He's A Playboy Gangster [HAPG...

De maentblack

2.2M 63.8K 12.8K

"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a... Mai multe

Kabanata 1: Simula
Kabanata 2: Come With Me
Kabanata 3: Threat
Kabanata 4: Beautiful Disaster
Kabanata 5: Come Closer
Kabanata 6: It's Me Again
Kabanata 7: You Need Me
Kabanata 8: Playing Cards With The Devil
Kabanata 9: Ruled
Kabanata 10: Guardian Devil
Kabanata 11: Pervert
Kabanata 12: Confrontation
Kabanata 13: Exposed Secrets
Kabanata 14: Owned by Him
Kabanata 15: Visitor
Kabanata 16: One of His Girl
Kabanata 17: Break Up
Kabanata 18: Purposeless Tears
Kabanata 19: Fragile
Kabanata 20: Illusive Butterflies?
Kabanata 21: Desire
Kabanata 22: Purpose
Kabanata 23: Masquerade Night 1
Kabanata 24: Masquerade Night 2
Kabanata 25: Confused
Kabanata 26: Confession
Kabanata 27: Territory
Kabanata 28: Falling Game
Kabanata 29: Undying Grass
Kabanata 30: Offer
Kabanata 31: Couple Shirt
Kabanata 32: Stay Away
Kabanata 33: Gentleman
Kabanata 34: Temptation
Kabanata 35: Seduction
Kabanata 36: Pig In A Poke
Kabanata 37: Love Quarrel?
Kabanata 38: Two Truths and One Lie
Kabanata 39: Suck and Blow
Kabanata 40: Weird
Kabanata 41: Force
Kabanata 42: Cupid's Arrow
Kabanata 43: Bully
Kabanta 44: Escape
Kabanata 45: Babe Time?
Kabanata 46: Blame
Kabanata 47: The traitor?
Kabanata 48: Raise Up To The Limit
Kabanata 49: On Pins and Needles
Kabanata 50: Capture
Kabanata 51: Sacrifice
Kabanata 52: Alliance
Kabanata 53: Run
Special Chapter 1/2
Special Chapter 2/2
STORY PROMOTING
3RD ANNIVERSARY

Kabanata 54: Epilogue

44.6K 1K 628
De maentblack



|| Dessy Leondale's Point of View ||


Naalimpungatan ako nang maramdaman kong mamalat ang lalamunan ko at pakiramdam ko'y nanunuyo ang mga ito. Napabangon ako sa higaan at umupo. Madilim pa nang mapatingin ako sa bintana at tanging mga kuliglig lamang ang nagbibigay ingay sa paligid. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko ilibot ang paningin sa buong kwarto. Nahagilap naman agad ng mata ko ang lalaking tahimik na natutulog sa tabi ko. May band aid ito sa pisngi at ilang gasgas sa mukha. Kasabay ng pagkurap ng mata ko ang paglunok ko ng laway.

Nauuhaw ako.

Muli kong iginala ang paningin ko sa kwarto at napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kwarto. Nakita kong may nakapatong na pitcher, dalawang babasagin na baso at vegetable bread sa ibabaw ng bedside table. Halatang kanina pa ang mga itong inihanda at sa katagalan ay lumamig na.

Inabot ko ang pitcher at marahang nilagyan ng tubig ang baso. Pakiramdam ko'y sabik na sabik ako sa tubig at nang mainom ko ang isang basong tubig ay muli akong nagsalin ng isa pa. Nagsasala na sa labi ko ang tubig na iniinom ko at ang ilang butil nito ay nahuhulog na sa kumot na nakapatong sa akin.

"I'm thristy,"

Sandali akong napatigil sa pag-inom nang marinig kong magsalita si Duri. Kumurap ako at nilunok ang huling tubig na laman ng bibig ko. Marahan kong ibinaba ang baso sa bedside table at nilingunan ng tingin si Duri.

Nang tumingin naman ako dito ay nakapikit pa rin ito at parang hindi siya iyong nagsalita. Pinunasan ko muna ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng palad ko tsaka ako umismid. "M-may sinasabi ka?" Nauutal kong tanong. Hindi pa rin maayos ang lagay ng lalamunan ko at pakiramdam ko ay namamaos pa ako.

Nakatingin pa rin ako kay Duri at hinihintay itong sumagot. Ilang sandali pa, dahan dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at nabigla ako nang higitin n'ya ang kabilang braso kong nakapatong sa ibabaw ng kama.

Napahiga ako sa kama at nakatitig sa kan'ya. Nakadalawa akong lunok nang maramdaman kong inilagay n'ya sa kaliwang balikat ko ang mainit n'yang kamay. Halos isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa mga labi ni Duri. "Ang sabi ko," Mas inilapit n'ya ang mukha ko sa kan'ya kaya hindi ko naiwasan ang panlakihan ng dalawang mata. "Nauuhaw ako..."

Matapos n'yang sabihin ang katagang iyon ay mas ikinalaki ng mata ko nang paglapatin n'ya ang mga labi namin. Nakapikit ang mga mata n'ya samantalang nanlalaki naman ang akin dahil sa pagkakabigla. Hindi gumagalaw ang labi naming dalawa at magkalapat lang ang mga ito.

Halos sampung segundo ang tinagal ng pagkakalapat ng mga labi namin at napalunok ako ng laway nang bumitiw s'ya sa pagkakahalik. Sa pagkakataong ito ay nasa tapat na ako ng dibdib n'ya at pinapakinggan ang naghaharumbaldo nitong puso. Nanatili akong tahimik pagkatapos n'ya akong halikan.

Nauuhaw s'ya pero imbis na tubig ang inumin n'ya, bakit ang labi ko ang kailangan n'yang pag-interesan?

"That smooth lips," Napakurap ako ng dalawang beses ng marinig kong magsalita ang namamaos na boses ni Duri. "Makes me satisfied whenever I kissed it. Would you agree if that precious lips would be mine...forever?"

Sandali akong natigilan nang marinig ko ang sinabi ni Duri. Hindi ko alam kung bakit nagiging romantiko s'yang magsalita pero parang may kung ano sa loob ng tiyan ko—nakikiliti ba ako o nagugutom lang?

Pero imbis na sagutin ang tanong n'ya, iniba ko ang usapan at itinanong ang isang tanong na matagal ko ng gustong itanong sa kan'ya. Tumikhim ako at sinubukang tignan s'ya. Nakapikit pa rin ito.

"B-bakit ako?" Nauutal kong tanong. Ilang beses kong pinag-isipan ang tanong na iyan bago ko isatinig. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero parang hindi ako komportableng itanong iyon sa kan'ya.

Narinig kong tumawa si Duri kaya ikinakunot iyon ng noo ko. Hindi talaga s'ya marunong magseryoso. Umirap na lang ako sa hangin habang hinihintay ang sagot n'ya. Gumalaw ang kamay n'yang nakahawak sa likuran ko pero hindi ko na iyon pinansin.

"You ask me why I choose you?" Usal n'ya kaya agad akong napatango. Sandali akong napa-iwas ng tingin nang magmulat s'ya ng mata. "Seriously?" He added.

Hindi na ako sumagot pang muli at hinayaan s'yang sagutin ang tanong ko. Hindi lang talaga ako sure sa nararamdaman n'ya sa'kin. Mapapatunayan ko lang siguro iyon kung sasagutin n'ya ng totoo ang mga tanong ko.

"Wala ka pa rin bang tiwala sa'kin?"

Agad akong napatunghay at nagtama naman agad ang paningin naming dalawa. Seryoso ang mukha nito at parang ilang sandali lang ay maiinis na s'ya sa'kin. Umismid ako para makapagsalita.

"Siguro..." Seryosong tugon ko sa kan'ya. Para namang hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko kaya kumalas s'ya sa pagkakayakap sa'kin.

Umupo s'ya at isinandal ang likod sa head board ng kama. Nang makaupo na s'ya sa kama ay napatingin ako sa suot n'yang puting t-shirt na nagusot na dahil sa malikot na pagkakahiga kanina. Magulo rin ang buhok n'ya pero hindi iyon naging dahilan para magmukha s'yang dugyot, sa halip ay naging angkop pa iyon para maging kaakit-akit ang itsura n'ya.

"Fuck, Dessy. Look at me." Usal n'ya na ikinalingon ko naman. Nagdadalawang isip pa ako kung uupo rin ba ako sa kama at damayan s'ya sa pagsandal sa head board. Pero iyon na rin ang ginawa ko para makapag-usap kami ng maayos. Gaya ng gusto n'ya, tumingin ako dito.

"Why the fuck is it hard to you to trust me? Ganon na ba ako kasama para hindi ka maniwala sa'kin or..." Napakunot ang noo ko nang panliitan n'ya ako ng tingin at parang nanunukso pa ang mga tingin. "Am I that too handsome to fall in love with you and you fuckin' can't rely?"

Muli na naman akong napairap ng wala sa oras dahil sa sama ng ugali n'ya. Sasagutin lang naman n'ya kung bakit ako ang nagustuhan n'ya sa dinami-rami ng babaeng naghahabol sa kan'ya. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin at baka samain talaga ang lalaking ito mamaya sa'kin. Pasalamat s'ya at wala akong lakas para barahin ang mga sinasabi n'ya.

Imbis na makipag-usap pa ako sa kan'ya ay ibinalik ko na lang ang sarili ko sa pagkakahiga at naglagay ng kumot.

"Hey," Narinig ko ang nakakalokong pagtawag n'ya na parang nasisiyahan pa. Ipinikit ko na lang ang mata ko at tinalikuran s'ya ng higa.

Kahit kailan talaga, hindi s'ya matinong kausap.

Makakatulog na sana ako nang bigla kong maramdaman ang mabigat na kamay sa kabilang balikat ko at itihaya sa pagkakahiga. Nagulat na lang ako nang makita ko si Duri na nakapatong sa'kin at titig na titig ang tingin sa mata ko.

Napalunok ako bago ko itulak ang dibdib n'ya gamit ang isang kamay ko pero hinuli n'ya iyon para pigilan. Nagbalak pa akong magsalita pero agad rin n'ya rin s'yang sumabat.

Malikot ang tingin kong naglalakbay sa mukha n'ya at hindi ko alam ang gagawin ko habang pinupukulan n'ya ako ng tingin.

"Do you know why?" His husky voice are entering in my ears and I can't help but to gulp. Every time he speak, nanghihina ako.

Dahan dahan akong napailing bilang sagot, "H-hindi." Naipit ko ang pang-ibabang labi ko gamit ang itaas na labi at muli na namang napalunok.

"I like you because everyone else is boring..." Huminto ito sa pagsasalita at nakita kong bumaba ang tingin n'ya sa mga labi ko. "And because you're different. Your questions are fucking nonsense but here I am, answering your questions to make sense."

Hindi ko alam kung bakit sa simpleng sagot lang na iyon ay pakiramdam kong totoo ang sinasabi n'ya. Sa mga titig at paghawak lang na ginagawa n'ya ay hulog na hulog na ako. Pero bakit parang hindi pa rin sapat 'yon? Natatakot ba ako o hindi ko lang matanggap sa sarili ko na gusto ko na rin s'ya? Na baka... mahal ko na rin s'ya?

Nabalik ako sa realidad nang maramdaman kong lumugso ang kama at umalis na si Duri sa pagkakapatong sa'kin. Naglakad s'ya papalayo at tanging pagsara lang ng pinto ang narinig ko. Pagkalabas n'ya, doon sunod-sunod na lumabas ang malalalim na paghinga ko. Napapikit ako ng mata at humawak sa tapat ng puso ko na kanina pang nagwawala sa sobrang lakas ng pagkakatibok.

Bumangon ako sa pagkakahiga at napaupo sa kama. Pagkatingin ko sa orasan ay madaling araw na pala at mag-aala-singko na. Sandali ko namang ginulo ko ang buhok ko at ipinatong ang noo sa dalawang tuhod. Nabubuang na naman ako...

"Bakit ba kasi ang ganon ang itsura n'ya kanina...hindi ko tuloy maiwasan ang mapalunok ng ilang beses." Wala sa sariling sabi ko bago ako lumakad papunta sa banyo at maghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos at magmumog, lumabas na muna ako sa kwarto at bumaba ng hagdanan. Nang makarating ako sa kusina nang bahay, bigla akong napatigil sa paglalakad. Balak ko sanang kumain muna dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Nakita kong nakatayo si Duri malapit sa side bar ng kusina habang maingat na inaalis ang malapad na band aid sa pisngi. Nag-iwas ako ng tingin nang lingunin n'ya ko.

"A-ah...may kukunin lang ako sa loob ng ref." Paalam ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko iyon, ang alam ko lang, nataranta ako nang makita s'ya kaya 'yon na lang ang nasabi ko.

Nakita kong tinignan sinipat n'ya ng tingin ang bewang hanggang sa mukha ko, "Am I asking you?" Seryoso n'yang tanong na nakapagpanganga naman ng bunganga ko.

Nabalik lang ang diwa ko nang talikuran n'ya ako. Napataas na lang ang labi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makakuha ako ng pagkain sa loob ng ref, tumalikod ako kay Duri at magkatalikuran na kami ngayon. Hinihinaan ko lang ang bawat pagnguya na ginagawa ko para hindi n'ya marinig.

Malapit na akong matapos kumain kaya nilingon ko ang kanina pang bumubulong na si Duri at nagmumura. Puro s'ya "oh shit" ng "oh shit" kaya nakukuha noon ang atensyon ko.

Hindi pa rin s'ya tapos sa ginagawa. Napalunok naman ako at tumigil sa pagnguya. Parang may nagtutulak sa'kin na tulungan ko s'ya sa ginagawa n'ya. Napapikit ako at inilapag sa countertop ng kitchen ang kinainan ko. Naghugas muna ako ng kamay at pinatuyo ito.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit sa kan'ya. Nakatalikod pa rin s'ya at maingat na dinadampian ng bulak ang pisngi.

Napakunot-noo si Duri nang agawin ko sa kan'ya ang bulak. Tumikhim naman ako at umayos ng tayo sa harapan n'ya. Nakatingala ako sa kan'ya dahil masyado s'yang matanggkad.

"D-dahan dahanin mo kasi," Saad ko habang inuumpisahan ng linisin ang sugat n'ya.

Bahagya naman akong nailang nang titigan n'ya ako habang tuloy tuloy lang ang pagdampi ko ng basang bulak sa pisngi n'ya. Hindi ko alam kung saan n'ya ako tinitignan dahil hindi ko magawang tumingin sa mata n'ya. Naka-focus lang ako sa pisngi nito.

"Pagkatapos nito—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang hawakan n'ya ang kamay kong nagpupunas sa pisngi n'ya. Nagkatinginan kami. Mata sa mata at hindi man lamang s'ya kumukurap habang tinitignan ako. Sinubukan kong bawiin ang pulsuhan kong hawak n'ya pero napaliyad ako nang isandal n'ya ako sa gilid ng bar counter.

Napaawang ang labi ko nang cornerin n'ya ako rito. Nakatuon ang kamay n'ya sa likod ng counter at yumuko ng bahagya para magkapantay kami.

"Marry me," Walang mababakas na ekspresyon sa mukha n'ya kundi ang nang-aakit nitong mga tingin at namamaos na boses.

Patuloy pa ring nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Kasal? Pakasalan ko s'ya? Tama ba ang pagkakarinig at pagkakaintindi ko?

"A-ano?" Tanong ko sa kan'ya dahil hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang sinabi n'ya kanina. Gusto kong klaruhin n'ya ang sinasabi n'ya.

Sinamaan n'ya ako ng tingin at sandaling sinuklay ang buhok dahil siguro sa inis. "Pakasal ka sa'kin. Be my girl. Be my wife. Be the mother of my children."

Napabuga ako ng hangin nang ulitin at dagdagan n'ya ang sinabi n'ya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin at pineke ang pagtawa. Masyado pang maaga para sa pagpapakasal, tsaka...hindi ko pa maimagine na pakasalan ang isang playboy gangster na katulad n'ya.

Balak ko pa sanang sumagot nang may marinig kaming yabag ng paa pababa ng hagdan.

"Good morning,"

Parehas kaming napalingon nang marinig si San na magsalita habang kinukusot nito ang mata. Halatang kagigising lang at inaantok pa.

Napahinga ako nang maluwag nang alisin ni Duri ang kamay n'yang nakatuon sa counter. Nawala rin ang kaba at ang pagiging awkward ng atmosphere ng dumaan si San sa gilid namin.

"M-may naiwan pala ako sa taas. Maiwan ko muna kayo dito." Akma na akong lalakad papalayo kay Duri pero pinigilan n'ya ako. Hinuli n'ya ulit ang pulsuhan ko. Napatingin ako kay San at nakatingin s'ya sa kamay ni Duri'ng nakahawak sa'kin. Napatigil din s'ya sa pag-inom ng tubig.

"Hindi pa tayo tapos, 'di ba? Well, you have 2 options," Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa'kin. "Be mine or I'll be yours?"

Kunot-noo akong nakatingin sa kan'ya. "Wala naman akong ibang pagpipilian, e." Reklamo ko sa kan'ya.

He smirked. "Yes, you're right. Wala ka naman talagang iba pang choices," Binitiwan n'ya ang pulsuhan ko at naramdaman ko ang kamay n'ya malapit sa pisngi ko. Hinuli n'ya ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay ito sa likod ng tenga ko. "You'll marry me and I'll be yours." Kinindatan n'ya ako bago umalis sa harapan ko. Naging mabilis naman ang paghinga ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko anumang oras.

"You're smiling, ate Dessy."

Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang sumulpot si San sa harapan ko at magsalita. Napaismid ako at kumamot sa ulo.

"Don't worry ate Dessy, it's cute." Hinawakan ako ni San sa kamay at ngumiti. "Now I realize, bagay pala kayo ni Kuya. I will support your incoming wedding." Pagkasabi noon ni San ay nilampasan n'ya na rin ako.

Kukurap kurap na lamang akong naiwan mag-isa sa kusina. Ikakasal na ako?

|| 1 YEAR HAS PASSED ||

All people are gathering in wide garden place. Girls are wearing beautiful white dress and boys are also looking good with their white suits. It's a beautiful and unforgettable moment to celebrate. The day that will mark all the good memories between two lovers. The legal time to make love. The time to create new chapters of life.

"Hey," Naramdaman kong may pumulupot at gumapang na kamay sa gilid ng bewang ko. Hindi ko pa man s'ya nalilingon ay kilalang kilala ko na agad ang tono ng boses at ang amoy ng pabangong ginagamit n'ya. He smirked at me, as usually. "Are you ready?" Dinig kong tanong n'ya sa kabilang tenga ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa bulaklak na hawak ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang makita ko kung gaano s'ya ka-good looking at ka-manly ngayon. Nakasuot s'ya ng white tuxido at maganda ang pagkakaayos ng kan'yang buhok. All of his body are perfectly damn hot. Mas lalo s'yang gumwapo dahil sa suot n'ya.

Tumango ako sa tanong n'ya. "Yes, I'm ready."

Hinawakan n'ya ang kamay ko at pinagdaop ang mga ito. "Let's go." Sabay kaming naglakad papunta sa nakapalibot na maraming tao at naghihintay sa pagdating namin.

Lumalakad na kami ngayon sa red carpet papuntang altar. All people are shouting and clapping their hands while we're walking towards the altar. Napapangiti na lamang tuloy ako tuwing naririnig ko ang pagsigaw nila sa pangalan namin.

Nang makarating kami sa unahan ng pari ay nakangiti kong iniabot sa bride ang bulaklak n'ya. Nagswitch kami ng bulaklak. Hawak ko na ang bulaklak na kanina ay hawak n'ya papuntang altar. I don't know why we need to do this thing pero ganito raw ang way ng pagpapakasal nila. They are switching flowers to those couples who wants to get married soon. It makes the relationship more stronger daw kasi. At saka, si Duri at si Zeke ang may gusto nito.

"Daig pa natin ang ikinakasal," Bulong ko kay Duri matapos kong ibigay ang bulaklak sa bride ni Zeke. Naglalakad na kami ngayon papunta sa upuan namin and he's smirking. Alam kong naririnig din n'ya ang mga sigawan ng tao kanina.

Mas humigpit naman ang pagkakahawak ni Duri sa bewang ko, "We will also get married, Dessy. Hindi ko alam kung bakit pinatatagal mo pa, dito rin naman ang bagsak natin." May halong disappointment sa boses ni Duri.

"Ang importanteng bagay, dapat pinagpaplanuhan ng mabuti. Sacred ang kasal, Duri. I must know you—all edges of your body. Kilala kang playboy sa buong school, how can I be sure na hindi ka hahanap ng kabit?" Hanggang sa makaupo na kami ay patuloy pa rin ang pag-uusap namin tungkol sa kasal.

Tumaas ang kilay ni Duri, "What the fuck, Dessy?" Mahinang mura n'ya. "It's almost 1 year since we're living in the same roof and yet, you still not trusting me? Oh, fuck. That's unfair!"

Nahampas ko si Duri nang malakas n'yang isigaw ang huling salitang sinabi n'ya. Napatingin samin ang ibang tao lalo na ang couple na ikinakasal. Hindi man lang nagpasintabi si Duri at inis pa ring nakatingin sa'kin.

Napangiti na lamang tuloy ako. Yes, tama s'ya. Halos isang taon na nga akong nakatira sa bahay nila pero hindi ko pa rin makuhang magtiwala. Hindi naman talaga sa kan'ya ako nawawalan ng tiwala, it's all the girls around him.

Bawat araw na kasama ko s'ya, hindi maiwasan na may mga babaeng halos hubaran na si Duri sa kakatitig nila. Kasama na ako ni Duri at hawak na n'ya ang mga kamay ko pero nagagawa pa rin nilang lumapit dito at sinusubukang lumandi.

"Mr. Salcedo, will you please lower your voice? Patapusin mo muna ang kasal nina Zeke bago ka mag-eskandalo." Biro ko sa kan'ya.

"I don't care." Sabat naman n'ya. Medyo mahina-hina na ng kaunti ang boses n'ya pero marami pa ring nakakarinig. Argh, this guy.

Napasinghap ako at humarap sa kan'ya. "Fine! Magpapakasal na ako sa'yo next month."

Bibiruin ko lang dapat s'ya sa sinabi ko pero bigla akong nagulat nang tumayo s'ya at sumigaw. "What the fuck? Are you fucking serious?"

Hinihigit ko s'yang umupo sa upuan pero ayaw n'ya magpapigil. "Maupo ka nga. Ginugulo mo ang kasal nina Zeke!" Nahihiyang sabi ko sa kan'ya. Nakakahiya na sa mga tao lalo na kay Father at doon sa couple. Napapatigil sila dahil sa ginagawa ni Duri.

Imbis na maupo si Duri, nagulat ako sa sunod n'yang ginawa. He lifted me out of the chair. Sinusubukan kong bumaba sa pagkakakarga n'ya pero hindi n'ya ako pinapakawalan.

Mas lumakas ang palakpakan at sigawan ng mga tao nang dalhin n'ya ako sa altar at tumabi kami kina Zeke at Alyssane.

"What's this, dude?" Tanong ni Zeke kay Duri. Nakangiti naman ang dalawa samin pero hindi ko maiwasan ang mahiya sa kanila. Nanggugulo ng kasal si Duri!

Karga pa rin ako ni Duri at binalingan n'ya ako ng tingin. "I'll marry her now, Zeke. I can't wait. So, will you excuse us?"

Agad naman akong umangal. "H-hoy, Duri. Sabi ko next month pa, hindi ngayon. Ibaba mo na nga ako. Sorry Father, pasensya na Alyssane, Zeke." Hingi ko ng tawad sa tatlo.

"Nah. Next month or now, walang pinagbago. Lets get married. Naiingit na ako kay, Zeke." Maktol nito na ikinatawa naman ni Alyssane at ni Zeke. Hays, nasiraan na.

Lumapit si Zeke at tinapik ang balikat ni Duri. "Fine, dude. Be our guest."

Hindi ko na napigilan ang kalokohang ginawa ni Duri. Nag-umpisa ng magmisa si Father at buhat buhat pa rin ako ni Duri.

"You may now kiss your gorgeous bride," Anunsyo ng pari sa'min. Salitang magpapatunay na legal at mag-asawa na kaming dalawa.

Tapos ng halikan ni Zeke si Alyssane at kami na lang dalawa ang hinihintay. Binulungan ko muna si Duri bago n'ya ako halikan.

"Ibaba mo muna ako." Sambit ko.

Inilingan n'ya lamang ako at inayos ang pagkakakarga sa'kin. "No, I won't." Ngumisi ito ng nakakaloko at tinignan ang labi ko. "Later, our honeymoon, I'll fuck you so good baby. I promise. I love you. "

Pagkatapos n'yang sabihin ang salitang iyon ay hinalikan na n'ya ako. Noong una ay tumututol pa ako pero sa huli ay bumigay din. Ipinikit ko ang dalawang mata ko at kumapit ng mabuti sa balikat n'ya.

"I love you, too."

I never really imagine na hahantong sa ganito ang lahat. He was bad. He smoked, he broke the laws, he even killed people around him. Wala s'yang sinasanto. Nakakatakot. That was the bad things I know about him pero noong nakilala ko s'ya, all things went wrong. Lahat may dahilan. Lahat may rason kung bakit s'ya ganoon.

Sabi sa fairy tail, there is always a prince charming and a bad guy, pero sa kwento naming dalawa, the prince charming is the bad guy—at si Duri iyon. Kilala rin s'ya bilang isang playboy at gangster sa school. Kinatatakutan ng lahat. Hinahangaan ng lahat. Pinapangarap ng mga babae. Pumapatay but still, I'm falling in love with him. Yes, maybe he's bad but everytime he smiles, I only see good in him. And now, I just realize...the badder he is, the more I could be drawn at his love.

I am badly falling in love with a playboy gangster.





|| THE END ||







Continuă lectura

O să-ți placă și

46.6K 2.2K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
Cheer Up, Captain De beeyotch

Ficțiune adolescenți

102K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
263K 5.6K 31
#1: Stop Second chance to be with you again.. Second chance to sacrifice my heart again.. Mabibigyan ko ba ng second chance ang taong una kong minaha...