Magisch Academy: The Heartles...

By neverbeeninlove17

2.1M 56.5K 6.9K

WARNING: Mature Content / R-18 / SPG Akisha Raven Scott a heartless woman who found herself entering a school... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER (Part 1)

CHAPTER 20

32K 900 104
By neverbeeninlove17

A/N:

Ano na self? Sabi ko hanggang 20 chapters lang eh pero wala pa din ako sa kalahati ng story hanggang ngayon 🥲😭 Sipag yorn. Inspired ka sizt? Tapos pagdating sa essay/acads waleyy?

---

AKISHA'S POV

Andito ako ngayon sa isang mahabang mesa at mag-isang kumakain. As usual wala na naman sila daddy at mommy lagi naman eh. Lagi silang nasa trabaho. Minsan nga hinihiling ko na sana normal na lang kaming mamamayan atleast masaya kami at lagi kaming magkasama. Di yung ganito mayaman nga kami lagi na lang silang wala. Pagnandito naman sila sa bahay halos di naman nila ako pinapansin para bang naging invisible na ako. Minsan nga naiisip ko kung naalala paba nilang meron silang anak. Naiinggit nga ako sa tuwing nakikita ko yung ibang bata na masayang kasama ang pamilya nila.

Iniisip ko kaya siguro di ako mahal nila mommy at daddy kasi halimaw ako. Yun kasi yung laging sinasabi ng mga kapit bahay namin. Ano bang mali sakin? Bakit walang nagmamahal sakin? Dahil ba kakaiba ako? Pero di ko naman kasalanan na iba ang itsura ko sa kanila. Di ko naman ginusto na maging ganito ang itsura ko. Ang gusto ko lang naman may magmahal sakin. Maranasan yung mga nararanasan ng mga normal na bata. Halos araw-araw iniisip ko kung naging normal lang sana ako katulad ng ibaang baka sakaling minahal ako kahit papaano ng mga magulang ko baka sakaling mas nagkaroon ng chance na maging isa kaming normal na pamilya katulad ng iba.

Napailing na lang ako sa iniisip ko at sumilip sa bintana. Ganito naman lagi eh. Titignan ko yung mga batang malayang nakakalabas at nakakapaglaro saka maiinggit. Iisipin na bakit ako di ko pwedeng gawin ang mga ginagawa nila. Tapos bigla akong mapapatawa ng pagak dahil maaalala ko na di nga pala ako katulad nila. Di ako normal. Isa akong halimaw.

I couldn't able to feel any emotions which make me feel more different than others. Kaya maman nagdesisyon akong magbasa ng mga libro at nanuod ng mga video about sa mga emosyon ng sa ganoon ay ma i-apply ko siya sa sarili ko at para din mabasa ko ang mga tao sa paligid ko para naman hindi ako maging ignorante when it comes to emotions at ng mabawasan naman ang pagiging kakaiba ko kahit papaano. I excelled in reading people's through their emotions and I use it to my advantage.

Meron nga akong nahanap na kakaiba katulad ko. Si ash. Kaso iniwan niya din ako. Akala ko iba siya di pala. Ilang buwan na din simula noong iwanan ako ni ash at di na nagpakita. Ang sakit lang talaga kasi yung taong akala mong di ka sasaktan siya pala ang pinakamananakit sayo. Tinuring ko siyang kaibigan baka nga ay higit pa. Pero iniwan niya lang ako. Naisip ko nga ang tanga-tanga ko kasi naniwala ako na magagawa niya akong tanggapin at mahalin eh ni sarili kong magulang di ako matanggap at magawang mahalin siya pa kaya? Siguro nga tama si ash walang magmamahal sa isang tulad ko.

Pagkasilip ko ay may nakita akong isang bata na nasa kalsada naglalaro. Napatingin naman ako sa likod niya dahil may paparating na sasakyan. Hala! Baka mapano siya! Pero magalit sila mommy paglumabas ako. Sabi kasi nila wag na wag daw akong lalabas. Bawal kasi akong lumabas unless may pasok ako sa school. Naiisip ko nga baka kinahihiya nila ako dahil hindi ako normal tulad nila. Kunti na lang masasagasaan na yung bata! Napalingon ako sa paligid dahil walang tao! Napakapabaya naman ng magulang ng batang to! Kaya mabilis akong lumabas at tumakbo papunta sa bata at hinila siya bago pa siya masagasaan. Ilang beses kong minura yung driver ng kotse dahil di man lang huminto at nagtuloy-tuloy lang.

Napatingin ako sa bata ng bigla siyang umiyak. Hala! Pano ito?! Nagulat ako ng biglang may sumigaw. Pagkatingin ko isang babaeng nasa Mid 30's mukhang siya ang magulang ng bata.

"Uhm... Ma'am-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng sampaling ako ng babae. Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal niya. Nakita kong dumami na din ang mga tao. Nagsimula naman ang bulungan. Kung bulong nga bang matatawag iyon kung halos isupalpal na nila sa mukha ko na kesyo halimaw daw ako, walang puso, kampon ng demonyo at anak ni satanas.

"Anong ginawa mo sa anak ko ha?! Halimaw ka talaga!! Pati bata pinapaiyak mo! Halimaw!" sigaw ng babae. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Gusto kong ipakita na nasasaktan din ako dahil tao din ako katulad nila pero ni isang butil ng luha walang lumalabas sa mga mata ko.

Naglakad na lang ako paalis dahil walang silbi kung sasabihin ko pa sa kanya ang nangyari. Di din naman siya maniniwala. Well wala naman talagang naniniwala sakin. Kahit nga mismo sarili kung magulang. Napabuntong hininga na lang ako saka pumasok ng bahay at di pinakinggan ang babae.

Pagdating ng hapon ay may kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko ay sampal agad ang bumungad sakin. Kotang-kota na ko sa sampal ngayong araw ah. Pagtingin ko si mommy pala.

"Ano bang sinabi ko sayo ha?! Diba kabilin-bilinan ko na wag kang lalabas ng bahay?! Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha?!" galit na sigaw niya sakin

"M-mommy-"

"Wag mo kong matawag-tawag na mommy dahil wala akong anak na demonyo! Sana nga di ka na lang namin kinuha noong binigay ka samin ng babaeng iyon noong sanggol ka palang nang sa ganoon di nagkanda letse-letse ang buhay namin ngayon! Salot ka talaga sa buhay namin!" sabi ni mommy na kinagulat ko. A-ampon ako? No wonder ganito na lang nila akong pakitunguhan. Ni minsan hindi ako minahal ng adoptive parents ko at ipinamigay ako ng biological parents ko. What a great life.

"Ang dapat sayo mamatay! Wala ka namang silbi! Salot ka lang sa buhay namin!" sabi ni mommy saka hinila ang buhok ko at iniuntog sa pader. Nahilo ako sa sobrang lakas ng pagkakauntog niya sakin. Pakiramdam ko naalog ang utak ko dun. Kahit di ko tignan alam kong nagdudugo na ang ulo ko dahil may naramdaman akong mainit na likido na tumutulo sa mukha ko. Kinaladkad ako papunta sa kung saan.

"Mommy tama na po. Nasasaktan na ako. Di na po ako uulit" umiiyak na sabi ko

"Di na talaga mauulit dahil papatayin na kita!" sabi ni mommy

Nakita kong nandito kami sa banyo. Mabilis niyang inulublob ang mukha ko sa tubig. Di na ako makahinga kaya pinipilit kong magpumiglas. Pero ano nga bang magagawa ng isang 6 years old? Biglang may kung ano akong naramdaman sa katawan ko. Nakita ko na lang na tumalsik si mommy at malakas na tumama sa sahig. Nagkaroon pa ng crack dahil sa lakas ng impact.

Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. No! No! It can't be!

"M-mom" sabi ko at napahawak sa bibig ko habang lumalapit sa kanya. Umagos ang dugo sa mukha niya.

"Sheryl!"

Napatingin ako sa sumigaw. Nakita ko si dad na nanlalaki ang mga mata. Mabilis siyang tumakbo papunta kay mommy. Niyakap niya ito habang umiiyak.

"D-dad I-I'm sorry" sabi ko habang umiiyak. Mabilis niyang binaling sakin ang paningin niya at tinignan ako ng masama.

"YOU! You killed my wife!! Wala kang utang na loob! Pagkatapos ka naming pakainin at bihisan ito ang igaganti mo samin?! Halimaw ka! Isa kang demonyo!" galit na sigaw ni daddy

Mabilis siyang tumayo at kinaladkad ako palabas ng bahay. Marahas niya akong pinasok sa kotse. Pumasok agad siya sa kotse at mabilis na pinaharurot ang kotse.

"Buhay ang kinuha mo. Buhay din ang kapalit. Sabay-sabay tayong mamatay! Sasabay-sabay tayong pupunta ng impiyerno!" sigaw niya

"D-daddy please! Don't do this!" pagmamakaawa ko may kinuha siya sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko ng makita kong baril iyon.

"Shut up you f*cking demon! Wala akong anak na mamatay tao at demonyo!!" sigaw niya

Papatayin ka ng sarili mong magulang? Napakalupit talaga ng mundo sakin. Siguro noong nagpasabog ng kamalasan ang mundo sinalo ko lahat. Ano bang kasalanan ko? Ano bang nagawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganito?!

Napapikit na lang ako. Siguro nga mas maganda na ito. At least kapag namatay na ako matatapos na lahat ng paghihirap ko. Makakawala na ako sa impiyernong buhay ko.

Mas binilisan ni daddy ang pagdadrive at napapikit na lang ako ng dire-diretso ang pagmamaneho niya papunta sa isang bangin. Naramdaman kong nalalaglag na kami. Napapikit ako ng mariin at may tumulong luha sa mata ko. Bumaliktad ang kotse dahilan para mauntog ako ng malakas sa harapan. Naramdaman kong may mainit na likido na tumulo sa ulo ko. Katatapos lang dumugo ng ulo ko kanina sa pagkakauntog sakin ni mommy tapos naulit na naman. Di na talaga ako magtataka kung mamamatay na talaga ako. Nanghihina na din ako sa sobrang dami ng dugong nawala sakin. Unti-unti na ding bumibigat ang takukap ng mata ko. Pero may kung anong nagsasabi sakin na wag ko munang ipikit ang mga mata ko.

Tumigil sa pagbaliktad ang kotse kaya napatingin ako kay daddy nakasandal ang ulo niya sa manibela. May dugo din na tumutulo sa mukha niya. At kahit di ko tignan ang lagay niya alam kong patay na siya. Lumabas ako ng kotse. Gumapang ako paalis dahil nakabaliktad ang kotse. Nang makalabas ako ng kotse ay napaubo ako ng dugo. Nakaramdam ako ng sakit sa tiyan ko. Pagtingin ko may malaking bubog ang nasa tiyan ko. Dahan-dahan ko iyong tinanggal. Bali na ata lahat ng buto ko sa katawan pero ni katiting na sakit wala akong mararamdaman. Di ko na kaya.

Nanghihina na talaga ako at mas lalong bumigat ang talukap ng mga mata ko. Nakita kong may sapatos na huminto sa harap ko. Base pa lang sa sapatos ay alam kong babae ang may-ari nun. Tinignan ko siya. Di ko makita ang mukha niya dahil nanlalabo na ang paningin ko.

"Please. Kill me now" sabi ko habang umiiyak

"You can't die right now kid. Meron ka pang tadhanang kailangan isakatuparan" sabi niya saka ako binuhat

"Who are you?" tanong ko

"Just a friend" sabi niya

Doon na ako tuluyang nawalan ng ulirat. Pero bago yun may narinig akong pagsabog.

Akala ko impiyerno na ang naranasan ko sa kamay ng magulang ko. Yun pala doon palang nagsisimula ang malaimpiyernong kong buhay.

-------

"Tama na! Di ko na kaya!!" sigaw ko kay calissa. Nilalatigo niya na naman kasi ako. Nakagapos ang mga kamay ko habang ginagawa niya iyon.

I'm just a child for petes sake! This is purely hell.

"Shut up akisha! Di tayo titigil hanggang sa matutunan mong wag masaktan at umiyak sa mga gagawin ko!" sabi niya

"T-tama na. D-di ko na kaya. P-patayin mo na lang ako" nanghihinang sabi ko

"Enough with the drama akisha! You need to endure this! Hindi sapat na hindi ka nakakaramdam ng kahit anong emosyon. You need to be strong and tough!" sigaw niya at mas nilakasan ang paghampas ng latigo

"Aaahhhhhh!" daing ko

"H-hindi ko naman ginusto ito" sabi ko

"You can't do anything about it, Akisha! It's your own fate! You need to do this even if you don't want to" sabi ni Calissa

Si Calissa ang babaeng nagligtas sakin. Simula noong niligtas niya ako kinupkop niya na ako. Noong una di pa ko nagsasalita dahil sa trauma sa nangyari. Tinuturuan niya ako kung pano makipaglaban at kung paano ko magagamay ang tamang pag gamit sa mga kapangyarihan ko. Sinanay niya ako sa pakikipaglaban at sa sakit. Araw-araw 200 latigo ang natatanggap ko mula sa kanya. Sinanay niya ang katawan ko sa sakit sa tama ng baril, sa suntok at saksak ng mga patalim. Lagi niya ako pinagsusuot ng mga weights sa binti at sa braso na sobrang bigat. Kailangan suot ko yun saan man ako pumunta. Araw-araw niyang ginagawa ang mga iyon. Sa bawat luha na lalabas sa mga mata ko triple nun ang gagawin niyang pagtotorture sakin. Ang masama pa bawal akong manlanban. Kailangan ko yun tanggapin ng buo. Torture in short. Lahat na ata ng uri ng pangtotorture nagawa niya na sa akin. Lahat yun ininda ko ng matagal na panahon. Ilang beses na akong muntik mamatay dahil sa mga ginagawa niya. Araw-araw kalahati ng katawan ko ay nasa hukay sa mga kamay niya.

Ang sabi niya di daw sapat ang magaling lang ako sa pakikipaglaban kailangan daw kaya ko daw indahin lahat ng sakit mapa emosyonal o pisikal. Kailangan daw masanay ng katawan ko sa sakit para sa susunod na masaktan ako ng sa ganoon daw ay walang makapanakit sakin ninuman sa kahit anong paraan. Kailangan ko daw munang maranasan mamatay bago mabuhay. Kailang ko munang maranasan ang impiyerno bago ko maranasan ang langit.

Dapat daw matuto akong maging parang isang bato dahil may posibilidad daw na biglang isang araw makaramdam daw ako ng emosyon. Kaya dapat daw maging handa ako. Dapat daw bago mangyari iyon ay kaya ko ng ihandle ang kahit anong klaseng sakit or emosyon kung sakali mang makaramdam ako ng emosyon.

Noong unang beses ko halos iyak lang ako ng iyak. Halos di na din ako makatayo dahil bugbog na ang katawan ko. Piling ko nga mamatay na ako. Ikaw ba naman ilang bala at patalim ang itarak sayo araw-araw tignan lang natin kung mabuhay kapa. Naalala ko pa ang sabi niya noon.

'Akisha kailangan mong masanay sa sakit! Di ka dapat umiiyak sa ganito lang. Kailangan mong maging matatag at matapang. Malupit ang mundo Akisha. Di ka makakasurvive sa mundong ito kung magiging mahina ka. You shouldn't give your enemy any satisfaction to see you miserable ang hurting. The lesser pain you feel the more advantage you can have and you shouldn't just focus with that you should also be wiser than your enemy. Always remember that. Brain first before anything else' yan ang sabi niya noon

She teach me how to be heartless, merciless and ruthless. Sinabihan niya ako ng mga masasakit na salita. Araw-araw pinapamukha niya sakin ang reyalidad na walang magmamahal sakin. Isa na daw na katibayan ay ang mga umampon sakin, ang mga totoo kong magulang at si ash. I was always crying at first but when the time goes by. It doesn't have affect on me already. I became numb. Nagsawa na ata ang puso kong masaktan.

Ang sabi kasi ni Calissa na merong mga kalaban na ang ginagamit na sandata ay mga salita at yung iba naman ang pinupuntirya ay ang mga kahinaan mo katulad na lang ng mga emosyon at mga mahal mo sa buhay. Ang sabi niya di lang dapat physical ang malakas dapat daw pati na ang pag-iisip at puso.

"Ano ayaw mo na Akisha? Para din sayo ito kaya tiisin mo! Meroon ka pang gagampanan na malaking tungkulin!" sabi niya

'Bang!' pinaputukan niya ako pero mabilis ko iyong nasalo.

"Ano ba ang sinasabi mong tungkulin na gagampanan ko?" malamig na tanong ko sa kanya

"Di pa ngayon ang tamang oras para malaman mo yun" sabi ni Calissa

"So I can't even know the reason why I have to endure all these sh*ts? You've got to be kidding me."

"Saka ito na ang huling beses na sasanayin kita"

"What do you mean?"

"Aalis na ako. Kailangan ko ng bumalik sa mundo ko. Tapos na kasi ang kailangan kong gawin dito." sabi niya pero di ako sumagot. I don't care even if she leaves.

"Always remember what I told you. Sarili mo lang ang mahalin at pagkatiwalaan mo. You shouldn't have care nor love other people because you will just bring their own death to them" sabi niya

"Just go to hell Calissa. I don't need any sh*ts from you" sabi ko saka lumapit sa mesa at uminom ng tubig. Yung mga peklat na natamo ko mula sa mga torture ni calissa ay pinatanggal ko na sa dermatologist.

Simula noong araw na iyon di na siya muli pang nagpakita. Sana wag na siyang magpakita ulit. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan mas pipiliin ko pang mamatay kaysa mapunta sa kamay niya ulit.

Lahat ng paghihirap na dinanas ko sa mga kamay ni Calissa para sa akin ay isang malaking bangungot. Lahat ng parte ng nakaraan ko ay isa na lang na malaking bangungot sakin.

---

ASH'S POV

Ilang araw na ang lumipas simula noong maganap ang grand ball. Ilang araw na din naming di nilulubayan si akisha. Di na din siya nagdidisguise. Pagkatapos nung nangyari sa grand ball lahat ng estudyante dito takot na sa kanya.

Pero di mababago nun na kaibigan parin namin siya. Naniniwala kaming may pag-asa pa siyang magbago. Para na din magbago ang isip niya at iligtas ang mundo.

Papunta ako ngayon sa dorm ni akisha. Susunduin ko siya ako kasi ang inutusan nila lia well ang tamang sabihin ay nagprisinta.

Huminto ako sa tapat ng dorm ni akisha at kumatok. Ilang beses akong kumatok pero walang sumasagot. Pinihit ko ang door knob at nakita kong bukas pala ang pinto. Kaya pumasok na lang ako. Pumunta ako sa kwarto niya at pagkapasok ko ay nakita ko si akisha na natutulog.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya. Habang lumalapit ako ay ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Nang makalapit ako ay tinitigan ko siya ng malapitan. She really look like a goddess. She can surpass the beauty of a goddess. She's Helen of troy and Aphrodite personified. She really possessed a dangerous beauty.

Heart shape face. Pink hair. Long and thick eye lashes. Proud and straight nose. Pink lips. Rosy cheeks. Skin that was like a snow.

Nagulat ako ng bigla siyang umiling. Kumukunot at pinagpapawisan din ang noo niya. She maybe having nightmares!

"Akisha! Akisha wake up!!" sigaw ko at bahagya siyang inalog ng dahan-dahan. Pero hindi siya gumigising.

"Wag! Tama na! Ayoko na!" sabi niya habang panay parin ang iling

"Akisha wake up!" sigaw ko sa kanya habang inaalog parin siya. Kinakabahan na ako sa inaakto niya.

Bigla na lang siyang napabangon pero nakapikit parin siya at panay ang iling.

"Aaaahhh!! Tama na!!" sigaw niya habang kinakalmot ang mga braso niya at bigla niyang sinabunutan ang sarili niya

"AKISHA! PLEASE WAKE UP!!" malakas na sigaw ko dahilan para mapadilat siya. Ilang beses akong napamura sa isip ko ng makita ang mga mata niya.

Her eyes! Damn! Her eyes are lifeless. Yes, her eyes was always cold and emotionless. But f*ck it!! Its different this time. I can even see death in her eyes!! It scaring the hell out of me!!

Pero agad din iyong nawala at bumalik sa pagiging emotionless. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya and I find it hot. Damn! Hindi ngayon ang tamang oras para sa kamanyakan mo!

"What happened to you akisha? Are you okay?" tanong ko tumango na lang siya. Nahagip naman ng paningin ko ang mga braso niya na kinakalmot niya kanina.

"Your arms! Its bleeding! Kailangan nating gamutin iyan" nag-aalalang sabi ko kaya napatingin siya sa braso niya na para bang ngayon lang napansin iyon. Pero tinignan niya lang iyon na para bang wala lang iyon at tila di siya nakakaramdam ng anumang sakit mula doon.

"Don't mind it. Its nothing" sabi niya at napailing na lang ako saka tumayo at hinanap ang medicine kit. Nang tuluyan ko ng makita kung nasaan ang medicine kit ay agad ko iyong kinuha at bumalik sa kung nasaan si akisha. Nakita kong nakatulala lang siya tila malalim ang iniisip. Ano kayang napanaginipan niya at ganoon na lang ang naging reaksiyon ni akisha? Ni minsan kasi di ko na imagine na magkakaganoon si akisha.

"Akisha what's wrong?" tanong ko saka umupo sa gilid ng kama. Pero di na siya sumagot at tinignan niya lang ako. Napabuntong hininga na lang ako.

Kinuha ko ang braso niya saka ginamot ang mga sugat niya. Tinignan ko siya habang ginagamot ko siya pero wala lang siyang reaksiyon ni hindi nga siya dumaing. Mukhang masakit at malalim ang mga sugat niya pero wala akong narinig ni isang daing mula sa kanya.

"Ahm akisha naiintindihan ko kung ayaw mong sabihin kung ano man yung problema mo. Pero lagi mong tatandaan na kung may problema ka sabihin mo lang. Nandito lang kami para sa iyo. Pwede mong sabihin lahat samin. O kahit di na sa kanila kahit sakin na lang. Naging magkaibigan parin naman tayo diba?" sabi ko pero di parin siya sumagot at humiga lang siya ulit habang nakatingin sa kawalan.

Why so cold akisha? Is my lovely and sweet little akisha's really gone? Ganito siguro ang nararamdaman nila Lia sa tuwing tahimik lang ako at di sumasagot sa mga tanong nila. Pagdating lang naman kay Akisha ako nagiging madaldal eh. Umupo ako sa tabi niya at marahang hinaplos ang buhok ni akisha at nakita kong bumibigat na ang mga mata niya.

"Matulog kana Akisha. Di ako aalis. Dito lang ako sa tabi mo. Kung sakaling bangungutin ka ulit nandito lang ako para ibalik ka sa reyalidad tandaan mo iyan. So you don't need to worry" sabi ko at hinawakan ang kamay niya saka lang siya tuluyang napapikit.

Siguro dahil na din sa dala ng bugso ng damdamin kaya nabigkas ko ang mga salitang matagal ko ng tinatago mula pagkabata namin na akala ko matagal ng nawala.

"I love you Akisha"

-------

To be continued......

Continue Reading

You'll Also Like

502K 35.3K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
31.8K 995 49
[VAMPIRE DUOLOGY BOOK 1] Everyone can change, the reason behind is either about their society or the people around them. But what if her society is f...
8.9K 439 38
Science and Technology is at their peak at our generation. Using this, we create innovations and different useful items or food. Cure for diseases...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...