Chapter 34
Ethan's Point of View
"Okay that's it. Thank you Ethan you may sit down." Kagaya ng sinabi niya umupo na ako. Katatapos lang ng meeting ko with some stock holders at sa board member ng company namin. Masyado na ngang stress ang lovelife ko, stress pa din ako sa trabaho. Ang pangit ko na tuloy. "Thank you everyone, see you next meeting." Nag sitayuan yung mga tao dito sa loob ng opisina at isa-isang nag si-alisan. Naiwan na lang kaming dalawa dito.
"Pa." Kakasalita ko pa lang naidabog na agad niya yung folder na hawak niya. "Wtf is this Ethan?! I gave you 2 weeks para matapos ang presentation na 'to tapos ito lang?! Ito lang yung ipapakita mo sakin?! I'm very disappointed at you Ethan." Umiling-iling pa siya, lagi namang ganon eh forever na naman niyang line yan dismayado siya sakin.
"I know what happened between you and Dominique pero Ethan negosyo ito! Pwede bang dito ka muna mag focus?! Pwede ba?!" He knows what happened pero hindi niya alam kung ano yung nararamdaman ko.
"Focus?! Fvck Papa paano ako makakapag focus?! Hindi mo naman nararamdaman yung nararamdaman ko eh! Nikatiting wala kang alam! Hindi mo alam! " sumabog na ako. Masyado ng mainit yung ulo ko at masyado ng naipon lahat ng hinanakit sa puso ko. "Pa ang sakit! Ang sakit sakit. Ang hirap lang kasi alam kong ako yung dahilan kung bakit namatay yung sarili kong anak. PA ANAK KO! Pa wala na yung anak ko! Wala na, pinatay ko. Ang tanga-tanga ko!"
Hindi ko na napigilan yung luha ko, araw-araw gabi-gabi na lang akong umiiyak simula ng ipagtabuyan ako ni Dominique. Doon ko naranasan at naramdaman yung hirap na pinag daanan ni Dominique nung pinagtabuyan ko siya. Sobrang sakit, sobrang hirap at gusto ko ngang dumating sa point na magpakamatay na lang dahil pakiramdam ko wala na sakin ang lahat. Wala na ang barkada, wala na yung baby ko, wala na si Dominique sakin. Wala ng patutunguhan yung buhay ko na 'to, gusto ko ng gumive-up pero hindi ko magawa. Ngayon ko lang na-realize yung katangahan ko. Sobra akong nag sisisi dahil sa mga nagawa kong mali kay Dominique.
Ganon naman talaga diba, sa libro man o sa tunay na buhay tska lang naman tayo nanghihinayang kapag may nawala na o di kaya pag nangyari na. Tska lang tayo mag sisisi kapag nangyari na at yung tipong hindi mo na maitatama yung maling nagawa mo. Wala ka ng choice kundi magpakalulong sa alak para kahit sandali mawala yung sakit na nararamdaman mo, para kahit sandali makalimot ka sa problema mo. Pero hindi eh, hindi na ako high school o college student na kakapit sa alak pag may problema. Proven na yun eh, kahit lasing ka hindi naman nawawala yung sakit hindi ka naman nakakalimot mas lalo mo pa ngang naaalala at nasasabi yung saloobin mo. Nonetheless, isa lang naman yung alam ko nag sisisi ako to the point na kung kaya ko lang bilhin ang kahapon nagawa ko na maitama lang yung mga mali ko.
"Ethan, sssh. Wag mong sisihin ang sarili mo anak. I'm so sorry, I know I pushed you so hard para sa negosyo hindi ko man lang inisip yung mga taong nakapaligid sayo. Trust me anak, may mas magandang plano sa inyo ang Diyos." I worked hard to reach what I have now, within a month nag strive ako para sa posisyon na 'to. Hindi ko alam na habang nag papaka-busy ako sa negosyo napapabayaan ko na ang mag-ina ko.
Alam mo yun? Yung sobra kang nag sisisi dahil kahit isang saglit hindi mo man lang naiparamdam sa anak mo na mahal mo siya, hindi ka man lang nagpaka-ama sa anak mo. All this time naniwala ako sa kung ano man yung nakita ko noon sa OB, yung AKALA ko na 'yon ang naging dahilan sa pagkamatay ng anak ko. Siguro kung noon pa lang tinanggap ko na siya, siguro kung noon pa lang naniwala na ako kay Dominique hindi na sana nangyari 'to. Hindi na sana miserable yung buhay ko ngayon, masaya na sana kami ni Dominique at for sure siguro sa mga oras na 'to kasal na sana kami.
"Pagsubok lang---" hindi ko na siya pinatapos. "Pagsubok?! Ilang pagsubok ba ang dapat naming lagpasan para makamit ang Happy Ending?! Ilang pagsubok ba yung dadaan at sisira samin para maging okay na ang lahat?! Pa ang dami na naming napagdaanan! Totoo yung sinabi ni Dominique, ako yung unang napagod ako yung unang sumuko. Wala na akong ipaglalaban Pa, wala na." Wala na dahil ako na rin naman mismo yung unang nagsabing tapos na kami at pinanindigan lang niya. Fvck, I'm damn blaming myself for what I have done.
"Walang happy ending anak, hindi ka dapat umaasa at humihiling ng happy ending. What you need is a happily ever after story. Sa kwentong ito walang happy ending, happily ever after meron. At sigurado ako anak, makakamit niyo ni Dominique 'yon. Mararanasan mong maging masaya, ayokong matulad ka sakin anak." Tinapik niya ako sa balikat. "Mauna na ako, kailangan ko ng pahinga. Mag pahinga ka muna anak." Lumabas siya ng office at naiwan akong mag-isa dito.
Tama si Papa at tama rin yung commercial ni Vice Ganda sa TV,
"Happy lang, WALANG ending."
Makauwi na nga. Kailangan ko ng pahinga, panigurado akong may mahabang bukas na nag-iintay sa akin. May meeting ako bukas with AVM Coorporation. Panibagong deal 'yon at kung pumayag sila, isa sila sa magiging pinakamalaking stock holder at pinakamalaking my shares sa company namin. Kailangan kong mapapayag sila para mapatunayan ko kay Papa yung abilidad ko at para matapos na ang paghihirap ko sa business namin.
Habang nag d-drive ako napadaan ako sa park, nakita ko si Dominique na masayang-masaya habang may kausap na lalaki. Likod pa lang ni Dominique alam ko ng siya 'yon at kotse niya yung nakaparada dito. Mukang familiar yung likod ng lalaki pero hindi ko talaga mamukan kasi nga nakatalikod siya.
*beep beep*
May bumusina sa likod ko kaya naman inayos ko yung pag park sa kotse ko. Nawala yung tingin ko kay na Dominique kaya the next thing I saw magkahawak na sila ng kamay. Yung kamay pa ni Dominique yung humawak sa lalaki. Fvck! Ilang linggo pa lang yung lumipas pero ano? May kalandian na agad siyang iba! Tangna!
Pinaandar ko na yung kotse ko at nag madaling umalis. Hindi ko alam na ganun lang pala kadali kay Dominique ang mag move on sa pagkamatay ng anak namin at pagkawala ng relasyon namin. Tss, baka naman natatanga na naman ako. Fvck! Bakit ba kasi pagdating sa ganitong bagay para akong babae, over thinking at napaka-nega. Tangna!
--
Kinabukasan..
"Sir! Sir!"
Naglalakad ako papasok ng office ko. Wala akong sa mood simula kagabi pa. Iniisip ko kung sino yung ponsyo pilatong kasama ni Dominique kahapon. Buiset, lumilipad sa ibang lugar yung utak ko.
"Sir! Sir!"
Nak ng. Tawag ng tawag! Hinarap ko yung sekretarya ko. Hingal na hingal siya. Kanina pa niya kasi ako tinatawag at hinahabol. "Ano ba?! Sawa ka na ba sa buhay mo?!" Bulyaw ko sa kanya.
Umiling siya at halata kong natakot siya. Aba, malungkot man ako hindi pa din nawawala ang pagka-badboy ko. Ethan Lim ata 'to. "Ano bang problema mo ha?! Kanina ka pa tawag ng tawag!" Inis.
"Hindi po kasi k-kayo humaharap eh." Utal pa. Ano 'to Q and A sa pageant?! Buiset. "Hindi ako lilingon kasi hindi ako interisado! Wag kang hahara-hara sa harap ko! Badtrip ako!"
"Eh shemay naman sir! Dehinds naman po kayo tatawagin ni Cynthia kung dehinds importante ang sasabihin niya!" Sabat ni Eka. Eriko naman pangalan niya Eka ang gusto. Yung baklang kaibigan ko dito sa kompanya. Editor in Chief siya at si Cynthia yung sekritarya ko na makulit at matinis ang boses.
"Sinabi ko bang sumabat ka?" Tanong ko kay Eka. Muka siyang nasindak kaya nag zip mouth na siya. "Ikaw! Anong tinitingin-tingin mo?!" Tanong ko naman kay Cynthia.
"Wala ser! 2pm sharp, Indulge Hotel and Restaurant. Meeting with AVM Corp. bye sir!" Tapos nag lakad na siya papaalis. Buiset! May meeting pa nga pala ako! I need to prepare, as in.
Pumasok ako sa office ko kasunod ko lang si Eka. Ganyan yan, crush kase ako niyan. "Kapal ng muka mo Ethan ha, baka iniisip kong may gusto ako sayo kaya kita sinusundan." Alam na niya agad.
Umupo ako sa chair ko at nagpaikot-ikot. Inabutan ako ni Eka ng baso ng wine. Si Eka na bading lang naman yung palagi kong kakulitan sa opisina, sakanya ako nag lalabas ng sama ng loob para siyang si Kean, mabilis makaintindi. bestfriend ko na din siya.
"Hay nako baby boy! Ano ba kasing iniisip ko? Can't be reach na yang imagination mo! Sa pluto ka na ba nakarating?" Dati inaasar-asar ko lang 'to nung college, ngayon truepa ko na.
"Ewan ko sayo bading ka!" Ininom ko yung wine tapos tumingin sa malayo. Meron panakong dalawang oras na natitira bago yung meeting ko.
"Alam kong si Dominique na naman yung iniisip mo. Ah! Nga pala, kaninang umaga dumaan dito yung pinsan mo si Nathan. Boyfriend ko na siya." Tawa siya ng tawa. Baliw, pati si Nathan pinagpapantasyahan.
"Ano si Nathan nandito na?!" Ngayon lang nag sink-in sa utak kong nandito na si Nathan. Akala ko, hindi na siya babalik dito sa Pilipinas. Tch
"Late reaction lang ang peg?" Tss. "Oo nandito siya kanina, narinig ko ngang may kausap siya sa phone na tinawag niyang bestfriend. May date daw sila mamaya." Bestfriend, endearment nila ni Dominique. So it means, may date sila mamaya. Wow lang.
"Oh? Bat ka naluluha jan boy? Inggit much?" Hindi ko lang masabing OO. Oo naiinggit ako. Bakit yung iba nakakasama si Dominique, ako hindi. Gusto kong suyuin si Dominique kaso nsira yung phone ko kaya wala na akong number niya kahit ng barkada. Sa FB naman, pag online siya offline ako pag online ako, offline siya. Sa twitter ganon din. Hindi niya inaaccept ang request ko sa ibang SNS. Pag dumadaan ako sa kanila, walang tao. Alam mo yun, parang tadhana na mismo yung naglalayo sa inyo.
"Bahala ka na nga jan. Aayusin ko pa yung magazine na ipepresent mamaya. Jan ka na baby boy! Babooooooo!" Umalis na siya ng office ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa paguwi ni Nathan dito sa Pilipinas. Siguro natatakot lang ako na baka paggising ko isang araw, si Nathan na ang mahal ni Dominique at hindi na ako.
Nag-ooverthinking na naman ako. Tangna!
After 2 hours
Habang nag-iintay ako sa restaurant ng Indulge, Isa sa mga hotel at restaurant ng AVM corp. umorder ako ng isang wine at binabasa ko paulit-ulit yung proposal na gagawin ko mamaya. Sana naman maging okay 'to at pumasa ako sa standards ng presidente ng AVM corp. kapag kasi pumayag sila wala ng magiging problema ang kompanya namin, I mean sure na na maganda ang future ng kompanya namin.
"Mr. Lim?"
Tanong sakin ng isang magandang babae na super sexy at isang Koreana? "Hi, I'm Stacy Park Maliff anak ng presidente ng AVM Corporation." Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya. "Ethan Lim, nice meeting you." Ngumiti siya. Maganda siya, sexy at alam mong mayamang-mayaman base sa kilos niya. "Let's have a sit." Hindi ko akalain na ganito kaganda ang anak ng presidente ng AVM.
Perfect yung hubog ng katawan niya. Para siyang isang model. "Checking me out huh?" Napainom na lang ako bigla ng wine. Nakakahiya -_-
"I'm half korean, half pinay. Pero laking Korean talaga ako, isang model at heiress ng AVM Corp." ah kaya naman pala.
"Well, hindi makakarating si Papa dahil ngayon ang check up niya at nasa Korea pa sila ni Mama. So, hi again ako ang makaka-meeting mo ngayon handsome." Nag wink siya sakin, oh gahd! Kill me now, please.
"L-let's start?" Awkward kong tanong sa kanya. Kung ganito naman yung makaka-meeting mo as in madidistract ka ng almost 70% "Shoot it."
Nag start na akong mag discuss sa kanya ng about sa business matters at all about business talaga. Umabot ng 20 minutes yung pag uusap namin at nagulat ako kasi akala ko mabobored siya or walang pake sa sasabihin ko ganon naman diba pag babae walang pakealam sa business matters pero siya nakikinig lang siya at nag tatanong kung ano bang benifits yung makukuha nila pag nakipag-partnership sila samin. Nakaramdam tuloy akonng kakaiba sa kanya, she's interesting.
"Very well said Mr. Ethan Lim. Napahanga mo ako." Pumalakpak siya. "Naniniwala ka ba sa love at 30 minutes talk?" Wtf? Ano yun?
"Haha kidding. Masyado lang siguro akong humanga sayo, napakagaling mo at alam kong seryoso ka sa trabaho. For sure ganyan ka din kaseryoso sa love." Nag nod lang ako. Tama naman siya ah. Walang aangal.
"Kaming mga babae, mabilis ma-fall sa isang lalaking mukang seryoso. Ikaw naman you prove me about your sincerity in just half an hour! My jaw dropped, really." Ang saya pa niya kasama, madaldal siya pero may kwenta yung sinsasabi niya.
"Back to the deal." Binuklat niya ulit yung folder na inabot ko sa kanya kanina tapos kumuha siya ng ballpen at pumirma. Wtf! 😮
"Congratulations Reid, It's a deal." Tumayo siya tapos nagshake hands kami sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya. Fvck! Ang dali non grabe!
Ngayon lang nag sink in sa utak ko na yakap-yakap ko siya kaya agad ko siyang binitawan. Ramdam ko yung dalawang bundok. Nyemas!
"Thank you! Thank you talaga Stacy! Hindi ko alam na ganito lang pala kadali yon. Haha as in. Tatanawin ko sayo na malaking utang na loob 'to." Hindi mawala sa muka ko yung ngiti.
"It's nothing. I should thank you dahil dahil sayo nagkaenteres ako sa business namin. Cheers!" Tinaas niya yung wine niya, tinaas ko din yung akin. "For partneship!" For partnership.
Hindi ko ala kung anong meron sa babae na 'to ang alam ko lang masaya ako kasi napapayag ko siya sa partnership ng company namin. Hindi na ako full time CEO ng company namin, magkakaoras na ako para itama lahat ng gawa kong mali noon. Magkakaoras na ako para kay Dominique. I'll do my best para maibalik siya sakin, konti na lang Dominique mababawi na kita.
Darating na yung tamang oras at tamang panahon para sa ating dalawa. Kapag dumating 'yon, gagawin ko ang lahat para hindi na tayo magkahiwalay. Mahal na mahal kita Dominique at sana balang araw mapatawad mo na ako.
I love you babe, always and forever.
Itutuloy..
Any reaction?