Keizer's Sin

By Alexiel

187K 8K 2.1K

My name is Keizer Regalado and this is how I lead the girl I Iove to her 'END'... More

Preface
sin.1
sin.2
sin.3
sin.5
sin.6
sin.7
sin.8
sin.9
sin.10
sin.11
sin.12
sin.13
sin.14
sin.15
sin 16

sin.4

11.8K 600 108
By Alexiel

A: “Unbelievable, paano sya nagkasya sa Locker mo?”

Keizer: “Yung Locker kasi sa basketball team hindi sya up and down. Straight lang sya na mga 158 cm ang height, pero makitid yung loob.”

 
A: “Oh okay gets ko na. Luka luka din yang si Cassidy, pumasok sya loob ng Locker just to do such thing!”

Keizer: “Not only that, almost three hours na pala syang naghihintay doon. Nagbaon pa sya ng Junk foods at Chocolate Moo. And I was like ‘Ha, what is happening here?! I didn’t put any wild animals here, did I?’” *grin* “It was a total messed, may nagkalat pa na cheese curls and God yung white polo uniform ko puro mantsa.”

A: “so what happened next?”

Keizer: *smirk* “I suggest na bigyan sya ng restraining order..”

MK: “Ano?”

Keizer: “Restraining order. She was like a wild animal at kailangang lagyan sya ng renda.”

 

✂❤✂❤✂❤

 

sin.4

 

-Keizer-

 

                -“I finally caught you. YEY!"


                 How? Paanong nakapasok ang bulilit na ito sa loob ng Locker Room? Nakayakap pa sya sa beywang ko na parang linta. Nalanghap ko ang pabango nya. She smells of summer and strawberries.


                Enough with this shit, I need to do something dahil humuhulagpos ang towel ko sa beywang. “You, get off me!"


                -"Ayaw!” she pouted. “Inabot ako ng three hours para lang magawa aking surprise attack!"


                Surprise Attack? And for like three hours? Did you lose some screw or something? Sinong matinong tao ang makakapaghintay ng ganoong katagal?


                   Nakalimutan kong marami pala kaming audience at lahat ng pares ng mga mata nakatutok sa amin.

                -“B-Babae?!” someone’s shouted.


                -“SH*T! babae nga!" sabi ng isa pa. Kanya kanya na silang hablot ng kung ano mang pwedeng ipantabing sa kanilang 'batuta'. And Jeez, si Eric yata yun - whatever his f*cking name - mantaking mong baseballcup ang ipantakip sa kaniyang male organ?


                Very creative dude!


                Nag uunahan pa sila palabas ng Locker Room na para bang sila pa ang mas nahiya na may babaeng nakakita ng mga itinatago nila. Madami tuloy nagtitiliang babae mula sa labas. Siguro iniisip nila ‘It’s raining men Aleluaih!’


                As for me, naiwan na lang kami ni Cassidy sa loob habang naghihilahan ng suot kong Tuwalya. Hey, This is my towel! Anong karapatan mong makipag-tug-of-war? WE’RE NOT PLAYING GAMES! Hinila ko yung towel ko ng malakas dahilan para mapasubsob sya sa sahig.



                  -“Ouch!"



                  Nabitin ang kamay ko sa ere na nasa aktong tutulungan sya. I stop. Bakit ako makakaramdam ng concern para sa kanya? In the first place kasalanan naman nya kung bakit sya  nakasubsob ngayon sa sahig. She just popped out of nowhere and turned my life into a living HELL!


                   -“Anong nangyayari dito?” Si Coach Gino at ang P.E Teacher namin na si Sir Jonathan ang nakatayo ngayon sa may pintuan. Siguro nagsumbong na sa kanila ang mga teammates ko tungkol sa biglang ‘pagsulpot ng isang babae sa loob ng Locker’.


                 Syempre pa, hindi naman mawawala ang mga dakilang utsesero at utseserang estudyante na nakasungaw din sa pinto.


                What do we have here? A mini conference? Bakit hindi nyo pa tawagin ang buong liga para masaya.


                  -“Mr. Regalado, nagtago ka ng babae sa loob ng Locker mo?!” si Sir Jonathan.


                  Kulang na lang umusok ang ilong ko sa sinabi nya. E-EXCUSE ME?! Are you f*cking nuts? bakit naman ako magtatago ng ‘babae’ sa loob ng locker ko at ang baliw na babaeng ito pa. “Sir, this is a misunderstanding!” depensa ko.


                   -“Alam mong isa itong Catholic School and you are breaking one of the rules!”


                  FUCK! Bakit sa akin parati nabubunton ang buong sis? Is there an imaginary signed on my forehead that says: ‘Yes, I am the criminal!'… o siguro sadyang pinagkakaisahan nila ako dahil ayaw nila sa akin.


                  Nilingon ko si Cassidy. “Oi, magsalita ka nga. Tell them what really happened.”


                   -“Huh?. Anong sasabihin ko sa kanila?” She said clueless as ever.


                 -“Tell them you hide in my locker at wala akong alam sa nangyari.”


                  -“I hide inside his locker” sabi nya habang tumatango na para bang normal lang na ginagawa ng isang babae ang magtago sa locker ng isang lalaki.


                   Lahat sila hindi makapaniwala na ang bulilit na ito mismo ang nagtago ng sarili nya sa loob ng locker.


                  -“Nagtago ako sa locker nya.” pag uulit pa nya.


                   -“Wag ka ngang paulit ulit.” If I stay with her for another goddamn minute, siguradong ako na ang masisiraan ng bait. “I’m out of here.” sabi ko. Sa bathroom na lang ako magbibihis. I don’t think kaya ko pang i-tolerate ang shenanigans nya sa buhay.


                  -“Uh, saan ka pupunta Kei?” iyon ang kauna unahang tinawag nya ang pangalan ko. Pero kung umakto sya parang close na close kami.


                 Napahinto ako sa paglalakad. My heart beating fast. Hindi naman ito ang unang beses na may tumawag sa akin na ‘Kei’, for example si Sir Paul he keeps calling me that para lang inisin ako. Pero nang manggaling na sa Aleng Maliit na ito para bang may bumubulong na hangin sa tenga ko.


                   Hindi ko sya maipaliwanag ng mabuti. It was . . . unique and different! Iba talaga ang dating eh!  Na parang ngayon ko lang narinig ang ganoong pangalan.


                “Keizer! Hindi mo ko pwedeng iwanan sa kanila – uh” lumapit sya sa akin tapos hinawakan nya ang laylayan ng nakatapis kong tuwalya. Hinila nya iyon ng malakas.


                  Sandaling katahimikan.


                   Pagtingin ko sa ibaba ko. Okay, may nakabuyayang na ‘organ’. O.O kaninong organ ito?


                  Paglingon ko kay Cassidy may hawak hawak na syang puting bagay sa isa nyang kamay. Oh right that’s my towel.


                  THAT’S MY TOWEL?! This male organ is my -


✂❤✂❤✂❤


                 Kailangan ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura para magawa kong maglakad sa corridor pagkatapos ng ‘incident’ na nangyari kahapon.


               Para na-exposed lang naman ang ‘bird and the egs’ ko sa buong madla eh. Maliit na bagay!

                  -"Sya yung kahapon diba?"

                  -"Oo yung may malaking -" they giggled.


                  Namula ang buo kong mukha.

                Lesson number 1: Always wear your brief before and after taking a shower . . . for safety measure.


                Pagpasok ko ng classroom natahimik ang lahat.

                I just ignore their malicious eyes and go to my seat. May nag aantay na coke in can sa ibabaw ng desk ko at may sticky note na nakadikit doon.


            ‘A Peace Offering
          -Cassie

                Ah, speaking of Cassie. kung tinatanong nyo kung anong nangyari sa ating Bulinggit she’s spending her free time at the detention room lang naman. Pinagbawalan na rin syang lumapit sa akin within 5 meters kapag wala kami sa loob ng classroom.


                Nagtaas ako ng isang kilay. So galing pala ito sa kanya huh. Coke, as a peace offering? Binuksan ko yung coke with my fingers and sumabog sa buong mukha ko ang laman. “Hasp!” para akong nalunod sa isang oasis!.


                Kung kanina nagpipigil lang ang mga classmates ko sa pagtawa ngayon kulang na lang gumulong sila sa sahig sa sobrang saya. “HAHAHAHAHAHA” ganyan kalakas ang tawa nila. They don’t give a damn kahit pa tinitingnan ko na sila ng masama na dati namang umeepekto sa kanila.


                    Niyupi ko ang lata ng coke gamit ang kamay pero hindi pa rin sila tumugil. If it’s even possible,  lalo pang lumakas ang tawanan nila. Inis na lumabas ako ng classroom ng hindi sila nililingon.


                Lesson Number 2: Do not accept anything from a stranger lalo na kapag sinabi nyang iyon ay 'Peace Offering’. Never ever believe that!


                Isa lang ang tinutungo ng mga paa ko. The Detention Room! Doon lang naman naglulungga ang bulilit na iyon, like what I said before bawal kaming magkita or magkasalubong sa labas ng klase kaya naman habang hindi pa nag-sstart ang classes doon muna sya pinag sstay.


                May salamin doon sa may pinto kaya makikita mo ang nasa loob kahit hindi ka pa pumasok. Kausap ni Cassidy ang masungit na Chairwoman ng School. Hmm, what are they talking about?


                -“Miss, Miss Tingin mo mapapatawad pa ko ni Kei..” nakayuyok ang ulo ni Cassidy sa isang desk na nandoon.


                  -“He will. kung magbabago ka.”


                  -“Binigyan ko sya ng coke as a peace offering. Tingin mo magugustuhan nya?"

                  -“You’re in the Detention Room so stop talking!” sa tono pa lang ng boses ng Chairwoman siguradong nakukulitan na sya.


                  -“I love coke, do you love coke?”


                Napahagalpak ako ng tawa mula sa labas ng pinto. Kung kanina para akong time bomb na anumang oras pwede ng sumabog pero ngayon nawalang parang bula ang init ng aking ulo. Jeez, at least I know now that I am not the only one who gets in her nerves.


                -“ARGH!” mukhang napigtas na ang pisi ng Chairwoman at nagmartsa sya palabas ng pinto. Tumalikod ako sa kabilang direksyon ng pinto para hindi mapansin na nanunubok.


                  Kung lilingon lang ako makikita kong nakakunot ang noo ng Chairwoman sa akin. Nagkibit na lang ito ng balikat at dire direstong naglakad sa hallway.


                Nang masiguro kong wala na sya. Sumilip uli ako sa glass panel ng pinto at tiningnan si Cassidy. She look bored. Ginagawa pa nga nyang rocking chair ang kinauupuan nya ngayon eh. I smirked, para syang bata sa ginagawa nya. not only that kumuha pa sya ng lapis at inilagay sa ibabaw ng nguso nya habang inuugoy ang upuan.


                Panay ang tawa ko sa labas, not even aware na pinagtitinginan na ko ng ibang mga estudyanteng dumadaan. Nakalimutan ko na rin na basa ang harapan ng uniform ko sa kapapanood sa kanya. She fascinates me. Hindi ko naman akalain na nakaka-amuse pala syang panoorin while doing crazy things.


                Tumayo si Cassidy sa kinauupuan nito at lumapit sa cassette player na nasa ibabaw ng estante sa dulong bahagi ng silid. May pinindot syang button at pumailanlang ang kantang ‘Macho man'

                             

        🎶Every man wants to be a macho man
        To have the kind of body always in demand
        Joggin' in the mornings, go man go
        Workouts in the health spa, muscles grow
        You can best believe me
        He's a macho man
        Glad he took you down with anyone you can

        Hey, hey, hey🎶                                              

                Sinasabayan nya ang lyrics and she do what is probably the stupidest circle twirl thing I’ve ever seen.


                Seriously, I was laughing my fucking ass out! Oh My God! She’s delirious.


                Umakyat pa sya sa ibabaw ng desk at nagsasayaw na parang isang pusang hindi maihi.


                Tawa lang ako ng tawa sa pinag-gagagawa nya.


                She is sooo adorable...


                I bet, I can watch her all day long at hindi ako mapapagod. Hindi ko din alam kung anong meron sya at napupull ako ng sobra.


                Siguro kaya ako na-aatract sa kanya dahil hindi ko naranasang gawin ang mga bagay na gusto ko. I had a painful childhood or mas tamang sabihin na hindi ako nagkaroon ng childhood life. Mom always told me to what to do and not to do. For her O am hire priced doll.


                I have this evil aura around me. Pero si Cassidy she’s different. She is . . . too bright, katulad ng isang araw. She can light up a small room at bigyan iyon ng buhay. Katulad ng ginagawa nyang – errr pag giling ngayon sa ibabaw ng desk?


                Jesus Christ! Did she actually did a moonwalk?

               

                At dahil sa ginawa nyang Michael Jackson stunt namali sya ng tapak kaya tumagilid yung desk na kinatatayuan nya.


                My body moves in impulse. Hindi ko alam kung anong nangyari. Nakita ko na lang ang sarili na binuksan ang pinto, tinabig ang lahat ng nakaharang na desk, throw my hand in the air to save her small head before it hit the floor.


                It happens in slow motion. . .


                Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko habang hawak hawak sya sa aking mga bisig. Gusto ko syang bulyawan at ipasok sa kakapiranggot nyang utak na malaking katangahan ang ginagawa nya!


                  Masyado syang accident prone! Nang magkita kami nawalan sya ng pamasahe! Muntik ng mamaniac ng dalawang foreigner! Nabulunan sa kinakaing hamburger! And now this?


                What if, what if wala ako dito? What if she break her neck or hit her head on the floor?


                May makakakita ba sa kanya?


                Isipin ko pa lang ang maraming posibilidad na iyon pumapait na ang panlasa ko.


                Dahan dahan nyang iminulat ang mga mata. I can see my reflection in her eyes.“Omoh! Hindi pa ko patay?” titig na titig ang tsokolate nyang mga mata sa akin.


                In a way, she’s darn right - natatakot ako sa kaniya.


✂❤✂❤✂❤


                Sumasakit ang kaliwang hita ko dahil tumama iyon sa dulo ng isang upuan ng saluhin ko si Cassidy kanina.


                   Ang lakas kasi ng loob mong umaktong superhero Keizer, tabigin mo ba naman lahat ng nakasalansang upuan eh just to catch her as fast as you could.


                What am I supposed to do? Hayaan na lang sya doon?


                Papaliko na ko sa subdivision ng may maramdamang sumusunod sakin. Nope, actually magkakalahating oras ko na syang nararamdaman. Akala ko mali lang ako ng hinala, siguro parehas lang kami ng way na dadaanan pero kanina pa sya nakasunod at malabong coincidence lang.


                Umakto akong normal at nagpanggap akong hindi nakakahalata sa binabalak nya. Siguro sa bakanteng lote nya ko cocornerin dahil walang masyadong taong dumadaan. Kinapa ko sa bulsa ng pants ko ang isang ballpen.


                Hmm, how many are they?. Three? Four?... Mas madami mas maganda. I grin maniacally. This is getting exciting! Naramdaman ko ang pagkabuhay ng dugo sa maaaring mangyari. Nangangatog ang buo kong katawan. Not in fear but with ‘excitement’…


                Relax Keizer! What if makahalata ang prey mo at biglang makatakas? You don’t want that to happen right?


                    How many days did I wish for this moment? Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. He’s lucky ballpen lang ang hawak ko ngayon at hindi cutter.


                Fucking dipshit! wala pa man I can smell and taste blood.


                Panay ang galaw ng mga daliri ko na parang may sarili iyong mga isip. Lumiko uli ako sa isang kanto at nagtago sa pagitan ng pader at poste ng kuryente. My eyes become darker. Doon ko sya hihintayin.


                Come on…


                Come here…


                Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa batok sa sobrang excitement. Inilabas ko ang ballpen sa bulsa at walang ingay na naghintay. Nakita ko ang anino nyang papalapit sa pwesto ko. He's getting closer.

                I licked my lower lips. . .two more steps.


                Good, One more…

                Here we go . . .

                Awtomatikong gumalaw ang kamay ko na may hawak ng ballpen patungo sa mata ng aking biktima. I am not going to kill you - as much as I wanted to - but for the mean time isang mata lang ang kukunin ko. Nangyari na rin ang ganitong eksena noong grade schooler pa lang ako. May isa akong kaklase na tinusok ng lapis sa mata.


                Since then, hindi ko na nakalimutan ang ganoong klase ng pakiramdam.


                Gumalaw pa ang buhok nya in a whooooosh sound sa bilis ng aking kamay. Tanging hangin lang ang maririnig sa aming dalawa.


                Then I stop! Isang hibla na lang ng buhok ang pagitan ng dulo ng ballpen sa kulay tsokolate nyang mga mata bago ko nagawang pigilan ang kamay at itago sa likuran “What the hell! Bakit mo ako sinusundan?” may tumulong butil ng pawis mula sa aking noo pababa. Nakita ba nya?


                She blinked her eyes repeatedly saka nya kinuyumos ang mata. “H-Huh? Ano iyon? Akala kp.may isang ibon na tutuka sa mata ko” Cassidy chuckled.


                A bird? This stupid little girl alam nya ba kung gaano kadelikado ang ginawa nya? In case hindi mo pa lang alam, muntik ka lang namang mawalan ng isang mata.


                Ugh, my hands are still trembling with needs! Fuck!


                -“Cassidy, bakit mo ko sinusundan?” tanong ko sa kanya.

                -“Eh? Hindi kita sinusundan. Dito din ako nakatira.” She smiles. 


                 -“Sorry what?”


                -“I said dito din ako nakatira.” May tinuturo sya sa bandang likuran ko.


               HAHA! very funny bakanteng lote lang ang tabi ng bahay namin kaya malabong – Paglingon ko may bungalow house na nakatayo doon!


                 Holy Shit! Nilamon ng bungalow ang bakanteng lote.


                Ibinalik ko ang tingin kay Cassie. Ngumiti lang ito “Hello neighbour"

>>End of sin.4<<

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
24.6M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
959K 28.3K 46
anong gagawin mo kung magkagusto sayo ang kinatatakutan ng lahat? paano kung gawin nya ang lahat para maangkin at makuha ka magpapakuha ka ba?! kung...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: Ju...