Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

013

25.3K 468 15
By Kass-iopeia

013

Gaya ng sinabi ni Callum itinabi ko ang mga pagkaing niluto ko kanina. Bago mag nine init ko na ang mga ito para muling ihanda ngunit mag aalas dyis na ay wala pa din siya. Nahihiya naman akong itext siya kasi baka mainis lang yun sa akin. Nang hihinayang na napatingin ako sa mga pagkain sa lamesa. Mukhang masasayang lang silang lahat. Hays.

Nawalan na din ako ng ganang kumain kakaintay sa kanya. Gusto ko kasi talagang mag sabay kami kumain. Di kaya masayang kumain mag isa. Nasan na kaya yun? Baka busy makipag usap sa mga kliyente niya. Panigurado pagod yun pag uwi niya.

Iniligpit ko na ulit yung mga pagkaing inihanda ko pag sapit ng alas dyis ng gabi. Baka kumain na yun. Matutulog na nga lang ako. Ano pa nga bang aasahan ko sa taong yun. Siguradong sinadya niya lang pag hintayin ako. Hays.

Papunta na ako sa kwarto ko nang biglang bumukas ang pinto. Akay akay ng isang magandang babae si Callum na ani mo'y lasing na pasuray suray. Agad akong lumapit sa kanila para matulungan yung babae na buhatin si Callum.

"Where's his room?" Anang babae. Itinuro ko sa kanya ang kwarto ni Callum. Tutulungan ko na sana siya ng bigla niyang tanggalin ang kamay kong gagabay sana kay Callum para maipasok siya ng maayos sa kwarto.

"I don't need your help. Go away!" Anito at inakay na si Callum papasok sa kwarto nito.

Ang sungit naman ng babaeng yun. Sino kaya siya? Baka girlfriend ni Callum. Ang ganda ganda niya at ang sexy sexy kaya lang labas na labas naman masyado ang katawan niya. Yung mga ganung klaseng babae pala ang type ni Callum..

Dismayadong pumasok ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ako nadidismaya. Nitong mga nakaraang araw parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Kung ano ano na lang ang ginagawa at naiisip ko. Eh ano naman sa akin ngayon kung kasama ni Callum sa kwarto niya ang girlfriend niyang saksakan ng ganda at sexy.

Tumayo ako sa harap ng isang mahabang salamin at pinag masdan ang sarili kong katawan. Nasisiraan na yata ako ng isip dahil pilit na ikinukumpara ko ang sarili ko sa babaeng yun.

Tumigil ka na nga Katharina. Walang wala ka sa babaeng yun. Sa pananamit pa lang wala ka ng laban. Tyka bakit ba kasi kumpara ka ng kumpara wag mong sabihing nag seselos ka? Pero bakit nga naman ako mag seselos. Wala naman akong gusto kay Callum at wala akong balak na magustuhan siya. Malabong mangyari yun at malabo din namang mangyaring mag kagusto sa akin yung lalaking yun. Inshort malabong maging kami. Pero teka nga muna sino bang may sabing magiging kami? Kung ano ano na talagang pumapasok sa isip ko. Gutom lang siguro ito. Hindi pa kasi ako kumakain eh.

Natigilan ako ng may marinig akong kalabog mula sa kabilang kwarto kaya naman napasugod ako sa harap ng kwarto ni Callum. Kakatok pa lang sana ako nang marinig ko ang halinghing ng babaeng kasama niya. Napahawak ako sa bibig ko nang maisip ko kung anong ginagawa nila sa loob.

Agad na nilisan ko ang tapat ng kwarto ni Callum. Pumunta ako sa kusina para makasiguradong di ko maririnig ang mga ginagawa nila. Ngayon sigurado na akong girlfriend nga niya yung babae. Kumuha ako ng tubig sa ref nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko na ani mo'y nakipag karera. Parang may kung anong bagay ang bumara sa dibdib ko. Ano ba ito?

Mag aalauna na ay hindi pa din ako makapasok pasok sa kwarto ko. Ayokong marinig yung mga ginagawa nila. Di lang ako sanay sa mga ganung mga bagay. Sa lugar kasi namin hindi uso ang mga premarital sex. Pero baka nga iba na ang panahon ngayon at hindi na bago yung mga ganito.

Saktong ala-una na ng madaling araw ng marinig kong bumukas ang kwarto ni Callum. Agad akong dumungaw mula sa kusina. Nakita kong lumabas mula duon ang babae at nag dirediretsyo palabas na mismo ng unit. Nagkasalubong ang mga kilay ko.

Aalis na siya? Hindi ba man lang siya magpapalipas ng oras dito? Tyka bakit hindi siya ihatid ni Callum. Ah oo nga pala lasing na lasing si Callum nung umuwi sila kanina dito. Paniguradong masakit ang ulo nun pag kagising at siguradong mag susungit nanaman yun. Pagkaalis nung babae ay lumabas na ako sa kusina at pumasok na sa kwarto ko.

Makakatulog na din sa wakas.

Kahit ala una na nakatulog ay pinilit ko pa ding agahan ang gising ko dahil kailangan ko pang ipag handa ng almusal ang kamahalan. Tyka naalala ko balik trabaho na nga pala ulit ako ngayong nasa maynila na ulit kami. Pinag luto ko siya ng mainit na sabaw para sa hangover niya. Paniguradong masakit ang ulo nun dahil lasing na lasing kagabi.

Maya maya lang ang bumukas na din ang kwarto niya at bihis na bihis na ito. Ang aga naman niya. Hawak hawak niya ang ulo niya habang pumapasok sa kusina. Kumuha siya ng tubig sa fridge.

"Aalis ka na agad? Higupin mo na muna tong sabaw na nliuto ko. Makakatulong to para mawala yung pananakit ng ulo mo."

Nag tatakang tinapunan niya ako ng tingin.

"Ah kagabi kasi nakita kong lasing na lasing ka."

"Anong oras umalis yung kliyente ko?" Tanong niya binalewala ang ang sinabi ko.

"Kliyente?" Nag tatakang tanong ko.

"Yung kasama ko kagabi anong oras siya umalis?" Aniya.

Kliyente niya lang yun? Pero bakit? Bakit may nangyari sa kanila kung kliyente lang naman pala niya iyon. Hindi ako maaring magkamali sa narinig ko kagabi.

"Katharina?"

"Huh? Ah.. Alauna na.."

"Alright then, mauna na ako sa opisina." Aniya at tumalikod na para umalis.

"Teka lang Callum. Mag almusal ka na muna." Hindi na niya pinansin ang sinabi ko at nag dirediretsyo na lang paalis ng unit. Napasimangot ako.

Nabalewala nanaman itong mga niluto ko. Sayang naman kung mapapanis tong mga to. Maibaon na nga lang sa opisina. Kumain lang ako saglit bago napag pasyahang maligo na. Ayokong malate dahil kabago bago ko pa lang sa trabaho para malate ako. Mag bibihis sana ako ng pormal na damit nang maalala kong janitor nga lang pala ako sa opisina. Ang tanga ko talaga bakit nakalimutan ko yun?

Pag baba ng unit ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Calvin. Ito talagang lalaking ito bigla bigla na lang sumusulpot nang hindi man lang nag sasabi. Lumapit ako sa kanya.

"Good morning!" Bati niya.

"Good morning! Napadalaw ka?"

"Wala naisip ko lang na ihatid ka sa pinag tatrabahohan mo."

"Di ba kita maiistorbo niyan?"

"Minsan lang ito. Ngayon na lang ulit tayo nagkita kaya hayaan mo na ako." Aniya. Tumango ako at sumang ayon na lamang sa gusto niya.

"Sa tapat na lang mo ko ibaba." wika ko.

Naalala ko kasi na bawal nga palang mag dala ko ng kung sino sa trabaho dahil paniguradong patay ako kay Callum. Pinag sabihan na nga pala niya ako nuon.

Nang marating namin ang montemayor tower ay bumaba na din ako agad sa sasakyan niya bago pa man siya bumaba. Ayokong makita siya ni Callum dito. Pinaalis ko na kagad siya pagkasabi ko ng salamat. Mahirap na baka bumalik yung dating Callum na ang sungit sungit sa akin.

"Oh bakit di ka pumasok kahapon? Dalawang araw kang absent. Kabago bago mo umaabsent ka na agad?" salubong sa akin ni ma'am Gemma pag pasok ko sa quarter.

"P-pasensya na po. May biglaang emergency lang." paliwanag ko.

"Oo nga pala. Bakit ka hinahanap sa akin ni sir Lawrence?" Aniya pa.

Pagkarinig ko pa lang sa pangalan nung lalaking yun tumataas na yung balahibo ko. Yung manyak na yun.

"Hindi ko po alam."

"Hindi alam. Ang sabihin mo kebago bago mo nag lalandi ka na."

"Hindi po."

"Sus! Duon ka na nga! Linisin mo daw yung opisina ni sir!" Aniya at umalis na ng quarter. Pinag tinginan ako ng iba pang mga janitres na naruon sa quarter. Nginitian ko lang sila at nag palit na para makapag simula na.

Umakyat ako sa opisina ni Callum. Kumatok muna ako bago ko buksan yung pinto ng kwarto niya.

"Good morning!" Bati ko pag pasok ko. Naabutan ko si Beth na naruon din at may kung anong pinapapirmahan kay Callum. Tinanguan lang ako ni Beth samantalang di naman pinansin ni Callum ang presensya ko.

Sinimulan ko na lang ang trabaho ko. Sa sulok ako nag simulang mag walis. Maya maya ay lumabas na si miss Beth matapos kausapin si Callum. Ipinag patuloy ko lang ang pag wawalis ko ng biglang tumayo si Callum at lumapit sa pwesto ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sabihin mo kay Gema palitan ang uniform niyo. Hindi ko gusto." anito at muling naupo sa lamesa niya. Nag tatakang napatingin naman ako sa suot suot kong uniporme. Ano kayang mali? Uhm.. Ipinag patuloy ko na lang ulit ang pag wawalis nang bigla naman siyang napamura.

"Shit."

Napatingin ako sa pwesto niya.

"Lalabas muna ako." aniya sabay labas ng opisina. Saka ko lamang naintindihan ang mga inaakto niya ng mapansin kong nakikitaan na pala ang kalahati ng dibdib ko sa tuwing yuyuko ako para mag walis.

Agad na namula ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin pagkatapos nuon. Binilisan ko na lamang ang pag lilinis ng opisina niya para makaalis na agad duon nang bigla siyang pumasok ulit. May dala na siyang t-shirt na hawak hawak niya sa kanang kamay.

"Mag palit ka." aniya sabay abot sa akin ng damit. Lalabas na sana ako ng kwarto niya para makapag bihis sa cr nang pigilan niya ako.

"Ayan ang CR. Dyan ka na mag palit." Aniya. Nahihiyang tumango ako at pumasok sa CR na nasa loob lamang ng kanyang opisina.

Malaki kasi ang office niya kaya may CR. Matapos makapag palit ay bumalik na agad ako sa ginagawa ko. Nahihiya pa din ako sa nangyari. Bakit naman kasi napaka luwag ng unipormeng ibinigay sa akin ni ma'am Gema. Hindi ko tuloy kayang humarap kay Callum dahil sa nangyari kanina.

"Coffee." Utos niya nang hindi lumilingon sa akin pero alam ko namang para sa akin yung utos na yun dahil kaming dalawa lang naman sa opisina niya. Agad na kumilos ako para ipag timpla siya ng kape nang maalala ko yung napanaginipan ko nuong isang araw.

Bigla akong pinanlamigan. Nanginginig na inabot ko kay Callum yung kapeng tinimpla ko. Nag tatakang inabot niya iyon.

"You're shaking. What's the matter?" Aniya salubong ang mga kilay.

Panaginip lang iyon. Ano bang iniisip ko?

Umiling iling ako.

"You sure?" Aniya na salubong pa din ang mga kilay.

Tumango ako at ngumiti ng bahagya. Di pa din nawala ang pag tataka sa mukha niya kahit na ngumiti na ako. Tumalikod na lamang ako sa kanya upang ipag patuloy yung pag liligpit nang biglang may mga kamay na pumigil sa braso ko sa pag mamap. Lalong lumakas ang panginginig ko ng lumapat ang balat niya sa akin. Nauulit sa isipan ko ang napanaginipan ko at nangyari nuon na matagal ko ng gustong kalimutan.

"Kath?"

Ito nanaman. Ito nanaman yung pakiramdam na pabilis ng pabilis yung tibok ng puso ko na halos hindi na ako makahinga. Nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga.. Nag didilim ang paligid ko.. Pinipilit akong dalhin ng isip ko sa nakaraang gustong gusto kong kalimutan..

"Kath are you okay? Hey Kath.."

Pinilit kong wag mag padala sa takot. Hindi... Matagal ng nangyari yun hindi na mauulit pa iyon. Hindi ako dapat manatiling ganito habang buhay..

"Kath.."

"Tulong! Tulong!"

Unti unti akong kinakain ng nakaraan. Nakikita ko siya sa harap ko ngayon may hawak hawak na baril.. Di ko alam kung anong gagawin ko para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos.. Gusto kong lumaban pero wala akong magawa. Nahihirapan akong huminga.

"Tulong!" Tanging nasambit ko hanggang sa may maramdaman akong mga brasong yumakap sa akin.

"It's alright. Everything's alright. Shhh. I'm here."

Continue Reading

You'll Also Like

474K 9.8K 23
Napaka-selfish at the same time selfless magmahal. Selfish, kasi ayaw mong may makapiling siyang iba. Selfless, kasi handa mong isuko at ibigay ang...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
5.4K 248 44
Hindi sang-ayon si Kelsie sa idelohiyang karapatan ng lalaki ang maghanap ng babae na magbibigay ng kaligayahan bukod sa asawa. She was fascinating...
240K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...