Can't Get Over You

By janekhuletz007

132K 5.4K 739

My 5th story for JaThea. ? Hope you enjoy it since some of you requested for this. Mabuhay kayong lahat!! ❤❤❤ More

See You Again
Here I am
Feelings for you
Love me like you do
First date with her
Can't Help It
New Day
Jelly Ace
More Than Words
Torete
Sweet Revelation
The Naughtiness
The First Time
We belong
Lovely Day
Beautiful You
One More Day
Between Love & Trust
Devastated
Jealousy
Caught Off Guard
Bela & Kim
Agustin Siblings
Sorrow & Loneliness
The Little Man
Dreams Never End

Fear of Losing Someone

3.8K 177 12
By janekhuletz007

Althea's POV

Kinailangan kong umuwi ng mansyon dahil sa pagtawag ni Mommy. Darating raw kasi sina Kuya Gab at Kuya Marco kasama ang mga kabiyak nila para sabay-sabay kami na magdinner.

Busy kaming magkakapatid kaya minsan lang kami magpangi-pangita. Kaya kahit madalas na hindi kami nagkakasundo ay namimiss pa rin namin ang bawat isa. Maging ang pamangkin kong si Gabin ay miss na miss ko na rin.

Sinubukan kong ayain si Jade ngunit hindi pa raw siya ready na makaharap ang buo kong pamilya. Gustuhin ko mang magtampo sa kanya ay hinayaan ko na lamang. Ayoko rin naman kasi siyang pilitin.

"Anak bakit hindi mo isinama ang girlfriend mo? Hindi mo man lang ba siya ipapakilala sa min ng pormal?" Bungad sa akin ni Mommy pagkarating ko sa mansyon.

"Next time na lang Mom, busy si Jade ngayon eh." Palusot ko na lang sa kanya. Bagaman ang totoo ay nasa bahay lang si Jade.

"Hi Thea!" Nagsilapitan sa akin ang mga nag-gagandahang sister in law ko at bumeso sa akin.

"Hello Ate Peal and Ate Jelly." Yong dalawa ko namang kuya ay yumakap sa akin at humalik sa pisnge ko.

"Hindi nyo naman siguro ako masyadong namiss?" Sabay tawa ko sa kanila.

"Miss na miss ka namin siyempre. Wala na akong kaasaran eh." Tugon naman ni Kuya Marco. Kaya napaingos ako rito.

"Sino ba namang hindi makakamiss sayo eh ikaw ang baby girl namin." Sabi naman ni Kuya Gab na mas lalong ikinagusot ng mukha ko.

"Kuya Gab naman eh!" Maktol ko sa kanya pero sa halip tumawa pa sila. Ayoko kasi na tinatawag nila ako na baby girl. Gusto ko kasi baby boy. Haha.. Charot!

"Ninang!!" Ume-echong hiyaw ni Gabin nang sandaling makita ako nito.

Akay-akay ito ni Daddy galing sa ikalawang palapag ng mansyon. Malapit na itong mag-four years old at dahil madalas silang magbakasyon noon sa US ay sobrang naging malapit ito sa akin. Then nagvivideo call ako palagi sa kanya. Para kahit papaano ay hindi niya makalimutan ang mukha ko.

"Baby Gabin!! I miss you so much. Halika dito bilis." Sinugod ko siya ng yakap at pinupog ng halik sa pisnge. "Hmp! Miss na miss kita talaga. Sunduin kita minsan sa school para makapagbonding tayo."

"Talaga Ninang? Sige po pasyal mo ko tapos bili mo ako maraming toys."

"Aba oo naman! Hihinge tayo ng pera sa Papa mo para kahit ano magustuhan mo bibilhin natin."

"Naku naman!" Natatawang react ni Kuya Gab. "Kuriputan pa raw ang nag-iisa niyang pamangkin."

Tatawa-tawang bumaling ako sa kanya. "Kuya magastos magpakasal at gumawa ng baby sa US. Kailangan ko na magsave ng pera."

Nagkatinginan sila na parang hindi natuwa sa sinabi ko. "Sure ka na ba talaga Thea diyan sa Jade na yan?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Marco sa akin.

"Oo naman Kuya Marco. Bakit na naman ba?" Nakakapikon talaga siya minsan. Hanggang ngayon kasi ay parang hindi pa rin niya tanggap na nagmamahal ako ng kapwa ko babae.

"Eh siya ba sure na talaga sayo? Pano kung nahihiya lang siya kina Dad kasi halos ang buong pamilya niya ay empleyado natin sa kompanya?" Naiiling na sabi pa nito.

"Hey! Enough na yan Marc. Hayaan na natin siya kung saan siya magiging masaya." Saway ni Kuya Gab sa kanya. Kahit papaano ay palagi ko siyang kakampi sa lahat ng bagay.

"Ayoko lang masaktan ang kapatid natin Kuya. Alam mo naman sa mga ganyang klase ng relasyon. Bihira ang tumatagal."

Nakatingin lang sa amin sina Dad at Mom pati na rin ang mga asawa nila.

Nabaling lang ulit ang tingin ko sa bata nang bahayang hilahin nito ang lay-layan ng suot kong damit. "Ninang are you fighting with Ninong?"

Nginitian ko siya upang ipabatid sa kanya na okay lang kami. "Nope baby! We're just having a hard discussion here. But we are totally fine. Okay?" Nakangiting tumango-tango ito sa akin. Ang cute niya tuloy kaya napangiti ulit ako sa kanya.

"Pagpasensayahan mo na ang Kuya Marco mo ha? Mahal ka lang talaga niyan." Pabulong na sabi sa akin ng asawa ni Kuya Marco na si Jelly Rose. Magdadalawang taon na silang kasal ngunit wala pa rin silang nabubuong supling.

"Okay lang Ate Jelly. Sanay na ako diyan sa asawa mo." Ngiti kong tugon sa kanya.

"Magdinner na muna tayo." Ma-awtoridad na sabi ni Dad sa amin. "Althea hija.. we have to talk later, okay? Kaya huwag ka agad aalis."

"Y-yes po Dad!" Bagaman medyo kinakahaban ay sumang-ayon na lang ako. Alam ko kasi na tungkol na naman kay Jade ang pag-uusapan namin.






Jade's POV

"Mukhang malalim ang iniisip ng Kuya ko ah. May problema ba?" Nadatnan ko siya na mag-isang nakaupo sa tabi ng pool habang umiinom ng beer.

"Oh bunso! Gising ka pa pala. Halika samahan mo akong uminom." Inabutan niya ako ng isang beer in can. Naupo muna ako sa tabi niya saka ko iyon kinuha sa kanya.

"Okay ka lang ba Kuya?"

Tumingin siya sa akin na para bang may gustong sabihin ngunit tila nag-aalangan siyang sabihin sa akin. "Bunso paano kapag nalaman mong.. kapag nalaman mong ano---"

"Nalamang ano?" Kunot noo kong tanong sa kanya. "Don't be so secretive Kuya! You know.. you can tell me anything. Malay mo may maitulong ako sayo." Malalim na napabuntong hininga lang siya at lumagok muna ulit ng beer sandali bago muling bumaling ng tingin sa akin.

"Ganito kasi iyon bunso. For example si Pards nalaman mong nakipag-one night stand sa iba. Mapapatawad mo pa ba siya kahit alam mo naman sa sarili mo na mahal na mahal ka niya?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya nahampas ko siya. "Oh bakit?"

"That's cheating Kuya! Anong pumasok sa kukote mo para gawin ang bagay na iyan kay Ate Jen?"

Malungkot na nagbaba ito ng tingin. Waring naguilty sa kanyang nagawa. "Bunso mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala ang Ate Jen mo sa kin."

"Anak ng--! Kung mahal mo siya Kuya hindi ka gagawa ng ikakasakit ng loob niya. Niloko mo siya Kuya eh. Mali yong ginawa mo."

"Alam ko nagkamali ako. Pero pinagsisisihan ko naman eh." Aniyang napahikbi na ng pag-iyak. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. Marahil ay sobrang mahal lang talaga niya ang kasintahan.

"Yuck! Ang panget mong umiyak Kuya." Natatawa kong biro sa kanya upang asarin siya. Hindi kasi ako sanay na nagdadrama siya ng ganito sa harap ko.

"Tingnan mo to! Umiiyak na nga ako dito aasarin mo pa ako. Kung ihulog kaya kita diyan sa pool." Sabay pahid na nito ng mga luha niya.

Kaya mas lalo pa akong napatawa sa kanya. "You know what Kuya? Imbes na magpakalasing ka diyan at magkang-iiyak ay bakit hindi mo na lang ayusin ang gusot na pinasok mo. Teka! Alam na ba niya na nagcheat ka sa kanya?"

Umiling-iling siya bilang sagot bago ulit siya tumingin sa akin. "Pero yong babae naghahabol sa akin."

"Tsk! Tsk! Patay ka Kuya. Pano kung magbunga ang ginawa nyo?"

Napahilamos bigla ng mukha ang kapatid ko. Parang mas lalo siyang naging problemado. "Ayon na nga ang problema bunso. Buntis raw siya."

"Ano?!" Gulat na gulat na bulalas ko. Seryoso ba siya? Paano na lang kapag nalaman nina Dada at Mama. "But are you sure na sayo talaga ang dinadala niya?"

Napahawak siya sa sintido niya. Mababakas ang sobrang pag-alala sa mukha niya. "I just took her virginity kaya malaki ang possibility na akin talaga iyon kapag totoong buntis siya."

"Ang laki mong gago Kuya. Ngayon pa lang ay ipagtapat mo na iyan kay Ate Jen. Kaysa patuloy mo siyang lokohin."

"Bunso hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya."

"Well sana naisip mo yan bago ka gumawa ng kalokohan."

"Bunso tulungan mo ako. Siya lang ang gusto kong pakasalan at wala nang iba."

Naiiling na napabuntong hininga na lang ako. Sumasakit kasi ang ulo ko sa kanya. Pano na lang kung si Althea ang gumawa nito sa akin? Bigla niya akong lokohin. Oo nga at hindi man siya makakabuntis. Pero masakit pa rin eh. I cannot blame her girlfriend kung sakaling magalit ito at tuluyang makipaghiwalay sa kanya for the baby's sake. "Kuya you have to respect whatever her decision she will makes. Niloko mo siya eh. Gusto mo bang gawin rin iyon ng taong mahal ko sa akin?"

Umiling siya at tuluyan nang napahagulhol ng iyak na animoy bata. This time ay hindi na ako natatawa dahil sobrang naaawa na ako sa kanya. I pulled him closer to hug him. "Sshh.. Kaya mo yan Kuya. Kailangan mong harapin at itama ang mga pagkakamaling nagawa mo."

"I can't lose her bunso. Hindi ko kaya."

"But you have tell her the truth. Bago pa niya iyon malaman sa iba."

"Paano kapag nalaman nina Dada? Baka pilitin nila akong makasal sa babaeng hindi ko naman mahal." Muli niyang iyak sa akin. Wala naman akong magawa kundi ang damayan lang siya sa problema niya.





Althea's POV

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa opisina. May mga kailangan kasi akong tapusing trabaho bago ako magtungo sa bubuksang naming restaurant. Bukas na kasi ang opening at dahil Saturday ay tiyak na maraming makakadalo sa mga kaibigan ko.

Tinatawagan ko si Jade ngunit hindi siya sumasagot. Marahil tulog pa iyon. Mamaya pa raw kasi ang call time niya sa work. Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok na ako sa may entrance ng building.

"Wait!" Pasara na sana ang elevator nang pigilan ko ang button para mag-open ulit iyon.

Napaangat ang tingin ko nang mabungaran ko ay isang napakagandang babae. Mestisa, sexy at mahaba ang buhok. Hmm.. Maganda nga sana siya kaso mukhang suplada. Tahimik lang kasi siya at hindi man lang ako nakuhang tapunan ng tingin.

'Hmp! Ang arte naman ng babaeng ito.' Sabi ko sa isip ko. Gumilid kasi siya nang makapasok ako sa loob. Kaya hindi ko maiwasan na mapatingin ulit sa kanya.

Ilang months na rin ako dito pero ngayon ko lang siya nakita at nakasabay sa elevator gayong agaw pansin ang kagandahan niya. Empleyado rin kaya siya sa G Holding or baka sa ibang company na nasa ibang floor?

May mga sumunod pang sumakay kaya napausod ako papalapit sa gawi niya. Ouch! Pareho pa naman kaming naka-sleeveless kaya ramdam na ramdam ko ang paglapat ng makinis niyang braso sa braso ko. Bitbit ko lang kasi ang coat ko sa kabilang braso ko. "Ah.. Sorry Miss." Nahiya ako kaya dumistansya ako ng konti sa kanya. Subalit parang sinadya pa niya ulit mapadikit ang braso niya sa akin. Kaya umusod ako ulit ng konti palayo ngunit naramdaman ko na naman ang pagdikit niya. Seriously! Nananadya ba siya? Pagsulyap ko sa kanya ay napatingin rin siya sa akin. Ngunit agad ring nag-iwas ng tingin na tila parang biglang nahiya.

Weird niya huh! Oo nga't maganda at sexy siya pero wala akong plano na patulan siya. Masyado yata akong inlove kay Jade para magkagusto pa sa iba.

Naunang magsibabaan ang mga kasabay namin sa loob ng elevator hanggang sa kami na lang ulit dalawa ang natira. Ngayon ko lang napansin na pareho pala ang floor na pupuntahan namin. "Excuse me Miss. Are you also working in G Holding Company?" Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. Putik! Marunong naman pala siyang ngumiti. Akala ko pa naman ay talagang suplada siya.

"Hi po I'm Jessy Montero, Ate Jelly's cousin and yes starting today I'll be working here na."

Ting! Bumukas na pala ang elevator na hindi namin namamalayan. At bilang gentlewoman ay pinauna ko siyang lumabas.

"Oh really? So what is your designation by the way?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Uhm.. Marketing Director in hospitality department. Actually sa Hotel talaga ang opisina ko kasama ang Kuya Marco mo. But Tito James has decided to assign me here in the main office. So we can have a better updates to access in any operations."

Si Tito James ay Daddy ni Ate Jelly. My Kuya Marco's father in law. Hindi ako naka-attend noon ng kasal ng kapatid ko dahil nagconflict sa sched ng class ko sa US. Kaya hindi talaga familiar ang mukha ng babaeng ito sa akin.

"Hmm.. Okay! So see you around Ms. Montero?"

"Of course Ma'am Althea. Thanks and glad to meet you finally."

Napatawa ako sa kanya. Hindi ko kasi alam na kilala niya pala ako. Eh halos hindi niya nga ako pinapansin kanina. "Okay ka rin noh? Kilala mo pala ako tapos ang supla-suplada mo sa akin kanina sa elevator."

"Naku! Sorry nahihiya lang po talaga ako sa inyo Ma'am. Pero hindi ko po kayo sinusupladahan."

"Hey! Althea na lang, okay? Tutal ay pinsan ka naman ni Ate Jelly."

"Okay sige. Sabi mo eh."

Nagkatawanan kami pero saglit lang dahil sa pagtunog ng celpon ko sa loob ng purse ko. "Oops! Sorry I will just attend this call." Tumango naman siya sa akin kaya nauna na akong maglakad sa kanya.

Pagtingin ko sa screen ng phone ko ay napangiti ako. Nagcall back na kasi ang Bibi ko. "Good morning Bibi.." Masiglang bati ko sa kanya.

"Morning love.. Sorry ngayon lang ako nagising eh."

"It's fine mahal ko. I knew very well na kailangan mo talaga ng mahabang tulog. So anong oras ng trabaho mo today? Make sure na free ang sched mo tomorrow huh? "

Nakakapanibago na parang bang ang tahimik niya sa kabilang linya. Kadalasan kasi ay napakarami niyang kwento. Ultimong pati panaginip niya ay isini-share niya sa akin. Well siguro ay antok pa siya at pagod kaya ganito siya ngayon. "Okay, basta ba wala kang iimbitahan na babaeng haliparot doon."

Napabungingis ako ng tawa sa sinabi niya. Kinikilig kasi ako sa tuwing may pinagseselosan siya. Nangangahulugan kasi na ipinagdadamot niya ako sa iba. "Mag-iimbita ako kapag hindi ka sumipot." Biro ko naman sa kanya habang natatawa pa rin.

"Subukan mo lang Althea Galves!! Mapapatay kita kapag ginawa mo yon sa kin!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Garalgal kasi ang boses niya na para bang maiiyak na. "Hello Bibi okay ka lang ba? Umiiyak ka ba? Sorry na nagbibiro lang naman ako."

Mas lalo akong nag-alala nang bigla niya akong pagpatayan ng celpon. "Shit! What's wrong with her?"

"Hey! Are you alright?" Si Jessy na nasa likuran ko na pala.

"Jessy I have to go. Please pakisabi kay Kuya Gab babalik ako agad. May kailangan lang akong puntahan."

"Althea wait!"

Hindi ko na siya nilingon pa dahil mabilis na sumakay na akong muli ng elevator pababa ng building.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakakausap si Jade. Pakiramdam ko ay meron siyang dinadalang problema kaya siya nagkaganon kanina.

Pagdating ko sa may parking lot ay siya namang pag-ibis ng sasakyan ni Pards. Nakashades siya na tinted kaya hindi ko alam kung napansin niya ako. "Pards!!" Tawag ko sa kanya nang makababa na siya ng kotse niya.

"Oh Pards! Kararating mo lang din?"

"Okay ang pormahan natin ah." Nakangiting bati ko sa kangya. Ngunit tipid na ngumiti lang siya sa akin.

"Tara! Sabay na tayong pumasok Pards." Anitong umakbay sa akin. Ngunit nagpumiglas ako.

"Pards sandali!"

"Ay! Ang arte mo naman. Bahala ka nga diyan. Mauna na ako sayo."

Malalaki ang hakbang na nauna na nga siya sa kin. Kaya hindi ko na nasabi sa kanya na sa kanilang bahay ang tungo ko ngayon para suyuin ang kapatid niyang tupakin.






Jade's POV

Nag-init ang ulo ko sa biro ni Althea kanina. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang nagawa ng Kuya Denden ko sa girlfriend niya. Hindi malayong magawa rin ni Althea yon sa akin kahit pa sabihing mahal niya ako. Bakit si Kuya Den rin naman mahal na mahal niya si Ate Jen. Pero nagawa pa rin niyang matukso sa ibang babae.

Pagbaba ko ng hagdanan ay wala na sina Mama at Dada pati na rin si Kuya. Nagsipasok na sila sa kanilang mga trabaho. "Manang ano pong food natin? Gutom na ako." Parang bata na maktol ko patungong kusina. "Aay! Peste!!!" Nagulat kong hiyaw nang mabangga ko ang isang bulto ng tao na nakatayo sa nilikuan ko patungong kitchen.

Tawang-tawa siya sa naging reaksyon ko. Kaya napaghampas-hampas ko siya. "Peste ka talaga Althea! Walanghiya ka!"

"Aray aray Bibi! Awat na.. Ano ba!"

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Di ba may trabaho ka?" Saka ko lang siya tinigilan nang mapansin ko na nakasuot siya ng apron.

"Sorry na Bibi.. Alam kong galit ka kaya heto pinagluto kita ng breakfast mo."

"Tss! May helper kami Althea. Hindi mo kailangang gawin yan. Gusto mo bang mabadshot ka na naman sa Daddy mo dahil diyan sa mga kalokohang pinag-gagagawa mo?"

"Okay lang na mabadshot ako sa Daddy ko huwag lang sayo Bibi ko."

Muntik na akong mapangiti dahil sa kilig ngunit pinigil ko. Hindi kasi ako natutuwa sa mga paandar niyang ito kahit maganda naman ang intention niya. "Ehem! Sinong nagbigay sayo ng permission na mangialam sa kitchen namin?"

"Ah.. Sorry Bibi! Alam ko kasing hindi ka pa kumakain. So ayun.."

"Manang!!" Malakas na tawag ko sa helper namin ngunit walang tumutugon.

"Wala sila dito Bibi. Tayo lang dalawa ang nandito." Aniyang taas-baba ang eyebrows niya habang nangingiti.

"Ano?! Saan sila nagpunta? Bakit sabay-sabay silang umalis?" Tatlo kasi ang helper namin. Kung may aalis man para mamalengke ay may natitirang isa sa kanila dito sa bahay.

"Pinag-day off ko sila. Sabi ko magmall muna sila at kumain sa labas."

"Siraulo ka ba?" Sabay hampas ko na naman sa kanya.

"Aray! Bibi isa pang hampas mahahalikan na kita."

"Eh bakit mo kasi ginawa yon?" Naiinis na angil ko sa kanya. "Paano ako aalis ng bahay na wala sila? I have some commitments after lunch."

"Iyon lang ba ang inaalala mo? Eh di sige ako na lang ang tatao dito habang wala pa sila."

"Ugh! Pinapainit mo lalo ang ulo ko Althea. Nakakainis ka talagang babae ka."

Sa halip ay napangisi pa ang walanghiya sa akin. "Gusto mo pati katawan mo painitin ko?"

Pinamulahan ako ng pisnge kaya mas lalo siyang napatawa. "Huwag mo akong dinadaan sa mga kalokohan Althea. Kung ayaw mong sipain kita palabas ng bahay na ito!"

"Hindi naman kalokohan ang sinabi ko ah. Namimiss lang talaga kita Bibi ko." Aniya pa sa mapang-akit na tinig.

Napalunok ako nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin at sa kaaatras ko ay na-corner niya ako sa kabilang sulok. "L-love stop it!" Pigil ang hiningang sabi ko sa kanya dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Nahuli ko pa ang pasimple niyang pagngiti na tila kinilig sa pagbanggit ko ng endearment ko sa kanya.

"Ang ganda-ganda mo talaga Bibi ko." Aniyang titig na titig sa mukha ko. Hindi naman ako makagalaw dahil sa position naming dalawa. Nakatuon ang dalawa niyang kamay sa wall sa magkabilang side ko. "Tinatanong pala ako ni Dad kung payag ka raw bang magpakasal sa kin."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ready na akong mag-asawa. "A-ano? P-pero di ba--"

"Sinabi ko sa kanya na hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol sa mga kasal-kasal. " Putol niya sa sasabihin ko at pagkatapos ay pilit na ngumiti. Siguro ay nafefeel niya na hindi pa ako ready. Nabasa ko rin sa mga mata niya na parang disappointed siya.













To be continued... 😘😘😘












Sorry po kung nagtagal ang UD. Sana may nagbabasa pa rin. 😏😂

Sa mga nagrerequest po ng UD. Hello po sa inyo! 🙋

Continue Reading

You'll Also Like

48.9K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
564K 19.7K 56
Terror, Hitler, Miss Sungit, Godzila... at kung ano ano pang pwede mong itawag sa Kontrabida Girl ng Galura Engineering Corporation Meet Ms. Rhian...
3.2K 397 25
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
9.1K 258 63
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)