Half Blood Academy (School Of...

By Cavathepurple

1.8M 49.8K 3.1K

[COMPLETED] Isa itong paaralan na hindi maaaring makita ng isang ordinaryong tao. Tanging mga Half Bloods lan... More

READ THIS FIRST
Cast
Synopsis
Chapter 1: Expelled
Chapter 2: Forgiven
Chapter 3: New school?
Chapter 4: Welcome to Half Blood Academy
Chapter 5: Groups
Chapter 6: Meet Jane Varona
Chapter 7: Royal Families
Chapter 8: The story of Killy's room
Chapter 9: Meet the King
Chapter 10: Queen
Chapter 11: Edwin Vam Lee
Chapter 12: Tagabantay
Chapter 13: Plan
Chapter 14: Finding Legendary Igley
Chapter 15: The Legendary Igley
Chapter 16: Esperanza
Chapter 17: The King is back
Chapter 18: Trouble and bad news
Chapter 19: Bully
Chapter 20: Bully II
Chapter 21: Announcement
Chapter 22: Can't say
Chapter 23: Partner
Chapter 24: Dark students
Chapter 25: Meeting
SCARLET EYE
Chapter 26: Sexual Harassment
Chapter 27: Seen zone
Chapter 28: Welcome to Half Blood Academy, Prince Zack.
Chapter 29: Lintik lang ang walang ganti!
Chapter 30: I like you
Chapter 31: Dance Practice
Author Note (MUST READ!!)
32: Mask Party
33: Mask Party
34: Mask Party
35: Mask Party Cancellation
Chapter 36: Extraordinary power
Chapter 37: Where are you Jane?
Chapter 38: Fight for Jane.
Chapter 39: El Nebre
Chapter 40: I hate you
Chapter 41: First kiss
Chapter 42: Shanlee's feelings
Chapter 43: Day with him
Chapter 44: Sword
Chapter 45: Killy's feelings
Chapter 46: My boyfriend
Chapter 47: I'm sick
Chapter 48: HBA hospital
Chapter 49: Kasalanan mo
Chapter 50: Ako na lang ba lagi?
Chapter 51: The illusion
Chapter 52: Goodbye but I will return
Chapter 53: Goodbye but I will return (Part 2)
Chapter 54: The celebration of Jane and Railey
Chapter 55: The return of the Scorpions
Chapter 56: Paralyzed
Chapter 57: Juliuse hidden love
Chapter 58: Juliuse happiness and Jessie's hurtness
Chapter 59: Dead
Chapter 60: The four elemental jewelry
For My Readers (Please Read)
Chapter 61: Opened in reality
Chapter 62: Jessie's anger
Chapter 63: Plan A, Plan B, Plan C
MISSION I:GOING TO MT. SARDONA
MISSION I:TWO WAY OR TO DEATH
MISSION I:MY BLOOD
MISSION I:THE FOREST OF TRAPS
MISSION I:ZOMBIE CITY
MISSION I:HOT AND COLD MOUNTAIN
MISSION I:THE DISASTER
MISSION I:GAME OVER
MISSION I:KILL THE LEADER
MISSION I:ALIVE
MISSION I:SARNA'S KINGDOM
MISSION I:THE THIEFS
MISSION I:MISSION FAILED
Chapter 77: His beerday party
Chapter 78: Mystery singer
Chapter 79: She's back
Chapter 80: New Killy
Chapter 81: Princess new rule
Chapter 82: Changes
Chapter 83: Welcome new half blood students
Chapter 84: Lisha and Luke
Chapter 85: Practice makes perfect
Chapter 86: Lisha vs Luke
Chapter 87: Same
Chapter 88: Surprise test
Chapter 89: Laging war
Chapter 90: New members of Spiders
PASILIP #1
PASILIP #2
Chapter 91: ELLAntod
Chapter 92: Suspicion
Chapter 93: Death threats
Chapter 94: Meet his parents
Chapter 95: Break up
Chapter 96: Hinala
Chapter 97: Save her
Chapter 98: Forever
Chapter 99: She's really back
Chapter 100: El Nebre thingy
Chapter 101: El Nebre, meeting and plans
MISSION II:GOING TO ENCHANTED FOREST
MISSION II:MEET MY MAMA
MISSION II:THE HARDEST TRAINING
MISSION II:THE START
MISSION II:THE MIDDLE OF THE TRAINING
MISSION II:THE FINAL TRAINING
MISSION II:HERE WE ARE ENCHANTED FOREST
MISSION II:THE GOLDEN DRAGON
MISSION II:THE EL NEBRE
MISSION II:EL RICA
Chapter 112: Save her
Chapter 113: One of the Royal Families
Chapter 114: The truth
Chapter 115: Ryza's decision
Chapter 116: Traitor
Chapter 117: Queen's Birthday
Chapter 118: Her death
Chapter 119: Ryza and Jessie's case
Chapter 120: Preparation (Part I)
Chapter 120: Preparation (Part II)
Chapter 122: Lamela, Khey Lloyd and Katalina
Chapter 123: Jemuel's Father
Chapter 124: Sacrifices
Chapter 125: The end
Epilogue
BOOK 2

Chapter 121: War

5.6K 159 17
By Cavathepurple

Third Person's POV (Author's POV)


Nakahanda na ang lahat. Nakapwesto na sila malapit sa Death Forest kung saan gaganapin ang digmaan. Tanging pagsikat nalang ang araw ang hinahantay.

Takot, kaba, pangamba, at excitement.

Yan ang ilan sa nararamdaman ng mga half blood students na sasabak sa gera.

"Calm yourself, Kill" Ani Liam kay Killy.

"Kalmado naman ako" Sagot ni Killy

"Action speaks louder than words. Always remember that" Sabi pa ni Liam at hinawakan ang nanginginig na kamay ni Killy.

Napairap naman si Killy. Kanina niya pa kasi pinipilit pakalmahin ang sarili niya, at nagpapasalamat siya na kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng kamay niya ng hawakan ito ni Liam.

"Natatakot ako" Nakatungong sabi ni Killy, kaya naman Napatingin sakanya si Liam "Kung may mangyari mang hindi maganda. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Liam, at nagpapasalamat ako na nung nakilala ko kayong mga miyembro ng Spiders, naramdaman ko ang hindi ko nararamdaman noon" Sabi ni Killy habang nakatungo parin.

"Gaya ng?"-Liam

"Gaya ng matinding takot, kaba, pangamba, saya, lungkot, pag-aalala, at...." Ngayon ay nakatingin na si Killy kay Liam, diretso sa mata ng binata "....matinding pagmamahal"

"K-Kill..."

"Oo Liam, lahat ng mga hindi ko nararamdaman noon ay naramdaman ko nang makapasok ako sa akademyang ito" Bahagyang ngumiti si Killy at tumingin kay headmaster Andrie na nasa harapan "Kaya handa akong magsakrepisyo. Para sainyo at para sa akademya"

"W-Wag ka ngang magsalita ng ganyan Kill! Para ka namang namamaalam" Bumuntong-hininga si Liam at pinilit alisin ang kaba na nararamdaman niya dahil sa mga sinasabi ni Killy "Kaya natin 'to, makakaligtas tayo. Think positive" Pagpapalakas niya sa loob ng dalaga, pero siya hindi Niya kayang palakasin and kanyang loob.

Isang matinding katahimikan ang lumukob sa paligid. Tanging tunog lang ng mga kakaibang insecto ang naririnig sa paligig

"Anong gagawin mo kapag hindi tayo pinalad na manalo sa digmaang ito?" Sabi ni Killy kay Liam sa mahinang boses.

"Hindi pa nga nag-uumpisa iniisip mo kaagad na hindi tayo mananalo"

"Kung sakali lang naman"

"Makinig ka saakin Kill" Inilagay ni Liam ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang balikat ni Kily "Tayo ang magwawagi sa digmaang ito. Isipin mo nalang na misyon natin 'to, nangsaganon ay hindi ka na mabahala pa"

Napangiti si Killy "Salamat"

"Para saan?" Tanong ni Liam.

"Sa pagpapagaan ng loob, dahil lagi kang nasa tabi ko at hindi ka sumusuko saakin"

"Hindi mo na kailangan magpasalamat. Ano pang silbi ko bilang boyfriend mo kung hindi ko kayang pagaanin ang loob mo"

Napangiti nalang si Killy. Ngayon naisip niya na napakaswerte niya dahil naging boyfriend niya si Liam. Ilang beses na silang naghiwalay pero ipinaglaban parin siya ni Liam. Kahit gaano niya na nasaktan si Liam patuloy parin ang binatana sa pagsuyo at paghahabol sakanya.

Tunay nga talaga siyang mahal ni Liam.

Killy's POV 

Inhale....

Exhale....

Inhale....

Exhale....

Kaya mo 'to Killy, palaban ka diba? Matapang ka diba? Ngayon ipakita mo  sa mga taga-Dark University na mali sila ng hinamon.

"Kill" Napatingin ako sa gilid ko ng tawagin ako ni Jane.

"Ano yun?"

"Bakit may hairpin ka sa buhok?" Tanong niya "Ngayon lang kita nakitang naglagay niyan"

"Jane ito yung binigay saakin ni headmaster"

"Talaga? Ano daw ang kayang gawin ng hairpin 'yan?"

"Tracker daw ito. Ang sabi saakin ni headmaster maglagay daw ako ng kahit isang piraso ng hair pin sa buhok ko, tapos kapag may target daw ako ilagay ko lang ang isang pirasong hairpin sa buhok niya para kahit saan man pumunta ang target ko malalaman ko kung nasaan siya. Hindi lang yun, malalaman ko rin kung papalapit saakin ang target ko ay kung nasaan ang pwesto niya"

"Wow! Ang galing naman!" Namamanghang sabi ni Jane.

"Ikaw? 'Yang sling bag na yan ba ang ibinigay sayo ni headmaster?"

Napatingin siya sa sling bag na nakasabit sa balikat niya "Oo ito nga. Okay rin naman siya at madali lang gamitin"

"Ano ba ang laman ng bag na 'yan?" Tanong ko.

Bunuksan niya ang bag niya at may nilabas na maliit na babasaging bote "Lason"

(O_O)!

"L-Lason?" Pag-ulit ko.

"Oo. Puro lason ang laman ng bag ko. At galing ang lason na ito sa bayan namin kaya alam ko kung paano at para saan ito gagamitin"

"Anu-anong klase ng lason ang nasa loob ng bag mo?"

"Lahat sila ay nakakamatay pero iba-iba ang epekto. Katulad ng isang 'to" Naglabas siya ng isang maliit na bote na may lamang kulay pink na likido "Kapag dumikit ang likidong ito sa kahit anong parte ng katawan mo maghahallucinate ka at papatayin mo ang sarili mo"

"Paano mo naman nalaman?"

Nag-iwas siya ng tingin "Dahil ako mismo ang gumawa ng lason na ito"

(OoO)

"Talaga?"

"Oo" Nakita ko ang lungkot sa mata niya kaya naman nagtaka ako, diba dapat proud siya kasi nakagawa siya ng lason na sobrang astig ang epekto.

"Oh, mukhang hindi ka 'ata proud na ikaw ang nag-imbento ng lason na yan"

Mapang-uyam siyang tumawa "Bakit naman ako magiging proud? Nang dahil saakin at sa gamot na ginawa ko namatay ang nakababata kong kapatid" May lungkot at pagsisisi ang makikita sa kanyang mga mata.

"S-Sorry"

Pinunasan niya ang gilid ng mata niya "Okay lang, hindi ka dapat mag-sorry. Hindi naman ikaw yung nakapatay sa kapatid ko"

Isang matinding katahimikan ang namagitan saamin ni Jane. Ayoko nalang magtanong dahil baka mas lalo lang malungkot si Jane.

Kahit sobrang tagal na naming magkasama ni Jane at parang kapatid na ang turing ko sakanya, may mga bagay talagang hindi niya kayang sabihin saakin. Siguro dahil natatakot siya na baka layuan ko siya kapag nalaman ko na dahil sakanya ay namatay ang kapatid niya o kaya naman ay baka husgahan ko siya.

Kinalabit ko si Liam kaya naman napatingin siya saakin "Bakit My Queen?" Tanong niya.

"Alam mo ba na may kapatid si Jane?" Pabulong kong tanong.

Biglang naging malungkot ang expression niya "Oo. Alam ko at alam ng lahat yun. Pati narin ng mga dating  half blood students" Napabuntong-hininga si Liam at mukhang iniisip niya ang panahon kung kailan nangyari ang insidenteng 'yon "Ang totoo ay hindi talaga Jane ang pangalan ni Jane"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ang tunay talagang pangalan ni Jane ay Janine"

"Kung ganon saan nanggaling ang Jane?"

"Yun ang pangalan ng kapatid niya" Muling napabuntong-hininga si Liam "Anim na taon na ang nakalipas ng mangyari ang aksidenteng iyon. Natapos ni Janine ang isang lason na ikakamatay ng isang nilalang sa napakabilis na paraan. Pinuri at pinarangalan si Janine dahil sa lason na nagawa niya. Sa murang idad ay nakagawa siya ng pambihirang lason na kahit kailan ay hindi naisip ng mga mas maabilidad na poison maker. Pero lahat ng natamong papuri at parangala ni Janine ay biglang naglaho at napalitan ng panghuhusga at pangungutya. Nabalitaan kasi ng lahat na namatay ang nakababatang kapatid ni Janine na si Jane ng aksidente nitong nahawakan ang likodo na nasa laboratoryo. Ang lahat ay natakot sa naging epekto ng lason, namatay ang kapatid ni Janine dahil ininom niya lahat ng lason na nasa laboratoryo. Kaya simula no'n ay ipinagbawal na ang paggamit ng lason na 'yun at pinagbawalan narin nila si Jane gumawa ng lason. Sinisisi ni Janine ang sarili niya---" Napahinto si Liam sa pagsasalita ng may tumikhim. Kaya naman napatingin kami kung saan nanggagaling ang tikhim na iyon.

Napatingin ako sa likod ni Liam at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nandoon.

"R-Railey..."

Third Person's POV (Author's POV)

Flashback....

Sinisisi ng batang si Janine ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa kanyang kapatid na si Jane.

Buong araw ay hindi siya lumabas ng kwarto niya, hindi rin siya kumain. Habang lumilipas ang araw ay mas lalong nanghihina ang batang si Janine. 

Isang araw ay may naisip siyang ediya. Naisip niyang gayahin ang pagkatao ng kanyang kapatid na si Jane. 

Pinalitan niya ang kanyang pangalanang kanyang buhok ay pinalitan niya rin, ang kanyang pananamit, maging ang kanyang pananalita. Naging siya na si Jane. Ito lang naisip niyang paraan para hindi na siya magsisi.

Ayos lang sakanya kahit patayin niya ang kanyang pagkatao na si Janine. Sobrang mahal niya ang kanyang nakababatang kapatid at lahat gagawin niya para lang mabuhay ito. Pero alam niyang hindi niya na kayang buhayin pa ang kanyang kapatid kaya naman binuhay niya nanlang ito sa pamamagitan ng paggaya niya sa nakababata niyang kapatid. Para kahit papaano ay mabawasan ang pangungulila niya kapag tumingin siya sa salamin.

"Ang ganda-ganda mo talaga Jane" sabi ni Jane habang nakaharap sa salamin habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Lumipas ang mga araw, Jane na ang tawag sakanya ng lahat

End of flashback...

Killy's POV. 

Grabe pala ang nangyari kay Jane.  Ako kahit namatay ang kapatid kong si Killmer, hindi ko naisipan na gayahin ang katauhan ng namayapa kong kapatid. 

"Ayaw niya ring tinatawag siyang Janine. Kapag tinatawag siyang ganon nagwawala siya at ang lagi niyang sinasabi ay 'Ako nga si Jane! Bakit ba Janine kayo ng Janine?! Patay na si Janine!' Yun ang lagi niyang sinasabi tapos mag wo-walk out siya" sabi pa ni Liam. 

"Kung ganon yung tunay na Jane talaga ang myembro ng Spiders?" Tanong ko.

"Oo, si Janine naman ay sa Geniuses dahil sobrang talino niya, habang si Jane naman ay magaling sa labanan" sagot ni Railey.

"Sino ba talaga sa kanilang dalawa ang mahal mo Railey? Si Jane o si Janine?" Tanong ko.

"Si Janine. Bata palang kami gusto ko na siya. Yun nga lang lagi niya akong iniiwasan"-Railey

"Bakit?"

"Kasi may gusto sakanya si Jane" nakangising sabi ni Liam "Ang galing nga ng love triangle nila. Kasi ganito yun, mahal ni Jane si Railey habang si Railey naman ay may gusto kay Janine pero hindi siya pinapansin ni Janine dahil alam nito na may gusto ang nakababata niyang kapatid kay Railey at mas mahal ni Janine ang nakababata niyang kapatid" Sabi ni Liam habang nakatingin kay Railey ng mapang-asar.

"Ang sarap mong sapakin Liam" Naiinis na sabi ni Railey. 

"Mag-uumpisa na ang digmaan nagdadaldalan pa kayo diyan" nagulat kami ng makitang nasa harap na namin si headmaster Andrie.

"A-Ah h-headmaster. Nandiyan ka po pala h-hehe"-Liam.

"Wala akong kinalaman diyan" pagmamaang-maangan ko.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Liam at Railey pero hindi ko nalang sila pinansin.

"Mas importante ba 'yang pinag-uusapin niyo kesa sa pinapaliwanag ko sa harap?" Seryosong tanong ni headmaster "Mr. Sandoval, saan lang kayo pwedeng pumwesto kung nakinig ka nga saakin kanina" oh no!

"Sa southeast part lang po ng Death Forest pero pwede rin kami sa ibang parte kung kinakailangan" sagot ni Railey.

"Bakit kailangan sa southeast ko kayo pinuwesto? Pwede bang pakisagot Ms. Nightblood?" Napatingin naman saakin si headmaster.

"Kase.... kase ahm.... Kase mas maraming malalakas na kalaban sa southeast part?" Patanong kong sagot.

"Halatang nanghula"-headmaster

"At least tama" balong ko

"Ikaw naman Mr. Nightblood. Ano ang gagawin kapag masyado ng marami ang kalaban?"-headmaster

"Syempre manghihingi na ako ng tulong" confident na sagot ni Liam. 

"Pff... Bwahahahahaha!!!!" Natawa kaming dalawa ni Railey sa sagot ni Liam.

"Sigurado ka ba sa sagot ko Mr. Darknight?" Tanong ni headmaster.

"A-ah... A-Ano kasi.... Ahm.." Tumingin siya saakin at mukhang nanghihingi ng tulong si loko.

"Alagaan niyo 'yang si Darknight, hindi na ako magtataka kung siya ang unang magkalatay sainyong mga Spiders" sabi ni headmaster at saka umalis. 

"Ano ba kasing sagot sa tanong ni headmaster?" naka-pout na tanong ni Liam. 

"Easy, mas madali nga yung tanong niya sayo" sabi ko.

"Ano ngang sagot?" Pangungulit niya.

"Wala" sabay na sagot namin ni Railey.

"Anong wala?"-Liam. 

"Wala kang gagawin. Lalabanan mo lang sila kahit gaano pa sila kadami. Nakakalimutan mo na ba Liam, mas malakas tayo sa normal na half blood students" sabi ko sakanya

"Naisip ko na yun, hindi ko lang sinabi" mayabang na sabi ni Liam. 

"Okay, sabi mo eh" bago umalis si Railey, mapang-asar muna niyang nginisian si Liam. 

Napatingin kaming lahat sa harap ng makarinig kami ng tunog ng pito. 

"Isang minuto nalang at sisikat na ang araw, maghanda na ang lahatMag-iingat kayong lahat at sana ay gabayan kayo ng kaluluwa ng ating hari na si El Diablo" sabi ni headmaster at itinaas ang watawat ng Half Blood Academy.

"Killy! Liam!" Napatingin kaming dalawa ni Liam kay Railey ng tawagin niya kami. Lumapit kami sakanya dahil nandon silang lahat.

"Anong meron? Bakit kayo nagtipon-tipon dito?" Tanong ko. 

"May binabalak kasi 'tong si Railey"-Vam

"Binabalak? Ano naman yun?"-Liam

Lahat kami ay napatingin kay Railey.

"Masyadong malaki ang southeast part ng Death Forest kaya naman ang balak ko ay maghihiwahiwalay tayo. Partner by partner" paliwanag ni Railey.

"Okay" pagsang-ayon naming lahat.

"Partner ko si Lly" hinila ako ni Vam tapos kinindatan niya si Shanlee. Bahagya lang siyang tinanguan ni Shanlee.

"Nang aasar ka na naman" bulong ko kay Vam.

"Alam mo namang tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko si Liam na nagagalit" bulong niya naman saakin. 

"Hoy Vam! Bitawan mo nga yung reyna ko!" Inis na sabi ni Liam kay Vam. 

"Ayoko nga, partner na kami. Diba Lly?" Niyakap ako ni Vam sa likod at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko "Diba? Diba Lly?"

"Sabi mo eh"

"Ano ba! Akin na si Kill!"-Liam

"Ayoko nga! Bakit sayo ba siya?"-Vam

"Oo akin siya, mas may karapan ako sakanya kasi ako ang boyfriend niya! Boyfriend ka ba niya ha?! Boyfriend ka?! Boyfriend ka?!"-Liam

"Hindi, pero ako ang unang nagmahal sa kanya" nakangising sabi ni Vam. 

Walang nainisagot si Liam. Masama lang itong nakatingin sakanya at mukhang pinapatay niya na si Vam sa kanyang isip. 

Nagulat nalang kaming lahat ng biglang may pumatak na luha sa mata ni Liam habang nakatingin pa rin ng masama kay Vam. Nagmukha tuloy siyang batang inagawan ng laruan.

"Baliw ka talaga!" Siniko ko si Vam sa tiyan pero hindi naman ganon kalakas. Imbis na umaray,  tumawa pa siya dahil sa nasaksihan niyang pag-iyak ni Liam "Umalis na kayo, ako ng bahala kay Liam" tumango sila at tinalikuran na kami. Nakita ko pang binatukan ni Shanlee si Vam. Buti nga sakanya "Shh... Wag ka nang umiyak. Para ka namang bata niyan" Pinunasan ko ang luha na nasa pisngi niya. 

"Inaagaw ka ni Vam saakin eh!"

"Niloloko ka lang niya, wag kang magpapaniwala dun. May konting saltik yun sa utak"

"Mang-aagaw siya! Akin ka lang eh. Wag kang didikit sa Vam na yun ha?"

"Oo na"

Ngumiti na siya "Pakiss nga"

"Tumigil ka. Kailangan na nating gumayak. Nag-umpisa na ang digmaan. May naaamoy na akong dugo na humalo sa hangin"

Bago pa siya magsalita ay hinila ko na siya sa parteng southeast ng Death Forest. 

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

112K 4.1K 54
Zheyran Angel Briones and Gabriel Felix Monteser, their path has crossed because of the crime on their school days. Together with the Secretum Oculi...
4M 155K 46
Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangara...
314K 12.6K 64
Dahil hindi matanggap ni Jiwon Natividad ang unjust death ng kanyang ina, sikreto niyang inimbestigahan ang cold serial murder case. Nangalap siya ng...
REVERSE ✓ By 유수자

Mystery / Thriller

1K 131 19
"The circus is now open! However, the clown was missing; seeking for the next victim." Cassien joined a non-maiden detective club to dislodge boredom...