Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

Por donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... Más

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 4:

1.8K 54 2
Por donnionsxx04

I dedicate this chapter to ate aeestelyirii-.
Salamat sa paggawa ng bookcover ng story ko. Ang ganda po. 😍😍😍

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"We are close to my house, you don't forget what I said you keep quiet and don't put dirt. All your dirt put it on trash. Understood?" Sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa inuupahan kong apartment.

Di ko pa rin alam kung tama ba pagkaka-english ko. Di naman kasi ako magaling sa english. Sana maintindihan niya kahit papaano.

Panay lingon lang siya sa paligid sa dinadaanan namin. Kada nakakakita siya ng mga taong nagtitinda ng mga street foods o mga nagtitinda ng mga kakanin, napapa-'wow' siya. Minsan naman napapa-'yummy' pa!

"Understand?" Ulit ko pa ring sabi. Parang di kasi siya nakikinig. Sa pagkain siya nakatingin.

Tumingin agad siya sakin sabay sabi ng...

"Yes, my Lady." Nakangiting sagot niya sakin agad sabay nag okay sign sa kamay.

"Good, good!"

Bumaling na ulit ako sa daan at nasa harapan na nga kami ng isang maliit lang na apartmeng na may style pagka-building.

Tumigil na kami sa harap ng bahay ng landlady at humarap ako sa Engleshirong pulubi. Paglingon ko, wala na siya sa likuran ko.

"Asan na yung madumi na yun?" Sabi ko. Hinanap na hinanap ko siya, nakita ko nalang siya nasa kabilang kalsada siya. Nandodoon siya sa Computer shop at nanonood ng mga naglalaro ng mga online games.

Napakamot nalang ako sa ulo.

Tumawid na ako ng kalsada para puntahan ang madumi na yun sa computer shop.

"Hey, hurry up! You and me need to talk the landlady if you can stay there---" di ko na napatuloy sasabihin ko dahil mukhang di siya nakikinig sakin.

Nakatutok lang siya sa lalaking naglalaro ng Ros o Rules of Survival. Yung mata niya nagtitingkad at parang gusto niya maglaro din. Tapos yung kamay niya parang di mapakali na tila kunyari nagpipindot sa keyboard.

Naiinggit siya sa mga binata ditong naglalaro ng ROS. Pero lahat dito ay puro pustahan lang naman na laro. Para siyang bata na nag-aasam na gusto rin makapaglaro.

Oh my god! Naaawa na naman ako! Bakit ang hina ko pagdating sa mga ganito? Ang dali ko maawa.

Napailing-iling nalang ako nang bumalik na ang tamang pag-iisip ko. Bumaling ulit ako dito. Hinawakan ko ang mangas ng shirt niya sabay hinila-hila.

"Hey!" Tawag ko dito.

Napatingin naman ito sakin.

"Hi, my Lady!" Sabi niya nang makita ako sabay ngiti ng napakalapad halos kita ang kaputihan ng ngipin niya.

Wow ah? Siya lang ang nakita kong pulubi na ang linis at ang ganda ng ngipin. Ang puti at walang sira man lang at saka kompleto pa!

"Go! You and me, go to my house. Hurry!" Yaya ko na sa kanya.

Ayaw pa sana niya kaso hinila ko na siya habang hawak ko ang manggas ng damit niya. Walang magawa, nagpaakay nalang siya sa akin.

"What you want I call you? A temporary name?" Tanong ko dito habang tumatawid na kami ng kalsada.

"Ros." Sagot niya pero nakatingin siya sa likuran at tinitingnan pa niya yung  naglalaro sa computer shop.

"Ros? You want me tawag---isteh call you a Ros?" Bahagyang nagulat na sabi ko. Mukhang naadik sya sa games ng Rules of Survival.

Tumango siya sabay ngiti ng kasing laki pa sa half moon. Weird niya ah?

"Okay! I call you Ros and I'm Elizabeth but call me Beth for short. Kaya pwede ba? Don't ingles me kasi ang hina ko dyan. Napipiga na utak ko sa kakaisip ng translation ng ibang word. Nasa pinas tayo wala tayo sa America." Naiinis nang pahayag ko halos di ko na in-english. Nahihirapan na talaga ako. Sumasakit na bunganga ko sa kaka-english, pati utak ko napipiga na rin.

"Ah?" Turan lamang niya at hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

Napa-face palm nalang ako."Never mind."

Pumasok na kami sa isang maliit na building. Third floor iyon pero sa bawat floor, lima ang kuwarto. Nasa 2nd floor naka-pwesto ang kuwarto ko.

Bago pa man umakyat sa 2nd floor, pinuntahan na namin ng pulubi na ito ang kuwarto ng Landlady ng building na ito.

"What I said to you, remember it? Okay?" Pagpapaalala ko sa kanya nang nasa harapan na kami ng kuwarto ng Landlady.

"Yes, my Lady." Sagot lang niya at ngumiti ng matamis.

Doon na nga ako kumatok ng tatlong beses sa kuwarto ng Landlady. Di nagtagal, bumukas naman iyon.

"Bakit?" May pagkakasungit na tono na tanong nito.

"Magandang umaga po. Maaari po bang mag-stay po ang ka..." Kapatid ba sasabihin ko? Pinsan? Boyfriend?! Wag boyfriend! Ayaw ko maging boyfriend itong madumi na ito. Taray ko 'no? Kala mo di ako galing sa madumi. "...k-kapatid ko po? Wala na kasi ang magulang namin at pakalat-kalat nalang siya sa kalsada. Wala na siya matutuluyan. Kung maari po pwede po ba patirahin ko po siya dito? Share po kami sa kuwarto ko. Dadagdagan ko po ang bayad ko sa pag-uupa ko dito. Please? Maaari po ba?" Pagmamakaawa ko dito.

Tiningnan muna nito si Ros, baba hanggang taas. Napataas-kilay ito nang makita ang kabuuan nito.

"Okay! Pero paliguan mo muna siya. Ang dugyot-dugyot niya." Nandidiring payag ng Landlady.

Napangiti ako nang pumayag din ito."Salamat po! Maraming salamat po!" Sabi ko halos nagbow-bow pa.

"Okay." Sabi nito at sinarado na ang pintuan.

Nakahinga na ako ng maluwag at sa wakas wala nang problema.

"What did she say?" Tanong ni Ros sakin at mukhang di niya naintindihan pinag-usapan namin ni Madam Landlord.

"She say take a bath. You look dirt. Let's go! You take a bath, after you bath I go to work. Hurry! I'm late na in my work." Sabi ko sa kanya sa English.

Umakyat na kami ng hagdan papuntang 2nd floor.

JOHNSER SY POV:)

Nasa hospital  kami ngayon  para makita ang katawan ng kapatid ko na sunog na sunog halos di na makilala pa.  Papunta kami ng Papa at Lola ko sa morque kasama Dylan, Kuya Ramon na tagapag-alaga ng kapatid ko at si Mr. Yu na kasama ang anak niyang si Mandy Yu, nagmamay-ari ng Sumex Company.

Binuklat ni Papa ang puting tila na nakatakip sa katawan ng kapatid ko. Napapikit kaming lahat nang makita ang sunog na mukha ng kapatid ko. Di na makilala ito at parang na-letchon na talaga.

"Nagpapatunay na si Clive po iyan, Mr. Sy dahil suot ng anak nyo ang regalo nyo sa kanyang kwintas." Sabi ng Doctor sabay turo sa kuwintas na suot ng kapatid ko.

Napaluhod at napaiyak nalang si Lola nang makita ang kuwintas ng kapatid ko. Dahil katawan nga ito ng apo niya dahil suot nito ang kwintas.

"Apo ko!" Panay iyak lang si Lola."Apo, bakit mo kami iniwan?!"

Napaluha nalang ang anak ni Mr. Yu na si Mandy. Siguro naaawa lang siya.

Panay iyak naman si Diego dahil mula baby ito, siya na nag-alaga dito.

"Sorry, dapat di ko na binayaan siyang mag-drive mag-isa. Yung alaga ko." Sabi nito at humagulhol ng iyak.

Tiningnan ko si Dylan at palihim na tumango siya. Palihim na tumango rin ako dito. Saka lumapit ako kay Lola at pa-kunyari na umiiyak din ako at pinapatayo si Lola.

"Lola, tumayo po kayo. Ayaw ni Clive na makita kayong ganyan. Di siya masaya pag nakikita kang ganyan." Nag-aarteng uniiyak na sabi ko dito.

"Condolence." Sabi ni Mr. Yu kay Papa nang hawakan nito ang balikat.

Tumango lang dito si Papa at kahit di siya umiiyak, kita ko sa mata niya ang pamumula ng mata.

Palihim na sinulyapan ko si Papa. Tahimik lamang ito habang nakatingin sa bangkay ni Clige.

Ngumiti ako ng palahim.

"Wala na si Clive, Papa. Ibibigay nyo na rin sakin ang kompanya na matagal ko nang pinapangarap na makamtan." Sa loob-loob ko.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkabukas na pagkabukas ko ng kuwarto ko, nauna nang pumasok sa loob si madumi---isteh si Ros. Nasanay na akong tawagin siyang madumi. Madumi kasi siya, puro uling ang katawan niya. Di naman siya mabaho. Mapadamit at mapamukha niya, puro uling talaga.

Panay 'wow' lang si Ros habang panay libot nya sa kabuuhan ng kuwarto ko. Maliit lang kasi ang kwarto ko, may kusinang maliit pero walang CR. Yung CR dito, all in one. I mean, share talaga. Lahat ginagamit dito.  Kada floor, may CR din kaya di mo na kailangan bumaba pa o hanapin ang CR kasi meron na dito. Malapit pa!

Nakita ko nalang si Ros na nakaupo na sa isang maliit at pang-isahang sofa at kinuha ang remote at pinag-aralan kung saan iyon ginagamit. May pinindot nalang siya doon at saka bumukas yung T.V halos nagulat si Ros.

Pinatay niya ulit yung T.V at binuhay na naman. Napa-'wow' na naman siya sa nadiskobre na namang kakaiba.

Naka-on lang yung T.V nang makita niya yung painting na nakasabit sa dingding. Pinuntahan niya agad iyon at hinawak-hawakan pa.

"Beautiful." Sabi niya sa Painting.

Nang makita niya yung Electric Fan, pinindot niya yung number one. Napatalon siya sa gulat nang umandar iyon. Parang takot na pinindot na naman niya yung number 2. Napapa-clap-clap siya dahil bumibilis at lumalakas yung lumalabas na hangin. Sunod niya yung max na max na yung lakas yung number 3.

Para siyang bata na nagpapahangin sa harap ng Electric Fan.

Napatingin siya sa maliit na stove kung saan doon ako nagluluto ng mga pagkain. Nanlaki mata ako nang makitang papaikutin niya ang pampa-buhay nun kaso huli na.

Takot na takot na tumakbo siya sakin nang may lumabas na apoy sa stove.

"Oh my god! What's that?!! That thing want to kill me!" Takot na takot na sabi ni Ros nang tumago siya sa likuran ko.

Natawa nalang ako. Pinatay ko na yung stove at natatawa pa ring humarap ako sa kanya.

"That thing, called kalan." Paliwanag ko dito.

"What is kalan? Use for what?" Tanong pa rin niya."For killing a person?" Dagdag niya.

Natawa ako lalo sa huling sinabi niya."No. It use for cooking. Cooking-cooking of foods. Yeah! Foods and then playing---"

"Playing?!" Parang batang natuwa na sabi nito agad.

"N-no, no, no, no! Not playing! Use for prying. Prying a fish! Anything that good-good to prying." Paliwanag ko dito kaagad at tumawa na di sigurado kung tama ba sinabi ko. Ano daw? Tama ba english ko?

"My lady, I want to take a bath. I'm not comfortable on my body, I look like a mess." Asal bata na turan nito at napakamot pa sa leeg nito.

"Ah! Oo nga pala! Wait me. Just wait for me. Bibili ako sa hukay-hukay ng idadamit mo--- I mean, just wait for me. I'm just buy you clothes on bargain bargain. We are next to CR, you go there take the towel, use it after take a bath. You back here and wait for me if I'm not around. Understand?" Bilin ko. Bahala na!  Mahina ako sa English. Bahala siya kung di niya maintindihan. Saan ba kasi galing itong abnormal na ito kahit mag-tagalog, di marunong? Tsk!

Habang nag-uusap kaming dalawa, napalabas sa T.V yung nangyari kay Clive. Dahil wala ang atensyon namin sa T.V kaya di namin napanood yung balita.

"Okay, my Lady." Sabi niya at nag-pout bahagya.

"Oh, sya! Sige, sige! Just wait me. Okay?" Sabi ko pa dito.

"Okay." Sabi nito sabay nag-thumbs up pa at ngumiti ng matamis.

Naglakad na ako palabas ng kuwarto. Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas na ako doon. Salamat at di pa ko dinuduguan sa ilong. Di pa ko nosebleed sa kaka-English. Wiw!

To be continued...

Nasa taas po yung picture ng gaganap kila Jayson Clive at Elizabeth. 😇😇😇

Salamat sa nagbasa at nagsuporta sa PD story ko at ISILY. Maraming salamat po. 😇

- donnionsxx04

Seguir leyendo

También te gustarán

478K 11.8K 37
Taylor klinn el ruego -she belongs exclusively to me, no one else is permitted to claim her from me. You must pass through my coffin before you can t...
155K 3.5K 35
Tyra Yuri Velasco, isang simpleng babae na nangangarap na makapasok sa Wilstone Academy. Isang paaralan kung saan lahat ng nag aaral ay mayayaman at...
72.6K 1.5K 43
He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the scene and posed as her new lover, he be...