Book 1: BEAUTY and her MASK (...

By Zerozenn

125K 2.4K 352

[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD More

Beauty and her Mask
Manunulat
Prologo
Panuto: Ang pagbigkas sa buong pangalan ng mga tauhan
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Epilogo
Manunulat

Kabanata III

5.9K 113 13
By Zerozenn

KILL'S POV

Di na ako natutuwa.

Bakit ngayon pa kasi yung unang pasok ko sa paaralan? Dapat ay gagawa ako ng paraan tungkol sa Sorrow Rose ngunit naudlot dahil sa araw na ito.

"Kill! Sigurado akong masaya ka ngayon, kasi papasok ka na sa ordinaryong paaralan, for the first time! Hindi ka na mag-aaral tungkol sa nakakabagot na Mafia World." Asar ni Soul.

Tama ang nababasa niyo, ito ang kauna-unahang pasok ko sa ordinaryong paaralan. Ang magaling na Soul, mismong nitong oras lang sinabi sa akin na ngayon ang unang araw ng pasukan.

Noong nasa mansyon pa ako hindi lamang impormasyon ukol Mafia World ang pinapaaral sa akin ni Ama, pati na rin ang pagpapahasa sa kakayanan na mayroon ako bilang susunod na Eastern Mafia Boss.

Sinusubukan kong intindihin si Ama kung bakit niya ako kinukulong sa mansyon ngunit habang tumatagal di ko na mawari ang dahilan. Kung magiging Eastern Mafia Boss man ako, bakit sa loob lamang ng mansyon ang gamay ko na tila bang limitado lamang ang aking maabot?

Tumigil ako sa pag-iisip ng may naalala ako. "Wag mo akong tawaging Kill, di ako si Kill ngayon Soul." Pagbabanta ko kay Soul.

"Chill lang Kill. Anong kotse ang gagamitin mo?" Tanong niya.

"Yung natatanging kotse na mayroon ako." Tinaas niya yung kilay niya sa akin. May gana pa tong lalaking to taasan ako ng kilay.

"Di ka naman makikilala nila niyan sa likod ng maskara mo ah. Atsaka yung paaralang papasukan mo ay ordinaryo lamang, kaya wala kang dapat ipag-alala." Nagcross arms ako. Kahit nakamaskara ako, hindi parin sigurado na ligtas ang kapakanan ko dahil simula nang makatakas ako sa mansyon ay maraming gulo na ang lumalapit sa akin.

Atsaka dapat ipag-alala? Neknek niya kamo, wala akong pinag-aalala. Dapat sila ang mag-aalala.

"Ako'y naninigurado lamang Soul, atsaka bakit mo pa pakikialaman ang gusto kong gawin? Hindi porke't sayo galing tong Mask na ito ay gaganyanin mo na ako. Baka nga walang kwenta tong Mask na ito." Pagbibiro ko sa kanya.

"Trust me kill, matagal na kaming expose dito sa ordinaryong bahagi." Sige, ipamukha mo sa akin na isa akong kulong sa mansyon. Malalagot ka sa akin Soul, may araw ka din sa akin. May kinuha siya sa bag niya.

"Sinisigurado ko lang na maayos tong binigay mo sa akin." Ani ko. Kinuha niya yung laptop niya at umupo.

"Gusto mo try ko? Wala ka talagang tiwala sa akin Kill kahit kailan." Hinarap niya sa akin ang laptop niya at diretso nitong scinan ang itsura ko.

Processing...........

Dbddkfofncnslannsflflrepfbfs

Absndjdkekfncbfnrkfflsbakapa

Kdkdlrorrjfbdlswkkdsnakalf

Jdjdodorjejeoirfjejblqpaapbeebf

Dnddjdkdkeowokddbfnwkdldndn

Ssnsndlldodkdsnkslslslssnsnnssksl

Ang lumabas sa screen ng laptop niya ay UNKNOWN.

Ito ang detalye, yung litrato na pagkatapos ako'y i-scan ay matatagpuan sa gitnang taas na bahagi. Habang ang nakasulat naman sa baba nito ay:

NAME: UNKNOWN

POSITION: NONE. NO CONNECTIONS OF THE MAFIA WORLD.

"Magaling Soul, magaling. Pero di parin dapat ako makampante, kasi di natin alam ang naghihintay para sa akin. Tama na ang kakadakdak at kailangan na nating pumasok, malalate na tayo." Agad na akong sumakay sa aking kotse pagkatapos makita ang resulta.

"Kill, ikaw ba talaga yan?" Mabilis kong kinuha ang pistol na isinabit sa hita ko at tinutok ito kay Soul.

"Inuubos mo na ang aking pasensya, Seletherin Oliver Uderson Lascott." Tinaas niya kaagad ang dalawa niyang kamay at ngumiti.

"Kill, ibaba mo na yan. Kapag gagawin mo yan, marami ang iiyak at magluluksa," Kinasa ko ang pistol kaya nagulat si Soul.

"Sorry na Kill. Di na mauulit." Dahan dahan siyang naglakad papunta sa kotse niya habang nakaharap sa akin.

"Anong sabi mo?" Tinaas ko ang kilay ko, tapos napailing siya.

"K-ki, ah, Ann." Tumango ako at ibinalik ang pistol sa lagayan nito.

"Dahan dahan sa pagmaneho, Kill. Naku, brutal ka pa naman." Paalala sa akin ni Soul bago niya paandarin ang kotse niya.

"Sabi ko Ann hindi Kill, Soul. Ilang beses ko pa ba sasabihin sayo ito para pumasok sa maliit mong utak. Atsaka wag kang masyadong lumapit sa akin baka mapaghinalaan pa tayo." Nagsmirk siya sa akin at napairap nalang ako. Paalis na si Soul nang kinut ko siya.

"Ki-ANN!!! Geez! Gustong gusto mo na ata ako patayin ngayon araw ah, nakakailan ka na!" Sigaw niya. Napangiti nalang ako at pinaharurot na ang kotse papunta sa paaralan.

Napansin kong mayroong nagmamasid sa amin kanina, tumingin ako sa side mirror. Nandoon parin ito.

Mabuti nalang at nakausap ko ang isa sa Mafia reapers namin na nagbabantay ng condominium ko. Sila na bahala roon.

Pero nasisigurado akong isa din itong Mafia rebel. Ako talaga ang pakay nila, alam kaya nila na ako ang nasa likod ng maskarang ito?

Kaso parang walang atake ang nagawa nito habang naroroon kami ni Die nag-uusap. Atsaka sigurado akong hindi niya kami maririnig dahil sa distansya na mayroon sa pagitan namin.

Parang kakasabi ko lang na wag makampante.

Nakarating na ako sa paaralan, nang bumaba ako sa kotse at tiningnan ang kabuuan ng paaralan. Ordinaryo ang sinisigaw talaga nito.

Ngunit ang ordinaryong paaralang ito ay mayroong mga Mafia at ordinaryong tao na nag-aaral rito.

Inilibot ko ang buong paaralan at tiningnan ang mga facilidad na mayroon rito.

Tinitingnan ko ang mga lugar na maaring makakatulong sa akin, maganda din na maging gamay ko ang buong paaralan para sa maaring mangyari ay kaya ko na itong kontrolin.

Tumungo ako sa lugar na kung saan ay sinasabi ni Soul ang atraksyon sa paaralang ito, ang silid-aklatan.

Nang nakarating ako sa silid-aklatan, napakalaki nito, tila bang isang buong palapag ng gusaling ito ang silid-aklatan.

Maraming libro ukol sa pag-aaral ang naririto, napapansin ko na lahat ng ito ay sa mundo ng ordinaryo lamang nakabase. Baka siguro ako'y nagkakamali lamang.

Nilibot ko ang aking sarili sa paligid. Hanggang sa napadpad ako sa kaduluduluhang parte ng silid-aklatan.

May umagaw ng pansin ko nang makita ko ang book section na ito.

Kahit wala itong nakalagay na kung anong bahagi ito, alam kong ang parte na ito ay ukol sa Mafia World.

"Di ko akalain na ang ordinaryo rito ay mayroong ganitong parte sa loob ng kanilang silid-aklatan." Napaisip ako, hindi kaya bubuuin ni Ama ang Eastern na bilang isang Mafia World lamang?

Kaya sinisimulan niya na ring bigyan ng impormasyon ang mga ordinaryo ukol sa Mafia World.

Mabilisan kong hinugot ang pistol mula sa hita ko at tinutok ito sa direksyon ng bintana.

Di man lang natinag ang lalaking ito, at tiningnan lamang ako.

Ang lalaking nasa harap ko ay may katangkaran, nakasuot lamang ito ng casual na damit ngunit alam kong isa siyang bahagi ng Mafia World. Nagbabasa ito ng libro na tila bang parang may hinahanap.

Sinilip ko ang tingin sa libro.

Family Registration? Bakit nagbabasa siya ng family registration book ng mga ordinaryong tao? Paano niya nakuha ito?

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Sinara niya ang libro at tumuwid sa pagtayo.

"Ako'y ay isang tao lamang na napadaan rito. Sadyang may hinahanap lamang ako dahil tumatakbo na ang aking oras." Masisigurado kong hindi siya taga-Eastern pero mukhang pamilyar siya sa akin.

"Wag kang mag-alala, ako'y walang balak na gumawa ng gulo rito. Sa isang ordinaryong tulad mo mukhang marami kang alam sa Mafia World." Ani niya. Naglakad siya papalapit sa akin.

Binaba niya ang kamay ko na may hawak ng pistol. Napansin ko ang nunal sa bandang ibaba ng kanyang mata. "Hinahanap ko lang ang susi ng tagumpay ko, upang makuha ko ang trono na nararapat para sa akin." Tinapik niya ang aking balikat at naglakad na ito papalayo.

Hindi ko na siya sinundan, kung sa labas ng Eastern yan, wala na akong kailangan pang gawin. May mas importante pa akong iisipin kaysa sa mga tulad niya.

Nang makita ko ang orasan ay napairap ako. Kill, nakalimutan mong dumaan sa isang lugar ngayon bago pumasok sa klase.

Nagmamadali akong naglakad papunta sa Registration Office ng paaralang ito. Kailangan kong kunin ang lahat ng bagay na kakailanganin ko dito sa paaralan.

"Miss Navarette, ika'y nahuli sa oras na dapat ika'y tumungo rito pero papalagpasin ko nalang ito dahil alam kong sinusubukan mong ilibot ang paaralang ito. Ito," Sabay abot sa akin ng mga papeles na kung saan na kinakailangan ko.

"Nandiyan lahat ng kakailanganin mo, kung may gusto kang itanong wag kang mahiyang magtanong rito. Hindi ko na papahabain pa dahil mahuhuli ka na sa iyong unang klase. Welcome to Eastern Hark High" Lumabas na ako at tiningnan ang papel na kung saan naroon ang schedule at klase na papasukan ko.

First Subject: Math Room 319

Pinuntahan ko na ang silid-aralan ko, si Soul ay napakabilis na gawan ng paraan ang pagpasok ko rito.

Ang mga koneksyon at si Soul, saludo ako sa kanya sa parte na iyon. Kaya maasahan siya sa mga bagay na ganto.

Natapos na ang klase ng walang ginawa, kapag unang araw ganito talaga ang maasahan.

Habang ako'y naglalakad, nakita ko si Soul na may kasamang babae. Tumango siya sa direksyon ko, gayun din ako at dinedma siya lagkatapos.

Pumunta na ako sa parking lot ng paaralang ito, medyo madilim na din dahil uwian namin ay hapon.

Habang nagbibiyahe na ako pauwi nang may nakita akong motorsiklo na nakasunod sa akin. Bakit paisa-isa sila nagpapadala ng tao?

Finull speed ko yung kotse ko at lumiko sa isang eskinita. Alam kong nakasunod siya kasi na detect ng kotse ko ang paparating na kalaban.

Lumabas ako sa kotse ko at agad na dumukot lamang ng motorsiklo na nakikita ko. Tiningnan ko ang orasan, sakto lang ang tansya ko. Kailangan kong lumayo sa kotse, nang mapaandar ko ang motorsiklo ay agad kong pinaharurot ito.

Saktong pagkalabas ko kakaliko lang ng sumusunod sa akin.

Bumibili na yung takbo ng kalaban kaya tiningnan ko yung dinadaanan namin, one way lang ito, kaya sakto na ito. Nagmasid din ako sa paligid, walang katao-tao kaya tama talaga ang lugar na ito. Kinuha ko ang RPD na naroroon sa kotse kanina, at nilingon palikod ang sumusunod sa akin.

Tinutok ko ang RPD at nagpaputok.

Ngunit nakaiwas ito. Binalik ko ang atensyon ko sa daan at nagpagewang gewang dahil alam kong titira siya ngayon.

At tulad din sa kanya, nakaiwas ako.

Binitawan ko ang manibela at hinayaan ko ang motorsiklo na tumakbo ng diretso.

Inikot ko ang buong katawan ko para humarap doon sa sumusunod sa akin.

Hindi siya ang tinutok ng RPD ko, kundi ang gulong ng motorsiklo niya. Ngunit nakaiwas ulit siya. Isang matigas to.

"Shit." Bulong ko. Nakarinig ako ng busina sa di kalayuan. May truck na paparating.

Biglang nagpaputok ang kalaban sa direksyon ko, naiwasan ko siya ngunit nagpagewang gewang na ang motorsiklo.

Kahit alanganin na para sa akin umikot paharap, di na ako nagdalawang isip na itagilid ng buong lakas ang motorsiklo at pahigain ng unti para makadaan sa ilalim ng truck. Matagumpay akong nakalagpas.

Bumalik ako sa harapan at nagmaneho, pinaharurot ito at tumigil sa di kalayuan. Bumaba ako at hinirang ko ang sarili ko sa gitna.

Pumosisyon ako sa direksyon nito. Pinaharurot niya ng mabilis ang motorsiklo papunta sa akin.

Nilabas ko ang flash bang at hinagis ito nang nasa posisyon siya na gusto ko.

Tinakpan niya ang kanyang mga mata nang masilawan nito at agad kong binaril ang gulong ng motorsiklo niya.

Nang natumba ang motorsiklo niya, agad kong binaril ang ulo nito. Nilapitan ko ito, bago ko man halukatin ang taong ito, may tumawag sa pangalan ko.

"Kill!" Tinutok ko ang RPD sa direksyon na iyon.

Nakita ko si Soul na nakasilip mula sa kotse niya.

"Napansin ko kasing may nagmamasid sayo kanina. Kaya sinundan kita, medyo nahirapan nga lang ako tumakas kanina kaya ngayon lang ako nakarating," Tiningnan niya ang nasa paanan ko. "Akala ko kasi kailangan mo ng tulong yun pala hindi, natapos mo kaagad."

Binalik ko ang tuon ko sa lalaking ito, napansin kong may suot itong kwintas.

"Linisin niyo kaagad ito." Ani ko. Napabuntong hininga nalang si Soul.

"Sige." Agad na may tinawagan si Soul sa kanyang celpon.

Nakita ko na naman ang kwintas na ito, rosas na may nakatusok na kutsilyo. Ako talaga ang pakay nila. Nalaman nila na ako ang nasa likod ng maskarang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

59.8K 1.6K 49
Kaezen Alejo, a 25 year old assassin who lives a life of secrets and danger. After being poisoned to death by her own sister due to jelousy, Kaezen...
102K 3.7K 97
#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Na...
7.4M 245K 50
𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟰 || Nel had always been easygoing and unworried about her missions as she was confident with...
876K 27.6K 44
Madison Vasquez is a drop-dead gorgeous and a perfect recipe for immense destruction of Vasquez family. Avrielle Rawén Valle d'Aosta Cervantes is wil...
Wattpad App - Unlock exclusive features