Please Fight, Samantha (Monte...

By loyalgirl98

27.9K 798 12

"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
EPILOGUE
Alexa
HOW TO FIGHT

Last Chapter 50

640 14 4
By loyalgirl98

Please play the music video while reading this.

"Bruha ka! Namiss kita!" Kanina pa yakap ng yakap si Cath sa kanya at kanina pa din niya ito inaalo at hinahalikan sa pisngi.

"Tama na 'yan Cath. Kanina mo pa ako niyayakap eh. Eto na oh, last na 'to." At tsaka niya binigyan ng isang mahigpit na yakap si Cath at lahat ng kaibigan niya. Pati na din ang mga kaibigan ni Wadensel.

Lastly ay niyakap niya din ang mga kapatid niya.

"Happy Birthday, Sam." Sabay-sabay na sabi nila at nagpangiti sa kanya. Mas lalo niyang niyakap ang mga kuya niya ng mahigpit sa sayang naramdaman niya.

"Thank you! Thank you!" Masayang pumalakpak siya habang hawak ng mga kaibigan niya ang cake. Nagwish muna siya bago niya iti hinipan.

Lumapit sa kanya ang mga magulang niya at malambing na niyakap nila ito.

"Dalagang-dalaga na ang anak ko. Happy Birthday." Hinalikan siya ng mommy at daddy niya sa noo nito at hinalikan niya naman ang mga ito sa pisngi.

Nagsimula na silang nagkakasiyahan at nagtatawanan kaya tumayo si Sam para puntahan ang magulang niya.

"M-Mom. I want to go to Wadensel." Nagkatinginan silang lahat at napatigil sila sa pagkwekwentuhan.

Kanina pa siya nakikipagbonding sa mga kasama niya at ngayon ay gusto niyang puntahan ang taong kanina pa niya hinahanap.

"Okay. Gusto mong samahan ka namin?" Umiling lang ito at tsaka ngumiti.

"I want to be with him." Nakangiting tumango naman ang mga magulang niya.

"Okay anak. Mag-ingat ka." Nakangiting sabi ng kanyang ina.

Nakangiting pinagmasdan niya ang pamilya niya at tsaka siya bumulong ng..

"I love you and thank you." Napangiti naman sila at nag-I love you too.

Nakamasid lang ang lahat sa galaw ni Sam dahil baka may mangyari dito hanggang sa makalabas siya.

"I'm glad she's awake." Nakangiting sabi ng kayang mommy.

"Yeah. Ang tagal nating hindi nakitang ganyan kasigla si Sam." Nakangiting sabi ni Zeijan.

Sa kabilang kwarto naman ay agad na nakita ni Sam ang kasintahan na mahimbing na natutulog. Napangiti siya ng makita itong parang batang nakatulog.

Marahang tumabi siya sa kama habang ang kalahating katawan niya ay nakahiga at ang kalahati ay nakatunghay sa kanya habang naka-side habang hawak ang litrato nilang dalawa. Hinalikan niya ito sa noo na ikinagalaw niya ng konti pero hindi nagising.

Napapangiti siyang napahiga ng tuluyan sa kama at tsaka siya umunan sa dibdib neto. Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang ayaw niya na itong pakawalan.

She heard him groan kaya napaangat ang tingin niya dito. Marahan niya tinusok ang matangos na ilong nito at ang pinasadahan ang makapal niyang kilay ng kanyang kamay.

Naalimpungatan naman si Wadensel dito. Ramdam niyang may humahaplos sa mukha niya at bigla siyang napamulat ng maamoy ang pamilyar na gustong-gusto niya.

Nakangiting mukha ni Samantha ang bumungad sa kanya.

"I-Is this real?" Napatawa si Samantha ng bigla niya itong kurutin sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata niya ng mapadaing si Sam habang tumatawa. Nang hindi pa nakuntento ay hinawakan niya ang panga ng dalaga habang hinahaplos ang mukha neto.

"Y-You're real." Mahinang sabi niya at tsaka sabay-sabay na tumulo ang luha niya.

Napatigil naman siya sa pagtawa at nanlaki ang mga mata ng makita niyang umiiyak ang lalaking mahal niya. Muli niya itong niyakap ng mahigpit at tsaka siya umiyak sa bisig ni Sam habang paulit-ulit na nagsasabi ng 'I missed you'

Marahang hinaplos niya naman ang likod nito at hinayaang umiyak sa kanya. Nanikip ang dibdib niya habang pinapakinggan ang mahinang pag-iyak ni Wadensel sa bisig niya.

Ngayon niya lang nakitang ganito ito kahina. At siya ang unang babaeng nakakita kung paano maging mahina ang isang Wadensel. At yun ay dahil kay Sam. Siya ang kahinaan ng binata.

Nang alam niyang tapos ng umiyak ang binata ay hinawakan niya ito sa mukha at tsaka niya pinunasan ang mukha ng binata.

"I missed you too." Matamis ang ngiting iginawad niya at tsaka niya ito binigyan ng halik sa noo.

"Ganito pala kahirap kapag nakita kitang umiiyak." Nawala ang ngiti sa labi niya at tsaka siya tinitigan.

"Ang sakit babe. Sobrang sakit marinig ang boses mo kaninang nagsusumamong lumaban ako. Pero mas masakit pala kapag nakita ko na kung paano ka umiyak ng dahil sa akin." Kumawala ang luha sa mga mata niya at si Wadensel naman ang pumunas ng luha niya.

"A-Ang sakit dito babe." Turo niya sa dibdib niya.

"A-Ayokong nakikita kang umiiyak." Umiiling-iling na sabi niya habang lumuluha. Niyakap naman siya ni Wadensel at paulit-ulit na inaalo.

"Shh. Stop crying babe. Ang mahalaga andito ka na sa tabi ko." Tumango-tango naman ito at tsaka ito umupo ng maayos.

Pero hindi pumayag si Wadensel na sa tabi niya ito uupo. Marahang inalalayan niya ito para makaupo sa kandungan niya habang nakaside ang paa ni Sam at nakaharap kay Wadensel.

She cupped his face habang tinititigan niya ito. Nabasa agad ni Wadensel sa mga mata ni Sam kung gaano siya nasasaktan sa nakita niya.

"Mangako kang hindi ka na iiyak para hindi din ako iiyak." Sabi neto. Hinalikan niya ito sa kamay at tsaka siya ngumiti at tumango.

"Nagugutom ka ba?" Malambing na tanong niya sa babae. Napapangusong napailing naman ito.

Hindi tuloy niya maiwasang matawa dahil isa ito sa namiss niyang gesture ni Sam. Yung biglang yayakap sa leeg niya habang nakapout. Napatingin naman siya sa lips neto. It's like that lips were inviting him to kiss her.

Nang hindi siya nakapagpigil ay hinalikan niya ito. Buong pusong tinugon naman 'yon ni Sam at mas lalong idikit ang katawan kay Wadensel. Unti-unti naman silang napahiga hanggang sa tuluyan ng nasa ibabaw si Sam. Namumutla man ay halata parin ang pamumula ng pisngi nito ng tumigil sila ni Wadensel para humagip ng hangin.

"I love you, Wadensel. I'm so sorry for hurting you. Sana mapatawad mo 'ko nung iniwan kita." Marahang hinawakan niya ang ulo nitong walang buhok.

Pero kahit ganun ay hindi nabawasan ang ganda ni Sam. Siya lang yata ang babaeng may Leukemia na maganda kahit wala siyang buhok.

Paulit-ulit na hinalikan ni Wadensel ang noo ng dalaga.

"I love you too, babe. Hindi ka pa humihingi ng sorry ay pinatawad na kita. Hindi ko kayang magalit sayo. Ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin ka ng higit pa sa sarili ko. Kaya 'wag mo na akong iiwan ha? Sabay nating haharapin ang bagong pagsubok ng buhay natin." Malambing saad niya.

Ngumiti naman si Samantha habang nakatitig kay Wadensel na para bang kinakabisado niya ang mukha nito.

"Mahal na mahal na mahal kita, Samantha Mika Montecillo. Ikaw lang ang babaeng mahal ko at patuloy na mamahalin ko. I love you." Madamdaming sabi sa kanya ng nobyo.

Mas lalo siyang napangiti at binigyan ng paulit-ulit na halik sa labi na ikinatawa nilang dalawa. Madamdaming nagtitigan ang dalawa hanggang sa tumunog ang cellphone ni Wadensel.

Sinagot niya naman ito habang nasa bisig niya ang dalaga at nakatitig parin sa isat-isa.

"Hey son! Gising na daw si Sam? Papunta na kami diyan. Kasama mo ba siya? Gusto-gusto siyang kausapin ng mommy mo pero siyempre pati ako. Kaya pakibigay na yung phone sa kanya." Natawa silang dalawa sa sinabi ng daddy niya.

Sa daming panahon ang lumipas ay nagkaayos din sila ng stepmother niya at yun ay dahil sa tulong na din ni Samantha.

"Hindi siya pwedeng humawak ng cellphone dad. Nakayakap siya sakin kaya iloloudspeaker ko nalang." Ni-loudspeaker naman niya yung phone niya.

"Hello po!" Masiglang bati ni Sam na ikinangiti ni Wadensel.

Masaya siyang pinagmasdan ni Wadensel habang kinakausap niya ang mga magulang niya sa cellphone. Mukhang aliw na aliw si Sam sa pakikipagusap sa magulang ni Wadensel kaya hinayaan niya nalang ito habang nakatitig dito. Pero maya't-maya niya itong hinahalikan sa labi at natatawa doon si Sam.

"Thank you po sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo wala akong makikilalang Wadensel. Thank you for bringing him into this world for me. Kahit na masungit siya sakin nung una ay nagawa niya paring magbago at magmahal. Thank you po. Mahal na mahal po namin kayo ni Wadensel. Pero mas mahal ko po ang anak niyo." At tsaka sila nagtawanang lahat.

Pilit na itinatago ni Wadensel ang mukha niya sa leeg ni Sam dahil sa kilig.

"Naku. May kinikilig na naman diyan. Oh siya, papatayin na namin itong tawag. Papunta na kami diyan." Sabi ng daddy ni Wadensel.

"Goodbye po. Thank you po sa inyo." Nakangiting paalam sa kanila ni Samantha.

Hindi alam ni Wadensel kung bakit siya nakaramdam ng kaba pagkatapos ng tawag. Napawi lang 'yon ng makitang nakangiti si Sam sa kanya.

"Thank you for loving me, Wadensel. Mahal na mahal na mahal kita. Sobra-sobra pa sa salita. Sorry talaga sa lahat." Tsaka siya nagpout. Nanikip ang dibdib neto sa inasal si Samantha.

"Stop saying sorry and thank you. I love you nalang. Kasi mahal na mahal din kita, babe." Ngiti niya dito.

Isinubsob naman ni Samantha ang mukha niya sa dibdib ni Wadensel. Inihiga niya muna ng maayos si Samantha sa tabi niya. They cuddled in bed just like the old times.

Naramdaman ni Sam ang malamig na bagay sa leeg niya at napahawak naman siya dito.

Isang kwintas at ang pendant mismo ay isang singsing.

"Happy Birthday, babe." He said and gently kissed her temple. Napapangiting napapaluha naman si Sam.

"T-Thank you." Madamdaming pasalamat niya na may halong pagmamahal tsaka siya yumakap ulit kay Wadensel pero nasa kwintas ang tingin niya habang nakangiti.

"I'll wear it to you when the right time comes." Bulong niya.

May inilabas na bracelet si Sam sa bulsa ng dress niya. Kinuha niya ang isang kamay ni Wadensel at tsaka niya 'yon isinuot.

"I want you to keep my old bracelet then. This represents me when I may not be able to be on your side. Hindi sa lahat ng panahon magkasama tayo." Ngumiti ito sa kanya pero si Wadensel ay seryosong nakatingin sa kanya. Na para bang ayaw niya yung narinig niya. Para kasing may balak siyang iwan siya ulit.

"Are you going to leave me again?" Kunot noong tanong niya dito.

Ngumiti naman si Sam habang umiiling at malambing na hinaplos ang panga nito.

"I'm not going to leave you. I'll be always on your side." Nakahinga naman ng maluwag si Wadensel at tsaka niya hinalikan ang kamay ni Sam.

"Tulog muna tayo. Mamaya ipapasyal kita. Where do you want to go? Hmm?" Malambing na tanong niya dito.

Nakita niyang nakangiting napapikit si Sam.

"Somewhere peaceful and beautiful. I want to go there. Will you let me go there?" Hindi nakapagsalita si Wadensel pero ng makita niya ang masayang mata ni Sam ay mukhang gustong-gusto talaga nitong pumunta doon kaya tumango nalang siya habang napapangiti.

"Of course. We'll go there later. Matulog muna tayo para may lakas tayo mamaya, okay?" Marahang tumango si Sam na parang bata at napatawa siya doon.

"Thank you and I love you, babe!" Hyper na sabi sa kanya ni Sam at tsaka niya hinalikan sa labi si Wadensel. Napapangiting tinugon naman niya ito hanggang sa kapusin sila ng hininga.

Iyon na yata ang pinakamasarap na halik na natikman niya. Ang mga halik ng babaeng mahal niya.

Yakap-yakap nila ang isat-isa habang ang isang kamay ni Sam ay nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Wadensel. Nakangiti at kontentong pinagmasdan ni Wadensel si Sam na natutulog sa dibdib niya.

Pero kumabog ng malakas ang dibdib niya ng may mapansin siya.

Pansin niya ang kakaibang paghinga ni Sam. At unti-unting nawala ang ngiting nakapiskil sa mga labi niya nang mapagmasdan ang kamay nila.

Hindi.

Ang mga kamay ni Sam na mahigpit na nakakapit sa kanyang kamay ay bigla nalang lumuwag at tuluyan ng bumitaw sa kamay niya at nalaglag sa tabi niya ang kamay ni Sam. Kasabay nun ang pagtigil ng paghinga ni Sam.

Bigla siyang napaupo at inilagay si Sam sa kandungan niya at paharap na isinandal ito sa kanya.

Dahan-dahan niyang pinasadahan ng tingin ang babaeng mahal niya hanggang sa makita niya ang medyo nakangiting labi niya pero nakapikit na.

"N-No... S-Sam?.... Sam... Sam please... S-Sam..." Marahang gising niya dito at mahinang yugyog niya.

Sunod-sunod na napaluha siya habang pinipilit na gisingin si Sam.

"S-Sam naman oh... D-Diba sabi mo... H-Hindi ka na aalis?" Mahigpit na niyakap niya ang walang buhay ni Sam at mahinang napahagulhol.

She just died in his arms.

"D-Dadalhin pa kita sa gusto mong puntahan eh." Humihikbing bulong niya dito.

"Bye po. Thank you po sa inyo."

"Thank you for loving me, Wadensel. Mahal na mahal na mahal kita. Sobra-sobra pa sa salita. Sorry talaga sa lahat."

"I want you to keep my old bracelet then. This represents me when I may not be able to be on your side. Hindi sa lahat ng panahon magkasama tayo."

"I'm not going to leave you. I'll be always on your side."

"Tulog muna tayo. Mamaya ipapasyal kita. Where do you want to go? Hmm?"

"Somewhere peaceful and beautiful. I want to go there. Will you let me go there?"

"Thank you and I love you, babe!"

Mas lalo siyang napahagulhol when it all sinked in to him! Lahat ng pinagusapan nila kanina ay may iba palang kahulugan.

Nagpapaalam na pala ito at ang hinihintay lang ni Sam ay ang pagpalaya sa kanya ni Wadensel. She really wants to go because it's already her time.

"Sam!" He painfully shouted at rinig na rinig 'yon sa kabilang kwarto kung nasaan ang lahat para sa paghahandang surpresa kay Sam dahil birthday at gising na siyan.

Nagkatinginan silang lahat at nakaramdam ng kakaiba kaya agad na tumakbo sila sa tabing kwarto.

Doon nila nakita si Wadensel na humahagulhol habang pilit na ginigising si Sam sa bisig niya. Napaiwas at napaupo ang ibang kaibigan ni Sam at Wadensel sa nakikita.

"Oh my God." Singhap ng mommy niya at maya-maya lang ay lumapit sa walang buhay na anak at tsaka napahagulhol. Niyakap agad siya ng asawa na umiiyak.

"Damn! Bakit kapatid ko pa?! Bakit?!" Clyde shouted hanggang sa mapaupo ito at walang lakas na napahagulhol.

Ang dalawang kuya niya naman ay mahinang humihikbi at pinipigilang mapahagulhol.

"M-Mommy? B-Bakit siya pa?" Napatingin naman si Clyde sa kawalan habang humihikbi pero hindi pa tapos umiyak.

"A-Ang dami niyang hindi naranasan sa mundo ng dahil sa lintik na sakit na 'yan! Tapos kukunin din siya?! S-Sobrang bait ni Sam pero bakit? A-Ang daming masasamang tao diyan! B-Bakit kasi siya pa?! K-Kapatid ko pa?!" Napahagulhol silang lahat sa sinabi ni Clyde.

Nagyakapan naman ang mga magulang ni Wadensel habang umiiyak.

"S-She makes her birthday as her farewell." Humihikbing sabi ni tita at tsaka niya hinalikan si Samantha sa noo at ganun din ang ginawa ng lahat.

Napatingin sila kay Wadensel na mukhang walang balak pakawalan ang katawan ni Samantha dahil sa higpit ng pagkakayakap niya dito.

"Y-You need to let her go now, son." Napatingin siya sa mga magulang niya at kay Samantha na sobrang putla na.

Mas lalo siyang natakot na kapag pinakawalan niya ito ay hinding-hindi na niya ulit ito mahahawakan kagaya ng dati. Hinding-hindi niya na ulit makikita at hinding-hindi niya na ito makakasama.

"It's about time to let her go to her destination. She's been fighting for so long for us. At hanggang dito nalang ang kinaya niya para makasama tayo. Hanggang sa huling kaarawan na lang ng kapatid ko. We need to accept this. Kahit m-masakit." Napahikbi si Jayden at tsaka siya tumuloy sa pagsasalita.

"We know her well. Gustong-gusto niyang kasama ang lahat ng mga taong mahal niya sa kaarawan niya. And she's a good fighter at nagawa niya 'yon. I wish she keeps on fighting but she reached the limits. Hanggang dito nalang siya." Kinuha niya ang kamay ng kapatid niya at kahit malamig 'yon ay hinalikan niya parin ito habang umiiyak.

"She already fight enough." Jayden sobbed while caressing the hair of her sister.

"You've been through a lot baby sister. Thank you for fighting with us kahit nahihirapan ka na. I-I love you bunso. M-Mahal na mahal ka na namin ng mga kuya mo." At tuluyan na siyang napahagulhol. Niyakap agad siya ng kanyang ina.

"I can't imagine our life without you. Pero kahit masakit at sobrang hirap para sa amin. Gagawin namin. You'll remain in our hearts. Bantayan mo kami ng mga kuya mo ah?" Napaluha siya at binigyan ng halik sa pisngi ang kapatid niya.

"S-Son.." Napatingin silang lahat kay Wadensel na parang gripo ang mata dahil kanina pa hindi maubos-ubos ang luha.

"Let her go, son. It's her time." Napahikbi siya at tsaka niya mas lalong niyakap ng mahigpit si Sam.

Nagpakawala siya ng mahinang hagulhol bago hinalikan ang ulo nito.

"I love you, Sam." Malambing na bulong niya dito at tsaka niya ito maingat na binuhat papunta sa kwarto niya.

Inihiga niya ito sa kama niya at mas lalong tumulo ang luha niya. Nakatungo lang siya dahil takot na takot siyang iwan ni Samantha pero hanggang dito nalang talaga.

Huminga siya ng malalim at tsaka niya ito dinampihan ng halik sa labi bago ito pakawalan.

"I'm letting you go now, babe. I love you so much." Bulong niya rito at tsaka tuluyang lumayo.

Kinuha na si Sam ng taga morgue at ng mailabas ay doon na tuluyang napaluhod si Wadensel ng makita ang litrato sa dingding sa may headboard ng kama ni Sam.

Halos lahat sila ay napaluha sa nakita. Litrato nilang lahat na kasama si Sam.

"Mangako kang hindi ka na iiyak para hindi din ako iiyak."

Pumasok sa isip niya yung sinabi ni Sam sa kanya.

'Patawad Sam pero hindi ko kayang tuparin ang promise na gusto mo. Ang hirap. Sobrang hirap at sobrang sakit.' Bulong nito sa isip niya habang pinagmamasdan ang litrato nila ni Sam sa dingding at dahang-dahang hinaplos yun.

Hanggang sa mapatigil siya sa last picture na nakita niya. Yung nakahalik si Sam sa kanya doon sa picture. Malungkot na napangiti siya hanggang sa napahagulhol siya ulit.

'Damn it. Mas lalo mo 'kong pinapahirapan, Sam. I promise. Magsasama tayo diyan. Susunod ako. Hindi ko kaya, Sam. I'm sorry.' Humihikbing bulong niya sa isip niya.

Continue Reading

You'll Also Like

18.7K 2.4K 53
Camille Martinez is a simple girl, a high schooler who have a scholarship in Brentson Academy. She grew up in the Children's Center and start her chi...
1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson
121K 2.5K 35
Si Mila na may tahimik na buhay ay pinahiya ang sikat na grupo sa harap ng madaming tao. Sino bang matino ang magsasabi ng "Sorry, im definitely NOT...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...