How To Win The Bachelor's Hea...

By CengCrdva

4.7M 118K 16.5K

Skyrene del Rio, a poor girl determined to lift her family out of poverty to raise and support her four young... More

How To Win The Bachelor's Heart
SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EZAV 1
EZAV 2
EZAV 3
EZAV 4
EZAV - FINALE
Author's Note

CHAPTER 8

84.1K 2K 66
By CengCrdva

Chapter Eight

Splurge


"Childhood acute lymphoblastic leukemia."

"Childhood what, Doc?!" hiyaw ni Valerie na nagpapitlag sa akin.

"Doc..."

Malungkot ang mga mata niyang nagpalipat-lipat sa amin ni Valerie. "We are not done yet, but her symptoms...iyon lang ang tanging nakikita kong dahilan sa mga nangyayari ngayon kay Cassiopeia. Though we need to run more tests, sa ngayon ay gusto kong maging handa na kayo."

"Doc, please, ipaliwanag mo pa."

Humugot siya ng isang malalim na paghinga at tumango bago ipagsalikop ang kanyang mga kamay sa aming harapan. "It's basically a cancer of the blood and bone marrow."

"Oh my God..." Napaiyak na ako sa narinig.

Mabilis naman ang pagyakap sa akin ni Valerie habang nagpapatuloy ang doctor sa pagpapaliwanag ng kondisyon ng kapatid ko.

Sa lahat ng sinabi niya ay wala nang gustong pumasok sa utak ko at tanging ang salitang 'cancer' na lang ang tumatak.

Mugto ang mga mata ko matapos ang pag-uusap, kaya naman hindi na ako dumiretso sa kwarto ni Cassy. Sinabi ko na lang kay Valerie na sabihing bumalik na ako sa school para mag-take ng exam kahit na ang totoo ay narito lang ako sa maliit na chapel ng hospital.

Ilang oras na akong nakatulala sa harapang krus habang hinahayaan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.

Buong buhay ko akala ko pang-mayaman lang ang sakit na cancer pero bakit? Bakit sa amin pa? Bakit kay Cassy pa kung pwede namang sa akin na lang? Ganito ba ako kasama para mapiling paglaruan ng tadhana? Oo nga at matapang ako, pero saan naman ako kukuha ng perang pangdugtong sa buhay ng kapatid ko na ni pagkain nga namin tatlong beses sa isang araw ay hirap na ako?

"You're being unfair..." may bahid ng pait kong bigkas habang nakatingala sa krus na nasa harapan.

Sa krus kung saan nagdarasal ang mga taong kasama ko sa maliit na chapel na 'yon.

"Do you really want to take one of them from me? Bakit? May nagawa ba akong masama na walang kapatawaran? Bakit sa batang kapatid ko pa? Bakit ang tindi mo namang mamili? She's just a child for fuck's sake..." Nanginig muli ang balikat at labi ko.

Buong-tapang kong pinunasan ang mga luha ko at tumitig doon. 

"Bakit ganito ka magpasakit? Bakit sa amin pa ngayong alam mo namang wala kaming pera? Why don't you give it to people who can afford it? Hindi pa ba sapat na mawalan ng mga responsableng magulang at mga taong minamahal? Hindi pa ba sapat 'yon para tigilan mo ako? Bakit ngayon si Cassy naman? Anong nagawa ko?"

Bumuhos ang mga luha ko at wala nang nagawa kung hindi ang mapahagulgol na lang.

Nang gabing 'yon ay hindi na ako bumalik sa hospital. Si Nana Mauricia ang naboluntaryong magbantay kay Cassy samantalang si Ramiel naman ang namamahala sa computer shop.

Rigel is taking care of Zuben. Ako naman ay nagpatuloy sa club kahit na dapat ay unahin ko ang pagre-review. Hindi pa sana ako papasok kinabukasan kung hindi lang dahil kay Valerie na siyang bumuo ng oras ko sa pagta-trabaho nang sa gayon ay makapag-aral pa ako.

Labag man sa loob ko ay wala na akong nagawa kung hindi ang sundin si Valerie. Tatapusin ko muna ang exam bago ko isipin kung paano ko haharapin ang dagok na ito sa aming buhay.

Hindi ko alam kung tama ang mga isinagot ko sa exam pero kumpiyansa akong makakapasa naman ako.

"Sky!"

Tamad kong nilingon ang tumawag sa akin. Nakita ko si Ylona na kasama si Yael.

"Hi," Yael greets.

"Uuwi ka na ba? Yayayain ka sana naming kumain kung okay lang sa 'yo!" masaya niyang anyaya sa akin.

Dahan-dahan akong umiling. "Hindi na. Salamat na lang ha. Pupunta pa kasi ako sa hospital."

"Ha? Naroon pa rin ang kapatid mo?"

Tumango-tango ako.

Pinantayan nilang dalawa ang lakad ko.

"Bakit? I mean, hindi sa nangingialam ako, ha. Ano bang nangyari? Naaksidente ba? Trangkaso? Hika?"

Parang gusto kong matawa sa mga sinabi niya. Sa rami nga naman ng pwedeng ibigay sa kapatid ko, bakit cancer pa, 'di ba? He can choose from A to Z, pero C pa talaga ang napili niya.

I swallow the lump in my throat. Kahapon kinumpirma sa akin ni Nana na iyon nga ang sakit ng kapatid ko at kailangan nito ng agarang treatment para kontrahin ang sakit.

"Uy!"

I jump a bit at that, startled. "H-ha? Ano nga 'yon?"

"Tanong ko kung ano bang sakit?"

Pinagdiin ko ang labi ko bago siya sagutin. "Cancer."

Hindi ako huminto sa paglalakad kahit na naiwan ko na ang dalawang natigil dahil sa matinding pagkabigla.

"Sky, ano?" habol ni Yael sa akin.

"Leukemia." Nginitian ko siya na parang wala lang sa akin iyon kahit na ang totoo ay malaking dagok iyon sa akin.

"Oh my God, Sky! Seryoso ka?"

Tumango na lang ako sa tanong ni Ylona. Kung pupwede nga lang gawing biro 'yon, sana biro na lang kahit na hindi magandang pakinggan.

"Sorry kung hindi ako makakasama. Sana maintindihan n'yo. Sige, mauna na ako."

Binilisan ko ang hakbang ko nang paliko na ako palabas ng building kung saan ang huling exam namin ngayong araw.

Mabuti na lang at hindi na nila ako sinundan. Mukhang gulantang pa rin kasi sila sa sinabi ko.

"So...papayag ka na ba?" tanong ni Mikaela kinagabihan nang mapag-isa kami sa dressing room.

Katatapos lang ng pagtatrabaho namin sa VIP at ngayon nga ay nag-aayos na para sa pag-uwi.

"Hindi," tipid kong sagot kahit na alam ko sa sarili kong wala na akong iba pang choice kung hindi ang kausapin si Nixon tungkol sa trabahong kapalit ni Grace.

"Sky, kailangan mo ng malaking pera para sa pagpapagamot ni Cassy. Oo nga at hindi pa rin naman sapat ang kita sa ganito, pero malay mo naman. Makatiyamba ka kaagad ng sugar daddy na pwedeng umako sa bayarin sa hospital!"

Napangiwi ako. Inayos ko ang mga damit kong suot kanina sa aking bag.

"Paano kaya kung..."

Natigilan ako sa ginagawa nang lumipat siya sa harapan ko at pigilan ang mga kamay ko sa pagtupi ng mga damit.

"Paano kaya kung sumali ka sa Solandres? Sigurado akong aabot ng milyon-milyon ang pera mo kapag nai-bid ang virginity mo sa splurge!"

Napaangat ako ng tingin para titigan ang mga mata niya. Pakiramdam ko'y may kumislap na kung ano sa utak ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang lahat ng pinag-usapan nila Louvre noong nakaraan tungkol sa Solandres at splurge!

"Hindi naman basta-basta makakapasok do'n gaya ng sabi ni Louvre, kaya walang pag-asa."

"No, no, no! Sky, tingin mo may tatanggi sa 'yo?! E kung lalaki lang ako ikaw na ang inasawa ko e! Isa pa, malapit si Nixon sa may-ari ng Solandres na si Elvira, at alam kong kapag sinabi mo sa kanya ang plano mo, madali ka niyang matutulungan!"

Hindi ko man plano iyon pero napatango na lang ako. Ano pa nga bang choice ang pupwede kong i-consider kung nasa bingit na ng kamatayan ang kapatid ko?

"Tulala ka yata?" ani Valerie na siniko-siko pa ako.

Dahil medyo maaga ang uwi namin ngayon ay nakaabot pa kami ng jeep na bumabiyahe patungong Westside.

"Wala naman. Iniisip ko lang si Cassy tsaka yung huling exam bukas."

"Gano'n ba? Kung ako sa 'yo Sky, huwag mong masyadong isipin 'yon, okay? Magiging maayos din si Cassy. Isa pa, nandito kami ni Nana para tumulong."

Sumunod ang mga mata ko sa kamay niyang may hinalungkat sa loob ng kanyang bag. Inilabas niya ang puting sobre roon at agad na inilagay sa kamay ko.

"Val—"

"Come on! Maliit na bagay lang 'yan. Bonus ko lang 'yan doon sa VIP nung isang araw kaya tanggapin mo na. Wala rin naman akong paggagamitan at alam kong para naman kay Cassy. We're family, remember, Kaya dapat nagtutulungan."

Wala sa sariling nayakap ko na lang siya sa sobrang tuwa. Paminsan-minsan ay hindi naman talaga ako tumatanggap, pero dahil walang wala na rin ako ngayon ay wala nang magagawa ang pride ko. Kung dapat kong ibaba iyon para sa ikabubuti ni Cassy ay handa ko iyong gawin.

Lahat-lahat kaya kong gawin kahit pa ang pagkonsidera ng pagsali sa splurge.

Matapos makababa sa jeep ay naglakad na kami papasok sa makipot at masukal naming lugar.

"Oo nga pala, Val. May alam ka ba tungkol sa may-ari ng Solandres?"

Bumagal ang lakad niya dahil sa tanong ko. Sumagot lang siya nang medyo lumuwag na ang kalsadang dinaraanan namin. "I heard about her. Malapit na kaibigan ni Nixon 'yon, bakit?"

"Wala naman—"

"Don't you dare think about the splurge, Sky! Kukutusan kita."

Malungkot akong napangiti dahil doon. "Hindi naman pero kung pupwede..."

"Sky—"

"Val, may cancer ang kapatid ko. Cancer." Pinagdiinan ko ang huling salita.

"Alam ko, pero hindi naman pwedeng ibigay mo ang lahat ng mayro'n ka dahil lang sa sakit ni Cassy. Marami pang paraan! Pwede tayong manghiram kay Nixon at alam kong papayag 'yon lalo na't—"

"Val, hindi. Alam mo namang ayaw kong mabaon sa utang. Isa pa, alam kong kung magpapautang man si Nixon, hindi pa rin 'yon sapat sa gamutan ni Cassy. You see? Ilang araw pa lang siyang nasa hospital ay ilang libo na ang bill namin. Hindi ko na alam..."

"Seriously? Iyon na lang talaga ang naiisip mo?"

"Val—"

"No, Skyrene! Hindi ka sasali at tapos na ang usapang 'to. Maghahanap tayo ng ibang paraan, okay? Hindi lang 'yan ang pwede mong gawin. Marami pa!"

Imbes na makipagtalo kay Valerie ay hindi na ako kumibo. Kung makikipagtalo ako sa kanya ay kami lang ang magkakasamaan ng loob, at hindi ko yata iyon kaya lalo pa ngayong isa siya sa mga kinukuhanan ko ng lakas ng loob.

Ilang oras na akong pabaling-baling sa kama ko, pero kahit na anong gawin ko ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ilang libro lang ang binuklat ko para mag-review pero dahil okupado pa rin ng utak ko ang tungkol sa sinabi ni Mikaela ay tinigilan ko na.

Besides, ano pa nga bang magagawa ni Valerie kapag nangyari na? Oo nga at magtatampo siya kung sakali, pero hindi niya naman kailangang malaman kaagad. Maybe I can tell her after I get the money for Cassy. Pwede namang walang makaalam, 'di ba?

Isang gabi lang din iyon and that's it.

Maaga akong nagising kinabukasan gaya ng dati. Kahit na ilang minuto lang akong nakatulog ay hindi ko iyon ininda.

"Ram! Rigel, gising na!" Pupungas-pungas kong kinatok ang pintuan nilang dalawa habang pinupulot ang mga kalat sa sahig.

"Zuben..." Natigil lang ako nang mapukol ng tingin ko ang bakanteng kama ni Cassy.

Nilukob muli ang puso ko ng lungkot. Tumayo si Zuben at agad akong niyakap.

"Zuben, mag ayos ka na at baka ma-late ka..."

"Ate, magiging maayos lang ba si Cassy? Miss ko na siya, ate."

Pakiramdam ko'y piniga ang puso ko. Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya bago itinago ang lahat ng kalungkutan.

"Oo naman! Uuwi na si Cassy, ilang araw lang Zuben, kaya kung ako sa 'yo, ligpitin mo palagi yung kwarto n'yo, okay? Dapat malinis para hindi na siya ulit magkasakit."

"Okay, ate. Mamaya pag-uwi ko galing sa school maglilinis ako. Pwede ba natin siyang bisitahin?"

My emotions are so fragile. Kung hindi ko lang kinakagat ng pasimple ang pang-ibaba kong labi ay baka naiyak na ako sa harapan niya.

I smile at him.

"Sa Sabado na lang, Zuben. Kapag wala ka nang klase, pwede ka roon ng ilang oras." Lumuhod ako at hinaplos ang pisngi niyang malungkot. "Don't be sad. She's gonna be fine, I promise you."

Ngumiti siya at tumango-tango na lang sa akin. I kiss his cheek before letting him go.

Sa pagsunod ko sa kanya palabas ay nakita ko ang nakakunot-noong si Ramiel habang nakahilig sa dingding malapit sa pintuan ng kwarto ni Cassy.

"O? Tapos ka na kaagad maligo?"

He nods.

"Mag-ayos ka na Ram para makapasok na kayo—"

"Cancer, Sky. May cancer si Cassy," aniya sa boses na halata ang sobrang kalugmukan.

"Shh!" Agad ko siyang hinila palayo sa banyo kung saan naliligo si Rigel. "Ram, please? Bukod sa ating dalawa, pupwede bang huwag mo ng sabihin sa kanila kung ano talaga ang sakit ni Cassy? Zuben is too young to worry about his sister. Si Rigel, I heard he's doing good at school, at ayaw ko namang masira 'yon dahil sa nangyayari, kaya please? Can I trust you with this?"

"Pero saan tayo kukuha ng pampagamot sa kanya, huh? Ni wala nga tayong pamasahe sa jeep—"

"Mayro'n! Bibigyan ko kayo. Basta, Ramiel. Parang awa mo na, huwag muna ngayon. Ako na ang bahala, okay?"

Tumuon ang mga nangungusap niyang mata sa akin at hindi ko pa man naririnig ang sasabihin niya ay alam ko na ang gusto niyang puntohin.

"Paano kung—"

"Ram! Listen to me. Ako ang bahala, naintindihan mo ba? Ako ang gagawa ng paraan at labas ka rito. Huwag ka nang mag-isip."

bumuntong-hininga siya at tinanggal ang kamay ko sa kanyang balikat.

"Nag-aaway kayo?" Sabay kaming napalingon kay Rigel na sakto namang kalalabas lang ng banyo.

"Of course not! May ipinapaliwanag lang ako tungkol sa pakikipag-away niya sa school." Humagikhik pa ako para pagtakpan ang tensiyong namagitan sa amin ni Ramiel.

"Which one? 'Yong kahapon o noong isang araw kay Jobert?" natatawang tanong ni Rigel na nagpahinto sa akin.

Imbes na magpaliwanag sa akin si Ramiel ay nilagpasan niya lang ako at agad na pumasok pabalik sa banyo.

Muli kong tinitigan si Rigel na nagkibit lang ng balikat.

Sa huling test paper na ipinasa ko kay Mr. Javier ay parang natanggalan ako kahit paano ng pasanin.

"Mukhang nahirapan ka ngayong exam, Ms. Del Rio. What's wrong with you?"

"Hindi naman, Sir. Napuyat lang po ako sa pagre-review kaya mukhang nahirapan." Humilig ako sa lamesa niya at sinulyapan ang mga kaklase ko. "Sa totoo lang, napakadali nga, Sir, e." Tumawa na ako.

Natatawa namang umiling ang matanda bago ako itinaboy. "Fine. Now get out of my class bago ka pa senyasan ng mga 'yan para sa sagot."

Nakangiti akong tumango at lumabas doon.

Dumiretso ako sa hospital pagkatapos ng ilan pang exam na hinabol ko. Mabuti na lang ay naintindihan naman ng mga professor ko ang aking sitwasyon kaya pinagbigyan nila akong humabol sa exam.

Ang akala kong makakapagpahinga na ako pagkatapos ng exam ay hindi nangyari sa pagbalik ko sa hospital.

"There are treatment plans that we can follow. Una, pwede ang chemotherapy, radiation therapy o kaya naman ay ang stem cell transplant. But I suggest we try chemotherapy first..."

Hinawakan ni Nana Mauricia ang kamay ko habang nagpapatuloy kami sa pakikinig sa sinasabi ng doctor.

"Magkano ang gagastusin niyan, Doc?" tanong ni Nanay nang matapos ang diskusyon sa planong treatment ni Cassy.

"Well, ang isang session ng chemotherapy ay aabot simula forty thousand pesos—"

"Forty thousand pesos?!" halos sabay naming bulalas ni Nana na nagpatigil sa doctor.

Parang gusto na namang kumawala ng mga luha ko habang naiisip ang perang gagastusin para lang sa isang session ng chemotherapy. Doon pa lang ay nauupos na ako. Paano ko iyon bubunuin kung extra lang na trabaho ang mayroon ako ngayon?

Kahit yata mag-bente kuwatro oras akong trabaho ay mahihirapan na akong makabuno ng pang-isang session na gamutan!

Ilang buntong-hininga ang ginawa ko bago tuluyang mabuksan ang pinto kung nasaan ang kapatid ko. Tutal tapos na ang semester ay pinauwi ko na muna si Nana para makapagpahinga. Ako na muna ang magbabantay sa kapatid ko hanggang sa matapos ang mga huling araw ni Rigel sa eskwela.

Walang-tunog akong dinala ng mga paa ko sa kapatid kong mahimbing na natutulog. Kitang-kita ko sa mukha niya ang katatagan pero kahit na anong kumbinsi ko sa sarili ko na maging matatag ay hindi ko kaya. She's really sick.

Hindi pa man halata sa ngayon dahil hindi pa nag-uumpisa ang treatment, pero ngayon pa lang ay ako na ang nahihirapan para sa kanya.

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Cassy. Naiisip ko pa lang na mawawala ang matingkad, tuwid at itim na itim niyang buhok ay parang kakawala na naman ang mga luha ko.

My Cassy...saan ako nagkulang? Masyado bang marumi ang paligid namin kaya niya nakuha ang sakit na ito? Masyado bang walang nutrisyon ang mga pagkaing naihahain ko kaya siya nagkasakit?

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang sagot kung saan ako nagkamali.

Dumukwang ako para dampian siya ng halik sa noo.

"I love you, Cass...kaya natin 'to, 'di ba? Kayang-kaya mo, 'di ba?" bulong ko sa kabila nang mahimbing niyang pagkakatulog.

Kinabukasan ng gabi ay buo na ang loob kong kausapin si Nixon tungkol sa planong ilang ulit kong pinag-isipan. Buo na ang loob kong pasukin ang Solandres at ang splurge.

Kung ilang beses kong dapat gamitin ang katawan ko para lang maging maayos ang kapatid ko ay gagawin ko. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao sa akin. Kung papatutohanan ko ang mga bintang nilang maruming babae ako ay wala na akong pakialam basta gumaling lang ang kapatid ko.

Siniguro kong abala si Valerie bago ko puntahan ang opisina ni Nixon sa pinakadulo ng Las Deux.

Medyo nagulat pa siya na makita ako roon dahil nagpapakita lang naman ako sa kanya kapag may kailangan ako. At sa pagkakataong ito ay alam kong siya na lang ang makakatulong sa akin.

"Skyrene, what a surprise! What brings you here again?" lito niyang tanong.

Bago pa siya makapagsalitang muli ay idiniretso ko na ang pakay ko.

"Gusto kong ipasok mo ako sa splurge, Nixon," buong-tapang at walang-preno kong sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 185 8
-BF SERIES #2 Thea Vasco, a Doctor who was happily and devotedly in a relationship with her boyfriend, Grant, realizes she's loosing her tight grip o...
122K 3.3K 51
EMPIRE SERIES #3 (COMPLETED) Serenity Rose had no choice except to return to Manila permanently. Her own mother drove her to leave LA due to their fa...
80.1K 4.7K 18
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
14M 249K 60
Engaged to another woman due to an old deal, Jacob Delaney had no choice but to keep his distance from his true love, Juliana Arevalo. But when a cha...