The Bad Boy's Love (Published...

By blue_maiden

88.2M 2.1M 751K

[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo... More

Prologue
Chapter 2: Dream or love?
Chapter 3: J's Graduation
Chapter 4: And she's back
Chapter 5: Long time no see
Chapter 6: Papa Jeydon
Chapter 7: Inuman session
Chapter 8: Going back
Chapter 9: The party
Chapter 10: Hello wedding bells
Chapter 11: Under the moon
Chapter 12: Job hunting
Chapter 13: First Night
Chapter 14: If only
Chapter 15: For a change
Chapter 16: Bridal Shower
Chapter 17: Dark past
Chapter 18: One step closer
Chaptet 19: Stag Party
Chapter 20: Changes
Chapter 21: Hold on
Chapter 22: Day to Forever
Chapter 23: The Wedding
Chapter 24: Secret House
Chapter 25: Premonition
Chapter 26: Best Friends
Chapter 27: Sayang
Chapter 28: Hindi itinadhana
Chapter 29: Welcome
Chapter 30: Bye Jeydon
Chapter 31: Durian
Chapter 32: In laws
Chapter 33: Hongkong Part 1
Chapter 34: Hongkong Part 2
Chapter 35: My boo
Chapter 36: Come back home
Chapter 37: Welcome home
Chapter 38: Someone like you (Part 1)
Chapter 39: Someone like you (Part 2)
Chapter 40: He's coming
Chapter 41: Being a daddy
Chapter 42: The Player's wedding
Chapter 43: The Fighter's battle
Chapter 44: Rest in Peace.
Chapter 45: Goodbye and Hello
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note
TFBBAM BOX SET PRE-ORDER

Chapter 1: City of love

4.1M 72.6K 36.8K
By blue_maiden

AFTER TWO YEARS.

Tumunog ang e-mail ko at mayro'n akong isang message. Nagmadali akong buksan 'yon, umaasang siya na ang nag-e-mail sa akin. Hindi naman ako nagkamali.

Dear Candice,


Happy anniversary, baby girl. Sorry busy lang ako sa exams kaya hindi ako nakakapag-e-mail. I miss you. I miss you so damn much and it's killing me everyday knowing that you're so damn far away from me. I want to hold you, hug you, and kiss you. Don't worry, I will see you soon. Behave ka diyan, arraso?

I love you, always and forever.

Love, JL.

Napangiti na lang ako nang malapad. "I love you, too, Jeydon, always and forever."

Ewan ko ba, para akong tanga kasi after all these years sa simpleng salita lang niya napapangiti na ako. Hindi ko alam kung ano ba'ng meron siya pero I'm so addicted to him—to that freaking irresistible bad boy.

"Candice, are you coming or not?" Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. "You're reading love letters again from your boyfriend, aren't you?" Ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Amanda, just give me ten minutes, okay?"

"Okay then. Hurry up reading that, alright? We'll see you at the lobby."

Pinatay ko 'yong laptop ko. Niligpit ko muna 'yong gamit ko at napatingin ako sa litrato namin nina Mama at Kuya Charles kasama si Ate Serina at 'yong cute kong pamangkin na si Skie. Six months na rin akong hindi nakakauwi at miss na miss ko na silang lahat. Excited na akong umuwi. Excited na akong makita ulit sila.

Bago ako umalis, tiningnan ko rin 'yong litrato naming dalawa. Iyong litrato namin sa Tagaytay.

Anim na taon na rin pala ang nakalipas simula no'ng nakilala ko siya. Parang kailan lang para pa kaming aso't pusa. Napangiti tuloy ako bigla dahil naisip ko na naman 'yong mga words of wisdom niya na minsan epic fail, at saka 'yong mga ngiti niya, 'yong abs niya, lahat sa kaniya miss ko na. Miss na miss ko na si Jeydon. Mayroon pala talagang tao na maisip mo pa lang siya, mapapangiti ka na.

"Candice!"

"I'm coming!" Kinuha ko 'yong gamit ko pagkatapos ay bumaba na rin ako.

Noong nasa lobby na ako, nando'n na silang lahat. Si Amanda, si Max, at si Louisa.

"Where are we eating for dinner?" tanong ko.

"Havana Central. We're going to celebrate someone's promotion—the promotion of our new editor-in-chief! Woohoo! Congratulations, Candice!" Niyakap ako ni Amanda. "We're so proud of you."

"Thanks, guys, and I'm also proud of our team. I'll surely miss you when I get back to the Philippines."

Inakbayan ako bigla ni Max. "Hey, Candice! That's just a vacation, right? So don't say that because you're still going back here." Ngumiti na lang ako kay Max. Hindi ko rin kasi alam 'yong sagot do'n. "We can't afford to lose you."

"Hey, babe, leave Candice alone. Let her decide, okay? And can we just go? I'm hungry." Kinindatan ako ni Louisa. Buti na lang nandiyan siya lagi para saluhin ako sa boyfriend niya.

Sumakay kami sa kotse ni Max papuntang Havana Central. Habang nasa biyahe kami, tiningnan ko 'yong sulat na ibinigay sa akin ng boss ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na promoted na 'ko as editor in chief. Nagsimula ako bilang secretary na naging assistant editor at ngayon naman, editor in chief na ko. Parang ang bilis ng panahon. Parang kailan, hindi ko pa alam kung ano'ng gagawin ko.

Nagtratrabaho ako sa Elle's Magazine, isa sa pinakasikat na magazine sa US. Dalawang taon na rin ako dito sa New York. Noong una, hindi madaling mabuhay mag-isa sa ibang bansa tapos malayo pa ako kina Mama at Kuya Charles, pero sa pagtagal natutunan ko na rin kung paano mag-adjust. Natutunan ko kung paano maging independent. Kahit na-nosebleed ako sa mga katrabaho ko dahil lahat sila mga Amerikano, masaya pa rin ako kasi lahat sila mabait. Ewan ko lang do'n sa boss ko na ubod ng sungit. Minsan mahirap pero kinakaya ko pa rin.

Ito kasi talaga 'yong pangarap ko.

"Candice, we're here," sabi sa 'kin ni Amanda.

Bumaba kami tapos pagpasok namin sa loob, nagulat ako kasi may naka-reserve ng table para sa 'min. Mukhang pinaghandaan nila 'to ah? Anong mayro'n?

"As always, I'm going to order arroz con pollo for us and because we're celebrating. I will also get some wine," sabi ni Louisa. Bigla akong nagutom.

"When are you going home, Candice?"

"I don't know, Amanda. Maybe next week." Lahat sila nag-sad face. Ngumiti na lang ako sa kanila. "Don't worry. I'll be back for sure."

"All right! Here's our food!" sigaw ni Max.

Lahat ata kami gutom. KKB kami sa pagkain – kaniya-kaniyang business. Wala kaming kibuan habang kumakain at wala pang twenty minutes naubos na namin 'yong pagkain namin. Gutom much?

"Hey, Candice, it's your anniversary right? Where's your boyfriend?" tanong ni Max. Napatingin na lang ako sa wine na hawak ko.

"He's busy with his exams, Max. I don't think he's going to be here but it's all right. I understand him," sagot ko.

"Aww. You're such a sweet girlfriend, unlike my girlfriend who's always beating me up." Tumawa si Max at ito namang si Louisa ang sama ng tingin sa kaniya.

"Do you still want to step out of here as my boyfriend?" pagtataray niya.

"I'm just kidding, babe." Natawa na lang kami ni Amanda sa kanilang dalawa.

Hindi ko maiwasang maalala si Jeydon kay Max. Pareho kasi sila ni Jeydon na mapang-asar. I'm just missing him more. Isang buwan na rin kaming hindi nagkikita dahil busy siya sa thesis at exams nila. Ayos lang naman sa 'kin 'yon eh. Boyfriend ko siya kaya kailangan ko siyang intindihin.

Hindi ko ikakaila na umaasa akong pupuntahan niya ako rito. Umaasa akong may gagawin siyang surpresa pero mukhang hindi 'yon mangyayari ngayon. Kung puwede lang sana ako na lang 'yong pumunta do'n sa Korea.

"Seriously, do you think he really loves you, Candice? This day is important to the both of you but he's not even here," sabi ni Max.

"Babe, stop it!" sigaw ni Louisa.

"I'm sorry." Tumayo ako. "Excuse me," sabi ko at nagmadali akong pumunta sa rest room.

Nagkulong lang ako sa cubicle habang unti-unting tumulo 'yong mga luha sa mata ko. Para akong tanga, maliit na bagay lang iniiyakan ko pa. Ano kung hindi siya makapunta? Hindi naman ibig sabihin no'n na hindi na ako importante sa kaniya eh, na hindi niya ako mahal. Masyado lang siguro akong nagiging emosyonal. Magkalayo man kami, nasanay pa rin kasi akong nandiyan siya palagi sa mga importanteng okasyon.

Lalo na ngayon at sixth anniversary namin.

Inayos ko 'yong sarili ko tapos lumabas na ako. Nagulat ako kasi nakapatay na 'yong ilaw ng restaurant. Hinanap ko agad sina Amanda pero wala sila. Nasaan na 'yong mga 'yon?

"Excuse me?" Napatingin ako do'n sa waiter na may hawak na isang rose. "This is for you." Inabot niya sa 'kin 'yong rose.

"Me?" Ngumiti siya sa 'kin.

Tiningnan ko 'yong rose tapos may papel na nakakabit do'n. Napataas na lang 'yong kilay ko sa nabasa ko.

"Will you come with me?"

Paano ako sasama sa kaniya kung hindi ko naman siya kilala, eh baliw pala siya eh. Sino ba kasi siya?

"Please come with me, madame," aya ng waiter.

"Where?" Hindi siya nagsalita tapos inalok niya lang sa 'kin 'yong kamay niya. Inabot ko na lang din 'yong kamay ko. Baka mamaya pakana 'to nina Amanda.

Habang naglalakad kami may isang lalaking lumapit sa 'kin at nag-abot na naman ng isang pirasong bulaklak. May isa pang nagbigay sa 'kin ng isang pirasong bulaklak hanggang sa naka labing-dalawang piraso na ako ng pulang rosas.

Nakarating kami sa gitna ng Time Square. As usual, napakaraming tao rito. Nakita ko do'n sina Amanda.

"Hey! What's going on here? Is this all your plan?" Hindi nila ako sinagot tapos ngumiti lang sila. "Can someone tell me what's happening?"

"I have a girlfriend and her name is Candice." Kilala ko 'yong boses na 'yon ah? "She's bossy and a bit loud especially when she's mad. She's also irritating sometimes." Boses ba 'yon' ni Jeydon?

Sa building na nasa likod namin, may malaking screen do'n kung saan nakasulat 'yong mga sinasabi ni Jeydon. May picture pa ako ro'n—mga stolen pictures ko. Lahat ng tao natigilan at napatinging din sila sa screen at saka nagbubulungan pa sila. Wah! Nakakahiya at saka bakit nilalait niya ako? Abnormal talaga siya.

"She may not be the most beautiful girl in this world, but she's the only one who makes my world beautiful."

Bigla siyang lumabas sa screen. Kahit na wala siya ngayon dito, masayang-masaya na ako sa ginawa niya ngayong gabi. He never fails to surprise me.

"If I have a castle, you're going to be my queen. If I have a house, you're going to be my wife. But in this world, you're my life."

Nagulat na lang ako nang may flash mob na sa paligid namin. Tumugtog 'yong kanta ni Adam Sandler na "Grow Old With You" tapos sinasayaw nila 'yon. Akala ko tapos na 'yong kanta pero humabol pa sila ng isang linya ng kanta.

"All he wants to do is grow old with you . . . "

May biglang tumunog na gitara kaya napalingon ako sa likod ko. At nakita ko si Jeydon na nakatayo na may hawak na gitara at nakatingin siya sa 'kin. Ang OA ko lang pero talagang naiiyak ako at hindi ko mapigilan 'yon.

"Another day
Without your smile
Another day just passes by
But now I know
How much it means
For you to stay
Right here with me"

Unti-unti siyang lumalapit sa 'kin, habang kumakanta siya hawak 'yong gitara niya.

"The time we spent apart will make our love grow stronger but it hurt so bad I can't take it any longer . . . "

Nakatayo na siya sa harapan ko, ang lapit niya sa 'kin, at hindi niya pa inaalis 'yong tingin niya sa 'kin. Para akong natutunaw sa mga tingin niya.

"I wanna grow old with you
I wanna die lying in your arms
I wanna grow old with you
I wanna be looking in your eyes
I wanna be there for you
Sharing everything you do
I wanna grow old with you."

Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Kahit na maraming tao sa paligid namin, parang ako at siya lang 'yong nandito. Hindi ko pa rin mapigilan 'yong iyak ko.

"Stop crying now, baby girl. I'm here. Happy sixth anniversary." Pinunasan niya 'yong mga luha sa mata ko.

"Happy anniversary rin, Jeydon. Hindi ko akaling pupunta ka rito para lang sorpresahin ako."

Hinawakan niya 'yong mga kamay ko. "Itong araw na 'to, importante 'to sa 'kin at sa 'tin."

Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. "Ha? Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Noong una hindi ako naniniwala sa mga fairy tales at happily ever after. Sabi ko pa sa sarili ko noon kalokohan lang 'yon, pero no'ng nakilala kita, damn, I want to have my own happily ever after with you. You're my Cinderella, and I fucking want to be your Prince Charming."

Nagulat ako nang sobra no'ng biglang lumuhod sa harap ko si Jeydon. Hindi ko na naman napigilang maiyak. Alam ko na kung anong gagawin niya pero parang ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko.

"Nagkaroon lang naman ng kahulugan 'yong buhay ko no'ng dumating ka kaya kung mawawala ka pa sa 'kin , hindi ko na alam kung para saan pa 'yong buhay ko."

"Jeydon . . . "

Hinawakan niya 'yong dalawa kong kamay. "I'll be a pen and please be a paper and together let's make our own happily ever after."

Nilabas niya 'yong isang box sa bulsa niya, pagkabukas niya no'n nakita ko na 'yong singsing na may maliit na diyamante sa gitna. Sobrang ganda nito.

"Candice Gonzales, will you please grow old with me?"

Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko alam kung anu-ano na ba 'yong nararamdaman ko ngayon, basta isa lang 'yong sigurado ako, sobrang saya ko. Sa mga movie ko lang napapanood 'yong ganitong proposal at ngayon ginagawa na sa 'kin ni Jeydon.

Napakarami mang dumating na pagsubok sa 'ming dalawa, kahit kailan hindi nawala 'yong pagmamahal namin sa isa't isa. Siya man o hindi ang destiny o Prince Charming ko, wala akong pakialam basta mahal na mahal ko siya at siya na 'yong lalaking gusto kong makasama habangbuhay.

"Yes, Jeydon, I will grow old with you. I want to be with you everyday until my last breath. I want you, only you. I love you always and forever."

Lahat ng mga tao sa paligid namin nagpapalakpakan at nagsisigawan pa. Tiningnan ko sina Amanda at pati sila naiiyak na rin.

Sinuot sa 'kin ni Jeydon 'yong singsing tapos tumayo siya.

"Thank you for saying yes. I'm so damn excited to wake up every day with you. To hold you, hug you, and kiss you forever and ever. I love you, Candice, always and forever."

Hinawakan niya 'yong mukha ko tapos unti-unti niyang nilapit sa 'kin 'yong mukha niya.

He kissed me with so much love. I've never been this happy and in love, ngayon lang. Kay Jeydon lang, sa nag-iisang lalaki na minahal ko nang sobra.

Once upon a time I fell in love with this bad boy and now I'm going to have my happily ever after with him...


Continue Reading

You'll Also Like

462K 14.6K 33
This is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
97.6M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...