Soulmates

By RefinedJenny

79.4K 3.3K 2.4K

FLY WITH ME is the first fanfiction I have written. It is about the fictional love story of Rhian and Glaiza... More

1 - Morning Glory
2 - Sun Bed and Sunset Nga Ba?
3 - Chase The Sun
4 - Numbers and Dreams
5 - RaStro Science and Fanfiction
7 - Iloilo Escapade
8 - You Are Mine
9 - The Blazer
10 - Instagram
11 - Cheese is My Wife
12 - Thorn Between Two Roses
13 - Common Friends' Birthday
14 - Photos
15 - I Love You
16 - Same Feather
17 - Real Score
Note 1
18 - Moving On
19 - My Last Night With You

6 - Her Habit

3.7K 175 170
By RefinedJenny

 RASTRO CONNECTIONS

These past few days, hindi masyadong nagparamdam ng malakas na connection ang RaStro. Pareho kasi silang busy ngayon. Halos 7 days a week ang kanilang trabaho.

Pagkagaling sa siyam na araw na bakasyon ni Rhian sa Japan, trabaho agad ang hinarap nito. Na-extend kasi ang TOTGA at kailangan nilang maghabol para maka catch-up sa dalawang linggong scenes (A standard soap should run with 65 episodes only but TOTGA will be on its 88th episode on May 18, the last day of its airing). Bukod pa rito ay mayroon din siyang taping para sa Tastebuddies.

At kasabay ng full-packed schedule ni Rhian, busy rin si Glaiza. Kailangan naman nitong tapusin ang mga scenes ng Contessa na para rin sa dalawang linggo. Nakatakda kasi itong magbakasyon ng siyam na araw rin sa Australia. Noon pa kasing taong 2017 ang plano niyang pagbabakasyon kasama ang kanyang kaibigang si Rich Asuncion at ang childhood friend na naninirahan sa Australia.

For me it was good. Ang pagiging busy nila ay nangangahulugan lang na patuloy pa rin natin silang makikita sa small screen. We still have G in the afternoon prime from Monday to Saturday. We still have R in the primetime from Monday to Friday, and Taste Buddies on Saturday.

Kung totoo mang may relasyon ang dalawang ito, baka wala na silang panahon na magkita sa ngayon, lol! Sabi nga ni Rhian sa IG stories niya, "I live in the car". Alternately, during their rest days, they are out of the country. So, papaano na ang usaping puso ng RaStro? Well, it seems na hindi naman sila nagmamadali. Kaya hindi rin tayo dapat magmadali.

Pero kahit wala man tayong obvious connection na nakita sa kanila nitong nakaraang week,, may isang tila anghel ang nagpadala ng mensahe para kahit papaano ay magkaroon ng connection ang RaStro. Ano ba ito?

We know that the prime actresses of GMA have each of a title. Si Marian Rivera ang tinatawag na Primetime Queen. Si Jennylyn Mercado naman ay tinatawag na Ultimate Star and recently, tinawag nila si Rhian Ramos na The Fascinating Actress. Hmmm... may naalala ako rito. Ano ba ang synonym ng fascinating? Hindi ba alluring?

Teka? Sino ba ang may title na alluring? Isa lang naman ang naaalala ko. Ang tawag sa kanya ay The Alluring Rock Diva. Sino pa nga ba ito kundi ang nag-iisang Glaiza de Castro! Hindi siguro napansin ng GMA ito. Otherwise baka palitan nila ang title ni Rhian, haha!

Ayun! Kahit sa title, connected pa rin sila :-)... Ang tadhana nga naman!


—————

TRMD IN TAIWAN

Two weeks ago, may nakita tayong link ng interview ng RaStro tungkol sa TRMD.

Let me just give you a summary of what these RaSto interviews are all about.

Lalata.com is the first LGBTQ site in Asia which is based in Taiwan. Bagong site pa lang ito kaya nga konti pa lang ang mga articles na mababasa rito.

Recently, they released 3 articles about TRMD. The first one was about the introduction of TRMD series to their community. It was released on April 19. The article was also about the Chinese/Filipino culture and how it is different from the western culture.

The second article was about the online interview with Rhian. And it was released on April 23. The most memorable part of TRMD for her was that in a cafe when, unexpectedly, nakikipaghiwalay formally sa kanya si Althea. Sabi niya, it was naturally flowing and effortless for them. And when asked who will she chose between her soulmate and her family, Rhian said that nowadays, her priority is her family because they had been with her through all the battles she'd gone through in her life...

The third article was about the online interview with Glaiza. And it was released in April 26. Sabi niya, ang favorite niyang part sa TRMD ay ang rooftop scene kung saan inamin ni Jade ang nararamdaman para kay Althea. She said that the scene was emotional. When asked who will she chose between her soulmate and her family, there's no direct response from her. In fact, her reply was more of an advise to anyone who will face that situation.

Medyo defensive pa rin ang sagot ni G. And I understand her. She has an image to protect...

No big deal.

Usually, ang interview ay ginagawa sa pamamagitan ng e-mail. Hindi live. Hindi by chat. Hindi by Skype. And obviously, nagpadala lang ng questionnaire ang lalatai.com sa dalawa. Yun lang yon. Hindi kailangang pagsamahin o pagsabayin. There's nothing personal here.

At sa tingin ko, it was done through their mother network. Naka link kasi ang TRMD episodes na nasa GagaOOLala sa lalatai.com.

Ano naman itong GagaOOLala? This is Asia's first LGBT film platform. Isa itong site na parang iflix na pwedeng manood ng movies. Ibig sabihin, there's a business transaction between GMA and GagaOOLala. So, it's about TRMD market. It's about money. At bilang actors ng series, R & G, with the blessings from GMA management, have obligation to respond to the questionnaire.

One good thing that I can imagine here, siguradong nag compare notes ang dalawang bida. It will be read by international readers at dapat na hindi conflicting ang mga sagot nila.

That's it! Basta, nag-uusap ang dalawang 'yan. Yun lang yon. Huwag masyadong nega..


————

IS TOTGA A TRUE TO LIFE STORY

Habang pinapanood ko ang May 1 episode ng The One That Got Away, parang nakikita ko si Glaiza kay Gael. At alam kong 'yan din ang iniisip ng mga 'Old Rebels'; 'yung mga Rebels na nandyan na noon pang 2015. Si Rhian mismo ang nagsabi sa IG Live niya na ang ilang pangyayari sa TOTGA ay true to life o nangyari sa kanya sa tunay na buhay.

Hindi ko makita si J kay Papa G. Honestly, ang nakikita ko kay Papa G (Gael) ay si Papi G.

Para sa mga hindi nanonood ng TOTGA (and I don't understand why they call themselves RaStro Rebels when they are not supporting both shows), Zoe had a scandal. She had nude photos that circulated in social media. Ang mga photos ay pag-aari ng kanyang ex-boyfriend. Sa kabila ng eskandalo, tinanggap pa rin siya ng mga kaibigan niya. Sa kabila ng kanyang nakaraan, minahal pa rin siya ni Gael.

Subalit dahil dito, hindi siya matanggap ng nanay ni Gael na si Aling Patty. Sa mismong harap ni Zoe ay pinamili ni Aling Patty si Gael. The dialogue ran like this:

Aling Patty: Mamili ka Gael. Ako na may sakit at konti na lang ang ilalagi sa mundong ito o ang babaeng 'yan?

Hanggang makaalis si Zoe ay hindi namili si Gael. Wala kasi siyang intensiyon na layuan si Zoe dahil mahal niya ito. Subalit lingid sa kanya ay pinuntahan ito ni Aling Patty para kausapin. Pinapalayo niya si Zoe sa kanyang anak.

Like Rhian, Zoe was selfless. Sinunod niya ang kagustuhan ni Aling Patty para sa kapakanan ng mga taong mahalaga sa kanya. Subalit hindi nakahanda si Gael sa pakikipaghiwalay niya. Para masolusyunan ang problema, niyaya ni Gael na magtanan si Zoe. Ang their conversation was like this:

Gael: Magtanan na lang tayo

Zoe: That can't be

Gael: Bakit

Zoe: Kailangan ka ng mommy mo eh. Kailangan ka ng family mo.


This scene was effectively played by the actors. Ramdam na ramdam. At pakiramdam ko, kay G sinasabi ni Rhian ang mga salitang iyon. Huhuhu! At si Aling Patty ay parang si Nanay C. na tutol kay Rhian.

Ako lang ba ang nakaramdam ng ganoon? Kayo rin ba?


—————

TOTGA AND CONTESSA

Both TOTGA and Contessa are doing well in the rating game. Nakakatuwa na after TRMD ay naging maganda ang takbo ng career nila. They are not yet at their peak tulad ng paniniwala ng iba (Bawal sa RaStro fans ang mayabang dahil mismong ang RaStro ay low-profile). Pero kung magtutuloy tuloy ang magandang feedback sa mga shows nila ay baka magtuloy tuloy din ang pagganda ng career nila.

TOTGA is soaring high in the rating game now. The two last episodes gave them a two-digit rating. Lumaki ang lamang nila sa katapat na programa simula noong May 9 kung saan 1.8 at 2.3 ang lamang nila sa katapat na programa. 

Maaring makita natin ang rating ng Contessa sa Sabado ng gabi. M-S program kasi ang Contessa. Tulad ng Eat Bulaga ay weekly rin paglalabas ng rating. 

Consistent din na nasa trendslist ang dalawang show. At nakakatuwang isipin na ganoon kalakas ang pagsuporta ng kani-kanilang mga fans.


—————-

I AM CLAIRE WITH GLAIZA DE CASTRO

Kinilig tayong lahat sa I Am Claire video ni Glaiza. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Pero baka mas lalo kayong gumulong sa tuwa sa mga observations ko, Lol!

Isa-isahin natin ang nilalaman ng video.

Sa umpisa pa lang ay makikita na ang ganito:

Glaiza is asked about five people close to her - how they met and her unforgettable moments with them. She will then sing songs dedicated to them.

Bibigyan ko lang ng emphasis: FIVE PEOPLE CLOSE TO HER.

Kapag ginamit ang salitang "close to her", ibig sabihin ay malapit ito sa kanyang puso. At kasama sa malapit sa kanyang puso si Rhian... (kilig ako!).

Una niyang binanggit ang pangalan ni Angelica Panganiban. Best friend niya si Angel sa napakahaba nang panahon. Naging magkaibigan sila noong siya ay talent pa lamang ng ABS CBN. Bilang kaibigan ay makikita ang pagmamalasakit, pagmamahal, pagpapahalaga, at paggalang nila sa isa't isa. Hindi kataka-taka na si Angel ang number 1 sa listahan niya.

Ang sumunod na binanggit niya ay si Gabby Eigenmann. Sumunod ay si Chynna Ortaleza at pang-apat ay si Jason Abalos.

Sa dami ng mga kaibigan niya, bakit si Jason Abalos ang isinama niya sa listahan. Bakit hindi si Ketchup Eusebio? Bakit hindi si Pocholo Barreto? Pwede rin namang si Quark? O si Kring? Si Alex de Rossi? May gusto bang  i-imply si Glaiza rito? Well, sa tingin ko, gusto lang niyang i-imply na wala siyang insecurity kay Jason. Alam natin kung gaano kalakas ang suporta na nakukuha ng ZoEl sa viewers. And yes, guys! That's the fact. Mas maraming ZoEl fans kaysa sa RaStro fans. But for G, Jason Abalos is not a threat because he is a friend. May bagong ka-loveteam man si Rhian, alam niyang safe ito kay Jason Abalos.

Ang panglima sa kanyang listahan ay si Rhian. Ang tanong, panglima ba si Rhian sa kanya in terms of importance?

Bilang artista, alam ni G kung paano pagsusunod sunorin sa listahan ang mga taong mahalaga sa kanya. She's very much aware about the so called "billing". Dapat kasing una niyang banggitin ang mga kaibigan niya. Lalo na si Angel. Pero bilang pagbibigay halaga rin kay Rhian, inilagay niya ito sa dulo. Binigyan niya ng importance ang existence nito sa buhay niya. She cannot line-up Rhian among her four friends because she treats Rhian differently. Yes! Differently! Because Rhian is special for her. Bakit ko ito nasabi? Teka muna, sasagutin ko 'yan mamaya!

Glaiza first met Rhian in Stairway to Heaven. Pero bilang GMA artists, sa tingin ko, matagal na silang nagkikita even before STH. Marahil ay sa STH lang nila nakilalang mabuti ang isa't isa at nagsimula rin silang maging close dahil sa soap na ito. Dito rin sa panahong ito nangyari ang kanilang bonding at ang hindi inaasahang... ehem (cough!). Dito rin sa panahong ito nangyari na nakikita silang lumalabas ng gabi para mag-coffee. Mag-coffee?

Her unforgettable moment with Rhian was when they had an intensed scene in STH. She pulled her hair at medyo napalakas daw ang hatak. Ayaw niya kasing saktan si Rhian. AYAW NIYA TALAGA. Pero hinihingi ng eksena. Unforgettable sa kanya 'yon dahil ang totoo ay protective siya kay Rhian... kahit noon pa...

Hindi ang kissing scene sa final episode ng TRMD ang unforgettable sa kanya. Kasi, even before that kiss, nag-kiss na sila ng ilang beses. Hey! Ang ibig kong sabihin, nag-kiss na sila accidentally ng ilang beses, lol!

Kung mapapansin ninyo, ang dedicated song niya kay Rhian ang may pinakamalalim na kahulugan. Hindi lang bilang kaibigan kundi higit pa... Ayan ha! Nasagot ko na tanong ko kanina. Higit pa si Rhian sa pagiging kaibigan.

Ang Habits ay kinanta nila sa kanyang DNE concert; sa mismong birthday ni Rhian. Memorable para sa kanila ito. Silang dalawa kasi ang namili ng kantang ito. At ang Habits ay isa sa mga kanta na nasa category ng lesbian songs.

Based on the song, they cannot keep off their minds from each other... they are trying... but they can't... kahit ano pa ang gawin nila...

High all the time
To keep you off my mind
Ooh-ooh, ooh-ooh
High all the time
To keep you off my mind
Ooh-ooh, ooh-ooh
Spend my days locked in a haze
Trying to forget you babe
I fall back down
Gotta stay high all my life
To forget I'm missing you

Mentioning Rhian in the interview seems risky for G. Pero kaya naman nilang lusutan 'yan. Bahala na si Batman... But at least, she admitted that Rhian is close to her... HEART...



————

A RASTRO FANFICTION

MY MCJELLY COMMERCIAL MODEL

While approaching Balintawak Exit, Glaiza took her cellphone from the right pocket of her black jacket. She searched from her phone book a name "Geon D.". Nagpadala siya ng text message dito.

I am now approaching Balintawak Exit. Will be there in 30 to 45 minutes.

Ganoon sila kaingat magpadala ng message. No endrearment. Kahit sa Viber ay hindi rin sila gumagamit ng sweet words kapag may message. Mahirap na! Pwedeng ma-trace ng empleyado ng telephone company ang text messages nila sa isa't isa. Noong katatapos ng TRMD ay may mga RaStro fans na eager talagang alamin ang lahat ng galaw nila ni Rhian. Mga high profile ng fandom sila na handang gumastos ng daang libong piso para sa kanila.

May posibility rin na manakaw ang phone nila. Kahit pa may password sila ay pwedeng ma-open ng magagaling sa technology ang kanilang cellphone. Kung hindi sila mag-iingat, malamang na ikasira ito ng kanilang career.

Bukod dito, kailangan ding gumamit siya ng code para kay Rhian. Geon D.! And why Geon D.? Para kung sakaling mag-ring ang cellphone niya sa harap ng iba, posibleng isipin ng mga ito na ang tumatawag sa kanya ay isang lalaki na ang family name ay nagsisimula sa letter D. But there was more into it. In physics, geon is an electromagnetic or gravitational wave which held together in a confined region by the gravitational attraction of its own field energy. Ganoon si Rhian para sa kanya. Rhian is like a magnet for her. And she's always electrically charged whenever she's with her. She has too much attraction for this girl since Day 1. At hindi nagbabago 'yon hanggang ngayon. Mas nadagdagan pa nga buhat noong magkasama sila sa primetime soap na The Rich Man's Daughter.

But hey! Hindi lang 'yon. Geon is an old english which means "that one". It is equivalent to German word jener. Well, some people say that her girl is a look-alike of Kendall Jenner. But she opted not to use Jener or Jenner in her code because it will just give a hint. Bukod pa rito, her girl is not a copycat of anyone else. She has her own identity.

Geon means "that one" or in Tagalog, "'yon". One of her girl's nicknames - YON or Yoyon. Idinagdag lang niya ang letter D para magmukha namang may surname si Geon. And D simply stands for Denise. Her girl's second name. Genius!


@@@@@@

Naalala niya noong una niyang mapansin si Rhian. It was March 2006. Napanood niya ito sa commercial ng Mc Donald's McJelly Duo. Fresh face, slim body, tall, mestiza. Hindi niya maipaliwanag kung bakit magaan ang loob niya rito. Gustong gusto niya ang commercial na 'yon. Nandoon ang fondness... kahit hindi pa niya alam ang pangalan nito noong panahon na 'yon...

She was then waiting for a call from GMA Talent Center. May gagawin daw siyang isang fantaseries kung saan ang pangunahing gaganap ay si Marky Cielo na isang Starstruck winner kasama si Isabelle de Leon na dating child star. Kalilipat lang niya noon sa nasabing network. In fact, this would be her first project in GMA as a new contract talent after she came back from ABS CBN. At 18, naging mailap sa kanya ang magandang kapalaran sa nasabing network. Kaya naman noong matapos ang kontrata niya rito ay pumakabilang bakod siya sa tulong ng kanyang Tito Mike na isang newscaster at Station Manager ng DZBB na pag-aari rin ng GMA.

April 2006, nasa meeting siya with Wilma Galvante and the cast of Fantastikids. Iyon ang naging working title ng series na kabilang siya sa cast. Kasama niya ang kanyang Nanay noon. In two weeks ay magsisimula na raw sila ng taping. Napag-alaman niya na kahit support lang ang papel niya ay maganda naman ang kanyang role. Sa isip niya noon, one step at a time lang. She knew she will get there... soon...

Around 11:45 AM when the meeting was concluded. Habang patungo sila sa parking space kung saan naghihintay ang tatay niya ay may nasalubong silang familiar na mukha. Sigurado siya, this beautiful girl infront of her was the commercial model of Mc Donald's Mc Jelly Duo! Kasama nito ang nakangiti sa kanyang si Mr. Henares, the husband of the big boss of Talent Center.

"Good morning, Sir!" Bati niya sa nakangiting si Mr. Henares

"Good morning!" Sagot nito sa pagbati niya.

Napatingin siya sa Mc Donald's model. Ngumiti ito. Napansin niya agad ang pantay at mapuputi nitong ngipin. Mas maganda pala ito sa personal.

Pagkatapos n'on ay nagpatuloy na sila sa paglakad patungo sa parking space.

She knew in her heart that since that day, she got a crush on Mc Donald's model. Pero kahit sa pangarap ay hindi niya inisip na magkakaroon sila ng intimate relationship... pagkalipas ng tatlong taon.


@@@@@

Ng tumapat ang kanyang Hyundai Starex sa gate ng bahay ng kaibigang si Darlene ay isinuot niya ang kanyang black cap na may The Audacity print. Nakalugay ang kanyang buhok, sapat para matakpan ang kanyang mukha. Nakasuot din siya ng black jacket. Kinuha niya ang backpack na naglalaman ng bihisan at personal na gamit.

"Manong, sunduin mo ako tomorrow, mga 9:00 AM" bilin niya sa driver. Nauna rito ay sinabihan niya ang driver na iuwi muna ang sasakyan sa bahay nito. Hindi sa bahay nila sa Commonwealth. Ayaw kasi niyang magtanong ang mga magulang kung nasaan na siya. Ayaw niyang nagsisinungaling sa mga ito. Iba ang naglilihim kaysa sa direktang nagsisinungaling. At ginagawa lang naman niya ito para sa kanila ni Rhian. Dahil mahal niya si Rhian... kailangang isingit nila sa schedule ang kahit saglit na pagkikita. Bukas, may taping na naman si Rhian. Sa Thursday ay maaga naman ang call-time niya. Sa Friday ay magtutungo siya sa Dagupan para sa Bangus Festival. At sa araw ng Sabado ay may taping ulit siya. Si Rhian naman ay patungo sa Japan para sa siyam na araw na bakasyon. Kasama nito ang kanyang pamilya... at si Jason.

Pumasok siya sa maliit gate na pangtao. Sadyang ibinukas ito ng kaibigan niyang si Darlene para sa pagdating niya. Isinara niya agad ito at pumasok na siya ng bahay.

Yumakap siya sa kaibigan at humalik sa pisngi nito.

"She's waiting for you upstairs" wika nito sa kanya.

(To be continued...)



===========

Author's Note:

Pasensiya na, ngayon lang ulit nakapag-update. Kumusta na kayo, hahaha! Kinikilig pa rin?

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.7K 80
"๐™พ๐š‘, ๐š•๐š˜๐š˜๐š” ๐šŠ๐š ๐š๐š‘๐šŽ๐š–! ๐šƒ๐š ๐š˜ ๐š•๐š’๐š๐š๐š•๐šŽ ๐š—๐šž๐š–๐š‹๐šŽ๐š› ๐š๐š’๐šŸ๐šŽ๐šœ! ๐™ธ๐š'๐šœ ๐š•๐š’๐š”๐šŽ ๐š๐š‘๐šŽ๐šข'๐š›๐šŽ...๐š๐š˜๐š™๐š™๐šŽ๐š•๐šรค๐š—๐š๐šŽ๐š›๐šœ ๐š˜๐š ๐šŽ๐šŠ๐šŒ๐š‘...
758K 20.5K 76
แ€™แ€„แ€บแ€ธแ€Ÿแ€ฌ แ€œแ€ฐแ€žแ€ฌแ€ธแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€€แ€šแ€บแ€แ€„แ€บแ€”แ€ฑแ€แ€ฒแ€ทแ€†แ€›แ€ฌแ€แ€”แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธแ€•แ€ฑแ€™แ€šแ€ทแ€บแ€€แ€ญแ€ฏแ€šแ€ทแ€บแ€กแ€แ€ฝแ€€แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€ท แ€กแ€แ€ปแ€…แ€บแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ฏแ€žแ€•แ€ฑแ€ธแ€™แ€šแ€ทแ€บ แ€กแ€แ€ปแ€…แ€บแ€’แ€ฑแ€ซแ€€แ€บแ€แ€ฌแ€™แ€œแ€ฑแ€ธแ€•แ€ซ..... #แ€…แ€แ€บแ€...
1.5M 26.5K 55
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...
203K 12.4K 26
"i accidentally dropped four true love's arrows on earth which hit the mikaelson brothers. oops." IN WHICH Cupid accidentally shoots four arrows of t...