Kung kasalanan ang magmahal, malamang matagal na akong nasa likod ng mga rehas.
Sana lang kasalanan din ang magpaasa, para kasama kita doon.
How I wish, those were. At least, we're together.. right?
But on the other hand, I don't think that would be a good idea.
Kasi, kung makukulong ka rin lang, siyempre hihilingin mong makasama ka. Baka kapag nakulong ka, hilingin mo na sana kasalanan na lang din ang pagkakaroon ng unmutual feelings, para magkasama kayo. Siyempre hindi naman okay yun, kaya 'wag na lang.
Ikaw naman kasi eh. Tanga ka, gumagaya ka pa sa'kin. Hindi mo nga sure kung mahal ka pa din ng babaeng yun. Kasi nga past crush ka na niya. Eh ikaw, patuloy na umaasa.
Siya na lang kasi ang lagi mong nakikita. Siya na lang ang lagi mong nababanggit.
Alam mo yung pakiramdam ng, tayo yung magkasama, pero siya yung bukambibig mo? Masakit kaya.
Kung pwede ko lang itigil yung nararamdaman ko..
Kung pwede ko lang iwasan ka, matagal ko ng ginawa, kaso hindi.
Kung pwede nga lang kita ilibing ng buhay eh para hindi na kita makita. Kaso maraming magluluksa. Maraming nagmamahal sayo eh. Hindi lang ako. Tsaka malay ko ba, baka isang araw, ma-realize mo na mahal mo pala talaga ako. Kaso mukhang malabo.
Kung pwede lang kitang kamuhian, nagawa ko na. Kaso hindi ko kaya. Bakit?
Kasi nga mahal kita.
Pero pano nga ba nagsimula ang lahat ?
First day of class as a Grade-10 student.
Sa pinakadulong row ako nakaupo. Ikaw naman ay nasa seat sa harap ko.
Nagulat ako nung lumingon ka sakin.
"Hi po! Di ba po section one ka last year?" you asked me. Nagulat ako kasi, hindi naman ako famous pero kilala mo ko. Samantalang ikaw, bukod sa S.G. officer ka, hindi na kita kilala.
"Ah opo." sagot ko.
"Edi kaklase mo po si Erika?"
"Ah opo. Ikaw ba yung nagbigay sa kanya ng rose,chocolates tsaka letter nung Valentine's?"
"Hehe. Close po ba kayo nun? "
~Heto ka na naman, kumakatok saking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap..
At doon nagsimula. Nagtanong ka na sakin ng mga tungkol sa kanya. Hanggang sa dumating sa point na nagkukwento ka na tungkol sa love story niyo. Tungkol sa kanya. Araw-araw 'yon. Kada magkasama tayo. Minsan nga hindi tayo nakikinig sa discussion ng teacher para lang magkuwentuhan. Nakikipagpalit ka pa nga ng upuan sa seatmate ko. Kapag naman absent yung katabi mo, ako yung pinapalipat mo. Kaya kapag nag surprise quiz, nganga tayong dalawa!
~At heto naman ako
Nakikinig sa mga kuwento mo..
May mga times pa na pareho tayong late. Pag nagkakasabay tayo papasok, aba! Nakukuha mo pang magkwento tungkol sa convo niyo last night. Nak ng tupa! Ako namang si tanga, sige, tawa! Nasasabi ko na lang, "Ay, shala! " "Oh talaga?" "Good luck sayo!" Partida,late tayo nun ah?
~Ano nga bang meron siya
Na sakin ay di mo makita..
So ayun. Nalaman ko tuloy kung gaano ka kapatay na patay kay Erika. Maganda naman siya. Kahit morena lang. Matangkad, at higit sa lahat, matalino.
Tapos isang araw, tinanong mo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan. Matutuwa kasi siyempre, pinagkakatiwalaan mo ko. Tsaka siyempre, na-realize mo na importante din pala ako sayo.
Magkatabi tayo nun. Naglalabas ka ng sama ng loob. May pinasusulat non yung teacher natin. Pero imbes na magsulat, nakuwentuhan tayo. Then out of no where, you asked me.
"Ikaw na lang best friend ko huh?"
Parang sumikip yung dibdib ko nung mga oras na yon. Parang may maliliit na karayom na tumusok sa puso ko.
By that, narealize ko.
Gusto na kita.
Kasi nasaktan ako. Hanggang bestfriend lang ako. Tinanggap ko yun. Sino ba naman ako para magustuhan mo? Famous ka. Gwapo, matangkad, matalino, mabait din naman pag tulog, kaya lang masyado kang madaldal tsaka corny. Pero yun nga ata yung nagustuhan ko sayo eh.
"Umamin ka nga. Crush mo ba yung Yuan na yun?" tanong sakin ng Ate ko.
"Luh. Hinde ah. Bestfriend ko yun ate.."
"Sinong niloko mo? Kilala na kita kaya umamin ka na dahil di kita titigilan. "
"Tsk.. Oo na crush ko na. Pero ate, sa tingin mo ba, dapat ko ng pigilan tong feelings ko?"
"Bakit naman?"
"Kasi ate, may mahal siyang iba. Tsaka isa pa, bestfriend lang niya ako. Hanggang bestfriends lang kami."
"Alam mo, kung sa tingin mo eh talagang, walang pag-asa, move-on na sis. Pero anong malay mo, baka one day marealize niya na mahal ka pala niya kaya lang mukhang imposible yun."
"Pano mo naman nasabi?"
"Anong dahilan para magustuhan ka niya?"
"Hanep."
"Char lang! Eh kasi sabi mo may mahal namang iba. Tsaka, alam mo kasi sis, kung nakatadhanang mahalin mo siya, kung nakatakdang masaktan ka, wala kang magagawa kundi tanggapin yon. Dahil sa bawat pain na yon, may nagtatagong happiness.."
Napangiti na lang ako. Sana nga tama si ate.
One day, sinabihan tayo ng teacher natin sa Values Ed. na magrereport yung group natin kinabukasan. Ikaw yung leader at ako naman yung assistant mo. Nagprepare tayo. Kaso kamalas-malasan, sobrang sisipag ng mga member natin. Sa sobrang sipag, tayong dalawa lang yung gumawa.
Nakakainis syempre. Pero may part sakin na natuwa. Kasi nakasama kita for almost four hours. After class, yun na agad yung inasikaso natin pero natapos natin yun, around seven p.m. na. Masaya syempre kahit nakakapagod. Nangalay lang naman ang panga ko katatawa.
"Tapos nung camping namin na yun, umamin nga ko sa kanya. Nasa tapat kami nun ng bonfire. Nung mga time na yun, tinatarayan niya pa ko. Hindi niya pa ko gusto nun." Bahagya ka pang tumawa.
Nakangiti akong pinagmasdan ka habang nagkukwento. Nakita ko kung paanong kumislap ang mga mata mo habang kinukwento mo yung mga bagay tungkol sa inyo. Halata ko rin sa boses mo na masaya ka. Naisip ko tuloy, Mahal mo siyang talaga.
Kahit na masakit, pinilit kong ngumiti. Ipinagpatuloy ko yung ginugupit ko at saka walang tinginang nagtanong. Hindi ko kasi kayang makita yung saya sa mga mata mo.
"Eh ano namang isinagot niya sayo?"
"Syempre nung una ,hindi siya naniwala.. Tinarayan pa ko . haha."
"Hahaha. Kataray-tray ka daw. Haha" nakitawa na lang din ako..
"Eh ikaw ba pag sinabi kong gusto kita, anong reaction mo?"
Natigilan ako. Napatingin ako sa'yo. Busy ka sa pagsusulat. Bahagya akong natawa. Bat nga ba ako umasa na seryoso ka sa tinanong mo? Eh may Erika ka na nga pala. Tsk. Engot ko talaga.
"Eh bakit? Gusto mo ba ako? Hindi naman.." Ngumiti ka lang, nasa sinusulat mo ang paningin. Napangiti na lang ako ng malungkot at natahimik na lang.
Sabay tayong umuwi non. Naglakad tayo hanggang sa sakayan ng jeep. Nakakatuwa kasi sinabihan na kitang umuwi na ,tutal walking distance lang yung bahay mo. Pero hindi mo ko iniwan hangga't hindi ako nakakasakay. Kahit pa si Erika yung topic natin nun, masaya pa rin. Nagtalo pa tayo non tungkol sa kalat. Kasi naman, SG officer ka pero kung saan-saan ka nagtatapon. Pero as usual, hindi ako nanalo sa matalim mong dila.
"Uy. Eto eh, pulutin mo yang kalat mo.."
"Kalat? Di ba ito yon?"
Tanong mo sabay kurot sa braso ko.
"Aray! Sira ulo to! Mukha ba kong kalat?"
"Tsk. Slow.. Balat kase!"
"Alam ko! Bat kasi may kasama pang kurot?!"
"Kurot? Diba yun yung pag may malande ang sasabihin mo, ang kurot kurot neto." dagdag mo pa kaya naman kinurot kita ng paulit-ulit.
"Oh, ayan kurot. Yan ang kurot ha? Yan!"
~Kung ako na lang sana ang iyong minahal..
Di ka na muling mag-iisa...
Then nung JS Prom, inaasar mo ko ng inaasar kasi hindi pa ko isinasayaw nung crush ko. Oo hindi pa kasi ayaw mo pa kong isayaw. Naniwala ka naman dun sa imbentong crush ko. Tuwang-tuwa ka pa non kasi siya yung first dance mo, at ayon sayo, nakausap mo siya. Masaya ako para sayo syempre. Wews. Hanggang sa natapos ang Prom ng hindi mo ko naisasayaw. Hindi naman sana ako aasa eh. Kaso you promised me na Isasayaw kita huh? . buti ba kung di mo ko pinaasa. Tragic tuloy yung Prom ko. Tsk.
Tapos nung birthday ko nun, binati mo ko sa fb. Natuwa ako , shout out pa. Pinost mo yung mga pics natin tapos nag-LSM ka pa. Then nabasa mo yung greetings ng imbentong crush ko sakin. Medyo mahaba din pero chat lang. Then sabi mo..
"Sus, mas mahaba pa rin yung akin jan. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi niya. "
Gusto ko sanang itanong kung nagseselos ka, kaso mukhang imposible naman yun.
Sa tuwing may laban ako sa school.. Mapa-acads, quiz bee, buwan ng wika at kung anu-ano pa, todo support ka. Tinutulungan mo pa ako sa pagp-practice o pagre-review.
Best friend ehh.
Nagtuloy lang tayo sa ganon. Nagagalit ka 'pag di ako naglu-lunch. Nagagalit ka kapag nagpapalate ako ng uwi para lang tumambay sa oval. Bonding natin yung pag kain ng Dan Eric's na ice cream. Yung nasa cup at may kutsarang kahoy. May schedule pa nga tayo ng panlilibre sa isa't-isa. Araw-araw yun. Puro tayo ice cream. Pero syempre, hindi nawawala yung mga kwento mo tungkol kay Erika. Pero kahit ganon, masaya pa rin ako. Bakit?
Kasi masaya ka.
Sabi nga nila..
Love is when you want to see someone's smile although it means, you must give up yours.
Naisip ko tuloy...
Tama bang manatili akong nakakapit? Tama bang huwag bitawan ang pinanghahawakan ko?
Sabi ko sa sarili ko, magm-move on na ko sayo. Ang sakit na eh. Pero wala eh. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi nawawala yung feelings ko para sayo.
At eto na nga tayo. Second year college student na tayo. Same school, same course. Civil Engineering. Hindi na tayo classmates pero nagkikita pa rin tayo.
Best friends eh.
Lagi pa rin tayong tumatambay sa school ground. Doon nagkukwentuhan, gumagawa ng project or home work, at syempre kumakain ng Dan Eric's ice cream. Napagkakamalan pa nga tayong couple. Tinatawanan na lang natin. Ewan ko ba sayo kung bakit hindi mo itinatanggi.
At syempre.. Si Erika pa rin. Ewan ko ba sayo. Masyado mong mahal yun. Sinasabi mo sakin na nakakatext at nakakachat mo pa rin. Pero ewan ko kung ba't hindi pa rin kayo.. Minsan tuloy gusto kong isipin na, Ako ata talaga yung mahal mo. Pwe! As if naman. Sinubukan ko pa ring magmove-on.. Kaso hindi ko talaga kaya. Kaya tinigil ko na. Minahal na lang kita. Sabi ko sa sarili ko, dadating din yung time na, may magsasabi sakin ng mahiwagang katagang, mahal kita..
Hanggang sa isang araw.. Birthday ko.. Nasa school ako. Nakatambay ako sa ilalim ng puno sa gilid ng oval habang naghihintay sayo. Kinuha ko yung phone ko kasi nag-vibrate. May notif daw sa fb ko.
May nabasa akong post sa wall ko.
First day of class as a Grade-10 student.. Nakilala ko siya. Noong una, hindi ko talaga siya gusto dahil may gusto akong iba. Hanggang sa unti-unti ko siyang nakilala. I even asked her if I can be her best friend. Kasi naman, ang bait niya talaga. Lagi pa nga kaming magkasama. At hanggang ngayon, bestfriends pa rin kami. May crush siya nung mga time na yun. Kaya naman lagi akong nagkukwento tungkol sa crush ko kunwari. Kasi naman, natorpe ako. Oo aaminin ko, nung tumagal, nagkagusto ako sa kanya. Ewan ko kung bakit. Pero nalaman ko na lang sa sarili ko isang araw, gusto ko siya laging kasama. Ang tanga ko lang kasi nagsinungaling pa ko na may crush akong iba dahil lang sa natotorpe ako. Naisip ko kasi, dahil sa personality niya, pag nalaman niya, baka iwasan niya ako. Tsaka isa pa, may crush siya eh. Tapos pag nagkukuwento ako tungkol sa crush ko kunwari, which is sinasadya ko, tinitignan ko yung reaction niya. Nakikita ko namang proud siya. She even cheers me up pag kunwaring broken hearted ako. Supported niya ko pagdating sa mga ganong bagay. Lagi niya pa ngang sinasabi na, ligawan ko na daw. Kaya naisip ko, imposibleng magustuhan niya ako. Pero masaya ako kapag napapatawa ko siya. Ewan ko ba dun. Masyadong masayahin. Pero napapangiti niya ako. Kahit papaano kasi, ako yung dahilan ng pagtawa niya. Kesa naman dun sa crush niya na hindi naman siya crush. Kahit may pagka-BI ako pagdating sa studies, well gusto niya rin naman yun. Haha.
One time pa nga, JS Prom. Sinabi kong isasayaw ko siya, kaso ngiti lang isinagot niya sakin. Naisip ko, siguro ung crush niya yung hinihintay niya. Kaya hindi ko na siya isinayaw.. May times din na napagkakamalan kaming couple. Tinatawanan lang namin. Ewan ko ba dun kung bakit hindi niya itinatanggi. Pero naisip ko, siguro wala lang yon sa kanya.
Kaya sabi ko sa sarili ko..
Magmo-move on na lang ako.
Kaya lang hindi ko pala kaya. Mahal ko na siya eh. Mahal na mahal. Kung kasalanan man to, sorry bes, di ko napigilan eh. Pero sana kahit umamin ako sayo, wag mo kong iwasan. Hindi ko kaya. Nasanay na ko na nandyan ka palagi ehh.
At ngayong birthday mo, gusto kong magpasalamat sa lahat. Happy Birthday Kristin!
Ice cream?
Namalayan ko na lang, tumutulo na pala yung luha ko. Tatayo na sana ako ng may makita ako sa tabi ko. White teddy bear, three roses, at Dan Eric's na ice cream. Napangiti ako. Dinampot ko yung ice cream. Na may dalawang kahoy na kutsarang nakapatong. Kinuha ko yung isa at binasa ang nakasulat don.
Mahal kita, K.C.
Muling tumulo ang luha ko.
Lahat talaga ng bagay, may tamang panahon. May tamang pagkakataon.
"Baka matunaw yung ice cream.." Narinig kong sabi ng isang lalaki sa may likuran ko. Agad ko iyong nilingon. Tumayo ako. At doon, nakita kita. Nakaupo at nakasandal sa kabilang side ng puno habang kumakain ng ice cream. Maya-maya pa ay nilingon mo ako at tila ba nagulat ka pa. Agad kang tumayo at pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"Uy, b-bat ka umiiyak?" nag-aalalang tanong mo habang hawak ang pisngi ko. "Bakit, hindi ka ba binati ni Jeremy? Inaway ka ba? Ano?" Hindi kita sinagot. Instead, I hugged you.
"I love you Yuan Buenavista.."
I heard you chuckled. Then you hugged me. Tight.
"I love you too Kristin Caballero.." At hinalikan mo ko sa noo. "Yung ice cream, tunaw na.."
"Hindi mo ko hinintay, kumain ka agad."
Then we laughed. Walang oras na hindi masaya kapag kasama ka.
The End.
^__^
Thank you very much for reading! ^3^ harthart !