BIAS KO, IN LOVE SA'YO? ANYAR...

By heymacaREENA

50.7K 2.4K 962

Siya ang bias mo pero hindi siya in love sa'yo. Alam mo kung kanino? Sa bestfriend mo. PLEASE DO CITE THE ORI... More

BIAS KO, IN LOVE SA'YO? ANYARE?!
Chapter 1: How It All Started
Chapter 3: Ice Cream
Chapter 4: Find That Girl
Chapter 5: Break My Heart
Chapter 6: Si Milo, Dorky at Iba Pa
Chapter 7: Tulaley
Chapter 8: Hugs
Chapter 9: Papa Lay
Chapter 10: Possesive
Chapter 11: Chinito
Chapter 12: Lala at Chanyeol
Chapter 13: Missing
Chapter 14: Isang Panaginip
Chapter 15: Sikretong Malupet

Chapter 2: Accidentally

3.5K 168 51
By heymacaREENA

~Lala's POV~

"I'm managing a Kpop group in SM, the EXO."

Nung sinabi ni So Ri 'yun kaming tatlo napanga-nga sa sinabi niya. 'Yung reaction namin pare-pareho, mala-Kyungsoo lang ang mga mata namin sa sobrang gulat.

O_O

Sino ba namang hindi magugulat sa sinabi niya? EXO na ang pinag-uusapan dito. And take note, sabi niya manager siya nila! Like seriously?

"Y-you? E-EXO? M-manager? H-how c-ome?" Nauutal na tanong ni Gene with matching pointing of finger pa kay So Ri.

Gusto ko matawa kay Gene sa istura niya na halos magsalubong na ang kanyang kilay. Nakatingin kaming tatlo kay So Ri at hinihintay ang sagot niya.

Ngumiti lang si So Ri at sumagot, "I'll tell you girls everything as soon as we reach my place."

Eh ano ba yan! Pabitin naman 'tong Koryanang 'to. Mamaya dyino-joke time lang pala kami nito.

"Why not tell it now na kasi?" Pagpupumilit ni Tin.

"Oo nga!" Dagdag ko.

"You know girls, it's a long story. I will tell it mamaya na lang. Okay?" Paniniguro ni So Ri.

"Mamaya ha? Pramis 'yan?" Tanong ni Gene.

Ngumiti si So Ri. "Oo naman."

Waaah! Di na ko makapghintay. And I know pati 'tong sina Gene at Tin di na rin 'yan mapakali sa loob-loob nila.

At gaya nga ng sabi ni So Ri kanina, we are all staying in her place.

One month lang namin kami mag-iistay dito sa Korea. Kung pwede nga lang dito na manirahan eh para forever ko na kasama si Chanyeol lovey ko.

Waah! Kinikilig ako. >///<

Dapat nga mag-che-check in kami sa isang hotel kaso nung nalaman ni So Ri na pupunta kaming tatlo ng Korea, eh inoffer niya na sa kanila na lang daw kami mag-stay. Nung una siyempre, ayaw namin. Kakahiya eh.

Well, ganyan naman tayong mga Pinoy. "Nahihiya" pa daw sa una pero ayun later on naconvince niya rin kami.

Inalok niya eh, sino ba naman kami para tumanggi. And besides malilibre kami sa tirahan. Laking tipid din 'yun noh. Di ba? :P

Eh sa sabi niya na malaki naman daw 'yung tinitirhan niya at mag-isa niya lang so gora naman kami.

Well going back, sa sobrang pagchi-chikahan namin, di na namin namalayan na nakarating na pala kami.

Bumaba na kami sa van at kaming tatlo sabay-sabay na naman kaming na-amaze. Ang ganda kasi nung building at ang taas.

"Wow! Ano 'to sa hotel ka nag-iistay?" Tanong ni Tin kay So Ri.

"Ah sort of." Matipid na sagot ni So Ri.

"Sort of? Eh ano kaya 'yun?" Sambit ni Gene.

Okay pansin ko, medyo magulo kausap 'tong si So Ri ah.

"It's again another part of a long story girls." Sagot niya.

Benta ni Long Story ah. Nagtinginan na lang kaming tatlo at nagkibit-balikat. Alam niyo naman kapag magkakaibigan, tinginan niyo pa lang, gets na agad.

Sumunod na lang kami kay So Ri. Tumigil kami saglit sa lobby at may kinausap siya, receptionist siguro 'yun.

Kaming tatlo, di mapigilan na umikot ang paningin namin dahil siyempre alam niyo naman first time eh. Mukhang mamahalin talaga 'tong lugar. And it seems like exclusive and rich people ang mga nakatira dito.

Paano ko nasabi?

Well, napansin ko lang 'yung mga ilang tao dito sa lobby especially mga girls, mga nakasuot ng branded bags and shoes. Paano ko nalaman?

Nasabi ko ba sa inyo, mahilig po ako sa fashion. Pangarap ko maging designer! :)

Pagkatapos kinausap ni So Ri 'yung receptionist, sumakay na kami sa elevator. 'Yung mga gamit namin susunod na rin daw. Pinindot ni So Ri 'yung 14th floor.

Maya-maya nagbukas na 'yung elevator. Nauna lumabas si So Ri habang nakasunod lang kaming tatlo.

Tumigil si So Ri sa isang pinto na maya nakalagay na 14-H. 'Yun ang name ng unit niya. Malamang naman. :P

"Here we are." Sabi ni So Ri.

May pinindot siya tapos ipinatong niya 'yung hintuturo niya sa fingerprint scanner. At voila! Nagbukas ang mahiwagang pintuan.

"Taray!" Sabi ni Gene.

Ang taray nga! Grabe sa TV ko lang napapanood 'yung mga ganito eh.

"Mukhang kumbinsido na ko na manager nga si So Ri ng EXO ah." Bulong ni Tin.

"Oo nga buddy. Take note pintuan pa lang 'to." Sabi ko. Yes, FYI buddy po ang tawagan naming magkakaibigan.

"Paano pa kaya 'yung loob diba?" Sabi ni Gene.

Tapos nagtawanan kaming tatlo.

"Girls, what are you still doing there, get inside na." Aya ni So Ri.

Sorry naman. Namangha kami masyado sa pintuan. XD

Wala kasi ganun sa Pinas. Door knob lang, keri na. :P

At pumasok na nga kami.

Wah Kim So Ri! You owe us that long story!

Wait, parang magka-rhyme? :P

▪▪▪

~Tin's POV~

It was indeed a long story.

Sa haba ng kwentuhan namin, di na namin namalayan na mag-gagabi na.

Grabe lang talaga 'yung nangyari kay So Ri. Ang suwerte niya!

Dahil lang sa isa niyang old friend nakapasok siya sa SM Entertainment. Akala niya pagiging isang ordinayong staff lang ang pinagapplayan niya pero nawindang siya nang inalok siya na maging manager ng isang KPop group na malapit na mag-debut and that is EXO. Nung una ayaw niya dahil alam niya hindi madali ang trabahong iyon and it's very complicated dahil siyempre kapag manager ka, kung saan ang mga alaga mo, doon ka. At tska mahiyain siyang tao.

Pero kinumbinsi siya ng old friend niya na iyon. Kahit nga ang parents at kapatid niya sabi sa kanya na wala naman mawawala kung susubukan niya. Kaya ayun, she grabbed the opportunity! Masaya nga siya at wala siyang pinagsisihan na isa siyang manager ng EXO dahil mababait naman daw sila at magaling makisama.

Naman noh! Agree ako diyan. Dahil bukod sa gwapo pa sila eh talented pa. Kaya nga mahal na mahal ko nga yang grupo na yan eh.

"Ui Tin! Nagri-ring ang phone mo." Sabi ni Lala.

Napasarap kasi kwentuhan namin kay Sori kaya di ko napansin na may tumatawag pala sa akin. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at chineck kung sino ang tumatawag.

Si Ate pala.

"Wait lang guys ha, si Ate tumatawag, sagutin ko lang." Sabi ko at tumayo papunta sa pinto.

"Huy Tin! Bakit ka pa lalabas? Dito ka na!" Sigaw ni Gene.

"Eh ang ingay niyo kaya baka di ka magkarinigan ni Ate." Sabi ko.

"Sabagay. Sige balik ka agad ha!" Sabi ni Gene. Tumango ako at tska ko sinara ang pinto.

"Hello Ate!" Bati ko habang naglalakad ako dito sa hallway.

"Ang tagal mo naman sagutin!" Iritadong sagot ni Ate.

Natawa na lang ako. "Sorry naman Ate."

"O ano kamusta naman kayo bunso? Nakarating na ba kayo ng maayos?"

"Oo Ate. Arrival namin dito mga alas tres na rin ng hapon eh. Sinundo kami ni So Ri sa airport. Andito na nga kami sa hotel niya eh." Sagot ko.

"Ay mabuti naman. O siya tumawag lang ako para kamustahin ka. Mag-enjoy kayo diyan ha. At nako ha 'yung binilin ko sa inyong tatlo, huwag kalimutan ang sako pag nanonood kayo ng concert ng EXO."

"Oo ate hindi naman talaga kakalimutan. Nagdala talaga kami para maisako na namin pauwi mga 'yun." Sabi ko tapos sabay kaming tumawa.

"O siya ba-bye na bunso. Ingat kayo diyan nila Gene at Lala ha. Huwag mo pala kalimutan yung pasalubong ko! Yung snail cream ko at eyeliner ko ha. Love you!"

"Opo! Love you too!" Sabi ko as the call ended.

Napailing-iling na lang ako habang ngumingiti. Pinaalala na naman kasi ni Ate 'yung sako! Natutuwa ako dahil napaka-supportive niya sa akin pagdating sa EXO.

Nung nalaman niya nga na balak namin nila Gene at Lala na pumunta ng Korea after graduation eh game naman siya na magbigay pang-ticket ko. Kaya ng love na love ko 'yun eh. Miss ko na nga din 'yun dahil nasa Dubai siya. Doon siya nagtratrabaho.

Naglalakad na ako pabalik ng hotel room ni Sori nang may mabangga ako at 'yung cellphone ko nadulas sa kamay ko!

"Yung cellphone k--"

Naputol ang sigaw ko nung buti na lang nasalo nitong nabangga ko!

"Sorry miss!"

Napatingala ako at nagulat ako dahil sobrang lapit lang ng mukha niya saken.

Kaya lang nakasuot siya ng mask na black. Nakasumbrero din siya na black. Tanging 'yung mga mata niya lang ang nakikita ko. At nang titigan ko 'yun parang familiar ang mga matang iyon.

"Are you okay?" Tanong niya at bigla niyang iniwas ang kanyang mga mata sa akin.

"Y-yes I-I am o-okay." Shoot! Bakit ako nauutal bigla.

"Sorry I bumped you." Sabi niya pero nakababa ang ulo niya.

Bakit ang ganda ng boses niya? Argh! Ano ka ba Tin kung anu-ano naiisip mo.

"N-no it's my fault. I was not looking on my way because I was busy looking at my phone."

"Oh yeah your phone! Here!" Sabay abot ng phone ko.

"Salamat..ay I mean.. Thank you!"

Hala ano ba 'yan Tin mali-mali nasasabi mo!

"Your welcome. Sorry I need to go." Paalam niya at nagmadali na siyang umalis.

Ay ano ba yan! Di man lang ako nakapag-babye. :(

Bye Mr. Black! :)

Paano kasi naka-all black siya. Pati pala T-shirt, pants at sapatos niya eh black.

Bait niya ha. Ganda pa ng mata at boses! :P

Naglakad na ko pabalik sa engrandeng hotel room ni Sori.

Pagpasok ko, si Gene at Lala lang nadatnan ko na nasa sofa at nanonood na ng TV.

"Ui buti nakabalik ka na!" Sabi ni Lala.

"Umalis si Sori?" Tanong ko sabay upo sa tabi ni Gene.

"Oo saglit lang may mineet daw siya sa labas tapos papadeliver na rin ata siya ng food. Wah gutom na ko! Grabe dinner time na pala, di natin namalayan sa sobrang kaka-chika natin." Sabi ni Gene.

"Oo nga eh." Ayon ko.

Maya-maya dumating na rin si So Ri at ang dami niyang food na dala.

"I'm back girls! Let's eat na!" Sabi niya sabay lapag ng foods sa dining table.

Agad naman kami nagsitakbuhan doon. Halatang gutom na nga kami.

"Wow andami naman niyan!" Sabi ni Lala.

"Oo nga. Hala Sori binili mo 'yan lahat? Nakakahiya naman." Sabi ko.

Kasi naman di ba libre na nga pagstay namin sa place niya eh pati ba naman food.

Natawa na lang si Sori. "No it's okay girls. And besides I did not buy these foods. The guys just gave it to me."

"The guys?" Gulat na sabi naming tatlo.

Galing to sa EXO? Seryoso?

"Oo EXO. Actually, it was D.O who personally delivered this foods. I just met him kanina sa hallway."

"Kanina?" Sabay naming sabi ulit na tatlo.

'Yung totoo? Pwede na kami mag-choir!

Tumawa na naman si So Ri. "Girls! You are so funny! Oo nga. Didn't I mention yet na their dorm is just at the 17th floor?"

Shoot anonymous!

Seryoso!?

Hindi kaya si D.O 'yung nabangga ko kanina?

'Yung ULTIMATE BIAS ko!

▪▪▪

*Ooooh! Teka, akala ko ba si Suho bias ni Tin? Bakit si D.O? Hmm... I smell something fishy! >~<

Hey guys! Oo buhay pa ko! Sorry ngayon ko lang 'to na-update. Grabe lang ako ka-busy. Sa August pa actually start ng work ko pero yung paglakad ko sa requirements, naloloka ako. Nakakapagod lang ng bongga kaya minsan pag-uwi ko itinutulog ko na lang.

Tapos para bang hindi nagsesecrete ng creative juices *nosebleed* 'yung utak ko itong nakaraang araw. In short, bongga author's block po ako. Kaya nga hirap ako mag-update ng lahat ng stories ko. Feeling ko madami na galit saken. Huhuhu! :( Di ko kayo masisi.

'Yung Special Chap sa Clash Academy, antabay lang kayo. Di ko matapos dahil panay procrastinate ko. Tinatamad ako o sadyang pagod lang. Haha! Di ko alam. Gulo ko noh? Sorry naman guys pero tandaan niyo mahal ko kayo kaya sisikapin ko siyang tapusin. :)

Ayun! Well, sa next chap hopefully mameet na ng tatlo ang EXO. And baka may POV's na rin mula sa isa sa kanila.

Salamat guys sa pagbabasa at sa pagsuporta ninyo kahit ang author niyo eh inaabot ng dekada mag-update!

Love you guys!

Comment kayo ha para happy! :)

GOD BLESS!

- Ate Reena ♥

Continue Reading

You'll Also Like

75K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
78.8K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
3.3K 327 16
- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to c...