Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-One

237K 4.4K 330
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-ONE

TULALA si Lana. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na buntis siya.

            How could she not know? Paanong hindi niya naisip ang posibilidad na mabuntis siya?

            Paanong hindi niya naalala na dalawang beses na pala siyang walang period? Paanong hindi niya napansin ang mga signs? Ang mga pagkahilo niya, ang mas madalas at mas maraming pagkain ng chocolate cake?

            Paanong hindi niya nalaman na may dala-dala na pala siya sa sinapupunan nang mahigit dalawang buwan na? Ten weeks to be exact!

            Binabalikan niya sa isip kung kailan posibleng na-conceived ang baby niya. Ten weeks ago... Aha! Sa gym shower!

            Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang nakatingin sa kawalan. Wala na siyang pakialam sa paligid niya. She's trying to figure out herself.

            Masaya naman siya. Really, she is. Ngunit, may bahagi sa kanya na kinakabahan at natatakot dahil sa kalagayan. Ano bang malay niya sa pagbubuntis? How can she make sure that her baby is safe until her due month?

            Hindi niya pa magawang sabihin kay Dylan ang balita. Dahil nasa malayo pa ito, parang hindi niya gustong ipaalam iyon sa pamamagitan lang ng telepono. Gusto niyang malaman nito ng personal mula sa kanya ang balita.

            At dahil buntis siya, it only means one thing. Kailangan na nilang ipaalam ang tungkol sa kasal nila ni Dylan or maybe they can stage a real wedding.

            Being a true blue wife and a mother... honestly, she's not yet ready.

            "Lana? Lana? Lana!"

            Napapitlag si Lana at napakurap-kurap. Napatingin siya sa kasama niya ngayong si Czarina. Nasa foundation sila ngayon, sa opisina niya.

Czarina is romance novelist. Matalik na kaibigan ito ni Eugene kaya sila nagkakilala. Czarina's working on a novel and she asked to interview Lana as part of her research.

            "Ahm, are you okay?" maingat na tanong nito habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. "Mula nang mag-umpisa tayo ng interview, lagi kang parang wala sa sarili..."

            "Ah... A-Ano... S-sorry, Czarina...Marami lang kasi akong iniisip. Works and such," palusot niya at saka tumuwid ng upo.

            "Nakaabala ba 'ko sa'yo? Gusto mo tuloy na lang natin ang interview next time?"

            "Ah, no. No. Hindi ka abala. Bakante naman talaga ako ngayong araw," mabilis na sabi niya at saka inabot ang baso ng orange juice sa ibabaw ng lamesa. "Let's go on with the interview. N-Nasaan na ba tayo?"

            "Sure ka?" paninigurado pa nito at saka inayos ang salamin sa mata.

            Tumango siya at saka uminom ng juice.

            "Okay. Ang next question ko," sabay sulyap sa IPad nito. "As Lana dela Cruz-Aguilar, how will you react kapag nalaman mong buntis ka ngayon?"

            Muntikan niya nang mabuga ang iniinom pagkarinig ng tanong. Buti na lang at napigilan niya ang sarili. Napaismid lang siya habang umiinom. She tried to remain calm and poised. Kundi niya lang talaga kilala si Czarina, iisipin niyang may alam ito tungkol sa totoong kalagayan niya. But she never told anyone about her being pregnant, kahit kay Eugene na nagdala sa kanya sa ospital three days ago ay hindi niya sinabi ang nalaman mula sa doktor.

            Nilapag niya ang baso ng juice at nag-isip ng isasagot. "H-Honestly... di'ba nga, I'm enjoying first being an independent woman? Kumbaga, dahil nga sa health ko noon, I never experienced being 'Miss Independent' . Pero kung nalaman kong buntis ako... it's a... it's a... another turning point in my life," matapat na sagot niya. Pasimple pa siyang napahawak sa puson na hindi pa lumolobo. "I cannot be selfish anymore if I learned that I-I'm pregnant. It's not about thinking for myself alone but it's about thinking for my baby and its needs already..."

            "So, you'll not be happy?"

            "I-I will... I will be. But..." Napabuga siya ng hangin. "M-Matatakot ako, kakabahan, maguguluhan..." she said exactly what she's feeling right now. "I cannot be a hundred percent happy, really."

            Nakakaintinding tumango ito. "Hindi ka pa ready?"

            Kumislot ang kamay niya sa nakahawak na puson at saka napayuko. "P-Parang ganoon na nga. It will not sink in first, most probably..."

            Ni-note ni Czarina ang lahat ng sinagot niya.

I'm sorry, baby. Mommy loves you but let me absorb all these things first, alright? I will be ready... I will be. I-a-adjust ko lang ang mindset ko.

Nagtuluy-tuloy ang mga tanong ni Czarina at tungkol naman iyon trabaho niya at tungkol sa ginagawa ng foundations kaya medyo nakahinga na siya nang maluwag. She tried hard to focus on their conversation. Ayaw niyang mahuli na naman siya nitong tulala at baka mahalata na siya.

"Thank you so much, Lana! Lalo na for letting me use your name and character. Don't worry, i-ti-twist ko naman ang facts para hindi malapit sa totoong buhay na 'Lana'," nakangiting sabi nito pagkatapos ng interview nila.

Tumango siya. "Good luck on your story. Don't forget to give me a complimentary copy, okay?"

Czarina chuckled. "Kung papasa 'to sa editor ko, aba, siyempre! Sige, Lana. Mauna na 'ko, ha? Bye!"

"Wait! Hindi mo ba muna dadaanan si Eugene? Nasa kuwarto siya ng anak niya sa third floor," imporma niya rito. Nagkakilala na si Eugene at Heart noong isang araw. And just like what she expected, it was an emotional yet fulfilling moment.

Umiling si Czarina. "Hindi na. Mabuting magka-bonding sila ng anak niya na sila lang. Kailan ko na rin kasing umalis. May 'date' kasi ako, eh," nakangiting sabi nito na tila excited habang papalabas ng pinto ng kanyang opisina.

"Ganoon ba? O, sige, mag-iingat ka!" paalam na lang niya rito.

Kumaway ito bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Now, she was all alone, again.

Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog iyon sa ibabaw ng desk niya. Si Dylan ang tumatawag. Nangalumbaba siya at imbes na sagutin ay tinitigan niya lang iyon. Parang wala siya sa mood para makipag-usap sa asawa.

Baka mag-alala ito pero parang hindi mahalaga sa kanya iyon. She groaned. Sabi ng OB kahapon na pinuntahan niya, naglilihi na daw talaga siya kaya naman maging aware daw siya sa kanyang moodswings at hormones.

Sa paglilihi niya, mukhang mahihirapan sa kanya si Dylan. Paano, mukhang si Eugene ang pinaglilihian niya. Hindi niya alam kung problema iyon. Pero parang kay Dylan, magiging. Lalo na at possessive ito sa kanya.

Natigil ang pag-ring ng cellphone niya. Kusang kumilos ang kamay niya at in-off ang cellphone niya para hindi na makatawag sa kanya si Dylan.

Napangiwi siya. "Sorry, Dylan. Wala lang ako sa mood," wika niya habang nakatingin sa cellphone niya na parang si Dylan iyon. Pagkuway nilagay niya iyon sa pinakasuluk-sulukan.

Nagpaka-busy na lang siya sa trabaho sa mga sumunod na oras. Sinisigurado niya na hindi niya sasagarin ang sarili sa mga ginagawa dahil nga may sa kalagayan niya. Tumapos lang siya ng kaunting trabaho pagkuwa'y kinuha niya ang prescription ng OB niya sa kanyang wallet. Maliit na maliit ang pagkakatupi niya dahil ayaw niyang may makaalam.

"Vitamins, fresh milk... fruits..." basa niya sa mga nakasulat sa papel. Ang vitamins, matatago niya sa kuwarto niya sa bahay. Palagi namang may gatas at prutas sa bahay nila. Sisiguraduhin niya na lang na maraming ganoon para hindi siya maubusan kahit anong oras.

"It's better to wear dresses," basa niya pa sa bilin ng doktora sa papel. Hindi siya masyado mahilig sa bestida ngunit kailangan na niyang mamili. Hindi pa naman maternal dresses ang bibilhin niya, ngunit mga free flowing dress na hindi hapit sa baywang para hindi mahirapan ang baby niya.

"Lana?"

Napapitlag si Lana nang may marinig siyang katok sa pintuan. "C-Come in."

Bumukas ang pinto at pumasok si Eugene. Awtomatikong napangiti siya nang makitang nakangiti ito ng maluwag.

"Tapos mo nang bisitahin si Heart?"

"Yes. Nakapagpaalam na rin ako sa kanya. Kailangan ko pa rin kasing magtrabaho," anito habang umuupo sa upuan sa tapat ng lamesa niya. "I had a great time, again. Naaalala ko sa kanya ang younger sister ko. Heart is so much like Eunice," tukoy nito sa pangalan ng kapatid. Bahagyang lumungkot ang mata nito nang mabanggit ang pangalan ng kapatid ngunit nakubli nito iyon agad.

Nakatitig siya rito. Hindi niya maalis ang tingin sa mukha nito. Ito talaga ang napaglihian niya. Puwede namang si Prince, o ang Daddy niya, o si Dylan mismo. Pero, ano bang magagawa niya?

"Ahm, Lana? Why are you looking at me like that?"

Umiling siya habang nakangiti. "Wala lang. I'm just fascinated with your smile."

"Iba lang siguro ang kasiyahan kapag may anak ka."

Napabuntong-hininga siya. Hindi na siya sumagot at nag-enjoy na lang sa bango nito na naaamoy na naman niya dahil malapit lang sila sa isa't isa.

"I better go."

Bigla siyang nalungkot. "H-Ha? Aalis ka na agad?"

"May kailangan akong asikasuhin na trabaho." Tumayo ito. "I'll see you tomorrow."

Tumayo na rin siya at nagprisintang ihatid ito hanggang sa labas man lang ng foundation. Sabay silang lumabas ng opisina at naglakad palabas. Pasimple ang pagdikit niya rito dahil ayaw talagang lubayan ng ilong niya ang amoy nito.

"So, bukas ulit?" nakangiting sabi niya nang nasa bungad na sila ng foundation.

Tumango ito. "I'll bring something. Anong gusto mo?"

"Bakit ako? Dapat si Heart ang tinanong mo."

"Natanong ko na siya. Alam ko na kung anong dadalhin ko para sa kanya bukas. Ikaw, anong gusto mo?"

"Chocolate cake," agad naman niyang sagot. "Salamat, Eugene." She tiptoed and kissed him on the cheeks. She reacted on impulse but Eugene does not seem to mind.

"Okay. You take care. Bye!" paalam nito at saka naglakad papunta sa parking lot.

Kumaway pa siya at nagpaalam na rin. Naramdaman niyang excited ulit siyang makita ito bukas.

Napahawak na naman siya sa kanyang tiyan. Walang kamalay-malay si Eugene na pinaglilihian niya ito. Iniisip niya kung bakit sa lahat ng tao ay eto pa? Ang naisip naman niya na rason, nagkakakilala sila ni Eugene nang mga panahong nagsisimula siguro siyang magbuntis, kaya ganoon siguro. Tumatak sa kanya na pinaglaba siya nito sa first meeting nila.

"Ma'am Lana?"

Napalingon siya at nakita ang sekretarya niya. "Bakit, Monica?"

"Bumalik na po kayo sa office niyo, Ma'am. May naghihintay pong tawag sa linya niyo."

"Sino daw?"

"Si Sir Dylan po."

Napangiwi siya. Tumawag na sa landline si Dylan dahil hindi siya nito ma-contact sa cellphone niya. "O-Okay."

Bumalik na siya ng opisina at huminga muna ng malalim bago iangat ang telepono.

"Hello?"

"Allana, why are you not answering my calls? Why did you turned off your phone?" bungad agad nito na may himig na pag-aalala. "I was worried. Tatlong araw pa lang akong nawawala, ganyan na. May problema ba?"

"W-Wala. Huwag kang paranoid," saway niya rito. "Marami lang akong trabahong kailangang tapusin. Ayoko lang ng abala."

"Don't work too much baka mapano ka na naman."

"Hindi na. Nag-iingat na 'ko. Sige na, magta-trabaho na 'ko. Mamayang gabi ka na lang tumawag."

"Sandali lang, bakit ka ba nagmamadali? Ayaw mo ba 'kong kausap?"

"Eh, kakausap lang natin kahapon, ah?"

"Kahapon pa iyon. You didn't miss me today?"

Napakamot siya ng ulo. "Hindi masyado." Actually, kung hindi lang ito tatawag ay hindi niya ito maaalala. Dala rin kaya iyon ng pagbubuntis niya?

"Bakit ka ganyan? Ako, lagi kitang gustong makita at makausap. Tapos ikaw, hindi masyado? Halos ayaw mo nga akong lubayan bago ako umalis." parang nagtatampong wika nito.

Napalabi siya. "Eh, ang daming trabaho, paano pa kita maiisip?"

"Marami rin akong ginagawa rito. Pero lagi kitang naiisip."

"Just focus on your work their para mabilis kang matapos. Huwag mo na 'kong isipin, okay?"

Hindi ito sumagot sa kabilang linya.

"Hello? Wala ka na bang sasabihin? Bababa ko na ang telepono."

Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Ang sungit talaga," he murmured. "I miss you, honey. See you soon."

"Okay, bye," mabilis niyang paalam at saka binaba ang telepono. Hindi man lang siya nakaramdam ng guilt sa ginawa. Must be part of the pregnancy.

Maya-maya ay tumunog ulit ang telepono. Sinagot naman niya iyon.

"Bakit mo naman binaba agad?" bungad ni Dylan sa tonong naiinis.

Natawa siya. Natuwa pa siyang nainis ito. "Eh, ano pa pag-uusapan natin? Sabi mo after three days ka pa tatawag?"

"Natuwa ka pa sa ginawa mo."

"You sound funny, eh. Why did you call again?"

"May hindi pa 'ko nasasabi."

"Ano?"

"I love you," masuyong wika nito.

Of course, she was touched. Ayaw niya lang itong makausap at natutuwa siyang naiinis ito pero mahal pa rin niya ito. "Oh. I love you, too! Is that all?"

Bumuga ito ng hangin. "Yeah, that's all. Bye."

Binaba niya na ang phone at saka siya nagsimulang pumirma ng mga documents. After an hour, nagdesisyon na siyang umuwi. Dumaan muna siya ng department store at namili ng mga bestida. Pati flat sandals ay namili rin siya.

"Wow! You did shopping!" ani Prince pagka-uwi niya ng bahay kinagabihan. Tinulungan siya nito sa mga bitbit niya.

            Naparami nga ata ang nabili niya. For a not-so-happy pregnant woman like her, mukhang excited pa siya sa pagbubuntis niya. Naisip niyang bumili lang ng limang bestida kanina at dalawang flat shoes. Ngunit masyado ata siyang nag-enjoy at dose-dosenang damit at sapatos ang nabili niya.

            Pagkarating niya ng kuwarto niya ay agad siyang humiga ng higaan. "Pakilagay lang diyan yung mga shopping bags. Thanks, Prince!"

            "Have you eaten dinner?"

            Tumango siya at saka umupo sa higaan. "Paabot nga niyon?" turo niya sa isang shopping bag.

            Kinuha naman nito iyon at binigay sa kanya. Nang buksan niya iyon ay nakitingin ito. "Ang dami mo namang chocolate? Pangreregalo mo sa Pasko?"

            Umiling siya. "Akin lang 'to."

            Manghang napatingin sa kanya ang kapatid. "Sa'yo lang lahat 'yan? Grabe ka naman. Hindi nga babalik cancer mo, magkaka-diabetes ka naman."

            "Eh, hindi ko naman 'to kakainin lahat sa isang upuan lang. Mag-sta-stock lang ako para anytime meron akong chocolate kapag nag-crave ako."

            "Pahingi nga."

            Tinapik niya ang kamay nito. "Ayoko nga."

            "Damot." Tumayo na ito. "Isusumbong kita sa boyfriend mo."

            "Alam naman ni Dylan na madamot talaga ako. Labas ka na nga," taboy niya rito. "Bakit parang hindi mo sinasama si Trisha rito lately?"

            "Busy sa school ang prinsesa ko. Graduating, eh," sagot nito. "Kay Mom na lang kita isusumbong, di ka namimigay."

            Sinimangutan niya ito. "Labas na kasi!"

            "Ang sungit mo naman," natatawang sabi nito bago lumabas ng kuwarto niya.

            Nang mag-isa na lang siya ay nilabas niya ang tinagong vitamins para sa mga buntis sa pinakailalim ng mga chocolates. Itinago niya iyon sa closet niya na de susi. Para kung may maid man na maglilinis ng kuwarto niya ay hindi iyon makita. Pagkuwa'y inayos niya ang mga chocolate bars sa personal ref niya sa kuwarto. After that, nagpalit na siya ng damit at saka naghanda sa pagtulog.

            Hindi na niya napansin pa ang paulit-ulit na pagtawag ni Dylan sa kanyang cellphone hanggang sa makatulog siya.

***

DAHIL sa pabago-bagong mood at tahasang pag-ignora ni Lana sa mga tawag ni Dylan sa nakalipas na tatlong linggo, tuluyan nang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa.

            "Nakakainis naman!" singhal ni Lana sa sarili pagkatapos nang pagtatalo nila ni Dylan sa phone. May parte siyang gusto nang sabihin kay Dylan na buntis siya para maintindihan nito ang kalagayan niya. Ngunit, may parte pa rin na nananaig na sa pagbalik na lang nito sa susunod na linggo niya sabihin ang totoo.

            Damn the hormones. I cannot understand myself, anymore! Nasapo niya ang mukha at napasubsob sa unan. Mag-isa siya ngayon sa kuwarto niya. Buong araw siyang nagkulong at hindi pumasok sa foundation.

            Inabot niya ang cellphone at saka tumawag kay Eugene. Almost two weeks ago na ang nakalilipas nang kunin nito si Heart mula sa foundation.

            "Eugene?"

            "Hey, Lana! Napatawag ka?" anito sa kabilang linya.

            She laid her back on the bed. "Are you free today? Wala ka bang masyadong trabaho? Puwedeng lumabas tayo sandali? I kinda felt so down right now." So far, si Eugene lang ang mako-consider niyang kaibigan at gusto niya rin kasi itong makita.

            "Hmm. I'm free by the afternoon pero isang oras lang. Kailangan ko kasing puntahan si Heart sa town house ng Lola niya."

            Napakunot noo siya. "Huh? Hindi mo ba siya inuwi sa bahay mo?"

            "Pinagbawalan muna ako ni Attorney. Marami masyadong bilin ang lola ni Heart na hindi ko puwedeng baliin. Anyway, saan mo gustong magkita?"

            Nag-isip siya ng puwedeng puntahan. "How about Serendra?"

            Pumayag ito at nagsabi ng oras na puwede ito.

            By that time in the afternoon, nasa Serendra na si Lana at tahimik na nakaupo sa isa sa mga benches sa open space. She texted Eugene where she is exactly. Later on, kasama na niya ito.

            "Malungkot ka nga. May problema ba?" tanong nito sa kanya. Sumandal ito at prenteng ipinatong ang isang braso sa sandalan sa likod niya.

            "Wala naman. Nagkatampuhan lang kami ng boyfriend ko," sagot niya. "And I know it's my fault."

            Napatango-tango ito. "You want to share it?"

            She sighed. "Umiral lang iyong mood swings ko. May... hindi kasi ako masabi sa kanya. I planned to tell him kapag nakauwi na siya. Para mas personal sana." Napalabi siya. "I felt guilty lang na may tinatago ako sa kanya. Saka... parang wala kasi ako lagi sa mood na kausapin siya. I don't want to hear his voice."

            "Bakit?"

            Nagkibit-balikat lang siya.

            "Lana, if I were your boyfriend, you're being unfair. Honestly."

            Napatungo siya. Kasalanan niya bang ganoon ang hormones ng buntis? Kasalanan niya bang ayaw niyang marinig ang boses ng asawa? Ano bang magagawa niya, eh, kahit anong kontrol niya sa sarili, ganoon pa rin naman ang kalalabasan?

            "Are you pregnant? Kasi iisipin kong baka naglilihi ka."

            Hindi siya sumagot. She does not want to deny her baby but at the same time, she does not want to confirm it to others. Mas gusto niyang si Dylan ang unang makaalam.

            "Okay, let's say you're pregnant at naglilihi ka nga, hindi lang naman palaging rason kung bakit ayaw mong kausapin ang boyfriend mo ay dahil... naglilihi ka. Deep inside you, you're keeping something. At nang puwede mo nang ilabas iyon, isisisi mo lahat sa hormones mo."

            Manghang napalingon siya rito. Seryosong nakatingin ito sa kanya.

            She sighed and looked away. "I just want to live the life I should have kung hindi lang ako nagkasakit ng matagal. God gave me the chance to live again, so maybe binibigyan Niya 'ko ng opportunity to experience the things I missed."

            "But?"

            Napapikit siya. "Dylan came. I can say that medyo nagulo ang buhay ko nang magkakilala kami. Things got simply complicated. But, he's the guy I'll never wish that I've never met. He made me love him. Pero, nagiging selfish pa rin ako sa mga bagay na dapat hindi na," she admitted. Nilalaro-laro niya sa leeg ang kuwintas na bigay ni Dylan. "Sabihin nating nasa sitwasyon kami ngayon na dapat seryosohin ko talaga pero ang kapalit naman niyon ay ang buhay na gusto ko pa sanang maranasan."  She paused and opened her eyes. Nilingon niya ulit ito. "Did you get it?"

            He nodded. "Lana, naisip mo ba na baka hinayaan ka ng Diyos na mabuhay ulit ay hindi para mag-cope up sa mga bagay na hindi mo nagawa noon? Think about it. Maybe God gave you another chance in life because you ought to spend it with Dylan," he wisely said.

            Sandali siyang napatanga at inintindi ang mga sinabi nito.

            "Maybe, God gave you another shot because your life will be a marvel to someone else. Your life is yours but you shall share it with Dylan, what do you think?"

            One.

            Two.

            Three...

            Realizations!

            "Eugene..." Napangiti siya. "You're a genius!"

            Napangisi ito. "You just have to view things in a wider perspective. Maiisip mo rin siguro ang sinabi ko, but you're possibly occupied with other things."

            Napayakap siya rito. "Oh, Eugene! Tama ngang ikaw ang tinawagan ko," masayang sabi niya rito. "Thank you!"

            Parang naging klaro bigla ang isipan niya. It all came down to her that maybe, yes, she had another chance in life because she's ought to be selfless rather than selfish.

            God gave her one more chance in life so she could trash being self-centered, and start being self-sacrificing.

            Tinapik-tapik siya nito sa likod. "Glad to be of help. Sana nakatulong ako sa'yo."

            Nasinghot niya ang natural na amoy nito at napangiti na naman siya dahil sa bango nito. Kaya siguro ito ang pinaglihian niya dahil mabait na tao si Eugene. Huwag lang umiral ang pagkamasungit. "Ang bango mo talaga," aniya rito.

            Nilayo siya nito. "Seriously, are you pregnant?"

            Tumawa lang siya. "Thank you, Eugene. I know what to do now."

***

NAKAILANG tawag na si Lana kay Dylan ngunit hindi sinasagot ng asawa ang tawag niya.

            Hindi nito sinasagot ang tawag niya ay dahil lang sa dalawang rason; baka abala ito sa trabaho o may tampo pa rin ito sa kanya. Sana ang una lang ang rason. Ayaw niyang may tampo sa kanya si Dylan. Mas sanay kasi siyang palagi siya nitong nilalambing at sinusuyo.

            Ngunit, kung kailangan niya ito suyuin, gagawin niya.

            Nagdesisyon siyang mag-iwan na lang ng voice message.

            "Hello, Dylan! I think your busy. Hindi mo kasi ako sinasagot," panimula niya sa ipapadalang voice message. "Anyway, I'm sorry about my rude attitude these past weeks and earlier. Hindi ko mapaliwanag ngayon. Pero, pasensya ka na sa'kin, ha? I know that you miss me and I miss you, too. So much," malambing niya pang sabi.

            "You know, I talked to a friend earlier and I realized that, hindi ko na pala gustong mamuhay ng single. Because, technically, hindi naman na talaga ako single since I'm married to you, right?  I had so much to tell you when you get home. May mahalaga rin akong sasabihin sa'yo. And I think it will be a good news for you." Napahawak siya sa puson na may kaunting bump na. She's on her thirteenth week now.

            "Call me after you received this, okay? I miss talking to you. I miss making love with you," she playfully said and chuckled a little. "I love you, Dylan. Can't wait to see you next week."

            Agad niyang pinadala iyon at nagdasal na sana ay mapakinggan nito iyon agad.  She waited for him to call her. Ngunit hatinggabi na ay wala pa rin. Tuluyan nang inantok si Lana at natulog na lang.

            Kinabukasan, wala man lang missed call or text message galing kay Dylan. Tatawagan niya sana ito ngunit nagka-morning sickness siya bigla.

            Hindi ulit siya pumasok sa foundation. Guminhawa lang ang pakiramdam niya nang bandang tanghali na. Dinalhan siya ng ina ng pagkain sa pag-aakalang may sakit lang siya.

            "Kumusta ka na, Lana?" anito habang pinapatong nito ang breakfast tray sa harap niya.

            "Okay na 'ko, Mom. Baka bukas makapasok na ulit ako," aniya habang hinihiwalay ang tingin sa panonood ng flash news sa TV.

            "An illegal mining site in Toledo, Cebu had a minor explosion last night. Fortunately, the said site is far from the residents. Few people got extremely injured but no one was reported dead. It was said that a known mining company was evaluating their materials to be disposed away at that time. Now, the local police and some experts are investigating about how can an explosion happen in an illegal mining site that was closed for many years now—"

            Pinatay ni Lana ang TV dahil naiirita rin siya sa boses nang nagre-report kaya hindi niya maintindihan ang news. Mabuti pang patayin na lang ang TV.

            "Uminom ka na ng gamot?"

            "O-Opo," pagsisinungaling niya. Wala naman kasi siyang sakit talaga. Pero uminom naman siya ng vitamins niya kanina. "Thank you for the food, Mom."

            Habang sinisimulan niya ang maganang pagkain ay tinitigan siya ng ina. Na-concious tuloy siya bigla. "B-Bakit po?

            Ngumiti ito. "You gained wait, ano? Mas nagkalaman ka kasi. But, you're glowing."

            Bahagya siyang natawa. "Ah, siguro po. Hindi na po talaga kasi ako nakapag-work out."

            "Okay lang naman ang itsura mo, anak. Para ngang bagay sa'yo na mas nagkakalaman."

            She just smiled at her Mom. Buo na ang pasya niya. Pagkauwi ni Dylan, sasabihin na nila na kasal sila at buntis siya. Oras na para magtapat sa mga ito.

            Pagdating ng hapon ay hindi nilulubayan ni Lana ng tingin ang kanyang cellphone. Pero kahit isang tawag o text message ay wala siyang natanggap galing kay Dylan.

            Tumawag na siya rito ngunit out-of-reach na ang cellphone nito. Wala siyang ginawa kundi maghintay.

            Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Limang araw... wala pa ring tawag mula kay Dylan.

            Lana wanted to cry already. Hindi pa ba nito natatanggap ang voice message niya? Is he that busy? O baka galit pa rin ito sa kanya?

            Ano na kayang nangyari kay Dylan?

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
844K 29.1K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
13.2K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...