ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 48: HUKLUBAN

378 26 4
By angelodc035

Kinaumagahan ay pinulong nina Odessa ang mga natitirang mga mamamayan sa lungsod ng Malolos.  Makailang ulit na binilang ni Randy ang mga taong naroroon at umabot na lamang ang mga ito sa isang daan, aninapu't-pito. Dalawampu't-siyam sa mga natitira ay mga bata, anim sa kanila ay mga sanggol na wala pang isang taon ang edad. Sa isang daan at anim na pu't pito, apatnapu't anim na lamang ang mga kalalakihan kasama pati mga bata. Labing-walo ay mga matatanda at di na kayang lumaban pa.

Dalawang-daan at tatlumpu't-isa ay ang mga taong-lobo na dating pinamunuan ni Caren, at ngayon ay pinamumunuan na ni Ceasar. Kasama rin ang isang sugatan na Kapre na si Sagaway, isang  anak ni Bathala na si Banaual na gamit ang katawan ni Randy, isang mortal na paring mandirigma na si Father Mexo, isang dating pulis at ngayon ay matapang na taong-lobo na si Caren at dalawang babaeng Sangre na sina Demetria at Odessa. Sila ang natitirang pag-asa ng sangkatauhan sa mundo ng mga tao.

Lahat ay dama pa rin ang malagim na paglusob ng mga anak ng buwan. Lahat ay pinipilit na bumangon at magpatuloy sa kani-kanilang mga buhay sa kabila ng mga pangamba at takot na naroroon pa rin sa kanilang mga puso.

Sa isang sulok ay tahimik na nakaupo si Caren at malalim ang kanyang iniisip. Naroon naman sa kanyang tabi si Margaux na nakayakap sa kanyang kamay.

Nakamasid naman si Father Mexo kay Caren at makikita sa mukha nito ang labis na pag-aalala  para sa dalagang pulis. Naging malapit sa kanya si Caren dahil masaya at may kakulitan din ito kapag kasama niya ag dalaga. Aaminin man niya o hindi ay nakakaramdam din siya ng kakaibang kasiyahan kapag nakakasama niya si Caren. Ngayon ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa labis na kalungkutan at hinagpis ng kaibigan niyang dalaga sa pagkawala ni Alex. Magkakaganito rin ba si Caren kung saka-sakaling siya ang nawala at hindi si Alex? Pero bakit tila yata siya rin mismo ay nasasaktan sa nangyayari sa babaeng napalapit na rin sa kanyang puso?

Isang tapik sa balikat ang halos magpalundag kay Father Mexo sa kanyang kinatatayuan at mawala ang atensiyon nito kay Caren. Napalingon siya kay Randy na nakatayo sa kanyang tabi.

"Among, hinihintay na po kayo para sa pagsisimula ng meeting." ang seryosong wika ni Randy sa kanya.

"Ha?...Oo.  sige sige." ang tanging tugon ni Father Mexo at mabilis na tinungo ang pinakaharapan ng altar ng simbahan. "Magsitayo po tayong lahat para sa pambungad na panalangin sa pagtitipong ito. " ang malakas na wika ni Father Mexo.

Lahat ay nagsitayuan at nakinig sa panalanging pinangunahan ng pari. Naging madamdamin at taimtim na nagdasal sa Diyos na May-Kapal ang mga naroroon na sana ay matapos na ang kaguluhan at kababalaghang nangyayari ngayon sa mundo.

Nanatili namang nakatayo sa likurang bahagi ng simbahan sina Odessa at Demetria, na pinagmamasdan ang buong paligid ng banal na lugar. Nangingibabaw sa kanila ang pagka-awa sa mga inosenteng nadamay sa pagiging paboritong nilalang ni Bathala. Kailangan na nilang kumilos para matigil na ang pananalakay ng mga anak ng buwan sa kanilang mundo at pigilan ang paghahari ng kasamaan laban sa kabutihan.

"Kailangan na nating kumilos Demetria, hindi na kakayanin ng mga taong kasama natin dito ang susunod pang paglusob ng mga anak ng buwan." ang halos pabulong na wika ni Odessa kay Demetria.

Tumingin si Demetria kay Odessa at kitang-kita nito ang sinseridad sa mukha ng kaibigan at ang pag-aalala nito sa mga tao. "Ako rin ay labis na natatakot sa kahihinatnan ng mga tao sa paghahangad na pamunuan ni diyosang Bulan ang Sanlibutan Odessa. Pero ako man ay blangko kung saan tayo magsisimula para pigilan ang kaguluhang ito." ang tugon ni Demetria kay Odessa.

"Ito ang nais ko sanang ibahagi sa inyo ng araw na nakabalik ako dito sa mundo ng mga tao. Kaso hindi ko ito naibahagi sa inyo dahil nga sa biglaang paglusob ng mga anak ng buwan. " bumuntong-hininga si Odessa at inihanda ang sarili sa kanyang sasabihin.

"Ano 'yon Odessa?" ang usisa ni Demetria.

"Marahil sa mga oras na ito ay patay na si Bathala." ang malungkot na wika ni Odessa.

"Si BaBathala? Imposible." ang di makapaniwalang sagot ni Demetria.

Malungkot na tumango si Odessa sa naging reaksiyon ni Demetria. "Magkasabwat na pinagplanuhan nina diyosang Tala at diyosang Bulan ang pagpatay kay Bathala. Ang mga pagyanig na nararanasan natin maya't-maya,  ang naglalakasang mga bagyo kahit hindi panahon ng tag-ulan ay mga palatandaan na yumao na si Bathala." ang paliwanag ni Odessa sa di makapaniwalang si Demetria.

"Pero, anong mabigat na dahilan para gawin nila iyon sa kanilang Ama? Napakamakapangyarihan ni Bathala para mapatay nila ito." ang wika ni Demetria na labis na nabahala sa narinig nito kay Odessa.

"Nang makarating ako sa isla ng Dalangan ay ipanakita sa akin ng puno ng Quebaluan ang lahat-lahat ng mangyayari at kahihinatnan ng Sanlibutan. Nakakapangilabot at nakakatakot na makikita ang kahihinatnan ng lahat, dito sa mundo ng mga tao hanggang sa ikatlong mundo, ang mundo ng mga elemental, mga diyos at diyosa. Magwawakas ang lahat sa apoy at pamumunuan ng mga anak ng buwan ang mundo at maglalaho ang mga tao."

"Diyos ko. Anong puwede nating gawin para mapigilan ito?" ang nababahalang tanong ni Demetria habang nakahawak ang kanang kamay sa kanyang kaliwang dibdib.

"Nang makausap ko si Quebaluan, tanging ang babae sa propesiya ng mga Babaylan ang makakapigil lamang sa kung ano ang kahihinatnan ng Sanlibutan."

"Babae? Sisino siya?" ang usisa ni Demetria.

Ipinikit ni Odessa ang kanyang mga mata at iniisip kung kailangan ba niyang sabihin kay Demetria na siya ang babaeng tinutukoy sa propesiya. Bumuntung-hininga si Odessa kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata. "...pero may problemang kakaharapin bago pa mangyayaring mailigtas ng babae ang propesiya. "

"Anong problema?  Sino ang babaeng tinutukoy mo? "

"Bago pa man maisasakatuparan ng babae ang propesiya ay baka balutin ito ng kapangyarihan ng dilim at kasamaan. Na imbes na siya ang magliligtas sa Sanlibutan ay siya pa ang magiging sanhi ng pagkawasak ng Sanlibutan." ang pagpapatuloy ni Odessa.

Humarap si Odessa kay Demetria at hinawakan mukha ng kaibigang Sangre. "Pumikat ka Demetria at ipapakita ko sa'yo ang mga nasaksihan ko sa hinaharap. "

Malugod namang sumunod si Demetria kay Odessa. Ipinikit nito ang kanyang mga mata kasabay ng pagliwanag ng kamay ni Odessa sa kanyang mukha. Ramdam ni Demetria na tila may humigop sa kanyang kamalayan para makita ang hinaharap ng Sanlibutan.
--------------

Iniluwa sila ng kawalan sa kalsadang nayuyungyungan ng mga nagtataasang mga gusali. Pinagmasdang mabuti ni Blake ang buong paligid na sa pagkakataong iyon ay pamilyar sa kanya. Sa kanyang tabi ay si Mariang Makiling na pilit ring inaaninag ang lugar na kinaroroonan niya. Gumuhit ang mga ngiti sa mga labi ni Blake dahil sigurado siya na alam niya ang paligid na kinaroroonan nila ni Mariang Makiling. Nakarating sila sa kanto ng Gil Puyat sa Makati at hindi na sa ikatlong mundo. Halos maiyak siya sa tuwa lalo na ng maalala niya ang kanyang Lola at nakababata niyang kapatid na sina Ely at Macky.

Hinawakan niya ang kamay ni Mariang Makiling at isinamang binagtas ang kahabaan ng Gil Puyat  na kung saan nagkalat ang mga abandinadong sasakyan at mga basag na salamin mula sa mga bintana ng mga nagtataasang gusali. Umaalingasaw sa paligid ang nakakabaligtad-sikmurang amoy ng nabubulok na laman ng mga hayop o maaaring mga tao. May mga bakas ng dugo silang nakita sa konkretong kalsada na sa tingin nila ay mga ilang araw pa lamang itong naroroon. Mga bahagi ng katawan ng tao na pinag-aagawan ng dalawang mababangis na aso di kalayuan sa kanila.

Naramdaman ni Blake ang pagkabog ng kanyang puso sa kanyang dibdib lalo na ng maalala ang kanyang tinuturing na pamilya. Si tingin kasi niya na may mga paglusob ang mga nilalang ng kadiliman sa lugar na ito ilang araw pa lamang ang nakakaraan.

Pabilis ng pabilis ang bawat mga paghakbang ni Blake habang hindi nito mapigilan ang kanyang pag-iyak. Sumunod naman sa kanya si Mariang Makiling habang pinagmamasdan ang kabuuan ng paligid. Nararamdaman niya na mayroong hindi tama sa kanyang nararamdaman sa lugar na kinaroroonan nila. Hindi niya masabi kung ano ito pero iisa lamang ang sinasabi ng kanyang isip. Panganib.

"Blake..." ang mahinang tawag ni Mariang Makiling sa batang lalake.

Pero hindi siya narinig ng bata. Halos tumatakbo na si Blake at pilit na binbagtas ang kahabaan ng kalsada.

"Ely,  Macky! Lola! " ang malakas na sigaw Blake at sabik na sabik na makita ang kanyang pamilya.

"Blake!" ang muling tawag sa kanya ni Mariang Makiling.

Mula sa di kalayuan ay dalawang bata ang magkasabay na tumatakbo sa kalsada papasalubong sa kanila. Isa sa mga ito ay payat at higit na matangkad kaysa sa kasama nito. Parehong gusgusin at payat ang dalawang bata na napatigil sa pagtakbo ng makita nila si Blake. Larawan ng pagkatuwa ang kanilang mga payat na mukha pagkakita nila kay Blake.

"Kukuya Blake!!!" ang malakas na sigaw ng mas maliit na Bata sa pangalan niya.

"Ely,  Macky!" ang tugon ni Blake na mas lalong binilisan nito ang kanyang pagtakbo.

"Kuya Blake!" ang sigaw rin ng ikalawang bata na si Macky at sabay na yumakap kay Blake paglapit nito sa kanila.

Kapwa mahigpt ang pagkakayakap sa isa't-isa ang tatlong bata dahil na rin sa kanilang pagkakawalay ng may katagalan rin.  Hinalikan ni Blake sa ulo ang dalawng kapatid at saka tumingin kay Mariang Makiling na may ngiti ang mga labi kahit na nababalutan ng mga luha ang kanyang mga mata.

Sinuklian naman iyon ng pilit na ngiti ng diwata na hindi pa rin mapakali sa nararamdamang panganib sa paligid. Nanatili lamang siyang nakatayo sa tabi ng mga bata at iginagala ang kanyang mga mata.

"Saan ka ba nagpunta kuya?  Ang tagal ka naming hinanap ni kuya.  Si lola, si lola labis na nag-alala sa'yo." ang sabi nu Macky.

"Patawarin niyo si kuya ha? Promise hinding-hindi na kayo iiwan ni kuya. Hinding-hindi na." ang humihikbing tugon ni Blake kay Macky at tila may hinahanap ang kanyang mga mata. "Si Lola? Bakit hindi ninyo siya kasama?" ang tanong ni Blake sa dalawang kapatid.

Nagkatinginan ang dalawang bata at sabay na humagulgol. Muli ay sabay na napayakap sa kanilang kuya Blake.

" Oh,  bakit?  Tinatanong ko lang naman si Lola. Nasaan na siya bakit iniwan ninyo yata siyang nag-iisa?" ang usisa ni Blake habang hinahagod ang likod ng dalawang kapatid.

"Kuya Blake, wala na si lola. Tinangay siya ng halimaw noong nakaraang araw." ang sagot ni Ely kay Blake.

"Hinde,  hindi totoo yan. Nandiyan lang si Lola baka natutulog lang 'yon. " ang ayaw maniwalang tugon ni Blake sa kapatid.

"Kitang-kita namin ni Macky kung paano siya kinain ng halimaw na matutulis ang mga pangil. Kinain siya ng halimaw." ang umiiyak na tugon ni Ely.

Napahagulgol lalo si Blake dahil hindi niya matanggap ang nangyari  sa pinakamamahal niyang lola na kahit hindi niya kadugo ay inalagaan pa rin siya nito sa kabila ng pagiging bulag ng matanda.  Ngayon ay sinisisi nito ang nangyari sa kanilang Lola, kasalanan niya kung bakit namatay ito.

"Naghahanap kami ng makakain noon ni Macky kasama si Lola nang bigla na lamang dumilim ang paligid. Pagkatapos ay bigla na lamang naglitawan ang mga halimaw. Pinilit naming magtago sa loob ng grocery pero may mga nakapasok doon na mga halimaw. Wala kaming mapagtaguan kaya pumasok kami sa isang kahon na tapunan ng basura. Kaso hindi kami magkasya roon kaya lumabas si lola at sinabihan kaming huwag lalabas doon kahit na anong mangyari. Gumawa ng mga ingay si lola palayo sa amin. Pagsilip ko mula sa kahon ay nakita ko kinain ng halimaw si lola." ang kuwento ni Ely sa nangyari sa kanilang lola.

Hindi na nakapagsalita pa si Blake sa narinig mula kay Ely. Lalo niyang sinisi ang sarili sa kinahinatnan ng kanyang mga kapatid lalo na sa pinakamamahal niyang lola.

"Blake kailangan na nating umalis dito dali!" ang malakas na wika ni Mariang makiling.  Humawak siya sa balikat ni Blake at sa isang iglap ay bigla silang naglaho sa kanilang kinaroroonan kasama ang dalawang bata.

Mula sa isang puno ng Narra ay lumabas ang isang matandang lalake na kanina pa nakamasid kina Blake. Hindi ito makalapit dahil naroroon at binabantayan sila ng isang diwata na si Mariang Makiling. Nakangisi ang hukluban na tila may ibig sabihin. Inilabas nito ang maitim niyang dila at dinilaan ang maitim at tuyo niyang mga labi. Takam na takam siya sa amoy ng batang si Blake.

Humakbang papalayo mula sa puno ang hukluban at sa isang iglap ay nakapag palit na ito ng anyo bilang isang matandang babae,  ang lola ni Blake. Inaamoy ang paligid na animo'y isang aso na naghahanap ng makakain.

Isang Tagahanap o Tracker ang matandang hukluban. Kaya niyang hanapin ang kanyang bibiktimahin at linlangin ito sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo. Sa pamamagitan ng amoy ay madali nitong masusundan ang bibiktimahin gamit din ang kapangyarihang itim.

Pagdating niya sa lugar kung saan naglaho sina Blake ay inamoy-amoy nito ang paligid sa pamamagitan ng maitim na dila nito. At sa isang iglap ay binalutan siya ng tila maiitim na usok at naglaho sa lugar na iyon.

Iniluwa ng hangin ang magkakapatid na sina Blake, Ely at Macky kasama si Mariang Makiling sa loob ng isang bahay na nagsilbi nilang tahanan sa loob ng ilang buwan mula ng unang lumusob ang mga anak ng Buwan.

Bahagi ng isang condo unit ang bahay na tinutuluyan nina Blake. Nasa ika-siyam na palapag ito ng isang gusali. May kaluwagan ang sala nito at may dalawang kuwarto.  Kapansin-pansin ang di kagandahan amoy dulot ng mga nagkalat na nabubulok na tirang pagkain at pinagbalatan ng mga ito. Nagkalat din ang mga iba't-ibang laruan sa sahig at mga maruruming damit ng mga bata. Ang makinis na sahig at dingding ay namamantsahan ng maiitim at kulay kapeng mantsa mula sa mga dumi,  pagkain at inumin. Sa isang lamesita ay naroroon ang mga upos ng kandila na may iba't-ibang mga kulay.  May mga nagkalat na baterya na ginamit sa may iilang flash light na nakaayos sa gilid ng dingding.

Madilim ang lugar tanging ang sikat na nagmumula sa sikat ng araw na tumatagos sa mga salaming bintana ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Nanginginig ang mga tuhod ni Blake ng mga sandaling iyon. Magkahalong kaba at takot ang namamayani sa kanyang nararamdaman. Pero may hinahanap ang kanyang mga mata na sabik na sabik niyang makita. Patakbo niyang tinungo ang kwarto ng kanyang lola at mabilis na binuksan ang pinto.

"Lola!" ang sigaw niya.

Tanging ang kama at mga nakasabit na damit ng matanda ang tumambad sa kanya.

"Lola!" ang muling sigaw niya at napahagulgol sa pangungulila sa kanyang lola.

Mula sa kanyang likuran ay sina Ely at Macky na umiiyak ding yumakap sa kanya. Awang-awa naman si Mariang Makiling sa sinapit ng mga bata at ng kanilang lola.

Muli ay nakaramdam ng panganib si Mariang Makiling sa paligid. Kaagad ay iginala nito ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Tinalasan niya ang pandinig dahil pakiramdam niya ay nasa paligid lamang ang panganib. Hindi kalakasan ang kapangyarihan ni Mariang Makiling sa ganitong lugar dahil isa siyang diwata ng kagubatan. Paano niya maililigtas ang mga bata kung wala man lang siyang magagamit na sandata sa paligid.

"Blake,  may panganib sa paligid kailangan na nating lisanin ang lugar." ang sabi ni Mariang Makiling.  Ngunit tila hindi siya narinig ng batang si Blake.

Lumapit ang diwata kay Blake at naupo ito sa harapan nito.

"Blake,  kailangan na nating umalis dito, nanganganib tayo sa lugar na ito!" ang halos pasigaw na wika ni Mariang Makiling.

"Nakikiusap po ako, hayaan niyo po muna kaming alalaanin ang mga alaala ng aming namayapang lola." ang naging tugon ni Blake.

"Pero..."

"blake...apo ko, ikaw na ba 'yan?"

Lahat ay napalingon sa pamilyar na bises ng isang matandang babae.

"Lola?!!!" ang sabay sabay na tugon ng tatlong bata. Luminga-linga ang mga ito at pilit na hinahanap ang pinanggalingan ng boses ng kanilang lola. Labis naman nabahala si Mariang Makiling sa narinig.

"Blake,  Macky,  Ely...mga apo ko puntahan niyo na si lola dali!  Blake mis na mis ka na ni lola. Saan ka ba nagpunta ha? " ang wika ng boses na nagmumula sa kabilang kwarto.

"Lola?! " ang sigaw ni Blake at mabilis na tumakbo patungo sa kinaririonan ng boses ang tatlo.  Naiwan na labis ang pag-aalala ni Mariang Makiling. Batid niya na hindi niya maipagtatanggol ang tatlong bata dahil sa kinaroroonan nila. Walasiyang nagawa kundi tumakbo para habulin sina Blake,  Ely at Macky dahil sa panganib na maidudulot sa kanila ng Hukluban.

Nakita ni Mariang Makiling na pumasok ang tatlong bata sa kabilang kwarto kaya mabilis niyang tinungo hinabol ang mga ito.

"Blake,  sandali,  hindi iyan ang lola ninyo!" ang sigaw ni Mariang Makiling para pigilan ang mga bata.

Ngunit pagpasok niya ay napahawak siya ng mahigpit sa pinto dahil isang napakalalim at napakadilim na bangin ang tumambad sa kanya. Damang-dama ni Mariang Makiling ang napakainit na hanging sumalubong sa kanya sanhi ng mga nag-aapoy na putik na tila isang ilog na dumadaloy.

"Balake?!!!" ang malakas na sigaw ni Mariang Makiling. "Blake?!!! Nasaan na kayo?!!!"

Muli ay pinagmasdan ni Maruang Makiling,  umaasa na makikita at masasagip pa niya ang mga bata.

"Blake!!! Huwag kayong mag-alala.  Gagawa ako ng paraan tutulungan ko kayo!" ang muling sigaw ng magandang diwata na halos mamaos na sa kakasigaw.

Wala ng senyales ng mga bata ang naroroon kundi mga nagbabagang putik at napakabahong amoy ng asupre. Hindi alam ni Mariang Makiling ang gagawin kung paano hahanapin ang mga bata, pero alam niyang naroroon lang sa paligid ang mga ito.

Mula sa ilalim ng bangin ay naroroon si Blake. Naririnig ang pagtawag sa kanya ng diwata ngunit hindi siya makasagot dahil hawak ng matandang hukluban ang kanyang bibig at nakapulupot ito sa kanya na parang isang ahas. Sa tabi niya ay ang dalawa pang hukluban na kani-kanina lamang ay sina Ely at Macky.
-----------------

"Iikaw ang babae sa propesiya?" ang hindi makapaniwalang wika ni Demetria pagkatapos ipakita sa kanya ni Odessa ang ipinakita sa kanya ng Quebaluan.

Tumango lamang si Odessa. Nagtatalo ang kanyang damdamin kung matutuwa ba siya o malulungkot sa napakabigat na responsibilidad na nakaatang sa kanya para sa kahihinatnan ng mundo. Ramdam niya na namatay na nga si Bathala dahil sa mga nasaksihang senyales ng unti-unting pagkawala ng balanse ng mundo. Balanse na mangingibabaw ang kasamaan kaysa sa kabutihan. Ito na ang panahong magtatakda na sa kanya para simulan ang kanyang tungkuling iligtas hindi lamang ang sangkatauhan kundi pati na rin ang Sanlibutan.

Continue Reading

You'll Also Like

179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
54.9K 2.4K 52
Sabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa...
115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
405K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...