Bubbly Love

By 2amiclea7

133 4 0

More

Bubbly Love
chapter 3
chapter 4

Presenting Ami

41 1 0
By 2amiclea7

Chapter 1

Nakangiting nakatunghaw si Ami sa kabilang establishment, habang nakapangalumbaba nang bigla siyang sikuhin ng kung sino. Matalim na nag angat siya ng tingin sa umistorbo sakaniyang pagliligaw tingin.

“hoy babae, baka naman matunaw na siya sa kakatitig mo o kaya naman pag nagawi ang tingin niyan dito ay pagkamalang mental institute itong office natin dahil diyan sa pag ngiti mong parang baliw” litany nito pero hindi niya ito pinansin instead ay binalik niya ang tingin sa lalaking ilang linggo na niyang crush. Kumbaga sa addiction ay nasa high stage palang siya kaya naman go na go ang pakiramdam niya dito. Wala na siyang pakialam kung sabihin nga siyang baliw o aning-anong ng mga kasamahan niya. basta gagawin niya ang gusto niya at iyon ay ang titigan sa malayo ang kaniyang crush na hindi pa niya alam ang pangalan.

“hay oo nga ano, hindi ko pa pala alam ang pangalan mo o irog ko” aniya saka bumuntong hininga ngunit agad na napawi iyon ng ngumiti ito at sinalubong isang lalaking bagong datin. “ay never mind na kung ano ang name mo. Basta ikaw ang para sa akin at ako’y iyo lamang” pakantang aniya saka ngumiti ng abot tainga.

“ewan ko saiyo baliw kanang talaga babae, wala ka nang pag asa” ani nito saka hinila ang buhok niya pero bago pa siya makaganti dito ay dagli na itong lumayo sakaniya at tumatawang iniwan siya doon. Hinatid nalang niya ito ng may matalim na tingin hanggang sa makapasok ito sa opisina nila. at dahil umalis na ito, naiwan na uli siyang mag isa. Nakangiting bumaling siya dito pero nabitin ang ngiti niyang iyon at napamaang dito ilang saglit ng makitang nakatingin ito sa direksyon niya! maang na tumingin pa siya sa likuran niya upang alamin kung sino ang tinitingnan ng mga ito pero ng bumaling uli siya dahil wala siyang nakita na tao sa likuran niya ay tiningnan uli niya ang direksyon nito saka kumaway ang lalaking kasama nito. Nagulat siya at sa sobrang gulat niya ay napatingin siya sa taas. Dagli naman niyang binababa ang tingin saka nagmamadaling umalis sa puwesto niya at sinundan si Himeya sa opisina nila.

“oh Ami tapos ka nang sumilay sa irog mo?” nakayukong tanong ni Himeya na naabutan niyang nagbabasa ng pocketbook. Nang hindi siya magsalita ay saka lang ito nag angat ng tingin at napakunot-noo sakaniya. “oh anong nangyari saiyo?”

“si a-ano tumingin sa akin!” impit niyang tili na gumaragalgal pa ang tinig.

“ha? Talaga tumingin saiyo si ano mo!” masigla naman nitong sbai saka umayos ng upo at puno ng interes na hinila siya paupo sa mahabang sofa.

“sinong ano iyan?” nakakunot noong tanong ni Boushin at interesadong lumapit sakanila at iniwan ang ginagawa.

“Yung ano niya!” ani Himeya at pinalo si Boushin sa braso.

“oo tumingin sa akin si ano ko!” impit na tili naman niya.

“ahh si ano na ano ni ano. Na inano ni ano. Grabe ang linaw niyong mag usap bahala na nga kayo diyan” walang pasensyang sabi ni Boushin saka umalis na sa loob ng opisina. Hinatid nalang nila ito ng tingin saka sabay na tumawa.

“ito talagang si Boushin minsan hindi ko makuha ang ano niya” sabi ni Himeya. Tumango nalang siya bilang pagsang ayon. “speaking diyan sa ano mo? So ano ngang nangyari!?”

“kasi ganito nga. Diba iniwan mo ako sa labas kanina nang mag isa?” umpisa niya sa kuwento saka nilunok ang laway niya para mas makapag salita siya ng malinaw.

“tapos?” excited na sabi ni Himeya.

“tapos ayun paglingon ko sa puwesto nila, nakatingin sila sa direksyon ko eh di siyempre nagulat ako. Lumingon ako sa likuran ko at tiningnan ko kung may tao doon then wala. Eh di tiningnan ko uli sila tapos kumaway iyong kasama niya! gulantang siyempre ang beauty ko kaya bigla akong napatingin sa taas then nang marealize ko iyon siyempre hiyang-hiya ako kaya patakbo na akong pumunta dito!” humihingal na sabi niya saka tumayo at nagpapapadyak padyak na parang bata.

“teka Ami relax lang! huwag ka nga diyan baka mamaya may pumasok na client makita kang ganiyan masisira ang image natin!” pigil nito sakaniya saka pinaupo siya. “here, inhale, exhale” sabi nito saka sinundan niya ang sinasabi nito. Limang ulit niya iyong ginawa saka kumalma siya. “ok kana?” tanong ni Himeya. Na tinanguan lang niya bilang pag sang ayon.

“hindi ako makapaniwala as in!” aniya saka bumuntong hininga. At nangangarap na nagkalumbaba.

“oh tama na iyan kayong dalawa! May walk in clients kayo na muna ang makipag usap at may tawag mula sa akin. Pinapatawag ako ng daddy ni Ami” sabi ni Boushin pagkapasok muli nito sa opisina.

“teka bakit ka pinatawag ni Papa?” tanong niya dito pero nagkibit balikat lang ito saka umalis na.

“tara na at baka mainip iyong mga clients” sabi ni Himeya saka nauna nang lumabas na mula doon.

Pagkatapos ng office hour ay nakagawian na nina Ami at Himeya na mag window shopping mayroon na din silang matatawag na favorite mall pagkatapos nila malibot ang halos lahat ng mall sa manila. Kaya naman nang after office ay lumabas silang magkaibigan at nagpunta sa Mall of Asia. Madami silang pinagkakasunduang magkaibigan. Kung tutuusin ay mas kasundo pa niya ito kaysa sa kakambal niyang babae na naglayas at mas piniling mamuhay mag isa simula nang mamatay ang kanilang Mama.

“heto Ami this would look good on you, di ba si Sakura ang gusto mong next na I cosplay?” tanong ni Himeya saka ipinakita ang isa sa mga suot ni Sakura na costume sa Card Captor Sakura na pareho nilang gusto. Iyon ay isang fairy inspired na damit kung saan iyon iyong isinuot nito nang hulihin nito ang Time card. Nasa isang stall sila noon sa Mall of Asia kung saan may stall na puro for cosplayers.

“yeah it really looks cute, okay nga ito” aniya saka sinipat iyon. Sa tingin niya ay kakasya iyon sakaniya. “ikaw sino ang I cocosplay mo?” tanong niya dito. Tiningnan siya nito saka ngumisi at ipinakita sakaniya ang hawak hawak nitong damit.

“mag Sa-sakura din ako, pero from naruto ang isusuot ko alam ko naman na hindi ko mahihigitan ang ka-cute-an mo kapag naka costume kana eh. Pero di bale lamang naman ako saiyo kapag hindi ka naka costume eh” ani nito saka ngumisi.

“ikaw talaga. Teka nga asan na ba si Rob?” aniya na ang tinutukoy ay boyfriend nito.

“naku ikaw naman ngayon mo pa hinanap iyon. Wala na iyon! Akalain mo, kaya pala ang galing galing pumorma at laging ang bango bango kasi mas babae pala sa akin!” nanggigil na sabi nito saka bumuntong hininga. “anyway tara na tingnan natin kung babagay sa atin itong mga ito at nang mabayaran na natin” sabi nito saka nagyaya niya. Napapalatak nalang siya.

Gumugul sila ng ilang oras para mabuo lahat ng mga kailangan nila kaya naman madilim na nang matapos sila doon. Nagpasiya na din silang kumain doon kaya naman late na nang makauwi siya. nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga nang makapasok na siya sa bahay nila. she still live with his father. Gustuhin man niyang mag sarili na ay hindi pu-puwede dahil ayaw nito. Lagi nitong sinasabi sakaniya na iniwan na nga siya ng mama nila, nilayasan sila ng kapatid niya ay pati ba naman siya ay bubukod pa? hintayin nalang daw niya na makapag asawa siya bago siya umalis sa bahay na iyon. Pansamantala ay dito na muna siya sa bahay kasama ito.

“ah! Ami, anak andito ka na pala” masayang sabi ng kaniyang Papa saka tumayo sa kinauupuan nito at nilapitan siya. mukhang hinintay talaga siya nito. Kahit noon ay ganito ito. pinapayagan siya nitong lumabas at maglakwatsa kahit gabi na, ni hindi siya nito sinesermunan pero pagdating niya sa bahay nila ay lagi itong nasa salas, nakaupo at hinihintay siya. dati ay ginagawa nito iyon para antayin ang pagbabalik ng kapatid niya pero ng maka graduate siya ng college ay siya na ang hinihintay nito.

“sorry Pa kung masyado na akong ginabi. Napatagal kasi kami Himeya sa pamimili ng damit” aniya dito saka nilapitan ito at tumabi sa upuan.

“ayos lang basta umuwi ka iyon ang mahalaga” sabi nito saka huminga nang malalim at umupo. Nginitian siya nito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.

“Pa gusto mo bang makita ulit si Clea?” basag niya sa katahimikan. Gulat na nag angat ito ng tingin sakaniya saka umiling.

“anak, alam mong ayaw na akong makita ng kakambal mo. Your sister hates me and blames me for your mother’s death. At naiintindihan ko siya. kung nasundo ko lang sana ang Mama niyo noon hindi sana siya” napahinto ito saka tahimik na yumuko. Maging siya ay biglang nalungkot. “heto pala narinig ko mula kay Boushin na pupunta kayo sa isang cosplay event ni Himeya, narinig ko din sa yaya mo na gusto mong iportray si Sakura Kinomoto, tama ba? Kaya binilhan kita nang staff niya. sana magustuhan mo” sabi nito saka iniabot sakaniya ang isang plastic. Gulat na napatingin siya dito. Tamang-tama dahil wala siyang nabiling staff.

“thank you papa!” aniya dito saka niyakap ito ng mahigpit

“anything for my princess. Sige na umakyat kana at magpahinga. Magpapadala ako ng puwedeng pumalit sainyo ni Himeya sa araw ng event na iyon okay?” ani nito saka hinagkan siya sa noo at pumanhik na.

 nakangiting pumanhik siya sa kaniyang silid. Nag tungo siya sa walk in closet doon kung saan andoon ang ilan sa mga nagamit niyang cosplay costumes. Huminto siya sa tapat ng isang estante doon kung saan may dalawang costume na magkaparehong magkatabi, a powerpuff girl cotsume, costume nina Blossom at Bubbles. Iyon ang pinaka unang costume na naisuot niya. she was 10 years old then. Silang kambal ang nag suot nun, it was one of the happiest day of her life. Si Clea, ang kakambal niya ang talagang mahilig sa mga anime, sa pagko cosplay. Nang sinabi ng Papa nila na papayag ito na mag cosplay sila kung matataas ang grades nila ay papayagan sila nito. Kaya naman nag aral silang maigi, at dahil doon ang kapatid niya at siya ang una at pangalawa sa klase. At nang papiliin sila ng kung sino ang i-co-cosplay ay ang power puff girls nga ang pinili nila. Her sister portray Blossom, and she portray Bubble. Maging ang kaniyang papa at mama ay nakisali sakanila. Ang kaniyang papa ay naging si Professor Utonium at ang kaninga Mama naman ay si Mrs. Utonium. those were such happy days. Pero wala na iyon. Wala na ang kaniyang Mama at maging si Clea ay iniwan sila.

Continue Reading

You'll Also Like

817K 54.7K 73
Growing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecuri...
8.7M 218K 63
Alexa Delos Reyes lost the 'happily ever after' she naively thought she would share with Lance Zamora forever. Years after their breakup, the ex-boyf...
2.1M 56.9K 30
Rejecting Iya's confessions is Jacob's norm. After sharing three kisses that Jacob claimed as meaningless, will Iya finally give up--or will she keep...
1.5M 56.1K 36
Lulubog, lilitaw--ganyan ang feelings ni Diane Christine para kay Jesuah. Pero paano kung sa isang iglap ay malaman niyang mahal din siya nito? Aamin...
Wattpad App - Unlock exclusive features