So You're A Gangster, That's...

By Alesana_Marie

477K 14.1K 4K

More

So You're A Gangster, That's Nice [One Shot]

477K 14.1K 4K
By Alesana_Marie

So You're A Gangster, That's Nice

A One Shot Story written by Alesana Marie

***~@#@~***##***~@#@~***

"You're mine.."

Ang sabi ng gwapong estranghero sa harap ko.

Palagi ko nalang syang nakikita sa mga panaginip ko.

At katulad ng iba kong panaginip, matapos nyang sabihin ang mga katagang yon, magigising na ako.

Umupo ako sa kama at napatingin sa labas, umuulan.

Napanaginipan ko na naman sya.

Ilang gabi ko na syang napapanaginipan. Kailan kaya kami magkikita?

Alam ko na totoo sya. Ilang beses ko na syang sinubukan na hanapin.

Pero hindi ko sya makita. Kahit sa school, wala sya.

Nakapagtataka dahil uniform ng school na pinapasukan ko ang suot nya.

Siguro nga pa hindi ito ang tamang panahon para magkita kami.

Naghanda na ako para sa pagpasok ko. 

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako papunta sa kusina para kumain.

Mag-isa lang ako na nakatira sa malaking bahay na ito. Ang totoo, ulila na ako at lumaki ako sa isang bahay ampunan di kalayuan sa tinitirahan ko. Nang mag-18 na ako, umalis na ako sa ampunan.

Hindi naging problema para sa akin ang pera. Kahit eighteen years old pa lang ako, hindi ko naging problema ang pera. Hindi dahil pinamanahan ako ng malaking halaga ng mga namayapa kong mga magulang kundi dahil sa kakayahan ko na makita ang hinaharap.

Madali lang sa akin ang malaman kung ano ang lalabas na numero sa lotto o ang resulta sa kahit na ano'ng pustahan.

Isang regalo na ipinamana sa akin ng mga magulang ko. Dahil sa kakayanan nilang 'yon kaya sila namatay.

Kapag nakita ng isang katulad ko ang hinaharap, hindi ibig sabihin ay kaya ko na itong baguhin. Katulad ng mga magulang ko. Nakita nila kung ano ang kahihinatnan nila, alam nilang mamamatay na sila kaya naman ibinigay nila ako sa kaibigan nilang madre na nagpapalakad sa isang ampunan. Limang taon ako ng mga panahon na yon.

Nang iwan nila ako sa ampunan, hindi ko na sila nakita pang muli.

Kaya naman naging maingat ako sa pag-gamit ko sa kakayanan kong makita ang hinaharap. Isa 'yong leksyon, magtago at makihalo sa mga normal na tao.

St. Charles Academy.

Pangalan ng school na pinapasukan ko.

Isa itong magandang eskwelahan na para sa mga nasa high society. Ang totoo pangarap ko talaga na makapasok dito simula palang nang makita ko sya sa mga panaginip ko.

Nang makita ko ang uniporme nya, pinilit ko na pumasok sa school na 'to.

Hindi ko alam kung bakit ko sya hinahabol, kung bakit ko sya gustong makita.

Nung una, curious lang ako na makita sya.

Pero nang tumagal ang mga panaginip ko, napansin ko na nahulog na pala ako sa kanya.

Matangkad syang lalaki, sa tingin ko hanggang balikat nya lang ako. Maganda ang tindig nya at kung pano nya dalhin ang uniporme namin. May mukha sya na sa tingin ko ay hindi sanay sa pag-ngiti. Isang bagay na nalaman ko sa kanya, hindi sya isang pala ngiting tao.

Pagpasok ko sa loob ng classroom ko dumiretso na agad ako sa pinakadulong upuan.

As usual, walang kumakausap sa akin. Hindi kasi ako pala-imik sa klase. Magsasalita lang ako kapag tinatanong pero bukod don wala na.

Mas pinili ko na maging ganito, mas maingat.

"Hey girls! Nandito na sila!!!"

"Whaaaat?! Kyaaaah!!"

Nagtakbuhan palabas ng classroom ang mga kaklase kong babae.

Ngayon darating ang mga transfered students.

Sa pagkakaalam ko, anim silang puro lalaki.

Tumayo ako at lumabas. Gusto ko rin silang makita, baka isa sa kanila ang hinahanap ko.

Lahat ng nasa hallway puro babae, kakaunti ang mga lalaki.

"Galing sila sa Pendleton High alam nyo ba?"

"Yes I know!"

"Yung school na puro delinquents?!"

"Oo yun nga! Isa yung private school para sa mga boys."

"Pero bakit daw sila lumipat dito?"

"Well I heard na since umalis ang Lucky 13 sa school na 'yon, marami na ang naghari-harian na grupo sa school nila. Kaya nagkakagulo sa school na 'yon ngayon. Kaya siguro sila lumipat."

"Gosh! Red is so hot! Naaalala ko nang una ko syang makita, nakakatunaw ang tingin nya!"

"Mas gwapo si Jack!"

"Si Kyo ang type ko!"

"Ano na nga pala ang nangyari sa leader ng group na 'yon? Bigla akong nawalan ng balita about him!"

"I dunno!"

"Hey look! Ayan na sila!"

"KYAAAAAAAAAAAAAAAHHH~!!!"

Napatakip ako ng tenga habang naka-tip toe na tumitingin sa direksyon kung saan nakatingin ang lahat.

Anim silang mga lalaki na naglalakad sa gitna ng hallway.

Sa pagkakasuot nila ng uniform ng school, nagmukhang basang sisiw ang mga lalaki sa school na 'to. Magaling silang magdala ng damit.

Naglalakad sila na parang hindi sila naaapektuhan ng tilian sa paligid. Yung ibang babae, literal na nakanganga.

Nang medyo malapit na sila, tinignan ko isa-isa ang mga mukha nila. 

Lahat sila nag-aangkin ng gwapong mukha. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong klase ng mga lalaki.

Kahit na magaganda ang mukha nila, hindi nababawasan ang dating nila bilang lalaki. Hindi sila katulad ng lalaki sa school na 'to na sa sobrang ganda ng mukha ay nagiging babae na sa tingin ko.

Nang nasa harap ko na sila biglang lumingon sa akin ang isa sa kanila. Ang lalaking may blonde na buhok.

*lub.dub.lub.dub*

Napahawak ako sa dibdib ko. 

"Kyyaaa! Tinignan ako ni Ljoe! KYAAAA~! Kill me now!! Kinikilig ako!"

Napatingin ako sa babae sa harap ko. 

Siguro nga sya yung tinignan nung lalaki. Ljoe. Ang talas ng mga mata nya.

Umalis na ako sa hallway at bumalik sa classroom.

Wala sa kanila ang hinahanap ko.

***

BAAM!!

Nagulat ako sa tunog ng katabi kong locker.

"Shit!"

Napatingin ako sa blonde na lalaking sumipa sa locker nya. Yung transfer student. Si Ljoe.

Locker number 88. Ang locker na sira. Isang semester kong ginamit ang locker na yon. Sira ang handle non kaya mahirap buksan. Mabuti na nga lang may mga gumraduate kaya nakakuha ako ng ibang locker.

"Itulak mo muna, kabigin pakaliwa tsaka mo buksan," sabi ko habang inilalagay ang iba kong gamit sa locker ko.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo," mukhang sa akin nya nabunton ang galit nya sa locker nya.

Kaya ayokong nakikialam. Pero nung unang beses kong gamitin ang locker na yon, walang tumulong sa akin kaya nahirapan ako. Mabuti nalang naging matyaga ako. 

"Malas," bulong nya habang tinititigan nang masama ang locker nya.

Bumuntong hininga ako at isinara ko ang locker ko. Kawawa naman. 

Lumapit ako sa locker nya, binuksan ko.

Humarap ako sa kanya pagkatapos. 

"Sa susunod alam mo na ang gagawin mo"

"Hindi ako magpapasalamat sa'yo. Bakit mo binuksan? Magpapalit na ako ng locker," tinabig nya ako at nilagay ang mga gamit nya sa locker "At hindi rin ako interesado sa mga babaeng mahilig makialam kaya kung umaasa ka na-"

"Hwag kang mag-alala, may boyfriend na ako," singit ko sa kanya 

"Hindi yan naging hadlang para sa mga babaeng humahabol sa akin," ngisi nya.

"Hindi ako katulad ng ibang babae"

"Ano naman ang ipinagkaiba nyo? Iisa lang ang takbo ng pag-iisip nyong mga babae."

"Hindi nalang ako makikipagtalo sa'yo since hindi naman kita kilala," tumalikod na ako umalis.

May ilang tao talaga na kahit tulungan mo, iinsultuhin ka parin.

***

Nagdaan ang ilang araw, hindi ko na ulit naka-usap ang lalaking may 

dilaw na buhok. Minsan nakikita ko sya sa locker na parang may hinihintay, pero sa tuwing darating ako umaalis sya.

Galit ba sya sa'kin?

Siguro na-weirduhan sya sa'kin o baka naman narinig nya ang mga usapan ng ibang estudyante tungkol sa'kin.

Ang akala ko lilipat na sya ng locker, siguro naubusan sya ng pwedeng lipatan kaya nagtya-tyaga sya sa sirang locker nya.

***

Sabado, kailangan kong magtrabaho ngayon. 

Nagta-trabaho ako sa isang dessert shop. Ang Sweety's Sweets House kung saan co-owner ako at assistant manager ni Ate sweety. 

Ngayong araw wala si Ate Sweety dahil sa pag-aasikaso nya sa kasal nya. Kaya naman ako muna ang kailangan mag-overtime ngayon. Kailangan kong manatili hanggang closing time para maayos ang tally.

"Bye Ma'am"

"Una na po kami"

"Ingat po Ma'am"

Tumango ako sa kanila.

Pumatak na ang alas nuebe, nag-close na ang shop.

Matagal bago ko naayos ang records ng kinita ng shop ngayon. Gumawa na rin ako para sa deposit slips bukas. Araw-araw kailangan i-deposit ang kinita ng shop sa joint account namin ni Ate Sweety.

10:00pm na pagtingin ko sa relo ko.

In-off ko na ang laptop ko. Sinigurado ko rin na naka-lock sa safe box ang pera.

Tumayo na ako at pinatay ang mga ilaw, lumabas ako at ni-lock ang pinto.

Hindi naman malayo dito ang bahay ko. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho.

*BAAM!!BLAAG!!*

May mga lalaking nagtatakbuhan.

May away!

Lumingon sa sasakyan ko ang isa sa kanila. At dahil sa ilaw ng kotse ko nakita ko ang mukha nya.

Ang lalaking may pamilyar na dilaw na buhok.

Si Ljoe.

Nagulat sya nang makita ako.

"Ljoe! Sakay na!" tawag sa kanya ng isang lalaki sa motorsiklo.

Hinahabol sila ng ilang mga lalaki. Nagsisigawan.

Ano'ng nangyayari?

***

Pagsapit ng monday, paglapit ko sa locker ko hindi ko sya nakita. Imbes na si Ljoe ang makita ko, nakita ko ang isa pa sa mga transfer students.

Namukhaan ko sya. Sya yung lalaking nakasakay sa pulang motorsiklo nung sabado ng gabi.

Isang napansin ko sa kanya, ang weird ng hairstyle nya. Kulay puti sa gilid at blonde sa gita. Lahat ba sila may weird na taste?

Kung sabagay, galing sila sa Pendleton High, kung saan sanay sila na walang rules na sinusunod.

"Hi," bati nya sakin nang buksan ko ang locker ko

Tinignan ko sya. Ako ba ang kinakausap nya?

Sa'kin nga sya nakatingin.

"Nagkita tayo nung isang gabi, natatandaan mo?" tanong nya

Pinagmamasdan nya ako na parang iniinspeksyon nya ako.

"I'm CAP," pakilala nya

Napatingin ako sa paligid nang maramdaman ang tingin sa akin ng ibang mga estudyante. Hindi ito maganda para sa'kin. Unti-unti na nila akong napapansin.

Hindi ko nalang pinansin si CAP. Ang weird ng pangalan nya. For short ba yon para sa totoo nyang pangalan?

Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko mula sa locker ko. Kailangan ko nang umalis dito.

"Alam mo sa tingin ko kapag may nagpakilala sa'yo, kailangan mo ring magpakilala sa kanila," sabi nya.

Hindi ko sya pinansin at nagmamadali akong umalis.

Sana lang hwag kumalat ang balita tungkol sa pakikipag-usap sa'kin ng isa sa mga new students.

***

P.E.

Ang subject kung saan wala kaming masyadong ginagawa. Napag-alaman ko na karamihan sa mga estudyante sa school na to ay mas nanaisin maglabas ng IPad kaysa mag-exercise. 

Nasa gym kami, nakaupo sa bleachers samantalang ang mga lalaki ay naglalaro ng basketball. Ginagawa lang nila yon para magpa-impress.

Hindi ako nag-rereklamo. Ayoko rin ng PE. Hindi ako magaling sa sports. Madalas, tinatamaan ako ng bola. Kahit malayo pa yon o malapit, sa tingin ko habulin lang talaga ako ng mga bola. O baka, hindi lang ako nakikita ng mga naglalaro dahil para sa kanila, hindi ako nag-eexist.

Biglang bumukas ang double doors at pumasok ang anim na lalaki na nakasuot ng basketball uniformm

"KYAAAAAAAAAAAA~!"

"Andito na sila!"

"CHUNJI!! LJOE!! NIEL!!! RICKY!! CAP!! CHANGJO!! ANG HOT NYO!!!"

"RICKY!!! PLEASE BE MINE!!"

"KYAAAA CHUNNIE IS THE BEST!!"

"Shucks! Ang hot nila!!"

"KYAAAAAA~ Number 88 marry me!!" sigaw ng nasa unahan ko.

Napatingin sa amin ang lalaking may number 88. Hindi pala, sa AKIN sya napatingin.

Si Ljoe.

Akala kaya nya ako ang sumigaw? Hwag naman sana.

***

Uwian.

Dadaan na naman ako sa locker ko para iwan ang iba kong gamit. Ayokong dalhin ito sa bahay para lang dalhin ulit kinabukasan.

Pero natatakot na akong pumunta sa locker. 

Hihintayin ko nalang siguro na makauwi na lahat ng estudyante.

Nagtago muna ako sa library. Magbabasa nalang siguro muna ako ng libro.

Naging mabilis ang oras, alas sais y medya na ng lumabas ako sa library. Mabuti nalang at may meeting ang mga faculty at late uuwi kaya hindi ako na-lock sa loob.

Pumunta na ako sa locker ko.

Napatigil nalang ako nang makita ko sya.

Nakaupo sya sa sahig at nakasandal sa locker nya.

Ano'ng ginagawa nya dito? Hindi pa ba sya uuwi?

Katulad ng ibang nagdaan na araw para syang may hinihintay.

Bakit kaya sya naghihintay sa locker? Wala ba silang ibang pwedeng gaawin na hintayan?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nakita nya akong palapit kaya agad syang tumayo at inayos ang damit.

"Saan ka galing?"

Nagulat ako sa tanong nya. Pero mas nagulat ako dahil kinakausap nya ako. Akala ko ba ayaw nya sakin? Palagi nga syang umaalis kapag nakikita nya ako.

Hindi ko sya pinansin.

Binuksan ko ang locker ko, agad naman nya tong isinara.

"Saan ka galing?" ulit nya

Kung tignan nya ako parang may napakalaki kong kasalanan sa kanya. Bakit ba? Ano'ng bang nagawa ko? 

"Sa library.." sagot ko

Binuksan ko na ulit yung locker ko at inilagay ang mga gamit ko.

"Sigurado kang sa library ka galing?" usisa nya

Hindi ko alam kung ano'ng meron at tinatanong nya ako. 

"Oo nga sabi," mahina kong sagot.

"Ano'ng ginawa mo sa library?"

"Nagbasa..?"

"Sigurado ka? Nagbasa ka lang? Sino ang kasama mo? Lalaki? Sino? Ano'ng section nya?"

Isinara ko ang locker ko.

"Hindi ako interesado na makipagdate," sagot ko

Tinitigan nya ako.

"Akala ko ba may boyfriend ka?"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sinabi ko lang yon para matapos ang usapan. Okay na? Wala ka ng tanong? Pwede na akong umuwi?"

"May isa pa akong tanong," lumapit sya sa akin "Ano'ng pangalan mo?"

"Bakit ba gusto nyong malaman ang pangalan ko?" buntong hininga ko

"Nyo? May iba pang nagtanong sa'yo bukod sa'kin? Sino?"

Ang dami nyang tanong. Bumuntong hininga ako.

"Yung kasama mo nung sabado ng gabi," sabi ko

Natahimik sya. 

"So you're a gangster.." tinignan ko sya "that's nice" naglakad na ako palayo.

Sana naman hwag na syang mangulit.

***

Hindi ko na napapanaginipan pa ang lalaking hinahanap ko. Napalitan na sya ng isang makulit na lalaking may dilaw na buhok. Paulit-ulit syang nagtatanong. Paulit ulit nyang tinatanong ang pangalan ko.

Hindi na ako nakatulog pagkatapos kong magising ng 3:00AM. 

Malakas ang ulan sa labas.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina.

Nakakita ako ng mangga sa lamesa kung saan kasama ang iba pang prutas. Dilaw. Naalala ko na naman sya.

Si Ljoe. 

Hindi ko alam na hanggang panaginip ay susundan nya ako.

Bakit ba nya tinatanong sakin kung ano ang pangalan ko?

Hmm...

***

Locker. 

Bago ako pumunta sa locker area nagdasal muna ako na sana hindi sya maaga pumasok. Pinili ko talagang pumasok nang maaga para lang makaiwas sa kanya.

Siguro naman ang isang delinquent na katulad nya ay late kung pumasok.

Pero bakit ba ako nag-aassume na nandon lang sya para kulitin ako?

Hindi naman siguro sya pumupunta don para sa isang katulad ko. Tama. 

Mabilis akong pumunta sa locker area.

At may dalawang tao don.

Ang isa ay si Ljoe at ang isa ay kaibigan nya. Sya ang pinaka-palangiti sa grupo. Sa tingin ko, sya ang pinaka-pala-kaibigan.

Binuksan ko ang locker ko para kumuha ng gamit.

Nang isinara ko na, nagulat ako dahil nakangiti sa akin yung kaibigan ni Ljoe.

"Hi ako si Niel, classmate kita sa Foreign Language," nakangiti nyang pakilala.

Hindi sya katulad ni Ljoe o ni CAP na hindi ngumingiti. 

"Oo, natatandaan kita," sagot ko sa kanya.

*BAM!*

Malakas na sumara ang locker sa likod ko. Pagtingin ko, mukhang hindi maganda ang mood ni Ljoe.

"Wow! Natatandaan mo ako!" malapad na ngiti na sabi nya

Mukha syang tuwang tuwa, kumikinang ang mga mata nya. Naalala ko ang mga bata sa ampunan, ganon ang mga mata nila sa tuwing nakikita ako. Kaya alam ko na, masaya nga si Niel ngayon. Kung bakit, hindi ko alam.

"Sorry ha? Ang totoo nyan, alam ko na halos lahat ng pangalan ng mga kaklase ko yung sa'yo lang ang hindi. Hindi ka kasi tinatawag ng prof o ng mga kaklase natin," naka-pout na sabi nya "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Napakurap-kurap ako. Mukha syang puppy.

"Juniel," bigla kong sagot na ikinabigla ko.

"Juniel? Ang gandang pangalan! Kung ganon nice to meet you Juniel!" hinawakan nya ang kamay ko at nakipag-shakehands "Pareho tayo, Daniel ako at ikaw Juniel! Nakakatuwa!"

"Niel" tawag ni Ljoe

Binitawan ni Niel ang kamay ko. 

"Uh. Sige, kita kits nalang hehe!" tumakbo na paalis si Niel at nang nasa malayo na sya lumingon sya at kumaway

Kusa naman napa-angat ang kamay ko, kumaway din ako sa kanya.

"TSK!" sabi ng nasa likod ko

Ibinaba ko ang kamay ko at napalingon kay Ljoe. Mukhang hindi sya masaya at nakatingin sya sa akin gamit ang matalas nyang tingin.

"Bakit mo sinabi ang pangalan mo sa kanya?!" nakasigaw nyang tanong

Tinitignan nya ako na parang hindi sya makapaniwala sa ginawa ko, na parang may nilabag akong batas.

"Kasi.. tinanong nya?"

"At ako hindi ko rin ba itinanong?!"

"Bakit ka ba sumisigaw?"

Mabuti nalang sobrang aga pa. Wala pang mga estudyante dito.

"Type mo ba si Niel?!"

"Huh?"

"May gusto ka ba sa kaibigan ko?" nagngingitngit nyang tanong

Kumurap kurap ako. Seryoso ba sya? Kung titignan, seryoso nga sya.

"Cute sya"

Natigilan sya. Natigilan din ako sa sagot ko. Pero cute naman talaga si Niel. Mukha syang tuta kanina. At yung buhok nya gulo-gulo, katulad ng mga bata sa ampunan.

"Pakiulit ng sinabi mo," utos ni Ljoe sa mababang boses

"Cute si Niel"

"CUTE?!!! CUTE?!!!" tumalikod sya sakin "Unbelievable.." bulong nya

Mukha syang frustrated.

"Cute naman talaga sya eh," bulong ko

Tinignan nya ako ng masama. Napatahimik ako. 

"Pano ako?"

"Huh?"

"Ano'ng tingin mo sakin?" inilapit nya ang mukha nya 

"Uhh.." tinignan ko sya "Weirdo?"

"WEIRDO?!!"

"Ssh! Hwag kang sumigaw!"

"Si Niel sinabihan mo ng cute at ang nakuha ko mula sa'yo, weirdo?"

"Kulay yellow ang buhok mo, ang tingkad! Mukha kang krayola."

Napatakip ako sa bibig ko.

Nilait ko sya.

Patay.

Mas lalo nya akong hindi titigilan.

***

Martes.

Isang linggo ang nakalipas, hindi ko na ulit nakausap pa si Ljoe o kung sino man sa mga kaibigan nya.

Nagpapasalamat ako sa mga nangyayari pero..

Parang palagi nalang may kulang sa araw ko.

Naglalakad ako para sa grocery shopping. Wala akong pasok ngayong araw dahil free day ng klase para sa thesis. Hindi ko dala ang kotse ko ngayon since coding.

Ang payapa ng araw ko ngayon. Sobrang tahimik.

Ganito naman talaga dapat ang buhay ko ngayon. Dapat tahimik, dapat masaya ako pero.. bakit ako nalulungkot?

Nadaanan ko ang children's park. Walang mga bata, sa tingin ko dahil yon sa naganap na kidnapping nung nakaraang bwan. Kaya wala nang pumupunta dito.

Lalagpasan ko na sana ang park nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki.

Kahit saan talaga sya pumunta, mahihirapan syang magtago sa tingkad ng kulay ng buhok nya.

Mag-isa syang nakaupo sa bench. Nakayuko. 

Kung titignan sa malayo, mukha syang malungkot.

Puntahan ko kaya?

Hindi pwede, baka kulitin nya ulit ako kapag kinausap ko sya. Mas makabubuti sa akin na makaiwas sa atensyon ng mga tao.

Marami ang nagkakagusto sa kanya, kapag lumapit ako siguradong makakakuha ako ng atensyon sa school.

Mas gusto kong panatilihin ang status ko ngayon. Invisible.

Dumiretso na ako sa grocery.

***

Malakas ang buhos ng ulan nang matapos akong mamili. Mabuti nalang at nakapagdala ako ng payong, alam ko kasing mangyayari ito.

Kahit papano, na-warningan na ako kanina sa panaginip ko.

Mas naging madalang para sa akin ang makita ang hinaharap. Hindi ko alam kung bakit, nawawala na kaya ang kakayanan ko?

Habang naglalakad napatingin ulit ako sa park.

Automatic nalang akong napatingin sa kinauupuan nya.

"Bakit nandon parin sya?" tanong ko sa sarili ko nang makita parin sya don

Nakaupo lang sya, nakayuko at walang pakialam kahit na nababasa na sya  ng ulan.

Mabilis akong tumawid sa kalsada at lumapit sa kanya.

Pinayungan ko sya.

Agad syang napatingin sa akin.

"Ano ba?! Gusto mo bang magkasakit? Kayong mga lalaki, kung umasta kayo parang ang lakas lakas nyo! Nagkakasakit din kayo no!"

Tumayo sya at inayos ang hawak ko sa payong, inilipat nya sakin.

"Dumating ka," sabi nya.

Mukhang hindi nya ine-expect.

"Y-Yung buhok mo.." bulong ko

Namilog ang mga mata ko.

"Tama ka, weirdo nga ako. Ang buhok ko kapag nababasa ng ulan, nagiging brown."

Brown. Kulay Golden Brown.

"Ikaw..sya.."

Sa unang pagkakataon, lumiwanag ang mukha nya at ngumiti sya.

Bumilis ang pintig ng puso ko.

"Akala ko sa panaginip lang kita makikita," sabi nya

Nagtaka ako. Panaginip.

"Mahirap paniwalaan, pero alam ko," hinawakan nya ang pisngi ko "Para ka sa'kin"

Nabitawan ko ang payong na hawak ko. Ito ang nasa panaginip ko. 

Bakit hindi ko napansin agad? Matagal na pala syang dumating sa buhay ko. Ang lalaking hinanap ko nang matagal.

Hindi ko man lang sya napansin. 

"Alam ko, naghintay din ako."

Napuno ng saya ang puso ko nang sa wakas ay masabi nya ang dalawang salita na kukumpleto sakin.

"You're mine"

***~@#@~***##***~@#@~***


Author's Note

Si Ljoe ng TeenTop at Juniel. Hohoho! Anyway, One Shot lang to so, walang kasunod. I like gangster theme, if that's not obvious. LOL. So what cha think eh? Naisip ko lang 'to bigla. Haha! Vote. Comment. Become a Fan. --->

If you like gangster themes, check out my profile. Nasa BIO ko ang Talk Back Series ayon sa pagkakasunod-sunod ng libro.

Danke.

XOXO
Alesana Marie

Continue Reading

You'll Also Like

118K 5.5K 11
Ito ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'. At ni Chance, ang pinakamalaking punyeta sa buhay niya.
141K 2.4K 30
Can love always win? How love conquer everything? Will you conquer everything to prove your love?
197K 6.4K 35
Fright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa li...
147K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?