She is the Boss in 1889

By NyctophiliaNight

206K 8.9K 1.7K

Achieved Highest rank: #12 in Historical Fiction Walang emosyon, Walang awa, Hindi mabuting tao, Brutal kung... More

I'm The Boss
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Author's Note
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31

Kabanata 17

6.2K 230 28
By NyctophiliaNight


THIRD PERSONS POV


NAGKALAT ang mga Kasundaluhan na nasa mahigit dalawampu't walo sa bayan ng Buencamino sa syudad nito at mayroon pang nagsikalat rin sa masukal na gubat nito. Lahat ng mga kasundaluhan ay ang mga tauhan ni Gobernador Mariano.

Nagulanta sila sa kanilang nakita kina umagahan ng mag ikot-ikot sila sa bayan na ito dahil may nakita silang mga bangkay Isang Grupo ng mga Tulisan mistulang mga basura na itinapon at pinagpatong patong pa Nagkalat ang mga natuyong dugo sa buong paligid, Namumutla ang mga bangkay at mulat na mulat ang mga mata nila. Pinag pipyestahan na rin ito ng mga langaw at sobrang sangsang ng amoy nito.

Nagtaka rin sila kung bakit may parang bandila na itinayo sa tabi ng mga bangkay. "Beunos Dias" ang nakasulat ngunit dugo ang ginamit panulat.

Nakapalibot ang mga kasundaluhan sa mga bangkay at nangunguna ang pinaka pinuno nila na si Heneral Eltimor.

May apat na kasundaluhan ang dumating pagkatapos ay sumaludo sila kay Heneral Eltimor.

"Heneral may natagpuan kaming bangkay sa malalim na hinukay na lupa."

Kumunot ang noo nito. "Katulad rin ba ng mga patay na ito ang tinutukoy n'yo?" turo n'ya.

Napatingin naman sila sa itinuro ni Heneral Eltimor. "Hindi po iyon isang tulisan, dahil isa iyon sa mga tagapagbantay na sundalo ng anak ni Gobernador Mariano na si  Señiorita Rowena."

Papaano napunta rito ang taga pag pag bantay ng anak ni gobernador??

*******
                     

"Ano??!  Sinong may kagagawan nu'n?!" malakas na sigaw ni Gobernador Mariano kasama n'ya ang Heneral ng mga kasundaluhan ng bayan ng Buencamino.

"Iyan nga po ang hindi namin matukoy kung sino ang may kagagawan ng pagpatay sa mga taong iyon Gobernador ngunit ang ipinagtataka lang namin ay pare-pareho ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.

Kumkunot ang Noo nito. "Ano ang ibig mong sabihin riyan Heneral?"

"Dahil pagkatapos suriin ito ng manggagamot ang sinabi nito ay ang sanhi ng pagkamatay nilang lahat ay ang pagtigil ng puso at matinding pagsusuka ng dugo, Hindi naman nila ito matukoy kung anong klaseng lason ang ginamit ng gumawa nu'n ngunit mayroon isang may sugat sa bandang ulo hindi nito ngunit hindi namin matukoy kung anong klaseng patalim ang ginamit dahil wala pa kaming nakikitang mga bakas o patalim sa paligid maliban nalang sa mga dala ng mga namatay. Malinis ang ginawang pagpatay nito. Mahabang paliwanag nito.

Biglang nakaramdam ng Matinding Kaba at pangamba si Gobernador Mariano hindi niya maintindihan kung bakit pero isa lamang ang kanyang natitirang paraan para ma solusyunan ang kinakaharap na Suliranin ang hanapin ang pumatay sa mga taong iyon at patayin.

"Tugisin n'yo ang mga taong may kagagawan nu'n at ipadala dito sa bayan ng Delavega!"

"Masusunod po! Gobernador ngunit hindi pa namin na si siguro kung ilan sila.

"Hindi na iyon importante ang mahalaga ay mahuli n'yo ang may kagagawan ng pagpatay."

Nagdadalawang isip pa si Heneral  Eltimor kung sasabihin ba nito ang tungkol sa pinatay na sundalo ng anak ni Gobernador.

Sa huli ay napagpasyahan na lang niya na huwag nalang ipaalam rito
Pagkatapos ng usapan nila ay tumayo na ito at nagbigay galang. "Aalis na po ako Gobernador Mariano kapag may nakalap na kaming impormasyon ay kaagad kong ipapaalam sa'yo."

Sumenyas lang ito bilang sagot pagkatapos ay umalis na ito sa opisina n'ya.

Ikinagagalit n'ya kung sino man ang may kagagawan nu'n dahil nasira ang plano n'ya kapag nalaman nya kung sinong nangahas na taong kumalaban sa kanya ay sisiguraduhin nyang pagdudusahan nito ang ginawa pagpigil rito.

******

KARAMIHAN sa mga taong naninirahan rito sa bayan ng Buencamino ay nagtataka kung bakit maraming mga kasundaluhan na naririto ngayon sa syudad sanay naman sila na may nakikitang mga kasundaluhan ngunit Marami ito kaya labis ang kanilang pagtataka.

May isang grupo ng mga kalalakihan
ang nagbubulong bulungan.

"Ano ba ang nangyayari?

"Hindi ko alam!"

"May hindi ba sila sinasabi sa atin?"

"Alam naman natin na ipinagbabawal ang pagpapakalap ng impormasyon pagdating sa mga opisyal ng iba't ibang bayan kaya nagiging mangmang tayong lahat walang kaalam-alam sa bawat pangyayari sa ating bayan. Nagiging sunod sunuran tayo sa mga kastilang namumuno sa ating bansa."

"Tama ka riyan ngunit ang mga kapwa nating kababayan na mga opisyal ay nakikianib narin sa mga dayuhan na iyan hindi manlang nila iniisip ang mangyayari sa kapwa nila kababayan mga sarili lamang nila ang kanilang iniisip at iniintindi mga duwag sila!"

"Ngunit wala tayong magagawa! Walang matapang o na kayang Mamumuno sa atin upang kalabanin si Gobernador Mariano! Habang buhay na lamang tayong lahat na magiging alipin ng mga kastila sa sarili nating bansa!"

"Ngunit hindi naman lahat ng mga kastila ay masasama! Sadyang may mga nabubulag na iba sa yaman ng ating bansa."

"May punto ka riyan subalit wala rin naman silang magagawa dahil ang pinaka pinuno nila ay s'ya mismo ang nangunguna sa lahat at s'ya rin ang makapangyarihan!"

Matinding pagkadismaya at Galit ang nararamdaman nila ngayon hindi nila lubos maisip na habang buhay silang magiging alipin at sunod-sunuran sa mga kastilang sumakop sa kanilang bansa.

******

                    

NAPANGITI na lamang si Señior Havier sa Binibini na nakita n'ya kanina ngunit hindi s'ya nito pinansin.

Nakasakay s'ya ngayon sa kalesa papunta sa Hacienda nila rito sa bayan ng Buencamino napa aga ang dating n'ya ngunit sa di inaasahang pangyayari ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mamamalagi s'ya rito ng mga ilang araw upang asikasuhin ang mga negosyo nila pagkatapos ay babalik na rin s'ya sa Bayan ng Delavega.

Huminto ang kalesa sa tapat ng hacienda at bumaba si Señior Havier nakahelera sa harapan n'ya ang lahat ng tagapagsilbi ng kanilang hacienda.
Lumapit sa harapan n'ya ang tagapamahala ng hacienda nila may katandaan na rin ito.

"Maligayang pagdating Señior Havier!" yumuko ito upang magbigay galang.

Nagbigay galang rin ang iba pang tagapagsilbi. "Maligayang pagdating Señior!" sabay-sabay na bati nila.

Kagaya ng inaasahan ay wala silang natanggap ni isang pagtugon rito sa halip ay naglakad na ito papasok sa hacienda. Napaka Seryoso nyang tao lahat ay hinahangaan s'ya dahil sa taglay nyang aking talino pagdating sa pagnenegosyo Marami ding mga kababaihan ang nagkakagusto rito dahil sa taglay nitong kagwapuhan matipuno ang pangangatawan may matangos na ilong at maputi ang kanyang balat at matangkad rin ito. ang mga mata nito ay nakakaakit kapag ito'y tinititigan lalo na kapag ito'y ngumiti subalit wala pa ni miski isa ang nakakita na ngumiti ito lagi nalang seryoso, pagkunot ng noo at pagkainis ang lagi nilang nakikitang ekspresyon ng  mukha nito.

"Maligayang pagdating aking kaibigan!" nakangisi itong lumapit sa kanya at nakipagkamay Pagkatapos ay na upo sila sa malambot na upuan. "Bakit ka naparito patricio?" kunot noong tanong nito.

Tinawanan lang ito ng kanyang kaibigan. "Bakit ka natatawa?" nagsisimula na naman itong mainis.

Ang kanyang kaibigan na si Señior Patricio briones ay naninirahan sa Espanya nais nyang mamalagi rito sa Pilipinas sa bayan ng Buencamino dahil tinatangkilik niya ito. Mayaman ang pamilyang kinabibilangan n'ya at matalik niyang kaibigan si Señior Havier. Kung si Havier ay Seryosong tao kabaliktaran n'ya naman ito dahil hindi s'ya mahilig mag seryoso para sa kanya maikli lang ang buhay kaya lubos lubusin mo na magpakasaya ka kung kailan mo naisin. Magandang lalaki rin ito, maputi, matangos ang ilong, may matipunong pangangatawan. Kapag sila ng dalawa ang magkasama na naglalakad ang lahat ng mga kababaihan ay napapatingin sa kanila kinikilig at tuwang-tuwa masilayan lamang sila ang iba ay binabati sila ngunit si Patricio lamang ang sumasagot at ngumingiti sa kanila Samantalang si Havier ay naiinis kapag maraming babae ang tumitingin sa kanya Para sa kanya lahat ng mga kababaihan ay nagkakagusto lamang sa isang lalaki dahil sa panglabas na anyo nito tinitingnan at higit sa lahat hindi s'ya interesado sa kanila kaya wala pa itong nagiging Nobya o Asawa dahil sa sobrang mapili n'ya pagdating sa babae. Samantalang si Patricio ay mahilig sa babae pero hindi n'ya sine-seryoso kaya wala pa itong asawa pero may ipinapakilala naman sa kanya ang mga magulang n'ya ngunit ganito lagi ang sinasabi niya sa mga babae na ipinapakilala sa kanya. "Binibini hindi ikaw yung tipo kong babae na mamamahalin ko pang habang buhay ang mas mabuti pa ay Mahalin mo nalang ang iyong sarili." prangkang sabi nito. Kaya umuuwi silang luhaan at naghihinagpis dahil sa mga katagang binibitawan nito.

Nagkibit balikat lang ito.
"Hindi ka parin talaga nagbabago Havier Napaka Seryoso mo paring tao."

"Pareho lang tayo Patricio Hindi ka parin pala nagbabago." seryosong saad nito.

Humalakhak ito. "Tama ka riyan Havier! S'ya nga pala bakit biglaan ata at naisipan mong pumunta rito?"nagtataka ito. "Sanda-li huwag mong sabihin na..........may binibisita ka rito?" nanlaki ang mga mata nito na nakatitig kay havier. "Ano tama ako diba? Havier?"

Inis na binatukan ito ni Havier. "Kahit kailan talaga Patricio hindi ka parin talaga nagbabago, Syempre hindi! Na pa rito ako upang asikasuhin ang mga negosyo ng aking Ama!"

"Hayyy! Tulad ng inaasahan! Tungkol sa negosyo parin ang inaatupag mo! Subukan mo naman pagtuunan ng pansin ang sarili mo Havier hindi pang habang buhay ay sa negosyo iikot ang kapalaran mo sa buhay, baka pagsisihan mo ang mga panahon na dapat ay nagsasaya ka at walang iniintindi na tungkol sa negosyo! Subukan mo namang mabuhay ng normal na walang iniisip na nakakasakit sa ulo diba?"

Bumuntong hininga ito. "Ang dami mong sinasabi." tinawag n'ya ang isa sa mga tagapagsilbi nila. "Handa na ba ang makakain?"

"Op-o Señior Havier luto na po!"

Tumayo na ito sa kanyang kinauupuan. "Nagugutom na ako kumain na muna tayo." pagkatapos ay umalis. Wala ng nagawa si Patricio kundi ang sumunod kay Havier.

******
-NyctophiliaNight

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...