Patient 95 II [BTS Fanfic]

By angel_irell

27.1K 1.5K 726

[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-Two
Epilogue
ANNOUNCEMENT (Patient 95 Book 3)

Chapter Thirty-One

519 27 37
By angel_irell

"Chapter Thirty-One: Karma From 12 Years Ago"

[Third Person's POV]

Lagpas 11 na ng gabi at hindi pa rin lumalabas si Jungkook. Naiinip na si Jennie kakaantay sa labas at kakatago sa likod ng isang malaking halaman na ilang metrong layo mula sa building na iyon ngunit safe na safe si Jennie dito.

Kanina lang ay nameet niya sina Jean at Yerim sa hospital kung saan nakaconfine ang kanyang kamag-anak. Ilang oras ding nawawala si Jimin noong oras na iyon kaya pina-paging niya ito. Doon na nalaman nina Yerim at Jean na gumalaw na pala si Jungkook kaya pinuntahan ni Jean si Jennie at si Yerim naman ay bumalik sa hotel at sinabi niya kay Taehyung na kailangan na nilang gumalaw at tumawag ng pulis.

Alam ni Jean ang lahat. Lahat ng galaw ni Jungkook simula pa lang noong dumating siya sa buhay ni Taehyung pero kahit kailan, sinisisi pa rin niya ang mga nangyayari kay Shinah. Kahit pinatay din siya ni Jungkook ay sinisisi pa rin niya ito. Kung hindi lang siya dumating sa buhay ni Taehyung edi sana maayos pa rin ang buhay ni Taehyung at naabot na niya ang mga pangarap niya ngayon.

Napansin ni Jennie na may figure ng lalake ang papalabas ngayon sa lobby na siyang main entrance ng building na yun. Nang tuluyan ng makalabas, mas naaaninag na ni Jennie ang mukha niya. Si Jeon Jungkook. Ang taong kinamumuhian niya.

"Di ko idedeny na mas pumogi ka Jungkook pero di ko pa rin makakalimutan ang ginawa mo 12 years ago. Di ko aakalaing magkikita pa tayo ulit." bulong ni Jennie sa sarili niya. Nagtago ulit siya sa likod nung halaman na iyon habang pinapakinggan niya ng mabuti ang footsteps niya.

Nang makalabas si Jungkook at nakikita na ni Jennie ito sa pinagtataguan niya ay lumabas siya na para bang naligaw lang siya sa lugar na yun. Lumapit siya kay Jungkook. "Omg! Excuse me po."

Napatalon si Jungkook sa gulat nang makita niya si Jennie. Napalayo siya onti kay Jennie at tinignan siya mula paa hanggang ulo. "S-sino ka?"

"Ah..." sagot ni Jennie na kamot-kamot ang ulo ngayon. Kunwari nahihiya. "Nawala kasi ako sa dinaanan ko at naliligaw ako ngayon. Maaari mo bang ituro sa akin kung saan yung Bogsu St.?"

"Bogsu?" Lumilingon-lingon si Jungkook sa paligid saka itinuro yung direksyon kung saan yung tinatanong ni Jennie. "Andoon."

Tinignan naman ito ni Jennie saka binalik ang atensyon kay Jungkook saka nagbow. "Thank you po."

Tumango naman si Jungkook. "Sige. Ingat."

Nagsimula nang lumakad si Jungkook opposite sa daan papuntang Bogsu St. May nakalimutan pala siya. "Ah kuya."

Lumingon naman ito agad kay Jennie. "Po?"

"Pwede pa-hug. Pogi niyo po kasi eh." sagot ni Jennie saka nagpabebe laugh. Hindi na-mention dito na maharot din tong si Jennie gaya ni Yerim pero mas maharot si Yerim. Nung nasa bahay pa nga nila si Jimin noon, naglalaway na siya sa biceps ni Jimin.

Pero biro lang. Except nung maharot siya kasi maharot talaga siya.

Tumango naman ang loko na nagngangalang Jeon Jungkook. Kunwari inosente pero isang p*tangina pala. Lumapit si Jennie na pigil na tumitili papunta kay Jungkook saka niyakap niya ito. May patapik-tapik pa sa likod at sa pwet din.

Kumalas na siya sa yakap at nagbow ulit. "Thank you ulit."

Tumakbo na paalis si Jennie. Tinignan siya ni Jungkook habang paalis saka umiiling-iling na nakangiti. Si Jennie na siguro ang kanyang icing sa ibabaw ng cupcake niya. Pero imposible kasi walang puso si Jungkook.

Nagsimula na itong maglakad opposite sa dinadaanan ni Jennie ngayon. Dahan-dahan lang lumalakad si Jennie at lumingon na rin siya sa direksyon ni Jungkook. Nang mapansin niyang lumiko na ito sa isang eskinita ay agad naman siyang bumalik sa lugar kung saan ang building na iyon. Hindi alam ni Jungkook na nilagyan pala ni Jennie ng GPS tracking device ang bulsa nito. 

Dinial na rin niya ang number ni Jean saka tinawagan ito. Ilang rings bago ito sagutin ni Jean. "[Hello Jennie.]"

"Joohyun unnie. Nakaalis na si Jungkook. Bumalik ako sa building ngayon." sabi ni Jennie.

"[Paparating na kami dyan kasama ang pulis. Pasukin mo yung building--]"

Di natuloy yung pagsasalita ni Jean nang may nagsalita. Kasama niya yata ngayon. "[Unnie, may bomba sa building. Kailangan nating bilisan.]"

"[Ano?!]" sambit ni Jean pero yung kasama niya ang kausap niya.

"[Unnie, mag-iisang minuto na lang.]"

"[Mamang pulis, pakibilisan po.]"

"Unnie." Nakapagsalita na rin si Jennie sa wakas.

"[Sorry Jennie pero may bomba daw sa building.]" sagot ni Jean. Nagulat si Jennie sa kanyang narinig.

"So anong gagawin ko ngayon?" tanong niya.

"[Okay lang ba sa'yo na pumasok ka saglit?]"

Napatigil muna si Jennie saka tinignan ang building. "Sige pero may timer ba yung bomba?"

"[Oo. 1 minute and 38 minutes.]" sagot ni Jean. "[Shit. Lumayo ka na dyan.]"

"Pero may tao pa sa loob diba?"

"[Oo. Nasa Baeshin St. na kami.]" sagot ni Jean. May tinanong din siya sa kasama niya. "[Saang daan dumaan si Jungkook?]"

"[Jeungo St. Opposite sa Bongsu.]" sagot nung babae.

"[Mamang pulis, punta po tayo sa Hondong. Pakisabi po sa kabilang sasakyan na dumaan sila sa Bongsu para iligtas yung tatlong tao sa building.]" utos ni Jean.

"[Sige po, Ma'am.]" sagot naman nung pulis.

"Okay na?" tanong ni Jennie na nangangati na yung mga paa niya para pumasok sa building.

"[Paparating na yung mga pulis dyan. Kami na ang haharang kay Jungkook.]" sagot ni Jean.

"Sige unnie."

Binaba na nila ang tawag. Nagset ng timer si Jennie gamit ang phone. She estimated the time to 1 minute and 15 seconds bago siya tumakbo papasok sa loob ng building.

Nang makapasok siya, she can hear faint screams. Tumakbo agad siya kung saan nanggaling yung sigaw. Nawala na yung sigaw kaya sumigaw din siya para marinig niya ulit at mahanap niya kung saan yun nanggaling.

Sana nga hindi yun multo.

"Jimin!"

---

Sa kwarto kung saan nakakulong ngayon si Bea ay maririnig ang kanyang malakas na iyak at sigaw. Hindi pwede. Hindi pwedeng mamatay na lang sila dito. Kailangan niyang makulong si Jeon este Jungkook. Kailangang mabigyang hustisya ang mga taong pinatay niya.

"Tulong!" sigaw niya ulit nagbabakasakaling may makarinig sa kanya at baka marinig siya nina Jimin na ngayo'y nasa sitwasyon din niya. Ngunit wala siyang narinig na kahit tunog man lang. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na humikbi. Sobrang natatakot siya ngayon.

Pinilit niya ulit na maalis yung tali sa kamay niya na nakatali sa likod ngunit hindi ito maalis. Ilang ulit niya itong ginawa pero masyadong mahigpit ng pagkatali. Dahil sa inis, napasigaw na lang siya. "Damn it!"

'Bakit ba ganito? Akala ko ba pinagbabawalan ko na ang sarili ko na magtiwala sa ibang tao pero bakit ganito?' sabi ni Bea sa isip niya. 'Di ko pinigilan yung sarili ko na magtiwala sa kanya and I let my guards down for him. Damn. I must be crazy.'

"Jimin!"

Nagulat siya nang may narinig siyang sigaw mula sa labas. Babae. Pero di naman niya kaboses si Miho so it can't be Miho. What about Jean?

Jean. 'It must be Jean. Jean is Jeon's side kick. Well, f*ck 'em.' she thought.

Napaisip siya. Sisigaw ba siya ulit? Saka ba't naman hahanapin ni Jean si Jimin? Diba gusto nilang mamatay sila rito?

Hindi na siya sumigaw ulit. Nanahimik na lang siya. Siguro nga time na niya. Nagpapasalamat siya kasi sa at least nakaramdam siya ng pagmamahal at appreciation sa mga fans niya na humahanga sa mga aral na nasa libro niya pati na sa mga taong malapit sa kanya. If this will be her fate, then let it be. She would accept it anyway.

She thought of a positive thing. Makikita na niya si Taehyung oppa niya. Magsasama na sila ulit. Makakapaglaro ulit sila. Makakakulit na ulit niya. Sa lugar kung saan walang panganib, walang sakit. Tanging kasiyahan lang ang meron dun. An eternal happiness.

Biglang may lumitaw na babae sa harap niya specifically sa pinto ng kwartong ito. Naka-ripped jeans at gray t-shirt. Naka-ponytail. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha niya. Halos magka-height lang din sila saka medyo payat. Mas malaman nga lang ito kesa sa kanya.

Sino kaya ito? Hindi naman siguro siya si Jean. Maliit kasi.

"S-sino ka?!" tanong ni Bea na halatang gulat at takot.

Lumapit yung babae sa kanya at agad na tinanggal yung mga tali gamit ang isang pocket knife mula sa mga paa niya hanggang sa mga kamay niya. The girl looked at her. "Don't worry. I'm a friend and I'm here to help."

"Nakita mo ba si Jimin?" tanong niya. Kumunot yung noo ni Bea na nagtataka kung bakit niya kilala si Jimin but they had no time to argue that. They had to find Jimin and Miho.

"No." sagot ni Bea. "Di ko na alam kung saan sila dinala ni Jeon."

Tinignan siya nung babae, si Jennie, na nagtataka. "Jeon?"

"Basta. I'll explain it to you later. We have to find them." 

"Alright." sagot ni Jennie. "Jean told me na andito lang si Jimin sa building na ito."

Lumingon si Bea sa kanya. "Jean told you? You know her?"

Di na pinansin ni Jennie ang mga tanong niya nang pagkatingin niya sa phone niya ay 42 seconds na lang.

Sht.

Jennie began screaming. "Jimin! Asan ka na?!"

"Jimin!"

Napabuntong hininga na lang si Bea at sinabayan na lang siya. "Jimin! Miho!"

---

Sa fourth floor, sa kwarto kung saan andoon nakakulong si Jimin at Miho, ay narinig nilang dalawa ang mga sigaw nina Jennie at Bea. Nagising ang diwa nila nang marinig nila iyon. Wala ng oras. Kailangan na nilang kumilos kung hindi ay mamamatay silang apat dito.

"Tulong! Tulungan niyo po kami!" sigaw ni Jimin.

"Tulong! Andito po kami! Tulong!" sigaw din ni Miho.

Huminto naman ang pagsisigaw nila kaya nagtataka sila. Baka siguro pinapakinggan nila ang mga sigaw nila. Patuloy pa rin sila sa pagsigaw.

Tinignan ni Jimin ang timer nung bomba. 35 seconds na lang.

Sht. Hindi maaari. Kailangan nilang makaalis dito.

Nang tumuntong sa 27 segundo ang orasan ay dumating na rin sa wakas sina Bea at Jennie. Hindi sila nagdadalawang isip na lumapit sa kanila upang tanggalin ang mga tali. No need to speak. No need to think. No need to question. Well, isa lang naman ang kanilang iniisip. Ang makalabas dito.

Nang matanggal na nila lahat lahat ay saktong tumugma ang orasan sa 15 segundo. Kumaripas sila ng takbo papalabas at pababa ng floor na yun. Nang pababa na sana sila sa second floor ay biglang natapilok si Jennie at dahil dun ay hindi siya makatayo sa sobrang sakit.

10.

"Jennie!" tawag ni Jimin sa kanya nang makita niya itong nakadapa sa sahig malapit sa hagdanan. Lalapit na sana si Jimin sa kanya ngunit pinigilan siya ni Bea at ganun din si Jennie na nakataas na ngayon ang kanyang kaliwang kamay.

9.

"Jimin, you have to go. Just leave me here." sabi ni Jennie habang namimilipit sa sakit.

Napaiyak naman si Jimin. "Hindi! Jennie!"

8.

Nagpupumiglas pa rin si Jimin sa mga hawak nina Miho at Bea. Nagsalita si Bea. "Jimin, kailangan na nating makaalis dito! Wala na tayong oras."

"Jimin, umalis ka na!" sambit ni Jennie. "Please... nagmamakaawa ako."

7.

"Halika na, Jimin." sabi ni Bea. Nilingon ulit ni Jimin si Jennie at naiiyak na tumakas at iwan siya.

6.

Nang wala na ang tatlo sa mga paningin ni Jennie ay siya ring pagtulo ng mga luha nito. Siguro oras na niya. Siguro ito na ang panahon para pagbayaran niya ang mga kasalanan na nagawa ng kapatid niya 12 taon na ang nakalipas. Siguro andito si Jungkook upang maningil sa mga kasalanang nagawa ng bunso niyang kapatid na si Youngbin.

12 years ago, noong nasa Busan pa lang sila ay black sheep na talaga ng pamilyang Kim si Youngbin, ang nakababatang kapatid ni Jennie. Kung gaano kabait ang kanyang panganay na kapatid na si Hyungsik ay kabaliktaran naman sa kanya. Si Jennie ay katulad lang din ni Hyungsik. Si Youngbin ay sadyang spoiled at kulang sa pansin sapagkat laging busy ang kanyang mga magulang.

Naging isa siya sa mga bully sa paaralan niya dati. Noong 1st grade ng middle school ay nakilala niya si Jeon Jungkook. Tahimik lang ito at sobrang mahiyain ngunit determinado naman itong matuto kaya magaganda ang kanyang mga grado noon. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sobrang selos ni Youngbin dito.

Second quarter na noon nang magsimulang bully-hin ni Youngbin si Jungkook. Hinahayaan lang naman niya itong gawin ito sa kanya ngunit habang tumatagal kay nagiging marahas na si Youngbin. Pisikal na niya itong binubully. Sinusuntok. Tinatadyakan. At kung ano-ano pa.

Graduating na sila noon ng middle school nang matuto si Jungkook lumaban. Sa mga pambubully nila ay na-trigger ang sociopathic behavior nito. Kaya noong huling trato ni Youngbin kay Jungkook ay doon na nagkaroon ng lakas na loob na labanan ito sa pamamagitan ng paghampas nito ng malaking bato sa ulo at pinupukpok pa. Natakot ang mga kasama ni Youngbin kaya kumaripas ito ng takbo at isinumbong sa homeroom teacher nila.

Kilala ang pamilyang Jeon sa lugar nila dahil sa kayamanang angkin nila kaya noong panahong nangyari iyon ay binayaran nila sila na huwag ng ipagkalat pa kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Youngbin. Hindi rin masisisi ng magulang niya si Jungkook sapagkat alam nilang nagkamali sila sa pagpapalaki kay Youngbin kaya mas pinili na lang nila na manahimik. Isa lang naman ang hindi matahimik. Si Jennie.

Hanggang ngayon, malaki pa rin ang galit ni Jennie kay Jungkook. At ngayo'y nagkita na sila ulit ay nangangati na siyang ipakulong si Jungkook ngunit sa sitwasyon niya ngayon ay hindi na niya magagawa. Ngayon din niya narealize na siguro ito na yung karma na dapat pagbayaran ni Youngbin. Oo, nawala siya pero hindi ibig sabihin nun ay mababayaran na niya ang kanyang mga kasalanan niya. Kasi hanggang ngayon, ganito pa rin si Jungkook.

5.

"Eto nga siguro ang panahon." sambit ni Jennie sa kanyang sarili.

Sa kabilang banda ay nakalabas na sina Jimin, Miho, at Bea sa building na iyon.

4.

Nilingon ulit ni Jimin ang building. Patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. 'Jennie, patawarin mo ako. Patawarin mo ko.'

Pilit na tumayo si Jennie at nagsimula nang maglakad pababa ng hagdan. Alam niyang wala na siyang oras. Ilang segundo ay sasabog na ang bomba. Naisip niya si Jimin. Wala namang mahalagang nangyari sa kanila ni Jimin sapagkat ilang araw lang sila nagkasama. Pero siguro si Jimin yung naging daan para bumalik sa nakaraan. Nakaraang hindi pwedeng ibaon na lang sa limot. Kaya nagpapasalamat pa rin si Jennie sa kanya.

3.

'Salamat Jimin. Kahit ilang araw lang tayong nagkakilala ay nakaramdam ulit ako ng kasiyahan. Yung feeling na may kapatid ka. Ikaw yung nagpapagaan ng loob sa akin. Ang sarap mong kasama to be honest. Makakasama ko na ulit si Youngbin. Ma. Pa. Salamat rin. Hyungsik oppa. Thank you.'

2.

Nakalayo na sila Jimin, Miho at Bea sa building. Sakto ring dumating na yung mga pulis na kukuha sa kanila. Bumaba yung window sa front seat ng police car at ni-gesture sila nung pulis na babae na sumakay na.

"Pumasok na kayo." sambit niya.

1.

Lahat sila ay nagulat nang makarinig sila ng malaking pagsabog sa likuran nila kaya napalingon silang lahat. Patuloy na umagos ang mga luha ni Jimin at napaluhod siya habang kaharap niya ang sumabog na building at sumigaw.

"Hindi! Jennie!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Okay lame. xD So pagpasensyahan niyo na na ngayon lang nakapag update ulit. Naging tamad at biglang nabusy si otor. Ngayon sana last update ko sa chapter na ito para matapos na to bago pasukan (bukas na pasukan namin aaaaaaaa) pero eto mag-a-update pa HAHAHAHAHA pero oks lang hihi. Malapit na rin magtapos aaaaaaaaaaaa.

Pinagpaplanuhan ko na yung next book ko. Please support niyo oki. Oki labyu ol.

Don't forget to vote, comment, and share my storyyyy~ Kamsaranghandaaaaa

~Author Angel-nim


Continue Reading

You'll Also Like

3K 659 139
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
15.8K 869 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
46.6K 769 28
Ang ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...