Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty

276K 5K 298
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY

"WHERE are you going?" tanong ni Lana kay Heart nang makita niya ang bata na may bitbit na dalawang stuff toy. May dalawang nurse na kasunod ito at may mga bitbit ding laruan.

"Hi, Mommy Lana! I'm going sa playground. My friends are waiting there, eh."

Napangiti siya at lumuhod sa harap ng bata. Nabawi na ang lakas nito makalipas ang dalawang araw at halatang mas sumigla ito pagkatapos ng pagbisita ni Atty. Atayde kahapon. "You're gonna share them your toys?"

Umiling ito. "I'm gonna give these to them. I want them to remember me. Sabi kasi ni Attorney, I'm going home with my real Papa na daw, eh."

She patted her head and stood straight. "Sige, halika. Sasamahan kita." Sinenyasan niya ang mga nurse na sumunod lang sa kanila.

Pagdating nila sa playground ay lumapit agad si Heart sa mga batang kaedaran nito. Then the little girl started to give them the toys. Nakipaglaro si Heart sa mga bata habang siya ay naupo sa isa sa mga bench roon. Maya-maya'y tumawag si Dylan para sabihing susunduin siya nito mamaya para sabay silang makapag-lunch.

Binantayan na talaga siya ng asawa sa pagkain niya.

Pagbaba niya ng telepono ay saktong palapit sa kanya si Heart. "Mommy Lana!"

Pagkalapit nito ay binuhat niya ito at kinandong. "You're a good girl. You share to them your toys," puro niya rito nang makitang nag-e-enjoy ang mga batang binigyan nito ng laruan.

"I love those toys. Grandma gave those toys to me," sambit nito.

Napayuko siya rito. "Bakit mo ipinamigay? Isn't it important to you anymore?" Kung galing pala iyon sa mahalagang tao, hindi niya kayang ipamigay iyon ng ganoon lang.

Tiningala siya nito. "I want to share them my blessings. Lahat ng toys ko, si Grandma ang nag-buy and they are all important to me. Pero sabi ni Grandma, kapag daw mas need ng iba, I should give it to them," inosenteng sabi nito at saka tumingin ulit sa mga batang naglalaro. "Loving is giving. Huwag daw madamot."

Ouch. Medyo tinamaan siya roon. "G-Ganoon ba?"

"Sabi ni Grandma... ahh... Give the people ...what they need to... h-have and what they need... to k-know... if you can." dahan-dahan at paputol-putol na sabi nito.

Give the people what they need to have and what they need to know, if you can. "You're a smart kid, darling. Natandaan mo iyon?"

Heart happily nodded. "I always want to remember everything that Grandma tells me before she died. I need to keep it daw so when I grow up, hindi ako magiging madamot. I can be a maldita, but I should not forget to give and share," humahagikgik na sabi nito. "Love daw ni Papa Jesus ang marunong magbigay."

"That's true, Heart, darling. So don't get tired of giving something to those people whose in need. By the way, are you excited to see your Papa?"

Lumapad ang mga ngiti nito at sunud-unod ang pagtango. "Yes! Yes! Yes! He will be here next week, right? Sasamahan daw ako sa chemo, sabi ni Attorney."

Tumango siya. "Indeed."

"I'm so excited!"

Nakita niya nga ang genuine excitement sa mukha ng bata. Napangiti naman siya at saka niyakap ito ng mahigpit bago inutusang makipaglaro ulit sa ibang mga bata.

Pagkarating ng oras ng usapan nila ni Dylan ay eksakto ngang eleven-thirty siya nito sinundo.

"Where are we going to eat?"

Mula sa backseat ng kotse nito ay may kinuha itong malaking paperbag ng sikat isang sikat sa restaurant. "Sa condo ko na. May kailangan kasi akong ayusin doon. Tulungan mo 'ko."

"Sure," pagpayag niya. Three o'clock pa naman ang susunod niyang meeting kaya puwede siyang magtagal.

"How's your morning?" pangangamusta nito.

"So-so. May isang meeting lang na natapos agad tapos sinamahan ko si Heart sa playground."

"Aw! Ang 'Mommy', iniipon na ang happy moments niya with her baby," panunukso nito. Sinabi niya kasi rito na aalis na si Heart ng foundation dahil aakuin ito ng totoong ama.

Lumabi siya. "Don't start it, Dylan."

"Ikaw kasi. Ayaw mo pang magkaroon ng sariling baby sa'kin."

Piningot niya lang ito nang malakas.

Pagdating nila sa unit nito ay dumiretso sila sa dining area para kainin na ang dalang pagkain.

"Oh, by the way, honey," panimula ni Dylan habang kumakain na sila. "Kailangan ako ni Daddy for Guevarra Minings. I need to go to Cebu. Nagpapasama si Daddy to check our mining sites. Nagpapatulong din siya dahil nagkakaroon ng problema sa operations sa southern part ng Cebu," paalam nito sa kanya.

"Hanggang kailan ka doon?"

"Ahm..." Tumikhim ito. "A month?"

Gulat na napatingin siya rito. "Isang buwan?!"

Tumango ito. "Maraming kailangang asikasuhin si Daddy. Every year ay ginagawa talaga namin ang checking ng mining sites namin sa buong Pilipinas. Well, last year, hindi ako ang sinama ni Daddy pero ngayon, ako ang kailangan niya. I used to do the checkings nang nasa kompanya pa 'ko."

"Kailan ka aalis?" Lumaylay ang balikat niya. Ayaw niyang hindi nakikita si Dylan. Tapos isang buwan pa?

She caught him winced. "Mamayang gabi."

"Mamayang gabi?!" bulalas ulit niya. "Eh, bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Kanina lang rin sinabi sa'kin ni Daddy. Nalaman niya na wala naman pala akong masyadong trabaho sa hotel kaya i-istorbohin niya na daw ako."

Napabuntong-hininga siya. Naiintindihan naman niya ang dedication ni Dylan na tulungan ang ama nito kahit pa hindi ito ang magmamana ng Guevarra Minings. Dylan promised to himself that he'll forever be of help to his adoptive parents.

"Honey." He reached for her arm. "Don't be sad now. I'll call you. I promise that my phone will be safe with me. I'll call you every minute, I promise."

"Huwag kang OA. Nagulat lang ako. I mean, isang buwan? Pa'no iyong vacation nating dalawa?"

"Iyon pa. Plano ko, pagka-uwi ko at saka na lang tayo magbakasyon. Sakto sa Christmas season. Let's go to Baguio."

Nangalumbaba siya. She suddenly lost her appetite. "No making love for a month? That's sad."

Dinig sa buong unit ang tawa ni Dylan. "So, it's the sex, after all?" tukso nito at saka siya kinabig sa baywang.

"I have needs!" tumatawang sabi niya.

"Oh, Allana..." Hinalikan siya nito sa mga labi, mariin at mabilis. "Dapat pala hindi na lang ako pumayag. I hate to leave you here, you know."

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Naiintindihan ko naman na kailangan ka ng Daddy mo. Tatapusin ko na lang ang mga trabaho ko sa isang buwan bago ang Christmas vacation, para kapag nagbakasyon tayo, wala akong maiwang trabaho."

Nangunot ang noo nito. "Baka naman, pagurin mo na naman ang sarili mo? Baka naman mahimatay ka na naman. Ayoko, Allana. Magtrabaho ka lang ng sapat. I'll check on you, I'll call you time by time."

"OA ka talaga." Sinimulan na lang ulit niyang kainin ang pagkain.

"Nag-aalala lang ako." Binitawan na siya nito at saka ipinagpatuloy ang pagkain sa tabi niya. "Kung nakatira lang tayo sa iisang bubong, at alam na ng lahat na kasal tayo, my father won't ask me to come with him because he knows I have a wife to go home to."

Hindi siya nagsalita at saka pinagpatuloy lang ang dahan-dahang pagnguya sa pagkain niya. Lumunok siya at uminom ng juice. Then, she turned to him.

"I-I'll tell you something, Dylan..."

Natigil ito sa pagsubo ng pagkain. Ibinaba nito ang kutsara at saka rin siya hinarap. "What is it?"

"About our marriage... I mean, I'm happy to be married to you. I love you. But..."

Napansin niya ang pagka-tense nito. "But what?" mabilis nitong tanong.

"Eh, kasi... hindi ko alam kung maiintindihan mo 'ko. I mean, kaya ayaw ko pang ipalam sa lahat na kasal na tayo kasi... ibig sabihin niyon, I have to live with you."

Napakurap ito. "Ayaw mong... makasama ako sa iisang bahay?"

"Hindi. Hindi ganoon. Ang ibig lang rin sabihin niyon, I have to start my wifely duties to you. I have to take care of you, be responsible for the two of us, we'll start to have kids, and... and..." Napakamot siya ng batok. She's frustrated! She can't say the right words!

He cocked his head on the side. "You mean, ayaw mo pang umalis sa pagkabuhay-dalaga mo—sa mga mata ng mga tao."

She bit her lower lip and avoided his gaze. Napayuko siya at saka marahang tumango. "I love you, Dylan..." aniya habang nakatingin sa wedding ring na suot niya. "Kakaumpisa ko pa lang maranasan na maging independent woman. Alam mo iyon? For so many years, hindi ko magawa iyong mga gusto ko. Tapos kung kailan puwede na, nakasal naman tayo..."

Wala siyang narinig na kahit ano mula rito. Napaangat siya ng tingin at nakitang seryosong nakatingin ito sa kanya. "Go on. I want to hear more," kalmado at mahinang wika nito.

"Iyon lang naman. Gusto ko lang manghingi sa'yo ng kaunti pang time para maranasan ko iyong mga gusto kong ma-experience. So far and with all honesty, you're giving me the best sexual experience. And swear, sa'yo ko lang talaga gustong gawin iyon. Less guilt kasi hindi immoral iyong ginagawa natin."

His sexy lips curved into a grin.

"Seryoso naman ako sa marriage natin ngayon pero kapag alam na ng lahat, mag-iiba na ang takbo ng buhay natin. Alam mo iyon? Naiintindihan mo ba 'ko?"

His thumb brushed against his lips, over and over. Sumandal pa ito sa kinauupuan. "So you cannot give up being 'single' yet but at the same time, you wanted to keep me?"

Napapikit siya. "I'm so selfish, I know. I'm so sorry."

"Bakit hindi mo naman agad sinabi sa'kin" Napakamot ito sa sentido. "Para naman hindi kita nape-pressure. Ang akala ko kasi, kapag approved ng pamilya natin ang isa't isa, okay na. I thought your only concern is your family's reaction."

"Sorry..." Kumandong siya rito at yumapos sa leeg nito.

"Ako ang dapat mag-sorry."

Napaharap siya rito. "Bakit?"

He looked straight at her. "Wala ka sana sa dilemma mo, kung hindi kita pinakasalan ng ganoon-ganoon lang. I'm sorry if I stole your starting independence." Hinaplos nito ang kanyang mukha. "Damn! I just want to make you mine so bad, at that time."

Napangiti siya. "I'm settled with that issue na. You just creeped me out a little bit. Pero bawing-bawi ka naman sa role plays natin kaya okay na."

He chuckled and held her waist. "Now, I understand you even more. If you still want your independence, then I'll give it to you and I won't mind posing as your loving and supportive suitor or boyfriend. Tama nga naman, kung alam na ng lahat na mag-asawa tayo, may mga bagay na hindi ka na magagawa," anito habang mapagmahal na nakatingin sa kanya. "Just one thing though, don't date other guys or flirt with them. Adultery is a crime."

Lana chuckled. "I won't. I promise. Lalo na ikaw, ha?"

Kinindatan siya nito. "Mind you, no girls are allowed in my gym anymore. Mga employee na lang ang babae. Malaking income ang nabawas. But then, it's coping up. Ang mahalaga, wala ka ng pagseselosan. Sabi ko naman sa'yo, lahat ng gusto mo gagawin ko."

"Oh, you!" Pinaulanan niya ito ng halik sa buong mukha.

She's so much thankful that Dylan can tolerate her selfishness. Okay lang dito na mamuhay siyang dalaga habang nakatali ito sa kanya.

Nangako si Lana sa sarili, mula ngayon, sisikapin niyang ma-overcome ang ganoong attitude. Sasama na rin siya kay Prince magsimba. Above all, she knew that with the matters of changing for the better, God will help her.

Sa pagbibigay sa kanya ni Dylan ng mas marami pang oras na ma-enjoy ang independence, aaralin na rin niya ang maging isang mabuting asawa para sa oras na magsasama na talaga sila, they will be happier.

She cupped Dylan's handsome face. "Now, I know the reason why I still lived three times! Because I would love you, Dylan." She kissed his forehead. "Oh, thank God, I lived to be with you."

Mas lumaki ang mga ngiti ni Dylan, and there's this overwhelming love in his eyes.

***

"I'M REALLY gonna miss you," Dylan whispered as he hugged her from the back. Nasa kama na sila nito at simpleng cuddling na lang ang ginagawa pagkatapos nilang mag-make love, siyempre.

Hinaplos-haplos niya ang braso nito. "Same here..."

"Isang buwan. Isang buwan lang talaga. Then, we'll go to Baguio and set the cold nights on fire," mainit na pangako nito.

Mas idinikit niya ang likod sa dibdib nito. Isang buwan na hindi niya ito makikita at makakatabi... She just sighed. "I love you, Dylan. Behave ka doon, ah? Sabi pa naman nila, kakaiba daw ang Visayan beauties."

"I'm all yours, remember? Basta akin ka lang din. Ikaw ang mag-behave dahil baka pag-uwi ko, si Eugene na naman ang ka-date mo."

She giggled. "Hindi naman ako nakikipag-date. I'm trying to make friends. Di'ba, wala naman akong kaibigang talaga? I fail to do that when I was still young."

Napabuga ito hangin. Surrendering. "Okay, okay. Make friends. But with girls."

"Seloso!" Napangiti siya at biglang naalala si Eugene. "Ang bango talaga niya," she absent-mindedly said while remembering Eugene's scent.

"Sinong mabango?"

"Huh?" Napalingon siya rito. Did she just said it out loud?

Kunot ang noo nito. "May sinabi kang 'ang bango talaga niya'."

"Si Prince ang mabango. May bago kasi siyang perfume, naalala ko," palusot niya dahil baka magselos pa si Dylan.

"Sigurado ka?"

"Oo."

Mas niyakap siya nito ng mahigpit. "Kapag puwede na talaga, ipagsisigawan ko sa lahat na asawa kita. Para wala nang lalapit sa'yo at kung makipag-kaibigan ka man, alam nila kung hanggang saan lang sila."

"Possessive!"

"Parehas lang naman tayong madamot." Hinalikan siya nito sa sentido. "I love you, Allana."

Naglalambing na naman ito kaya naman tinapatan niya ng panunukso. "Paano Dylan kapag hindi pa pala ikaw ang true love ko? Paano kapag na-in love ako sa iba? Will you let me go?"

Nagsalubong ang dalawang kilay nito at naghalo-halo ang emosyon sa mga mata nito. He looks funny. Parang hindi alam ang isasagot. Maya-maya ay ibinaon nito ang mukha sa leeg niya. "Huwag ganoon! Ayoko ng ganyang tanong, damn it!" angal nito na parang bata.

"Come on, it's just hypothetical..."

"Hindi ko alam. Huwag nga kasi ganyan!" ani pa rin nito habang nakasubsob ang mukha sa leeg niya.

"Eh, paano nga kung mangyari?" panunukso niya pa. Pero alam niya sa sarili niyang hindi na. Si Dylan lang ang mahal niya. Ito na talaga for her the rest of her life.

"Bakit ba ganyan ang tanong mo?" parang naiinis na wika nito na hindi pa rin inaangat ang tingin. "Are you falling in love with someone else?"

"Hmm..." patuloy niyang pag-usig. Minsan masarap asarin si Dylan. Nakikita niya ang pagiging childish nito.

Marahas na lumayo ito sa kanya. Tumalikod ng higa. Natawa naman siya. Bakit ganoon? Nag-e-enjoy siyang pikunin si Dylan?

"There's nothing funny, Allana," seryosong sabi nito habang nakatalikod. "Kung nagmamahal ka ng iba. Sabihin mo ng diretso. Hindi ako natutuwa."

Lalo siyang natawa. Siya na lang ang yumakap rito mula sa likod at hinalikan ito sa batok. "Joke lang naman! Pikon ka agad!" Natawa na naman siya. Ang guwapo-guwapo nito kapag pikon! Oh, my! She's crazy!

Biglang bumangon ito at kinuha ang bathrobe na nakasampay sa headboard ng kama. Sinuot nito iyon at saka tumayo. "Mag-ayos ka na para mahatid na kita pabalik sa foundation. Hindi na 'ko magpapatulong mag-empake."

Napangiwi na siya. Now, she felt guilty. Bumangon rin siya at binalot ang kumot sa katawan. Hinabol niya ito. "Dylan, I'm just playing around. Sorry na..." Hinawakan niya ito sa kamay at hinarap sa kanya. Napasinghap siya nang makitang namumula ang mga mata nito. Parang... parang naiiyak...

Her big sexy husband is crying!

Mabilis niya itong niyakap. "Sorry, Dylan. It's just a joke. Hindi mangyayari iyon. Imposibleng ma-in love ako sa iba. Promise! Pinipikon lang kita but I don't want you to cry."

"Gusto ko, akin ka lang," he emotionally confessed. "Lahat-lahat sa'yo, akin lang. Pero... kung masaya ka sa iba, ayoko kang pakawalan but then I would ... And it will hurt," patag na lang ang tono nito. "It will hurt. So bad. Forever."

Tumagos iyon kay Lana. Argh! She noted to herself never to make fun of Dylan about their love for each other, again. "Joke lang kasi, eh..."

"Ikaw kaya ang tanungin ko ng ganoon? Will you let me go if I fall in love with someone else?"

Siya naman ang napaisip. Si Dylan may ibang kasama sa kama? Sa loob ng kotse? Sa shower room sa gym? Sa condo na 'to?

Napailing-iling siya. Oo nga. Nakakaiyak kapag iniisip! Ayaw niya nang ganoon! Gusto niya, siya lang sa buhay nito.

"Hindi. Hindi kita i-le-let go. I'll make love with you again, emotionally. Para mahalin mo ulit ako."

"Selfish."

Tiningala niya ito. Naglalaro na ulit ang kapilyuhan sa mga mata nito. Maya-maya ay napalayo siya rito.

"Are you just playing with me? Acting lang yung kanina?"

Tumaginting ang tawa nito at saka siya kinulong sa mga bisig nito. "Totoo iyon. Nakakatuwa lang ang pagiging madamot mo."

"You're annoying!"

"Just don't ask the same question, again."

"Pero... naiiyak ka talaga kanina?" tanong niya pa.

Nagkibit-balikat ito. "Nakakatakot ang tanong mo kanina. Hindi ko kayang sagutin. Gusto ko ring maging madamot katulad mo, pero sobra kitang mahal, na hindi rin kita kayang ipagdamot sa kasiyahan na dapat sa'yo."

She dreamily sighed. "Awww! Ang drama-drama natin. Gusto lang naman kita pikunin."

"Huh? Bakit gusto mo 'kong pikunin?"

She shrugged her shoulders. "Ewan ko. Masaya, eh."

"Weird." He lightly pinched her nose. "Halika na. Tulungan mo na 'ko mag-empake."

***

"ANONG gusto mong pasalubong?"

Nag-isip si Lana sa tanong ni Dylan. Kausap niya na ito sa cellphone. Tumawag ito bago mag-board ang eroplano nito.

"Dried mango! And please, come back to me safe and sound."

"Alright! I'll see you next month, honey. Enjoy your single life for now."

Napangiti siya. "See you, Dylan. I love you so, so much!"

"I love you more, honey. Umuwi ka na rin after you ate your chocolate cake, alright?"

Nasa pastryshop kasi siya. Kumakain naman talaga siya ng cake pero may hinihintay rin siyang tao.

"Yes, I will."

"Oh, before I forgot. Bakit mo nga pala natanong kanina kung may anak ako sa past girlfriends ko?"

"Wala lang. May kakilala kasi akong mayroon." Nakahinga siya ng maluwag nang sumagot itong siguradong wala dahil maingat daw ito. She just randomly asked him that question. "Sige na, ibababa ko na. Tawag ka na lang kapag nasa Cebu na kayo ni Tito Angelo, alright? Ingat kayo."

One last good bye and an 'I love you' then the call ended. Saktong namataan niya si Eugene na papasok ng pastryshop. Malapad siyang napangiti. Bigla kasing tumalon ang puso niya nang makita ang presensiya ito at hindi niya alam kung bakit.

"Hi, Lana. Kanina ka pa?"

"Yeah, kinda. Pero, okay lang. Kausap ko naman ang boyfriend ko sa phone kaya hindi ako nainip. Have a seat," muwestra niya sa upuan sa tabi niya.

"Thank you."

Nasamyo na naman niya ang kinagigiliwan niyang amoy nito nang tumabi ito sa kanya. "Ang bango mo talaga. Sigurado kang wala kang perfume na ginagamit?"

Umiling ito. "Wala talaga, like I've told you."

Tumango siya at in-enjoy ang amoy nito.

"So, kaya mo 'ko tinawag dahil gusto mo 'kong amuyin?"

She chuckled. "Sorry. Nakaka-adik kasi, eh." Pagkuwa'y ikiniling niya ang ulo at tinitigan ito. "Oh my, Eugene, parang lalo kang gumwapo." Mas guwapo pa nga ata ito kaysa kay Dylan.

Napailing-iling ito. "Kung wala kang boyfriend, iisipin kong nagkakagusto ka sa'kin."

Kung hindi niya mahal si Dylan, baka nga. "Anyway, alam mo na siguro kung bakit tinawagan kita." Inabot niya rito ang mug ng kape na in-order niya na kanina para dito. "Here, coffee. Mainit pa iyan."

Kinuha nito iyon at nagpasalamat. Nahalata niya ang panginginig nito habang hawak ang mug pero kalmado ang ekspresyon ng mukha nito.

"Nalaman ko na... ang foundation mo ang nag-aalaga sa a-anak ko."

Tumango siya. "Nagulat talaga ako nang malaman kong ikaw pala ang totoong ama ni Heart."

Napabuntong-hininga ito at sumandal sa kinauupuan. "Hindi ko alam na may anak ako kung hindi ko pa nakausap si Atty. Atayde. I admit, nagkaroon ako ng girlfriend na Tanya Aragon. But it's just for a short span of time. I met Tanya when I'm still studying at the US for college." Bumaling ito sa kanya. "Sila pa ang nagsabi na magpa-DNA ako. And when the results came out, I am ready to know and keep my daughter."

"She's lovely."

Ngumiti ito. "I'm excited to meet her."

Tinapik-tapik niya ito sa balikat. "Heart is excited, too. Alam ko iyong pakiramdam na makilala ang totoong ama. And it feels so complete and fulfilling. Magiging lakas ka ni Heart para patuloy niyang labanan ang sakit niya. She's a smart and tough kid."

Sumunod na mga sandali ay nag-usap sila nito tungkol sa kalagayan ng anak nito. Tanong ito ng tanong kung ano pa ba ang mga epektibong panlunas para mabilis na gumaling si Heart. Halatang alalang-alala ito. Kahit, sandali niya pa lang nakikilala si Eugene, alam niyang magiging mabuting ama ito kay Heart.

Alas nuwebe na ng gabi nang nagdesisyon silang umalis na.

"Puwede kang pumunta sa foundation, anytime, para makita si Heart. Kahit hindi na sa mismong day ng second chemo niya."

Tumango ito. "Can I see her tomorrow?" he excitedly asked.

"Of course. Call me tomorrow."

"Thank you, Lana."

Nagpaalam na siya at saka naglakad papunta sa kotse niya. Ngunit bigla siyang napahinto nang parang umikot ang paligid. Bigla rin ang pagbaliktad ng sikmura niya. Natutop niya ang bibig at pinigilan ang pagduwal.

It's bad to eat too much chocolate cake. Bakit ba kasi naka-apat na slice ako kanina?

"Lana, are you alright?" nasa tabi niya na bigla si Eugene at nakaalalay sa kanya.

"I feel nauseaous..."

"Bakit ka kasi kumain ng apat na malalaking slice kanina?" Inalalayan siya nito papunta sa kotse nito. Binuksan nito ang pinto sa passenger's side at ipinaupo siya roon.

"Ibibili kita ng tubig, Sandali lang." Pumasok ulit si Eugene sa loob ng pastryshop at maya-maya ay may bottled water na itong dala-dala.

"How are you feeling?" tanong nito habang binubuksan nito ang cap. Pagkuwa'y inabot sa kanya ng bote ng tubig.

Mabilis siyang uminom at pagkatapos ay sumandal sa upuan ng kotse. Biglang bumilis ang pagtibok ng pulso niya. Pinakiramdaman niya ang sarili.

Lately, madalas na siyang mahilo. Minsan pa ay habang nagbabasa ay biglang nanlalabo ang paningin niya. Hindi kaya bumalik ang...

Mabilis siyang napailing. No! Hindi na babalik ang cancer niya. Isa pa, hindi naman sumasakit ang ulo niya nang sobra. Isa iyon sa mga sign ng brain cancer.

But there's a possibility...

"No... No! No, please..." she murmured. Kung nagigising na naman ang cancer cells sa katawan niya, posible ngang nagpapakita ng maaga ang mga signs. "Hindi puwede!" Bigla na siyang humagulgol ng iyak.

"Lana? Lana? What happened? Anong nararamdaman mo?" tarantang tanong ni Eugene.

"Eugene..." She had the urge to hug him and so she did. Biglang nanghina ang buong sistema niya. Paano nga kung bumalik ang sakit niya?

"Do you want to go to the hospital?"

Napalunok siya. "Y-Yes... Yes, please."

***

KABADONG-KABADO si Lana habang hinihintay ang result ng ginawa sa kanyang pagsusuri ng doktor. Ang tanging kasama niya lang ay si Eugene. Nahihiya siya sa binata pero sinamahan siya nito hanggang sa paghihintay sa doktor. Hindi daw ito aalis hanggang sa hindi nito masiguro ang kalagayan niya.

Abot-abot sa langit ang panalangin ni Lana na sana mali lang siya ng hinala. Na sana walang ibig sabihin iyon. Sana ay overstressed lang siya kaya may series of dizziness siyang nararamdaman. Nagsimula iyon two months ago sa Hong Kong noong kasama niya sina Reeve at Dylan.

"Miss Aguilar?"

Napapitlag siya nang tawagin siya ng doktor. Mabilis siyang pumasok sa opisina nito. Nagpaiwan si Eugene sa labas. Ayos na rin iyon para may privacy sila ng doktor.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong pa ng lalaking doktor.

"Ayos na po sa ngayon. Nawala na po iyong hilo..." Nakagat niya ang ibabang labi. "Dok, a-ano pong nalaman niyo?" Binundol na naman siya ng kaba.

"Miss Aguilar, hindi ka dapat sa'kin nagpapatingin. Dapat sa mas alam ang tungkol sa kalagayan mo."

Nangilid na muli ang luha sa mga mata niya. "K-Kailangan ko na po bang magpatingin talaga sa brain surgeon?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit kailangan mo ng brain surgeon? You need an OB-GYNE."

Natigilan siya. "OB-GYNE? A-Ano pong kinalaman ng OB sa cancer cells ko?"

"Cancer cells? Wala ka namang cancer, Miss Aguilar. You're pregnant."

Nanlaki ang mga mata niya at napanganga. Hindi makapagsalita. She's... she's pregnant? Hindi cancer! Pero...

"Buntis ka, Miss Aguilar. Kaya naman pumunta ka sa isang OB para mas matignan pa ang kalagayan mo. Mukhang dalawang buwan o higit ka nang buntis..."

Hindi na narinig ni Lana ang mga kasunod pang sinabi ng doktor.

I'm pregnant. I'm pregnant. I'm pregnant.

Napalunok siya. Dumagsa sa dibdib niya ang libu-libong emosyon na nagkukubli sa sistema niya.

I'm pregnant! Oh, my gosh. I'm pregnant.

Hanggang sa pumasok na ang susunod na pasyente ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman.

Buntis siya!


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

13.7M 244K 57
||RATED R|| Scenes may not be suitable for very young and innocent audiences. Phoebe Madrigal has a dark past na gustong gusto na niyang takbuhan...
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
13.2K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...