Ano Ba Tayo?

By PreTTyEllykA

1.1K 27 5

Nagtatawanan,Nagkukulitan,Naglalambingan, nagsasabihan ng mahal kita Laro lang ba talaga ang lahat? Riley M... More

ANO BA TAYO?
Chapter 1- The Players of the Game
Chapter 2- Watch Me
Chapter 3 - The Jack
Chapter 4 - What just Happened?

Chapter 5 -Ano ba tayo?

126 7 5
By PreTTyEllykA

Riley

Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko , Si Eros

Kahit na masakit yung paa ko lumakad ako papunta sakanya at niyakap siya , alam kong nanginginig ako pero ang saya ko na siya yung nakahanap saakin

Eros

Niyakap ko siya ng mahigpit
"What the hell are you doing here?!" Alalang tanong ko sakanya

Nakita ko namang di niya maigalaw yung paa niya ginilid ko siya sa may tabing puno saka ko tinignan paa niya

"It's badeth who did this" sagot niya sakin

Sasagutin ko sana siya ng biglang umulan , binuhat ko siya saka naglakad papunta sa nakita kong maliit na kubo , abandona na ata , gabi na tsaka umuulan bukas nalang kami babalik

"Why would she do that to you?" Tanong ko sakanya

"Because of you..."tinitigan ko naman siya , nakita kong naiinis siya

"She likes you ,she's obsessed with you " panimula niya

"Hinahayaan mo kasi siyang yakapin ka , napaka clingy niya sayo , to the point na ayaw niyang kausapin kita , ginusto mo naman" inis na sabi niya

"How about Jake, kayakap mo din siya " balik kong sabi sakanaya

"Sabi sakin ni Badeth kayo na , bakit di mo sinabi ? " tuloy kong sabi sakanya

"Niyakap ko siya kasi nag oopen up yung tao!, nag panggap kaming mag boyfriend at girlfriend kasi ginugulo ni badeth si Jako! At ngayon ikaw naman , sa dinami daming ibang pwedeng landiin ikaw pa!"sigaw niya saakin

"Kaylangan ba kasing mag yakapan kayo ?! Kaylangan niyo pang magpanggap para mapaalis si badeth? Hindi naman diba ?!"galit na pasigaw kong sabi

F*ck mawawala na yung pagtitimpi ko!

"Nag seselos ka ba ?" Tanong niya sakin

"YES!I'M FUCKING JEALOUS!! as if di ka din nagseselos " sigaw ko pabalik sakanya

"E PAANONG DI AKO MAGSESELOS KUNG LAGI NAMANG NAKAKABIT SAYO SI BADETH!!" sigaw niya rin

Natahimik kami ng ilang minuto saka namin na realize kung anong pinagaawayan namin

Lumapit ako sakanya kasi nanginginig na siya sa lamig ,niyakap ko siya mula sa likod

Riley

"What are you doing ?" Kinakabahang sabi ko

"Do you want to die ?" Taning niya kaya hinayaan ko siya saka niyakap yung kamay niya ,

Mahal ko na ata etong bwisit na to

"Bakit ka nag seselos?" Tanong niya

"I want to be honest with you, kaya do the same " niyakap niya ako ng mas mahigpit kaya naramdaman ko ang pagtango niya

"Palagi mo kasing kasama si Badeth , nasakanya lagi atensyon mo ,wala ka ng time para sakin , I know I'm being selfish pero yun yung nararamdaman ko " paliwanag ko sakanya

"How about you? Bakit ka nag seselos?" Tanong ko pabalik

"Dahil kay jake , the fact na may nickname kayo sa isa't isa at yung yakapan niyo , pag inaalala ko yun I just want to fuckin' kill him " sagot naman niya

Napangiti naman ako sa sinabi niya

"Stay away from him " narinig kong bulong niya

"Hindi naman pwede yun Eros" sagot ko sakanya

"Then hahayaan ko lang si Badeth sa gusto niya " nainis naman ako sa sinabi

"Okay fine"naramdaman ko namang ngumiti siya saka niya ako hinalikan sa noo

Hindi ko alam kung ano to pero I just want to feel this moment

Nakaramdam ako ng halik sa pisngi ko kaya ako nagising

"Morning siopao "sabi niya sakin pagkatapos niya akong halikan sa pisngi

"Korni mo " sagot sakanya

"Ganyan ba ako igreet ng siopao ko?" Tanong niya sakin

"Morning bakla " asar ko sakanya sabay kiss sa pisngi niya

Hindi siya ngumingisi kahit ganito , hindi ba to laro?

"Sa dinamidami ng endearment bakla pa binigay mo sakin " sabi niyang ngumuso

Niyakap ko naman siya sa likod ,
"Hayaan mo ng bakla , cute nga e sabi ko "

Hinayaan niya lang ako saka niya ako binuhat after nun bumlaki na kami sa camp , sinalubong kaminkaagad mila Lucas at Ella pati narin si Jako

Bumaba na ako sa pagkaka buhat niya sakin

"Ayos ka lang Illy? May masakit ba? "Tanong sakin ni jako saka hinawakan yung kamay ko

Bigla namang inalis ni Eros yung pagkakahawak ni jako saakin saka hinigit yung bewang ko

"Hands off bro" sabi niya kay jako

Saka ako binuhat papunta sa kubo namin
Nakita ko namang naiinis yung itsura ni Eros kaya hinawakan ko yung pisngi niya saka pinisil

"Easy ka lang bakla" paghihinahon ko sakanya

"Kuha lang ako ng gamot"sabi niya saka umalis

Lumapit sakin si Ella , Lucas at Jako na isa-isa akong niyakap

"Anong nangyari sayo beshy !"kwinento ko lahat ng nangyari pero kay beshy lang

"Oh my gashhhhh!!" Kinikilig niyang sabi

"Ingay mo !" Saway ko sakanya

Bumalik si Eros na dala yung first aid
Tsaka ako ginamot ,

"sige beshy maiwan ko na kayo jan " sabi niya na may makahulugang ngiti bago siya umalis
"May masakit pa ba ?" Tanong sakin ni Eros

"Wala na beks " sabi ko sakanya

"Wag mo nga akong tawagin na ng bakla " nainis na sabi niya

"E anong gusto mo?" Natatawang sabi ko

"Call me Ros " sabi niya

"Ayoko garud ng siopao " nguso kong sabi sakanya

"Rai yung tawag sakin nila mommy, call me Rai"sabi ko

Nag ngitian naman kaming dalawa
Yung puso ko nahulog na

Nahulog na talaga

Naging maayos naman yung camp , natapos naman at nakasakay na kami bus , di nga lang kami yung nanalo sa pagandahan ng bahay , si Badeth naman pag aaligid kay Ros , si Ros na mismo nagpapaalis sa kanya

"Naaantok ka na ba baby? "Tanong ni Ros tumango naman ako , nilagay naman niya yung ulo ko sa balikat niya saka ako niyakap

Nakadating na kami sa school , agad naman kaming pinauwi sa bahay namin.

Si Ros naman , hinila niya ako , sa condo niya daw muna kami

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sakanya

"Pancakes" sagot niya

Kumain na kami saka kami natulog na magkatabi

Kinabukasan pag gising ko wala na siya sa tabi ko , nalungkot naman ako
Kaya naligo nalang ako may nakita naman ako sa bed na box
May letter sa gilid

"Wear this" yun lang yung nakalagay

Bunuksan ko yung box , nakita ko yung red dress , ang ganda

Baka naman hindi sakin to pero kasi nakalagay sa letter ,
to Rai

After kong maligo ,sinuot ko na at lumabas , nagulat naman ako may rose sa paanan ko , sinundan ko yun at napunta ako sa veranda ng condo niya

May candle lights , tsaka pagkain , nakita ko naman siyang naka upo na naka ngiti sakin

Ngumiti naman ako sakanya saka pumunta at umupo sa harap niya

"Anong nakain mo?"tanong ko sakanya

Ngumiti naman siya tsaka natawa
"You look beautiful " pag babalewala niya sa tanong ko

Namula naman ako sa sinabi niya

Tahimik kaming kumain tapos nanood kami ng movies sa sala niya
Nagpalit na rin ako ng damit

Bigla niya akong yinakap nung kauupo ko lang sa sofa bigla siyang bumulong na dahila para mamula ako ng sobra sa sinabi niya

"Rai , I think I Like you" na nagpakawala ng maraming tutubi sa tyan ko , hindi butterfly ,tutubi mismo

"Ako din Ros " sabi ko sakanya dahilan para titigan niya ako

Ang lalim ng titig niya sakin na parang naghuhukay ng marami pang sagot , mula sa mata , dahandahan niyang binaba ang titug niya sa aking labi

Kumokonti yung distansiya sa aming dalawa hanggang sa inalis niya na ang kung ano mang meron sa gitna
namin

He's kissing me passionately

Hanggang sa hindi na ako makahinga
Naghiwalay na kaming dalawa at naghihingalo

Sa aming dalawa walang tangkang nagtanong pero halata mo naman saamin na gusto namin ang nangyari

"Ros , uwi na ako " nahihiya kong sabi saka ako umuwi

Kinikilig ako na natatakot , kasi di ko alam kung anong meron samin

Eros

Di na ako nakapag pigil kanina , I want her lips so badly

At nung hinalikan ko siya , It's amazing , yung gusto ko siyang protektahan ,yung ayaw ko siyang mawala saakin yun yung nararamdaman ko

Nag beep yung phone ko
(1 message)
From: Lucas
She's back and I know she's coming to get you

Nandito na siya? Kaylan siya nakabalik? I want to see her pero pano si Rai? I want her pero



I have a girlfriend


Riley

Ewan ko pero ang sama ng nararamdaman ko di ko alam kung ano mararamdaman ko

Pag pasok namin sa school , nakita ko agad si Ella at Lucas

Si Eros asan ?
May naglalakad galing sa gate si Eros na may kasama

Natigil ang mundo ko nung nakita ko silang dalawang nagtatawanan

Hindi ko pa nakita si Eros na tumatawa ng ganon
Ang sakit .....

Nung nasa harap ko na sila nakatitig lang sakin si Ros

"Pakilala mo kaya samin bro" sabi ko na parang wala lang kahit nasasaktan ako

"This is Louise, my girlfriend"

Wala na akong marinig sa mga sinabi niya

Naka smile lang ako at nakipag shake hands kay Louise

"Hi nice meeting you Louise , I'm Riley " nakangiting sabi ko

"Ahm una na ako guys , may pinapagawa saakin si ma'am "paalam ko sakanilang dalawang

Pagtaligod na pagtalikod ko di ko napigilan yung luha ko ,
Umaagos na kahit ayaw ko tuloy-tuloy

Wala lang ba sakanya lahat ng yun ?
Laro lang ba talaga sakanya
Nilaro nila lang ba ako?

Ako mismo nag sabi na pagnagmahal mag tira ka para sa sarili mo pero ako mismo di ko nagawa
Pumunta ako sa garden ng school at dun ako umiyak

May biglang tumabi saakin

"Jako bakit ganon? Bakit ganon siya?"
Niyakap lang ako ni jako

"You love him" yun lang yung sinabi niya

"Gamitin mo ako " nagulat ako sa sinabi ni Jako

"Anong sinasabi mo?" Tumingin ako sakanya iniharap naman niya ako

"I Like you Illy " nagulat ako sa mga sinasabi niya

"Willing akong magpagamit para makalimutan mo siya " sabi niya saaking nakatitig

"No, ayaw ko , ayaw kitang saktan kahit nagulat ako sa sinabi mo na gusto mo ako , jako ayaw kitang masaktan" hinawakan ko yung pisngi niya na nakita ko ding may mga luha

"Then just let me be with you , papasayahin kita " ngumiti naman ako kay Jako at niyakap siya ng mahigpit

"Thank you jako " sabay yakap sakanya at iniyak lahat

Eros

Ngumi ngiti siya , habang tinitignan kami ni Louise

Masaya ba siya?
Wala lang ba lahat sakanya?

After kong hinatid si Louise para mag enroll sa school hinanap ko si Riley

Hinanap ko sa room nila, sa field ,sa cafeteria hanggang sa pumunta ako sa garden

Kita ko kung gaano siya humagugol ng iyak ,

I've hurt her
Nasaktan siya

I'm such a jerk
I love her but I also love Louise

Umalis na ako kasi di ko kayang makitang umiiyak siya

Nasa field lang ako nakaupo sa gilid , nagiisip

Nung biglang may sumampal saakin saka ako natauhan

Si Ella pinagsasampal ako , hinawakan naman siya ni Lucas

"You're a big JERK! Sakanya mo pa talaga unang pinakilala! Alam mo naman na may gusto siya sayo ! At alam kong ikaw din pero hindi pwede ang dalawa Eros , That's a BIG NO! " galit na galit na sabi niya

"Pero mahal ko silang dalawa" pag eexplain ko

"WHAT THE HELL?! naririnig mo ba sarili mo ha? Nakakadiri ka Eros ! Wag kang magpapakita sa kaibigan ko! " saka nag walkout si Ella

"Bro tama si Ella , di pwede ang dalawa , di ko alam ang nangyayari pero base sa narinig ko , bro kaylangan mong magdesisyon kung sino ang gusto mo kahit hindi mo gustong may masaktan , meron at merong masasaktan , sino sa kanilang dalawa?" Tanong ni Lucas

"Di ko alam bro " sabi ko sakanya , pumapatak na yung luha ko

"Piliin mo yung talagang mahal mo , yung hindi ka mag sisisi sa dulo " saka siya umalis para hanapin si Ella

I want Riley but I have Louise
Mahal ko si Riley pero girlfriend ko si Louise

Nakita ko si Rai na naglalakad paalis kasama si Jake

Hinila ko kamay ni Rai saka pinaharap sakanya

"Rai I'm sorry , hindi ko sinabi sainyo-" pag eexplain ko sakanya pero pinahinto niya ako

"Eros" pagkasabi niya sa pangalan ko nanikip yung dibdib ko

"It's okay no need to explain " sabi niya saka tuloy na naglakad pero pinigilan ko padin siya

"Rai I need to explain" sabi ko sakanya

"What for ?" Sabi niya saakin
"No need ,ano ba ako sayo? "Sabi niya saakin na ikinatahimik ko

"Ano ba tayo?" Nanikip yung dibdib ko sa sinabi niya

Ano ba tayo?

Ano ba tayo ?

mga katagang iniwan niya na umuulit sa utak ko

Note
Hi po guys balak ko po sa story na to na short lang mga 10 chapters pataas pero hanggang 20 lang di na tatas dun
so ayun po thank you po ulit sa pag support ng story ko♥️♥️

-Ellyka

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 45.3K 53
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...
197K 4.6K 54
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
140K 3.2K 58
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
183K 9.4K 87
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...