The Things I Hate About You

By ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 4

3.3K 91 18
By ceresvenus

TOSCA

Ito na ata ang pinaka magandang gising ko sa buong buhay ko. Ngiting ngiti pa din nga ako kahit na nakulangan naman ako sa tulog kagabi dahil di ako mapakali sa kakaisip kung anong magaganap sa date namin ni Scor.

Oh my God! Isipin ko palang ang pangalan niya kinikilig na ako eh! I started my day with my favorite green juice. A mixture of kale, orange, carrot and a little bit of mint. Maaga pa naman, may oras pa ako para magpaganda. First, I'll go to my Nail Salon, then I'll have a massage and then go back home to prepare for my date.

Tinext ko nga kaagad si Scor to remind him of our date eh. Hindi siya nag reply pero dinouble send ko para sure na na receive niya talaga.

After ko mag breakfast ay naligo na rin ako at nag bihis. I made sure to take my time dahil mahaba pa ang oras at excited na excited na ako para mamaya.

"Good morning, Ma'am Tosca!" Masiglang bati sa akin ng manager ng Just Nails.

"Hello, Shane. I need a manicure and a foot spa." Ngiting ngiti ako sa kanya. Hindi ko na siya hinintay sumagot. Umupo ako sa isa sa mga sofa at inabala ang sarili ko sa pag tingin ng mga emails.

Nang ma bored ako kakatingin ng emails, naisip kong mag facebook. Tinry kong i search ang pangalan ni Scor at lumabas naman agad ang account niya. Meron kaming one mutual friend. Malamang si Clinton iyon! Wala akong makitang kahit anong picture niya sa facebook maliban sa profile picture niya. Naka color blue siya na v-neck at naka jeans. Naka thumbs up sign pa siya at nakapamulsa ang kaliwang kamay habang nasa tapat ng logo ng Universal studios. Sa tingin ko ay sa Singapore kinunan ang larawan. Parang hindi siya ang nasa picture ah, ngiting ngiti kasi siya dito eh tapos naka casual lang siya. Pag nagkikita kasi kami, palagi siyang naka corporate attire at palaging nakasimangot. Pinindot ko nalang ang add as friend at inexit na ang account niya. Sana i-accept niya!

Tanghali na nang matapos akong magpa linis ng kuko. Naisip kong mag lunch muna bago magpa masahe. Nag fast food nalang din ako kahit na napaka taas ng calories ng lahat ng pagkain. Wala ako sa mood kumain sa sosyaling restaurant ano. And hello? Jollibee is life!

"Miss! Miss. Kayo po si Tosca diba? Pwede po bang magpa picture?" Susubo palang sana ako ng fries nang may lumapit na dalawang babaeng teenagers sa akin.

Nginitian ko sila.

"Sure!" Sagot ko.

Pareho silang nagpa picture sa akin. Pagkatapos ay nag pasalamat sila at umalis na. I still can't believe that people wants to have a picture with me. Hindi naman ako artista, I'm just a normal human being eating at Jollibee. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa spa para magpa masahe.

Hapon na ng matapos akong i pamper ang sarili ko. Pag balik ko sa unit ko, laking gulat ko nang maabutan ang stylist ko at ang make up artist ko sa labas ng pinto.

"Oh? Bakit hindi kayo pumasok?" Mukha kasing bored na bored ang itsura nila.

"Eh si Rita kasi, ang tagal." Maarteng reklamo ni Mori. My gay stylist.

"You should've texted me! Alam niyo naman si Rita, palaging late." Sabi ko habang abala sa pag bubukas ng pinto.

Pinapasok ko sila sa unit, dumiretso sila sa sala at nilapag ang gamit nila sa sofa. Dumiretso naman ako ng kwarto para maghubad ng damit at mag bathrobe muna.

"Teka nga, Tos. Saan ba ang event mo ngayon? Bakit late mo na kami sinabihan?" Tanong ni Roxy, my hair and make up artist. Bading din siya.

"Ano ba kayo? Wala akong event okay!" Pinaikot ko ang mga mata ko at pabirong inirapan sila.

"Eh bakit mo kami pinapunta dito?" Sagot ni Mori.

"May date ako!" Tili ko.

Pakiramdam ko kinikiliti ang tiyan ko eh. Ilang oras nalang, date na namin ni Scor. Nagtinginan ang dalawang bakla at tiningnan ako na parang tinubuan ako ng kung ano sa mukha ko.

"Oh bakit?" Tanong ko, naka kunot ang noo.

"Date lang pala! 'Di mo kayang mag make up mag isa? Diyos ko, kala ko may event ka!" Inirapan ako ng baklang si Roxy.

Nag bukas ako ng sparkling juice at uminom bago naka de kwatrong umupo sa isa sa mga sofa katapat nila.

"Ano ba kayo, iba kasi 'to!" Parang kiti kiti pa rin ako habang kinikilig.

"Ows? Bakit? Ano 'yan? Serious?" Humalakhak si Mori at nag apir pa sila.

"Oo, mga bakla! As in, super iba siya eh!" Sabi ko naman habang nangingisay pa din sa kilig.

"Pupusta ko, hanggang next week lang yan. Ano, Mori?" Sabi naman ni Roxy bago tinapunan ng makahulugang tingin si Mori.

"Punyeta ka! Pag pustahan ba naman ang love life ko? Ah basta! Iba ito." Niyakap ko ang sarili ko ng mahigpit para maibsan naman ang kilig ko.

"Anong nangyayari dito? Tosca, bakit mo pinatawag ang dalawang 'to? Wala ka namang event ah?" Bungad ng atribida kong assistant at publicist na si Rita.

Sabay sabay namin siyang tingnan ng masama. Hindi namin namalayan na dumating na pala siya.

"Nako, ayan na si Mommy Rita! Ang matandang dalaga!" Pang aasar ni Roxy.

Natawa kami ni Mori. Ayaw na ayaw ni Rita na inaasar siya dahil hanggang ngayon ay wala pa din siyang boyfriend.

"Hoy bakla! Baka gusto mong ikaw ang mawalan ng trabaho ha? Kaltukan kita diyan eh!" Bulalas ni Rita kay Roxy bago niya ito inirapan.

"Paka sungit talaga ni Rita 'no? Kaya walang boyfriend eh." Bulong sa akin ni Roxy.

Sabay kaming humagikgik ng mahina.

Bago pa ako talakan ng bongga ni Rita, mabilis na akong naligo para maayusan na.

Mori picked a nice maroon lace top for me partnered with an elegant white sqaure pants. Roxy and I went for a light eye make up and a bright, red lipstick. Kinulot nalang din namin ang dulo ng buhok ko and BOOM! I'm bangin' like a biscuit. Tingnan natin kung hindi pa lumuwa ang mata ni Scor sakin.




"Kayong dalawa talaga! Suportado niyo talaga ang kalandian nitong amo niyo ha." Sabi ni Rita pagkatapos akong ayusan ng dalawa.

"Natural! Eh siya nag papa sweldo samin eh." Sagot ni Roxy na sinundan niya pa ng halakhak.

"Ewan ko sa inyo! Sige na, tara na! Baka mamaya ma late pa itong kiring ito sa date niya." Pasungit na sabi ni Rita pero natawa din naman siya.

"Thanks guys! Wish me luck!" Sabi ko sa kanila bago ko sila hinatid palabas ng unit.

7 pm na! Omg! Ito na talaga! Sinigurado kong prepared na prepared na ako bago ako umalis ng bahay. Sinubukan ko pa ulit na tawagan si Scor pero hindi naman siya sumasagot sa tawag ko. Naisip ko nalang na baka busy sa pag aayos kaya tinext ko nalang siya na papunta na ako sa El Guero's.

Medyo na traffic ako kaya around 7:45 na ako dumating ng restaurant. Wala pa naman siya kaga dumirecho na ako sa loob.

"Good evening, Madame. Welcome to El Guero's. Table for?"

"Table for two." I politely answered the waitress.

"Okay po. This way ma'am." Iginaya ako ng waitress sa isang table na malapit sa glass window.

"O order na po ba kayo?" Nakangiting tanong niya.

"Ah, hindi pa. Hintayin ko nalang muna 'yung kasama ko." I smiled.

"Is there anything I can help you with?" Tanong niyang muli.

"Can I have a bottle of wine nalang?" I said.

Tumango lang naman ang waitress pagkatapos ay umalis at pag balik niya ay may dala na siyang isang bote ng mamahaling wine at isang baso. Binuksan niya iyon at sinalinan ako. Magalang naman akong nagpasalamat.

And so I waited... And waited... And waited...

"Ma'am? Darating pa po ba 'yung kasama niyo? Magsasara na po kasi kami." Tila nahihiyang utas sa akin ng waitress na nag assist sa akin kanina.

Mula sa pagkatulala ay tumingin ako sa kanya. Nanlalabo na ang paningin ko at sumasakit na ang lalamunan ko. Nagawa ko pa ding lumunok at ngumiti sa kanya.

"Hindi na siguro dadating. Bayaran ko nalang itong wine, miss." Tinaas ko sa kanya ang wineglass.

May simpatya sa mga mata niya bago siya tumango at nakayukong umalis. Para siguro kunin ang bill.

Hindi ko napansin na halos naubos ko nang mag-isa ang bote. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag maneho nito. Pag balik ng waitress ay dala na niya ang bill. Mabilis akong nag bayad bago tumayo para umalis kahit na medyo nahihilo na ako.

I checked my phone if there's any messages from Scor but there isn't. Nakita ko ang oras sa cellphone ko, 11 pm. Wow, I waited there for three hours and he didn't come.

Unang beses kong mag-aya ng date sa isang lalaki at unang beses din akong in-indian ng kadate ko. Siyempre ang sakit diba? Kanina ko pa gustong umiyak eh. Nakakasama lang ng loob na mukha akong tanga dun na hintay ng hintay sa kanya. Kung wala siyang balak magpunta, sans sinabi niya nalang kaagad. Kahit text lang okay na ako dun eh. Kaso wala. Ni ha ni ho, walang paramdam! Umasa ako eh.

Pinunasan ko ang papatulong luha sa mga mata ko dahil masisira ang make up ko. Huminga ako ng malalim at ready nang mag drama ulit kaso tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala ang mga kaibigan ko.

"Hey Tos! San ka? We're at House Manila again! Woooh!" Narinig kong sigaw ni Leigh sa kabilang linya.

"Hi! Sino-sino kayo?" I asked, trying my best to sound cheerful.

"Lahat kami. Ikaw lang ang wala. Tara na!" Pag aaya niya.

Ayoko sanang magpunta pero sayang naman ang outfit at make up ko ngayong gabi. Nag desisyon ako na pumunta nalang para din makalimutan ko ang kabiguan ko ngayong gabi. Kahit na nakainom ako, nakapag maneho pa ako papuntang House Manila, and I know that's illegal. But girl, emergency 'to. Namatay ang kawawa kong puso.

Binati ko ang mga bouncer sa House Manila at agad nila akong pinapasok. Nag lakad kaagad ako papunta sa mga couches at natanaw ko doon ang mga kaibigan kong may kanya kanyang boy toy para sa gabing ito.

"Hey! Tosca!" Bati ni Maui.

"Omg! You're here!" Tumili si Maddie at patalon akong niyakap.

"Let's drink! The night is young!" Nagtaas ng shot si Jaxon.

Sinundan naman siya ng mga kaibigan ko at naki shot na din ako sa kanila.

Marami akong nainom na wine kaya napaka bilis kong malasing sa gabing ito. But hey! That's exactly what I want! Matapos ang ilang shot ay nahihilo na ako. Kanina ay sumayaw ako sa dance floor pero nag sawa din ako at bumalik sa couch.

Kahit papaano ay nakalimutan ko ang tungkol sa pag indian sa akin ni Scor.

"Guys, guys! Wait lang. Smoke lang ako." Pungay ang mga mata kong tawag sa atensyon nila. Mukhang wala naman silang pakialam sa akin.

Kinuha ko ang maliit na bag ko bago lumabas. Hilong hilo ako at pakiramdam ko isang mali ko lang ay isusuka ko lahat ng nainom ko.

Pag labas ko ay agad akong kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. Sarap sa feeling ng unang hithit ko. Kaso parang hindi ako kumportable dito dahi sa entrance ako naka pwesto. Humithit akong muli bago ge gewang gewang na naglakad patungo sa gilid.

"Ouch!" Sumigaw ang babae sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Napaso ako ng yosi mo! Are you dumb?" Sigaw niya sa mukha ko. Inirapan ko lang siya bago ako tumalikod ulit.

"'Wag mo akong talikuran! Bitch!" Hinawakan niya ako sa braso.

Wala na, sumabog na ako. Ubos na pasensya ko sa araw na ito. Buong lakas kong kinalas ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Putangina! Bitawan mo nga ako! Ano bang gusto mo ha? Away?" Tinulak ko siya ng pagkalakas lakas.

Mukhang hindi siya prepared sa biglaang pag sabog ko dahil tinakasan ng kulay ang mukha niya. Napaatras siya dahil sa tulak ko at kung hindi lang dahil sa kasama niyang lalaki na umalalay sa kanya ay babagsak siya sa sahig.

"Tama na." Rinig kong sabi ng lalake sa babae.

"Pero pinaso niya ako." Maarte siyang tumingala sa matangkad na lalaki.

Nang tingnan ko ang lalaki ay parang ako naman ang babagsak sa kinatatayuan ko. Si Scorpion. Siya 'yung umalalay sa babaeng maarte na ito. Nagpa palit palit lang ako ng tingin sa kanila at sarkastikong tumawa. Tinitigan ko si Scor na mukhang wala namang pake sakin bago umiling at tuluyan nang tumalikod.

Pakiramdam ko anytime bubuhos ang luha ko.

Ang sama ng loob ko. Sobra! Nag hintay ako sa kanya doon ng tatlong oras! Tapos nandito lang pala siya? Nagawa niya pang makipag landian sa panget na iyon? Gusto kong umiyak.

Nawalan na ako ng gana sa lahat. Gusto ko nalang umuwi at magmukmok sa kama ko. Humithit muna ko ng huling beses bago tinapon ang yosi at inapakan.

Mabigat ang bawat yabag ko papunta sa sasakyan ko.

"Wait!"

"Hey!"

Binilisan ko pa ang lakad ko dahil ayoko na ng drama. Ayoko na makarinig ng kung ano ano pang sasabihin nila sa akin.

Marahas akong natigil sa paglalakad nang may humahip sa kanang braso ko. Hindi ko nilingon kung sino iyon.

"I said wait! Bingi ka ba?" Doon ko nakumpirma na si Scor ang pumigil sa akin.

Gamit ang kabila kong kamay ay pinalis ko ang luha na malapit nang tumulo.

"What?" I said.

"You're wasted. Saan ka pupunta?" Narinig ko nanaman ang iritadong boses niya.

"Uuwi na ako." Tipid kong sagot.

"Teka lang sabi."

Wala, hindi ko na talaga kaya. Marahas ko siyang hinarap kahit na hilam na hilam na ng luha ang mga mata ko.

"Bakit ba?! Pabayaan mo na nga ako! Hindi naman kita inaano diyan!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Bakit ka umiiyak?" Naka poker face lang siya pero naka kunot ang noo niya.

"Bakit? Anong bakit? Ha! Nag hintay ako sa'yo kanina pero hindi ka dumating sa date natin! Nagmukha akong tanga doon tapos nandito ka lang pala? May kasama ka pang panget!" Sigaw ko ulit gamit ang nanginginig na boses.

"What? I didn't said yes to you. Hindi ko naman sinabing pupunta ako." Tingnan mo! Hindi pa din talaga siya magpapatalo.

"Oo nga! Pero nag hintay ako sa'yo! Nag hintay ako! Sana man lang nag reply ka sa mga text ko diba?" Hindi ko matago ang sakit sa boses ko.

"You're drunk. I'll take you home." Kahit na parang wala siyang pake sa akin feeling ko ang gentleman niya pa din.

"Ayoko! Kaya ko nang umuwi mag isa. Iyong kasama mo nalang kanina ang samahan mo." Marahas kong pinunasan ang luha ko bago umambang aalis muli.

"I said I'll take you home. Bakit ba ang kulit mo? Tsk." Namaywang siya at pagkatapos ay sumusukong tumingala.

"Eh bakit din ba kasi hindi mo ako magustuhan? Palagi ka nalang harsh sa akin! Sabihin mo sakin kung bakit!"

Tutal andito naman na kami, all out ko nang nilabas lahat ng hinanakit ko.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit kahit paulit ulit niya akong nirereject ay gustong gusto ko pa din siya. Ano ba kasing meron siya?

He looked at me with an amused look on his eyes. Maya maya lang ay narinig ko siyang nanunuyang bumuga ng hangin.

"You're unbelievable."

"Oo na!" Sigaw ko ulit.

"There! That's what I don't like about you. Or maybe I'm wrong. Maybe I just don't like you at all." Masungit niyang sabi bago nag walk out.

Ramdam na ramdamk ko ang inis niya nung nag walk out siya sa akin. Bakit? Galit nanaman siya? Inano ko ba siya?

I don't understand him at all! What is it that he doesn't like about me? Mabait naman ako ah. Hindi naman ako pangit? I just don't get it. Hindi ko alam kung bakit kahit na paulit ulit niya akong itulak palayo ay sa kanya ko pa din gustong mag sumiksik.

Imbis na mag mukmok ako ay nakabuo ako ng plano nang gabing iyon. I will make hime like me! Kahit na sa anong paraan pa 'yan! Sakin din ang bagsak niya.

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
1.5M 52.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...