Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

121M 4.2M 3.8M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 257

705K 26.7K 33.3K
By eatmore2behappy

A/N: Nakalimutan kong mag-thank you sa lahat ng bumati sakin nung birthday ko.

And thank you din sa lahat ng sumusuporta sa AMNSE, at least once naging #1 sya sa TeenFiction.

Enemy who?

Jay-jay's POV

Tagaktak ang pawis ko. Mahapdi din ang pulsuhan ko dahil sa sikip ng pagkakatali nila.

Hindi na ulit ako kinausap pa ng hudas na to. Panay lang ang salita nya sa mga kasama nya ng salitang hapon. Mabuti nalang at nakaramdam tong mga kasama ko at nag-sitahimik din.

Ryosuke Sato!

Yun ang pangalan nya. Ryo ang tinatawag sa kanya ng mga kasama nya. Pero mas gusto ko syang tawaging Gunggong.

Nakakainis! Hindi ako makaisip ng pwedeng gawin dahil baka madamay sila Mica. Baka sila ang pagbuntunan nya. Kahit pagsasalita hindi ko magawa dahil baka hindi sya matuwa sa sasabihin ko.

"You!" Sabi nung Gunggong sabay turo kay Ella. "...why are you looking at me like that?"

Halatang hirap syang magsalita ng english. Tinignan ko si Ella na itinuro nya. Gusto kong sampalin ang noo ko dahil sa itsura nya. Hindi nga sya nagsasalita pero ang sama naman ng tingin nya kay Sato.

Sige lang... Gandang moves nyan.

"Because I don't understand—."

Mabilis na pinutol nung Sato ang sasabihin nya. "You don't have to."

Hindi ko mapigilan na hindi maki-alam. Ang dami nya kasing kailangang idamay.

"Bakit pati sila andito? Ako lang naman kailangan mo diba?"

Lumipat ang tingin nya sakin. "Yes, but things didn't work well because of Jason."

Si Friday the 13th?

Yung nakalaban namin sa gotohan. Yung naka-motor na maganda. Buhay pa kaya yon?

"...what I want is Keifer, Yuri and their gang." Dagdag nya pa.

Gang? Sino? Yung mga Ulupong? Eh hindi naman Gang yung mga yon. Gang-gangan (feeling Gang) pwede pa.

Isa pa! Wala yung Hari nila. Alangan namang intayin pa naming umuwi yon. Jusme! Baka graduation na sa HVIS andito pa rin kami kasi hindi pa rin nagpapakita yung isa.

"Baka pwedeng wag mo na silang isali pa dito? Pupunta naman yung mga yon kahit ako lang ang hawak mo." Sabi ko ng may pakiki-usap ang tono.

"Then ikaw lang ang bida?!" Maarteng singit ni Freya.

"Ay tanga." Bulong ni Ella pero halatang parinig.

Kahit hindi kami okay sa alright ni Ella.... Sasang-ayon ako sa kanya.

"What?!" Inis na tanong ni Freya.

"Actually, I agree with her." Gatong pa ni Honey patukoy sa sinabi ni Freya. "...ang dating kasi ikaw lang ang ililigtas. Ikaw lang ang bida."

"Ay isa pang engot." Sabi ni Rakki habang napapa-irap.

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa katangahan ng dalawang to. Gumagawa na nga ako ng paraan para maka-alis sila dito tapos yun pa talaga ang nasa isip nila.

Wow.... Just wow.

"Urusai!" (Shut up!) Sigaw ng Gunggong samin.

"WHAT?!" Sabay na tanong ni Freya at Honey

Napahawak si Sato sa sintido nya. "I said 'shut up'."

Napa-nod naman kami pare-pareho. Tumahimik naman ang mga Gaga. Sandaling tumalikod samin ang Gunggong at merong sinabi sa kasama nya.

Meron kinuha yung kinausap nya sa bulsa. Sabay labas ng cellphone. Pinaka-titigan ko yon dahil pamilyar sakin. Meron casing na kamuka ng....

Shit! Cellphone ni Aries.

"Panu napunta sa inyo yan?!" Tanong ko habang nakatitig pa rin sa cellphone.

Sabi ko na. Hindi nga yung Horoscope yung nagtext sakin. Napaka-burara kasi ng lalaking yon.

"Kay Aries yan!" Sabi ni Ella at tangkang tatayo pero mabilis syang hinawakan sa balikat ng isang lalaki. "...kasama nyo ba sya? Andito din ba sya? Anong ginawa nyo kay Aries?!"

Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko maintindihan. Ang nasa isip ko lang nawala na naman nya ang cellphone nya. Pero ano tong sinasabi ni Ella?

"Anong..... hindi ba nasa school si Aries?" Mahinahon kong tanong pero bakas ang takot.

"Kasama namin syang naghahanap ng cellphone nya. Naghiwalay lang kami sandali pero nung balikan na namin sya, kayo naman ang nakita namin." Paliwanag ni Mica.

Hindi... Wag naman sana!

Hinarap ko si Sato. "Andito ba sya?!"

Ngumiti sya ng nakakainis sabay senyas gamit ang dalawang diliri nya sa mga kasama. Parang may hinabol na kabayo ang puso ko dahil sa mas malakas na tibok nito.

Isang lalaking naka-uniporme at may supot na itim sa ulo ang ipinasok nila. Inayos naman ng iba ang isang upuan para maiharap samin at dun inupo ang hawak nilang lalaki.

Pag-upo nya, tinanggal ni Sato ang supot na itim sa ulo ng lalaki.

Putik!

"ARIES!" Halos sabay na sigaw namin ni Ella.

Para syang nahihilo na naka-droga na napuyat dahil sa sobrang paglalaro ng video game.

Pilit nya kaming tinignan at parang nagising sya sa panaginip ng ma-realize kung sino kami.

"J-jay? Ella? What—The hell!" Sigaw nya ng mapansing hindi nya maigalaw ang mga kamay dahil tali.

Sinubukan nyang magpumiglas mula sa pagkakatali pero walang saysay yon.

"ANO BA KASING KAILANGAN MO?!" Galit na sigaw ko.

Tangina! Lahat nalang ba kailangang idamay!

"Shut up Jay!" Sigaw sakin ni Aries.

"BAKIT KAILANGAN MO PA SILA ISALI—!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsampal nya sakin.

Pati sila Ella at iba pa ay napasigaw dahil sa pagkabigla.

"FVCK YOU! DON'T YOU FVCKING TOUCH MY SISTER!" Galit na galit na sigaw ni Aries.

Kung wala lang humawak sakin sa balikat mula sa likod malamang dumiretso na ko sa sahig. Napapikit nalang ako dahil sa sakit.

Putena ka! Gagantihan kita mamaya!

Pinilit kong idilat ang mata ko. Napansin ko na bawat isa samin ay may lalaki ng nakatayo sa likod at nakahawak na sa braso para hindi kami makatayo.

"Noisy, noisy." Sabi ni Sato at lumapit sakin.

Pilit akong tiningala ng lalaki sa likod ko gamit ang paghatak sa buhok ko.

"I don't like noisy people." Sabi nya at kasunod non ang biglang pagsuntok sa sikmura ko.

Bwisit ka!

Binitiwan ako ng may hawak sakin kaya tuloy-tuloy akon bumagsak sa sahig. Panay ang mura ni Aries habang nagpupumiglas.

"AKO HARAPIN MO DUWAG!" Dagdag pa nya pero pinagtawanan lang sya ni Sato.

Maluha-luha ako habang namamalipit sa sahig. Hindi ko man lang magawang hawakan ang tyan ko dahil sa pagkakagapos.

Muli akong tinayo ng isang lalaki at ibinalik sa kinauupuan ko. Habol ang hininga ko at muli na naman akong hinarap ng Gunggong.

Punyeta ka! Mababawian din kita!

"Listen to me." Sabi nya at may nilabas na cellphone. "...talk to Yuri. Ask him to be here as soon as possible. Your life is in danger and bring his gang and of course.... Keifer."

"Don't follow him." Sabi ni Aries.

Pumitik si Sato sa daliri nya at tinuro si Aries. Agad syang sinuntok ng isa pang lalaki. Muntik na kong mapatakbo sa kanya kung hindi lang nakaharang ang pagmumuka nitong sira-ulong Gunggong na to.

"You will do what I said or..." Tinuro nya sila Ella. "...I will hurt them next."

"Gawin mo na yung sinasabi nya!" Sigaw sakin ni Freya.

"Tumigil ka!" Sigaw ni Rakki sa kanya. "...baka kung anong gawin nya kila Ci-N."

"T-tama si Rakki. Baka hindi kayanin nila Calix baka marami ang kalaban." Dagdag ni Mica.

"Ano ba?! Malamang hihingi sila ng tulong sa mga pulisya. Hindi naman talaga nila kaya ang baliw na to eh." Inis na sabi ni Honey.

"Tumahimik na kayo! Hayaan nyong si Jay-jay ang magdesisyon." Si Ella habang bakas ang pag-aalala nya kay Aries.

Tinignan ko silang lahat. Alam kong hindi nila kakayanin ang gagawin sa kanila ni Sato. Hindi naman sila matibay na kagaya ko.

Pero kung papa-puntahin ko naman sila Yuri dito. Baka pagtulungan sila. Baka mas marami ang tauhan nitong Sato kesa sa inaasahan namin.

Tsk! Bahala na!

"I'll do it." Sagot ko kay Sato.

Ngumiti sya at nagpipindot sa cellphone. Naka-loud speak yon kaya dinig ng lahat ang pag-ri-ring.

Tinapat ang cellphone sa bibig ko saktong namang sinagot ang tawag mula sa kabilang linya.

["Hello? Sino to?"] Boses yon ni Yuri.

"Y-yuri..."

["Jay? Anong nangyari? Nasan ka?"]

Tinignan ko si Sato, halata sa muka nya na inaabangan nya ang sasabihin ko.

"Yuri..." Huminga ako ng malalim. "...marami sila, sampo sila dito sa loob hindi ako sigurado sa nasa labas. Magdala ka ng backup—."

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng ilayo ni Sato ang cellphone at salubungin ng sampal ang muka ko. Muntik na kong malaglag ulit pero may humawak na naman sakin mula sa likod.

Kinuha ko ang pagkakataon na malapit sya at dinuruan sa mismong muka nya. Manhid na manhid na yung pisngi dahil sa dalawang sunod na sampal nya.

Baka pwedeng kabila naman, para pantay!

Masama na ang tingin sakin ng Gunggong. Pinunasan nya ang muka nya gamit ang palad habang inaabot naman ng isang kamay nya sa tauhan ang cellphone.

"Send him our location and get ready." Utos nya ng hindi inaalis ang tingin sakin.

"Fuzakeruna!" (Don't mess with me) sigaw nya sakin.

"Fuzang ina ka rina!" Pang-gagaya ko sa tono nya.

Mukang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin yun nga lang, napatid na ata ang pisi ng pasensya nya. Walang pakundangan nya kong sinakal.

"BITIWAN MO SI JAY-JAY!" Sigaw ni Aries.

Naririnig ko ang din ang sabay-sabay na pagsigaw nila Mica. Pero hindi ko alam kung anong papakinggan ko. Dahil ang alam ko lang ay ang paghigpit ng hininga ko kasabay ng unti-unti'ng panlalabo ng paningin ko.

"Jigoku he ike!" (Go to hell!) Sigaw nya sa mismong muka ko.

Putang'na ka! Kung minura mo man ako o hindi!

Halos magdilim na ang paligid ko ng bitawan nya ko. Napayuko ako habang habol ang hininga ko at umu-ubo. Unti-unti kong naramdaman ang mga luha ko sa gilid ng mata ko.

"I am so eager to kill you!" Sabi nya at naglakad palayo sakin.

"S-sato." Tawag ko sa kanya kahit parang wala ng boses na lumalabas sa bibig ko.

Humarap sya sa sakin at tinignan ko naman sya ng masama.

"...just wait u-until I get out of here. I will make you pay." Banta ko pero tinawanan lang nya ko.

Lumabas sya ng pinto at ganun din ang ibang kasama nya. Binitawan na kami ng mga lalaki'ng nasa likod namin. Umalis din sila hangang sa dalawa'ng tao nalang ang natira.

"Jay..." Tawag sakin ni Aries.

Tinignan ko sya at pilit ngumiti. "O-okay lang ako."

"Darating sila, diba?" Tanong ni Honey.

"Pano kung hindi nila kaya yung kalaban?" Nag-alalang tanong ni Mica. "...pano na tayo?"

"Kaya nila! Alam akong kaya nila!" Sagot ko kahit sa totoo lang hindi ako sigurado.

Gusto kong umiyak. Akala ko talaga malalagutan na ko ng hininga. Kitang kita ko sa mga mata nya na gusto'ng-gusto na nya'ng ituloy yon.

Pero hindi ko pwedeng gawin yon. Hindi sa harap nila. Kaylangan kong maging matibay dahil kung pati ako susuko. Pano na sila? Ano nalang kami?

Darating sila, alam ko. Pero darating ba sya?

"Sino ba yung lalaki kanina?" Tanong ni Rakki. "...ano ba kailangan nya satin?"

Nagtinginan kami ni Aries. Alanganin kung sasagutin ba ang tanong ni Rakki. Baka hindi maging maganda ang isipin nila kapag nalaman nila na ako talaga ang target nya.

"Naalala ko sya." Biglang sabi ni Ella. "...nakita ko na syang kausap ni Yuri dati."

"He said, si Yuri, Keifer at Gang daw kailangan nya." Sabi ni Freya. "...may Gang sila?"

"Ang Section E ang tinutukoy nyang Gang." Sagot ko.

"Kaya ba andito tayo? Kasi alam nyang malapit tayo sa Section E?" Tanong ni Mica.

Pwede...

Ngayon ko lang din naisip yon. Hindi naman siguro nya idadamay lang sila Mica at ang iba pa ng dahil lang sakin. Unless nalang kung nasubaybayan na nya ng husto ang lahat ng galaw ko o pwede ring pati galaw ng mga Ulupong.

"Bakit pati ako? At si Aries?" Sabi ni Mica at tinignan kami. "...pati na rin si Rakki, eh hindi naman sya mapaglapit sa Section E."

"Also me." Singit ni Freya. "...I don't remember having connection with them. Maybe with Yuri and Keifer but that was like.... a very long time ago."

Oo nga!

Ibig sabihin ba non, nadamay lang talaga sila sakin. Kung yun nga yung dahilan, kasalanan ko to. Kasalanan ko kung bakit pati sila andito.

"Kahit ano pa yang dahilan na yan. Sure akong baliw yang lalaki na yan." Sabi ni Rakki habang nakatingin sa pinto na dinaanan ng Gungong. "...nakita nyo naman yung ginawa nya kay Jay-jay."

"So ano na? Aantayin nalang talaga natin yang mga Section E na yan?" Inis na sabi ni Honey.

"Ipagdasal mo." Sagot ni Aries. "...Ipagdasal mong dumating sila kasama si Keifer."

Tinignan ko si Honey. "Ikaw ang kasama nya. T-tingin mo ba makakarating sya?"

"I don't know." Sagot nya at nag-iwas ng tingin.

"Panung hindi mo alam?"

"I don't know! Walang paraan para ma-contact sya! Except kay Keigan, which is impossible dahil hinaharang nya lahat ng connection ni Keifer dito sa Pilipinas." Paliwanag nya dahilan para mapatingin ang iba sa kanya.

"H-hindi ko maintindihan." Sabi ko habang napapailing.

Huminga ng malalim si Honey. "Kailangan ni Keifer na ayusin ang sarili nya. No space and time for distraction dahil ayaw ibigay ng mga kamag-anak nya ang mana nya. Keigan make sure that he will have all the time in the world kaya pinutol nya ang connection—."

Agad kong pinutol ang sasabihin nya. "Teka nga! Teka! Teka! Anung pinutol? Eh nakaka-usap nya yung ibang mga Ulupong! Naka-usap pa nya tong si Horos—Aries!"

"Duh!" Sagot nya. "He have ways."

Wew... Yung motto nyang pang-bangko.

Naguguluhan talaga ako. Hangang sa pumasok sa isip ko yung picture nya nung birthday nya. Yung pinadala ng GagongBaliw.

Kung wala pala syang connection dito samin. Malabo na talaga na iisa sila nung textmate kong parang laging sabog. Minsan lang din nya maka-usap.

Pare-pareho kaming tumahimik. Nakikiramdam at nag-iisip ng pwedeng mangyari samin. Ngayon ko lng napagtanto na nakakabaliw ang katahimikan.

Pasimple kong kinakalas yung pagkakatali kamay ko pero mas lalo lang humahapdi yon tuwing ginagalaw ko.

Nakakainis! Walang kahit na anong bagay ang pumapasok sa isip ko.

Tinignan ko si Aries na nakatingin din pala sakin. Bakas sa muka nya ang pag-aalala. Gusto ko sana syang tanungin kung may plano ba sya pero nakabantay samin yung dalawang tauhan ni Sato'ng Gunggong.

"Ang init naman dito! Wala ba kayong aircon?!" Maarteng tanong ni Freya.

Napabuntong hininga nalang kami. Inalala pa nya talaga yung temperatura sa kwarto kesa sa sarili nyang buhay.

Hindi naman sya pinansin nung dalawa. Tinignan lang sya sandali bago hinarap ang isa't-isa para mag-usap.

"Ay bingi-bingihan! Hindi naman gwapo." Parinig ni Freya sa kanila.

"Can you please shut the fvck up?!" Inis na sabi ni Honey.

Ayan na naman sila!

Kung ganito naman ang maririnig ko, dun nalang ako sa tahimik kahit mabaliw ako. Panay pa rin ang bangayan nila. Hindi naman din na sila inaawat ng mga bantay namin at nila Rakki. Mukang nagsawa na sa kakapagitna sa away nila.

May kalahating oras na yata kaming mga naka-tanga at naghihintay ng mangyayari ng biglang pumasok si Sato'ng Gunggong. Nakangiti pa sya at parang ang sarap bawasan ng ngipin nyang kintab to the max.

Wag kang kakanta! Wag kang kakanta!

"He's here." Sabi nya at tumingin sa bandang likod namin.

Ganon din ang ginawa ko at ng iba pa. Bumukas ang pinto na gawa sa bulok-bulok na kahoy at niluwa non ang taong kanina pa inaasam ni Sato na makita.

Kasunod ang dalawa sa tauhan nya. Lumakad sya palapit samin habang nakatingin sakin.

"Y-yuri..." Halos bulong kong sabi.

Ngumiti siya sakin sandali bago huminto sa paglalakad at harapin ang Gunggong.

"Let them go now." Seryoso'ng utos ni Yuri.

Tumawa ng malakas si Sato. "No!" Biglang sigaw nya. "...I said, You, Keifer and your Gang."

Pilit pa rin nyang hinahanap ang mga Ulupong at ang Hari nila.

"Keifer is busy and we don't have a Gang, we called them friends." Paglilinaw ni Yuri.

Yung kaibigan talaga turing nila sa mga Ulupong na yon. Lakas maka-proud.

"Then where is—!" Hindi na natapos ang sasabihin ni Sato ng may bigla nalang bumagsak mula sa kisame sa likod namin.

Pare-pareho kaming lumingon don. Bagsak na ang manipis na Plywood na puro anay na. Kasunod non ang unti-unti'ng pagtayo ng isang maliit na lalaki habang nagpapa-pagpag ng damit.

Napatingin ako kay Yuri ng sampalin nya ang noo nya. Mukang palpak ang isang to.

"Bakit ang lambot ng kahoy na yon?" Sabi ng taong maliit—mas tamang sabihin na Batang Kumag.

"Ci-N?" Sabi ni Ella.

Lumingon sya samin na parang inosenteng bata. Tumingin pa sya sakin at kay Yuri bago ngumiti ng malapad.

"Torplise!" Sabi nya sabay taas ng dalawang kamay.

"Get him!" Sigaw ni Sato pero bago pa sila makakilos sunod-sunod na ingay na ang narinig namin sa labas.

"May nakapasok!" Sigaw ng kung sino.

Tinignan ko si Yuri. Meron syang kasama, hindi sya nag-iisa! Bago pa man ako makapag-salita merong humawak sakin mula sa likod at hinatak ako palayo.

Sinubukan akong habulin ni Yuri pero hinarangan na sya ng mga tauhan ni Sato. Narinig ko din ang pagsigaw ni Aries sa pangalan ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

"Saan natin sya dadalhin?" Tanong ng isang lalaki na nasa likod ko.

Tinignan ko kung sino yung mga nasa harapan ko. Lahat sila nagmamadali sa paglakad.

"Get the car!" Utos ni Sato sa isang lalaki.

Kotse? Ilalayo nila ko!

Mabilis akong nagpumiglas sa lalaking may hawak sakin pero dahil sa bilis nila sa paglalakad natumba ako sa sahig. Narinig ko ang sunod-sunod na pagsasalita ni Sato ng hapon. Pamilyar sakin ang iba sa sinasabi nya na sigurado akong mura.

Bigla nalang nya kong sinabunutan at hinatak. Napasigaw ako sa sakit. Kahit makapal ang buhok hindi naman sapat yon para mabitbit non ang buong katawan ko.

"Kisama! Ama!" (You! Bitch!) Sigaw nya pa.

Tanging magpapadyak nalang ang nagawa ko. Hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak ng dahil sa sakit. Ayoko talaga ng pakiramdam ng hindi ako makalaban.

Tang'na ka! Kapag ako napanot, kakalbuhin kita!

Pabato nya kong binitiwan ng mapagtantong hindi nya ko mahahatak ng ganun lang. Akala ko susuko na sya pero sinipa sa likod. Dahil nakatali sa likod ang mga kamay ko, yon ang unang sumalo ng sipa nya.

"Arrgghh! Tama na!" Sigaw ko dahil sa sakit.

Para syang gigil na gigil na saktan ako. Hindi pa sya nakuntento at hinampas ako ng matigas na bagay. Agad akong dumapa para ilayo ang muka at dibdib ko dahil yun ang sunod nyang puntirya.

"Tama na! TAMA NA!" Sigaw ko na may halong pagmamaka-awa.

Tumigil din sya matapos ang ilang paghampas na sinalo ng balikat at braso ko. Pinatamaan din nya ang hita at binti ko.

Gusto kong umiyak ng malakas dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na rin magawang kumilos pa. Pakiramdam ko sa ganitong paraan nya ko papatayin.

Pero mukang mali ako dahil narinig ko ang pagkasa nya ng baril na mukang gagamitin nya sa pagpatay nya sakin.

"Go to hell now!"

Kahit sino.....please.....tulong.












++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter: @lareypot
Instagram: @lareypot
Author's FB Page: Lara Flores - eatmore2behappy

Continue Reading

You'll Also Like

127K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
44.1K 3.6K 13
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...