Because I Love You.that's all...

By NCHersheys

500K 7.7K 1.6K

Because I love you, that's all Period! it's about the cool and charismatic girl who secretly inlove with the... More

Because I Love You.that's all period!
BILY.TAP [1]
BiLY.TAP [2]
BiLY.TAP [3]
BiLY.TAP [4]
BiLY.TAP [5]
BiLY.TAP [6]
BiLYTAP [7]
BILY.TAP [8]
BiLY.TAP [9]
BiLY.TAP [10]
BiLY.TAP [11]
BiLY.TAP [12]
BiLY.TAP [13]
BiLY.TAP [14]
BiLY.TAP [15]
BiLY.TAP [16]
BILY.TAP [17]
BiLY.TAP [18]
BiLY.TAP [19]
BiLY.TAP [20]
BiLY.TAP [21]
BiLY.TAP [22.1]
BiLY.TAP [22.2]
BiLY.TAP [23]
BiLY.TAP [24]
BiLY.TAP [25]
BiLY.TAP [25]
BiLY.TAP [26]
BiLY.TAP [27]
BiLY.TAP [28]
BiLY.TAP [28.2]
BiLY.TAP [29]
BiLY.TAP [30]
BiLY.TAP [31]
BILY.TAP [32]
BiLY.TAP [33]
BiLY.TAP [34]
BILY.TAP continuation...
BiLY.TAP [35]
BiLY.TAP [35] continuation...
BiLY.TAP [35] another continuation
BiLY.TAP [36]
BiLY.TAP [37]
BILY.TAP [37.2]
BiLY.TAP [38]
BiLY.TAP [38.2]
BiLY.TAP [38.3]
BiLY.TAP [39]
BiLY.TAP [40]
BiLY.TAP [41]
BiLY.TAP [41.2]
BiLY.TAP [41.3]
BILY.TAP [41.4]
BiLY.TAP [42]
BiLY.TAP [43]
BiLY.TAP [44]
BiLY.TAP [45]
BILY.TAP [46]
BILY.TAP [47]
BiLY.TAP [48]
BILY.TAP [49]
BILY.TAP [50]
BILY.TAP [51]
BILY.TAP [52]
BILY.TAP [53]
BILY.TAP [54]
BILY.TAP [55]
BILY.TAP [56]
BILY.TAP [57]
BILY.TAP [58]***
BILY.TAP [59]
EPILOGUE <3

BiLY.TAP [60] final chapter!

6.3K 146 66
By NCHersheys

CHAPTER 60:

Our story is all started from the time na narinig ko siyang tumugtog nang piano sa mall. Akalain mong isang simpleng kantyawan lang nang mga pinsan niya noon sa kanya ay siya na palang nakatakdang panahon namin para makita ang aming mamahalin habang buhay... till eternal life.

“Yeah! I played the desperate role here who stalked wyz everywhere just to get information about him... ” –ZEF

“And I played the Mr. Perfect/Smart/Rich here who did nothing but to ignore the very charismatic/seductive/cool Zefina Mendoza...” –WYZ  

..........

Ang gusto ko lang naman sabihin dito...

ay kung anong meron sa storya namin at tinangkilik niyo siya hanggang sa huli.

Unang nag-krus ang landas namin sa isang bar. Sinayaw niya ako at pumayag ako but wait... he left me pala sa dance floor. How rude is that guy is? Napaka RUDE! As in. no one... ever... as in no one talaga ang nagbalak o gumawa nang ganung bagay sa akin maliban siya!

~pero... no one! Ever! No one ever makes me feel this way toward a man. At naging dahilan para maging isang baliw na tagahanga niya ako. Take note! LIHIM NA TAGAHANGA!

It was also him. Ang unang TAONG nanalo over me in car racing. And take note guys... nakipag deal pa siya and yeah... i became his slave for i don’t know when.

 ~but that was the first relationship we had... master and slave.

Hindi naging ordinary ang story namin dahil ako, si Zefina Mendoza ang unang nagtapat sa duwag at tangang si Wilwayne Yamaza Zigman. Nilunok ko lahat ng hiyang meron ako para lang magtapat sa kanya. At ako na talaga... ako na ang matapang!

~and I don’t regret everything.

Simula sa panahon na narinig ko siyang tumugtog ng piano...

Simula sa panahon na nakilala ko siya...

Simula sa panahon na hinangaan ko siya...

Hindi ko yun pinagsisihan at naging thankful pa ako. ABAH! Biniyayaan lang naman ako ng isang WYZ! San ka pa?

Pero akala ko... puro kasiyahan na lang ang mararanasan at mararamdaman ko kapag kami na ni wyz. Oo, may mga pagsubok kaming hinaharap. Pero ang hirap pala kapag... mismong siya na yung parang kinakalaban mo, mismong siya na yung nawawalan nang oras sa iyo. Gayong alam mo sa sarili mo na sayo lang siya.

Hindi ko maikakailang nagkakaroon kami ng tampuhan, at unfortunately, AWAY! Tulad ngayon...

“What did I tell you? Ang sabi ko 10am magkita tayo dito sa cafe pero anong oras na wyz? Kanina pa akong 9:30 dito...” sabi ko habang nanggigigil sa upuan ko. ang sarap sugurin nitong lalaki sa harapan ko.

“inexplain ko naman na may meeting ako di ba?” sagot naman niya at kitang-kita kong nagpipigil siya sa pag-sigaw.

Hindi na ako kumibo dahil nagpipigil din ako. ayaw kong lumaki pa itong inis ko sa kanya. Ilang beses na bang nangyari itong away namin?

 “Sorry zef.” sabi niya.

I look at him. He looks sincere pero, “pang ilang sorry mo na yan?” tanong ko sa kanya. Hindi lang kasi ito ang unang beses na pinaghintay niya ako. It’s the 5th time.

“Sorry. Ok?” hinawakan niya yung kamay ko. “You have to understand zef na—“

Tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Naiinis kasi ako. INIS AKO!

“Zef. Please... stop being like a child na nagta-tantrums—“

Aba’t ano daw? “so tingin mo nagtatantrums ako? For God sake!” buhos ko tong kape sa mukha mo eh!

“You have to understand zef that i’m busy.”

Busy...

Nanahimik nanaman ako.ayaw ko nang magsalita. Busy siya eh. For one week hindi ko siya nakita. Palagi nalang kami sa phone nag-uusap. I let it be dahil iniintindi ko siya pero nakakapuno na kasi ito. Tsaka pambihira! nag aaway nanaman kami.

At ito pa ah!

Yung tipong konting pagkakamali lang nang isa napapansin na. Ako nga noon na-late lang ako ng 10 minutes, parang dalawang oras akong late dahil grabe siyang magtampo.

Samantalang ako, kanina pa akong 9:30 at ang usapan ay 10:00am. Pero anong oras na? magtutwelve na.! yeah right! It’s already lunch time.

“umorder na tayo.” Sabi niya at tinawag yung waiter.

Hindi ko alam pero dala siguro to ng irita at inis ko sa kanya kaya tumayo ako. “Umorder kang mag-isa mo.”

And i left him.

Hindi ko na kaya itong nararamdaman kong inis kay wyz. Hindi naman dahil sa pagiging late niya kaya ako naiinis at nagtatampo sa kanya. Ang akin lang, he never gave importance to me this past few days. Pinuntahan ko naman si aira at umiyak ako sa harapan niya.

“Nakakainis kasi siya aira. Hindi ko alam na bilang girlfriend niya, dapat pa akong pumunta sa secretary niya para magpaschedule ng lunch date. UGH! Alam mo yung naiinis na gustong magwala? Ako yun!” tinungga ko naman yung alak na binili ko pa bago pumunta sa place ni cuss.

“tama na pinsan! Wag ka na ngang madrama diyan! Baka naman misunderstanding lang yan? O kaya naman sadyang busy lang si wyz. Kailangan mong tanggapin. Dahil alam mo naman na siya na ang magiging tagapagmana ni Mr. William.”

Umiling naman ako bilang tanda na SOBRA AKONG DUMIDISAGREE kay aira. “it’s not that!”

“then what?” lumapit si aira at sinusubukan niyang kunin yung bote ng alak. Pero di ko binibigay.

Duhh! Hindi pa ako lasing. Di naman ako malalasing nang ganito. Sanay kaya ako sa inuman.

“tell me. what’s bothering you?” tanong ulit ni aira.

Yumuko naman ako at kalaunan humiga sa sofa. Nakaramdam ako nang antok... “parang kasing...” hindi ko na mapigilan ang umiyak nanaman ulit. Ayoko itong isipin pero ito talaga ang naiisip ko... “baka hindi na ako mahal ni wyz.”

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari...

Nakatulog na ako.

Naalimpungatan naman ako sa musikang pinapatugtog ni cessy sa condo niya...

 

I'm at a payphone trying to call home
All of my change I've spent on you
Where have the times gone baby
It's all wrong, where are the plans we made for two

If happy ever after did exist
I would still be holding you like this
All those fairytales are full of it
One more stupid love song I'll be sick

 

Habang nakikinig ako, hindi ko mapigilan ang isipin ulit si wyz.

Bakit ganun siya? nawawalan na siya nang oras sa akin? Ayaw kong isipin na hindi na niya ako mahal. Kasi alam ko kung gaano niya ako kamahal. Hindi niya man sabihin yun, nadarama ko... pero noon yun. noong mga oras na bago bago pa lang relasyon namin...

Pero hindi ngayon na ilang taon nang kami...

Hindi kaya nagsasawa na siya sa akin?

Hindi kaya ito na yung sinasabi nilang panlalamig?

Pinitik ko yung noo ko, pumikit, ngumiti at bumulong sa sarili ko. “ano bang pinagsasabi mo zef? Hanggat wala siyang sinasabi na ganoon, manahimik ka. Ok? Huwag na huwag kang mag iisip nang ganun. Bad yun! masama sa katawan... masakit sa puso...

Sinasaktan mo lang sarili mo.”

Pumikit lang ako at pinakinggan ko yung kanta...

At hindi nagtagal... narinig kong may nagdoorbell sa condo ni aira...

Wala akong ganang tumayo o magmulat ng mata. Pumikit lang ako at nagtulog tulugan. Narinig ko naman ang pagtakbo ni aira sa may pintuan at binuksan ito...

And since nasa living room lang ako,

Narinig ko naman yung boses ni...

“nasaan siya?”

Hindi ako pwedeng magkamali... si wyz yun.

“ano ba kasing nangyari wyz? Ayan! Tulog. Lasing na siguro yan.”

Alam niyo yung pakiramdam na pagod na ako? wala na akong lakas para ibukas yung mata ko, magsalita at harapin siya? kaya nagpatuloy lang ako sa pagtulog pero naririnig ko sila...

“ Kanina pa iyak nang iyak iyan...”

Naramdaman ko naman na may humaplos sa pisngi ko... si wyz ito.

“paulit-ulit niyang sinasabi habang tulog siya na nagsasawa ka na daw sa kanya... na nanlalamig ka na sa kanya...”

Bigla naman huminto yung paghaplos niya sa mukha at buhok ko... bagkus, narinig ko siyang bumuntong hininga. “sinabi niya yun?” narinig kong sabi niya.

Hindi ko napigilan yung sarili ko. Naramdaman kong may pumatak nang luha sa pisngi ko. hindi ko maintindihan ang sarili ko, pagkarinig ko nang boses niya, parang may kumirot sa puso ko at nanghihina ang katawan ko. At dama ko yung frustrations sa boses niya.

“iuuwi ko na siya.” sabi naman niya at binuhat niya ako.

“gabi na wyz... bukas mo na lang siya iuwi.” Sabi ni aira.

“ako nang bahala... kaya ko pa naman.” Sabi ni wyz at binuhat na niya ako palabas ng place ni aira.

“pero wyz you look tired. Are you ok?” rinig ko ang pag-aalala sa boses ni aira.

Pero hindi ko narinig si wyz na nagsalita.

Binuksan ko yung mata ko at nakita ko ang mukha niya... “wyz...”

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. “i’ll bring you home...”

Kumapit naman ako ng mahigpit sa pagkakarga niya sa akin. At sinandal ko yung ulo ko sa dibdib niya.

Pero kahit na siya ang dahilan ng lungkot at sakit na nararamdaman ko, siya pa rin ang nanaisin kong makasama, makayakap at mahalin.

Nang makarating kami sa kotse niya, inupo niya ako ng maayos at siya na ang nagkabit ng seatbelt ko. Tinititigan ko lang siya at pinagmamasdan ko ang itsura niya. Nakaramdam ako ng guilt nang makita ko yung malalim niyang mata at oo nga, tama si aira... he looks tired.

Sumakay na si wyz. Humarap naman siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Hindi naman ako kumibo at pinikit ko lang yung mata ko na parang matutulog na ako. Hindi ko gustong kausapin siya ngayon. Nagtatampo pa rin ako.

*kring...*

Cellphone niya yun.

“yes shiela?

...

What? paano nangyari yun? hindi ba’t—

...

Ok! I’ll fix it tomorrow.

...

Then what?

...

Later.

...

May inaasikaso pa ako ngayon.

...

Ok. Sige.sige. pupunta ako diyan mamaya.

...

Ok. Bye.”

Aww. Wyz? Ano bang dapat kong maramdaman sa ngayon?

Masaya ako at inaasikaso mo ako. Ito naman kasi talaga ang gusto ko, ang makasama ka at bigyan mo nang pansin. At inuna mo pa ako kaysa sa ‘mukhang’ importante mong lakad.

Pero nasasaktan ako, bakit parang lumilitaw na pabigat ako? Parang dumagdag lang ako sa burdens mo.

***

“bakit nagmumukmok si Princess Zef?” tanong ni mommy nang pumasok siya nang kwarto ko.

Nilingon ko naman siya at ngumiti ako ng tipid. “hindi naman po ako nagmumukmok.” Sabi ko.

Umupo siya sa kama ko at hinawakan ang braso ko. “anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka lumabas? Nasa labas sila kristoff at kieshia. Hinahanap ka.”

Ngumiti naman ako. “talaga? hmm... mamaya mommy bababa ako.”

Pinagmamasdan naman ako ni mommy na parang alam niya na may pinagdadaanan ako ngayon. And she wants to know kung ano yun...

“ano bang nangyari? May problema ba?” she looks at me in my eyes and asking me like, my mom is really concern.

I took a deep breath. “mommy, pabigat ba ako kay wyz?”

Nabigla naman si mommy at tinawanan ako after. “bakit mo nasabi yun?”

“kasi mommy, alam ko naman na busy siya, pero konting time lang naman hinihingi ko. Yung rest hours niya, pero bakit ganun? Parang ang sama ko kasi hindi ko kayang intindihin yung mga nangyayari.” Napailing ako. “mommy gets mo? Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito...”

Tinitigan lang ako ni mommy at ngumiti. “alam ko ang nararamdaman mo. Naramdaman ko na kaya yan sa daddy mo before. Tsk.”

Tumabi naman sa pag-upo si mommy sa akin at tinuro niya yung lap niya. Humiga naman ako at umunan sa lap niya. And then, hinaplos niya yung buhok ko.

“walang masama sa paghingi ng time zef. Pero alam mo kasi, ako mahal na mahal ko ang daddy mo. Kahit na wala nang oras sa akin yan at puro yung negosyo na lang ang inaasikaso niya, hinding hindi ako magtatampo at magagalit...”

Habang nagsasalita si mommy nakangiti siya. “Bakit mommy? Eh di ba mas masaya kung may free time kayo?”

“oo naman. Masaya yun.” naramdaman kong pinitik niya ang noo ko. “pero nakalimutan mo zef, pinakasalan ko siya. Siya na isang very responsible man. Intellectual. Dedicated. Motivated. Kaya I have to deal with it. tanggap ko na siya, at kasama na doon yung kahit na wala na siyang oras sa akin, basta ako... nandito pa rin para sa kanya. Para kapag kailangan niyang magpahinga, ako ang magiging sandalan niya. Hindi na ako maghahangad pa nang date or what sa kanya. Ngiti niya lang sapat na. Yung makita ko siyang masaya sapat na.

Hindi isang ordinaryong tao si wyz. Minahal mo siya, kaya dapat mahalin mo rin yung mga responsibilidad na nakadikit sa buhay niya. Dapat nga maging lakas ka niya sa mga panahon na napapagod o nanghihina siya. hmmm...”

TT___TT oo nga noh? Ang tanga mo talaga zef! bakit hindi ko naisip yun?

Ang pag-ibig hindi lang puro hingi at kuha... dapat nagbibigay ka rin.

“gets ko na mommy.” Tsaka ako tumawa at niyakap siya. “thanks!”

*****

Tinext ko naman si wyz kung nasa office siya. Magpiprepare ako ng lunch niya. Ipagluluto ko siya. LOL! oo na, wag niyo na akong batuhin ng kamatis! courny man pero ito ang gagawin ko. Babawi ako sa lahat ng ginawa kong ‘immaturity’

*kring...*

Oh? May tumawag sa cellphone ko kaya sinagot ko naman.

“hello?”

(zef?) malamyang sagot nang nasa kabilang linya.

“wyz?”

(yeah. so bakit mo pala tinatanong kung nasa office ako?)

“hmm. Kasi... secret. Ano? Nasa office ka? Bibisita ako.”

(talaga?) narinig ko naman yung excitement sa boses niya.

“yep! So ano?”

(sure. Hihintayin kita.)

“oh sige. See you honey!”

And i ended the call. Excited na akong makita si wyz.

Pumunta naman ako sa office niya.

Habang naghihintay akong bumukas ang elevator, nakita ko yung secretary ni wyz...

“shiela!” nginitian ko siya.

“ma’am~! Kayo po pala!”

Tinaas ko naman yung paperbag na dala ko. “dinalhan ko nang lunch si sir mo.”

“wow! Ang sweet niyo naman po.”

Bumukas naman yung elevator at pumasok kami... “ngayon ko nga lang ito nagawa.” At nalungkot naman daw ako.

“ma’am, napakaswerte niyo po kay sir. Kasi nung isang araw, sabik na sabik siyang makita kayo. Excited siyang maglunch dahil may lunchdate daw po kayo. Kaya lang yung meeting with the clients po kasi mabusisi talaga at ayaw pang idismiss yung meeting. Inis na inis na nga si sir kasi bukod sa gutom na siya, baka daw naghihintay na kayo...”

OMG! Yun yung... sinigawan ko siya dahil late nanaman siya. at what? gutom siya nun?

*ting!*

Nakarating naman ako sa office ni wyz. Wala yung secretary niya kaya tumuloy na ako sa pinto. Kumatok pa ako bago pumasok. LOL! syempre, ayokong maging rude. Pagbukas ko nang office niya, nakita ko siyang nakaub-ob sa mesa niya.

“wyz?”

Napabangon naman siya at napatingin sa akin.

Nagulat ako sa nakita ko...ang haggard ng itsura niya pero pogi pa rin siya.

Ngumiti siya at tumayo. Sinalubong niya ako nang yakap. “zef... i miss you.” i feel na hinalikan niya yung ulo ko.

I hugged him back and so tight. “i miss you too...”

“anong ginagawa mo dito? Did you eat already?” tanong niya.

“hindi pa.” sabi ko. at pinakita ko yung paper bag. “But look! I have something for you. LUNCH.”

“binili mo?” tanong niya.

Ay ang sama! “niluto ko to noh!” pagmamalaki ko.

Natawa naman siya. “at kelan ka pa natutong magluto?”

“Nung mga panahon na wala kang oras sa akin nag paturo ako kay mommy at mamang na magluto.”

Mukha naman siyang naguilty. LOLS! Kinuha niya yung paper bag at sinilip ang nasa loob... “masarap naman kaya ito?”

Hinampas ko naman siya sa balikat. “kumain ka na lang. ok?!”

Habang kumakain si wyz... hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Ang kulit niya kasing kumain, parang bata na ngayon lang nakakain. “dahan-dahan...” sabi ko.

“ang sarap...” tsaka siya tumawa.

Ang gwapo niya pa rin talaga kahit na saang anggulo ko siya tingnan. Kahit na haggard na yung itsura niya, attractive pa rin siya.

“wyz...”

Hindi naman siya kumibo. Patuloy lang siya sa pagkain. I took the opportunity para magsalita...

“wyz... will you marry me?”

Napatigil naman siya sa pagkain, at tumingin sa akin na parang gulat...

Nginitian ko siya.

“wyz... pakasal na tayo...”

Wala na akong pakielam kung ako pa ang magpropose sa kanya. Kaysa hintayin ko pa siya. 2 years ko na siyang hinintay pero hanggang ngayon di pa rin siya nagpopropose.

“alam ko busy ka ngayon. Alam ko rin na nawawalan ka na nang oras... Pero wyz, naiintindihan ko na ngayon.” Tinaas ko naman yung right hand ko. “Promise!”

Hindi naman siya kumibo at nakatitig pa rin si wyz sa akin.

“look wyz, gusto kitang alagaan.

Gusto ko kapag pagod ka na ako ang mag-aasikaso sayo. Ako ang magluluto ng breakfast, lunch, and dinner mo.

Gusto ko sa pagdating mo ng bahay ako yung sasalubong sayo at kakamustahin ang araw mo.

Gusto kong ako yung magtatanggal ng sapatos mo at maghahanda ng gagamitin mo sa pag shower.

Gusto ko sa pag-gising mo ako yung una mong makikita na nakangiti sayo.

Ako yung maghahanda nang pampaligo mo at maglalagay ng neck tie mo.

I want to be your wife...

I want to be the mother of you children,

Our children.”

Hindi ko alam pero parang napipi na ata si wyz at hindi na siya marunong magsalita.

“wyz magsalita ka naman...”

Tahimik pa rin siya kaya ... “WYZ ANO BA?!!!” sinigawan ko na.

At mukhang natauhan naman siya at pinilig niya ang ulo niya.

He looks at me with those eyes na parang hindi ko alam pero... they are not what i expected to be. I thought he would be happy with my proposal...

“zef kasi...” hindi niya matuloy yung sasabihin niya.

“what? kasi ano?” naiinip na ako. and i am preparing myself sa isang bagay na kinatatakutan ko...

“zef, alam mo naman na this past few days hindi na kita nabibigyan ng time—“

“gets ko na yun wyz. Naiintindihan ko na ganyan ka na talaga. Magpapakasal ba naman ako sa isang wilwayne yamasa zigman na napakaraming responsibilidad sa mundo. Kaya nga niyayaya na kitang magpakasal, para maalagaan na kita, maasikaso at gusto kong makasama ka.”

Natahimik naman siya habang tinititigan ako. kalaunan, bumuntong hininga siya and he look away. Napapikit siya na parang hindi niya kayang magsalita...

“what do you think wyz?”

He then took a deep breath before he looked at me.

“zef it’s not yet the right time... may time para jan at—“

I WAS SHOCK. Nasaktan ako, nadisappoint. Nag expect kasi ako eh. ! Akala ko kasi papayag siya na magpakasal sa akin

“So you turned down my proposal?” I ask straightly.

“It’s not that...”

“YES. IT IS! Ano pang tawag mo jan sa pagdadahilan mo?”

Tumayo na ako at tiningnan siya nang masama. “nakakainis ka talaga!! ako na nga itong nagpropose sa iyo, tapos ito pa mapapala ko? ang sarap mong kitilin alam mo yun?! HUH?!!”

Hindi ko na siya hinayaang magsalita. Tinalikuran ko naman siya at umalis na.

Hindi man lang niya ako pinigilan.

Huhuhu T_T

.......................

1 month later...

At birthday ko nanaman NGAYON! True. Ngayon ang birthday ko at napakalungkot ko. Dahil hindi pa rin kami ayos ni wyz hanggang ngayon. Simula kasi nung nagpropose ako sa kanya, hindi ko na siya kayang harapin. Napahiya ako noh! Hindi ko talaga siya kakausapin hangga’t hindi siya ang unang kumausap sa akin.

“HOY GURANG!” si equin.

I glared to equin para magdisappear na siya nang tuluyan pero wa-epek. Hindi ata talaga nawawala ang mga gaya niyang pasaway! “ANO NANAMAN?!!” sigaw ko sa kanya.

Natawa naman siya. “Gurang kana naman. Ahaha happy birthday!”

Ang sama nang equin na ito. One year older lang ako sa kanya, kung maka gurang parang napakatanda ko na. “thank you ah! Nakakatuwang greetings yan!” at inisnab ko siya.

“ABA! Hmp. Tara labas tayo! I-date kita para naman di mo mamiss si kuya wyz!”

At tama ba naman na bigkasin ang pangalan ng lalaking miss na miss ko? hmp!

Hinila niya ako sa parking lot namin. “sakay!” sabi niya.

Idi-date ako ni equin? Hmm. Ayos lang! wala naman akong kasamang magcecelebrate ng birthday ko eh. Wala sila mommy at daddy. Sila cessy kasama ang parents niya sa hong kong. Si Shane kasama si Bryan.

Alam niyo naman, February 14. Valentines day ngayon. Hasyt! Ayoko nang mag isip pa! na dudurog lang puso ko.

Sumakay na ako ng car ni equin.

“saan tayo pupunta?” tanong ko.

“kahit saan. May alam akong bago ngayon eh!”  sabi naman ni equin at nagdrive na siya.

Pinabayaan ko nalang si equin at ako’y tumingin na lang sa daan. At nang makaramdam ako nang pagkainip binuksan ko yung mp3 ng car niya.

Napatigil naman ako sa kantang tumugtog...

♫ Ang awiting ito
ay alay sa yo
sintunado man itong
mga pangako sa iyo
ang gusto ko lamang
kasama kang tumanda ~~

Kasamang tumanda? Katono nang grow old with you?

“HOY EQUIN? ANO TONG KANTA NA ITO?” sumigaw ako baka kasi di niya marinig. “Tsaka sino ang kumanta? Ang ganda ng boses niya...” bulong ko.

“ano?” tanong naman niya.

“sabi ko. ano tong kanta na ito?”

“tagalog version nang grow old with you!” sagot niya at nagdrive na ulit

♫ patatawanin kita
pag hindi ka masaya
bubuhatin kita
pag may rayuma ka na
oh kay sarap isipin
kasama kang tumanda~~

“HAHAHAHAAHA” tawa pa ako ng tawa.

“oh napano ka? Nababaliw lang?” tanong ni equin.

“ang cute ng lyrics eh! Tsaka sino yung kumakanta? HAHA”

“tss. ewan! Si cessy naglagay niyan.”

“ahh...”

Nakinig lang ako nang kanta dahil natuwa na ako...

♫ Sasamahan kahit kailan man
humigit kumulang di mabilang
tatlongput araw sa isang buwan
umabot man tayo sa 3001 ~~

 

ang ganda talaga ng boses nung kumakanta, kaboses niya si wyz. I feel like crying tuloy. I remember nanaman si wyz. Sana kantahan niya ako ng ganyan. Huhu.

♫ at nangangako sa'yo
pag isinagot mong "OO"
iaalay sayo buong puso ko
sumang-ayon ka lamang
kasama kang tumanda ~~


“nandito na tayo!!!” sigaw ni equin.

Nagulat naman ako dahil nga tahimik akong nakikinig sa kanta tapos biglang sisigaw si equin.

Lumabas naman ako ng sasakyan and to my surprise... “NASAAN TAYO?!!”

Toinks!

Nasa isang napakagandang park kami. Maraming puno, malinis na daan, pero walang tao. At doon sa parteng di kalayuan sa lugar namin ni equin ay may lawa.

Iniwan ko naman si equin at tumingin lang sa paligid.

Napakaganda...

Isang park na maraming butterflies, flowers...

Tahimik lang ang lugar. Good place for sanctuary.

“WOW! Ang ganda.” Sabi ko na lang sa sarili ko...

“you’re more beautiful...”

Nanlaki yung mata ko. Hindi dahil sa sinabihan ako nang ganun ni Equin. Kung di dahil... hindi si equin yung nagsalita...

And hindi ako pwedeng magkamali...

Lumingon ako sa nagsalita...

“wyz?”

Ngumiti naman siya at lumapit sa akin... habang papalapit siya, pinagmasdan ko ang itsura niya. He was wearing a black leather jacket, cool. White plain t-shirt na panloob and black pants with white wade shoes. And guys, he looked younger than the last time na nakita ko siya. Maayos na yung mukha niya. He’s way perfect than ever.

“Good thing you came.” At nilahad niya yung kamay niya.

Tiningnan ko naman yung kamay niya, may dalawa siyang hawak na papel na nakatupi. “ano yan?” tanong ko.

“papel?”

I glared which makes him laugh harder. “alam kong papel yan!”

“pili ka.” Sabi niya.

Pumili naman ako.

And then, tinago niya sa jacket niya yung hindi ko pinili at nilagay niya sa bulsa ng jacket ko yung pinili kong papel.

“para saan to?”

“laro tayo.” Sabi niya.

“Hoy wyz wag mo akong idamay sa pagka isip bata mo—“

Pero di niya ako pinatapos. “race tayo hanggang doon...” at tinuro niya yung dulong part ng park. “kita mo yung hanging bridge? Yun ang finish line.”

“and then? Anong price nito?”

“ang magiging sagot sa katanungan ko ay ang mga papel na ito. At kung sino man ang manalo, siya ang may hawak nang kasagutan.”

“sagot saan?”

He just wink and walk toward the red sports car.

Nagulat naman ako dahil “ANO!? TEKA! Si Red Saphire ni brentix yan ah?” laking tuwa ko at nakita ko siya ulit...

“correction, akin design ito!” at Sumakay na siya kay red saphire.

“kahit kailan talaga wyz swapang ka pa rin! E di sayo na design yan.”

Hmp! Nakakainis. Dapat doon na lang ako kay red saphire.

Pero di nga? Mag rirace kami? For what? hmm...

Sumakay naman ako sa isang sports car na color black.

Nag exchange kami ng kulay. LOL!

Since wala namang signal kung simula na ba o hindi, nauna na ako. HAHAHA! yaan mo si wyz. Mukhang di naman seryoso itong race na ito.

At dahil inunahan ko siya, nauna na ako. NAMAN! Walang kahirap hirap.

Bumaba ako ng sasakyan at hinintay ko ang pagdating niya. sa ginawa niyang ito, naalala ko yung time na kami yung naglaban sa eound 3... at tinalo niya ako.

Lumabas naman sya nang red saphire at mukha pa rin siyang cool.

Bigla naman may tumugtog sa park... para siyang tunog nang gitara...

Narinig ko naman na kumanta si wyz,

“I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you”

Nanlaki yung mata ko. teka?! Kinakanta ni wyz ito? Eh di ba yung meaning nito is... kasamang tumanda?

Natawa naman ako bigla dahil naalala ko yung sa car ni equin.

“I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you.”

Pero infairness, namiss ko itong boses niya.

Habang pinapakinggan ko siyang kumanta, hindi maalis yung titig ko sa kanya.

Siya naman ngiti lang ng ngiti habang kumakanta.

“I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control”

Napapailing ako sa ginagawa niya. hindi ko kasi gets itong ginagawa niya. ayaw ko naman mag expect. Sinusuyo niya lang ba ako ngayon? O gusto niya lang ako pasayahin dahil nagkaroon kami ng tampuhan at birthday namin ngayon.

“So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you”

Tumigil naman siyang kumanta pero yung naririnig kong music sa park nandoon pa rin.

“anong ibig sabihin nito wyz?” tanong ko kay wyz.

“Gusto kong malaman ang sagot nang papel mo.” Sabi niya at lumapit sa akin.

“sagot saan?” tanong ko naman...

Wala naman kasi siyang tinatanong. Tsaka kumanta lang siya, di naman siya nagtanong.

“tanong sa...

Zefina mendoza, will you marry me?”

O_O

Ano daw?

“ang nakalagay sa isang papel

‘yes, i will marry you.’

at ang isa naman ay

‘i will not marry you’.”

ANO DAW?!!!!!

Yung isa ‘i will’ at yung isa ay ‘i will not’? nababaliw na ba siya? paano nalang kapag yung napili ko ay i will not?

“Walang hiya ka talaga noh! Bakit mo to ginagawa? Paano kung i will not marry yung napili kong papel?” inis kong sabi sa kanya.

“buksan mo na.” sabi niya na parang natatawa.

“mababatukan talaga kita. AYOKO!” nagmatigas ako. duh! alam naman niya yung isasagot ko pero bakit niya iniasa sa papel na nabunot ko.

Bakit di na lang niya ako tinanong. Sasabihin ko naman ang matamis na oo.

“trust me. buksan mo na.” sabi niya ulit. Cool pa rin siya.

“ayaw sabi eh!” tinalikuran ko naman siya.

Pambihira! Nababaliw na talaga si wyz. Tama ba namang—

“kung ayaw mo, yung akin na lang bubuksan ko.” narinig kong sabi niya.

Nilingon ka siya and i glared. Pero di siya natinag. Kinuha niya yung papel at at binuksan ito. Natawa pa siya sa nakita niya...

Sabay pakita sa akin ng nakasulat...

I will marry you.

Ugh!

“ibig sabihin... ‘i will not marry you’ itong nabunot ko?” para naman akong nabagsakan ng maraming puno dito sa park.

Nakakainis talaga si wyz. Tama bang iasa sa pagpili ng papel ang lahat. Alam naman niyang mag ye-yes ako! ugh! Birthday na birthday ko sinasaktan niya ako.

Hindi ko tuloy mapigilan ang maluha. Masisira pa ata ang lovelife ko sa kagagawan niya. “kung ayaw mo akong pakasalan sabihin mo na! hindi yung dinadaan mo sa ganito!” inis kong sabi.

Kinuha ko naman yung papel at inalis sa pagkakatupi.

At hindi na ako nasurprise sa nakalagay...

I will not marry you.

Sinamaan ko nang tingin si wyz. Pero lumapit lang siya at... he planted a kiss on my lips.

I was shock. I will not marry you na nga ang nakalagay pero natuwa pa siya at hinalikan niya pa ako. pero magkagayon pa man...

Hindi ko napigilan ang sarili ko and i kissed him back.

After that,

Kinuha niya yung papel na hawak ko at binaliktad. Pinakita naman niya sa akin yung nakasulat na... ‘change n to p.

I was shocked. “i will not marry you, change n to p?... ibig sabihin... positive statement pa rin...”

Tumango lang si wyz habang yakap yakap niya ako.

WALANG HIYA! Naalala niya pa pala yung change n to p? nawala na sa utak ko yun ah? Hindi ko nga naisip yun eh...

“sorry kung natagalan.

Ayoko kasing madaliin ang lahat lalo na at maraming problema sa trabaho.

Pero ngayon na ok na...

Tuparin naman natin yung gusto mong mangyari...” nakangiti pa rin siya habang nakatitig sa akin.

Ako naman itong si Miss Speechless at hindi ako makapagsalita. Kilig na kilig na kasi ako at i can’t find any words to say. Ngayon ko lang narerealize na nagpopropose na pala siya.

“di ba gusto mo kapag pagod ako, ikaw mag-aasikaso sa akin? Yung tipong mamasaihin ako.

Di ba gusto mo rin na ikaw mag luto nang lahat ng kakainin ko?

Di ba Gusto mo rin na ikaw yung sasalubong sa akin sa pintuan pagdating ng bahay para kamustahin ang araw ko?

Di ba gusto mo ikaw ang magtanggal ng sapatos ko at ang maghanda nang pampaligo ko bago matulog?

Di ba gusto mo ikaw ang una kong makita sa paggising ko at gusto mong salubungin ang araw ko nang nakangiti?

Di ba gusto mo rin na ikaw ang maglagay ng neck tie ko?

Ito pa, di ba gusto mong ikaw ang maging wife ko?

At higit sa lahat, ang maging ina nang mga anak ko?

Ng mga anak natin?”

Sa bawat pagbanggit niya ng mga gusto ko, sinasagot ko lang siya ng tango. Naiiyak na nga ako, kasi ibig sabihin ba nitong lahat ng ginagawa niya ay nagpopropose na siya ng kasal?

Kahit kailan ka talaga wyz, napaka mo! Napaka sweet...

Niyakap ko naman siya... narinig ko pa siyang bumulong. “pero zefina mendoza, alam mo na ba ang isang bagay na gusto ko?”

Napatitig naman ako kay wyz at nagtaka. Kasabay nun ay ang pag-iling. “hindi... ano ba ang gusto mo?”

He smiled and kissed my forehead... “all i want is to grow old with you...”

I laugh... “oo nga pala. Kinanta mo palang kanina.”

“so...

Tara!

Pakasal na tayo.

Ready na ang lahat.

Nasa simbahan na sila mommy, daddy, tita ella, tito rafael, equin, cessy, bryan, shane, brentix, aira, jessa, charles, glayza, jason, tito renz, tita lennys, yung kambal(ziarre and elle), tito lex, tita lalaine, kristoff, and kieshia...

Tayo na nga lang hinihintay nila.”

NessieChocoHersheys’ Note:

Kayo? Gusto niyong umattend sa kasal nila Zef at Wyz? Ahai.

Hintayin niyo lang ang next update. Akala ko kasi ito na ang epilogue. Ito palang pala ang last chapter. LOL! sorry! Oh ayan.

Sensya kung inabot ng week itong update. Busy nanaman kasi. AHA! Pero buti nag update ako :*

 

I miss you too guys!

And i will miss you. :’(



EPILOGUE is the next! 

Continue Reading

You'll Also Like

60.7K 1.2K 10
College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dah...
119K 3.9K 42
Peyton. For him, three months of being burned out in his boring house, alone and crippled, is no different to a prisoner waiting to rot in jail. But...
36.5K 1.3K 41
Mahal niya si Oasis. Iyon lang ang description na kailangan. Huwag kayong ano.. HAHAHAHAHA Ang baliw na otor, - A
65 0 29
This story is all about a girl who has a long time crush with the sslg president of the school, without knowing that the president like her first and...
Wattpad App - Unlock exclusive features