Mr. Billionaire, Don't Englis...

By donnionsxx04

95.2K 3.1K 495

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:
Chapter 121:

Mr. Stranger 1:

6K 110 18
By donnionsxx04

Simula....

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Dala ang isang basket habang nangunguha ng mga talong na pwede nang pitasin. Kasama ko ang mga kasamahan ko rin na isang magsasaka na nangunguha ng mga tanim nilang iba't-ibang gulay.

Oo, isa kaming magsasaka. Nakatira kami sa bukid kung saan malayo sa syudad o manila, kung tawagin ay ang probinsya.

Masarap manirahan dito. Malinis ang hangin, tahimik at lahat ng mga tao dito ay kilala ko. Kaysa raw sa manila, ang ingay, ang gulo at puro may problema ang mga tao doon. Mabuti pa ko, masaya dito at kasama ko ang mama ko.

Lumaki akong walang amang nakilala. Sabi kasi ni Mama iniwan kami ni Papa dahil may asawa na pala ito. Mayaman dati raw si Mama kaso nawala ang lahat dahil sa madrastang asawa ng Papa ko. Ginawa nito ang lahat na pahirapan si Mama hanggang naghirap si Mama at nauwing tumira nalang sa probinsya para makalayo sa kanila.

Bago paman si Mama manirahan dito sa bukid, na-diskobre niyang buntis na siya at si Papa nga ang ama at ako ang bunga nilang dalawa. Kahit ganoon, di naman ako nagtanim ng galit sa papa ko. Kahit iniwan niya kami at pinagpalit sa iba, ama ko pa rin siya. Baliktarin man ang mundo, ama ko pa rin siya.

Pero nagpapasalamat ako dahil may naging mama akong napakabait at mapag-alaga. Mahal ko yan si Mama kahit palagi niya akong napagsasabihan. Pero busog naman ako sa pangangaral niya.

Nilagay ko na sa lumang track na medy ang mga pinitas kong mga talong na nasa malaking basket. Pagkalagay halos hingal na hingal pa ako sa bigat. Nilagay na rin ng mga kasamahan ko ang mga prutas  at gulay sa truck. Idadala na ito sa manila.

"Mang Trino, ingat kayo sa byahe! Yung mga prutas at gulay natin, wag nyo pabayaan!  Buhay ng pamilya natin nakasalalay diyan!" Sabi ko dito habang nakasakay na ito sa truck. Isang magsasaka rin ito tulad namin. Siya ang nagde-deliver sa Manila para ibenta iyon sa buyer namin.

"Oo, Mang Trino! Di bale, pag naubos lahat yan, papainom ulit ako!" Sabi naman ni Mang Josefino na kapwa-magsasaka rin. Medyo may katandaan na rin siya. Siguro ang edad nito ay nasa 40+ pataas na.

"Woah! Gusto namin yan!" Sabi naman ng mga magsasakang kasamahan namin.

"Wag kayong mag-alala mga kaibigan ko! Uuwi akong dala ang mga pera natin." Nakangiting sigaw ni Mang Trino habang nakasulyap lang sa amin halos lumabas pa ang ulo niya sa bintana.

"Sige! Ingat kayo!" Sabi ni Mang Josefino.

"Bye!" Paalam naming lahat dito kay Mang Trino.

Kumaway lang ito at umayos na ito ng upo. Umalis na nga ito dala ang mga tanim naming gulay at mga prutas. Nang malayo na si Mang Trino, saka na nagsibalikan sa kani-kanilang tahanan ang mga kasamahan ko.

Bago pa man ako magtuloy sa paglalakad para umuwi sa amin nang magsalita si Mang Josefino.

"Beth, salamat sa dinala mong ulam kagabi samin. Nagustuhan ng asawa ko ang Adobong talong na niluto mo." Nakangiting pasasalamat nito sakin.

"Sus! Okay lang iyon, Mang Josefino. Basta magiging ninang ako ng magiging anak nyo ni Aling Loreta." Sabi ko dito.

"Oo naman. Ikaw ang unang ninang namin ng anak namin ni Loreta. Papalikihin rin namin iyon kasing bait at sipag mo." Nakangiting pamumuri nito.

Buntis na kasi ang asawa niyang si Mang Loreta. Walong buwan nang buntis. Malapit na rin iyon manganak at magiging isa ako sa magiging ninang.

Tumawa naman ako."Sige po, uwi na ko samin. Baka po naghihintay na si Mama." Pamamaalam ko na dito.

"Sige. Salamat ulit, Beth."

Naglakad na nga ako para umuwi samin. Di ko mawala ang ngiti ko sa mga labi dahil alam ko sa susunod na linggo, magkakapera ulit kami ni Mama pag nabenta lahat yung mga tinanim naming mga gulay. Mabibilhan ko si Mama ng bagong damit niya.

Nasasaktan ako pag nakikita kong butas-butas ang damit ni Mama. Kahit panty ni Mama butas na rin. Kunti nalang mapuputol na ang pagkakabit ng mga tila iyon. Gusto ko na siyang bilhan kaso ayaw niya dahil ang sinasabi niya sakin palagi...

"Hindi, anak. Ipunin nalang natin itong pera para sa kinabukasan mo. Ayaw kong matulad ka sakin. Kailangan mo makatapos ng High School ngayon. Paghahandaan na naman natin ang pagko-kolehiyo mo."

Yan lagi sinasabi sakin ni Mama pag nagpupumilit akong bilhan siya ng bagong gamit.

Tama si Mama. Kailangan namin mag-ipon. Next pasukan, 1st year college na ako at nag-eedad dise-nuwebe na ako ngayon. Gusto kong course na kunin ko ay Agriculture. Balang araw, magiging mayamang magsasaka ako na may business ako sa mga gulay at prutas.

"Ma, nandito na po ako!" Sabi ko nang nasa harapan na ako ng bahay namin.

Simpleng bahay-kubo lang ang bahay namin ni Mama. Di kalakihan at di kaliitan. Maganda at komportableng tirahan. Para na rin kaming naka-aircon dahil sa masarap na hangin sa paligid.

Nilagay ko na sa mesang gawa sa kahoy ang bag kong luma at dumeretsyo agad sa kusina para magsaing.

"Ma, ano po ba gusto ninyong lutuin kong ulam? Gusto nyo bang magluto ako ng ginataang puso ng saging?" Tanong ko habang kumukuha ng mga kahoy na panggatong. Alam kong naririg yun ni Mama sa kuwarto. Gawain ko naman ito araw-araw.

Matagal di sumagot si Mama. Iniisip ko na baka tulog pa siya. Minsan ko na kasi siyang abutan na tulog sa kuwarto naming dalawa.

Hinuhugasan ko na ang maliit na kaldero namin nang makarinig akong parang may bumagsak. Tarantang pumunta naman ako sa kuwarto namin ni Mama. Takot na takot na tumakbo ako patungo doon.

Baka inaatake na naman kasi si Mama sa puso. May sakit si Mama sa puso, bata palang siya may sakit na talaga sa puso ni Mama. Ayaw niya magpa-check up kaya nagtiis siya sa sakit na nararamdaman niya.

Nakita ko nalang si Mama, nakahiga na sa sahig at parang nahihirapan huminga.

"Ma!" Tumungo agad ako kay Mama at binuhat siya. Mabilis na niyakap siya kahit nakaluhod ako sa sahig."Ma! Wag mo kong iiwan! Ma! Labanan mo yan!" Naiiyak kong sabi.

Di na siya makapagsalita halos parang nahuhugutan na siya ng hininga habang nakatingin sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata na nahihirapan siya. Naiiyak na ako! Parang mawawalan ako ng pag-asa mabuhay pag mawala na si Mama.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at nahihirapang tiningnan niya ako sa mata.

"Ahhkk a-aaanak....aakhh hahanapin m-mo ang pa-pa mo... K-ku-kkkunin mo ang p-para sayo. T-tulungan mo ang P-papa mo sa masamang n-nakapa-li...bot sa kanya..." Nahihirapang bilin ni Mama sakin.

"Ma! Wag mo kong iiwan. Sabay nating hahanapin si Papa." Naiiyak ko nang sabi.

"T-ta-tandaan mo akhh anak... Di mo ha-hayaang aapak-apakan ka kahit n-nino man. L-lumaban ka, a-anak. Lumaban ka..." Patuloy na sabi sakin ni Mama."Ang p-pa... Aghhh pangalan ng papa mo aghhh Leandro Yu. M-mahal na m-mahal kita, a-anak..."

Parang may nabasag nalang ng salamin sa puso ko nang slow motion na bumagsak ang kamay ni Mama sa sahig. Tila tumigil ang mundo ko at natulala nang masaksihan iyon. Nang bumalik ang sarili ko sa katinuhan, doon na lamang ako humagulhol ng iyak. Panay sigaw ng pangalan ni Mama. Di ko alam saan at paano ako mabubuhay. Di ko alam kung saan na ko pupulutin ngayon.

Sana naging mga immortal nalang ang mga tao. Walang mamamatay at walang iiwan sayo.

*****

Bumaba na ako sa jeep at nakatanaw sa kalakihan, kaingayan at naglalakihang building sa Maynila.

Nandito na ako. Nandito na ako sa Maynila para hanapin ang totoong papa ko...

"Mama, hahanapin ko si Papa. Kung ano man ang ibig nyong sabihin, po-protektahan ko ang sarili ko pati si Papa. Mahal na mahal ko po kayo..." Sa loob-loob kong sabi.

THIRD PERSON POV:)

"I announce to you, bibitiw na ako bilang CEO sa Uphone Company." Announce ni Mr. Cedric Sy.

Nagsi-ingay naman ang mga tao sa conference room.

"Bakit? Bakit?" Yan ang tanong ng lahat.

"Paano na ang Uphone company?"

"May papalit sakin sa posisyon ko." Sabi pa nito maya-maya.

"Sino? Sino?" Tanong ng mga ito.

Palihim na napangiti si Johnser Sy, ang panganay na anak ni CEO Cedric Sy. Confident siya dahil siya na ang papalit sa posisyon ng ama niya.

Nawala nalang ang ngiti nito sa sunod na sinabi ng kanyang ama.

"Ang papalit sa aking posisyon ay si...Jayson Clive Sy, ang bunsong anak ko." Announce nito sa lahat.

Nagsi-ingay naman lalo ang tao sa loob. Palihim na napakuyom ng kamay si Johnser. Galit na nag-walk out ito at sumunod naman kaagad dito ang assistant nitong si Ramon.

Sa kabilang room kung saan office iyon ng mga empleyadong nagta-trabaho sa Uphone Corporations, nagchi-chismisan ang mga ito dahil sa nasagap na balita.

"Narinig nyo yun? Yung bunsong anak ni Mr. Sy na nasa State, uuwi na dito?" Chismis ng isang empleyado nang lumapit ito sa desk ng kasamahan niya.

"Talaga? Yung lumaki doon at di pa nakakarating dito sa pinas?" Di makapaniwala na sabi ni chismosa 2.

"Oo!" Chismosa 1.

"Balita ko, pinanganak yun dito sa Pinas kaso di pa ito nagwa-one years old, dinala na ito sa States dahil muntikan nang mamatay ito. Bali-balita kasi muntikan na ma-ambush ang pamilya ng nagmamay-ari ng pinagta-trabahuan nating kompanya. Una palang daw, ito na daw ang tagapagmana ng kompanya." Kwento ni Chismisa 3.

"Talaga?" Sabay sabi ni chismosa 1 at 2.

"Oo pero may sabi-sabi, kaya dinala ito sa States para ipa-ayos ang mukha. Ang pangit raw kasing bata ito." Patuloy na chismis pa rin ni chismosa.

[STATES...]

Nakaharap ang isang lalaki sa harap ng computer habang naglalaro ng paborito nitong laro, ang Rules of Survival (ROS). Habang panay pindot siya sa mouse at keyboard, panay kwento naman sa kanya ang naging tagapagbantay niya dito SA States.

"Some people know that your here is because you are born ugly. They brought you here to have a plastic surgery." Kwento ni Diego sa kanya.

" No! I don't have any plastic surgery. I will punch them all! Argh!" Pagalit na sabi ng lalaking nakaharap lamang sa computer at nakatutok sa nilalaro niya.

"They say you like a monster." Biro nito sanay tawa.

"Shut up! I'm not a monster!"

"They think you are monster since you are born. They didn't notice it for what reason your here until you grow up." Sabi pa rin nito.

Dahil sa galit, na-game over ito. Naunahan siyang barilin ng kanyang kalaban kaya natalo sila ng ka-grulo niya. Pagalit na pinaikot niya ang inuupuan niyang swivel paharal dito at kunot na kunot ang noo na tiningnan niya ito.

"Papa Diego, please stop talking. I'm not a monster and I don't have any plastic surgery 'cause my face is natural. I'm handsome." Pagtatanggol niya sa sarili dito.

Bumalik ulit siya sa harap ng computer para maglaro ulit nang magsalita ulit ang tagapag-alaga niya.

"Pack all your things tommorrow. We will going to somewhere and it's a long trip." Misteryosong pahayag nito maya-maya at bahagyang naging seryoso si Diego.

"Where?" Takang tanong niya dito habang nakatutok pa rin sa nilalaro.

"We will back to the place where you are born and that is... the Philippines." Bahagyang napatigil ng ang lalaki sa pagki-click sa computer sa sinabi ni Diego sa kanya."You will be the heritor of the company of your dad."

Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya dito.

"Jason Clive Sy, you are the new CEO of the UPhone. Congratulations my boy."

"What?!"

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

215K 4.1K 53
Hunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34
158K 3.5K 35
Tyra Yuri Velasco, isang simpleng babae na nangangarap na makapasok sa Wilstone Academy. Isang paaralan kung saan lahat ng nag aaral ay mayayaman at...
14.7K 1.2K 33
(Book 2 of Deadly Romance) -COMPLETED- Finally, malaya na si Iris. Napagbayaran na nito sa batas ang lahat ng kasalanan nito. Kasama niya na ang lala...
8.1K 494 28
Semira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangita...