Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Chapter 9: Jack Of All Trades

339 33 12
By jmaginary

EINDREID

"I was very disappointed." saad ni Sir Lucho , ang oral communication naming teacher na ngayo'y nagsasalita sa harapan. Tahimik lang naman kaming lahat na nakikinig sa kaniya. Monday ngayon pero ang init ng ulo niya ang agad na sumalubong sa amin. 

"Konti lang sa mga grade 11 ang pumunta sa Audition for Radio and TV Broadcasting last Saturday. I expected too much from you all because of the idea that most of you have journalism backgrounds in junior high school." dugtong niya pa. Ibinaba niya muna ang lapel niya nang tila mairita siya sa boses niya rito. Ngayon lang kasi nag-lapel, at sa tingin ko, hindi siya compatible doon. Nilibot niya ang paningin sa classroom.

"Dahil diyan, inire-require ko na um-attend ako sa susunod na Audition. Lahat ng grade 11. Ang hindi pumunta, mawawalan ng 100 points for the Performance Task. Your attendance is a must. I don't want to hear any excuses." saad niya at binuksan na ang powerpoint na idi-discuss niya. Ngumiti na siya.

"Let's proceed to the discussion." saad niya gamit ang tono ng pagtuturo. For a teacher, he's really jolly and um, mataray. Gay nga kasi. Pero ang teaching skills niya, impressive talaga. Although medyo nakonsensya ako kasi na-disappoint namin siya sa hindi pagpunta sa audition for broadcasting last Saturday. Actually, I'm interested to join kasi meron na naman akong background sa Journalism.

Nung Grade 10 ako, isa akong scripwriter ng English TV Broadcasting sa school namin. Kilala kasi 'yung school namin sa filming talaga lalo na't kami lang 'yung nangingibabaw sa West. We even had our film until the international level. Kung tutuusin kasi, nagtipon-tipon lahat ng manghahakot dito sa East, pero hindi naman kami nagpapatalo. Ang kaso nga lang, nung DSPC na, nagkaroon ng aberya 'yung grupo namin at nawala 'yung mga files sa aming mga flashdrive. Ang labas tuloy, sobrang ni-rush 'yung output. Pero mas ayos naman na 'yon, kaysa sa mga na-disqualified dahil hindi nakatapos on time. Kahit wala kaming place, atleast, napasa 'yung output namin.

Naalala ko pa nga dati, na-disqualify 'yung kalaban namin na taga University of Tallis. Aaminin ko, magaganda outputs nila. Pero 'yung Filipino Team, hindi nakatapos on time. Dapat nga ay deduction lang ang mangyayari, kaso may nagreklamo na adviser kaya ayon, nagalit ang judge at dinis-qualify sila. Malaking dagok din 'yon sa kanila kasi tinitingala sila ng karamihan. 

Lesson learned. Dapat tinutupad ang kasabihan ng Campus Journalism na, "Hitting the target, beating the deadline." At tsaka, kung alam mo narin kasing hindi mo nagawa nang tama 'yung pinapagawa sa'yo, huwag ka nang magreklamo. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon.

Ang alam ko noon, may isa ring paaralan sa West na nakikipagsabayan sa University of Tallis sa kategoryang English. Actually nga, nasa third place sila for English TV Broadcasting Team tapos 'yung Filipino Team naman nila, disqualified din. 

First ang English Team ng University of Tallis, tapos second Letran, and then third ay 'yung paaralan nila. Ang pangalan ata ng school ay PANHS. Nakalimutan ko nga lang 'yung P at A kung anong ibigsabihin. Sa kasamaang palad, hanggang second place lang ang kinukuha para sa RSPC. 

Kilala raw ng mga kagrupo ko 'yung myembro ng grupo mula sa PANHS kasi raw dahil kay Sir Ron, 'yung adviser namin. Katulong niya kasi 'yung video editor ng grupo na 'yon noong seminar nilang mga teachers para sa TV Broadcasting nung bakasyon,  naging magkagrupo sila at napanalo nila ang ang Technical. Partida, andoon din ang University of Tallis.

Nasaan na kaya 'yung video editor ng PANHS? Magti-TV Broadcasting kaya ulit siya ngayong year? Lalaki kaya 'yon? Sana naman pogi. Ang cool kasi pag 'yung isang lalaki ay techy. Parang geek lang pero para sa akin, ang laking turn on no'n. 

Napailing-iling nalang ako at napapatawa sa aking isipan. Ano na naman ba 'tong kalokohan sa isip ko?

Inilagay ko ang aking mga kamay sa ilalim ng aking baba habang nakikinig kay Sir. Si Janina, at 'yung iba naming kaklase, nagsta-start nang magtake ng notes. Pansin ko naman na si Chord, nakasandal lang din sa upuan niya habang nakatingin kay Sir Lucho. She's playing her ballpen between her fingers. Hindi niya nga ugaling magsulat. 

Based on my observations about her, she's lazy. Super lazy. Kung alam niyang may iba pang paraan para magkaroon ng copy nung diniscuss, kukuhanin niya lang 'yung ppt file at hindi na magno-notes. Doon din siya nagsca-scan tuwing may biglaang quiz or review. At hindi naman sa minamaliit ko siya, aminado naman kasi siya na....pangit ang sulat niya. And I second the motion. Her handwriting is very terrible. Sabi niya nga pa dati,

"Kung magpapa-autograph nga sa akin mga kaklase ko, kukuha nalang daw sila ng isa sa mga notebooks ko." 

She's proud of it though. Pero may mga times na gumaganda sulat niya. Sa mga outputs na pinapasa gano'n. Sa tingin ko lang talaga, kailangan niya lang ng tiyaga. Nage-effort kasi siya nang husto pag pinapaganda niya sulat niya. Paano ba naman kasi, madiin masyado magsulat. 

Pero napaisip din ako bigla. I thought she's a writer in Wattpad. Hindi kaya nagjo-journalism din siya dati? Particularly, baka nga writer din siya sa dyaryo. Hindi kasi ako familliar sa Collab at pang-dyaryong mga sulatin dahil hindi ko pa naman nae-experience 'yon. 

"Goodbye class." 

Tumayo kaming lahat para magpaalam kay Sir Lucho. Tinulungan siya ng ka-classmate namin na ligpitin 'yung mga gamit niya at dalhin ulit ito sa Faculty nila. Ehem, syempre mga lalaking type niya 'yung nagdadala no'n. Pagkaupo ko ay lumingon ako kay Chord na nilalaro parin ang ballpen sa kaniyang kamay. 

"Hey." tawag ko sa atensyon niya. Ngumisi naman siya.

"Miss mo na ako? Ano ba naman 'yan, Reid." nakangising reklamo niya. Pabiro ko naman siyang inirapan.

"Lakas talaga ng toyo mo." saad ko nalang. Kumindat naman siya.

"Sa'yo lang." banat pa. Hinampas ko nalang siya sa braso.

"Bakla ka! May tatanong kasi ako." saad ko. Mas lalong lumapad ang ngisi niya.

"Kung single ako? Hmm. Hindi kasi ako stick to one e. Pasensya ka na. Pero unlimited naman slots ko for flings. Maga-aaply ka?" sunod-sunod niyang litanya. Napailing-iling nalang ako.

"Nagjo-journalism ka ba dati?" tanong ko. Napangiwi naman siya nang hindi ko pinatulan ang kalokohan niya. 

"Yup. Taga CVLNHS ka diba?" Aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Paano niya nalaman?

"Nakasama kaya kita sa TV Broadcasting." dugtong niya pa na parang binabasa ang isipan ko. What? Naalala niya pa? 

Palibhasa mahina ka pagdating sa pagtanda ng mga mukha at pangalan. sabat naman ng isipan ko.

"Anong category mo?" tanong ko ulit. Sumandal siya sa upuan niya at pinaglaroon ang dulo ng itim niyang buhok na kulot.

"Video editor. Nakasama ko na nga rin 'yung school adviser niyo at parang naging mentor ko narin. Si Sir Ronald?" tugon niya. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at literal na bumagsak ang mga panga ko. 

"Alam niyo ba na 'yung Video Editor ng PANHS ang nagpanalo sa kanila?" narinig ko ang tinig ni Sir Ron nang sinesermonan niya kami dahil hindi manlang kami nagka-place sa DSPC. He's expecting too much din kasi dahil kumpleto kami sa tao at equipments, at 'yung grupo naman ng PANHS ay walang budget, phone cam nga lang ang gamit. Pero nadala daw ng magaling nilang video editor.

"Cat got your tongue? Para kang shock na shock diyan." puna ni Chord nang makita niya ang reaksyon ko. Napalunok nalang ako at nag-compose ng sarili.

"Sinong scripwriter ninyo? Alam ko isang laptop lang at isang notebook 'yung gamit ninyo. Ang galing siguro magtype ng scriptwriter ninyo at na-encode niya lahat ng news articles at nalagyan pa ng tamang jargons. Ang lupit din ng mga headlines. Limitado pa naman oras at 'yun ang unang kinukuha." pag-iiba ko ng usapan. Nagkibit-balikat siya.

"Ako 'yung scripwriter namin pero iba 'yung nilagay na pangalan." tugon niya. Mas lalo tuloy akong nawiwindang sa mga nalalaman ko ngayon. Parang may kutob na ako sa mga nangyayari.

"E 'yung director ninyo? Ang galing naman niya at na-visualize niya 'yung kailangan ninyong gawin. Ang alam ko kasi, dalawang phone cam lang gamit ninyo tapos may mga tape pa 'yung tripod ninyo. Buti nabalanse niya lahat at naibigay sa'yo agad 'yung mga videos." saad ko ulit. This time, humalakhak na siya ng tawa.

"What's up with you today, Reid? Masyado mo ata akong pinupuri." saad niya. Hinawakan ko ang braso niya at niyugyog.

"Ibigsabihin, ikaw rin ang nag-direct no'n?!" bulalas ko. Napatango-tango nalang siya habang may nakakalokong ngiti. Binitawan ko naman siya at isinandal ang likod ko sa upuan ko. What? Bakit parang napaka-all around niya ata? Narinig ko narin siyang magsalita at hindi hamak naman na pasado ang boses niya sa broadcasting.

"Alam mo kasi, sa akin lahat inasa ng mga kagrupo ko ang lahat. Dahil una, ako 'yung umattend ng seminar at kaya kong dumiskarte dahil medyo gamay ko na. Hindi ko naman sila maturuan dahil napaka-hectic ng schedule dahil may acads pa tapos wala naman kaming matinong place para makapag-practice manlang kasi masyadong pinagtuunan ng school namin ang Filipino Team." mahinang saad niya. Napatingin naman ako sa kaniya at nakangiti siya. Pero hindi ito umaabot sa kaniyang dark brown na mga mata na tila ba'y may naalala siya na hindi maganda.

"Ang Video Editor ng Filipino namin, tinuruan ko siya. Kasi, before namang magkaroon ng TV Broad, kaibigan ko na siya e. Kaso masyado siyang naging mayabang at parang may gusto siyang patunayan. 'Yung parang mas magaling siya sa akin gano'n. Nagkataon pa na ang adviser nila at 'yung mga kagrupo niya, competitive masyado. Kaya ayon, para kaming tinrato na parang wala lang." pagkwekwento niya na ikinasalubong ng kilay ko.

"Pero hindi ba dapat magkakampi ang English at Filipino ninyo? Iisang school lang naman kayo?" pagtataka ko. Napailing-iling siya.

"May history silang dalawa e. Kaka-transfer ko palang sa PANHS noong Grade 9 ako at nasa Radio Broadcasting pa ako bilang scripwriter ng English, baguhan palang sa journalism, nalaman kong may alitan na talaga. Kahit nga sa gawaan ng dyaryo, nagsisilipan pa dahil kami, Library lang ang ginagamit. Mainit, tapos wala pang pagkain. Tapos sila, nasa canteen, free ang kinakain." paliwanag niya. Sa totoo lang, napakalungkot isipin na may ganito pala talagang nangyayari. Sa school kasi namin, equal ang English at Filipino. Kahit sa ibang school naman kasi nga iisa lang ang dinadala nilang pangalan. Ito nga lang ang first time kong makarinig ng kwento na ganito.

Pero ano raw sabi niya? Nag-radio broadcasting siya at nagdyaryo pa? At grade 9 lang siya no'n?  2 years?

"Teka nga. Siguro naman Contributor ka lang sa diyaryo ninyo diba? Masyado mo naman atang kinareer ang Journalism." sabat ko. Napangiwi siya.

"Wow ha? E kasi nga, bago lang ako sa larangang Journalism kaya naaliw ako masyado. Tsaka hindi ako contributor, managing editor ako. Isa ako sa mga main na gumagawa ng dyaryo. Karamihan nga ng articles, ako gumagawa tapos sa iba pinapangalan." saad niya pero walang bahid ng pagyayabang. Napatango-tango naman ako.

"Ano namang sinusulat mo? News, editorial, feature, science and health, or sports---"

"Lahat. Isama mo narin layout. Kulang nga kasi kami sa tao at budget." pagpuputol niya sa akin. Napa-facepalm na talaga ako. 

"Alam niyo ba na 'yung Video Editor ng PANHS ang nagpanalo sa kanila?"  narinig ko na naman ang tinig ni Sir Ronald. Kaya ba nasabi ni Sir 'yon ay dahil alam niya ang kakayahan ng babaeng nasa tabi ko ngayon?

Kaloka.

"Oh baka may itatanong ka pa? Sasagutin ko pa." pagbibiro niya. Napairap nalang ako at pinapatupi ang mga braso ko sa aking dibdib. Bakit parang kaya niyang gawin ata lahat? Tumutugtog, kumakanta, techy, kayang magsulat ng literary at articles, kahit nga pagla-layout pinatos pa, may alam pa sa filming. Hindi nagpapahuli sa acads kahit sobrang tamad tapos kaya ring i-modulate boses na parang nagbabalita? 

Ano na? Hindi talaga ako uubra sa kaniya. Nakakapanliit.

"Hoy anong iniisip mo? Natahimik ka." saad ni Chord. Napalabi ako sa harapan niya.

"Kaya pala masyado kang pinagmamalaki ni Sir Ron sa amin." halos pabulong kong saad. Nanlaki ang mga mata niya.

"Kinukwento ako ni Sir Ronan sa inyo?" bulalas niya. 

Pinagmamayabang niya pa nga e.

"Oo." mapaklang tugon ko. Para namang nag-sparkling mga mata niya.

"I love you Sir Ronan!" mahinang bulalas nito. Napailing-iling ako. Kanina, nagloloko, tapos biglang nagdrama tungkol doon sa pangyayari sa TV Broad life niya tapos ngayon, masaya na ulit. Hay. Ibang klase talaga.

Bigla namang sumeryoso ang mukha nito at inayos ang salamin na suot. 

"Pero hindi lahat ng bagay kaya kong gawin. May math gap nga ako e." mapait niyang saad. hndi nalang ako tumugon. Para kasi sa tono palang ng pananalita niya, frustrated na ang masasabi ko sa kaniya. May hindi pa pala kayang gawin ang henyong 'to?

Tumikhim ako.

"Kamusta naman kayo ng kaibigan mo na video editor ng Filipino?" pag-iiba ko ng usapan. She nods her head thrice then her lips curves to smile.

"Ayos naman. Hindi naman niya nabanggit 'yung tungkol doon pero ramdam ko naman na bumalik na kami sa dati. Kasalukuyang nasa LCBA siya ngayon nag-aaral." saad niya. Tumahimik nalang din ako at napaupo nang maayos nang pumasok 'yung teacher namin sa Personal Development. Hinugot ko narin 'yung personal timeline na pinagawa ng teacher namin. 

Napabuntong hininga ako. Parang kailan lang nung First Day palang ng pasukan, ngayon nasa kalagitnaan na kami ng First Sem at malapit nang mag-exam. RIP to me.

"Okay class. Ipasa niyo na ang mga Personal Timeline niyo at titignan natin kung saan patungo ang direksyon ng mga buhay ninyo." saad ni Sir Arnie. Or Arneil? O Arnel? Okay, let's just call him Sir PD. Pinagpapatong-patong niya ang mga outputs na ipinasa namin sa table sa harapan.

"Sana naman, nag-effort kayo at pinag-isipan niyo nang mabuti 'tong nakalagay dito sa personal timeline ninyo." saad niya at inangat ang kaniyang paningin.

"Ang subject na ito ay hindi loko-loko lang kahit 'yung teacher niyo ay may toyo rin." banat niya kaya may ilang tumawa sa amin. Paborito ko nga 'tong teacher na 'to, palaging lively klase.

"Ang personal timeline ay 'yung tingin niyo na mararating ninyo in the future. At ito rin ay tumutulong sa inyo para tumingin sa nakaraan, magmula noong kayo ay isilang. 'Yung akin nga ay nakasabit pa sa kwarto ko at pina-frame ko pa. Tapos sa tuwing tumitingin ako roon, napapangiti nalang ako." saad ni Sir at parang baliw na ngumiti.

"Sir, para namang porn 'yung tinitignan ninyo. Ang manyak ng ngiti niyo po." pabirong saad nung isa naming kaklase na lalaki. Sinakyan naman ni Sir ang biro niya at inirapan ito na parang bading.

"Gaya niyo pa ako sa inyo. Tse!" saad niya kaya napatawa na naman ang klase. Bigla namang sumeryoso ang mukha nito at naglakad papalapit doon sa pangalawang row. May hawak siyang isang rolyo ng papel at bigla itong hinampas sa isa naming kaklase. Mahina lang naman pero may tunog.

"Ikaw demonyo ka. Huwag ka ngang ngumiti riyan at nakikita 'yung  may clash of clans mong ngipin." may diin na saad ni Sir. Napatawa naman kami. Halata naman kasing nagbibiro lang siya. Bumalik siya sa harapan at tila bumalik sa pagiging jolly niya.

"Alam niyo kasi class, mas maganda na mga bata palang kayo, may plano na kayo sa buhay ninyo. Huwag na kayong dumagdag sa populasyon ng Pilipinas na halos lahat ng naninirahan e pawang mga nakatira sa ilalim ng tulay." saad niya with matching gestures pa. 'Yung inangat niya 'yung dalawa niyang mga kamay at gumawa ng tulay na figure. 'Yung kurbadong linya lang.

"Sana naman naging honest kayo sa personal timeline ninyo. Alam niyo naman future niyo 'to kasi pag hindi 'to maganda, babagsak ko kayo." dugtong niya pa at dumila. Wala na. Humalakhak na talaga ako.

"Alam niyo ba class, may kakilala na ako dati. Myembro siya ng simbahan tapos may balak atang magmadre. Kahit anong gawin niya, laging may "Thank you Lord!"." saad niya at pinaliit ang boses na parang ginagaya 'yung boses nung tinutukoy niyang magmamadre. Inulit-ulit niya pa 'yon.

"Pagmataas grades, "Thank you Lord!"."

"Pagmay bagong damit, "Thank you Lord!" ." 

"Pagmasarap ulam, "Thank you Lord!" .

"Pagnadapa, "Ay putangina!"."

Lahat ng nasa klase ang lakas ng tawa. Kahit ako. Nakakatawa na nga 'yung pinag-uusapan, nakakadagdag pa sa katatawanan 'yung pag-aakto niya nung mga sinasabi niya. Napailing si Sir.

"Ayan, diyan kayo magaling. Pag ganito, ang lalakas ng boses ninyo. Palibhasa ginagawa niyo rin." saad niya at nagbuklat-buklat ng mga personal timeline. Napatigil naman siya at binuksan 'yung kulay itim na personal timeline na may mga litrato na kulay Black and White. 

Teka, kay Chord 'yon ah.

"Ay ang galing. Tignan ninyo." saad ni Sir at biglang hinarap 'yung picture ni Chord na nasa loob ng parang splash na ink tapos iba't-iba rin ang kulay. Nasa baba naman 'yung word na personal timeline na parang Calligraphy.

(A/N: Gusto niyo bang makita front page nung personal timeline na sinasabi nila rito? HAAHAHAH may picture ko nga lang lol. Comment niyo sa baba if gusto niyo eehehehe.)

Tumingin naman 'to kay Chord at napakamot nalang ng batok ang huli.

Napangisi si Sir Arnie at sinimulang basahin 'yung laman nung personal timeline ni Chord.

"I was born on October 04, 2001---"

"Sir, wait! Itigil niyo 'yan." singit naman ni Chord at halos mapatayo na sa kinauupuan niya.

"Shh! Binabasa ko gawa mo." sita naman sa kaniya ni Sir habang nakangisi parin. Napadabog nalang 'tong katabi ko at namumula na. Pinatuloy pa kasi ni Sir ang binabasa niya.

Napatawa nalang ako. The fact na pinansin ni Sir ang output niya, ibigsabihin natuwa siya rito. Napatingin ako kay Chord at nakayuko parin ito habang nakangiwi. She can really do a lot of things but she is not competent on any of that. 

A jack of all trades.

#####

HAYAN NA ANG UPDATE!!!!! SUNOD KO NAMAN WOAP DITO HAHAHA

ANO MASASABI NINYO? SINO BANG NAG-IINTAY DITO SA JOURNALISM NA TOPIC? MALAPIT-LAPIT NA HO. 

Sa mga hindi nakakaalam ng Divisions Schools Press Conference (DSPC), ito ay isang pa-contest na nagtitipon-tipon lahat ng representatives ng bawat city para lumaban within the said vicinity. May category para sa diyaryo o collab, radio & tv broadcasting (2016 lang nagsimula ang TV), at individual writers. (News, sports, sci and health, feature and editorial). May mga photojourn din.

Ang RSPC naman ay pinataas lang na level. Regional tapos may NSPC din na pang nationals naman. Sadly, hindi ako nakaabot sa dalawang 'yan. Sad :(

At para sa kaibigan ko na hindi na nakapag-enroll sa g12 (siya po si Eindreid), sana magkita manlang tayo sa nalalabi mong 2 months bago ka lumipad papuntang New Zealand bakla ka. 

Sana nagustuhan ninyo!

PLUG! PLEASE PANUOD NUNG VIDEO KO SA MEDIA HAHAHA VISIT NIYO 'YUNG COMPILATION KO NG MGA COVERS AT COMPOSITIONS SA MAY PROFILE IF YOU WANT TO SEE ME IN A VIDEO~ 

Thank you for reading!

- Chris Rolfe (AnimeAddict04)








Continue Reading

You'll Also Like

17M 234K 103
I hope this book may help us to know more tips and secret facts here on earth. Lahat naman po tayo ay gustong mapadali ang mga gawain o di kaya ay gu...
17.6K 980 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
637 114 55
To those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining fro...