A CoLLectiOn of HOrrOr StOrie...

By KYRAYLE23

23.4K 395 20

This is a collection of different horror stories. Para sa mga taong mahilig magbasa ng kwentong kat... More

INCUBUS BABY (prologue)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
sEcOnd bOok
MIDNIGHT BRIDE (prologue)

CHAPTER 6

1K 18 0
By KYRAYLE23

CHAPTER 6

                  Sa araw na ito ang ika-pito’ng buwan ng pagbubuntis ni Krisha. Sa araw-araw na dumadaan ay hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi normal ang bata na dinadala nya sa kanyang sinapupunan.

                Karaniwan na pagbubuntis ng isang babae, ay ramdam na nya ang paggalaw ng sanggol sa sinapupunan sa ikalimang buwan pa lamang ng kanyang pagbubuntis. Ung iba nga, ay bago mag-limang buwan ay tila umaalon na ang kanilang tiyan sanhi ng paggalaw ng bata sa loob ng tiyan.

             Iba ang kaso ni Krisha, Pitong buwan na kasi ang kanyang dinadala ay hindi pa nya ito nararamdaman na gumalaw o bumubukol man lang. Alam din iyon ng kanyang ina kaya nag-alala ito sa kalagayan ng apo sa kanyang sinapupunan.

               Sa araw na iyon ay nagpasya ang kanyang ina na dalhin sya sa clinic upang magpa-ultrasound. Upang malaman na rin na maayos ang kalagayan ng bata.

               Nang makaalis si Felipe papunta sa bukid ay umalis na rin ang mag-ina.

              Sa mga oras na ito ay naroon na sila sa Clinic at inaantay na lamang na matawag ang kanilang pangalan. Mga ilang buntis pa ang nauna sa kanila kaya maghihintay sila. Hindi naman nainip si Krisha. Kahit na mainit ang kanyang dugo sa bata sa kanyang tiyan ay nai-excite din naman sya na malaman ang kalagayan nito kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito gumagalaw.

              Makalipas ang hindi naman kahabaang paghihintay ay naroon na si Krisha sa loob ng pagsasagawaan ng ultrasound. Nakahiga sya sa isang single bed na higaan at may nakatakip na kumot sa kanyang pang-ibabang bahagi ng katawan.

          Kasama nya roon ang kanyang ina, may pinahid muna sa kanyang tiyan na isang napakalamig na parang gel bago inilapat roon ang isang aparatu na titingin sa kanyang sanggol.

            Nakikita ni Anita sa mukha ng nagsasagawa ng nasabing ultrasound ang pagkagulat sa tuwing iginagalaw nito ang aparatu.

            “ bakit po Maam? Anong nakikita ninyo?” aniya.

           “ buntis po ba talaga ang anak ninyo Misis?”

        “ Opo, kita nyo naman po di  ba? Malaki ang kanyang tiyan? Saka iyon din ang sabi ng Doctor na tumingin sa kanya noong pina-check-up ko sya”

       “ may problema ho ba?”

       “ Hindi ko  po kasi nakikita ang sanggol sa kanyang sinapupunan”

       “ wala po’ng sanggol”

       “ hindi po sya buntis!”

       “ paano po  iyon nangyayari Maam? Buntis po talaga ang anak ko”

       “ demonyo nga kasi ang bata’ng yan!” sabat ni Krisha na agad naman’g tinakpan ni Anita ang bibig sa pamamagitan ng kanyang kamay.

       “ tapos na  po, antayin nyo na lamang po ang result maya-maya”

        Matapos linisan ang tiyan ni Krisha na puno ng gel, ay inayos nya ang kanyang sarili at lumabas na sila ng silid na iyon. Sa labas na lamang nila inantay ang resulta nito upang maibigay sa Doctor na babasa niyon.

      Hindi naman matagal ang kanilang paghihintay dahil mabilis naman na nai-print ang result ng test kaya agad silang nagtungo sa silid ng Doctor na magbabasa ng naturang result.

         Nang mahawakan iyon ng Doctor ay tumingin ito sa kanila, maya-maya ay muling ibinalik ang mga mata sa binabasa at muling tumingin sa kanila. Palipat-lipat ang mga mata nito sa hawak na test at sa kanilang mag-iina.

           “ okey” pag-uumpisa nito.

           “ hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero hindi ka buntis Iha”

           “ I mean, alam ko na buntis ka dahil ako pa nga ang tumingin sayo noon di  ba? At ako pa ang nagsabi na buntis ka”

           “ at kitang-kita naman na, buntis ka talaga dahil tingnan mo…lumalaki na ang iyong tiyan”

           “ pero ayon sa result nito’ng ultrasound mo, hindi ka buntis! Walang nakitang sanggol sa loob ng iyong sinapupunan”

           “ hindi pwedeng magkamali ang ultrasound, hindi man ito 100% sure pero para lang iyon sa magiging kasarian ng sanggol sa sinapupunan, makikita pa rin dapat ang bata sa loob ng iyong tiyan”

           “ hindi ko alam kung ano ang magiging paliwanag sa nangyari sa iyo”

          “ sa tagal ko na sa aking trabaho, ay ngayon lamang ako naka-encounter ng ganitong kaso”

             Matapos iyon ay umalis na ang mag-ina, na hindi panatag kung ano ang nangyayari sa dinadala ni Krisha. Hanggang sa namalayan na lamang nila ang kanilang sarili na nasa tapat ng bahay ni Manong Burik, ang kilalang magaling na manggagamot sa kanilang lugar. Isa itong albularyo.

      “tao po? Manong Burik nandyan ka ba  sa loob?”

     “ tao po? Manong Burik?”

    “ oy kayo pala iyan Anita? Akala ko kung sino iyong tumatawag sa akin, pasensya na at natagalan ako dahil itong matanda na talaga tayo, mahina na ang aking pagkilos”

   “ nasa kusina kasi ako noong narinig ko’ng may tumawag sa aking pangalan”

   “ halika, tuloy kayo”

  “ maupo kayo dyan”

 “ salamat Manong Burik”

“ ano ba ang atin at napasugod kayo?”

“ nais ko sana’ng patingnan sa inyo itong si Krisha”

“ bakit ano  na naman ba ang nangyayari sa anak mo na ito” anito habang inabot ang kamay ni Krisha upang pulsuhan.

“ nais ko po’ng malaman kung bakit hanggang ngayon, hindi pa gumagalaw ang bata sa kanyang tiyan”

“ pitong buwan na ngayon ng kanyang pagbubuntis ngunit, hindi pa din gumagalaw”

 “ nag-alala ako na baka, patay ang sanggol na kanyang pinagbubuntis”

   Hindi na nila sinabi sa matanda na kagagaling lang nila sa Doctor. Nais na malaman ni Anita ang sasabihin ni Manong Burik na walang nalalaman sa sinabi ng Doctor na tumingin sa anak kanina.

“ Hindi normal ang dinadala nitong anak mo Anita”

“pero magagawan naman natin ito ng paraan”

        Umusal ng orasyon ang matanda. Isa iyong orasyon na ang salita ay Latin, kaya hindi din nila iyon naintindihan. Matapos ang pagbubulong-bulong nito sa ulo ni Krisha ay hinawakan nito ang tiyan ng dalaga.

    “ kung nais mong masilayan ang mundo, at nais mong mabuhay, mamuhay ka ng normal na katulad namin’g mga normal na tao” anito habang hinihimas ang tiyan ni Krisha, at muling bumulong ng isang orasyon at nagdasal sa Panginoon.

       Matapos nitong gawin ang mga bagay na iyon ay naramdaman ni Krisha na humilab ang kanyang tiyan. Napakasakit niyon kaya napasigaw sya sa sakit.

     “ Manong Burik, anong nangyarin sa kanya?” nag-alalang tanong ni Anita.

   “ hayaan mo na lamang muna sya, maya-maya lamang ay magiging maayos din ang kanyang kalagayan”

  “ normal lang ang nangyayari sa kanya”

      Patuloy sa pagsigaw si Krisha.

     “ Maaaaaaa, ang sakit-sakit poooooooooo”

     “ parang binibiyak ang tiyan kooooooo”

     “ araaaaaaaaaaaaayyyyyyy”

      Matapos ang tagpong iyon ay unti-unting nanahimik ang dalaga. Unti-unti na rin kasi’ng nawala ang sakit ng kanyang tiyan at nagulat sya ng may biglang sumipa sa loob ng kanyang sinapupunan.

      Nahihirapan sya’ng huminga ng bumukol ito ng napakalaki na naging sanhi kaya tumabingi ang kanyang tiyan. Natawa na lamang sya ng masaksihan iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natuwa sya sa ginawa ng sanggol sa loob ng sinapupunan.

       “ maayos na ang apo mo Anita”

       “ mamumuhay na sya ng normal, kahit na papaano”

       “ habang narito na rin lang po kami, nais ko nalang din sana’ng itanong sa inyo kung bakit biglang nabuntis ang anak ko, samantalang wala pa ni isang lalake ang nakagalaw sa kanya”

     “ birhen pa si Krisha”

       “ natipuhan kasi ang anak mo ng isang kakaibang nilalang, isang demonyo”

    “ demonyo ang Ama ng apo ko?” gulat na tanong ni Anita.

    “ Oo Anita, pero wag kang mag-alala, ngayong nagamot na natin sya, magiging normal na ang lahat para sa bata”

    “ mabuti naman kung ganoon”

    “ wala akong balak na magkaroon ng demonyo na apo”

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
672K 47.5K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
2.7K 163 29
Para sa mga pusong nag-liliyab, kilalanin si Milagros Joy Dy Mapili na isang Lesbian na walang ibang ginawa kundi magalit sa mundo at kailan man hind...