Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

015

25.6K 393 41
By Kass-iopeia

015

Hinatid ako ni Calvin pagkatapos naming manuod. Kahit papano ay nalibang ako at nakapag palipas ako ng oras. Nang icheck ko ang oras sa cellphone ko ay mag aalas dyis na ng gabi kaya siguro naman tulog na si Callum pag akyat ko sa unit niya.

Kagat kagat ko ang aking mga labing pumapasok sa unit ni Callum. Pinilit kong huwag gumawa ng ano mang ingay na maaring makagising kay Callum. Ayoko na munang mag tagpo ang landas naming dalawa dahil alam ko namang ayaw niya din itong mangyari. Alam ko namang ayaw din niya akong makita sa ngayon..

Nakapatay ang ilaw sa sala ng buksan ko ang pinto. Nag dahan dahan akong nag tungo sa tapat ng kwarto ko nang biglang bumukas ang ilaw. Napatingin ako sa taong nag bukas nuon. Napayuko ako nang makita ko si Callum na nakatayo malapit sa switch ng ilaw. Tumalikod ako ulit para pumasok na ng tuluyan sa kwarto ko pero nag salita siya bigla.

"Let me guess, galing ka nanaman duon sa lalaki mo ano?" Aniya. Di ko siya pinansin at nag dirediretsyo na lang sa pag pasok sa kwarto ko.

Wala na akong magagawa kung ganuon talaga ang tingin nila sa akin. Agad na isinubsob ko ang mukha ko sa unan habang pilit na kumakawala ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ganun? Bakit napaka sakit pa din na marinig ang mga salitang yun? Hindi ba dapat masanay na ako.. Pero bakit ang sakit sakit pa din.. Kung husgahan nila ako ganun ganun na lang.

Sobrang sakit para sa akin ng bawat salitang sinasabi nila sa akin. Tinitiis ko lang dahil wala naman akong choice. Kailangan kong tumanaw ng utang na loob kay Chris at itong pakikisamang ginagawa ko sa mga anak niya ay isang paraan lang para makabawi ako sa kanya kahit papano. Pero parang gusto ko na yata sumuko.. Parang hindi ko na kaya gayong nasa kalagitnaan pa lang ako nang pag tanaw ng utang na loob kay Chris. Hindi pa ako pwedeng himinto.. Ayokong madismaya yung taong nag bigay sa akin ng panibagong pag asa. Hindi ko magagawa ang biguin si Chris. Hindi ko kaya..

Kaya mas mabuti na ito. Mas mabuti na ang mag tiis. Matatapos din lahat ng ito. Maiintindihan din nila ang kanilang ama at ako. Matatanggap din nila ako sa pamilya nila. Sana nga..

Kinaumagahan ay inagahan ko ang pag alis para hindi na mag kasalubong pa ang landas namin ni Callum. Hanggat maari gusto ko na munang umiwas sa kanya. Hindi din naman niya ako pinatawag sa opisina niya kaya hindi din kami nag kita sa trabaho. Isang lingo ang lumipas at ganun pa din. Iwas na iwas akong makatagpo si Callum. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to pero para na din siguro walang gulo. Ayoko na din kasing marinig yung mga masasakit niyang salita. Ayoko ng masaktan pa ulit dahil sa mga pang huhusga nila.

"Katharina,umakyat ka sa kwarto ni sir Lawrence. Pinapatawag ka nya duon." Ani Ms. Gemma. Napabuntong hininga ako bago ko puntahan ang kwarto ni sir Lawrence.

Sa totoo lang isa din si Lawrence sa iniiwasan ko dito. Ayoko kasi yung paraan niyang tumitig sa akin. May iba sa kanya at nararamdaman ko iyon. Pero ngayon wala akong maidadahilan para iwasan siya. Baka mag taka pa si Ms. Gemma at pagalitan nanaman ako. Ayokong mapagalitan nanaman niya.

Kumatok muna ako sa kwarto ni sir Lawrence bago ko ito binuksan. Umangat ang tingin ni sir Lawrence mula sa nasa harapang computer sa akin. Sumilay ang isang pilyong ngisi sa kanyang mga labi. Kinilabutan agad ako dahil duon. Iniwalay ko sa kanya ang aking tingin.

"Ipinapatawag niyo raw ho ako sir Lawrence."

Tumayo siya sa kinauupuan niya para lumapit sa akin. Nakangisi pa din ito nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya. Palapit siya ng palapit sa akin kaya naman pilit akong umaatras palayo pero patuloy pa din ito sa pag lapit. Duon na ako nag simulang manginig.

"A-Ano po bang kailangan niyo..." Nanginginig na sabi ko. Patuloy pa din siya sa pag lapit hanggang sa tumama na ang likod ko sa nakasarang pinto.

"Bakit parang natatakot ka sa akin? Halika dito Katharina." Aniya sabay hiwalay sa akin at upo sa couch na nasa loob ng opisina niya. Nakahinga ako ng maluwag kahit papano.

"What are you still doing there? Come here and do your business." Aniya. Dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya ng medyo nanginginig pa din.

Ang sama ng pakiramdam ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nakagat ko ang labi ko habang palapit sa kinauupuan niya. Nang matapat ako sa kinauupuan niya bigla niya akong hinila paupo sa kandungan niya. Napasinghap ako dahil duon. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at ang panginginig ng katawan ko ay mas lalong gumrabe, nanlalamig na din ako sa sobrang kaba at takot.

"Pabebe mo naman masyado. Wag kang mag alala. Sandali lang ito at walang ibang makakaalam." bulong niya sa tenga ko na mas lalong nag pakilabot sa akin.

"A-alis na po ako.." pinilit kong tumayo mula sa kandungan niya pero hindi niya ako hinayaang makaalis mula sa kanyang kandungan.

Iginapos niya ang katawan ko sa kanyang mga braso. Duon na tumulo ang mga luha ko. Sinusubok nanaman ako ng tadhana.

"Bitawan niyo ho ako. Nag kakamali po kayo. Hindi po ako bayarang babae.. B-bitawan nyo na po ako.." Pakiusap ko habang umiiyak.

Alam kong hindi niya ako pakikinggan. Alam kong sarado ang isip niya para pakinggan ang aking pakiusap pero wala na akong ibang magawang paraan para makaalis dito kundi ang mag makaawa.

Pinilit kong kumawala sa yakap niya pero masyado siyang malakas para magawa ko yun. Alam ko din na kahit mag sisigaw ako duon ay walang mangyayari dahil soundproof lahat ng opisina dito. Napapikit ako habang umiiyak at pumipiglas.

Napasigaw ako ng dumapo ang labi niya sa balikat ko. Hindi pwede! Ayokoooo. Parang awa niyo na tulungan niyo po ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakilabutan ako sa ginagawa niya. Hindi ko masikmura ang ginagawa niya sa akin. Pumiglas piglas ako kahit na walang nangyayari sa pag piglas ko.

"Tulungan niyo ako!" sigaw kong pilit inaalis ang sarili sa pag kakagapos sa kanyang mga braso. Pero parang nag sasayang lang ako ng lakas dahil wala din namang nangyayari.

"Pakiusap bitawan mo na ako. Nag mamakaawa ako sayo!" Pakiusap ko.

Parang sasabog na yung dibdib ko sa sari saring emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong pag asang nakikita. Mukhang mangyayari na talaga yung bagay na muntik nang mangyari nuon at mukhang wala na akong pag asa pang matakasan iyon.

Gusto kong tanungin SIYA kung bakit ako pa. Kung bakit sa akin nangyayari lahat ng ito. Kung bakit pilit niya akong sinusubok.. Kung bakit ba palagi na lang niya akong hinahayaang masaktan. Bakit niya ako pinababayaan.. Hanggang kailan ako kailangan mag tiis. Bakit ako? Anong nagawa kong masama at ganun ganun na lang ang pag durusang nararanasan ko. Buong buhay ko nabuhay ako sa takot at pag durusa at ngayon parang hindi ko na yata kaya pa. Sobra sobra na. Bakit kailangan sa akin mangyari lahat ng ito. Anong kasalanan ko sa diyos at patuloy niyang pinaparanas sa akin ito.

Pagod na pagod na akong lumaban. Alam ko lahat ng bagay na ginawa niya may dahilan pero bakit ganun hindi ko makita ang dahilan para mangyari sa akin lahat ng ito.

Lumakas ang hiyaw ko nang dumapo sa dibdib ko ang kanyang kamay.

"Ahhh!!! Para mo nang awaaa!" pakiusap ko.

Parang biglang gumuho ang mundo ko. Unti unting bumalik sa akin ang nangyari nuon. Hindi na si Lawrence ang nakikita kong nananamantala sa akin kundi ang sarili ko ng ama.

"Tay parang awa mo na. Wag mong gawin sa akin ito! Nakikiusap ako!" Sigaw ko.

Ilang taon akong nag tiis sa pananakit sa akin at sa aking inay ng sarili kong ama. Mula bata ako minamaltrato niya na ako pero hindi namin naisipang iwan siya ni nanay. Kasi kahit ganun siya kapag nakakainom, mahal na mahal siya ni nanay at nararamdaman ko yun. Kaya kahit nahihirapan, kahit nasasaktan, tinitiis ko na lang yung sakit. Kahit sobrang grabe na yung sakit pinipilit ko na lang tiisin kasi alam ko wala din naman akong magagawa. Tatay ko siya.. Pamilya kami kaya dapat mag kakasama kami. Walang iwanan kahit para na lang kay nanay. Alam ko na hindi niya kayang iwan si tatay kaya mag titiis ako.

Walang araw o gabi na hindi ako pinag buhatan ng kamay ni tatay. Gusto kong lumaban pero wala akong ibang magawa kundi ang mag makaawa sa kanya. Paulit ulit akong humihingi ng awa sa kanya pero kahit kailan hindi niya ako pinag bigyan. Kahit kailan hindi niya ako binigyan ng awa, hindi ko kailan man naramdaman yung pagiging ama niya sa akin. Pero mahal siya ng nanay kaya titiisin ko pa din. Mag titiis pa din ako.

Ngayon ay balak niya akong gahasain, takot na takot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. May hawak siyang baril kaya kahit subukan kong sumigaw ay hindi ko magagawa dahil alam kong pag sinubukan kong sumigaw ay basta na lamang niya kakalabitin ang hawak hawak niyang baril.

Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan niyang gawin sa akin ito. Anak niya ako pero bakit nakakayanan niyang gawin ito sa akin lahat. Bakit patuloy niyang pinahihirapan ang buhay ko? Bakit ba palagi na lang niyang sinisira ang pagkatao ko. Anak niya ako pero bakit pakiramdam ko wala akong halaga sa kanya!

Anak niya ako pero hinahayaan niya akong masaktan at mawasak ng ganito. Ang sakit sakit! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ng sumuko pero sa tuwing nakikita ko si nanay di ko magawa. Sobrang mahal ko siya kaya nagagawa kong mag tiis.  Kaya kong mag tiis pero ngayon mukhang hindi ko na yata kaya.

Nanlaban ako ng akma niyang huhubarin ang suot suot kong damit. Nakainom siya kaya nakayanan kong lumaban. Malakas siya pero dahil nakainom siya ay medyo nagawa kong makatakas mula sa kanya. Tumakbo ako papunta sa pinto ng kwarto ko upang lumabas ng bigla niya akong hablutin sa buhok. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Inihampas niya ang ulo ko sa pinto ng paulit ulit na halos mawalan na ako ng ulirat pero sinubukan ko pa ding manlaban. May hawak siyang baril pero hindi ko na inisip ang maaring mangyari sa akin. Sa pagkakataong ito gusto ko ng lumaban. Patawarin mo ko nay.. Hindi ko na po talaga kaya..

Pinilit kong itulak siya at saka mabilis na tumakbo palabas ng kwarto saktong kadadating lang ni nanay mula sa kanyang pinag tatrabahuhan. Isa siyang katulong sa isang hacienda. Agad ko siyang niyakap pagkakita ko sa kanya.

"Nay, halika na po. Umalis na po tayo dito." Sabi ko sa kanya ng umiiyak. Nag aalalang hinaplos niya ang pisngi ko bago umiling.

"Anak hindi pwede. Pamilya tayo. Hindi tayo mag hihiwa hiwalay."

"Nanay!" Napahagulgol ako.

"Nanay para niyo nang awa. Umalis na tayo. Iwan na natin siya.." Nag mamakaawang sabi ko kay nanay nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Lumabas duon si tatay na may hawak hawak na baril at itinutok ito sa amin.

"Walang aalis."

"R-Ruben.. Bitawan mo iyan baka masaktan mo kami ng anak mo.." Pakiusap ni nanay kay tatay pero ngumisi lang si tatay.

"Anak? Hindi ko anak yang babaeng yan! Kaya hayaan mo kong patayin yan."

"R-Ruben.. Maawa ka. Wag mong gawin yan. Para mo nang awa. Wala siyang kasalanan Ruben. Ako ang may kasalanan sayo, wag mong gawin yan. Para mo ng awa." sabi ni nanay pinipilit iharang ang sarili sa akin.

Nang hihina ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinigilan ko si nanay at iniharang ang sarili ko.

"Sige na. Para matapos na to patayin mo na ako. Yun naman ang gusto mo di ba? Taposin mo na ako! Pagod na pagod na ako.."

Biglang tumakbo si nanay palapit kay tatay at pilit na nakipag agawan ng baril. Parang biglang huminto sa pag tibok yung puso ko habang pinapanuod ko silang mag agawan ng baril. Nanlalamig ang katawan ko hindi ako makagalawa. Hanggang sa biglang may pumutok. Napasigaw ako sa sobrang takot. Bumagsak sa sahig si tatay... Nang hihinang napadapa ako.

Nabaril ni nanay si tatay... Nang mag angat ako ng tingin kay nanay, ngumiti siya sa akin na para bang sinasabing okay na ang lahat. Na tapos na ang pag durusa ko bago niya itutok sa kanyang sarili ang hawak na baril...

"Nayyy wag po!!" sigaw ko pero hindi niya ito pinakinggan.

Biniril niya ang sarili niya sa harapan ko mismo...

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 248 44
Hindi sang-ayon si Kelsie sa idelohiyang karapatan ng lalaki ang maghanap ng babae na magbibigay ng kaligayahan bukod sa asawa. She was fascinating...
143K 3.9K 32
[Complete | R-18 | Content Advisory | Taglish ] Island of Sin #1 Nang sabihin sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na gusto siya ni Darius L...
11.9K 565 22
#7| WICKED WRITERS SERIES| A COLLABORATION Mysterious and suspicious. One witness. One answer. One book. Sylvia Favria set sail to Nairn to start he...
474K 9.8K 23
Napaka-selfish at the same time selfless magmahal. Selfish, kasi ayaw mong may makapiling siyang iba. Selfless, kasi handa mong isuko at ibigay ang...