwarto. Hindi na ako tanggap sa bahay ni K. Naka-off ang phone ko simula pagkauwi namin. nilock ko rin ang pinto dahil ayaw ko muna ng kausap sa ngayon.

"Wafs kakain na."katok ni Kim sa pinto."mamaya pa daw uuwi si Mika. kain na muna tayo."

Hindi ako umimik. Wala akong gana. Hihintayin ko na lang na makauwi si Mika. Nanonood sila nang lumabas ako ng kwarto.

"Labas muna ako."

"saan ka pupunta wafs? Malalaim na ang gabi oh."Pansin na naman ni Kim sa akin."Samahan kita?"

Tumanggi ako sa alok niya."Diyan lang naman sa labas. Papahangin lang."

Nakipagkwentuhan lang naman ako sa mga student athletes na nakatambay din sa kalsada. Straight foods rin ang trip ng mga to. nagkakantahan at kung anu-anong trip.

Tumuloy kami sa kabilang dorm. minsan-minsan lang mag-aya ng inuman ang mga to kaya papatusin na. Libre naman e. anong aasahan nila sa akin e iniwan ko ang pera ko sa kwarto.

Lahat na lang ba ng broken hearted sa alak ang bagsak? Hindi pa naman ako lasing hindi tulad ng mga to. pakanta-kanta na ng wala sa tono. Inom lang nang inom. Wala namng mag-aalala sayo Ara! Mag-aala una na siguro nang napagdesisyunan kung umuwi.

Straight pa naman ang lakad ko hanggang marating ko ang pinto ng dorm. Rinig ko pa ang late night news sa tv. Sweet naman ni Kim. Hinintay pa talaga ako.

Kumatok ako. Hindi pa nga ako nakakalimang katok nang may nagbukas ng pinto.

Napangiti ako nang mukha ni Mika ang naaninag ko. Mahal ko! sigaw ng isip ko.

"Alam mo pa palang umuwi."

"Naks concern."tapik-tapik ko pa sa braso niya."Mauna na ako sa kwarto ha? Good night."

Gusto ko siyang yakapin pero nananaig pa rin naman ang katinuan sa isip ko. Ayaw ko nang magmukha akong kaawa-awa. Tulad ng inaasahan ko hindi niya ako pinigilan. Bakit naman niya gagawin yon diba? Hindi na kami tulad ng dati.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa higaan pagkapasok ng kwarto.

"best mag-usap tayo bukas kapag hindi ka na lasing."rinig kong sabi niya.

Naupo ako at iniangat ang tingin sa kanya."Paano kung hindi na ako magising bukas? Paano kung habang tulog ka magpakamatay ako? may pagkakataong pa ba tayong mag-usap?"

"Ara naman..."

"Nagtatanong lang. Huwag mong seryosohin."humiga na ulit ako at tumalikod."Matulog ka na."

Naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko. "best sorry na oh. Alam mo namang importante ka sa akin. Malayo ang pinaggalingan ni Keifer kaya nakakahiya namang hindi ako sumama sa kanya kanina."

Mas malayo ako dahil nasa tabi mo na ako hindi mo pa rin ako binibigyan ng pansin.

"Excited pa naman akong umuwi para sabihin ang good news sayo tapos wala ka."

Hindi ako umimik. Alam mo yung ramdam mong hindi naman talaga good news ang sasabihin niya? instinct ba?

"best..."

Humarap ako sa kanya. "bago mo sabihin ang good news mo pwedeng ako muna?"

Inassume ko nama na ready siyang makinig sa kung anong sasabihin ko dahil tahimik lang siya. "Kami na ni K. Kanina lang."

"tagala? Naks. Bilis ng best ko."

"Ikaw? Ano yung good news mo?"

"Kami na ni Keif."ngiti niya."at dahil bestfriend kita gusto kong ikaw ang unang makaalam sa team."

"Naks! Meifer feels na talaga! magkakasundo na ba ang eagles at archers?"biro ko pa sa kanya."oh siya kailangan ko na kasing magpahinga. Uuwi ako kena K bukas."

"Tabi tayong matulog best. Namiss kaya kita."

"Bahala ka nga. Kabaho ko e."tumalikod naman ako at niyakap ang unan ko.

Kung mag-unahan kasi ang mga luha ko parang may karera. Ilang minuto pa ang lumipas hindi ko makuha ang antok ko. Sa tingin ko ay ganun rin siya.

"Best..."

"hmmm?"tugon ko.

"Masaya ka ba kay K? sa tingin mo hindi ka niya sasaktang tulad ng ginawa ko?"

"Oo." Tipid kong sagot. Hinarap ko naman ulit siya. "pero alam mo yung nakakatawa Mika? alam niyang mas mahalaga ka kaysa sa kanya. Siguro siya talaga ang para sa akin. Siguro isa ka sa mga challenges sa relasyon namin."

"Ara..."

Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Last na kasi to. huling attempt ko na to. "Magbabago na ang lahat simula ngayon Mika. Ang totoo niyan? Mahal pa rin kita pero pagod na ako. napagod rin ako sa wakas."

--THE END-

An:

Naisipan kong gawin ang fan fiction na to dahil sa isang gabi na trending ang #FIVEWORDSFORYOU na tweet ni Ara.

Tagal nga bago ko natapos. hoho.

So what I just wanna say is... LOVE WITH OUT PAIN IS NOT LOVE! Kung hindi ka nasasaktan aba matinde para flirt flirt lang yan. NAGKAMALI KA NG BINABABASA DUN KA SA "RAILEY'S CRADLE" HAHA. GEH GOOD NIGHT!

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
77.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
73.8K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...