ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 47: CHAOS

412 26 10
By angelodc035

Dumadagundong ang kalangitan at tila humihinga ang lupa. Ang malakas na hangin ay humahampas hanggang sa pinakamurang dahon ng bawat sanga ng mga maliliit at naglalakihang mga puno sa mga kagubatan. Matatalim na mga kidlat ang gumuguhit sa maiitim na mga ulap at tumatama sa mga nangangalit na alon sa malawak karagatan sa ikatlong mundo.

Naglalakihang mga alon ang mapuwersang humahampas sa mga pamayanan at lungsod sa mga dalampasigan ng ikatlong mundo. Libo-libo ang mga nangamatay at nasaktan mortal man at imortal ang nagkalat sa mga daan. Nagkabiyak-biyak ang mga kalsada sa mga mayayamang lungsod sa Eloria, Murcia, Quinta, Camalig at iba pang kilala at mayayamang lungsod na nagpaguho rin sa mga istraktura at magagarang gusali. Mga bulkan na nagsimula na rin mangalit at patuloy na naglalabas ng mga nag-aapoy na mga bato at putik.

Binalutan ng mga makakapal at maiitim na ulap ang araw kasama ng mga mapupula't matatalim na kidlat na lalong nagdulot ng takot sa mga mamamayan ng ikatlong mundo. Takot na hindi nila naranasan sa mahabang panahon ng kanilang buhay.

Nagsimula na rin sa pagkatuyo ang malalamig at napakasarap na sariwang tubig sa mga bukal ng mga lumulutang na isla ng Sabang. Unti-unti ay gumuguho ang mga ito at nalalaglag sa karagatan ng Trinity.

Sa mga makakapal na kagubatan ay nagsisimulang umatake ang mga dati'y mababait na mga dambuhalang mga halimaw. Ngayon ay kasama na sila ng mga mababangis na uri nila at walang pinipili sa kanilang mga mabibiktima.

Lahat ng bahagi ng ikatlong mundo ay hindi na nagiging ligtas kahit sa ano mang uri ng nilalang mortal man at imortal, mga hayop sa lupa o sa himpapawid maging sa mga ilog at dagat.

Hindi na muling sisikat pa ang araw sa mundo man ng mga tao at elemental sa sanlibutan. Dahil sa pagkamatay ni Bathala ay unti-unti ng nawawala ang balanse ng mundo. Unti-unti na rin namamatay ang tahanan ng lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa paghahari ng mga anak ng buwan, sa pangunguna ni diyosang Bulan.
------------------

Ginising si Caren ng mga kalabit at tawag ni Ceasar. Malakas ang ulan ng mga oras na iyon at nangangalit ang paghambalos ng hangin sa paligid. Maya't-maya ay mapupulang pagkislap sa himpapawid ang bahagyang magpapailaw sa kadiliman ng gabi kasabay ng mga nakakabinging kulog na halos magpalundag sa bagong gising na si Caren.

Mula sa pagkakahiga ay umupo si Caren na pinupunasan ang mga muta sa kanyang mga mata. Hindi niya namalayan na gabi na rin pala at nakatulog siya sa ilalim ng tulay na kung saan nahulog sina Alex at ang babaeng lobo. Dala na rin siguro ng pagod at puyat kaya naging mahimbing ang kanyang pagtulog. Limang araw na rin ang nakakaraan mula ng lusubin sila ng mga anak ng buwan at mahulog roon si Alex ng tangkahin niyang iligtas ang batang si Adrian.

Kapansin-pansin ang pangingitim sa paligid ng kanyang mga mata at ang pangangayayat nito dahil hindi na rin niya napansin kung kailan siya huling nakatulog at nakatikim ng pagkain dahil sa pag-asang mahahanap pa rin niya si Alex.

Bakit ba siya nasasaktan ng ganito? Ang katanungang pilit niyang inaalis sa kanyang isipan dahil mauuwi lang lagi sa pagsisisi at panghihinayang. Kung maibabalik lang sana niya ang nakaraan hinding hindi niya ito hahayaang mangyari sa kanila.

Ilang araw na rin naging kakaiba ang mga nagaganap sa kanilang paligid. Kailan lang ay ang madalas na pagyanig at pagbibitak ng lupa sa mha lungsod at kanayunan. Ngayon naman sa kanyang paggising ay ang nangangalit sa lakas ng hangin at ulan. Ito na ba talaga ang mga senyales ng katapusan ng mundo? Na kung tutuusin ay mas maswerte pa ang mga unang nangamatay kaysa silang naiwan at naririto pa rin ngayon daranasin pa ang mga susunod na pag-atake ng mga kampon ng kadiliman. Dito lamang ba sa Pilipinas nangyayari ito o sa iba't-ibang panig ng daigdig rin? Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam dahil mula ng nangyari ang mga paglusob naputol na lahat ng komunikasyon at wala ng balita kahit sa ibanh parte ng Pilipinas.

Tumingin si Caren kay Ceasar. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ng lalaki sa kanya dahil sa napapabayaan na nitong katawan na unti-unti ng nawawalan ng lakas.

"Caren, halika sumama ka sa akin. May ipapakita ako sa'yo pero gusto ko na tibayin mo ang loob mo." ang wika ni Ceasar sa kanya na halos hindi niya marinig sa sobrang lakas ng hangin at ulan.

"A...anong ibig mong sabihin? " ang naging tugon ni Caren sa kaibigan.

Tila nag-isip muna si Ceasar bago niya sinagot ang tanong ni Caren.

"Nakita na namin si Alex..." ang sagot ni Ceasar na nanginginig ang boses.

Nagliwanag ang mukha ni Caren pagkarinig niya sa pangalan ni Alex. "Si Alex! Nasaan siya? Tara puntahan na natin siya!" ang tila hindi makapaniwalang wika ni Caren na kaagad na tumayo sa kinahihigang konkretong sahig at hindi na makapaghintay.

"Pero..."

"Anong pero? Di ba natagpuan na ninyo siya? Kaya tara na! Kailangan ko siyang makita. Kailangan na malaman niyang nag-aalala ako at hindi tumigil sa paghahanap sa kanya." ang nasasabik na wika ni Caren na animo'y isang bata na tuwang-tuwang buksan ang mga regalo sa kanyang harapan.

Bumuntung hininga si Ceasar at yumuko. Hindi siya makatingin sa nangungulit na si Caren. Ayaw niyang saktan ang kaibigan sa pag-asang makikita pa nito si Alex, pero wala na siyang ibang paraan kundi sabihin sa kanya ang katotohanan.

"Saan? Saan ninyo siya nakita? Pupuntahan ko siya. Kailangang malaman niya...kailangan malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya."

"Wala na siya... " ang maikling tugon ni Ceasar kay Caren. Maikli pero natahimik ang babaeng pulis.

Napanganga at hindi naniniwala si Caren sa kanyang narinig mula sa kaibigan. Natawa siya pero naramdaman niya ang kirot sa kanyang puso. Pumiling siya at inilagay ang kanyang kanang palad sa noo nito at yumuko.

"Hindi...hindi totoo yan."ang pabulong na wika nito. "...hindi totoo yan, buhay pa si Alex. Buhay pa siya nararamdaman ko." pilit na pinipigilan ni Caren ang kanyang pag-iyak. Huminga siya ng malalim. Matapang siya at hindi siya basta-basta umiiyak pero ngayon napakabigat ng kanyang dibdib. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang manuntok at magmura. Huminga siya ng malalim ng tatlong ulit. "...hindi, pupuntahan ko siya gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makita at sabihin sa kanyang mahal ko rin siya." sa pagkakataong iyon ay hindi na nito mapigilan ang humagulgol sa harapan ng kaibigan.

Kaagad na niyakap ni Ceasar si Caren at awang-awa siya sa dinaranas nito. Damang-dama nito ang sobrang sakit at bigat sa dibdib na dala-dala ngayon ng kaibigan. Hinayaan niya itong umiyak ng umiyak para mawala ang bigat na nararamdaman nito sa kanyang dibdib.

"Natagpuan namin ang katawan niya na naaagnas na halos katabi nito ang katawan ni Dorothy ang kasamahan namin na tumangay kay Adrian at kasamang nahulog sa tulay ni Alex." ang paliwanag ni Ceasar kay Caren na nakayakap pa rin sa kanya.

"Hindi...hindi." ang humahagulgol pa ring si Caren na tila nakikisabay sa kanyang pagdadalamhati sa masungit na panahon.

Nang tumila na ang malakas na ulan at hangin ay tahimik na sumama si Caren kay Ceasar. Halos kalahating oras din ang kanilang nilakad bago nila narating ang isang gusali sa tabi ng ilog. Tanaw na tanaw nila mula sa labas ang mumunting ilaw na nanggagaling sa bintana ng gusali. Marahil ay may mga tao na rin ang naroroon sa loob para ayusin ang katawan ni Alex at ihanda na ito sa kanyang huling hantungan.

Pero gusto pa ring makita ni Caren ang sinasabing wala ng buhay na katawan ni Alex dahil hindi pa rin nito matanggap sa isipan na wala na ang lalaking mahal niya.

Nanginginig ang kanyang mga tuhod habang papalapit sila sa may pintuan ng gusali. Bumibigat ang kanyang pakiramdam sa bawat paghakbang na kaniyang ginagawa papalapit sa pintuan. Muli ay pinipigilan niya ang maiyak. Malakas siyang babae at iyon dapat ang makikita sa kanya hindi ang iyaking si Caren. Huminga siya ng malalim pagpasok niya sa nakabukas na pinto ng gusali. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya si Demetria na nakatingin sa kanya. Si Odessa na nasa tabi ng nanghihina pa ring si Randy, si father Mexo na halata sa kanyang mukha ang pag-aalala nito sa kanya lalo na ng makita siya nitong papasok sa pintuan. Naroroon ang iba pang mga mukha na pamilyar sa kanya pero hindi na rin matandaan ang mga pangalan. Wala sina aling Luming at Margaux sa loob ng gusali, habang si Sagaway ay nananatiling nasa labas ng gusali at nagmamatyag sa paligid.

Sa isang mesa ay naroroon ang bangkay ng naagnas na katawan ng isang lalaki. Nakabalot ito ng puting tela na namamarkahan na ng mantsa galing sa nabubulok na katawan ng bangkay. Marahan ay lumapit si Caren sa bangkay at huminga ng malalim bago niya iniangat ang nanginginig nitong kamay para iangat ang puting tela sa gawing ulo ng bangkay.

Dahan-dahan sa pag-angat sa puting tela si Caren habang ang karamihan ay nagtakip ng kanilang mga ilong dahil sa masangsang na amoy ng bangkay. Pagka-angat nito sa tela ay nanlaki ang mga mata ni Caren dahil hindi nito makilala pa ang hitsura ng bangkay pero pamilyar sa kanya ang suot nitong damit at relo na personal niyang ibinigay sa kanya ng una silang nagkahiwalay sa Bulacan.

"A...Alex?..." ang bulong niya at naramdaman na lamang niyang bumalot ang kadiliman sa kanyang paligid at wala na siyang naramdaman pa sa pagkakataong iyon.
----------------------

Alam ni diyosang Tala na sinusundan siya ni Daleria, ang isa sa tatlong manggagaway na nakalaban niya sa Philontra. Ayon na rin sa sinabi sa kanya ng namayapang kaibigan niyang si Arathanias, si Daleria ay isang Mangcucusi. Mga pinakamatandang uri at makapangyarihang mangkukulam na nagmula ang angkan sa mga manggagaway at diyos. Mga uhaw sa dugo ng mga diyos at diyosa para magkaroon ng mas malakas na kapangyarihan. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi siya tinitigilan ni Daleria maliban sa utos ng kanyang kapatid na siya'y dakpin.

Ipinukpok ni diyosang Tala ang dulo ng tungkod ng kanyang ama pagdating niya sa tarangkahan ng bahay ni Arathanias. Mula sa dulo nito ay mabilis na naglabasan ang mga sanga-sangang kuryente at tila hinigop nito ang diyosa papunta sa Kalangitan, ang kaharian ni Bathala.

Tila ibinagsak naman siya ng mga kidlat sa ginintuang trono ni Bathala sa Bulwagan ng mga diyos sa pinakagitnang bahagi ng gusali. Napahawak si diyosang Tala sa upuan ng kanyang ama at damang-dama niya ang bigat ng pakiramdam. Hinahanap ng kanyang mga mata ang ama na dati rati ay madaratnan niya ditong nakaupo, abala sa pakikipag-usap sa mga iba't-ibang nilalang na dumudulog sa kanya. Minsan naman ay nag-iisa siya rito at nag-iisip kung paano masosolusyonan ang iba't-ibang mga bagay at suliranin sa kanyang nasasakupan.

Ni minsan ay hindi sila nagtalo ng kanyang ama. Madalas ang kanyang kapatid na si diyosang Bulan ang kasa-kasama rito ng kanyang ama para sabihin ang mga plano nito para proteksiyonan ang Kalangitan. Madalas ay napapagalitan siya ng kanyang ama dahil sa mga maling desisyon o kaya naman ay ang pakikisalamuha nito sa mga tao. Hindi iyon matanggap ni Tala sapagkat madalas rin na nakikisalamuha si Bathala sa mga tao. Makailang ulit rin niyang nakita ang ama na nagbubukas ng mga Pilunlualan papunta sa mundo ng mga tao. Pero ni minsan ay hindi siya nakipagtalo o sumagot man lang sa pinakamamahal niyang ama.

Madalas ang pinagbubuhusan niya ng sama ng loob ay ang kanyang kapatid na si diyosang Bulan. Malapit sila sa isa't-isa at hinahangaan niya ang kapatid sa kanyang talino at galing sa pakikidigma. Napakatapang ni diyosang Bulan at magaling na pinuno sa mga mandirigma at sundalo ng Kalangitan. Marami na ang nagbalak na patumbain ang kanilang kaharian at alisin sa puwesto ang kanyang amang si Bathala, pero dahil sa pamumuno ni diyosang Bulan ay nanatili sa puwesto si Bathala.

Kaya hindi lubos maunawaan ni diyosang Tala kung bakit nagawa ito ni diyosang Bulan, ang pagtaksilan ang Kalangitan. Napakabait sa kanya ng kanyang kapatid kaya buo ang tiwala niya rito. At ang pagtitiwalang iyon ang kanyang naging kahinaan at ginamit na paraan para maisakatuparan ang masamang balakin ni diyosang Bulan.

Muling sumagi sa mga alaala ni diyosang Tala ang mga pangyayari na naging dahilan ng pagbagsak ni Bathala bilang diyos ng Sanlibutan.

"Bakit lagi na lang mali sa mata ni ama ang aking mga ginagawa? Wala na akong ginawang tama." ang sumbong ni diyosang Tala kay diyosang Bulan.

"Mahal kong kapatid, ayaw ka lang mapahamak ni ama. Lalo na nagkalat ang mga kalaban niya sa ikatlong mundo di ba? " ang wika ni diyosang Bulan na inaaro ang kapatid.

"Nararamdaman ko kasi na hindi patas si ama sa kanyang mga anak. Parang ipinararamdam sa akin na isa akong mahinang diyosa. Pinakamahina sa lahat ng anak niya."

Ngumiti si diyosang Bulan at hinagod ang mahaba't kulay pulang buhok ng kapatid." Hindi totoo yan, mahal na mahal ka ni ama kaya nga ayaw na ayaw niyang may mangyari sa'yo. Ayaw ka niyang mawala sa kanyang mga mata dahil sa lahat ng kanyang naging asawa, ang ina mo ang labis niyang minahal. Ayaw niyang sapitin mo ang nangyari sa iyong inang si Aurora. Pinoprotektahan ka lang ni ama."

"Pero matagal ng wala si ina. At kailan man hindi ako ang aking ina, iba ako." ang katwiran ni diyosang Tala.

"Sumunod ka na lang sa kanya mahal kong kapatid at darating din ang araw ay maiintindihan mo rin."

"Kailan pa kaya mangyayari iyon? At sana nga maintindihan ko. Gusto kong maging tulad mo, isang napakagaling na mandirigma at may mga sariling sundalo." ang wika ni diyosang Tala sa kapatid.

Hinawakan ni diyosang Bulan ang magkabilang pisngi ng kapatid at tumingin ito sa mga mata nito. "Magiging katulad mo ako aking kapatid, magiging madirigma ka rin tulad ko na may mga mandirigmang sundalo. Malapit na malapit na iyon pangako." ang tugon ni diyosang Bulan sa kapatid.

Hinawakan niya ang mga kamay ng kapatid sa kanyang mga pisngi at saka bumuntong-hininga. "Sawa na ako sa paghihintay. Pati nga sa pakikipagtipan ko kay Suku ay kailangang palihim pa rin hanggang ngayon. Ni hindi ko nga siya mapapunta rito sa kalangitan eh. Baka ano pa ang gawin ni ama sa kanya."

Inalis ni diyosang Bulan ang kanyang mga kamay sa pisngi ng kapatid at saka tumalikod sa kanya. Humakbang ito ng makailang beses at muling humarap sa kay diyosang Tala. "Gusto mo ba talagang magbago ang pagtingin sa'yo ni ama?" ang seryosong tanong nito sa kanya.

"Oo naman siyempre. Pero imposibleng mangyari 'yan alam mo namang mahirap baguhin ang mga desisyon ni Ama." ang tugon niya sa kapatid.

"May paraan kung talagang gusto mo."

"Gusto ko, pero paano?" ang ngayo'y interesadong tanong ni diyosang Tala sa kapatid.

"Halika kapatid ko, lumapit ka."

Kaagad naman lumapit si diyosang Tala sa kapatid at naupo sila sa ikalawang hakbang ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bulwagan.

"Kung gusto mong mag-iba ang turing sa'yo ni amang Bathala ay kailangan mong ibigay sa akin ang langgam na tinatawag nilang Antique." ang nakangiting wika ni diyosang Bulan.

Halos mapatayo naman sa kanyang kinauupuan si diyosang Tala pagkarinig sa pangalan ng langgam nabinanggit ng kapatid sa kanya. Sinubukan siyang pinigilan ni diyosang Bulan.

"...sandali, kapatid ko. Hayaan mo munang ipaliwanag ko sa'yo. Mali ka ng iniisip."

"Napakamapanganib ng langgam na 'yon mahal kong kapatid. Ayokong mapahamak si ama para lang magbago ang turing niya sa akin."

"Kahit naman ako mahal ko ang ating ama. Hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya at hindi ko iyon kayang gawin, alam mo iyan di ba? "

Tumango si diyosang Tala. "Pasensya na aking kapatid." ang medyo nalilitong si diyosang Tala.

"Mahal kita aking kapatid, pero masisisi mo ba ako na nasasaktan din ako kapag pinapagalitan ka ni ama kahit wala naman basehan at dahilan kung pagalitan ka niya? Saka andito naman ako para protektahan ka at turuan kang maging malakas sa pamamagutan ng pakikidigma. Pati iyon ipinagkait niya hindi lang sa'yo pati na rin sa akin bilang kapatid mo." ang tugon ni diyosang Bulan na naging mataas ang emosyon.

Halos hindi nakasagot si diyosang Tala sa narinig mula sa kanyang kapatid. Mahal talaga siya ni diyosang Bulan. Marahil kapakanan lang niya ang iniisip ng kapatid at hindi para mapahamak ang kanilang ama. Naniniwala rin siya na mahal na mahal ni diyosang Bulan ang ama at maraming pagkakataon na rin niya itong pinatunayan. "Pasensya na kapatid ko. Naniniwala naman ako na mahal mo ako at si amang Bathala. Salamat sa pagmamalasakit mo sa akin." ang halos maiyak na tugon niya kay diyosang Bulan.

Pilit na ngumiti si diyosang Bulan at hinawakan ang kamay ng kapatid. "Kapatid mo ako kaya may responsibilidad din ako sa'yo. Gusto ko rin na maging masaya ka at maging malaya at gawin ang ninanais mong gawin."

Marahan ay tumingin siya sa mga mata ni diyosang Bulan. Damang-dama niya ang sinseridad nito at pagmamahal niya sa kanya.

"Sige mahal kong kapatid, sabihin mo sa akin kung ano ang aking gagawin." ang buong tiwalang wika ni diyosang Tala sa kapatid.

"Kung gayon kapatid ko, dalhin mo sa akin ang Antique na mahahanap mula sa kuweba sa paanan ng bundok Bauel sa Adlauan. May mga orasyong gagawin ang aking kaibigang babaylan para hindi makamamatay ang lason nito. Ang magiging epekto nito ay sa ugali ng ating ama sa'yo." ang paliwanag ni diyosang Bulan kay diyosang Tala.

Pero nababahala pa rin si diyosang Tala sa tinuran ng kapatid. Hindi sa magiging epekto nito sa kanilang ama kundi kung paano makukuha ang Antique sa bundok ng Bauel.

Napansin iyon ni diyosang Bulan at naunawaan ang pag-aalala ng kapatid. Wala pang nilalang na pumasok ang lumabas ng buhay sa kuweba sa bundok ng Bauel kahit na diyos pa ang iilan sa mga ito. Kaya imposible pa rin ang sinasabi sa kanya ni diyosang Bulan.

"Walang lugar ang iyong pag-aalala kapatid ko. Naririyan lang sa paligid mo ang solusyon sa pagkuha sa Antique." ang sabi ni diyosang Bulan.

"Aanong ibig mong sabihin, kapatid na Bulan?"

"Kaya nga nandiyan sa buhay mo si Suku di ba?" ang tugon ni diyosang Bulan.

"Oo, pero paano? Saka baka mapahamak siya."

"Tala, Tala aking kapatid. Walang mangyayari kay Suku. Nakalimutan mo na ba na siya lamang ang tanging may kakayahang makapagpalit ng anyo na kahit ano mang uri ng nilalang mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki? Siya ang sagot sa pagkuha ng Antique." ang nakangiting paliwanag ni diyosang Bulan.

Napagtanto ni diyosang Tala na tama ang kanyang kapatid. Kakausapin niya si Suku ang kapatid ni Mariang Sinukuan at ang Hari sa kaharian ng Alaya na masugid niyang manliligaw at naging kasintahan, para kuhanin ang Antique sa bundok ng Bauel. Gusto na niyang maging malaya at gawin ang lahat ng gusto niyang gawin na hindi minamando ng kanyang amang si Bathala.

Mula sa pag-uusap nilang magkapatid ay hindi na nag-aksaya ng panahon si diyosang Tala. Kaagad ay nakipagtipan siya kay Suku at sinabihan niya itong kuhanin ang makamandag na langgam. Dahil sa pagmamahal nito sa diyosa ay hindi naman nagdalawang-isip na sumunod si Suku sa kanya at kaagad na naglakbay sa bundok ng Bauel para hanapin ang kuweba kung saan matatagpuan ang Antique.

Nagtagumpay si Suku sa paghuli sa Antique. Mabilis siyang bumalik sa kasintahan at ibinigay kay diyosang Tala ang langgam na nababalutan ng mga dahon na nagpapatulog dito.

Mabilis na pinuntahan ni diyosang Tala ang kapatid para ipakita ang Antique. Noon din ay pinagplanuhan ng magkakapatid kung paano iyon mailalagay sa katawan ni Amang Bathala na hindi nito napapansin ang Antique.

Isinagawa nila ang plano ng magdaos ng isang piging si Bathala sa Bulwagan ng mga diyos. Isang piging na pagkilala ni Bathala ang pakikiisa ng kanyang kapatid na si Sumakwel para sa pangmatagalang kapayapaan sa Sanlibutan. Napakarangya ng piging at pinaghandaan iyon ng buong kalangitan dahil sa pagtatapos ng alitan na halos tumagal ng isang daang libong taon ng magkapatid.

Halos naroroon sa piging ang mga anak ni Bathala na nakabihis ng kani-kanilang magagandang kasuotan. Naroroon din ang pamilya at kaanak ni Sumakwel na isinantabi rin ang galit para maisakatuparan ang kapayapaan sa dalawang pamilya ng mga diyos.

Alitan sa Trono ng kalangitan ang pinagmulan ng gulo sa pagitan ng magkapatid. Parehong panganay sa magkaibang ina kaya nag-agawan sa trono para iluklok ang kanilang mga sarili sa tronong iniwan ni Amang Suba. Ngunit bago pa man umalis papunta sa Kaluwalhatian si Amang Suba ay ibinigay nito ang basbas kay Bathala bilang bagong pinuno ng mga diyos sa kalangitan.

Inakala ni Sumakwel na nadaya siya kaya isinumpa niyang hindi patatahimikin ang pamumuno ni Bathala sa kalangitan. Pero nag-iba ang ihip ng hangin at ngayo'y kusang nagpakumbaba si Sumakwel at nag-alok ng kapayapaan sa Kalangitan.

Sa pagsisimula ng piging ay isa-isang pumasok ang mga diyos at diyosa sa buong kalangitan. Mga hari at reyna ng lahat ng nilalang sa sanlibutan kasabay ng napakagandang musika na tinutugtog ng mga musikero ng Kalangitan.

Naging abala ang lahat sa pagtitipon. Marahil isa ito sa pinakaengrandeng pagtitipon ang nasaksihan ni diyosang Tala mula ng magkaisip siya. Kasama niya sa kanyang tabi ang kanyang kapatid na si diyosang Bulan na nasa anyong bata dahil sa bagong buwan na nasa kalangitan. Sabay silang naglalakad sa pinakagitnang bahagi ng bulwagan papunta sa trono ng kanyang ama.

Palihim na iniabot sa kanya ni diyosang Bulan ang tuyong dahon na kung saan naroroon ang natutulog na napakaliit na itim na langgam, ang Antique.

Itinago ni diyosang Tala sa kaniyang kamay ang tuyong dahon. Ang tanging gagawin lang niya ay lamutakin ang dahon para lumabas ang Antique mula rito.

Kinakabahan man ay hindi nagpahalata si diyosang Tala sa kanilang plano ng kanyang kapatid. Nagbigay-pugay sila sa lahat ng mga deligado at mga pinuno ng bawat kaharian sa Sanlibutan bago sila nakarating kay Bathala.

"Haah!!!" ang aking pinakamamahal at magagandang mga anak." ang sabi ni Bathala at sabay yakap kay diyosang Bulan na nasa anyong bata. Hinalikan niya sa noo si diyosang Bulan at kitang-kita sa mukha nito ang kasiyahan.

Lalong kinabahan si diyosang Tala sa kanyang gustong gawin. Sa pagkakatong iyon ay nagdadalawang isip na niya itong ituloy pa ang kanilang masamang plano dahil nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal sa ama.

Kumawala na sa pagkakayakap si Bathala kay diyosang Bulan. Pagkakita nito sa napakagandang si diyosang Tala ay buong ngiti itong humarap sa anak. "Tala, ang aking pinakamamahal na anak!" sabay yakap din kay diyosang Tala.

Halos hindi makayakap si diyosang Tala sa ama dahil pilit niyang inilalayo sa kanyang kamay ang tuyong dahon kung saan naroroon ang Antique. Hindi na niya isasagawa ang plano. Marahil may dahilan talaga ang kanyang ama kung bakit naghihigpit ito sa kanya.

"Konting tiis na lang anak ko, ilang araw na lang at darating na si Hiligayon para turuan ka sa pakikibaka, siya rin ang nagturo kay Bulan. Dahil panahon na para ikaw naman ang mangalaga sa kahariang ito, lalo na sa iiwan kong trono. " ang pabulong na wika ni Bathala sa tenga ni diyosang Tala.

Kinilabutan si diyosang Tala sa narinig mula sa ama. Napatingin siya kay diyosang Bulan na halos naiiyak. Ipiniling nito ang kanyang ulo upang ipahiwatig sa kapatid na huwag ng ituloy ang kanilang plano. Kitang-kita ni diyosang Tala ang pagbabago sa mukha ni diyosang Bulan dahil sa pag-bawi nito sa kanilang kasunduan. Iwinasiwas ni diyosang Bulan ang kanyang maliit na kamay at tila nakaramdam naman ng pagkapaso ang kamay ni diyosang tala. Dahilan para mabitawan nito ang tuyong dahon sa kanyang kamay. Tuluyang nalaglag ang tuyong dahon sa kasuotan ni Bathala.

"Hinde... " ang tanging nasabi ni diyosang Tala. Akmang papagpagin sana niya ang kasuotan ng ama ng biglang  inalis ng ama ang pagkakayakap sa kanya at tinanggap ang baso ng alak mula kapatid niyang si Sumakwel. Tumayo sa harapan ng kanyang trono si Bathala para bigyang pugay ang kanyang kapatid na ngayon ay kasama na niya sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Sanlibutan. Wala ng nagawa si diyosang Tala para maalis ang Antique sa kasuotan ng ama. Umaasa pa rin siya na sana hindi nalaglag ang langgam sa kanyang ama.

"Mga kaibigan! Isang pagbibigay pugay sa aking kapatid na ngayon ay ka-isa na natin para sa pagtataguyod ng pangmatagalan na kapayapaan sa Sanlibutan." ang wika ni Bathala na nakataas ang kamay na may hawak sa baso ng pulang alak na ibinigay sa kanya ni Sumakwel.

Umaasa pa rin si diyosang Tala na hindi nalaglag sa ama ang Antique. Ngayo'y nagsisisi siya kung bakit nagpadala siya sa kanyang nararamdaman. Sana ay walang mangyayaring masam sa kanyang ama dahil hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari ito.

"...mahal ko ang kapatid kong ito... " sabay tapik kay Sumakwel sa balikat. "...kaya saludo ako sa kanyang mga paninindigan at ipaglaban ang alam niyang tama! Kaya, mabuhay si Sumakwel! Mabu..." natigilan si Bathala at kinamot ang nangangating batok. "...mabuhay ang Kapayapaan! "

"Mabuhay!"

"Mabuhay! "

Ang tugon ng mga naroroon at nakikiisa sa piging ng magkapatid para sa kapayapaan ng Sanlibutan.

"...mabu...mabuhay ang, ang ka-la-ngi-tan... " bumagsak sa kinatatayuan si Bathala at napahawak ito sa kanyang upuan. Nalaglag mula sa kanyang kamay ang hawak na baso ng alak sa sahig at kumalat ang pulang inumin sa napakaputing sahig ng bulwagan kasama ng mga nagtalsikang mga bubog mula sa brilyanteng baso.

"Ama!!! " ang sigaw ni diyosang Tala pagkakita sa ama. Nangyari na ang kanyang kinatatakutan. Mabilis silang tumakbo papalapit sa nanghihinang ama habang natulala at nabahala ang mga nasa pagtitipon.

Naroroon sa tabi nila si Sumakwel na nag-aalala rin sa nangyari kay Bathala. Nanlilisik ang mga mata na tumingin si diyosang Tala kay Sumakwel. Galit na galit na tumayo si diyosang Bulan at sabay turo kay Sumakwel.

"Hulihin siya! Nilason niya si Amang Bathala! " ang malakas na sigaw ni diyosang Bulan. Hinawakan niya ang tungkod ni Bathala sabay tutok nito sa kapatid ng ama.

Binalutan ng mga boltahe ng kuryente si Sumakwel at hindi ito makakilos.

"Hulihin ninyo silang lahat! " ang utos ni diyosang Bulan sa mga paparating na mga sundalo ng kaharian habang nagsimula ng magkagulo sa loob ng bulwagan dahil sa paglaban ng mga kasamahan ni Sumakwel.

"Ano itong nagawa ko? " ang pabulong na wika ni diyosang Tala habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa loob ng bulwagan na dapat sana ay kapayapaan ang kanilang ipinagdiriwang.

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
39.7K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...
115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...