Song of The Rebellion

By mahriyumm

9.9M 494K 305K

◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemos... More

The Mistake
Alpha Omegas
Manifestations
Worried Oracle
Sweet as It Sounds
Sleep Tight
The Biggest Sin
Proudest Grace
Conflicted
Missing Voice
Betrayed
Last Nerves
My Name
Safehaven
More than Blessed
A Long Night
Reconcile
Responsibility
Reversed
Left
⚠ My Rights ⚠
Settled In
Cold
Our Destiny
Risked
Her Descendant
All-Seeing
Till the End
Freedom
From the Past
The Present Realm
The Heavens
The Underworld
The Mortal Realms
The Future
The Beginning
Helen of Troy
Arcadians
The Night
SC: Run To You
Rewriting History
Saving Gods
Coupled
Destroyed
The Descendants
Sightless
The Four Immortals
Untouchable
Not an UD: Updates
Candle
Stitched
The Rebels
Clairvoyance
Thoughts
Chthonic
In The End
Time Flies
The Way Back
Drawing Close
From the Depths
Far from Home
Breathe
Genesis
Up Down
Unfinished
Downfall
Revolution
Spectra
Rise Up
End of the World
Timeless
Edge of the Night
Book Note
DEDICATIONS
Gold
Masterpiece
Memories
The Depth
SOTR: PLAYLIST

Breakfast

135K 7K 6.4K
By mahriyumm

Cesia's POV

'Cesia...' nakarinig ako ng pamilyar na boses ng babae.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. Akala ko si Aphrodite ang nasa harap ko pero ibang goddess ito.

Itinaas niya ang aking kamay at ipinakita ito sa'kin. Dahan-dahang lumabas ang isang simbolo sa balat ko.

Ano 'to?

'It's time to wake up... Cesia..' tila naging hangin ang kanyang boses.

"Cesia!"

Natagpuan ko ang sarili ko sa bisig ng anak ni Zeus. Nakaluhod siya sa'kin at kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya.

Napaubo ako saka niya ako tinulungang tumayo.

"Trev.." kumunot ang noo ko habang inaalala ang nangyari. "Anong nangyari-"

"Don't ever do that again." humihingal siya. "please."

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Trev.. nanghihina ka.." Rinig na rinig ko ang mahinang heartbeats niya.

"Let's go home.." kinuha niya ang kamay ko. Pagkasabi niya nun, sunod-sunod na pumasok ang mga ala-ala ko sa nangyari.

Digmaan... si Gaia.. si Eris...

Napagtanto kong nasa trance pa din kami dahil nabalot ng kadiliman at amoy ng patay ang kapaligiran.

Sumingkit ang aking mga mata nang tignan ang goddess na may nakadikit na lightning bolt sa kanyang dibdib. Nakaupo siya habang nakangiti.

"Bumalik ka na sa Underworld Eris." utos ko. Alam kong hindi ko kayang patayin ang isang goddess na katulad niya.

Dahil unang una, imortal siya at pangalawa, hindi ko trabaho ang parusahan siya. Responsibilidad yun ng ibang gods at hindi ng isang demigod.

Naging kasindak-sindak ang kanyang tingin sa'ming dalawa ni Trev.

"Soon demigods..." dahan-dahan siyang naging abo. "Soon.."

Napabuntong-hininga ako nang makitang nawala na nga siya sa harap namin.

Sa ngayon, si Trev muna ang aasikasuhin ko.

"Trev-" nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Hinayaan ko nalang siya dahil may nagsasabi sa'kin na kailangan niya yon.

Binitawan na niya ako saka ko napansin na nag-iba ang hitsura niya.

"Ikaw pa ba yan?" tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why? Doesn't it suit me?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Di naman sa ganon.. bagay nga sa kanya yung bagong look niya.

Nagbuntong-hininga siya. "Gaia.. she's here."

"Naramdaman ko nga..." bumaba ang mga mata ko sa kamay niya na pinapalibutan ng...

Mist?

"Can I take you back now?" tanong niya.

Napangiti ako at tumango. Ilang segundo ang lumipas at narinig ko ang malakas na tunog ng kidlat. Kasabay nito, ay ang pagkasira ng trance.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw.

Lumapit ako sa bintana at napatingin sa mga estudyante na nasa ibaba.

Bumalik na ang dating atmosphere ng Academy...

Feeling ko tuloy panaginip lang yung nangyaring pag gising ni Gaia.

Nagmamadali akong lumabas at nakita si Kaye na nagbabasa ng libro. Sa tabi niya ay si Matilda na may tinitignan na cards.

"Ano yan?" usisa ko.

Nginitian ako ni Matilda bago sumagot. "Just letters Theosese and I exchanged a few years back..."

"Lola!"

Sumimangot ang mukha ni Matilda nang dumating si Chase kasama si Dio.

"Wag mo nga akong tawagin nyan!" inis na sambit ni Matilda.

"Lola ka naman talaga-aray!" agad nakatanggap si Chase ng sapak mula kay Ria na kararating lang din.

"Pag tatawagin ka nilang matanda, okay lang ba sayo?" nakapameywang na tanong ni Ria.

Natawa si Chase. "Maybe... kapag ikaw ang kasama ko sa mga panahong 'yon."

Napakagat-labi ako pagkatapos nagsimulang magbangayan ang dalawa. Tumigil lamang sila nang pumasok sina Thea, Art at Kara.

Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na wala ng mangyayari...

Na tapos na ang lahat...

Pero sa tuwing nakikita ko ang nag-ibang hitsura nila, di talaga!

Parang ibang tao na yung mga kasama ko!

Gusto kong umiyak at mag emote kasi nga, ibang-iba na talaga sila...

Bumalik naman sa dating kulay yung mga mata nila.

Hindi na ginto. Pero nanatili pa rin yung pulang buhok ni Ria tas yung sa kambal naman, blonde.. at marami pang mga changes na di ko kayang isa-isahin.

Pumasok ang dalawa pang lalaki na may dalang pagkain. Dumako kaagad ang tingin ko sa lalaking nakasuot ng long sleeves na nakatupi hanggang siko.

Idagdag nyo pa ang buhok ni Trev na kasingkulay ng mga ulap sa tuwing nagkakaroon ng thuderstorms.

Dark Gray.

Kaya siguro tinawag ito ni Art na 'permanenteng stage' dahil permanent na nga lahat.

•••

"So ganito nga yun bro..." kinukuwento ni Chase ang nangyari sa kanya bago lumabas ang Omega symbol.

Nasa hapagkainan kami ngayon, nag-aalmusal.

Lahat ata kami ay kinausap ng deities. Ang ipinagtataka ko lang, ay kung bakit hindi si Aphrodite ang nagpakita sa'kin.

"Cesia.. did you report already?" tanong ni Kara na nakaupo katabi ko.

Tumango ako. "Dinismiss kaagad nila ako para makapagpahinga."

Pinareport kasi sa'kin kung anong nangyari kay Eris sa trance. Sinabi ko nalang sa kanila na may kutob akong bumalik nga siya sa Underworld.

Medyo weak na rin kasi yung trance sa panahon na yon kaya maaari siyang nakalabas.

"Akala ko mamamatay na ako nun eh kasi nagpakita si Hephaestus sa'kin! Kala ko talaga kukunin na niya ako." ani Thea saka inagaw ang baso ng juice mula kay Seht.

Wala namang reaksyon si Seht at napabuntong-hininga nalang.

Meanwhile, bahagya akong napatitig sa lalaking tahimik na kumakain.

Napansin niya ata ako kaya't huminto siya at tumingin sa gawi ko.

Bago pa magkasalubong ang mga mata namin, umiwas na ako ng tingin.

Pansin ko lang...

Sa tuwing nandito siya, di ko kayang pigilan ang sarili ko na maalala ang nangyari sa trance. Paulit-ulit na nagrereplay yung utak ko.

Di ko naman sinasabing distorbo ito.. pero kasi...

iba yung nararamdaman ko.

"I'm just happy that we still have time to be together." bakas sa boses ni Ria ang saya.

Lumipas ang ilang minuto at di pa rin sila tapos sa pagdadaldalan. Nakikinig ako sa kanila at minsan, sumasabay rin ako sa mga tawa nila.

Isa-isa ko silang tinignan.

Ito kasi ang laman ng mga panaginip ko na pinagdasal kong magkatotoo...

Gusto ko ganito palagi. Nagsisiyahan lang.

Walang prophecies...

Walang rebellion.

"But you know, the thing that I'm mostly curious is..." boses ni Ria ang narinig ko bago mapansin ang kanilang mga mata na nakatuon sa'kin.

Teka. May tinanong ba siya?

"A-ano?" nagtaka ako.

Lahat sila ay nakangiti sa'kin. Yung uri ng ngiti na para bang may ibang kahulugan.

"Cesia..." Nagsimula na akong kabahan nang banggitin ni Dio ang pangalan ko.

"Mind telling us what happened to you and Trev in the trance?"

Tinignan ko si Trev na nagkibit-balikat lang at tila nag-aantay pa sa sagot ko.

Gods. Seryoso ba siya?

"Uhh.." napalunok ako. "I-inutusan ko lang si Eris na bumalik sa Underworld.. tas ayun.. lumabas na kami ng trance."

Narinig ko ang pagkadismaya nila sa sinabi ko.

"IIIHH?!?!" reklamo ni Art. "yun na yon?!"

"Give her a break you guys." singit ni Kara. Nakatuon ang kanyang atensyon sa pagkain habang nagsasalita. "She's had enough. Don't stress her out."

Nakahinga ako ng maluwag.

Hulog talaga ng langit ang anak ni Athena.

"Fine.." sambit ni Ria. "If there's someone we should ask then... it should be Trev."

So now, nakatingin na kaming lahat kay Trev na hindi pa rin umiimik.

"Oo nga! Trev! Ano ba talaga yung nangyari?" hindi mapakali si Art sa kinauupuan niya.

Wala kaming nakuhang sagot mula kay Trev dahilan na marinig ko ulit ang tunog ng disappointment mula sa kanila.

"Gusto ko pa naman malaman kung anong nangyari kasi ang bongga ng entrance niyo..." ngumuso si Thea.

Napangiti ako.

Tama.

Ang ganda nga ng entrance namin.

Continue Reading

You'll Also Like

133K 13.7K 93
Two years in lockdown? Can the lads really make it through without their lives falling into shambles? Read more to see them slowly lose their sanity.
147 97 42
Si Rayden na siguro ang masasabi na sinaunang red flag pero lahat ng ito'y hindi pinansin ni Caia Anais dahil nagmahal lang naman siya. Rayden and C...
HIDDEN FILES 3 By avy

Mystery / Thriller

1.7K 173 29
[03/03] complete | unedited In the end of the tunnel filled with only darkness there shall be light and new beginning. Jade Cesaire and Bryce Valeron...