Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

014

24.9K 405 11
By Kass-iopeia

014

Katharina

Nagising ako sa isang malambot na couch. May nakakumot sa aking coat na sa palagay ko ay kay Callum. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Nandito pa din pala ako sa opisina ni Callum. Napakagat ako sa labi ko ng maalala ko si maam Gemma. Paniguradong hinahanap na ako nun, anong oras na ba? Kanina pa ba ako dito?

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko nang sakto namang bumukas yung pinto ng opisina ni Callum. May dala dala siyang pagkain sa magkabilang kamay niya. Isinarado niya agad ang pinto pagkapasok at saka lumapit sa pwesto ko. Idinampi niya ang likod ng palad niya sa nuo ko at dinamdam iyon.

"Mainit ka pa." Aniya.

Huh? May lagnat ako? Dinamdam ko ang sarili ko. Tama nga si Callum medyo mainit nga ako. Pero kailangan ko na talagang umalis dito bago pa anong sabihin sa akin ni mam Gemma. Ayoko na lang ng away o ng gulo.

"Kumain ka." Aniya sabay abot sa akin ng mga dala dala niyang pagkain. Ipinatong niya yung iba sa lamesa sa tapat ko at saka naupo sa tabi ko.

"Ah Callum.. Kailangan ko na kasing bumaba. Salamat nga pala." Sabi ko.

"You need to eat first." Aniya.

Napatingin ako sa orasang nakasabit sa may dingding ng opisina ni Callum. 2PM na? Ang bilis naman? Kanina pa pala ako nakatulog? Ang haba na pala ng naitulog ko. Lagot na talaga ako nito kay mam Gemma. Malamang sa malamang hinahanap na ako nun.

"Callum kailangan ko ng bumaba."

Biglang sumama ang mukha niya nang tanggihan ko siya. Kasi naman mapapagalitan na talaga ako nito.

"Sino ba ang boss dito?"

"I-Ikaw.."

"Then eat."

"S-Sige."

Binilisan ko na lang ang pagkain para makababa na agad. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ayokong may masabi nanaman sa akin si mam Gemma. Napakasungit pa naman nun sa akin.

"Pag tapos mo dyan. Umuwi ka na at mag pahinga."

"Huh?"

"You heard me right Kath. Umuwi ka na. Sinabihan ko na si Gemma kanina na may inutos ako sayo."

Bigla akong nakahinga ng maluwag nang banggitin niya iyon. Mabuti naman at naipagpaalam naman pala niya ako kay mam Gemma. Hindi na ako mahihirapang mag paliwanag. Napangiti ako.

"Stop smiling. Just eat." Ani Callum na nakatingin pa din pala sa akin agad namang nawala ang ngiti sa labi ko at itinuloy na lang ang pagkain.

Pagkatapos ko kumain ay sinunod ko ang sinabi ni Callum na umuwi at mag pahinga. Mag papahinga na sana ako sa kwarto ng bigla akong makarinig ng doorbell mula sa labas ng unit. Ang aga naman ni Callum. Kauuwi ko lang din halos nandito na din siya? Agad na binuksan ko ang pinto ng nakangiti pero ibang tao ang bumungad sa akin.

Bakit nga naman mag dodoorbell pa si Callum eh may sarili siyang key ng unit niya. Minsan di mo ginagamit isip mo Katharina.

Ngumiti ako sa babaeng nabungaran ko pero pinag taasan lang ako nito ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Parang gusto kong manliit sa klase ng titig niya sa akin. Parang iniinsulto niya ako sa paraan ng titig niya sa akin. Pamilyar sa akin yung mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko ba ito nakita.

Di kaya artista to? Ang ganda ganda niya kasi eh.

Mag sasalita palang sana ako nang bigla niya akong tabigin patabi sabay pasok dirediretsyo sa loob. Naupo siya sa couch samantalang ako naiwang nakanganga sa kinatatayuan ko. Bumaling siya sa akin at nag slaubong ang mga kilay.

"What are you still doing there? Come on get me something to drink! Stupid."

Dali dali akong pumunta sa kusina para ipagtimpla siya ng juice. Agad ko din itong inabot sa kanya pagkatapos pero bigla na lang niyang tinabig ito sa kamay ko kayat tumapon ito sa damit ko at bumagsak naman ang baso sa sahig. Nagkabasag basag ito pagkasayad sa sahig.

"Omy! Tanga ka ba? Di ka nag iingat! Stupida!" aniya.

"P-pasensya na ikukuha kita ulit." Wika ko.

Isa isa kong pinulot yung mga bubog sa sahig at nilinis angparteng iyon na natapunan ng juice pagkatapos ay ikinuha ko muli siya ng maiinom sa kusina. This time tinanggap na niya ito ng maayos at ipinatong sa lamesa.

Unti unti kong naisip kung sino ba talaga ang babaeng nasa harap ko ngayon. Siya ang babaeng palagi kong nakikita sa mga litrato sa hacienda. Siya yung pangalawang anak ni Chris at walang dudang ayaw niya din sa akin gaya ng pagka ayaw sa akin ni Callum nuong una niya akong makita.

"So kamusta buhay reyna?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Maang maangan? Come on Katharina Perez show me who you really are."

Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko.

"Alam mo bang matagal kong hinintay tong pagkakataong 'to? Ang makaharap ang taong sumira ng pamilya ko."

"Hindi ko sinira ang pamilyang sinasabi mo." sagot ko.

Hinding hindi ko aakuin ang isang bagay na hindi ko naman ginawa. Limang taon na mula ng iwan nila si Chris at ako? Nakilala ko lang si Chris apat na taon na ang nakakaraan. Tinulungan niya akong bumangon. Pinag aral niya ako ng kolehiyo at pinag tapos bago siya umamin ng kanyang nararamdaman para sa akin. Di ako tumanggi dahil wala akong dahilan para gawin yun. Napaka buting tao ni Chris at hindi ko siya kayang hindian.

"Sinungaling!"

Umalingawngaw ang malakas na tunog ng sampal niya sa akin. Nasapo ko agad ang pisngi ko sa lakas ng sampal na yun. Sunod sunod na nag sipaglandasan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Ano? Bakit di ka lumaban? Ipakita mo yung skwater side mo!"

Di ako sumagot at pinunasan na lamang ang luha sa mga mata ko.

"Kung wala ka ng kailangan, papasok na ako sa loob.." sabi ko pinipilit lakasan ang loob.

"Wag kang bastos! Kinakausap pa kita!" Aniya sabay hawak sa braso ko. Sobrang higpit ng hawak niya duon, kaya naman di na ako nakapag pigil at marahas na tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin. Naout of balance siya at napaupo sa sahig.

Sakto namang bumukas ang pinto. Napatingin si Callum sa kapatid niyang nakasalampak sa sahig. Napakagat ako sa labi ko.

"Van!" Agad niyang dinaluhan ang kapatid at inalalayan itong tumayo.

"Kuya..." Umarte itong parang inapi at sinaktan.

"Nakita mo ba kung anong ginawa sa akin ng babaeng yan? Tinulak niya ako! Nakita mo di ba!" Aniya pa.

Bumaling sa akin si Callum. Seryoso ang hitsura ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Parang galit siya dahil sa nasaksihan. Siyempre kapatid niya ang paniniwalaan niya kaya hindi ko na sinubukan pang mag paliwanag.

"Anong balak mong gawin sa kapatid ko kung di pa ako dumating?" Tanong niya. Mahinahon lang yung boses niya pero nakakatakot.

Napayuko ako. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Napatingin ako sa kamay kong dumudugo na pala. Naalala ko yung mga dinampot kong bubog kanina sa sahig duon siguro nang galing ang mga sugat na to. Pinigilan kong wag maiyak. Pakiramdam ko sa mga oras na to nag iisa nanaman ako.

"I told you kuya. Nag babait baitan lang yang babaeng yan para kaawaan natin siya pero nakita mo naman ang tunay niyang kulay di ba? Buti na lang kuya dumating ka. I was so scared." Umarte itong takot na takot sabay yapos sa kanyang kuya.

Umiling iling ako. Hindi ko alam na ganito pala kasama ang anak ni Chris. Kapag ikinukwento niya sa akin ang mga anak niya ay para itong mga anghel yun pala naman ganito sila kasukdulang sama. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa kanila at ginagawa nila ito sa akin.

"Get out Kath! Baka kung ano pang magawa ko sayo." Ani Callum na galit na galit.

Walang pag dadalawang isip na lumabas ako ng unit niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pingilan ang mga luha sa pag patak pero hindi ko nagawa. Ang sama sama nila. Bakit palagi na lang ganito? Silang mga mayayaman hindi nila kahit kailan naramdamang api-apihin kaya kung makapanakit at manlait sila ng tao ay ganun ganun na lamang.

Dinala ako ng sarili ko sa isang park. Naupo ako sa isa sa mga upuan duon at pinag masdan na lamang ang mga batang nag lalaro sa paligid. Wala na akong ibang aasahan kundi ang sarili ko kaya dapat akong maging malakas. Magiging maayos din ang lahat. Matatapos din 'to. Matatanggap din nila ako balang araw. Muling nag sipag landasan ang mga luha sa mukha ko pero agad ko itong pinahid. Ayokong makakuha ng pansin.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong pantalon. Naisipan kong tawagan si Calvin. Wala na kasi akong ibang maisip na mapupuntahan kundi siya. Ayoko muna bumalik sa condo ni Callum. Alam ko din naman na ayaw na muna din niyang makita yung mukha ko.

Ilang minuto lang ay agad lumitaw ang sasakyan ni Calvin sa park. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit duon. Lumabas si Callum mula sa sasakyan ng may nag aalalang mukha.

"You okay?" Agad na tanong nito. Nag peke ako ng ngiti.

"Oo naman. Nabored lang kasi ako kaya nag aya ako. Hindi ba kita nastorbo o ano?" Tanong ko.

"Are you sure you're okay?" Binalewala niya ang sinabi ko.

"Okay lang talaga ako." Sabi ko.

"No you're not. Hindi ka marunong mag sinungaling o mag kunwari kaya alam kong nag sisinungaling ka. What's the matter?"

"Ayoko na munang pag usapan.." Sabi ko nang nakayuko.

"Sige. Wag kang mag alala sagot kita ngayon. Saan mo gustong pumunta?"

"Kahit saan na lang Calvin. Gusto ko lang talagang makapag palipas ng oras." Sabi ko. Ngumiti siya at inalalayan ako makapasok sa kotse niya bago siya umikot para sumakay na din.

Napaka buting tao ni Calvin. Sana pareho na lang sila ni Callum. Pero mabait din naman si Callum kaya nga lang may pagkakataong di niya mapigilan yung galit niya sa akin. O baka naman sa akin lang siya ganun... Baka nga. Akala ko pa naman maayos na kami sa isat isa pero ngayon back to basic nanaman.

Ayos lang. Ganun talaga eh. Kailangan mag tiis.

"Kumain ka na ba?" Tanong bigla ni Calvin.

Tumango ako.

"Oo."

"Dalin kita sa condo ko okay lang ba? Ipag luluto kita tapos mag movie marathon tayo? How's that?"

Ngumiti ako at muling tumango.

"Sige."

Wala akong gana sa totoo lang sa lahat ng bagay ngayon pero wala namang mangyayari kung mag mumukmok lang ako sa isang tabi at pilit na ipapaulit ulitin sa utak ko yung nangyari kanina. Wala na akong magagawa dahil nangyari na.

Ginawa naman ni Callum ang sinabi niyang dadalhin niya ako sa bahay niya at manunuod kami ng movie. Kasalukuyang pinapanuod namin yung pangalawang movie na napili ko. Luma na yung palabas pero ngayon ko pa lang ito mapapanuod. Napaka ganda ng story nito kaya libang na libang ako sa panunuod hanggang sa may mag doorbell agad pumunta si Calvin sa pinto para buksan ito.

Bumalik sa Calvin na may kasunod nang babae sa likod.

"Oh you have some company here pala." Anang babae. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko din siya. Mas mukha siyang bata kaysa sa akin siguro ay nasa kolehiyo pa lang ito sa tansya ko.

"Hi girl! I'm Alianna, Calvin's beautiful cousin."

"Katharina." Pakilala ko saka ngumiti.

Ang ganda ni Alianna at mukha pang napaka bait.

"Liah, ano bang ginagawa mo dito?"

"Ito ang sungit. Namiss lang kita kaya ako nandito. That's all, at ba ang sungit mo ngayon?"

"Wala."

Umirap sa kawalan si Alianna na sa tingin ko ang nickname ay Liah. Humarap siya muli sa akin at muling ngumiti.

"Ang ganda mo. Girlfriend ka ba nitong masungit na pinsan ko?" Tanong niya.

Saagot pa lang sana ako ng muli siyang mag salita ulit.

"Oh my g! Alam ko na kung bakit ang init ng ulo mo Calvin! Nakaistorbo ba ako sa inyo?" Alangan nitong sabi.

Umiling iling ako at mag sasalita na dapat nang muli uling bumukaang bibig niya para mag salita.

"Omg sorry. Di ko naman alam eh. Nandito ako kasi si Stephen nakakabwisit kaya tinataguan ko. Sorry talaga Calvin! Sige babush na baka kina Louise na lang ako muna mag palipas ng oras bye guys!" Anito at tumalikod na para sana lumabas pero muli itong lumingon sa pwesto namin.

"Don't forget gumamit kayo ng protection. Ayoko pa maging tita!" Pahabol nito sabay alis ng kwarto.

Nagkaruon ng katahimikan sa loob ng condo ni Calvin pagkaalis ng pinsan niya. Napakagat ako sa labi dahil sa kahihiyan.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
143K 3.9K 32
[Complete | R-18 | Content Advisory | Taglish ] Island of Sin #1 Nang sabihin sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na gusto siya ni Darius L...
1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
11.9K 565 22
#7| WICKED WRITERS SERIES| A COLLABORATION Mysterious and suspicious. One witness. One answer. One book. Sylvia Favria set sail to Nairn to start he...